Uploaded by Allan Magsipoc

Fil 101- Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika (1)

advertisement
JOSE MARIA COLLEGE
Philippine- Japan Friendship Highway
Sasa, Davao City
Fil. 101
Introduksyon sa Pag-aaral ng
Wika
1
INTRODUKSYON
Ang modyul na ito na pinamagatang “Komunikasyon sa Akademikong Filipino” ay
isinagawa upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa Filipino 1 ng Jose Maria
College na magkaron ng iisang sanayang aklat na magagamit sa klase.
Ang mga paksang napapaloob sa modyul ay nakabatay sa mga paksang nakapaloob sa
iminungkahing silabus para sa Filipino 1 ng CHED o Commission on Higher Education. Bawat
paksa na komprehensibong tinalakay sa barayti ng wikang Filipino na palasak na ginagamit sa
kasalukuyang henerasyon ng mga kabataang Pilipino.
Pangkalahatang layunin ng kursong Filipino 1 na malinang ang kasanayan ng mga magaaral sa mabisang pakikipagkomunikasyon lalo na sa iba’t ibang akademikong talakayan.
Tinalakay sa modyul na ito ang mga pangkalahatang paksang kinabibilangan ng mga sumusunod:
1.
2.
3.
4.
5.
Mga Batayang Konsepto sa Wika
Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino
Diskurso at Komunikasyon
Mga Makrong Kasanayan sa Komunikasyon (Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat at
Panonood)
Sa pagtatapos ng bawat paglalahad ay may mga inihandang panapos na pagsusulit upang
matiyak ang naging partisipasyon ng mga mag-aaral sa pagbabasa at pag-aaral ng mga inihandang
modyul sa bawat kabanata.
Para sa mga mag-aaral, inaasahang makatutulong ang modyul na ito para sa mas madali
at makabuluhang pag-aaral ng mga batayang konsepto sa kursong Filipino 1. Sa pagkatapos ng
semester, inaasahang matamo ng bawat mag-aaral ang malawak na kaalaman hinggil sa wikang
Filipino at ang halaga nito sa paggamit sa iba’t ibang akademikong usapin. Inaasahan ding
malinang ang kasanayan sa mabisang pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood.
Para sa mga guro, sana ay maging instrumento ang modyul na ito sa matagumpay na
pagtuturo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng unipormidad sa mga paksang tatalakayin at
pagtamo ng istandardisadong pamamaraan ng pagtataya ng lahat ng natutunan ng ating mga magaaral.
Sa pangkalahatan, sana ay magkaroon ang modyul na ito ng makabuluhang kontribusyon
sa pagsisikap ng kolehiyo na mapaunlad ang mga kagamitang–pampagtuturo para sa
pagsasakatuparan ng vision, misyon at tunguhin ng Jose Maria College na magkaroon ng
“assured, consistent, and quality education.”
2
TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA I
WIKA
1.
2.
3.
4.
5.
Depinisyon at Katangian ng Wika
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
Kahalagahan ng Wika
Antas ng Wika
Barayti ng Wika
KABANATA II
FILIPINO: BILANG WIKANG PAMBANSA
AT AKADEMIKO
1.
2.
3.
4.
Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Filipino
Pagpaplanong Pangwika
Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino
Mga Tuntunin sa Pagbaybay
KABANATA III
KALIKASAN AT ISTRUKTURA
NG WIKANG FILIPINO
1.
2.
3.
4.
5.
Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino
Ponolohiya
Morpolohiya
Mga Pagbabagong Morpoponemiko
Sintaksis
3
6. Pagpapalawak ng Pangungusap
KABANATA IV
DISKURSO
1. Kahulugan ng Diskurso
2. Konteksto ng Diskurso
KABANATA V
KOMUNIKASYON
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Depinisyon at Halaga ng Komunikasyon
Uri at Katangian ng Komunikasyon
Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon
Komunikasyong Berbal
Komunikasyong Di-berbal
Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
4
KABANATA
I
WIKA






Depinisyon at Katangian ng Wika
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
Kahalagahan ng Wika
Tungkulin ng Wika
Antas ng Wika
Barayti ng Wika
5
DEPINISYON NG WIKA
Ang wika ay isang sistemang pangkomunikasyon ng tao na gumagamit ng mga
arbitraryong tunog na maaaring pasalita o pasulat. Ngunit, dahil sa dami at komplikado ng mga
wika sa mundo, hindi ito magagawang bigyang- kahulugan sa isang maikling depinisyon lamang.
Ating alamin ang mga pagpapakahulugan ng iba’t- ibang linggwista at manunulat tungkol sa wika.
1 Bejamin Lee Whorf.
Mula sa kanyang artikulong “Language, Thought and Reality”, inihayag niyang ang wika
ang humuhubog kung paano tayo mag- isip at siyang nagdedetermina kung ano ang kaya nating
isipin.
2. Ferdinand de Saussure
Maihahambing ang wika sa isang papel: ang kaisipan ang nasa harap at ang tunog ang nasa
likuran; hindi nagagawang gupitin ang harap nang hindi nagugupit ang likuran; ganoon din ang
wika, hindi maipaghihiwalay ang kaisipan mula sa tunog (Course of General Linguistics, 1916).
3. David Lodge
Ang wika ay isang tiyak na sistemang ginagamit sa iba’t ibang antas ng pagkamalikhain
tungo sa iba’t ibang uri ng di- tiyak na mga sitwasyon. Madalas ang pagsasama ng mga salita at
parirala ay tila buo na sapagkat hindi natin pinagsama-sama ang mga bagong salita sa tuwing tayo
ay nagsasalita (The State of Language, 1980).
4. Edward Sapir
Ang wika ay isang kolektibo at hindi konsyus na sining at resulta ng pagkamalikhain ng
sanlibong henerasyon.
5. Henry Gleason
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon.
6
KATANGIAN NG WIKA
Magkaiba man ang lahat ng mga wikang ginagamit sa buong mundo, mayroon
pa rin itong unibersal na katangian tulad ng mga sumusunod:
1. Ang wika ay masistemang balangkas
Lahat ng wika sa mundo ay mayroong set ng mga tuntuning sinusunod. Simula sa paglikha
ng tunog, salita at pangungusap. Sa larangan ng linggwistika, ang sayantipikong pag- aaral sa
makabuluhang tunog ng bawat wika at tinatawag na ponolohiya. Tinatawag namang morpolohiya
ang sayantipikong pag- aaral sa mga salita ng wika. Sintaksis naman ang tawag sa sistema ng
pagbuo ng pangungusap. Bawat wika ay mayroong natatanging sistemang sinusunod na hindi
matatagpuan sa iba.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog
Ang wika ay sinasalitang tunog sa kadahilanang ang bawat tunog ay binibigkas. Ang
karaniwang gamit ng wika ay sa pasalitang paraan. Noon lamang ito ginagamit sa pasulat na
paraan nang madiskubri ang pagrepresenta ng mga sinasalitang tunog. Samakatwid, ang pagsulat
na wika ay isang representasyon lamang ng sinasalitang wika.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos
Sa bawat pagsasalita ng tao, pinipili niya ang mga angkop na salitang bibigkasin sa paraang
mauunawaan ng kausap ang buong mensaheng nais na iparating. Isinasaayos din ang mga pahayag
batay sa gramatikal at semantical na sistemang sinusunod ng bawat wika. Pinipili rin ang angkop
sa sasabihin batay sa sitwasyon at kausap.
4. Ang wika ay arbitraryo
Arbitraryo ang wika sa kadahilanang batay salita ay natatangi sa iba’t ibang wika. Walang
nakapaloob ng relasyon sa pagitan ng mga salita at ng nirerepresentang ideya nito. Hindi
nagagawang maipaliwanag kung bakit ang salitang woman sa Ingles, babae sa Filipino, aurat sa
Urdu, zen sa Persia, at Femine naman sa French.
7
5. Ang wika ay ginagamit
Ang wika ay ginagamit sa pang- araw- araw na pakikipamuhay ng mga tao sa loob ng isang
lipunan. Hindi gagalaw o tatakbo ang lipunan kung walang wikang magagamit sa komunikasyon
ng bawat miyembro. Wika ang dahilan kung bakit naging sibilisado ang lipunan mula sa primitibo
tungo sa modernisado at teknolohikal na lipunan sa kasulukuyan.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura
Sa sinasabing ang wika ay kakambal ng kultura. Ang dalawa ay mga aspetong bumubuo
sa isang lipunan. Kung kaya, ang wika ay representasyon ng kultura ng lipunang siyang taggamit
nito. Ang kurunungan at yaman ng kultura ay naipapakita sa pamamagitan ng wika. Ang pagiging
mayaman at metatag ng isang wika ay nagrerepresenta rin ng mayaman at matatag na kultura.
Wala ring wika na magkatulad sa buong mundo sapagkat bawat lipunan ay mayroon ding
magkaibang kultura. Mayroong mga salita at katawagang hindi matatagpuan sa ibang wika at
naroon naman sa iba sa kadahilanang hindi bahagi ng naturang kultura ang nasabing konsepto,
bagay o ideya.
7. Ang wika ay nagbabago
Kasabay ng pagbabago ng buhay ng tao sa bawat araw, sabay ding nagbabago ang wika.
Ito ang dahilan kung bakit mayroong mga salitang nawawala, nadadaragdag, at napapalitan batay
sa bawat yugto ng pagbabago ng panahon. Subalit ang pagbabago ng wika ay nangangahulugang
buhay ito at hindi mamamatay.
8
MGA TEORYA NG PINAGMULAN
NG WIKA
Marahil ipinagtataka ng karamihan kung saan nagmula ang wika at sa paanong
nagkakaroon ng napakaraming wika sa mundo. Ilan lamang ang mga sumusunod na teorya ang
nagpapaliwanag at nagsasalarawan sa pinagmulan ng wika.
1. Tore ng Babel
Inilalahad sa Bibliya ang kwento tungkol sa Tore ng Babel. Nakapahayag na noong unang
panahon binigyan ng Diyos ang tao ng iisang wika lamang. Malaya silang
nakikipagkomunikasyon sa bawat isa hanggang sa dumating ang panahong naging mapanghangad
na ang mga tao at ninanais nilang gumawa ng isang toreng aabot sa langit. Upang masugpo ang
kanilang pagiging mapanghangad, pinarusahan sila ng Diyos at binigyan ng iba’t ibang wika.
Bunga nito, sila ay nagkawatak- watak at hindi naipagpatuloy ang masamang hangarin.
2. Teoryang Pooh- pooh
Natutong magsalita ang tao bunga nang hindi sinasadya ay napabulalas bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
3. Teoryang Yo- he- ho
Natutong magsalita ang tao bunga umano ng mga pwersang pisikal. Halimbawa nito, sa
tuwing tayo ay nagbubuhat ng mabibigat na bagay, sumusuntok, nangangarate o nanganganak.
4. Teoryang Ta- ra- ra- boom- de- ay
Nagmula raw ang wika mula sa iba’t ibang tunog na nalilikha tuwing isinasagawa ng mga
sinaunang tao ang kanilang ritwal na gawain. Ang buhay ng mga sinaunang tao ay umiikot sa
pagsasagawa ng napakaraming ritwal tulad ng ritwal sa pagtatanim, pangangaso, pag- aani,
pangingisda, panggagamot at albularyo pagluluto at paglilinis ng bahay. Ang gawaing ito ay
sinasabayan ng sayaw, incantations o bulong at pagsigaw
9
5. Teoryang Ta- ta
Nagmula ang wika batay sa iba’t ibang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa bawat pagkilos
na ginagawa. Ginagaya umano ng dila ang mga kilos na naging sanhi ng pagkatutong bumigkas.
6. Teoryang Ding-dong
Ito’y haka-haka na ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnayan sa tunog ng
gaya ng kampanang dingdong.
Halimbawa
Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.
7. Teoryang Bow-wow
Ito ay paggagad at paggamit ng tao sa mga tunog na likha ng mga bagay-bagay sa paligid
nang di –sinasadya.
Halimbawa:
langitngit ng ng puno ng kawayan, hampas ng alon sa malaking bato, ungol at salita ng
mga hayop
Kahalagahan ng Wika
Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na napakahalaga ng wika sa sangkatauhan. Ito ang
pangunahing kasangkapan ng bawat tao sa lipunan. Ilan sa kahalagahan ng wika ng sa tao at
lipunan ay ang mga sumusunod.
1. Instrumento ng Komunikasyon
Ang wika ang pangunahing kasangkapan ng bawat tao sa pagpapabatid ng mga kaisipan at
damdamin. Sa pakikipagkapwa, mahalaga ang wika sa pagbabahagi ng mga interes, pananaw, at mga
10
kaisipan. Nabubuo ang isang matatag na pamilya kapag mayroong matagumpay na paghahatid ng saloobin
at kaisipan ang bawat miyembro nito.
Ang isang institusyon sa lipunan ay napagtibay at umuunlad kung ang mga miyembro nito ay
nagkakaunawaan dahil sa wikang kanilang ginamit.
Ang bawat bansa sa buong mundo ay nagkakaroon ng ugnayan dahil nagagawa nilang maiparating
ang kani-kanilang pananaw at damdamin hinggil sa isang partikular na mga isyu gamit anag wikang naguugnay sa kanila.
2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
Ang iba’t ibang uri ng kaalaman at karunungan simula ng mga sinaunang sibilisasyon ay
naiingatan at naipapalaganap pa rin sa kasalukuyang panahon bunga ng mayroong isang wikang
nakanlong ditto. Ang konsepto ng pagiging makabansa at makabayan ni Dr. Jose Rizal ay naipararating
pa rin hanggang sa kasalukuyang henerasyon sapagkat nakalimbag rin ang kanyang mga panulat.
Ang iba’t ibang imbensyong tinatamasa natin sa kasalukuyan ay naipalalaganap mula sa bansang
pinagmulan ng mga ito gamit ang wika.
3. Nagbubuklod ng Bansa
Bawat tao sa loob ng isang bansa ay pinagbubuklod gamit ang isang wika. Sa kaso ng Pilipinas,
kahit na binubuo ito ng napakaraming pulo at mga etnikong grupo ay natamo pa rin nito ang pambansang
pagkakaisa dahil sa wikang pambansa.
4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
Sa pamamagitan ng wika, lumalabas ang tao higit pa sa reyalidad na nagaganap sa kanyang
kapaligiran. Nagagawa niyang maglakbay at bumuo ng kapaligirang sa imahinasyon lamang matatagpuan.
Dahil sa wika, lumilinang ang malikhaing pag-iisip ng tao.
11
PAGSUSULIT 1
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
A. Isulat sa patlang kung sinong teorista ang nagpahayag ng nasabing konsepto hinggil sa
wika.
------------------------1. Ang wika ang humuhubog ng isipin ng tao at nagdedetermina kung
paano siya mag- isip.
------------------------2. Ginagamit ang wika sa iba’t ibang antas ng pagkamalikhain ng tao.
----------------------- 3. Ang wika ay bunga ng pagkamalikhain ng sanlibong henerasyon ng
tao.
----------------------- 4. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
arbitraryong pinili ng mga taong kabilang sa isang kultura.
--------------------- 5. Hindi maihihiwalay ang tunog at kaisipan mula sa tunog.
B. Tukuyin ang kahalagahan ng wikang masasalamin sa bawat sitwasyon.
11. Naitatag ang ASEAN, UN, UNESCO, at iba pa dahil sa wika.
12. Dahil sa wika, ang manunulat ay nakakasulat ng akda, ang makata
ay nakakasulat ng tula, ang nobelista ay nakakalikha ng nobela.
13. Dahil sa wika, nakikilala hanggang sa kasulukuyan ang mga
dakilang siyentista at pilosopo tulad nina Aristotle, Socrates, at Plato.
