Uploaded by aya

Q2 AralPan 8 Module 3

advertisement
8
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pag-usbong at Pag-unlad ng mga
Klasikal na Lipunan sa Africa, America
at mga Pulo sa Pacific
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na
Lipunan sa Africa, America, at mga Pulo sa Pacific
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jayzon P. Daquio
Tagasuri:
Cleofa R. Suganob at Alberto, Jr. S. Quibol
Tagaguhit: Arnold Gabrielle F. Espaldon
Tagapamahala:
Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region XI, Davao City Division
Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone082) 224 0100/228 3670
E-mail Address: info@deped-davaocity.ph/lrmds.davaocity@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pag-usbong at Pag-unlad ng mga
Klasikal na Lipunan sa Africa, America,
at mga Pulo sa Pacific
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng
Daigdig ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pag-usbong at
Pag-unlad ng mga klasikal na Lipunan sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y
naglalaman
ng
mga
paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Pag-usbong at Pag-unlad ng mga klasikal na Lipunan sa
Africa, America at mga Pulo sa Pacific.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iii
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkukunan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
iv
Alamin
Kumusta ka na mag-aaral? Handa ka na ba sa panibagong aralin?
Sa nakaraang aralin iyong natutunan ang tungkol sa mga mahahalagang
pangya-yari na nagbigay-daan sa pag-usbong at pagbagsak ng klasikong
kabihasnang Romano. Ang mga kaalaman na ito ay maaari mong magamit bilang
gabay at upang maunawaan ang ating susunod na aralin.
Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang pag-usbong at pag-unlad ng mga
klasikong kabihasnan sa Africa, America at mga pulo sa Pacific. Matutuklasan mo
rin kung paano binigyang tugon ang mga hamon ng mga sinaunang mamamayan
sa mga nasabing kontinente at ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnan
tungo sa paghubog ng pagkakakilanlan ng kanilang mamamayan sa kasalukuyan.
Nakabatay ang aralin na ito sa Most Essential Learning Competency para sa
Baitang 8 na: Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong
kabihasnan sa Africa, America at Mga Pulo sa Pacific (AP8 DKT-IId-4-5/AP8
DKT-IIe-6-7)
Mula sa mga nabanggit na kasanayan ay pag-aaralin mo ang sumusunod na paksa:



Africa-Songhai, Mali, at Ghana
America- Aztec, Maya, Olmec, at Inca
Mga Pulo sa Pacific
Inaasahan na sa modyul na ito ay natututuhan mo ang sumusunod:

naitatala ang mga ambag ng kabihasnang Africa, America at Pulo sa Pacific.

nakikilala ang mahahalagang kaganapan sa kabihasnang klasikal ng Africa,
America at mga Pulo sa Pacific.

natutukoy ang mga dahilan ng pag-usbong at pagbagsak ng klasikong
kabihasnan ng Africa, America at Mga Pulo sa Pacific.
Ngayon ay alam mo na ang paksang ating tatalakayin at ang mga layuning
dapat mong matutuhan at taglayin sa pagtatapos ng aralin. Ang mga impormasyong
ito ay magsisilbing gabay mo kung ano at sa paanong paraan mo ito makakamit.
Dumako tayo sa susunod na parte upang subukin ang iyong kaalaman tungkol sa
paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa paunang pagtataya.
1
Subukin
Handa kana ba? Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga katanungan na
dapat mong sagutin na siyang magtatakda kung gaano kalawak ang iyong
kaalaman tungkol sa aralin.
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang letra ng iyong napiling sagot.
1. Suriin ang mapa sa ibaba. Tukuyin kung saang kontinente matatagpuan ang
Kaharian ng Axum na kilala ding sa pangalang Ethiopia?
A. Africa
B. America
C. Asya
D. Australia
2. Alin sa sumusunod ang mga itinuturing na Imperyo ng Africa?
A. Ghana, Songhai, at Mali
C. Minoans, Myceneans, Athens
B. Inca, Zapotec, Maya, Aztec
D. Polynesia, Melanesia, Austronesia
3. Sino ang naging hari ng Imperyong Songhai na siyang dahilan sa paglawak at
paglakas ng kanilang kaharian?
A. Mansa Musa
B. Sundiata Kieta
C. Sunni Ali
D. Timbukto
4. Ito ang itinuturing na pinakamalawak na disyerto sa kontinente ng Africa na
naging instrumento sa kalakalan ng mga tao?
A. Arabian Desert
B. Gobi Desert
C. Kalahari Desert D. Sahara Desert
5. Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Kabihasnang Maya, Aztec, at Inca?
A. Africa
B. Meso-america
C. Asya
D. Australia
6. Ano ang ibig sabihin ng salitang Inca?
A. Kapangyarihan
B. Karagatan
C. Imperyo
D. Lupain
7. Anong kabihasnan sa America ang namayani sa Timog Mexico hanggang
Guatemala o Yucatan Peninsula na nabigay halaga sa agrikultura bilang
pangunahing hanapbuhay nila?
A. Aztec
B. Inca
C. Maya
D. Songhai
2
8. Sino ang unang dayuhan at tumira sa mga rehiyon ng pulo ng Pasipiko at
Timog-Silangang Asya na naging dahilan sa magkaugnay na kasaysayan at
kultura nito.
A. Austronesian
B. Melanesian
C. Micronesian
D. Polynesian
9. Ano ang ibig sabihin ng salitang POLYNESIA?
A. Maliliit na isla
C. Pinagsamang lupa
B. Maraming isla
D. Pulo sa Pasipiko
10.Alin sa sumusunod na relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Micronesian na
kung saan, gumagawa sila ng mga ritwal at pag-aalay tuwing unang ani para sa
pagbibigay pugay at pasalamat sa kanilang makapangyarihang diyos.
A. Animismo
B. Hinudismo
C. Budhismo
D. Kristyanismo
11.Ano ang ibig sabihin halach uinic na kilalang pinuno ng kabihasnang Maya?
