Uploaded by Joshua Soberano

AP 6 QUARTER 2

advertisement
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 6
Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:____________________________
Guro:____________________________________ Iskor:_______________________________________
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang
papel.
1. Ang mga sumusunod ay ang mga pagbabagong naganap sa edukasyon sa Pilipinas sa panahon ng mga
Amerikano MALIBAN sa isa.
A. Natuto silang magsalita ng wikang Ingles.
B. Natuto silang mag-isip na gaya ng mga Amerikano.
C. Naging pensyonado sa Estados Unidos ang mga mahuhusay na mag-aaral ng Pilipinas.
D. Nabawasan ang aspetong kultural ng mga Pilipino at napalitan ng kulturang Amerikano.
2. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng mga Amerikano?
A. Ituro ang wikang Espanyol.
B. Pagiging mabuting Kristiyano.
C. Ipalaganap ang Kristiyanismo.
D. Pagiging mabuting mamamayan.
3. Bakit ipinalaganap ng mga Amerikano ang edukasyon sa Pilipinas? Upang _______________________.
A. sugpuin ang nasyonalismo
B. maipaabot sa mga Pilipino ng Kulturang Amerikano
C. maibalik at muling paggamit ng wikang Filipino sa mga paaralan
D. magkakaroon ng kamalayan sa totoong layunin ng mga Amerikano sa bansa
4. Alin sa sumusunod na sistemang pang-edukasyon ang ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Ipinaturo nila ang Doctrina Cristiana.
B. Nagtatag sila ng mga paaralang parokyal.
C. Mga paring misyonero ang mga unang guro.
D. Ipinaturo nila ang demokratikong paraan ng pamumuhay.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa kalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng mga
Amerikano?
I. Natuto silang maglinis ng sarili.
II. Nalunasan ang malubhang karamdaman.
III.
A. I, II at III
B. I, II at IV
III. Humina ang resistensya ng mga bata.
IV. Nagamot ang nakakahawang mga sakit.
C. IV, III at II
D. IV, II at I
6. Ano ang naging bunga ng pagbibigay pansin ng mga Amerikano sa kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino?
A. Maraming Pilipino ang nag-aral ng medisina.
B. Marami ang nagkaroon ng mga nakakahawang sakit.
C. Nanatiling umasa ang maraming Pilipino sa mga magagawa ng mga albularyo.
D. Natutunan ng mga Pilipino ang wastong pagpapanatili ng kalinisan ng sarili at pagkain.
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpaunlad sa sistema ng transportasyon noong 1930?
I.
II.
II.
III.
Binuksan ang Ninoy Aquino International Airport.
Nadagdagan ang ruta sa dati ng linya patungong Dagupan.
Nadagdagan ang mga riles at ruta ng tren hanggang sa isla ng Panay.
Nabuksan ang Bicol express na nag-ugnay sa lungsod ng Maynila hanggang Timog Katagalugan.
A. I, II, III
B. II, III, IV
C. IV, III, I
D. Lahat ng nabanggit
8. Ano ang epekto ng pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?
A. Naging maganda ang buhay ng mga Pilipino.
B. Naging masigasig ang mga Piipino na mangibang bansa.
C. Naging matiwasay ang ang pamumuhay ng mga Pilipino.
D. Naging maunlad ang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang bansa.
9. Ito ay isa sa mga Patakarang Pasipikasyon na nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mga
samahan at kilusang makabayan.
A. Brigandage Act of 1902
C. Reconcentration Act noong 1903
B. Military Act of 1900
D. Sedition Law ng 1901 or Act No. 292
10. Ang patakarang Kooptasyon ay binuo upang higit na mapatatag ang patakarang pampulitika at
pangkabuhayan sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Alin sa sumusunod ang mga ipinatupad
upang palakasin ang patakarang ito?
I. Reorganisasyon ng pamahalaan.
II. Pagbabago sa sistema ng edukasyon.
A. I, II, III
B. I, II, IV
III. Pagbili ng mga lupain ng mga Prayle.
IV. Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon.
C. II, III, IV
D. Lahat ng nabanggit
11. Bakit naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produktong dayuhan?
A. Ang mga Pilipino ay mahilig magpasikat.
B. Ang mga Pilipino ay mahilig sa mamahaling bagay.
C. Inisip ng mga Pilipino na masarap gamitin ang galing sa ibang bansa.
D. Inisip ng mga Pilipino na mas maganda at mas matibay ang mga bagay na yari sa Amerika.
12. Naging makatarungan ba ang ginawang pamamalakad ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Oo, dahil namulat tayo sa kalupitan ng mga dayuhan.