14. Dahil sa wika, naipapasa sa kasalukuyang henerasyon ang pagkanasyonalista ng bayaning si Dr. Jose Rizal.
15. Dahil sa wika, nagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay sa loob
ng pamilya
C. Pagtatapat- tapat. Isulat sa patlang ang titik na kumakatawan sa teorya ng wika sa bawat
aytem.
6. Ito ay isang teorya ng wika na hango sa Bibliya
a. Ding- dong
7. Ang wika ay bunga ng panggagaya
b. Pooh- pooh
ng tao mula sa mga tunog sa kalikasan.
8. Mula ang wika sa iba’t ibang masic. Yo- he- ho
sidhing damdaming naibulalas ng tao.
9. Mula ang wika sa mga tunog na nalid. Tore ng Babel
likha sa mga ritwal.
10. Mula ang wika sa mga tunog na mga
e. Tarara- boom- de- ay
bagay na likha mismo ng tao.
f. Bow- wow
12
D. Tukuyin kung anong katangian ng wika ang tinutukoy sa bawat aytem. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.
a. masistemang balangkas
e. dinamiko
b. sinasalitang tunog
f. nakabatay sa kultura
c. pinipilit at isinasaayos
g. ginagamit
d. arbitraryo
1. Ang bawat wika ay binubuo ng magkakaibang katawagan sa isang
bagay.
2. Bawat wika ay nagbabago sa bawat yugto ng panahon.
3. Bawat paggamit ng wika ay nakabatay sa tuntunin ng gramatika at
istruktura nito.
4. Bawat wika ay instrumento ng pakikipagkomunikasyon sa araw- araw
na pamumuhay ng tao.
5. Bawat wika ay karaniwang ginagamit sa pasalitang paraan.
E. Ipaliwanang ang mga sumusunod na kaisipan.
1. Magbigay ng isang katangian ng wika at ipaliwanag.
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
2. Magbigay ng isang kahalagahan ng wika at ipaliwang.
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
13
TUNGKULIN NG WIKA
Sinasabing wika ang pangunahing kasangkapan ng tao sa kanyang araw-araw na
pakikipamuhay. Hindi nabubuhay ang tao kung wala ito. Mula sa kanyang pag-iisip, pagkilos, at
pakikisalamuha kailangan niya ang wika. Samakatuwid, hindi man lubos na mapansin napakarami
ng tungkuling ginagampanan ng wika sa tao. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod.
1. Interaksyunal
Interaksyunal ang tungkulin ng wika kapag ito ay ginagamit upang mapanatili at
mapaunlad ang iba’t ibang gawaing sosyal. Madalas nagaganap ito kapag nagkakaroon ng
dayalogo o usapan sa loob ng maliliit na grupo. Halimbawa rito ang pagkukumustahan ng mga
magkakilala o magkaibigan, pagpapalitan ng kuro-kuro o opinion.
2. Instrumental
Instrumental naman ang tungkulin ng wika kapag ginagamit ito upang maipahayag at
matamo ang mga ninanais, preperensya at mga pangangailangan. Halimbawa rito ang paguutos at maging ang pagsulat ng liham-pangangalakal.
3. Regulatori
Regulatori ang tungkulin ng wika kapag ginagamit ito sa pagbibigay ng utos o
direksyon.
4. Personal
Personal ang tungkulin ng wika sa mga sitwasyong ginagamit ang wika upang
ipahayag ang damdamin, opinion at ipakita ang sariling aydentidad.
5. Imahinatibo
Sa tuwing ginagamit ang wika sa pagkukwento o pagbibiro o kaya sa pag-iisip ng
imaginary environment, imahinatibo ang tungkulin ng wika.
14
6. Heuristik
Heuristik ang tungkulin ng wika sa mga sitwasyong ginagamit ito upang
makakalap ng iba’t ibang impormasyon. Halimbawa rito, ang pagtatanong, pagsasagawa
ng interbyu at pananaliksik.
7. Representasyonal
Sa mga sitwasyong ginagamit ang wika upang magbahagi ng mga katotohanan at
impormasyon, kakikitaan ito ng representasyonal na layunin.
Bawat usapan o dayalogong nagaganap sa pang araw-araw ay hindi lamang
nakalimita sa isang tiyak na tungkulin. Maaaring makita sa isang usapan ang lahat ng mga
tungkulin ng wika. Kaya, mahalagang maunawaan ang mga ito upang matukoy kung anoano ang mga tiyak na tungkuling marapat na gamitin sa pagpapahayag ng laman ng isipan
at maging sa pag unawa ng mga naririnig na pahayag.
15
PAGSUSULIT 2
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
A. Tukuyin ang tungkulin ng wikang masasalamin sa mga sitwasyon sa bawat aytem. Titik
lamang ang isulat sa bawat patlang sa ibaba.
(1) Unang araw ng pasukan, excited si Kris habang iniisip ang posibleng mangyari sa
kanyang unang araw sa kolehiyo. (2) Hindi mapakali ang kanyang isipan at kung ano-anong
gumagana sa kanyang imahinasyon. (3) Pagkababa ng JMC, tinanong niya ang guard kung saan
makikita ang Room 403. (4) Sinagot naman siya nito nang malumanay sabay bati sa kanyang
“Welcome to Jose Maria College”. (5) Hinanap kaagad niya ang Room 403 para sa kanyang unang
klase sa Algebra at nadatnan niya ang iilan sa kanyang mga kaklaseng nagbabatian at
nagkukwentuhan habang hinihintay ang kanilang propesor.
(6) Iilang minuto ang lumipas, pumasok ang kanilang lalaking propesor, nagpapakilala
at nagkwento ng kaunting personal background. (7) Kalaunan ay inilahad nito sa klase ang mga
alituntunin at kahingian ng kursong Algebra. (8) Mahigpit ding iniatas sa kanila ang hindi pagliban
sa klase upang mas maging matagumpay ang kanilang pag-aaral. (9) Matapos nito, isa- isang
nagpakilala ang bawat mag-aaral ng napabilang sa klase. (10) Nakaramdam ng tuwa si Kris
habang inihahanda naman ang isipan at iniisip ang magaganap sa susunod na naman na klase.
a. Heuristik
e. Interaksyonal
b. Personal
f. Regulatori
c. Instrumental
g. Representasyonal
d. Imahinatibo
1. ___________________________
6. ___________________________
2. ___________________________
7. ___________________________
3. ___________________________
8. ___________________________
4. ___________________________
9. ___________________________
5. ___________________________
10. __________________________
16
ANTAS NG WIKA
Ginagamit ang wika sa iba’t ibang lebel o antas. Nagaganap ito batay sa pormalidad
ng usapan. Pansining iba ang paraan ng pakikipag-usap kung nasa loob ng unibersidad,
pagpupulong at kumperensya kumpara sa usapang nagaganap sa bahay, pasyalan, at iba pa. Ang
unang inilahad ay halimbawa ng mga usapang pormal at ang ikalawa naman ay halimbawa ng
mga impormal na usapan. Samakatwid, ang lebel o antas ng wika ay nahahati sa dalawang
kategorya tulad ng pormal at impormal.
A. Pormal
Ito ang wikang istandard, kinikilala at ginagamit ng nakararami sa mga pormal na
sitwasyon. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
1. Pambansa
Tumutukoy ito sa wikang itinuturo at ginagamit sa anumang komunikasyon sa loob
ng paaralan. Ito rin ang istandard na ginagamit sa anumang transakyong pampubliko.
2. Pampanitikan
Tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga manunulat at makata sa larangan ng
panitikan. Kadalasan ay matalinghaga, nagtataglay ng konotasyon o malalim na kahulugan.
B. Impormal
Kinabibilangan ito ng mga salitang karaniwan, palasak, ginagamit sa pang-arawaraw na pakikipag- usap. Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Lalawiganin
Ginagamit na mga salita sa isang tiyak na pook o lalawigan. Natural itong ginagamit
sa mga impormal na usapan at kakitaan ng natatanging punto.
17
2. Kolokyal
Tumutukoy sa mga salitang pinaiikli at madalas maririnig sa pang- araw-araw na
usapang impormal. Madalas nagkaroon ng kolokyal sapagkat likas sa tao na gawing maikli at
mabilis ang pagbigkas ng mga salita. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa:
sa’n
meron
ke’lan
sa’yo
tena
lika
antay
‘yan
C. Balbal
Tinatawag na slang sa wikang Ingles. Ito ang pinakadinamiko sa lahat ng antas ng
wika sapagkat bigla na lamang itong sumusulpot at sa kalaunan ay bigla ring nawawala.
Kabilang dito ang mga ekspresyon, mga salitang madalas na ginagamit bilang panghalili sa
mga bulgar na salita o yaong mayroong kabastusan. Pansinin ang mga sumusunod na
halimbawa:
tsikot
kano
lispu
bato
jowa
utol
tom jones
orig
dedo
yosi
bagets
promdi
ksp
143
gurang
-
kotse
Amerikano
pulis
droga
kasintahan
kapatid
gutom
original
namatay
sigarilyo
bata pa
mula sa probinsya
kulang sa pansin
I love you
matanda
18
PAGSUSULIT 3
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
Panuto: Magtala ng mga salita o pahayag na maiklasipika sa bawat antas ng wika sa ibaba.
A.
Pambansa
1.____________________________
2.____________________________
3.____________________________
4.____________________________
5.____________________________
B. Pampantikan
1.____________________________
2.____________________________
3.____________________________
4.____________________________
5.____________________________
C. Lalawiganin
1.____________________________
2.____________________________
3.____________________________
4.____________________________
5.____________________________
6.____________________________
7.____________________________
8.____________________________
9.____________________________
10.___________________________
6.____________________________
7.____________________________
8.____________________________
9.___________________________
10.___________________________
6.____________________________
7.____________________________
8.____________________________
9.____________________________
10.___________________________
D. Kolokyal
1.____________________________
2.____________________________
3.____________________________
4.____________________________
5.____________________________
6.____________________________
7.____________________________
8.____________________________
9.____________________________
10.___________________________
E. Balbal
1.____________________________
2.____________________________
3.____________________________
4.____________________________
5.____________________________
6.____________________________
7.____________________________
8.____________________________
9.____________________________
10.___________________________
19
BARAYTI NG WIKA
Isa sa katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko nito. Lagi itong nagbabago sa bawat
yugto ng panahon. Maging ang paggamit ng mga tao sa isang partikular na wika ay nagbabago
batay sa iba’t ibang aspeto. Ang mga aspetong ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
sitwasyon ng pakikipag-usap, mga taong sangkot sa usapan, propesyong kinabibilangan,
kasarian, edad, at maging antas na kinabibilangan sa lipunan. Dahil dito, nagkakaroon ng iba’t
ibang klase o uri ng wikang ginagamit ng mga tao sa isang lipunan.
Mula sa mga isinagawang pag-aaral ng mga sosyolinggwista, napag-alamang ang
pagkakaroon ng barayti ng wika ay bunga ng dalawang dimensyon gaya ng mga sumusunod:
A. Dimensyong Heyograpikal
Ang dimensyong heyograpikal ay tumutukoy sa salik ng pagkakaroon ng barayti ng
wika batay sa lokasyon o lugar. Maaaring ang isang wika ay ginagamit hindi lamang ng isa
kundi ng maraming lugar. Halimbawa, ang wikang Ingles bilang isang wikang internasyunal
ay ginagamit ng iba’t ibang bansa sa Amerika, Asya, Europa at iba pa. Ang wikang Filipino
naman bilang linggwa frangka at wikang pambansa sa Pilipinas ay ginagamit ng iba’t ibang
lugar mula Luzon hanggang Mindanao. Ang wikang Cebuano ay ginagamit din hindi lamang
sa lungsod ng Cebu kundi pati na rin sa iba’t ibang lungsod ng Visayas at Mindanao. Bunga
ng sitwasyong ito, nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng Wikang Ingles, Wikang Filipino at
Wikang Cebuano.
B. Dimensyong Sosyal
Tinutukoy naman ang dimensyong sosyal bilang salik ng pagkakaroon ng barayti ng
wika batay sa iba’t ibang sosyal na grupong kinabibilangan ng mga tao sa lipunan.
Kinabibilangan ito ng propesyon, kasarian, edad at antas ng tao sa lipunan.
Ang tiyak na mga barayti ng wika ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Dayalek
20
Ang dayalek ay barayti ng wikang natatangi o pekyulyar sa isang rehiyon. Bunga ito
ng dimensyong hiyograpikal na tinalakay sa naunang pahina. Halimbawa rito ang FilipinoMaynila, Filipino- Davao, Filipino- Cebu, atbp. Halimbawa rin nito ang iba’t ibang barayti ng
wikang Cebuano tulad ng Cebuano-Davao, Cebuano- Cebu, Cebuano-Iligan, at iba pa.
2. Sosyolek
Ang sosyolek naman ay barayti ng wikang natatangi o pekyulyar sa isang grupo o
pangkat. Bunga ito ng dimensyong sosyal na tinalakay sa naunang pahina. Nakabatay ito sa
mga sumusunod na salik tulad ng:
A. Kasarian- Mayroong mga usapan ang lalaki na natatangi para sa kanila. Ganoon
din ang mga babae at maging ang mga napabilang sa tinatawag na ikatlong kasarian.
B. Edad- kung papansinin mayroong pagkakaiba sa usapan at paggamit ng wika sa
mga bata, teenagers, nasa tamang gulang, at ng mga matatanda.
C. Propesyon o Kabuhayan- bawat tao na napabilang sa iba’t ibang propesyon ay
mayroong pagkakaiba sa paggamit ng wika. Iba ang pamamaraan ng pagsasalita ng grupo ng
mga abogado, doktor, drayber, kargador, guro, negosyante, at iba pa.
3. Idyolek
Tinatawag namang idyolek ang wikang natatangi o pekyulyar sa isang indibidwal.
Bawat tao ay nilikha ng Diyos na walang katulad maging sa paraan ng pagsasalita. Kaya’t
masasabing bawat tao ay mayroong kanya-kanyang idyolek. Makilala ang tao batay sa
kanyang paraan ng pagsasalita.
4. Etnolek
Bawat etnikong grupo sa iba’t ibang lugar ay mayroon namang kani- kanilang wika
na ginagamit. Walang etnikong grupo na magkatulad ang wika kung kaya’t bawat isa sa kanila
ay mayroong etnolek.
5. Rejister
Tinutukoy na rejister ang bawat wikang natatangi sa iba’t ibang larangan. Ang
larangan ng inhenyerya, abogasya, medisina, agham panlipunan, ekonomiya, siyensya,
humanidades at iba pa ay mayroong kanya- kanyang wikang pagkakakilanlan lamang sa
kanila.
6. Jargon
21
Bawat tiyak na salitang napapabilang sa rejister ng iba’t ibang larangan ay tinatawag
na jargon. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawang jargon ng iba’t ibang larangan:
Inhinyerya
Construction
Electromagnetics
Thermodynamics
Chemical Engineering
Solid Mensuration
Linggwistika
Generative Grammar
Phonology
Morphology
Discourse Analysis
Accomodation Theory
Ekonomiks
Demand
Supply
Market
Entrepreneur
Corporation
7. Pidgin
Tumutukoy ang pidjin sa wikang mayroong pinaghalu- halong mga salita mula sa
dalawa o higit pang wika. Umuusbong ang pidgin bilang wika ng komunikasyon sa pagitan ng
dalawa o higit pang mga tao na mayroong magkaibang wikang sinasalita sa layunin ng
pakikipagkalakalan. Tinatawag din itong trade language sa wikang Ingles. Mayroong tatlong
katangian ang wikang pidgin: walang istruktura, hindi prestihiyoso at walang taal na
tagapagsalita.
8. Creole
Kapag nadebelop ang wikang pidgin, ito ay nagiging creole. Nagaganap ito kapag
sa kinatagalan ng paggamit ng wikang pidgin nagkaroon na ito ng taal na tagapagsalita o native
speakers at mayroong nabuong istruktura.