A. Tunay na Mandirigma
C. Tunay na Lalaki
B. Tunay na Matikas
D. Tunay na Mayan
12.Ang pinakamataas na bahagi ng piramid ng kabihasnang Maya ay ginawang
dambana ng kanilang Diyos. Alin sa sumusunod na pahayag ang
ipinapahiwatig nito?
A. Maayos ang sistemang panlipunan ng kabihasnang Maya.
B. Nagbibigay ng dangal at proteksyon sa kabihasnang Maya.
C. Pagpupugay ng kabihasnang Maya sa kanilang mga ninuno.
D. Pinapahalagahan ng sinaunang Maya ang kanilang relihiyon.
13.Bakit itinuturing ang Maya, Aztec at Inca na isang Kabihasnang Klasikal sa
America?
A. Dahil sa lawak ng impluwensiya ng mga ito.
B. Nakamtan nila ang tagumpay sa pakikipaglaban.
C. Sila ang tinaguriang pinakamatapang na mandirigma.
D. Hatid nila ang pinakamarami kalakal sa buong mundo.
14. Bakit madaling nasakop ng mga Espanyol ang imperyong Inca?
A. Nagkaroon ng epidemya at lubusang sinakop.
B. Naduwag at nilisan nila ang kanilang imperyo.
C. Pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng mga pinuno.
D. Niyakap ng mga sinaunang Inca ang mga bagong pinuno.
15.Parte ng sistema ng kalakalan ang pag-gamit ng anumang kasangkapan bilang
pamalit ng produkto. Sa iyong palagay, makatarungan ba ang paggamit ng
stone money bilang kasangkapan sa kalakalan ng mga Micronesian?
A. Makatarungan, dahil personal na desisyon nilang gumamit nito upang
mapaunlad ang ekonomiya.
B. Opo, dahil hindi na kailangan magpagawa ng perang bilang pamalit sa mga
produktong nais makamtan.
C. Hindi, dahil pinapalitan ang sistema ng kalakalan ng kanilang pamayanan
na maaring makasira sa kalakalan.
D. Makatarungan, dahil ito ang pankalahatang desisyon ng pangkat na
walang sinumang pwedeng humusga.
3
Aralin
1
Kabihasnang Klasikal ng Africa,
America at Mga Pulo sa Pacific
Binabati kita! Natapos mo nang sagutin ang bahaging Subukin. Ngayon
naman ay iyong matututuhan kung paano umusbong at umunlad ang mga
klasikong kabihasnan ng Africa, America, at Mga Pulo sa Pacific.
Balikan
Sa ating nakaraang leksiyon ay natutunan mo kung paano umusbong
ang mga klasikong kabihasnang Romano. Balikan muna natin ang mga ito bago
tayo tumungo sa ating bagong aralin.
Gawain 1. History Frame
Panuto: Punan ng angkop na mga impormasyon ang hinihingi ng bawat kahon sa
ibaba hinggil sa kabihasnang Roma. Isulat ang sagot sa isang buong papel.
Panitikan
Pananamit
_______________________________
_______________________________
______________________________
_______________________________
Kabihasnang Roma
Arkitektura
Batas
__________________________________
_______________________________
__________________________________
_______________________________
Mga Tala para sa Guro
Makakatulong sa iyo ang pagsagot sa bahagi ng balikan at ang
pagbasa ng Modyul tungkol sa Kasaysayan ng Daigdig. At maari karing
gumamit ng karagdagang materyal tulad ng Learning Module sa Araling
Panlipunan 8.
4
Tuklasin
Mahusay! Binabati kita sa iyong napagtagumpayan ang bahaging balikan.
Mayroon ka nang sapat na kaalaman kaugnay sa mahahalagang pangyayari na
naganap sa klasikong kabihasnang Romano.
Ang mga kaalamang ito ay magsisilbing gabay mo upang mas maunawaan
ang kahalagahan ng kasaysayan sa buhay ng tao. Sa bahaging ito ay iyong
matutunan kung paano umusbong, umunlad at bumagsak ang mga klasikong
kabihasnan sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific.
Gawain 2: Pik-Tuklas
Panuto: Suriing mabuti ang larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Pamprosesong Tanong
1. Sa iyong pananaw, ano ang nais ipabatid ng larawan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Sa kasalukuyang, mayroon pa ba kayang ganitong gawain? Oo o Wala.
Patunayan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5
Suriin
Binabati kita at napagtagumpayan mo ang bahagi ng Tuklasin. Ngayon
naman ay ating paglinangin ang iyong pag-unawa tungkol sa ating aralin sa
pamamagitan ng pagtalakay sa bahaging ito.
Kinaroroonan ng Kabihasnang Africa
Heograpiya ng Africa
Binansagang dark continent ng mga kanluraning bansa ang kontinente ng
Africa dahil sa limitado lamang ang kanilang kaalaman tungkol dito. Hanggang
noong ika- 19 na siglo, ito ay napasok at hinati-hati ng mga Kanluraning bansa
dahil na rin sa uri ng heograpiya nito. Matatagpuan ang uri ng kagubatan o
rainforest ng Africa sa bahaging malapit sa equator. Dito ay sagana sa ulan at
naglalakihan ang mga puno na may mayayabong na dahon.
Makikita rin sa hangganan ng rainforest ang Savanna, isang malawak na
damuhan at mga puno. Sa hilaga ng equator matatagpuan naman ang rehiyon ng
Sudan. Makikita sa hilaga ng rehiyon na ito ang Sahara na tinaguriang
pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa mundo. Dahil sa init at laki
dahilan na hindi ito natitirhan ng mga tao maliban sa oasis nito.
Ang Oasis ay lugar sa disyerto na may matabang lupa at tubig na kayang
bumuhay ng halaman at hayop. Kaya sa oasis lamang makikita ang mga maliliit na
pamayanan sa Sahara.
Mga Imperyo sa Africa
Sumibol ang mga imperyo sa ibat’ ibang bahagi ng kontinente ng Africa
noong 3000 BCE. Malaking dahilan ng nasabing pag-usbong ay ang impluwensiya
ng heograpiya, kalakalan, kultura, at ang mga tao sa lipunan nito. Una na dito ay
6
ang masaganang kalakalan ng Trans – Sahara na makikita sa rehiyon sa timog
Sahara. Sa kalakalang ito ay tinatawid gamit ang kamelyo ng mga nomadikong
mangangalakal ang disyerto ng Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala ang iba’t
ibang uri ng kalakal.