B. Oo, dahil natuto tayong lumaban sa ating mga karapatan.
C. Hindi, dahil naging palaasa tayo sa tulong ng Amerikano.
D. Hindi, dahil inabuso ng Amerikano ang kabaitan ng mga Pilipino.
13. Naging patas ba para sa ating bansa ang pagkakaroon ng malayang kalakalan? Bakit?
A. Oo, dahil malayang nakapagluluwas ng produkto ang Amerika sa Pilipinas.
B. Oo, dahil napasailalim sa kapangyarihan ng Pilipinas ang ekonomiya ng Amerika.
C. Hindi, dahil ang malalaking industriya sa bansa ay nakontrol ng Amerika.
D. Hindi, dahil walang buwis at walang kota ang mga produkto na iniluwas ng Amerika at Pilipinas.
14. Ano ang mabuting naidulot ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos?
A. Naging limitado ang produktong galing sa Pilipinas.
B. Naging mabilis ang pag-angkat ng produkto mula sa Tsina.
C. Umasa ang mga Pilipinas sa produktong galing sa Estados Unidos.
D. Naging madali ang pagpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa.
15.
Itinatag ang Kawanihan ng Agrikultura upang matulungan ang mga magsasaka at maitaguyod ang pananim
at sakahan ng bansa. Ang sumusunod ay mga natutuhan ng mga Pilipino sa mga Amerikano, MALIBAN sa isa.
A. Paggamit ng mamahaling pataba.
B. Makabagong paraan ng pagsasaka at patubig.
C. Wastong paraan ng pagsugpo ng mga peste sa pananim.
D. Paggamit ng mga makabagong traktora at iba pang kagamitan sa pagsasaka.
16. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga naging pagbabago sa kabuhayan ng mga Pilipino sa panahon ng
mga Amerikano MALIBAN sa isa.
A. Tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
B. Nakapagbigay ng trabaho sa maraming Pilipino.
C. Bumagsak ang pamumuhunan at humina ang ating pangunahing produkto.
D. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ng mga Pilipinong mangangalakal.
17. Bakit hindi gaanong nakinabang ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano?
A. Hindi naibigan ng mga Amerikano ang produkto ng mga Pilipino.
B. Tumanggi ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan ng mga Amerikano.
C. Kontrolado ng mga Amerikano ang pamamalakad sa ekonomiya ng Pilipinas.
D. Mataas ang buwis na ipinataw ng mga Amerikano sa kalakal ng mga Pilipino.
18. Ang Batas Tydings – McDuffie ay isa sa mga batas tungkol sa kasarinlan ng mga Pilipino na may
probisyong______________.
A. pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila
B. tiyak na paglaya ng Pilipinas sa loob ng 10 taon o Transition Period
C. pagkontrol sa ekonomiya ng Pilipinas bilang kolonya sa loob ng 50 taon
D. pagpili ng dalawang kinatawan ng bansa para sa kongreso ng Estados Unidos
19. Alin sa mga sumusunod ang ipinairal ng mga Amerikano tungo sa mabuting pamamahala ng mga Pilipino?
A. Pagsunod ng mga Pilipino sa kabuhayang Amerikano.
B. Pagpapahintulot sa mga kababaihang Pilipino upang mag-aral.
C. Paglawak ng mga kalakal sa pamilihan mula sa Estados Unidos.
D. Pagbibigay ng kalayaan sa mga Pilipino na makapamahala sa sarili.
20. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng Philippine Organic Act of 1902 o Batas ng Pilipinas
sa mga Pilipino, MALIBAN sa isa. Ito _________________________________________________.
A. ang kauna-unahang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos
B. ang isa sa mga batas na nagsimulang ipakita ang pag-asa ng Pilipinas na umalis sa ilalim ng Estados
Unidos
C. ay may kaugnayan sa mga artikulong kasama ang karapatang pantao ng mga Amerikano mula sa
pananaw ng Estados Unidos
D. ay nagbigay ng mga talaan ng mga karapatan, ang pagtatatag ng iba`t ibang mga kagawaran ng gobyerno
at parliyamento sa Pilipinas
21. Ang Asamblea ng Pilipinas ay nagpatunay na ang mga Pilipino ay may kakayahan sa pamahalaan na gumawa
ng batas para sa sariling bayan. Alin sa mga sumusunod ang mga nagawa ng Asamblea?