22
PAGSUSULIT 4
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
Panuto: Bumuo ng apat na grupo sa klase. Gawin ang mga sumusunod na gawain:
1. Lumikha ng isang pagsasadula na kakikitaan ng mga dayalogong kasasalaminan ng iba’t
ibang barayti ng wika.
2. Malayang pumili ng grupo sa magiging paksa ng dula.
3. Ang dula ay bubuuin ng 5 hanggang 10 minuto.
4. Bawat grupo ay magsumeti ng iskrip ng buong dula sa kani-kanilang guro.
5. Kailangang pagtuunanng pansin ang mga krayteryang inilalahad sa ibaba upang makakuha
ng mataas na marka.
6. Isumeti ang papel na ito para sa indibidwal na marka bago pa man sa aktwal na presentasyon.
Krayterya:
Pangkat
Pagkamalkhain
Nilalaman
Organisasyon
Praps
Marka
-
15
15
10
10
___________
___________
___________
___________
50
___________
-
20
Marka
___________
-
20
10
___________
___________
50
__________
Kabuuan
Indibidwal
Kasanayan
Kaalaman sa
Presentasyon
Tiwala sa Sarili
Kabuuan
23
KABANATA
II
FILIPINO: BILANG
WIKANG PAMBANSA
AT AKADEMIKO





Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Filipino
Pagkakaiba ng Wikang Tagalog, Pilipino, Filipino
Pagpaplanong Pangwika
Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino
Mga Tuntunin sa Pagbaybay
24
KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD
NG WIKANG FILIPINO
Hindi naging madali ang proseso ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas.
Dumaan ito sa napakaraming masalimuot na mga hakbang bago nito natamo ang kasalukuyang
estado sa kasalukuyan.
Mahalagang maunawaan lalo na ng mga kasulukuyang henerasyon ng mga kabataang
Pilipino ang pagkatatag proseso ng pag- unlad ng wikang pambansa. Sapagkat, hindi lingid sa
kaalaman ng lahat ang kawalan ng malalim na pang-unawa ng mga kabataan hinggil sa
kahalagahan ng wikang Filipino. Ang kakulangan nila ng pang- unawa ang siyang pangunahing
dahilan ng kawalang-interes at kawalan ng pagpapahalaga sa sariling wika na siya pa naman
sanang pagkakakilanlan ng lahing Pilipino.
Ikaklasipika ng manunulat ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa ng
Pilipinas batay sa mga sumusunod na kategorya:
1. Wikang Tagalog: Batayan ng Wikang Pamabansa ng Pilipinas
Nang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan at naging pangulo si Pangulong Manuel L.
Quezon, nagkaroon ng kahirapan sa pagtamo ng pambansang pagkakaunawaan. Ang Pilipinas ay
binubuo ng napakaraming pulo na pinaninirahan ng iba’t ibang etnikong grupo na mayroong iba’t
ibang wikang sinasalita. Upang masolusyunan ang nasabing suliranin, iminungkahing magtatag
ng isang wikang pambansa na siyang mabubuklod at magsisilbing instrumento ng komunikasyon
ng mga etnikong grupo sa buong Pilipinas. Kaya sa taong 1935 pinagtibay ang sumusunod na
batas:
Artikulo XIV, Seksyon 3, 1935 Konstitusyon
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
Malinaw na isinasaad na ang wikang pambansa ay ibabatay sa isa sa mga katutubong wika
ng Pilipinas at hindi sa dayuhang wika. Upang matupad ang nasasabing batas itinatag ang isang
ahensya ng pamamahalaang siyang mamamahala ng pag- aaral at pagpili ng wikang katutubong
maging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ang ahensyang ito ay tinatawag na Surian ng
Wikang Pambansa.
25
Ang pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa ay pinagtibay ng Batas Komonwelt Bilang
184. Binubuo ang SWP ng mga representante mula sa iba’t ibang etnikong grupo sa Pilipinas.
Pinag- aralan nila ang mga pangunahing wikang ginagamit sa Pilipinas. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Tagalog
2. Cebuano
3. Kapampangan
4. Bikolano
5. Pangasinense
6. Ilokano
7. Samar-Leyte Waray
8. Hiligaynon
Ang mga nabanggit na pangunahing wika ang siyang pagpipilian ng magiging batayan sa
pagbuo ng wikang pambansa. Upang maging obhetibo ang pagpili ng mga representante ng SWP,
bumuo sila ng krayteryang siyang pagbabasehan. Kinakailangang ang katutubong wika na
magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas ay nararapat na taglayin ang mga sumusunod
na mga katangian:
1. Mayaman sa bokabularyo at may tiyak na istruktura
2. Sinasalita ng nakararaming bilang ng mga Pilipino
3. Mayaman sa nakalimbag na panitikan at literatura
Lumabas sa naging resulta ng pag-aaral, ang wikang katutubong Tagalog ang siyang
nakatutugon o pumasa sa tatlong krayteryang inilahad. Kung kaya’t ang wikang katutubo ng
Pilipinas ay ibinatay sa wikang katutubong Tagalog. Pinagtibay ito ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasaad na:
Tagalog ang ginagawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y
nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y hindi magiging mahirap ang
Tagalog para sa mga di- Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino.
Isinisaad ding mayaman ang wikang Tagalog sapagkat kinapapalooban ito ng
maraming hiram na salita mula sa mga banyagang wika tulad ng Kastila, Ingles, Intsik, Malay, at
iba pa.
Bukod pa rito, hindi lamang mga Pilipino ang nagsabing madaling matutunan ang
Tagalog kundi maging ang mga dayuhang bumibisita sa bansa.
26
Sa taong 1959, nagkaroon ng pangalan ang wikang pambansa ng Pilipinas batay sa
wikang katutubong Tagalog. Iminungkahi ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose E. Romero na
tutukuyin ang wikang pambansa sa tawag na PILIPINO.
2. Pagpapalit mula sa Pilipino Patungo sa Filipino
Subalit, hindi gaanong tinanggap ng ibang etnikong grupo ng wikang Pilipino lalo na
yaong mga Cebuano sa kadahilanang para sa kanila ang Pilipino ay pagbabagong- bihis lamang
ng wikang Tagalog. Naghari ang konsepto ng rehiyonalismo na tumutukoy sa lubos na
pagtangkilik sa rehiyonal na wika.
Upang masolusyunan ang nasabing suliranin, iminungkahi ng SWP na papalitan ang
pangalan ng wikang pambansa ng Pilipinas, Mula sa tawag na Pilipino (nakabatay lamang sa
iisang katutubong wikang Tagalog), tatawagin na itong Filipino na ibabatay hindi na lamang sa
wikang Tagalog kundi kasama na rin ang lahat ng mga katutubong wika sa Pilipinas at maging
banyagang wika. Pinagtibay ito sa batas ng 1973 Konstitusyon na nagsasaad na:
Artikulo XV, Seksyon 3, 1973 Kontitusyon
“Ang pambansang asembleya ay dapat na gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang
Filipino.”
Mas higit pang pinalawak at pinagtibay ang paggamit ng wikang Filipino bilang
linggwa frangka sa 1987 Konstitusyon na nagsasaad na:
Artikulo XIV, Seksyon 6 at 8, 1987 Konstitusyon
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito
ay dapat na payabungin at pagtibayin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.”
Wikang Pambansa: Bilang Wikang Opisyal
Maraming mga batas ang iprinoklama hinggil sa wikang Filipino bilang wikang
opisyal. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
A. Batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 7, 1940)
Nagtadhana na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang
opisyal sa Pilipinas, simula Hulyo 4, 1940.
27
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (Agosto 6, 1968)
Inaatasan ng nasabing batas ang lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at
iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng
Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.
C. Artikulo XIV, Seksyon 7, 1987 Konstitusyon
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinatadhana ang batas: Ingles.
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988)
Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang nasabing batas na nag- aatas sa
lahat ng department, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa
ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksyon, komunikasyon at korespondensya,
E. Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 (Setyembre 9, 1989)
Nilagdaan ang nasabing batas ng Kalihim ng Edukasyon na si Lourdes R.
Quisumbing na nag- aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na nag- uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at
transaksyon ng pamahalaan.
3. Wikang Pambansa: Bilang Wikang Akademiko
Ang mga sumusunod ay ang mga batas at proklamasyong ipinalabas hinggil sa wikang
pambansa bilang wikang akademiko.
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)
 Binigyang- pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang
Gramatika ng Wikang Pambansa.
 Sinimulang ituro ang Wikang Pambansa sa lahat ng paaralang- pribado at
publiko sa buong bansa noong Hunyo 19, 1940
 Inatasan ang lahat ng kalihim ng pagtuturong pambayan na maglagda ng mga
kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad ng kautusan.
28
B. Sirkular Blg. 26, Serye 1940 (Abril 12, 1940)
Pinalabas ni Kalihim Jorge Bocobo ang isang sirkular na nagsasaad na
sisimulang ituro ang wikang pambansa sa mataas at paaralang normal.
C. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hunyo 19, 1974)
Nilagdan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatadhana ng mga panununtuhan sa
pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan simula sa taong- aralan
1974- 1975.
D. Kautusang Pangministri Blg. 22 (Hulyo 21, 1978)
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nag- uutos na isama ang Pilipino sa
lahat ng kurikulum sa pandalubhasaang antas. Nagsimula ito sa unang semestre ng taong- aralan
1979- 1980. Nagbukas ng anim nay unit sa Pilipino sa lahat ng kurso maliban sa mga kursong
pagtuturo na mayroong labin- dalawang yunit.
E. Kautusan Blg. 52 (1987)
Pinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ang nasabing kautusan na
nag- uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan
kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
F. CHED Memorandum Blg. 59 (1996)
Nagtadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino,
Filipino 2, at Filipino 3.
29
PAGSUSULIT 5
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na aytem.
1. Gumawa ng dayagram na nagpapakita ng pag- unlad ng wikang pambansa sa Pilipinas.
2. Bigyang- paliwanag ang inilahad na dayagram sa aytem 1.
_______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
30
PAGSUSULIT 6
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na konsepto.
1. Wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________________.
2. Wikang Pilipino bilang Wikang Pambansa ng Pilipinas
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________________.
3. Wikang Filipino bilang Wikang Akademiko sa Pilipinas
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________________________.
4. Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa ng Pilipinas.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________.
31
PAGPAPLANONG PANGWIKA
AT ANG INTELEKTWALISASYON
NG WIKANG FILIPINO
Ang pagpaplanong pangwika ay tumutukoy sa isang delibereyt na planong isinasagawa
ng isang organisasyon o institusyong madalas ay sakop ng pamahalaan upang mangasiwa sa
anumang usapin at gawaing pangwika ng isang bansa o lipunan.
Sa mga bansang multilinggwal o yaong maraming wika ang sinasalita ng mga
mamamayan, kailangan ang isang linggwa frangka o wikang pambansa. Sa kaso ng Pilipinas, ang
ating linggwa frangka ay ang Wikang Filipino. Binuo upang magkaroon ng komong wikang
magagamit ng iba-ibang etnikong grupong sakop ng Pilipinas. Anumang usapin o suliranin o
gawaing magpapaunlad ng wikang pambansa ay nakaatang sa KWF o Komisyon sa Wikang
Filipino. Ang nasabing institusyon ang nagpapalabas ng anumang uri ng komunikasyon at
transaksyon.
Sa kasalukuyan, ang estado ng wikang Filipino ay nasa proseso ng intelektwalisasyon at
istandardisasyon. Unit-unting pinasok ng wikang Filipino ang iba- bang talakay ng iba’t ibang
larangan na dati- rati ay nakalimita lamang sa mga usaping pangkaraniwan. Ngayon, ginagamit
na ang wikang Filipino sa larangan ng siyensya, matematika, teknolohiya at iba pang larangan.
Bunga nito, nagkakaroon ng maraming barayti, rejister at jargon ang wikang Filipino.
Upang mas magkaroon ng istandard na sistema ng paggamit ng wikang Filipino sa
anumang larangan, mahalaga ang ginampanan ng larangan ng pagpaplanong pangwika.
Sa larangan ng linggwistika, ang pagpaplanong pangwika ay dumaraan sa yugto o proseso
tulad ng mga sumusunod:
Elaborasyon- tinutukoy nito ang pagpasok ng mga salita mula sa mga dayuhang wika at
maging katutubong wika ng Pilipinas. Bunga nito, magkakaroon ng malawak na bokabularyo ang
wika na magiging sanhi ng pagyaman nito.
Kodipikasyon- tumutukoy naman ito sa paglikha ng mga bagong salita bunga ng
pagkatuklas ng isang imbensyon o bagong usbong na mga konsepto o pananaw.
Intelektwalisasyon- sa prosesong ito, ang wika ay patuloy na ginagamit at pinapaunlad sa
pamamagitan ng paggamit nito bilang wika sa mga akademikong talakayan.
32
Pagtanggap- sa prosesong ito nakamit na ang pagiging istandard at intelekwal ng wika.
Lubos na itong ginagamit sa anumang antas o domeyn pangwika. Hindi na nangangailangan ng
anumang mandato ng pamahalaan hinggil sa paggamit ng wika sa anumang institusyon.
Samakatwid, upang ang wikang Filipino ay maging istandard at intelektwalisado.
Kailangan itong gamitin bilang midyum ng pagtuturo at maging sa mga iskolarling talakayan.
Mahalagang magkakaroon ng pagtutulungan ang lahat ng mga intelektwal sa Pilipinas upang
matamo ang estadong ito. Ayon pa nga kay Virgilio Almario, “magiging intelektwalisado lamang
ang wikang Filipino kung ito ay gagamitin ng mga intelekwal”.
Upang mas mapadali ang pagpasok ng mga teknikal na salita mula sa iba’t ibang larangan
sa wikang Filipino, mahalagang manghiram ng mga salita mula sa dayuhang wika at maging ng
mga etnikong wika sa Pilipinas. Ang panghihiram ay maaaring gawin sa mga sumusunod na mga
pamamaraan:
A. Pagsasalin
Halimbawa:
school
-
paaralan
book
-
aklat
contest
-
paligsahan
mother
-
ina
field
-
larangan
perception
-
pananaw
B. Lubusang panghihiramHalimbawa:
spaghetti
-
spaghetti
surf
-
surf
visa
-
visa
photocopy
-
photocopy
toothpaste
-
toothpaste
jargon
-
jargon
33
C. Transliterasyon - ay ang pagsusulat o pagsasatitik ng isang letra o salita sa pinakamalapit
na katumbas na titik sa ibang alpabeto o wika.
Halimbawa:
Computer
-
kompyuter
Cellphone
-
selfon
Nurse
-
nars
Phonology
-
ponoloji
Complex
-
kompleks
Domain
-
domeyn
Matagal ng panahong iniaatas ng ating Konstitusyon na palawakin at paunlarin ang
paggamit ng wikang Filipino. Subalit, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natin lubusang
nakakamit ang pagiging istandard ng ating wikang pambansa. Pabagu-bago pa rin ang mga
patakarang pangwika na nagiging sanhi ng urong- sulong na pag-unlad ng wikang Filipino.
Gayunpaman, ang proseso ay hindi madali. Nangangailangan ito ng lubusang
pagtutulungan sa lahat ng sector ng lipunan. Mula sa pampublikong institusyon hanggang sa mga
pribadong sector. Mula sa artikulo ni RhoYoung Chul, inilahad niyang kulang sa will power at
police power ang ating pulisyang pangwika kung kaya’t hindi nagkakaroon ng lubusang
implementasyon. Taliwas ito sa sitwasyon ng Korea at Japan na kasalukuyan ay tinatamasa sa
pagkakaroon ng istandard, intelekwal at matatag na bansa. Sana ay maging inspirasyon din sa
lahat ng mga Pilipino ang mauunlad na wika at bansa sa mga karatig-bansa ng Pilipinas. Hindi na
kailangan pa ng anumang batas o mandato kung ang bawat mamamayan na mismo ang mayroong
sariling pagkukusang tangkilikin at gamitin ang sariling wika sa anumang uri ng
pakikipagkomunikasyon.