Ang caravan ay ang tawag sa pangkat ng tao na magkasamang naglalakbay.
Sa Silangang Africa naging tanyag ang kahariang Axum dahil naging sentro ito ng
kalakalan. Naging makapangyarihan din ang mga imperyong Ghana, Mali at
Songhai sa kanlurang bahagi ng Africa resulta ng pagkakaroon ng masaganang
pakikipagkalakalan sa mga karatig bansa nito.
Imperyo ng Axum
Ang
kaharian
ng
Axum
o
kilala
sa
kasalukuyang Ethiopia, na
isa sa mga kabihasnang
umusbong sa Africa. Ang
Axum ay naging sentro ng
kalakalan
sa
Silangang
bahagi ng kontinente noong
350 CE. Malawak ang abot
ng pakikipagkalakalan nito,
sa katunayan umabot sila
sa ibat’ ibang bahagi ng
Asya tulad ng India at
Mediterranean upang makipag palitan ng mga produkto.
Dala nila ang mga produktong pampalasa o rekado, ivory (ngipin at pangil
ng elepante), pabango, sungay ng hayop na rhinoceros. Kapalit ng mga nasabing
produkto, umaangkat ang mga mangangalakal galing Axum ng mga tela, bakal,
tanso, salamin at iba pa.
Sa paglawak ng kalakalan sa labas ng Africa, naging bunga nito ang
pagtanggap ng Axum sa relihiyong Kristiyanismo. Lumipas ang panahon, naging
opisyal na relihiyon ang Kristiyanismo ng Imperyong Axum noong 395 CE.
Imperyong Ghana
Unang umusbong sa Kanlurang
Africa ang kahariang Ghana. Malaking
ambag ang pagkakaroon ng isang
malaking pamilihan at naging dahilan
ito sa paglakas ng imperyo. Ang
nasabing pamilihan ay may ibat’ ibang
produkto tulad ng feather, ebony,
ostrich, ivory at ginto, na ipinagpapalit
naman ito ng mga produktong wala sa
7
kanila tulad ng figs, dates, asin, tanso, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pa.
Gamit ang mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga nabiling kabayo,
napalakas nila ang kanilang mga mahihinang pangkat paraan kayat naging mabilis
at epektibo ito sa kanilang pakikidigma.
Malaking bagay din ang pagkakaroon ng malawak na kapatagan sa rehiyon
nito. Ang matabang lupa at kasaganahan sa tubig ay isang malaking bagay sa
kanilang pagtatanim at maka-ani ng sapat na pagkain. Ang mga kasaganahan rin
na ito ay ang naging dahilan sa pag lubo ng kanilang populasyon.
Ang Imperyong Mali
Ang Mali ay nagsimula sa Kangaba,
isa sa mahalagang outpost ng Ghana.
Noong 1240 CE, ang pinunu ng Mali na si
Sundiata Kieta ay pinamunuan ang
pagsalakay sa imperyong Ghana. Dahil sa
sunod- sunod na mga pagsalakay na
inilunsad nila, humina at bumagsak ang
noo’y malakas na imperyong Ghana at
kalaunay lumawak at naging imperyo.
Naging pinakamalakas ang Imperyong Mali
sa buong Kanlurang Sudan hanggang
pumanaw si Sundiata noong 1255.
Noong 1312, lalong lumawak ang teritoryo ng imperyong Mali sa pamumuno
ni Mansa Musa. Naging bahagi ng imperyo ang mga malalaking lungsod
pangkalakalan tulad ng Gao, Walata, Djenne at Timbuktu noong taong 1325. Sa
panahon ng kaniyang paghahari, ang Djenne, Gao at Timbuktu ay naging sentro
ng karunungan at pananampalataya. Sumikat si Mansa Musa hindi lang sa
kadahilanang napalawak niya ang imperyo, bagkos binigyan niya ng importansya
ang karunungan. Dahil sa pagpapahalaga niya sa karunungan, hinikayat niya na
pumunta sa Mali ang mga iskolar. Nagpatayo din siya ng mga pook-dasalan o
mosque ng mga Muslim.
Imperyo ng Songhai
Napasailalim sa Imperyong Mali ang Songhai noong 1325. Ngunit hindi ito
nagtagal sa pagiging bihag ng Mali sapagkat binawi ng Songhai ang kalayaan nito
noong 1335. Sa pamumuno ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging malakas at
malawak na imperyo mula 1461 hanggang 1492. Pinalawak ng hari ang imperyo
mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.
Naging kontento na si Sunni Ali sa suporta na galing sa mga katutubong
mangingisda at magsasaka. Sapat na para sa kanya ang kapangyarihang kanyang
tinatamasa, dahilan kayat ayaw niyang tanggapin ang Islam. Subalit, nirerespito
parin niya ang mga mamamayang Muslim sa kanyang nasasakupan. Bilang
8
patunay sa kanyang pagpapahalaga, ginawa niyang mga kawani ng kanyang
pamahalaan ang ilan sa mga Muslim.
Kinaroroonan ng Kabihasnang Mesoamerica
Heograpiya ng South America
Ang South America ay binubuo ng maakakaibang klima at heograpiya. Sa
timog na bahagi ng Andes Mountains matatagpuan ang mga prairie at steppe.
Tuyot na mga disyerto naman ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na
kahilera ng Pacific Ocean.
Samantala, matatagpuan din sa hilaga ang Amazon River na dumadaloy sa
mayayabong na kagubatan. Ngunit nabuo ang unang pamayanan sa Andes dahil
na rin sa uri at mainam na topograpiya nito. May palatandaan na ang mga unang
mamamayan ditto ay natutuhan ang pagsasaka gamit ang patubig sa hilagang gilid
ng Andes noong 2000 BCE. Lumipas ang panahon, maraming mga pamayanan ang
naging sentrong panrelihiyon sa gitnang Andes.
