Aidan Randolph S. La Sage 10-Diligence Filipino 11/20/22 Awtput 1 Paksa: Pagsulat ng sariling wakas sa Kwentong ‘’Ang Kwintas’’ Pagkalipas ng sampung taon. Nang dahil sa isang kwintas ay lubos ang paghihirap na naranasan ng mag asawa sa loob ng sampung taon ito ay binayaran nila. Ngunit ng masalubong ni Mathilde ang kanyang kaibigan na hiniraman niya ng kwintas at nabanggit niya lahat ng nangyari sa kanilang mag asawa mabayaran lamang ang kwintas na hiniram niya dito at naiwala. Ngunit ayon sa kaibigan ay isang pekeng alahas lamang pala iyon. Sa loob ng sampung taon na paghihirap sa pagbabayad ng isang kwintas na peke pala ay kumupas ang ganda at alindog ni Mathilde, nangulubot ang ang balat at nagkaroon narin ng guhit sa noo, ang pananamit nito ay hindi narin maayos sa paningin ng nakararami. Mababakas sa kanyang mukha ang labis na hirap na pinagdaanan. Dahil sa nangyari ay lubos ang pagsisi ni Mathilde, natuto siyang makuntento sa kung ano man ang kayang ibigay ng kanyang asawa, hindi na niya ito sinisisi sa pag hihirap na kanyang nararanasan, hindi narin ito maarte sa pananamit. Natuto narin siyang tumulong sa paghahanap buhay sa kanyang asawa. At pagkaraan nga ng maraming taon ay umangat din ang kanilang buhay dahil sa pagsisikap at pagtutulungan nilang mag-asawa. Rubrics: 5- isang talata 10- may 10 hanggang 20 na pangungusap 10- wastong grammatika 10- kakitaan ng 10 panghalip (salungguhitan ang panghalip) 5- masining at walang pagbubura 10- makabuluhang wakas Kabuuan: 50 points