I.
II.
III.
IV.
Pagtatag ng isang bangko para sa mga magsasaka
Pagtatakda ng unang araw ng Mayo bilang Araw ng Kalayaan
Pagpapaunlad ng sistema ng ng komunikasyon at transportasyon
Pagpapatibay ng batas para mapalaganap ang edukasyon sa buong bansa
A. I, II, III
B. I, III, IV
C. I, II, IV
D. Lahat ng nabanggit
22. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa?
A. Maraming Pilipino ang gumamit ng Tagalog.
B. Nagkaroon ng pambansang pagkakaintindihan.
C. Napadali ang paglalakbay sa iba’t ibang dako ng bansa.
D. Naging madali ang pagnegosyo sa ibat’ibang dako ng Pilipinas.
23. Ang Homestead Law ay ipinatupad upang malinang ang lupain sa bansa at mabigyan ng lupang sakahan ang
mga magsasaka. Paano ito isinagawa ng mga Amerikano?
A. Binigyan ng 10 ektaryang lupa ang bawat magsasaka.
B. Binigyan ng 25 ektaryang lupa ang mga gustong magsaka.
C. Pinaghatian ng mga Pilipino ang lupang binigay ng Amerikano.
D. Bumili ang Amerikano ng lupa at ipinagbili sa magsasakang Pilipino.
24. Sa panahon ng Komonwelt, ang mga kababaihan ay binigyan ng karapatang bumoto at manungkulan sa
pamahalaan. Sino ang nanguna sa kampanya ukol sa pagbibigay ng karapatan sa mga kababaihang makaboto?
A. Carmen Planas
C. Dr. Maria Paz Mendoza
B. Corazon Aquino
D. Pura Kalaw Villanueva
25. Upang lutasin ang mga suliranin sa panahon ng kanyang panunungkulan, nagsagawa si Pangulong Quezon
ng mga reorganisasyon sa pamahalaan batay sa mga probisyon ng bagong Saligang Batas ng 1935 sa
pamamagitan ng pagbuo ng maraming kagawaran at kawanihan. Sa iyong palagay, tama ba ang kanyang
ginawa?
A. Oo, upang mapabilis ang pag-unlad ng bansa.
B. Oo, upang matugunan ang mga pangangailangan ng bansa.
C. Hindi, dahil may mawawalan ng trabaho.
D. Hindi, dahil ito ay makadagdag sa gastusin ng bansa.
26. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting pagbabago sa panahon ngKomonwelt na naranasan ng mga
Pilipino sa larangan ng pulitika?
A. Pagmamay-ari ng sariling negosyo at kabuhayan.
B. Pag-aaral ng libre sa mga pampublikong paaralan.
C. Pagiging kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan.
D. Pagbibigay ng karapatan na makapili at makaboto ng mga pinuno.
27. Ang Death March o Martsa ng Kamatayan ay maituturing na pinakamalupit na pagpapahirap na ginawa ng
mga Hapones sa mga Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano ang ipinamalas na katangian
ng mga Pilipino bilang paraan ng pagmamahal sa bayan?
A. Pagkamalikhain
C. Pagmamahal sa demokrasya
B. Pagkamatiisin
D. Pagtatanggol sa kasarinlan
28. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet Republic dahil _____________
A. Pilipino lahat ang namumuno.
B. puppet ang kanilang paboritong libangan.
C. pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa.
D. ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
29. Ang sumusunod ay mga motibo ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas MALIBAN sa isa.
A. Gawing opisyal ang mga Pilipino sa bansang Japan.
B. Maghanap ng makukuhanan ng mga likas na yaman.
C. Pag-isahin ang mga bansa sa dulong silangang Asya para sa kaunlarang pang-ekonomiya ng rehiyon.
D. Lumalaki ang kanilang produksyon at kinakailangang magkaroon ng pamilihan ang kanilang mga
kalakal
30. Ang mga karapatan ay mahalaga sa ating mga Pilipino. Ano ang nangyari sa mga karapatang pantao nang
ipairal ng mga Hapones ang pamahalaang totalitaryan?