Mga Kabihasnan sa America
Noong nagsimulang umusbong at naging makapangyarihan ang sinaunang
kabihasnan sa China, India at Mesopotamia, kasabay din nito ay natututuhan ng
magtanim ng mga maliliit na tribo at pangkat na matatagpuan sa Timog at Gitnang
bahagi ng Mesoamerica. Dumaan ang mga panahon at naging makapangyarihan
ang mga nasabing pangkat at nakabuo ng lungsod-estado. Nang lumaon ang mga
nakabuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan.
Kabilang dito ay ang kabihasnang Maya at Aztec na nakilala sa Mesoamerica.
Naging maunlad din sa Timog America ang kabihasnang Inca. Ang pagiging
makapangyarihan at maunlad ng mga nasabing kabihasnan ang hudyat sa
9
pagpapalawig at pananakop ng mga lupain at magtayo ng imperyo. Itinuturing ang
Maya, Aztec at Inca na Kabihasnang Klasikal sa America dahil sa lawak ng
impluwensiya ng mga ito.
Kabihasnang Maya
Naabot ng Maya ang tugatog tagumpay
ng kanilang kabihasnan sa pagitan ng 300
CE at 700 CE. Sa rehiyon ng Timog Mexico
hanggang Guatemala o Yucatan Peninsula
umosbong ang kanilang kabihasnan. Dito rin
nagsimula ang mga pamayanang lungsod ng
Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at
Copan.
Ang mga pinunu ng Maya na tinatawag
na halach uinic o “tunay na lalaki” ay matagumpay sa pagpapalawig sa kanilang
pamayanang urban na itinuturing ding lugar para sa pagsamba sa kanilang diyos
sa tulong ng mga kaparian nila. Nang lumaon, umosbong ang kanilang pamayanan
at nakabuo ng lungsod-estado.
Sa bawat lungsod nahahati ang lugar ng mga mahihirap at mayaman at
naging sentro nila ang pyramid na may altar para sa diyos sa tuktok nito at may
katabing mga palasyo at templo. Mahalaga para sa mga Mayan ang pagtatanim,
nakabatay din sa agrikultura ang kanilang itinuturing na diyos. Isa sa mga
pangunahing pananim nila ay ang mais, kalabasa, abokado, patani, sili, papaya,
pinya at cacao.
Noong 600 CE, Naabot ng Maya ang tagumpay ng kanilang kabihasnan.
Ngunit sa pagitan ng 850 CE at 950 CE bumagsak ang kanilang estado at iniwan
ang karamihan sa kanilang lungsod. Walang konkretong paliwanag kung paano at
ano ang dahilan ng pagbagsak ng kanilang kabihasnan.
Ngunit ayon sa mga dalubhasa, marahil ang kakulangan sa pagkain dulot
ng paglaki ng populasyon, pagkasira ng kalikasan at patuloy na digmaan ang
tinitingnan na dahilan sa pagbagsak ng kanilang kabihasnan.
Kabihasnang Aztec
Ang mga Aztec ay mga pangkat na
palipat-lipat ang tirahan hanggang sila ay
tumungo sa lambak ng Mexico noong ika-12
siglo C.E. Noong 1325, sa sentro ng Mexico
Valley ay may maliit na isla sa gitna ng lawa
ng Texcoco, naitatag nila ang pamayanan ng
Tenochtitlan na naging sentro na kanilang
kalakalan.
10
Sa pagkakaroon ng matabang lupa na pagtataniman, naging panguhaning
kabuhayan ng mga Aztec ang pagsasaka. Dahil limitado lamang ang lupang
pwedeng pagtamnan sa paligid ng lawa, ang mga Aztec ay gumawa ng paraan
upang ma solusyunan ang problemang ito. Tinabunan nila ng lupa ang mga sapa
at lumikha ng mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay floating garden.
Matutulis na kahoy lamang ang ginagamit nilang kasangkapan sa
pagtatanim at mais ang kanilang pangunahing tanim. Maliban sa mais mayroon
din silang patani, kalabasa, kamatis, sili at abokado. Natuto din silang mag alaga
ng mga hayop tulad ng pabo, gansa, pato at aso. Natutuhan din nila na gumawa
ng mga estruktura tulad ng kanal, sistema ng irigasyon, mga dam at pamilihan
kung kayat sila ay itinuturing na mahuhusay sa larangan ng inhenyero.
Itinuturing nilang diyos ang kalikasan sapagkat dito sila umaasa upang
magkaroon ng magandang ani. Kadalasan ang mga nagiging bihag nila sa digmaan
ay ginagawa nilang alay sa kanilang panginoon at minsan may mga nagkukusangloob na mandirigmang Aztec ang nag-aalay ng kanilang sarili.
Ang heneral ng Aztec na si Tlacaelel ay nagsimula ng malawakang
kampanyang ekonomiko at militar. Pinangunahan niya ang pananakop sa mga
karatig lugar at kontrolin ang mga ito sa pamamagitan ng pag-bibigay ng buwis.
Dahil sa buwis na nangagaling sa mga nagaping estado ang Tenochtitlan ay
nagging maempluwesiya at sentro ng politika at pangkabuhayan sa Mesoamerica.
Noong 1519, dumating ang mga Espanyol sa pangunguna ni Heneral Cortes.
Pinamunuan niya ang malawakang pananakop sa Mexico kung kayat humina at
nagapi ang noo’y malakas na Imperyong Aztec.
Kabihasnang Inca
Ang Inca ay namayani sa “Central Mexico” na kinilalang pinakamatatag at
pinakamalaking imperyon na nakagawa ng pinakamalaking Pyramid sa
MesoAmerica. Ang salitang Inca ay nangagahulugang “imperyo”. Pinaniniwalaang
nangaling ang kanilang pangkat sa Andes. Nang lumaon lumawak ang kanilang
teritoryong lupain hanggang umabot ito ng 3,220 kilometro kuwadrado sa
kahabaan ng baybayin ng Pacific.