34
PAGSUSULIT 7
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
PANUTO: Isulat sa sagutang- papel ang lahat ng sagot sa bawat aytem. Sundin ang mga
nakasaad na panuto sa bawat bahagi ng kwiz.
A. Tukuyin kung anong uri ng panghihiram ang mga sumusunod na salita sa bawat aytem.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
a. Lubusang panghihiram
b. Pagsasalin
c. Transliterasyon
______________________1. joules
______________________2. kwalipikasyon
______________________3. miting
______________________4. pamantasan
______________________5. magnesium
______________________6. haypertensyon
______________________7. high blood
______________________8. komposisyon
______________________9. hustisya
______________________10. sayans
______________________11. varayti
______________________12. teknolohiya
______________________13. komponent
______________________14. jip
______________________15. square root
______________________16. velocity
______________________17. bilis
______________________18. voluym
______________________19. zinc
______________________20. mag-aaral
35
KASAYSAYAN NG ALPABETO AT
ORTOGRAPIYANG FILIPINO
Dumaan sa mahabang proseso ang naging kasaysayan ng pag-unlad ng alphabet at
ortograpiyang Filipino. Mahalagang maunawaan ang bawat yugtong inilahad sa ibaba nang sa
gayon ay magkakaroon tayo ng malawak na kaalaman hinggil sa kasaysayan ng naging pag- unlad
nito.
1. Baybayin o Alibata
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon ng sariling sibilisasyon ang
mga Pilipino. Maging sa proseso ng paglilipat ng oral na wika sa pasulat na paraan. Sumusulat
ang mga ninuno natin noon sa dahon ng mga halaman, bato, puno, kahoy, at iba pa. Ginagamit
naman na panulat ang anumang matutulis na bagay na nilalagyan ng dagta ng anumang halaman.
Sinasabing ang paraan ng pasulat noon ay nagsisismula sa itaas paibaba at mula kaliwa hanggang
pakanan. Ang sistemang ito ay tinatawag na alibata silabaryo. Binubuo ang alibata ng
labimpitong (17) letra na kinabibilangan ng tatlong (3) patinig at labing- apat (14) na katinig. Ang
mga titik ay binubuo ng mga sumusunod na simbolo.
ALIBABA
36
2. Abecedario
Sa pagdating ng mga kastila, nagkaroon ng romanisasyon ng ating alpabeto na siyang
itinuturing bilang isa sa mahalagang ambag ng mga Kastila sa ating bansa. Itinuro nila ang
alpabetong romano na tinatawag na Abecedario. Binubuo ito ng mga sumusunod na letra:
A
/a/
B
/be/
C
/se/
CH D
/che/ /de/
J
/hota/
K
/ke/
L
LL
M
N
Ñ
O
/ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/
R
/ere/
RR
/erre/
S
T
/ese/ /te/
U
/u/
E
F
/e/ /efe/
G
/he/
H
I
/ache/ /i/
P
/p/
V
W
X
Y
/ve/ /doble u/ /ekis/ /ye/
Q
/q/
Z
/seta/
Gayunpaman, sa kabila ng pagdating ng alphabetong Romano sa bansa ay hindi pa rin ito
lubos na lumalaganap. Unang-una hindi naman lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas ay
nagagawang makapag-aral sa panahon ng mga kastila. Yaon lamang mga napabilang sa
mayamang angkan. Marami ding mga Pilipinong intelektwal na nagsisikap na magkaroon ng
katutubong palabaybayan. Isa na rito si Dr. Jose Rizal na gumamit ng katutubong wikang Tagalog
sa ilan sa kanyang mga panulat.
3. Abakada
Noong 1940, kasabay ng pagkatatag ng wikang pambansa ng Pilipinas, binalangkas ni
Lope K. Santos ang bangong alpabeto na nakilala sa tawag na Abakada. Mayroon itong
dalawampung titik (20 letra) na kinabibilangan ng labinlimang katinig at limang patinig.
A
/a/
B
/ba/
NG
O
/nga/ /o/
K
/ka/
D
/da/
E
/e/
G
/ga/
H
/ha/
P
/pa/
R
/ra/
S
/sa/
T
U
/ta/ / u/
I
/i/
L
/la/
W
/wa/
Y
/ya/
M
/ma/
N
/na
Ngunit noong 1971, nagkaroon ng suliranin sa pagbaybay ng mga salitang hiram mula sa
ibang wika tulad ng wikang Ingles. Nagkaroon ng hindi- kasapatan ng mga titik mula sa Abakada.
37
Upang malutas ang nasabing suliranin, dinagdagan ang mga letra ng Abakada ng labinisang mga titik o letra tulad ng mga sumusunod:
C, CH, F, J, N, LL, Q, RR, V, X, at Z. Binago rin ang parran ng pagbigkas ng bawat letra,
binibigkas ang bawat isa nang pa-Ingles tulad ng mga sumusunod:
A
/ey/
B
/bi/
C
CH
D
/si/ /si eych/ /di/
J
/jey/
K
L
LL
/key/ /el/ /dobol el/
R
RR
/ar/ /dobol ar/
S
/es/
T
/ie/
E
/i/
F
/ef/
G
/ji/
H
I
/eych/ /ay/
M
/em/
N
/en/
Ñ
O
/enye/ /o/
U
/yu/
V
W
/vi/ /dobol yu/
P
/pi/
X
/eks/
Q
/kyu/
Y
/way/
Z
/zi/
Sa kabila ng mga pagbabagong ginawa sa alpabeto ng wikang Pambansa, nagkaroon pa rin
ng kalabuan at maraming suliranin hinggil sa paggamit nito. Ilan lamang sa mga naitalang
suliranin ay ang mga sumusunod: hindi malinaw ang tawag sa bawat letra at ang wastong
pagkakasunod- sunod; malabo kung paano baybayin ang mga letrang digrapo; iminungkahi ng
Malakanyang na tanggalin ang mga digrapo sa alpabeto at gawing 28 titik na lamang ang mga
letra; at hindi maaayos gamitin ang mga digrapo sa pagbabalangkas ng alphabet.
Ang nabanggit na suliranin ay nalutas sa taong 1987 batay sa bagong patnubay na
ipinalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas hinggil sa patnubay sa ispeling ng wikang
Filipino.
4. Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino (1987)
Ipinalabas noong Agosto 6, 1987, ng linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino. Nakasaad sa nasabing kautusan na ang alpabeto ng wikang Filipino ay binubuo lamang
ng dalawampu’t walong titik at binibigkas nang pa-Ingles maliban sa Ñ na binibigkas nang paKastila. Ang wastong pagkakasunod- sunod ng alpabeto ay ganito:
A
/ey/
B
/bi/
K
L
/key/ /el/
S
/es/
T
/ti/
C
/si/
M
/em/
U
/yu/
D
/di/
E
/i/
F
/ef/
N
Ñ
NG
/en/ /enye/ /enji/
G
/ji/
H
I
/eych/ /ay/
O
/o/
P
/pi/
V
W
X
/vi/ /dobol yu/ /eks/
38
Y
/way/
J
/jey/
Q
R
/kyu/ /ar/
Z
/zi/
Mapapansing ang dalawampu’t walong letra ay hango sa 20 letra ng Abakada at
dinagdagan lamang ng 8 letra tulad ng C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z. Ang nabanggit na walong dagdag
na letra ay gagamitin lamang sa pagbaybay ng mga salitang pantanging ngalan, salitang teknikal
o agham, mga salitang ikonsistent ang baybay at mga simbolong pang-agham.
5. 2001 Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
Noong 2001, ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revisyon sa Alpabeto
at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Mas higit na binigyang-linaw ang tuntunin sa
paggamit ng walong dagdag na letrang C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z. Sa 1987 na tuntunin sa pagbaybay,
nilimitahan ang paggamit ng nasabing mga letra. Mahigpit na isinasaad na hindi ito gagamitin sa
mga karaniwang salitang hiram. Upang mapaluwagan ang paggamit ng mga bagong dagdag na
letra. Sinasabi sa 2001 Patnubay sa ispeling na maaari ng gamitin ang mga letrang C, F, J, V sa
pagbaybay ng mga salitang hiram. Layunin ng 2001 Revisyon na matamo ang fleksibilidad at
simplisidad sa tuntunin ng pagbaybay ng wikang Filipino. Kailangan umano gawing simple at
flesibol ang ating palabaybayan upang malayang makapasok ang mga hiram na salita mula sa iba’t
ibang banyaga at katutubong wika tungo sa ikauunlad ng leksikon ng wikang Filipino.
39
PAGSUSULIT 8
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
PANUTO:
Isulat sa patlang ang mga salita o konseptong tinutukoy
sa bawat aytem.
Guro: ________________________________________Iskor:
_______________________
_____________________1. Bilang ng titik na napapaloob sa Abakada
_____________________2. Bilang ng titik na napapaloob sa Alibata
_____________________3. Tawag sa sinaunang alpabeto
_____________________4. Tawag sa Romanong alpabeto
_____________________5. Paraan ng pagbigkas ng mga titik sa Abakada
_____________________6. Paraan ng pagbigkas ng mga titik ng alpabetong Pilipino batay sa
1987 Patnubay sa Ispeling
_____________________7. Mayroon itong (20) letra na kinabibilangan ng labinlimang katinig at
limang patinig.
_____________________8
Dalawang katangian ng palabaybayang ninanais na matamo ng
2001 Revisyon sa Alpabeto at Ispeling ng Wikang Filipino.
_____________________9.
_____________________10.
_____________________11.
_____________________12.
_____________________13.
_____________________14.
_____________________15.
_____________________16.
_____________________17.
Mga letrang tinatawag na fonetik
Letra ng wikang Filipino na binibigkas nang pa- Kastila
_____________________18. Sino ang bayaning gumamit ng katutubong wikang Tagalog sa ilan
sa kanyang mga panulat?
_____________________19. Letra ng wikang Filipino na binibigkas nang pa-Kastila
__________________ 20. Bilang ng mga titik na napapaloob sa wikang Filipino sa kasalukuyan.
40
MGA TUNTUNIN SA PAGBAYBAY
Narito ang tuntunin sa pagbaybay ng wikang Filipino batay sa ikatlong borador na
ginagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino noong Mayo 6, 2013.
1. Pagbaybay na Pasalita
Patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa
maayos na pagkasunod- sunod ang mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat,
inisyals, simbolong pang- agham, atbp.
A. Pantig
Pagsulat
Pagbigkas
to
pag
kon
trans
/ti-o/
/pi-ey-dyi/
/key-o-en/
/ti-ar-ey-en-es/
B. Salita
Pagsulat
Pagbigkas
bayan
plano
Fajardo
jihad
/bi-ey-way-ey-en/
/pi-el-ey-en-o/
/kapital ef-ey-dyey-ey-ar-di-o/
/dyey-ay-eyts-ey-di
C. Akronim
MERALCO (Manila Electric Company)
/em-i-ar-ey-el-si-o/
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino)
/key-dobolyu-ef/
CAR (Cordillera Administrative Region)
/si-ey-ar/
ASEAN (Association of Southeast Asian Nations)
/ey-es-i-ey-en/
41
D. Daghat
Bb. (Binibini)
G. (Ginoo)
Gng. (Ginang)
Kgg. (kagalang-galang)
Dr. (Doktor)
/kapital bi-bi-tuldok/
/kapital dyi tuldok/
/kapital dyi-en-dyi tuldok/
/kapital key-dyi-dyi tuldok/
/kapital di-ar tuldok/
E. Inisyals ng Tao/ Bagay
MLQ (Manuel L. Quezon)
LKS (Lope K. Santos)
AGA (Alejandro G. Abadilla)
TKO (Technical Knockout)
CPU (Central Prcessing Unit)
AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome)
DOA (Dead on Arrival)
/em-el-kyu/
/el-key-es/
/ey-dyi-ey/
/ti-key-o/
/si-pi-yu/
/ey-ay-di-es/
/di-o-ey/
F. Inisyals ng Samahan/ Institusyon/ Pook
KKK (Katas- taasang Kagalang- galangang Katipunan)
BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas)
EDSA (Epifanio de los Santos Avenue)
PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila)
MSU (Mindanao State University)
LRT (Light Railway Transit)
/key-key-key/
/bi-es-pi/
/e-di-es-ey/
/pi-el-em/
/em-es-yu/
/el-ar-ti/
G. Simbolong Pang-agham/ Pangmatematika
Fe (iron)
Lb. (pound)
Kg. (kilogram)
H2O (water)
NaCI (Sodium)
/ef-i/
/el-bi tuldok/
/key-dyi tuldok/
/eych-tu-o/
/en-ey-si-el/
2. Pasulat na Pagbaybay
Sinusunod pa rin sa pasulat na pagbaybay ang tuntuning “kung ano ang bigkas ay siyang
sulat.”
A. Gamit ng Walong Bagong titik
Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulat ang paggamit ng walong (8) dagdag
na titik sa modernisadong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Pangunahing gamit ng mga ito ang
42
pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika
ng Pilipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay napakaimportante upang maigalang ang mga
kahawig na tunog sa mga katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang
“Ifugaw” ay isinusulat na “Ipugaw” o ang “Ivatan” ay isinusulat na “Ibatan”. Narito pa ang ilang
halimbawa:
Safot (Ibaloy)
Falendag (Tiruray)
Feyu (Kalinga)
Jalan (Tausug)
Masjid (Tausug, Maranaw Mula sa Arabe)
Vakul (Ivatan)
Kuvat (Ibaloy)
Vuyu (Ibanag)
Zigattu (Ibanag)
-
sapot ng gagamba
plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan
pipa na yari sa bukawe o tambo
daan o kalsada
tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim
pantatip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bilang
pananggalang sa ulan at init ng araw.
digma
bulalakaw
silangan
B. Bagong Hiram na Salita
Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita, mulang
Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: “mga bagong hiram.” Ang ibig sabihin,
hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng
mga ito alinsunod sa abakada. Halimbawa, hindi dapat ibalik ang F ng orihinal na forma sa
Espanyol dahil ginagamit na ng matagal ang “porma” pati ang mga deribatibo nitong “pormal,’
“impormal,” “pormalismo,” “pormalidad,” “depormidad,” atbp. Hindi rin dapat ibalik ang
“pirma,” sa firma, “bintana” sa ventana, ang “kalye” sa calle, ang “tseke” sa cheque, ang “pinya”
sa piña, ang “hamon” sa jamon, ang “eksistensya” sa existencia, ang “sapatos” sa zapatos
C. Lumang Salitang Espanyol
Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang salita mulang Espanyol ang mga nakalista sa
Diccionari Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa
Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban. Nakatanghal sa inilistang
mga lumang hiram na salita mulang Espanyol ang naganap na pagsasaabakada ng mga tunog na
banyaga gayundin ang pagbaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita, gaya sa “bakasyon”
(vacacion). “kabayo” (caballo), “kandila” (candela), “puwersa” (fuerza), “letson” (letchon),
“lisensiya” (licencia), “sibuyas” (cebolla+s), “silahis” (caleja+s), ‘sona” (zona), “komang”
(manco), “kumusta” (como esta), “porke” (por que), at libo-libo pa sa Bikol, Ilokano, Ilonggo,
43
Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, waray at ibang wikang katutubo na naabot ng
kolonyalismong Espanyol.