A. Binuwag at pinalitan ng bago.
B. Tuluyang inalis sa mga Pilipino.
C. Ipinawalang bisa dahil sa bagong pamunuan.
D. Binago at ginawang angkop sa kanilang pamahalaan.
31. Sa anong paraan hinarap ng mga Pilipino ang hamon ng pagbangon matapos ang digmaan?
A. Sila ay naging mapamaraan at malikhain.
B. Natuto silang magtanim sa bakanteng lote.
C. Sila ay napilitang makitira sa kanilang kamag-aral.
D. Ang mga tao ay natutong magbenta ng mga ari-arian.
32. Ano ang dahilan sa pagtatag ng KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas?
A. Maghanda ng Saligang Batas.
B. Maging kaalyado ng mga Pilipino.
B. Maging tagapayo sa mga kagawaran.
D. Magmaniobra sa mga pangyayaring politikal sa bansa.
33. Ang pananakop ng Hapones ay nagdulot ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Alin sa sumusunod
ang kabilang sa pagbabago ito?
A. Dumami ang nangibang bansa.
B. Tumaas ang pangangailangan sa pagkain.
C. Nagtagumpay ang kalakalan sa pagbebenta.
D. Nagkaroon ng magagandang tirahan ang mga Pilipino.
34. Naging matagumpay ba ang pagbabagong isinagawa ni Pangulong Laurel para sa ating bansa sa Panahon ng
Republika?
A. Oo, dahil sa pagtalaga niya ng bagong mga kawanihan.
B. Oo, dahil pinagsikapan niyang maging makatotohanan ang ginawang pagbabago.
C. Hindi, dahil nagpatuloy ang pang-aabuso sa mga Pilipino.
D. Hindi, dahil lalong dumami ang manggagawa sa mga tanggapan.
35. Ano ang naging kontribusyon ng PRIMCO (Philippine Prime Commodities Distribution Control Association)
upang masolusyunan ang kakulangan sa pagkain at isyu ng inflation?
A. Binayaran nang tama ang mga produktong kinukuha mula sa mga manggagawa.
B. Sapilitang binili ng pamahalaan sa mga manggagawa ang mga pangunahing produkto.
C. Kinontrol ng pamahalaan ang galaw ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
D. Nagrarasyon sa mga tahanan ng mga nabiling pangunahing pangangailangan sa mas mababang halaga.
36. Noong ika-7 ng Disyembre 1941, binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii sa utos ng Hukbong
Imperyal ng Hapon at ito ang naging hudyat ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano kaya ang magiging
epekto nito kung mararanasan natin ito sa ating lalawigan?
A. Matatakot ang mga tao.
C. Lalakas ang puwersa ng mga terorista.
B. Mawawasak ang mga ari-arian
D. Babagsak ang ekonomiya ng ating lalawigan.
37. Bakit naisip ni Gen. Douglas MacArthur na hindi kayang talunin ng mga Amerikano at Pilipino ang puwersa
ng mga Hapones?
A. Kulang sila sa kagamitang pandigma.
B. Hindi nagkakaisa ang mga Amerikano at Pilipino.
C. Sila ay mahina at walang kakayahang makipagdigma.
D. Nakaramdam sila ng takot sa laki ng puwersa ng mga Hapones.
38. Bakit hindi matanggap ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang pagbagsak ng Pilipinas sa kamay ng
mga Hapones?
A. Kampante silang mananalo sila sa labanan.
B. Makabago ang kanilang kagamitang pandigma.
C. Naniwala silang kaya nilang talunin ang mga Hapon.
D. Naniwala silang babalik ang hukbong tutulong sa kanila mula Estados Unidos.
39. Ang mga sumusunod ay ang naging ambag ng kilusang gerilya sa pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga
Hapones MALIBAN sa isa.
A. Pagsalakay at pakikipaglaban ng mga Pilipino.
B. Nagkakaisa ng mga Pilipino laban sa mga Hapon.
C. Nakipagtulungan sa Hapon laban sa mga Amerikano.
D. Nalaman at natukoy ng mga gerilya kung saan nagtatago ang mga Hapones.
40. Anong aral ang dapat nating matutuhan sa naging karanasan ng ating bansa noong panahon ng digmaan?
Paano natin maisasabuhay ang aral na ito?
A. Isawalang bahala ang mga karanasang ito.
B. Isisi sa pamahalaan ang mga kahirapang naranasan natin.
C. Huwag harapin ang mga pagsubok sa buhay at susuko nalang.
D. Kailangan nating maging matatag na harapin ang anumang pagsubok sa ating buhay.
Download