Nagkaroon ang Inca ng mga magagaling na pinuno na silang susi sa
pagpapalawig at paglakas ng kanilang kaharian. Si Pachakuti ay itinatag niya ang
Inca sa pamamagitan ng isang sentralisadong estado noong 1438. Sa pamumuno
naman ni Topa Yupanqui noong kalagitnaan ng (1471-1493), pinalawak niya ang
imperyo hanggang umabot ito sa Argentina, bahagi ng Chile at Bolivia. Nagapi at
nabihag rin niya ang pinakamatinding kalaban ng mga Inca, ang Chimor o Chimu.
Nasakop din ng Imperyong Inca ang estado ng Ecuador sa pamumuno ni Huayna
Capac.
Dumaan ang panahon nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at tunggalian
ang mga pinunu ng imperyo. Naging daan ito upang madali lang na sakupin ng
11
mga Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro ang Imperyong Inca. Dahil sa
mga makabagong sandata na dala ng mga dayuhang Espanyol tulad ng kanyon at
baril, hindi naging matagumpay ang Inca laban sa pananakop ng mga dayuhan sa
kabila ng kanilang katapangan at dito tuluyang nagwakas ang pamamayagpag ng
Imperyong Inca.
Kinaroroonan ng Kabihasnan sa Pulo ng Pacific
Mga Kabihasnan sa mga Pulo ng Pacific
Ang mga Austronesian ang unang dayuhan at tumira sa mga rehiyon ng
pulo ng Pacific at Timog-Silangang Asya, kung kayat magkaugnay ang sinaunang
kasaysayan at kultura nito. Ang Austronesian ay itinuturing na pinakamalaking
pamilya ng wika sa daigdig. Ayon sa iskolar na si Peter Bellwood, ang mga
Austronesian ay nagmula sa timog China.
Sa layuning mapalaki ang teritoryo at lupang mapagsakahan, pumunta sila
sa mga bansa na nasa timog Asya at kanluran patungong Africa. Mayroon ding
tumungo pasilangan at nilayag ang karagatang Pasipiko kung saan sila ay
nanirahan sa mga pulo ng Pacific. Ang mga pulo sa Pacific ay nahahati sa tatlong
malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia at Melanesia.
Polynesia
Ang Polynesia ay galing sa salitang
poly o marami at nesia o isla (maraming
isla). Ito ay di hamak na mas malaki
kaysa pinagsamang lupain ng Micronesia
at Melanesia. Ito ay matatagpuan sa
timog at gitnang bahagi ng Pacific Ocean
at nasa silangan ng iba pang dalawang
rehiyon.
Tohua ang tawag sa sentro
ng
pamayanan
dito
na
kalimitan
matatagpuan sa gilid ng mga bundok.
Nagsisilbi din itong lugar para sa ritwal at
pagpupulong, at tirahan ng mga pari at banal na estruktura ang paligid nito.
12
Nasa pananampalataya nila ang paniniwala sa banal na kapangyarihan o
mana. Sa kanilang sinaunang paniniwala ang mana o nangangahulugang “bisa” o
“lakas”, ay maaring matagpuan sa mga gusali, bangka, bato at iba pang bagay.
Upang hindi mawala o mabawasan ang mana, kinakailangan nilang sumunod sa
mga itinakdang batas tulad ng pagbabawal na pumasok ang isang ordinaryong tao
sa isang banal na lugar.
Hindi maaring sumakay ang kababaihan sa bangka upang hindi
malapastangan ang angking mana. At para sa mga lalaki na naghahanda sa
digmaan ay bawal sa kanila ang pakikipaghalubilo sa babae at piling pagkain lang
ang dapat kainin. Ang mga pagbabawal na ito ay tinatawag na tapu. Kung ang
isang tao ay lumabag sa tapu, kamatayan ang pinakamabigat na parusang
ipapataw dito.
Ang pagsasaka at pangingisda ang nagsisilbing kabuhayan ng mga
Polynesian. Nakadepende sa laki ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng
pamayanan dito na umaabot hanggang 30 pamilya sa bawat pamayanan. Gabi,
ube, breadfruit, tubo, niyog at saging ang karaniwang pananim nila. Nakakakuha
rin sila ng hipon, octopus, tuna at iba pang halamang dagat sa kanilang
pangingisda.
Micronesia
Ang Micronesia ay hango sa salitang
micro (maliit) at nesia
(isla).
Samakatuwid ang salitang micronesia ay
nangangahulugang maliliit na mga isla.
Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi
ng Asya at hilaga ng Melanesia. Ang mga
sinaunang Micronesian ay naninirahan
malapit sa mga lawa o dagat-dagatan
upang maging madali sa kanila ang
maglayag sa karagatan. Malapit man sa
karagatan, sinisiguro naman nila na ang
kanilang pamayanan ay yung lugar na hindi daanan ng bagyo at malalakas na
hangin.
Maliban sa pangingisda, ang pagsasaka ay isa sa pangunahing kabuhayan
ng mga Micronesian. Kabilang sa kanilang itinatanim ay ang taro, niyog, pandan,
breadfruit, at sagana sila sa asukal at starch na pangunahing material sa paggawa
ng harina. Ang mga mamamayan sa Marianas, Yap at Palau ay may karunungan
din sa paggawa ng palayok bilang kasangkapan nila.
Sa larangan ng kalakalan, may mga sariling pamamaraan din sila tulad ng
paggamit ng bato na ginagawang pera (stone money) at shell bilang kasangkapan sa
palitan. Ang mga tao sa ibabaw na bahagi ng pulo ay ipinagpapalit ang turmeric na
mabisang gamot at pampaganda. Sa kabilang banda, ang mga tao sa mababang
13
pulo ay nakikipagpalitan ng mga beads/shell, tela na galing sa gumamela at saging,
at banig na yari sa dahon ng pandan.
Tulad ng mga naunang kabihasnan, ang Micronesia ay mayroon ding
relihiyon na tinatawag na Animismo. Gumagawa rin sila ng mga ritwal at pag-aalay
tuwing unang ani sa kanilang pananim para sa pagbibigay pugay at pasalamat sa
kanilang makapangyarihang diyos.
