Nagising ako bigla at nakita ko na puro patay na tao nasa paligid ko at wala akong alam kung ano nangyari sa akin at kung bakit ako nandito. Sumigaw ako upang malaman kung mayroon bang tao sa paligid at ang naririnig ko lang ay echo ko. Tumayo ako at sinubukan ko maghanap ng paraan sa paglabas sa lugar nito, ang nakikita ko lang ay ang isang mahaba na kalye na walang katapusan at isang madilim na gubat sa tabi. Naglakad lang ako nang diretsyo pero kahit gaano katagal ako lumalakad bumabalik pagkatignan ko sa tabi bumabalik lamang ak sa lugar na kung saan ako gumising. Sinubukan ko pumasok sa gubat at nakita ko na sa kabila ng gubat mayroon isang kalye, masaya ako sa nakita at iniisip ko na, “ sa wakas makalabas na ako” pero pagnakita ko kung ano ang nasaharap natakot na ako, bumalik ako ulit sa simula. Bigla narinig ako ng isang boses, “ok ka lang, naririnig moa ko?” at ang alarm ng kotse ng pulis. Masaya ako sinagot ko siya agad, “nandito ako, nandito ako, nasaan ka?” Pero wala sumasagot sa akin, ang naririnig ko lang ay ang echo ko. Umupo ako sa sahig at sinubukan ko isipin kung ano nagyari sa akin, kung bait ako nandito. Ang naalala ko lang ay sumakay ako ng bus upang pumunta sa bahay ng kaibigan ko, “tapos ano nayari sa sunod?” Bigla may isang ilaw sa harap ko, isang lalaki na hindi ko makita ang mukha niya, “sino ka, kilala moa ko?” Hindi sumagot ang lalaki. Sa loob ng isang emergency room, nakatayo ang isang doctor at ang isang pulis, umiling ng ulo ang doctor sa pulis, “hindi na siya makigising sa vegetative state” at ang nakahiga sa kama ay ang babae na nawawalan sa dilim, na walang makita na pag-asa.