D. Di- Binabagong Hiram
Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita mulang
Espanyol. Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa matatagpuan sa dalawang
binanggit na diksiyonaryo sa 4.3. Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago
ang “futbol,” “fertile,” “fosil,” “vista,” “vertebra,” “zorro,” “zigzag.” Samantala, dahil sa walong
dagdag na titik, maraming salita mulang Ingles ang maaaring hiramin nang hindi nangangailangan
ng pagbabago sa ispelling, gaya ng “fern,” “folder,” “jam,” “level” (na hindi dapat bigkasing
mabilis, gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang isa itong salitang Espanyol), “envoy,” “develop,”
“ziggurat,” “zip.”
E. Problema sa C, Ñ, Q, X
Gayunpaman, mapapansin sa mga binanggit na halimbawa ng bagong hiram na salita na
hindi pa ginagamit ang lahat ng dagdag na titik. Walang halimbawa ng hiram na salita na may
mga titik C, Ñ, Q, at X. Bakit? Narito ang paliwanag. Isang magandang simulaing pangwika mula
sa baybayin hanggang abakada ang pangyayaring iisang tunog ang kinakatawan ng bawat titik.
Sa kaso ng C, problema ang pangyayari na may dalawang paraan ito ng pagbigkas na
maaaring katawanin ng K o S. Halimbawa, K ang tunog nito sa unang titik ng coche (kotse) ngunit
S naman ang tunog sa unang titik ng cuidad (siyudad).
Sa kaso ng Ñ, napakalimitado kahit sa Espanyol ang mga salita na nagtataglay ng titik na
ito. Ang ilang salita pumasok na sa Filipino ay natapatan na ng NY, gaya sa “donya” (doña),
“pinya” (piña), “punyeta” (puñeta).
Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog ang mga nabanggit na titiknagiging “kw” o “ky” ang Q at “ks” ang X. Sa gayon, tulad ng babanggitin sa 4.6, ginagamit
lamang ang mga ito sa mga pangngalang pantangi (Quintos, Xerxes) at katawagang teknikal at
pang-agham (Q clearance, X- ray). Kapag humiram ng pangalang pambalana at nais reispel, ang
ginagamit noon pa sa abakadang pagsulat ay ang katumbas ng tunog ng Q at X. Ang Q ay nagiging
K sa mulang Espanyol na “keso” (queso) at KW sa mulang Ingles na “kwit” (quit) o KY
“barbikyu” (barbeque). Ang X naman ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa “ekis” (exis).
F. Panghihiram Gamit ang 8 Bagong Titik
Sa pangkalahatan, sa gayon, ang lahat ng walong dagdag na titik sa alpabeto ay ginagamit
sa dalawang pagkakataon. Una, sa mga pangngalang pantangi, halimbawa, Charles Cordero, San
44
Fernando, Jupiter, Santo Niño, Quirino, Nueva Vizcaya, Maximo, Zion. Ikalawa, sa mga
pormulang siyentipiko at katawagang teknikal, halimbawa, “carbon dioxide,” “Albizia falcataria,”
“jus sanguinis,” quo warranto,” “valence,” “x-axis,” “zeitgeist.”
G. Eksperimento sa Ingles
Sa pangkalahatan, ipinahihintulot at ginaganyak ang higit pang eksperimento sa reispeling
o pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga. Dapat
madagdagan nang higit ang “istambay” (stand by), “rises” (recess), “bilding” (building), “groseri”
(grocery), “anderpas” (underpass), “haywey” (highway), “trapik” (traffic), “gradweyt” (graduate),
“korni” (corny), “pisbol” (fishball), “masinggan (machinegn), “armalayt (armalite), “bisnis”
(business), atbp. Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa mga mag- aaral dahil higit na
madali nilang makikilala ang nakasulat na bersiyon ng salita.
45
PAGSUSULIT 9
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
PANUTO: Hiramin at tumbasan sa Filipino ang mga sumusunod na hiram na mga salita.
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
1. oxygen
2. chemistry
3. cellphone
4. biology
5. science
6. University
7. department
8. engineering
9. composition
10. house
11. government
12. political science
13. economics
14. father
15. education
16. Subject
17. teacher
18. book
19. coffee
20. classroom
21. sea
22. road
23. hamburger
24. position
25. Jihad
25. Hadji
27. spaghetti
28. computer
29. coup d’ etat
30. lasagna
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
46
PAGSUSULIT 10
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
PANUTO: Tumbasan at baybayin ang mga sumusunod na salitang hiram sa Filipino
batay sa tuntunin ng paggamit ng walong dagdag na letra (C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z).
1. flexible
2. cancer
3. jeep
4. quarts
5. quarter
6. cafeteria
7. variety
8. volume
9. journal
10. Cariño
11. Sto. Niño
12. zebra
13. zigzag
14. zinc
15. quarantine
16. calculator
17. jogging
18. xerox
19. xenophobia
20. formula
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
47
KABANATA
III
KALIKASAN AT ISTRUKTURA
NG WIKANG FILIPINO






Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino
Ponolohiya
Morpolohiya
Mga Pagbabagong Morpoponemiko
Sintaksis
Pagpapalawak ng Pangungusap
48
KALIKASAN AT ISTRUKTURA
NG WIKANG FILIPINO
Bawat wika ay mayroong sistema at istrukturang sinusunod. Ang sistemang ito
ay binubuo ng sistemang pasulat at pasalitang paggamit ng wika. Lahat ng wika sa mundo,
prestihiyoso man ito o hindi, ginagamit man ng marami o iilan lamang ay mayroong natatanging
sistemang pekyulyar sa bawat isa.
Bawat wika ay binubuo ng mga makabuluhang yunit ng tunog. Ang mga tunog
na ito ay iba-iba sa bawat wika. Kapag pagsamahin ang mga tunog nabubuo ang mga salita. Bawat
salita sa bawat wika sa mundo ay nagkakaiba rin. Maging ang sistema ng pagbuo ng mga
pangungusap.
Ang wikang Filipino ay mayroong natatanging sistema at istruktura.
Mahalagang matutunan ang sistemang ito para sa mas higit na intelektwalisado at
istandardisadong paggamit ng wikang Filipino sa pasulat o pasalita mang paraan.
49
PONOLOHIYA
Ang ponolohiya ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral sa makabuluhang yunit ng
tunog o ponemang bumubuo sa isang partikular na wika.
Mayroong dalawang uri ng ponema: segmental at suprasegmental.
A. Ponemang Segmental
Tinatawag na ponemang segmental ang mga tunog na nirerepresenta ng mga titik o letra o
simbolo. Sa wikang Filipino, mayroong 21 ponemang segmental na nahahati sa dalawang uri. Ito
ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Ponemang Patinig
Kinabibilangan ng mga tunog na /a/, /e/, /i/, /o/, /u/. Sa tsart sa ibaba, makikita kung aling
bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig (unahan, sentral at likod) at kung ano
ang posisyon ng nasabing pagbigkas (mataas, gitna o mababa).
2. Ponemang Katinig
Kinabibilangan ng mga tunog na /p/, /b/, /m/, /t/, /d/, /n/, /s/, /l/, /r/, /y/, /w/, /k/, /g/, /h/, /ng/,
/?/. Isinaayos ang mga ito ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay
binibigkas sa paraang mayroong tinig o walang tinig.
B. Ponemang Suprasegmental
Tinatawag na ponemang suprasegmental ang tono, diin, at intonasyon. Kahit hindi ang mga
ito nirerepresenta ng mga simbolo o letra, itinuturing pa rin itong mga makahulugang yunit ng
tunog. Nagagawa kasi nitong baguhin ang kahulugan ng isang salita o pahayag. Pansinin ang mga
sumusunod na mga halimbawa:
1. Tono o Intonasyon
Tinatawag na tono ang paraan ng pagbigkas ng salita o pahayag. Iba ang tono kung ang
pagkakasabi ay pasalaysay, patanong, pagalit, pagkatakot, at iba pa.
50
Halimbawa:
Kumain ka na. (Pautos)
Kumain ka na? (Patanong)
Kumain ka na! (Pagalit)
Pansining iba-iba ang iyong intonasyon kung bibigkasin ang nasabing pahayag batay sa
damdaming nais na iparating. Kahit pa sabihin nating iisa lamang ang mga salitang bumubuo sa
nasabing pangungusap, ngunit dahil sa magkaibang tono nito, nagkaroon ng iba-ibang
pakahulugan.
2. Diin
Tinutukoy naman na diin ang pagbibigay ng diin sa isang pantig ng salita. Maaaring ang
isang salita na binigkas nang hindi magkatulad ang diin ay magkaroon din ng ibang pakahulugan.
Pansinin ang mga sumusunod na mga halimbawa:
Mag.na.na.kaw (to steal)
Mag.na.na.kaw (thief)
Mag.sa.sa.ka (to cultivate one’s hand)
Mag.sa.sa.ka (farmer)
Mang.ga.ga.mot (to cure)
Mang.ga.ga.mot (doctor)
3. Antala
Tinutukoy na antala ang biglang paghintong ginagawa sa pagbigkas ng isang pahayag.
Maaaring ang isang pangungusap ay magkaroon ng iba-ibang kahulugan batay sa magkaibang
hinto nito. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa.
Hindi, ako ang kumuha.
Hindi ako, ang kumuha.
Hindi, puti.
Hindi puti.
51
MORPOLOHIYA
Kapag pinagsama-sama ang mga makabuluhang yunit ng mga tunog ay nabubuo
ang isang salita. Tinatawag ito sa larangan ng linggwistika bilang mga morpema. Tinutukoy
naman na morpolohiya ang makaagham na pag- aaral sa sistema ng pagbuo ng mga salita sa isang
partikular na wika.
Sa wikang Filipino, mayroong tatlong uri ang mga morpema: morpemang binubuo
ng isang ponema, morpemang salitang-ugat, at morpemang panlapi.
1. Morpemang binubuo ng isang ponema
Ang ponemang /a/ sa wikang Filipino ay nagtataglay ng kahulugang pangkasarian. Kung
ikinabit ito sa ilang mga salitang-ugat. Pansinin ang mga sumusunod na mga halimbawa:
Senador
senadora
Doktor
doktora
Senyor
senyora
Sa mga salitang inilahad sa itaas, binubuo ang mga ito ng dalawang makabuluhang yunit
ng salita: senador at /a/; doktor at /a/; at senyor at /a/. Nangangahulugan ang senador, doktor, at
senyor bilang isang lalaki. Subalit nang ikinabit ang ponemang nabago ang kahulugan at naging
babae.
2. Morpemang salitang-ugat
Ang morpemang salitang-ugat ay binubuo ng mga payak na salitang walang panlapi.
Halimbawa:
kain
inom
lakad
kuha
anim
isip
ligo
ayos
gusto
labis
takbo
lakas
52
3. Morpemang Panlapi
Ang panlapi ay mayroong mga kahulugang taglay kaya bawat isa ay maituturing na mga
morpema. Kapag kinabitan ng mga panlapi ang isang salitang-ugat, nagagawa nitong baguhin ang
kahulugang taglay.
Halimbawa:
kain
-
pagkain
lakad -
kinain
lumakad
lakarin
kumain
dama -
nadama
saya
-
sayahan
damhin
masaya
dinama
nagsasaya
53
MGA PAGBABAGONG MORPONEMIKO
Kapag ang salitang-ugat ay kinabitan ng iba’t ibang panlapi, nagkakaroon ng
impluwensiya ang mga ito sa ibang ponema. Ang nasabing impluwensya ay tinatawag na
pagbabagong morpoponemiko.
Ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko ay kinabibilangan ng mga
sumusunod:
1. Asimilasyon
Tinatawag na asimilasyon ang pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ dahil sa
ponemang kasunod nito. Nagaganap ang mga ito sa mga panlaping nagtatapos sa ponemang /ng/
tulad ng nang, pang, at mang.
Mayroong dalawang uri ng asimilasyon: a.) asimilasyong parsyal; at b.) asimilasyong
ganap. Parsyal o hindi ganap ang asimilasyon kung ang nagbago lamang sa morpema ay ang
ponema /ng/ lamang ng panlapi at walang anumang pagbabagong naganap sa salitang-ugat.
Ang /ng/ ay napapalitan ng /m/ kung ang unang ponema ng salitang-ugat ay nagsisimula
sa /p/ at /b//
Halimbawa:
pang+bura =
pang+bayan =
pambura
pambayan
pang+paslit =
pang+purga =
pampaslit
pampurga
Ang /ng/ ay napapalitan ng /n/ kung ang unang ponema ng ikinabit na salitang-ugat ay
nagsisimula sa /d,l,r,s,t/.
Halimbawa:
pang+dagdag
pang+laro
mang+rason
mang+tawad
=
=
=
=
pandagdag
panlaro
manrason
mantawad
54
Sa asimilasyong ganap naman, bukod sa pagbabago ng /ng/, nakakaltas din ang unang
ponema ng salitang-ugat. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa:
pang+palo
=
pampalo
=
pamalo
pang+tali
=
pantali
=
panali
2. Pagkakaltas ng Ponema
Nagaganap ang pagkakaltas ng ponema kung ang huling ponemang patinig ng salitangugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
Halimbawa:
takip +
-an
=
takipan
=
takpan
bukas+
-an
=
bukasan
=
buksan
dakip+
-in
=
dakipin
=
dakpin
3. Pagpapalit ng Ponema
Mayroong mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Ilan sa mga
ito ang mga sumusunod:
a. /d/at/r/
ma+dunong =
madunong
=
marunong
ma+dapat
madapat
=
marapat
=
mag+ramdam=
magramdam =
magdamdam
tawid+ -in
tawidin
=
tawirin
tawahan
=
tawanan
dugo + -an =
dugoan
=
duguan
handog + -an=
handogan
=
handugan
=
b. /h/at/n/
tawa + -han =
c. /o/at/u/
55
4. Metatesis
Minsan naman sa pagbuo ng salita, nagkakaroon ng pagpapalit ng posisyon na mga ponema
kapag pinagsama ang dalawang morpema.
Halimbawa:
atip
+
-an
=
atipan
=
aptan
tanim +
-an
=
taniman
=
tamnan
lipad +
-in-
=
linipad
=
nilipad
lakad +
-in-
=
linakad
=
nilakad
5. Reduplikasyon
Tumutukoy ang reduplikasyon sa pag-uulit ng pantig ng salita. Ang pag-uulit ay maaaring
magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o nagpaparami.
Halimbawa:
Mang+dagit
Mang+dambong
=
mangdagit
=
mangdadagit
=
mangdaragit
=
mangdambong
=
mangdadambong
=
mangdarambong
56
PAGSUSULIT 12
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod:
A. Morpemang bumubuo sa bawat salita.
B. Proseso ng pagbabago ng salita
C. Uri ng pagbabagong morpoponemiko
Salita
Morpema
Proseso ng Pagbabago
Pagbabago
Morpoponemiko
lakad+ -in- = linakad
= nilakad
metatesis
Salitang- Panlapi
ugat
Halimbawa:
nilakad
lakad
-in-
1. karapatan
2. manguha
3. pagsasakatuparan
4. labhan
5. kitlin
57
SINTAKSIS
Kapag pinagsama ang mga morpema, nabubuo ang pangungusap. Sa larangan ng
linggwistika, tinatawag na sintaksis ang sayantipikong pag-aaral sa sistema ng pagbuo ng
pangungusap ng isang wika.
Ayon kina Santiago at Tiangco (2003) ang pangungusap ay isang sambitlang may
patapos na himig sa dulo. Nagsasaad ang himig na ito na naipahayag na ng nagsasalita ang
isang diwa o kaisipang nais niyang ipaabot sa kausap.
Maaaring ang pangungusap ay binubuo lamang ng isang salita o lipon ng mga salita
tulad ng mga sumusunod:
a. Hintay!
b. Takbo ka!
c. Halika.
d. Opo.
e. Umulan ng malakas.
f. Magandang hapon po.
g. Laban!