Melanesia
Ang salitang Melanesia ay galing sa salitang mela o maitim at nesia o isla
(maiitim ang mga tao dito). Sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia ito
matatagpuan. Nakatira ang mga sinaunang pamayanan dito sa baybaying-dagat o
sa dakong loob pa. Ang batayan sa pagpili ng kanilang pinuno ay iyong
mandirigmang malakas at maraming napagtagumpayan na laban.
Pangunahing kabuhayan sa Melanesia ang pagsasaka. Kabilang sa kanilang
pananim ay ang pandan, sago palm na pinagkukunan ng sago at ang pangunahing
pananim nila ay ang taro at yam. Maliban sa pagtatanim, kabilang sa kanilang
ikinabubuhay ang pangingisda, pag-aalaga ng hayop at pangangaso. Sa kanilang
kalakalan, karaniwang produkto na ikinakalakal nila sa ibang mga pulo ay kahoy,
yam, palayok, baboy, asin, apog at ang mga niyayari nilang bangka.
Tulad ng mga Polynesian, naniniwala
din sila sa mana partikyular na sa isla ng
Solomon at Vanuatu. Ang kanilang relihiyon
ay Animismo, na ayon sa kanilang
paniniwala ay ipinapaalam ng diyos ng
kalikasan ang mga bagay na maaring
mangyari tulad ng sakuna, kamatayan,
tagumpay at pag-unlad sa kabuhayan.
Bawat isla sa Pacific ay may angking
katangian at kakayahan. Ang kanilang
pakikidigma
sa
ibang
pangkat
ang
nagdedekta kung anong pamumuhay meron
sila. Hindi man sila ganun ka unlad, lakas, at tanyag tulad ng ibang kabihasnan,
mayron parin silang naiambag at impluwensiya sa mga naninirahan sa mga pulo
ng Pacific at karatig bansa sa kasalukuyang panahon.
Masayang pagbati sa iyo mahal kong mag-aaral. Natapos mo na ang pagaaral sa mga aralin mula modyul na ito. Ngayon, inaasahan kang
makakasagot sa mga Gawain na may layuning palawakin ang iyong mga
kaalaman sa paksa-aralin mula dito. Ipagpatuloy mo na ang pag-aaral at
pagsagot.
14
Pagyamanin
Magaling! Iyon natutunan sa bahaging Suriin ang mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa mga klasikong kabihasnan na umusbong sa Africa,
America at mga Pulo sa Pacific. Ngayon, ay may sapat kanang kaalaman tungkol sa
aralin. Sa bahaging ito ay mapapagtibay mo ang iyong pag-unawa at kasanayan sa
paksa.
Gawain 3: Pagpupuno ng Patlang!
Pilliin ang tamang sagot mula sa loob ng kahon kung anong kabihasnan o
pulo ang tinutukoy ng bawat tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Kabihasnang Ghana
Kabihasnang Maya
Melanesia
Australia
Kabihasnang Mali
Kabihasnang Aztec
Polynesia
Caravan
Kabihasnang Songhai
Kabihasnang Inca
Micronesia
Madagascar
______________ 1. Sila ay pangkat ng tao na magkasamang naglalakbay sa disyerto
ng Africa upang mangalakal.
______________ 2. Ang kabihasnang sa Africa na pinalawak ang imperyo mula sa
mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.
______________ 3. Ang Kabihasnang ito ay umusbong sa rehiyon ng Timog Mexico
hanggang Guatemala o Yucatan Peninsula.
_______________4.
Ang kabihasnang namayani sa “Central Mexico” at kinilalang
pinakamatatag at pinakamalaking imperyo na nakagawa ng
pinakamalaking Pyramid sa gitnang America.
______________ 5. Ito ay kabihasnan sa Pulo ng Pacific na kung saan ang batayan
sa pagpili ng kanilang pinuno ay mula sa mandirigmang
malakas at maraming napagtagumpayan na laban.
______________ 6.
Tenochtitlan ang tawag sa kanilang pamayanan at sentro ng
kanilang kalakalan at nakagawa ng “floating garden”.
______________ 7.
Ang kabihasnang ito ay gumagamit ng bato at shell bilang pera
o kasangkapan sa kalakalan.
_______________ 8. Ang kabihasanang ito ay naniniwala sa tinatawag na mana.
_______________9.
Ang pangunahing produkto ng kabihasanng ito ay mula sa
Feather, ostrich, at ivory.
_______________10. Ito ay imperyo sa Africa na nagsimula sa Kangaba at naglunsad
ng sunod-sunod na pagsalakay sa Ghana hanggang humina at
bumagsak ito bilang imperyo
15
Isaisip
Sa bahaging ito ay susukatin ang iyong kaalamang natutunan mula sa
aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing makikita sa ibaba. Sa abot ng
iyong makakaya, ibibigay mo ang sapat na kaalaman tungkol sa napag-aralan
mong aralin. Simulan mo na!
Gawain 4: Punan ang Patlang.
Upang mapagtibay mo ang iyong kaalaman hinggil sa mahalagang konsepto
ng araling ito, sagutin ang mga inihandang kasanayan. Punan ng tamang salita o
parirala ang patlang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pagsasaka
Micronesia
Maya
Aztec
Kristiyanismo
Imperyo
Sunni Ali
Kabihasnan
Axum
Polynesia
Sundiata Kieta
Inca
1. Pangunahing kabuhayan sa Melanesia ang
.
2. Naging opisyal na relihiyon ang
ng Imperyong Axum noong
395 CE.
3. Umusbong sa Silangang Africa ang kahariang
4. Pinamunuan ni
.
ang Mali sa pagsalakay sa imperyong
Ghana.
5. Sa pamumuno ni
nakamit ng Songhai ang kalayaan mula sa
Imperyong Mali.
6. Sa rehiyon ng Timog Mexico hanggang Guatemala o Yucatan Peninsula
umosbong ang kabihasnang
7. Ang imperyong
.
ay lumikha ng mga artipisyal na pulo na
kung tawagin ay floating garden.
8. Ang salitang Inca ay nangagahulugang
9. Ang kabihasnang
na
.
binubuo
ng
maraming
isla
ay
matatagpuan sa timog at gitnang bahagi ng Pacific Ocean.
