MGA BATAS PANGWIKA Mercylyn Emerald Cabelin Mga layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga batas pangwika natutukoy ang mga batas pangwika naiuugnay ang batas pangwika sa wikang Filipino. Saligang Batas ng Biak na Bato Ang wikang opisyal ng katipunan ay Tagalog na naging midyum sa mga paghatid-sulat at dokumento ng kilusan. Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIII Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong wikang na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Batas Komonwelt Blg, 184 Naglalayong bumuo ng samahang pangwikang Surian ng Wikang Pambansa o SWP Kautusang Tagapagpaganap Blg, 134 Ipinalabas ng SWP ang resolusyong nagsasaad ang Tagalog ay batayan ng wikang Pambansa. Kautusang Panglagawaran Blg. 1 Iniutos ng kalihim ng Pampublikong Instruksiyon, Jorge Bacobo, na ituro sa lahat ng paaralan ang pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941 Order Militar Blg. 13 Ibinaba noong panahon ng pananakop ng Hapon, ginawang opisyal na mga wika ng Pilipinas ang wikang Hapon at Tagalog. Batas ng Komonwelt Blg. 570 1946) Ang wikang Pambansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino at maging nang wikang opisyal ng Pilipinas. Proklama Blg. 12 (1954) Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsasay, nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula MArso 29 hanggang Abril 4 at araw ni Balagtas tuwing Abril 12 Proklama Blg. 186 (Set. 23, 1955) Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang susog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Quezon, "Ama ng Wikang Pambansa" Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino Kautusang Tagapaganap Blg. 96 (1967) Ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito at nilagdaan ni Pangulong Marcos. Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksiyon 3 Ang Pambangsang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. Hanggat hindi nagpapatibay ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino ang siyang wikang opisyal. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) Ang patakarang ito ay naguutos ng magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primarya, intermediya, at sekondarya. Pilipino at Ingles Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 8 Ang Konstitusyon na ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 9 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika. Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987) Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Billingguwal. "Ang patakarang Billingguwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa sa pamamagitan ng pagturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero, 1987) Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP. Proklamasyon Blg, 1041 (1997) Ang pagtatalaga nag taong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel Ramos Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 Nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino, kasabay ng tuwirang pagtukoy ng Konstitusyon ng 1987 sa wikang pambansa. Proklamasyon Blg, 1041 (1997) Ang pagtatalaga nag taong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel Ramos Reperensiya: Artizo, J. (n.d.). Mga batas pangwika. Retrieved October 22, 2022, from https://www.slideshare.net/bba rtizo/mga-batas-pangwika47280923 Wakas