Mauuri ang pangungusap batay sa anyo at kayarian nito. Humahaba naman ang
pangungusap sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng pagpapalawak.
1. Uri ng Pangungusap Batay sa Layon
Ang pangungusap ay mauri batay sa layon ng pagpapahayag nito. Maaaring ang
pangungusap ay pasalaysay, patanong, pautos, at padamdam.
Halimbawa:
a. Maganda ang Pilipinas.
b. Kumain ka na ba?
c. Mag-aral kang mabuti.
d. Nanalo ako sa lotto!
2. Uri ng Pangungusap Batay sa Kayarian
Ang pangungusap ay mauri batay sa anyo o kayarian nito. Maaaring ito ay payak, tambalan,
hugnayan at langkapan.
58
A. Payak
Ang pangungusap ay payak kung ito ay nagpapahayag ng isang kaisipan lamang:
Halimbawa:
 Matalino si Kris at Christine.
 Nag- aral si Jasmine.
B. Tambalan
Tambalan naman ang pangungusap kung ito ay nagpapahayag ng dalawang magkaugnay
na kaisipan.
Halimbawa:
 Nag-aaral si John ng leksyon habang si Ken ay naglalaro lamang ng basketbol.
 Mahilig kumain ng mangga si Ana habang si Marie ay mahilig sa durian.
C. Hugnayan
Hugnayan naman ang pangungusap kung ito ay nagpapahayag ng isang punong
kaisipan at isang pantulong na kaisipan.
Halimbawa:
 Nag- aral ng leksyon si Rosel habang nanonood ng TV.
 Sasama ako kung hindi mapanganib ang lugar.
 Naligo ako nang dumating ang mga bisita.
D. Langkapan
Samantala, langkapan naman ang pangungusap kung ito ay nagtataglay ng isa o higit
pang punong kaisipan at dalawa o higit pang pantulong na kaisipan.
Halimbawa:
 Nagsitago ang mga mamamayan sa kani-kanilang tahanan nang marinig ang
balitang mayroong paparating na hukbo ng mga rebelled habang ang iba ay nanatili
sa kanilang bahay.
 Biglang nakaramdam ng kaba si Joan habang papalapit ang hinahangaang kaklase
na si Joey na lihim niyang minamahal samakatuwid siya ay saglit na napatahimik.
3. Bahagi ng Pangungusap
59
Mayroong dalawang mahalagang bahagi ng pangungusap: ang paksa o simuno at
ang panaguri.
a. Paksa o simuno
Tinutukoy ng paksa o simuno ang pangunahing kaisipang pinag-uusapan o
siyang pokus sa loob ngpangungusap.
b. Panaguri
Ang panaguri naman ang siyang nagbibigay ng impormasyon hinggil sa
paksa o simuno.
Halimbawa:
 Ang lipunang Pilipino ay mayroong mayamang sining at kultura.
paksa
panaguri
 Kailangang malinang ang kasanayan sa pagbasa ng mga kabataang Pilipino.
panaguri
paksa
panaguri
 Hilig ni Kassandra ang pagsayaw at pag-awit.
panaguri
paksa
 Nagsisikap si Crizyl upang mapanatili ang pagiging Dean’s Lister.
panaguri
paksa
panaguri
 Ang Palanca Awards ay isang tanyag na gawad-patimpalak sa larangan ng
paksa
panaguri
panitikan sa Pilipinas.
60
PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP
Madalas ang bawat pangungusap na inihahayag ng tao sa pagsasalita at
maging sa pagsulat ay hindi lamang binubuo ng iisang kaisipan. Tulad nga ng iba pang
kayarian ng pangungusap, bukod sa pagkakaroon ng payak ay mayroon ding tambalan,
hugnayan at langkapan. Upang mabuo ang mga pangungusap na ito, mayroong iba’t
ibang pamamaraan na maaaring gamitin upang ang isang simple o payak na
pangungusap ay humaba. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Paningit Bilang Pampalawak
Tumutukoy ang mga paningit o ingklitik sa mga katagang isinama sa pangungusap
upang mas higit na malinaw ang kahulugan nito. Kinabibilangan ito ng mga
sumusunod:
ba
kasi
kaya
daw
raw
na
naman
nga
pa
din
rin
ho
lamang
lang
man
muna
pala
po
sana
tuloy
Halimbawa:
1. Nalaman na niya ang tunay na nangyari.
Nalaman na ba niya ang tunay na nangyari?
2. Naiwan niya ang kanyang aklat sa bahay.
Naiwan na naman niya ang kanyang aklat sa bahay.
3. Nakatulog siya.
Nakatulog pala siya?
4. Sinunod niya ang payo ng mga magulang
Sinunod niya yata ang payo ng mga magulang.
5. Hindi niya natapos ang mag asaynments.
Hindi pa niya natapos ang mga asaynments.
61
yata
6. Kailangan niyang huminto sa pag-aral dahil sa kakulangan ng pera.
Kailangan muna niyang huminto sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera.
2. Panuring Bilang Pampalawak
a. Karaniwang Pang- uri
 Ang masayahing bata ay malusog.
 Ang matiyagang mag-aaral ay nakakuha ng mataas na marka.
 Ang mabuting tao ay pinagkakatiwalaan,
b. Pariralang Panuring
 Ang masayahing bata sa kanyang klase ay malusog.
 Ang matiyang mag-aaral sa kanilang unibersidad ay nakakuha ng mataas na marka.
 Ang mabuting tao sa kanilang barangay ay pinagkakatiwalaan.
c. Ibang bahagi ng pananalita na gumaganap bilang pang-uri
 Ang batang mananayaw ay nakakatuwang pagmasdan.
 Ang estudyanteng iskolar ay naging valedictorian sa klase.
 Ang ispiker na nagsasalita ay gradweyt ng Harvard.
d. Pang- abay
 Pinuntahan agad ni Lumen ang Davao.
 Nag-aral nang mabuti si Raine upang maging Dean’s Lister.
 Mabilis na pinunasan ni Dan ang natapong kape sa mesa.
3. Mga Kaganapan ng Pandiwa Bilang Pampalawak
a. kaganapang ganapan
 Nagbakasyon si Kris sa magagandang lugar sa Japan.
 Nag-aral ng kolehiyo si John sa Jose Maria College.
b. kaganapang kagamitan
 Ginupit ng bata ang papel gamit ang gunting.
 Iginuhit ni Elly ang mukha ni Celine Dion sa pamamagitan ng lapis.
c. kaganapang sanhi
 Naging Dean’s Lister si Joey dahil sa matiyagang pag-aaral.
 Yumaman agad si Kristina dahil sa pagnenegosyo.
62
d. kaganapang direksyunal
 Bumabiyahe si Conie patungong Amerika.
 Inihatid ng magulang ang kanyang anak papuntang eskwelahan.
e. kaganapang tagaganap
 Niregaluhan ni Megs si Tintin ng magagandang rosas.
 Ibinalita ng reporter ang pagkapanalo ni Pacquiao sa laban.
f. kaganapang layon
 Uminom ng food supplements si Leny upang lumakas ang kanyang resistensya.
 Nagnegosyo ang buong mag-anak upang aalwan pa ang buhay.
g. kaganapang tagatanggap
 Bumili si Maya ng regalo para kay Brandy.
 Ibinigay ng director ang token sa tagapanayam.
63
PAGSUSULIT 13
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
Panuto: Isulat sa patlang ang mga kasagutan sa bawat aytem.
A. Tukuyin kung anong konsepto ang tinutukoy.
____________________1. Tumutukoy sa makabuluhang yunit ng salita.
____________________2. Makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga pangungusap.
____________________3. Ponemang hindi nirerepresenta ng anumang simbolo.
____________________4. Morpemang hindi nagtataglay ng kahulugan sa kanilang sarili.
____________________5. Lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong kaisipan
____________________6. Pangungusap na nagtataglay ng isang punong kaisipan at
dalawa o higit pang pantulong na sugnay.
____________________7. Morpemang nagtataglay ng kahulugan sa kanilang sarili.
____________________8. Ponemang tumutukoy sa paraan ng paghinto sa pagsasalita.
____________________9. Ponemang nirerepresenta ng mga simbolo at titik.
____________________10. Pangungusap na nagtataglay lamang ng isang kaisipan.
B. Enumerasyon: Isa- isahin ang mga kaugnay na konseptong hinihingi sa bawat aytem.
1-2 Dalawang klasipikasyon ng mga ponema
_______________________________
________________________________
64
3-5 Tatlong uri ng ponemang suprasegmental
________________________________
________________________________
________________________________
6-8. Tatlong uri ng morpema
________________________________
________________________________
________________________________
9-12 Uri ng pangungusap batay sa layon.
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
13-16 Uri ng pangungusap batay sa kayarian
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
17-20 Mga pampalawak ng pangungusap
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
C. Tukuyin kung anong uri ang mga sumusunod na mga pangungusap batay sa
kayarian.
_____________________1. Namalengke muna si Nanay bago namasyal sa mall.
_____________________2. Sumakay ng jeep si Maricar papuntang skwelahan samantalang
nag-taxi naman si Josef.
65
______________________3. Mahilig magbasa si Joan.
______________________4. Nagtitinda muna ng kakanin si Mia bago pumasok sa klase.
______________________5. Nagmamadaling umalis sa bahay si Lyne upang mabilis
matapos sa pag-enroll at makabyahe agad patungo sa probinsya.
______________________6. Magandang matutunan ng mga mag-aaral ang mabisang
pakikinig.
______________________7. Mahalagang panatilihin ang magandang kaugalian ng mga
Pilipino.
______________________8. Hindi nagtatanim ng sama ng loob si Maya sa kabila ng
sakit na nararamdamam.
______________________9. Masayang inalala ni Kim ang kanyang karanasan habang
nag-aaral pa ng kolehiyo at kung paano niya hinarap ang
mga suliraning dinaranas na siyang dahilan ng tagumpay na
tinatamasa niya sa kasalukuyan.
______________________10. Naisipan ni Jazz na maghanap ng trabaho upang
makatulong sa mga magulang.
D. Tukuyin kung anong uri ng pagbabagong morpoponemiko ang pinagdaanan ng mga
sumusunod na mga salita:
_______________________1. damhin
_______________________2. pampamitikan
_______________________3. managhoy
_______________________4. winasak
_______________________5. tawanan
E. Tukuyin kung anong uri ng pampalawak ang ginamit sa mga sumusunod na mga
pangungusap.
__________________1. Matiyagang binilang ng babae ang napanalunang pera sa bingo.
__________________2. Ang kanyang propesor ay gradweyt mula sa Unibersidad ng Pilipinas.
__________________3. Pinahiram ng pera ni Joshua si Roberto upang makapag-enrol.
__________________4. Niyakap nang mahigpit ng ina ang kanyang anak dahil sa tagumpay na
natamo sa pag- aaral.
__________________5. Binilhan ni Roger ng laptop ang kanyang anak.
66
KABANATA
IV
DISKURSO
 Kahulugan ng Diskurso
 Konteksto ng Diskurso
 Mga Teorya ng Diskurso
67
KAHULUGAN NG DISKURSO
Ang diskurso ay tumutukoy sa isang set ng mga kahulugang kasasalaminan ng
komunikasyong nagaganap sa isang grupo ng mga tao hinggil sa isang paksa. Ito ay maaaring
nasa paraang pasalita at pasulat. Sa mas malalim na pagpapakahulugan, kasasalaminan din ang
diskurso ng mga magkatulad na pamamaraan (shared ways) kung paano tingnan at bigyangkahulugan ng mga tao ang isang bagay na bahagi ng isang partikular na kultura o konteksto.
Malawak ang saklaw ng diskursong nagaganap sa pagitan ng mga tao.
Kinabibilangan ito ng mga simpleng usapan, mga liham, mga papel-pampananaliksik at
disertasyon, memorandum, talumpati, diskursong politikal, interbyu, komunikasyon gamit ang
internet, pahayagan, magasin, broadcast media at iba pa.
Kung mapapansin sa mga gawaing pandiskurso na inilahad sa itaas, mauuri ang
diskurso sa pasalita at pasulat. Mahalagang matutunan lalo na ng mga mag-aaral ang katangian
ng bawat isa at ang halaga nito.
Uri ng Diskurso
1. Pasalitang Diskurso
Direkta ang paglalahad ng mensahe sa pasalitang diskurso. Madalas nagaganap ang
usapan nang harapan. Kaya, kinakailangan ay maayos at epektibo ang pagpapahayag ng
taong nagsasalita sapagkat hindi na maaaring ibalik pa ang anumang nasambit na.
Direktang nakukuha agad ng nagsalita ang fidbak at reaksyon ng mga tagapakinig.
2. Pasulat na Diskurso
Sa pasulat na diskurso, hindi hayagang nakikita ng tao ang padadalhan ng mensahe.
Mayroong sapat na panahon at oras ang tagapagpadala ng mensahe na ayusin at suriin
muna ito bago pa man ipadala sa tagatanggap.
68
KONTEKSTO NG DISKURSO
Mayroong iba’t ibang konteksto ang diskurso batay sa relasyon ng mga taong
sangkot sa usapan at maging ang layunin na kanilang pagdidiskurso. Kinabibilangan ito ng
mga sumusunod:
1. Kontekstong Interpersonal
Tumutukoy ito sa usapang nagaganap sa pagitan ng mga magkaibigan. Halimbawa nito
ang pagbabatian, tsikahan, kumustahan ng mga kaibigan o kakilala.
2. Kontekstong Panggrupo
Tumutukoy sa diskurso ng mga kabilang sa isang grupo o organisasyon. Halimbawa rito
ang anumang mga pagpupulong ng isang samahan tulad ng samahan ng mga mag-aaral,
samahan ng mga drayber, organisasyon ng mga propesyonal at iba pa.
3. Kontekstong Pang-organisasyon
Tumutukoy sa diskursong nagaganap sa pagitan ng mga miyembro ng isang organisasyon.
Halimbawa rito, ang mga transaksyon at komunikasyong nagaganap sa pampribado at
pampublikong organisasyon.
4. Kontekstong Pang-masa
Tumutukoy sa diskursong nagaganap para sa masa o mamamayan.
Halimbawa nito ang isang SONA (State of the Nation Address) ng isang Pangulo patungkol
sa mga mamamayan at ang pagtatalumpati ng pulitiko sa harap ng sambayanan.
69
PAGSUSULIT 14
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
A. Tukuyin kung anong konteksto ng diskurso ang mga sumusunod na sitwasyon.
Isulat sa patlang ang titik ng sagot sa bawat aytem.
a. Interpersonal
b. Panggrupo
c. Pang-organisasyon
d. Pangmasa
__________________1. Lektyur sa klase
__________________2. Pagpupulong ng mga lider ng iba’t ibang bansa
__________________3. Pag-uusap ng magnobyo
__________________4. Pangangampanya ng politiko
__________________5. State of the Nation Address ng Pangulo
__________________6. Debate ng mag-aaral
__________________7. Usapang pampamilya
__________________8. Pagpupulong ng samahan ng mga mag-aaral
__________________9. Seminar- workshop ng mga propesyonal
__________________10. Memorandum mula sa presidente ng kompanya
70
PAGSUSULIT 15
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
Panuto: Bilang asaynment, igrupo ang klase sa apat at gawin ang mga sumusunod:
1. Bawat grupo ay kailangang magmasid ng anumang mga diskursong nagaganap sa
paligid.
2. Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan at isumeti sa guro batay sa grupong
kinabibilangan.
A. Anong uri ng diskurso ang nagaganap?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___________________________________.
B. Ano ang konteksto ng diskursong napagmasdan? Pangangatwiran.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___________________________.
71
C. Mayroon bang sapat na linggwistik at komunikatib na kasanayan ang bawat
kalahok ng napagmasdang diskurso? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___________________________.