10.Ito ay kabihasnan sa Pasipiko na tumutukoy sa mga maliliit na isla na
matatagpuan sa silangang bahagi ng Asya at naninirahan malapit sa mga
dagat-dagatan.
16
Isagawa
Magaling mag-aaral at natapos mo nang sagutin ang inihandang
pagsasanay sa Isaisip. Ngayon sa bahaging ito ay iyong isasalin at gagamitin ang
iyong natutuhan sa tunay na sitwasyon ng buhay.
Gawain 5: REPLEKSIYON
Panuto: Sumulat ng isang repleksiyon na may dalawang talata at binubuo ng
limampung (50) salita tungkol sa iyong natutuhan sa aralin at ipaliwanag kung
paano mo ito magagamit at mapapahalagahan sa iyong buhay bilang isang magaaral, miyembro ng iyong pamilya at sa inyong komunidad na kinabibilangan.
RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG REPLEKSIYON
Pamantayan
Nilalaman
Estilo
Organisasyon
Kalinisan
Deskripsiyon
Makikita sa repleksiyon ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa
paksa. Nakapaloob ang kompleto at
komprehensibong nilalaman.
Naipakita ang sariling estilo sa pagsulat
ng repleksiyon at naipahayag ang
kanyang saloobin tungkol sa gawain.
Organisado at maayos ang
pagkakasunod ng mga ideya.
Malinis ang pagkakasulat ng nagawang
reflection.
Kabuuang Puntos
17
Puntos
15
15
10
10
50
Nakuha
na
Puntos
Tayahin
Madayaw! Maligayang pagbati sa iyo, tapos mo nang pag-aralan ang mga
mahahalagang konsepto, ideya at mahahalagang aral na iyong natutunan hinggil
sa aralin na ito. Ngayon, susubukin naman ang iyong natutunan sa aralin na ito.
Pakatandaan na ito ay isang Summative Assessment.
Maramihang Pagpipili: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat
bilang. Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa inyong
sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit itinuturing na dark
continent ang Africa?
A. Dahil ang kulay ng mga tao na namamayani dito ay maiitim.
B. Dahil hindi nagalugad ng mga Kanluranin ang malawak na kontinente.
C. Dahil sa kakulangan ng kayamanang ipagmalaki ang kontinenteng Africa.
D. Hindi masagana sa likas na yaman at yamang-tao ang kontinenteng
Africa.
2. Paano nakarating sa Europa at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong
galing sa Africa?
A. Ang kalakalan ng Africa sa ibang lugar ang tanging paraan.
B. Kinuha ang mga produktong Africano ng dayuhang mangangalakal.
C. Ninakaw ang kayamanang Africano at dinala palabas ng kontinente.
D. Dinala ng mga pampasaherong barko ang mga produktong Africano.
3. Ano ang naging mahalagang papel na ginagampanan ng Trans-Sahara sa
kalakalan ng sinaunang pamayanan sa Africa?
A. Ang maayos at masaganang kalakalan na nagbibigay-buhay sa rehiyon.
B. Kalakalan sa pamamagitan ng caravan na dala ang iba’t ibang uri ng
kalakal.
C. Kalakalang tumatawid sa disyerto gamit ang kamelyo ng mga nomadikong
mangangalakal.
D. Nagsilbing dahilan sa pag-usbong ng maayos na sistema ng kalakalan,
politika at kultura ng bawat kabihasnan.
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng
heograpiya sa kabihasnang Ghana?
A. Mabisang paggamit ng kabayo bilang sasakyan pangkalakalan.
B. Magagamit ang kapatagan sa labanan dahil makita ang kaaway.
C. Mainam na sakahan ang mga malalawak at matatabang kapatagan.
D. Stratehikong lugar sa pakikipagkalakalan sa iba pang mga karatig lugar.
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita na mahalaga para sa mga
Mali ang kanilang relihiyon?
A. Naniniwala sa kakayahan ng kanilang pinuno.
B. Napalawak ang kanilang teritoryo dahil sa mga paniniwala.
18
C. Panghihikayat sa mga iskolar na magturo ukol sa relihiyon.
D. Sila ay nagpatayo ng maraming mosque para sa mga Muslim.
6. Ano ang pinakamahalagang nangyari sa imperyong Songhai noong 1335?
A. Nakamit nila ang kalayaan sa kamay ng mga Mali.
B. Nasakop ang malaking bahagi ng kanilang kalupaan.
C. Sila ay nakagawa ng mga katangi-tanging estruktura.
D. Umusbong ang kanilang kalakalan at lumawak ang kaharian.
7. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag na ang tao ay isang mahalagang salik
na nakaimpluwensiya sa pag-usbong ng mga klasikong kabihasnan sa
America?
A. Nangunguna ang tao sa pagsasaka sa matabang lupain.
B. Tao ang pinakamahalagang instrumento sa pagsulong at pag-unlad.
C. Mahalaga ang tao sa pagsulong sa maayos at maunlad na pamumuhay.
D. Yamang tao ang pinakamahalaga salik sa pangangalaga ng kapaligiran.
8. Ang sibilisasyong Maya ay binubuo ng mga lungsod-estado na nahahati ang
mga mayayaman at mahirap. Bilang mag-aaral, paano mo mapapanatili ang
magandang ugnayan sa inyong pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng
estado sa buhay.
A. Ang pagiging mapagmataas sa mga mahihirap.
B. Kakaibiganin lamang ang mga may kaya sa buhay.
C. Kilalanin ang pantay-pantay na karapatan ng bawat tao.
D. Pangkat-pangkatin ang sambayanan ayon sa katayuan sa buhay.
9. Ang pamayanang Aztec ay gumawa ng “Floating Garden” sa Lambak ng
Mexico bilang taniman na maari nilang ikabubuhay. Ano ang mahihinuha
mo dito?