D. Magbigay ng komento sa napagmasdang diskurso gamit ang teorya ng diskurso na
tinalakay sa klase.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___________________________.
72
KABANATA
V
KOMUNIKASYON






Depinasyon at Halaga ng Komunikasyon
Uri at Katangian ng Komunikasyon
Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon
Komunikasyong Berbal
Komunikasyong Di-Berbal
Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
73
DEPINISYON AT HALAGA NG
KOMUNIKASYON
Hindi mabubuhay ang tao kung walang komunikasyon. Walang araw na hindi
nagsasalita at nakikisalamuha ang tao sa kanyang kapwa. Ayon pa nga ng dakilang pilosopo na si
Aristotle, asdang tao ay isang social animal. Kaya, mahalagang maunawan ang kahulugan ng
komunikasyon bilang isang integral na bahagi ng buhay ng tao.
Ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis” at ng pandiwang
“communicare” na nangangahulugan sa wikang Ingles na “to make common, to transmit, to
impart”.
Kahulugan ng Komunikasyon
Maraming mga teorista ang nagbigay ng sariling pagpapakahulugan hinggil sa
komunikasyon. Pansinin ang mga sumusunod na depinisyon:
1. W.H. Newman
“Ang Komunikasyon ay pagpapalitan ng katotohanan, ideya, opinion at emosyon
sa pagitan ng dalawa o higit pang tao”.
2. Dalton McFarland
“Ang komunikasyon sa pangkalahatang pagpapakahulugan ay isang proseso ng
makabuluhang interaksyon sa pagitan ng mga tao”.
3. Norman B. Sigband
“Ang komunikasyon ay isang transmisyon at resepsyon ng mga ideya, damdamin,
kaugalian sa paraang berbal at di- berbal”.
74
4. Allen Louis
“Ang komunikasyon ay tumutukoy sa suma-total ng lahat ng bagay na ginagawa ng
tao na kinapapalooban ng mga sistema at patuluyang proseso kung ninanais niyang
lumikha ng pang-unawa sa isipan ng iba.”
5. George Vardman
“Ang komunikasyon ay isang makabuluhang pagpapalitan ng ideya na nagreresulta
ng pang-unawa at pagkakaintindihan sa pagitan ng tagapagpadala at tagatanggap ng
mensahe”.
Kahalagahan ng Komunikasyon
1. Personal
Mahalaga ang komunikasyon sa bawat personal na buhay ng tao. Ito ang natatangi at
pinakamahalagang kasangkapan upang makakilos tayo sa pang-araw-araw na mga gawain.
Simula pagkagising at paggana ng isipan ay nakikipagkomyunikeyt na tayo sa ating sarili. Walang
panahong humihinto ang ating pag-iisip kaya’t hindi rin humihinto ang gamit ng komunikasyon
sa ating buhay.
2. Sosyal
Walang taong nabubuhay nang nag-iisa. Napapabilang tayo sa isang pamilya, grupo,
institusyon at lipunan. Kumikilos tayo hindi lamang para sa ating sarili kundi lahat ng ating kilos
ay konektado sa iba. Sa araw-araw ay nakikipag-usap tayo. Ibinabahagi natin ang ating sariling
kaisipan, damdamin, ideya at emosyon sa iba. Ang isang grupo ay patuloy na tumatatag dahil
mayroong maayos na komunikasyon ang bawat isa. Ang isang bansa ay patuloy na umuunlad at
nagkakaunawaan ang bawat mamamayan dahil sa komunikasyon. Ang iba’t ibang bansa sa mundo
ay nagkakaroon ng pagkakaugnayan dahil mayroong wikang nagsilbing tulay upang magkaroon
ng komunikasyon.
Maaring sa isang paksang pag-uusapan ay mayroong iba’t ibang paniniwala ang
mga tagapakinig. Magiging sanhi ito ng miskomunikasyon.
75
4. Mensahe, hindi kahulugan ang naipadadala/natatanggap
Mensahe, lamang ang naipadadala ng enkowder at natatanggap ng dekowder. Hindi
nagagawang maipasa ng enkowder ang kahulugan ng kanyang mga pahayag. Ang dekowder din
ang lilikha ng pagpapakahulugan sa mga mensaheng kanyang natatanggap. Kung nagtutugma ang
ninanais na kahulugan sa nagawang pagpapakahulugan ng dekowder ay matatamo ang
matagumpay na komunikasyon.
5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon.
Walang taong makaiiwas sa komunikasyon. Kahit hindi magsasalita ang tao,
mayroon pa ring komunikasyong nagaganap sapagkat hindi naman maaaring pigilan ang daloy ng
isipan. Sa pagdaloy pa lamang ng isipan ay mayroon ng nagaganap na komunikasyon. Ito ay ang
komunikasyong intrapersonal.
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon
Mayroong dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon. Ang
komunikasyong pangnilalaman o berbal na tumutukoy sa mensaheng gumagamit ng wika
pasulat man o pasalita. Pangalawa, ang amensaheng relasyunal o di-berbal na tumutukoy sa mga
kilos, ekspresyon ng mukha, katawan, espasyo at iba pa. Naging pantulong ng mensaheng
pangnilalaman ang mensaheng relasyunal sapagkat mas pinatitibay nito ang pagiging katotohanan
ng una.
76
PAGSUSULIT 16
Pangalan: ____________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
Pangkatang Gawain
A. Igrupo ang klase sa apat at gumawa ng isang malikhaing presentasyon batay sa
paksang nakalahad sa ibaba. Isumite ang papel na ito bago ang presentasyon ng bawat
grupo.
Unang grupo –
Ikalawang Grupo –
Ikatlong Grupo –
Kahulugan at kahulugan ng komunikasyon
Uri ng Komunikasyon
Katangian ng Komunikasyon
B. Sundin ang mga sumusunod na panuntunan at krayterya:
1. Ang presentasyon ay tatagal sa loob ng sampung minuto.
2. Bawat grupo ay kailangang gumamit ng anumang praps.
3. Kailangan ang bawat miyembro ay mayroong partisipasyon.
C. Krayterya ng pagmamarka:
Marka
Nilalaman ng Dula
-
40
______________
Masining na Presentasyon
-
20
_____________
Malinaw na Organisasyon ng Presentasyon -
20
______________
Kahandaan ng Bawat Miyembro
10
______________
10
_____________
100
_____________
-
Praps
Kabuuan
77
URI AT KATANGIAN NG
KOMUNIKASYON
Upang lubusang mauunawaan ang saklaw ng komunikasyong nagaganap sa arawaraw na pamumuhay ng tao, mahalagang unawain ang iba’t ibang uri at mga katangian nito.
A. Uri ng Komunikasyon
Ang komunikasyong nagaganap sa bawat araw-araw ay maikaklasipika batay sa
bilang o dami ng taong kasangkot at maging sa layunin ng pakikipagkomunikasyon.
1. Ekstrapersonal
Ang ekstrapersonal na komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng tao o hayop.
Mayroong mga taong nag-aalaga ng iba’t ibang uri ng hayop at nagkakaroon ng sistema sa
paghahatid ng mensahe sa tagapag-alaga at ng hayop na inaalagaan.
2. Intrapersonal
Tinatawag ding komunikasyong pansarili ang intrapersonal. Sa tuwing nag-iisip
ang tao hinggil sa iba’t ibang bagay o paksa ay nagkakaroon ng dayalogong internal.
3. Interpersonal
Tumutukoy ang komunikasyong interpersonal sa pagpapalitan ng mga
impormasyon, damdamin, saloobin, pananaw ng dalawang tao o maliit na grupo ng tao.
Madalas nagaganap ang ganitong uri ng komunikasyon sa araw-araw.
4. Organisasyonal
Organisasyonal ang uri ng komunikasyong nagaganap sa bawat miyembrong
kabilang sa isang organisasyon. Ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang uri ng institusyon
78
at organisasyon. Bawat isa ay mayroong uri at natatanging sistema ng komunikasyong
sinusunod lalo na sa mga pormal na paraan ng transaksyon.
5. Pangmasa
Tumutukoy sa anumang uri ng komunikasyong kinasasangkapan ng maraming
bilang ng awdyens. Halimbawa rito ang paghahatid ng anumang impormasyon gamit ang
jornal, telebisyon, pahayagan at internet.
B. Katangian ng Komunikasyon
1. Ang komunikasyon ay isang proseso
Mayroong dalawang proseso ang nagaganap sa proseso ng komunikasyon. Ito ay ang
enkowding at dekowding.
Ang enkowding ang siyang nararanasan ng tagapagpadala ng mensahe.
Kinasasangkutan ito ng mga sumusunod na gawain:





Iniisip kung ano ang mensaheng ipapadala;
Anong tsanel ang gagamitin sa pagpapadala ng mensahe;
Ano-ano ang mga salitang gagamitin;
Paano isasaayos ang mga mensahe sa lohikal na paraan; at
Ano ang posibleng reaksyon ng padadalhan ng mensahe
Ang dekowding naman ang siyang nararanasan ng tagatanggap ng mensahe ay
kinasasangkutan ng mga sumusunod na gawain:
 Iniisip kung ano ang kahulugan ng mensaheng natatanggap;
 Ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya; at
 Paano tutugunan ang mensahe

2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko
Sa bawat araw walang limitasyon o hangganan ang proseso ng komunikasyon.
Katulad ng pagbabago ng buhay ng bawat tao at pagbabago ng takbo ng lipunan,
nagbabago rin ang komunikasyon. Ang bawat paksa, ang mga taong kasangkot, ang bawat
sitwasyon ay hindi matatakdaan.
79
3. Ang komunikasyon ay komplikado
4. Bawat tao ay may kanya-kanyang indibidwalidad. Bawat isa ay may natatanging pag-iisip,
saloobin, damdamin, paniniwala, biases at prejudices na maaaring nakaimpluwesiya sa
pakikipagkomunikasyon sa bawat isa.
MGA SANGKAP AT PROSESO NG
KOMUNIKASYON
Ang komunikasyong ay isang komplikadong gawain. Upang ito ay maging
matagumpay mahalagang maunawaan ang bawat sangkap at elementong kasangkot at
maging ang proseso nito.
A. Sangkap ng komunikasyon
Mayroong mahahalagang sangkap ang komunikasyon. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Tagapagpadala ng Mensahe o Enkowder
Ang sender o tagapagpadala ng mensahe ang siyang nagtataglay ng ideya,
saloobin, impormasyon o emosyong nais na iparating at ibahagi sa iba. Siya ang gumagawa
na proseso na enkowding. Tumutukoy ito sa prosesong nagaganap sa isipan ng sender na
kinapapalooban ng pag- iisip kung ano ang mensaheng ipaparating, kanino ipapadala,
paanong paraan ipapadala, at ang pag- iisip ng posibleng reaksyon ng padadalhan ng
mensahe.
Ang pagiging epektibo ng sender bilang tagapagpadala ng mensahe ay nasusukat sa
dalawang salik tulad ng atityud o kaasalan at ang pagpili ng tama o angkop na salita o
simbolo. Kailangang magtataglay ng positibong atityud ang sender nang sa gayon ay
maiparating nang maayos ang mensahe. Mahalaga ring ikonsidera ang tamang salita o
simbolong gagamitin upang matiyak na maging angkop ang reaksyon o pang-unawa ng
tumanggap ng mensahe.
80
2. Mensahe
Tumutukoy ito sa anumang ideya, saloobin, damdamin, emosyon o impormasyong
ipinadala o ibinahagi. Maaaring gawin ang pagpapadala ng mensahe sa paraang verbal
(gumagamit ng wika, pasulat man o pasalita) at di- verbal (gumagamit ng mga simbolo).
3. Tsanel
Tumutukoy ang tsanel sa pamamaraan na ginagamit sa pagpapadala ng mensahe. Ito ay
nauuri sa tatlo: berbal (gamit ang pasalita at pagsulat na paraan); di- berbal (gamit ang mga
simbolo, kilos at galaw ng katawan); at elektroniko (gamit ang mga elektronikong
kagamitan tulad ng fax, e-mail, selfon at iba pa).
4. Tagatanggap ng Mensahe o Dekowde
Ang tagatanggap ng mensahe o dekowder ay tumutukoy sa taong pinadalhan ng ideya,
damdamin, impormasyon o saloobin. Siya ang gumaganap sa proseso ng dekowding na
tumutukoy sa pag- iisip kung ano ang kahulugan ng natanggap na mensahe. Iisipin din
kung ano ang nais na fidbak na inaasahan ng tagapagpadala ng mensahe. Epektibong
komunikasyon kung nagkakaroon ng parehong pang-unawa at pagpapakahulugan ang
enkowder at dekowder.
5. Fidbak
Tumutukoy ito sa mensaheng ipinadala ng tagatanggap o dekowder pabalik sa
enkowder. Ang nasabing mensahe ay kinapapalooban ng reaksyon at pang-unawa ng
dekowder sa mensaheng kanyang natanggap. Maaaring ito ay ipadala sa paraang berbal at
di-berbal. Sa panahong, naipadala na ang fidbak ng dekowder siya ay nagiging enkowder
at ang unang enkowder ay nagiging dekowder. Batay din sa fidbak na ipinadala ng
dekowder nagagawang i-adjust ng enkowder ang paraan ng pagpapadala ng mensahe.
Kung walang fidbak napuputol ang daloy ng komuniksyon at hindi nalalaman kung
naunawaan ba ang ipinadalang mensahe.
6. Mga Sagabal o Barriers
Minsan nagkakaroon ng pagkaputol o mga salik na nakaapekto sa matagumpay na
komunikasyon. Kinakailangang mapigilan ang mga sagabal na ito upang hindi maputol
ang daloy ng komunikasyon. Ang mga sagabal ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
81
A. Pisikal o Eksternal na Sagabal
Tumutukoy sa mga sagabal tulad ng ingay sa paligid, mga distraksyon,
hindi paggana ng e-mail, mahinang koneksyon ng selfon o telepono, oras, higit na malalim
at teknikal na salita, at maging ang kapaligiran.
B. Internal na Sagabal
Kinapapalooban ng fatigue, kulang ng kasanayan sa pakikinig, atityud
tungo sa tagapagpadala ng mensahe, kakulangan ng interes sa mensahe, takot, kawalan ng
tiwala, negatibong pananaw, problema sa bahay, kakulangan ng komon na karanasan at
emosyon.
Proseso ng Komunikasyon
Bawat sangkap na tinalakay sa naunang pahina ay makikita sa proseso ng
komunikasyon. Bawat sangkap ay mahalaga. Makikita sa dayagram sa ibaba ang prosesong
nagaganap sa komunikasyon.
Konteksto
Mga Potensyal na Sagabal
Mensahe
Tsanel
Tagapagdala
O
Enkowding
Dekowding
Enkowder
Tagatanggap
o
Dekowder
Fidbak
o
Tugon
82
Makikita sa dayagram sa itaas ang naging daloy ng proseso ng komunikasyon.
Nagsisimula ang komunikasyon sa pag eenkowd ng tagapagpadala ng mensahe. Susundan ito ng
pagkabuo ng mensahe, pagpili ng angkop na tsanel, pagdating ng mensahe sa tagatanggap,
pagdedekowd ng tagatanggap sa mensahe, at pagpapadala ng fidbak. Sa isang usapan o dayalogo,
nagkakaroon ng siklikal na daloy ang proseso ng komunikasyon
83
PAGSUSULIT 17
Pangalan: ___________________________________ Kurso at Baitang: _____________
Guro: ________________________________________Iskor: _______________________
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:
A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot na kumakatawan sa bawat aytem na nasa Hanay A.
Hanay A
______1. Fidbak
______2. Mga sagabal
______3. Enkowder
______4. Tsanel
______5. Dekowder
______6. Mensahe
Hanay B
a. paraang ginamit sa pagpadala ng mensahe
b. nag-eenkowd ng mensahe
c. nagdedekowd ng mensahe
d. kasipan o ideyang inihahatid at natatangap
e. tugong ipinadala ng dekowder
f. mga posibleng pumuputol sa daloy ng proseso
ng komunikasyon.