A. Handa nilang baguhin ang anyo ng kapaligiran.
B. Nagpapakita sila ng kakayahan sa ibang kabihasnan.
C. Sila ay masipag at maparaan sa kabila ng kakulangan.
D. Sila ay nagkakaisa sa pagsulong ng kanilang kagustuhan.
10.Ang Imperyo ng Inca ay kinilalang pinakamalawak at pinakamatatag sa
kasaysayan ng Mesoamerica dahil sa magaling na pamumuno ng kanilang
mga lider.
Ano sa palagay mo ang naging susi sa pagpapatatag at
pagpapalawak ng kaharian?
A. Pagkakaroon ng magagaling at epektibong mga pinuno
B. Pakikipag-alyansa sa mga dating kalaban at makipagkaibigan.
C. Pakikipagkalakalan sa ibang maunlad na kabihasnan at magpayaman.
D. Pagtuklas ng mga makabagong kagamitang upang isulong ang kaunlaran.
11.Ang mga Mayan ay nakagawa at nakapagpatayo ng mga pyramid, palasyo at
templo. Ang mga gawang ito ay nagpapatunay lang na ________________?
A. Impluwensiya ng dayuhan ang kaalaman sa arkitektura.
B. Mahalaga ang paggawa ng mga palasyo para sa kanilang diyos.
C. Natutuhan nila ang ibat’ ibang pamamaraan sa agrikultura sa iba.
D. Sila ay may mataas na antas ng karunungan sa larangan ng arkitektura.
12.Ang mga Polynesian ay naniniwala sa banal na kapangyarihan ng mana. Alin
sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga at paggalang nila sa
kanilang paniniwala?
A. Nakikipagpalitan sila ng kagamitan bilang alay sa mana.
B. Sinusunod ang itinakdang batas upang mapanatili ang lakas ng mana.
19
C. Walang nasakupang tao ang hindi naniniwala sa lakas ng kapangyarihan.
D. Tinatanggap nila ang mga paninilawa o relihiyon na dala ng mga banyaga.
13.Ang mga Micronesian ay gumagawa ng mga ritwal at pag-aalay tuwing unang
ani sa kanilang pananim bilang pagbibigay pugay at pasalamat sa kanilang
makapangyarihang diyos. Bilang mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin
kapag nakakita ka ng tao na gumagawa ng ritwal at pag-aalay sa kanilang
diyos?
A. Igalang ang paniniwala ng ibang tao.
B. Ipahinto ang pagsasagawa ng maling paniniwala.
C. Pagsabihan na mali ang mga isinagawang pag-aalay.
D. Pagtatawanan at kutyain ang mga gawaing di sang-ayon sa lahat.
14.Maiitim ang mga sinaunang tao sa Melanesia. Alin sa sumusunod ang
nararapat mong gawin kapag nakita mo sila?
A. Igalang sila bilang tao sa kabila ng kanilang hitsura.
B. Kutyain at ipagsabi sa ibang tao ang kanilang kaitiman.
C. Pagtabuyan at pagbawalan sumali sa pangkat ang may naiibang anyo.
D. Pagtatawanan dahil naiiba ang kulay at hindi nagustuhan ng karamihan.
15. Sa bilang na ito suriin ang mapa sa ibaba. Makikita sa larawan na nahahati
sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia,
Micronesia, at Melanesia. Kung ikaw ang napiling pinuno na may misyong
pag-isahin ang mga ito sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at distansya,
ano ang gagawin mo?
A. Huwag makialam sa buhay ng bawat pamayanan, sa halip ito ay
suportahan kahit di pantay-pantay ang kalagayan ng bawat pamayanan.
B. Bigyan ng kalayaan ang bawat pamayanan na isulong ang sariling
adbokasiyang pambayan upang madalian ang pagsulong at pag-unlad
nito.
C. Pag-aralan ang bawat kultura ng maraming isla at pag-isahin ito sa
kabila ng pagkakaiba ng kanilang kulturang nakagisnan upang umunlad
ang pamayanan.
D. Magkaroon ng integridad, mabuting komunikasyon, respeto sa bawat
kultura, at makiramdam sa pangangailangan ng bawat pangkat at
isulong ang programang pambayan.
20
Karagdagang Gawain
Binabati kita sa pagsagot sa inihandang kasanayan sa bahaging Tayahin.
Ang bahaging ito ay makaktulong sa iyo upang pagyamanin ang iyong natutuhan
sa aralin na ito.
Gawain 6: IGUHIT MO!
Panuto: Gumuhit ng larawan bilang buod sa mga kabihasnang natalakay. Iguhit
ito at kulayan sa isang long bond paper.
RUBRIKS SA PAGMAMARKA
Pamantayan
Deskripsiyon
Puntos
Naipakita ang relatibong impormasyon tungkol sa
Nilalaman
paksa.
30
Naglalaman ng detalye na angkop sa gawain.
Presentasyon
Malinis at maayos ang pagkakaguhit o presentasyon.
10
Angkop ang disenyo at kulay sa guhit.
Pagkamalikhain
Gumamit ng recycled materials sa pagbuo ng gawain.
Kabuuang Puntos
21
10
50
22
Subukin
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
A
A
C
D
B
C
C
A
B
A
C
D
A
C
D
Pagyamanin
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Caravan
Imperyong Songhai
Imperyong Maya
Kabihasnang Inca
Melanesia
Kabihasnang Aztec
Micronesia
Polynesia
Imperyong Ghana
Imperyong Mali
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas (2014). Kasaysayan ng
Daigdig.DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Vibal Group Inc.
J. N., &Ong, J. A. (2010). Kabihasnang Daigdig kasaysayan at kultura, 1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, VibalPublishing House, Inc.
Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas (2014). Kasaysayan ng Daigdig.
DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Vibal Group Inc.
Samson, MC. B., et al (2010). Kayamanan: Kasaysayan ng Asya, 856 Nicanor Reyes,
Sr. Sampaloc, Manila. Rex Bookstore.
Vibar, T.L., et al (2000). Kasaysayan ng Daigdig, G. Araneta Avenue, cor. Ma. Clara
St. 1107 Quezon, SD Publication, Inc.
23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Region XI Davao City Division
Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100/228 3970
Email Address: info@deped-davaocity.ph
Lrmds.davaocity@deped.gov.ph
24
Download