B. Isa- isahin ang mga kaugnay na konsepto sa bawat aytem.
Mga Uri ng Sagabal sa Proseso ng Komunikasyon
7._________________________________
8._________________________________
9._________________________________
10.________________________________
Mga Uri ng Mensaheng Naipapadala
11.______________________________
12.______________________________
Uri ng Tsanel
13.______________________________
14.______________________________
15.______________________________
84
KOMUNIKASYONG BERBAL
Madalas ang komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay nagaganap sa pamamagitan ng
berbal na paraan gamit ang isang partikular na wika. Ito ay maaaring sa paraang pasalita at pasulat.
Ginagamit ang berbal na paraan sa pang-araw-araw na harapang pag-uusap. Mabisa itong
gamitin sa mga pagpupulong, interbyu, kumperensya, pakikipag-usap sa telepono at iba pa.
Mahalagang malinang ang kasanayan sa berbal na pakikipagkomunikasyon upang maging
matagumpay sa buhay. Para sa mga mag-aaral, mabilis na natututo at ang mga estudyanteng hindi
nahihiyang magpahayag ng kanilang mga pananaw o ideya at hindi natatakot na magtanong at
linawin ang mga konseptong hindi nauunawaan sa klase. Para sa mga propesyonal naman, mas
hinahanap ng mga employer ang mga empleyadong mayroong tiwala sa sariling
makipagkomyunikeyt sa iba’t ibang sirkumstansya.
Ayon kay Gerald, 1960 (nasa Bernales, et al., 2011), ginagamit ang berbal na
komunikasyon sa mga sumusunod na sitwasyon:
1. Kung mayroong sunud-sunod na datos na kailangang lutasin, mas mabisa ang paggamit ng
pandinig kaysa biswal na pamamaran. Mas mabilis na nakukuha ang reaksyon sa pamamagitan
ng pakikinig.
2. Kung abala ang tagapakinig sa ibang gawain o kondisyon, nababawasan ang kanyang alertness.
Kaya, mas mabisang gamitin ang berbal kaysa di-berbal na paghahatid ng mensahe.
3. Kapag ang mensahe ay mahalaga, maiikli o madadali, mas madali itong mauunawaan at
matatandaan kapag napakinggan o nabasa.
4. Kapag mahalaga ang fleksibiliti ng paglilipat ng mensahe, mahalaga ang paggamit ng tinig lalo
na sa pagbibigay ng iba’t ibang impleksyon at empasis.
5. Kapag nais nating maglahad ng impormasyong kaugnay ng isang tiyak na usapin o isyu, ang
paggamit ng berbal na paraan ay napakabisa.
6. Kapag ang resepsyong biswal ay hindi mabisa sa kadahilanang maiuugnay sa kondisyong
pangkapaligiran, ang paggamit ng berbal na paraan ay mas lalong angkop.
85
Samantala, mayroong mga salik na kailangang isaalang-alang sa pag-unawa o paginterpret ng mga mensaheng berbal. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
Referent
Tumutukoy ang referent sa mga tawag ng isang bagay o ideyang kinakatawan ng isang
salita. Tumutukoy din ito sa isang partikular na aksyon, katangian ng mga aksyon at relasyon ng
mga bagay sa iba pa.
Common Reference
Tumutukoy ang common reference sa tawag ng mga magkakaparehong kahulugang
ibinibigay ng mga taong sangkot sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Kontekstong Berbal
Ang anumang kahulugan ng isang salita na makukuha batay sa ugnayan nito sa iba pang
salita sa loob ng isang pahayag ay tinatawag na kontekstong berbal.
Paraan ng Pagbibigkas
Maaari ring magbigay ng konotasyon ang paraan ng pagbigkas. Ang isang pahayag ay
nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan batay sa pagbigkas nito sa iba-ibang paraan.
86
KOMUNIKASYONG DI- BERBAL
Isa sa paraan ng pakikipagkomunikasyon ng tao ang paggamit ng di-berbal na paghahatid
ng mensahe. Kung walang taong hindi nakapagsasalita mas higit na walang taong hindi kumikilos
o gumagalaw. Mahalaga ang di-berbal na komunikasyon sa mga sumusunod na kaparaanan:
 Lumikha ng impresyong higit pa sa isinasaad ng berbal na pahayag;
 Ulitin at pagtibayin kung ano ang binigkas na pahayag;
 Pamahalaan at kontrolin ang interaksyong nagaganap sa pagitan ng mga kalahok sa isang
usapan;
 Ipakita ang emosyong nakapaloob sa berbal na pahayag; at
 Maglahad ng mga relasyunal na mensahe tulad ng affection, kapangyarihan, pagdodomina,
respeto, at iba pa.
Mayroong ibat’ ibang uri ng di-berbal na komunikasyong ginagamit ng tao sa araw-araw.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
1. Mata o Occulesics
Tumutukoy ito sa paggamit ng mata bilang paraan ng paghahatid ng mensahe. Ang
pamumungay, pagkindat, panlalaki o panlilisik ng mata ay naghahatid ng ibang mensahe.
87
2. Katawan o Kinesics
Tinatawag sa Ingles na body language na nakatuon sa mga pisikal na kilos.
Nagtataglay ng iba’t ibang mensahe mula katawan ng tao tulad ng pananamit at kaanyuan,
kumpas ng kamay, tindig, ekspresyon ng mukha, paggalaw ng kilay, at iba pa. Madalas ay
mas marami itong naihahayag na mensahe kaysa sa mga salitang lumalabas sa bibig.
3. Distansya o Proximics
Kinabibilangan ng paggamit ng distansya sa mga sosyal na usapan. Isa sa aspeto ng
paggamit nito ay ang pagkamalapit ng mga taong nag-uusap at ang kultura ng isang
lipunan. Maikaklasipika ito sa apat na uri tulad ng mga sumusunod:
A. Intimate na Espasyo - 0- 18 inches
B. Personal o Impormal na Espasyo – 18 inches - 4 feet
C. Sosyal na Espasyo – 4 feet – 12 feet
D. Pampublikong Espasyo – 12
4. Hawak o Haptics
Tumutukoy sa paggamit ng hawak bilang elemento ng komunikasyon.
Kinabibilangan ito ng uri, dalas, at diin ng paghawak. Mayroong mga bansang mayroong
88
high-touch na kultura tulad ng Meditteranian, Middle Eastern at Latin America. Ang North
America at Northern Europe naman ay mayroong moderate-touch na kultura. Samantala,
ang Northern Asia naman ay mayroong low-contact na kultura at madalas ay hindi talaga
ginagawa ang paghawak sa mga sosyal na usapan. Sa Pilipinas naman, madalas ay
ginagamit ang hawak sa iba’t ibang pakahulugan batay sa digri ng paghawak.
5. Paralanguage o Vocalics
Uri ng komunikasyong di-berbal na nakatuon sa paraan ng pagbigkas ng salita.
Tinutukoy din ito bilang hindi ponetikong aspeto ng wika. Kinabibilangan ito ng punto,
tono, bilis, at lakas ng pagsasalita. Bawat isa ay mayroon ding inilalahad na mensahe.
Maikaklasipika ito sa mga sumusunod na kategorya:
A. Vocal Characterizers- kinabibilangan ng pagtawa, pag-iyak, paghikab at iba pa.
B. Vocal Qualifiers. - kinabibilangan ng lakas, pitch, tono, at ritmo na nagkakaibaiba ang kahulugan sa iba’t ibang lipunan.
C. Vocal Segregates- kinabibilangan ng mga tunog tulad ng hmmm, uh huh, oooo, at
iba pa.
D. Vocal Rates- nakatuon sa bilis ng pagsasalita ng tao na nagtataglay din ng iba’t
ibang pakahulugan sa iba’t ibang lipunan.
6. Oras o Chronemics
Elemento ng komunikasyong nakatuon sa oras. Sinusukat ang pormal na oras
gamit ang minuto, oras, araw, at iba pa. Samantalang ang mga impormal na oras ay
sinusukat batay sa panahon, tradisyon, siklo, at iba pa. Kaakibat ng chronemics ang
pagiging maaga at ang pagpapahalaga ng oras bawat sa kulturang itinakda ng lipunan.
7. Amoy o Olfactics
Aspeto ng di-berbal na komunikasyong nakatuon sa pang-amoy. Bawat naaamoy
ng tao ay naghahatid ng mensahe sa isipan at denidekowd ng taong nakakaamoy.
89
PAGSUSULIT 18
PANUTO: Isulat sa patlang ang kahulugang di-berbal na masasalamin sa bawat larawan.
A.
B.
___________________________
____________________________
___________________________
____________________________
C.
D.
___________________________
____________________________
___________________________
____________________________
E.
F.
___________________________
____________________________
___________________________
____________________________
90
KONSIDERASYON SA MABISANG
KOMUNIKASYON
Ayon sa isang sosyolinggwista na si Dell Hymes mahalagang ikonsidera ang mga
sumusunod sa pakikipagkomunikasyon:
1. Setting o Lugar
Nagbabago ang paraan ng pakikipagkomunikasyon batay sa lugar na pinangyarihan.
Iba ang paksa at paraan ng usapan sa palengke, simbahan, korte, hospital, parke, eskwelahan, at
iba pa.
2. Participants o Mga Sangkot sa Usapan
Mahalaga ring ikonsidera ang mga taong sangkot sa usapan tulad ng kanilang mga
katungkulan o posisyon. Maging ang relasyon ng mga nag-uusap. Iba ang paraan ng pakikipagusap ng isang estudyante sa kanyang propesor kung ikokompara sa pakikipag-usap niya sa
kanyang mga pamilya o kaibigan.
3. Ends o Layon ng Usapan
Kailangan ding ikonsidera kung ano ang layon ng pakikipagkomunikasyon. Iba ang
paraan ng pakikipag-usap kung ang layunin ay magpaliwanag, maki-usap, magbiro,
mangumbinsi, tumawa, magtanong at iba pa.
4. Act Sequence o Daloy ng Usapan
Hindi nalilimitahan ang daloy ng karaniwang usapan. Maaaring nagsimula ito sa isang
masinsinang usapan, biruan, talunan hanggang sa hahantong sa sigawan.
5. Keys o Pormalidad at Impormalidad ng Usapan
Mahalaga ring ikonsidera kung ang usapan ay pormal ba o impormal. Madalas sa mga
pormal na usapan ay pormal din ang wikang ginagamit. Samantalang, sa impormal na usapan
madalas ang ginagamit na wika ay lalawigan at kakikitaan din ng kolokyal at balbal na wika.
91
6. Instrumentalities o Tsanel ng Usapan
Kailangan ding ikonsidera kung ano ang pinakamabisang tsanel na gagamitin sa
paghahatid ng mensahe: sa paraang berbal ba, di-berbal o elektroniko.
Ginagamit ang pasalitang paraan kung nangangailangan ng agarang tugon o fidbak.
Kung ang komunikasyon naman ay nangangailangan ng dokumentasyon mahalagang gamitin ang
pasulat na paraan. Kung ang padadalhan ng mensahe ay malayo o nasa ibang bansa,
pinakamabisang gamitin ang paraang elektroniko.
7. Norms o Paksa ng Usapan
Mahalaga ring ikonsidera sa komunikasyon ang paksa ng usapan. Kung ang paksa ay
hindi pamilyar sa mga tagapakinig, maaaring limitado lamang ang kanilang maibibigay na fidbak.
Kung pamilyar sa kapwa enkowder at dekowder ang paksa, mas lalawak pang lalo ang daloy ng
usapan.
8. Genre o Uri ng Usapan
Mahalagang tukuyin ng enkowder at dekowder kung ano ang uri ng usapan. Tutukuyin
lamang ang layunin ng nagpadala ng mensahe. Siya ba ay nagsasalaysay, naglalarawan,
naglalahad o nangangatwiran.
92
PAGSUSULIT 19
A. Modipikadong Tama o Mali. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang
pahayag; kung mali naman, isulat sa patlang ang salitang nagpamali at ang salitang
magpapatama sa bawat pahayag.
1. Ginagamit ang komunikasyong berbal kapag mayroong ginagawa ang taong kausap.
_____________________________
_____________________________
2. Kung ang mensahe ay madadali, maiikli at mahalaga kailangang gamitin ang komunikasyong
di-berbal.
_____________________________
_____________________________
3. Tinutukoy na Referent ang katawagan ng isang bagay.
_____________________________
_____________________________
4. Tinatawag naman na Kontekstong Berbal ang parehong pag-unawa sa isang bagay ng mga
taong sangkot sa komunikasyon.
_____________________________
_____________________________
5. Tinutukoy naman na common reference ang iba- ibang paraan ng pagbigkas ng isang pahayag.
_____________________________
_____________________________
6. Proximics ang tawag sa paggamit ng katawan bilang instrumento ng paghahatid ng mensahe.
_____________________________
_____________________________
7. Chronemics naman ang tawag sa paggamit ng oras bilang elemento ng komunikasyong diberbal.
_____________________________
_____________________________
8. Tinatawag naman na ocfaltics ang paggamit ng hawak bilang elemento ng komunikasyon.
_____________________________
_____________________________
9. Haptics naman ang tawag sa paggamit ng oras bilang elemento ng komunikasyon.
_____________________________
_____________________________
10. Occulesics naman ang tawag sa paggamit ng mata bilang elemento ng komunikasyon.
_____________________________
_____________________________
B. Pagtatapat- tapat. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot mula sa Hanay B na
kumakatawan sa konseptong tinutukoy sa Hanay A.
Hanay A
Hanay B
___________ 1. Ends
___________ 2. Act Sequence
___________ 3. Keys
___________ 4. Setting
___________ 5. Instrumentalities
___________ 6. Participants
a. Sino ang nag-uusap?
b. Pormal o impormal ba ang usapan?
c. Saan ang tagpuan?
d. Paano ipinadala ang mensahe?
e. Ano ang paksa ng usapan?
f. Ano ang takbo ng usapan?
93
MGA SANGGUNIAN
Anson, Chris M. At Schwegler, Robert A. 2005. The longman handbook for writers
and readers, USA: Pearson Education, Inc.
Bernales, Rolando B. et al. 2011. Komuninkasyon sa makabagong panahon.
Philippines: Mutya Publishing Inc.
Forlini, Gary., et al.2005. Prentice hall grammar and composition. Philippines:
Pearson Education South Asia Pte Ltd.
Lucas, Stephen E. 1995. The art of public speaking. USA: Mc-graw Hill Inc.
M,
Santiago, Alfonso O. At Norma G. Tiangco.2003. Makabagong bararilang Pilipino.
Manila: Rex Book Store.
http://cw.routledge.com/textbooks/9780415537902/data/learning/11_Communication%2
0Skills.pdf
http://flpbs.fmhi.usf.edu/pdfs/Listening%20Skills.pdf
http://www.mentoring.org/downloads/mentoring_436.pdf
http://www.cambridge.org/other_files/downloads/esl/booklets/Richards-TeachingListening-Speaking.pdf
http://www.greyowl.com/articles/comm_articles.pdf
http://mahidachintan.com/documents/Unit-3.pdf
http://www.sagepub.com/edwards/study/materials/reference/77593_5.1ref.pdf
http://www.ucd.ie/artspgs/langevo/langevobriefly.pdf
http://publish.uwo.ca/~rmoir2/docs/CriticalThinking%20Tutorial%202.pdf
http://www.achievementlink.com/pdf/halliday_functions_of_language.pdf
http://www.achievementlink.com/pdf/halliday_functions_of_language.pdf
http://grammar.about.com/od/grammarfaq/f/whatislang.htm
94
Download
Study collections