Rolan Gavin E. Rivera 10-Diligence FILIPINO Suring Basa ng Gilgamesh Sinopsis: Si Gilgamesh ay isang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Nakilala ni Gilgameshang kasinglakas ni niya na si Enkido at naging magkaibigan sila. Naglakbay silang dalawa sa kagubatan ng Cedar para patayin si Humbaba. Pagkatapos ay sinumpa ng diyosang si Ishtar na mamamatay si Enkido. Sa bandang huli ay namatay si Enkido dahil sa matinding karamdaman. Panimula: Uri ng panitikan: Ang gilgamesh ay nasa uri ng panitikang epiko. Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mgakabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindimapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ngkabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipinoay may maipagmamalaking epiko. Bansang pinagmulan: Nagmula ang epiko ng gilgamesh sa Mesopotamia. Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mgasalitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog". Nangangahulugang anglupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog Tigris at Euphrates na parehongnagmula sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng Persia. Pagkilala sa may akda: George Smith (ika-26 ng marso 1840 hanggang ika 19 ng agosto 1876) ay isang tagapangunahang inglesassyriologist na siyang unang nakadiskubre at nagsalin sa epiko ng gilgamesh, isa sa mgapinakamatandang gawa ng panitikan. Layunin ng Akda: Ang pangunahing punto ng may-akda ay nagpapahiwatig ng kabayanihan dahil karugtong ng pagigingbayani ay pagsasakripisyo ng buhay katulad na lamang nina Gilgamesh at Enkidu matapos ng kanilangpinagdaanan sa kwento. Nagpapapahiwatig rin ito na ang pakikipagkaibigan ay walang pinipili katulad parin nina Gilgamesh at Enkidu dahil imbis na sila ay itinakda para maging magkaaway ay nagingmagkaibigan pa rin sila. Pagsusuring Pangnilalaman Tema o paksa ng akda: ANG TEMA NG PAKSA AY NAGLALAHAD NG KABAYANIHAN AT PAKIKIPAGSAPALARAN NINA GILGAMESH AT ENKIDO Mga tauhan / karakter sa akda: Mga Tauhan: Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ngUtnapishtim Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirainang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan Humbaba - ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar Tagpuan / Panahon: Ang Epiko ni Gilgamesh ang siyang pinakamatandang isinulat na kwento sa kasaysayan ng mundong. Itoay nagsimula na isinulat sa 12 clay tablets na nasa cuneiform script. Ito ay tungkol sa buhay ng isangmakasaysayang hari ng Uruk (modern day Iraq) na nabuhay somewhere 2750 and 2500 B.C.E. Balangkas ng mga pangyayari: 1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawangkatlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunitmayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. 2. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sakagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huliay naging matalik na magkaibigan sila. Napagtanto ni Gilgamesh na maglakbay sila sa kagubatan ngCedar upang paslangin ang halimaw na si Humbaba. Nagsumpa ang diyosang si Ishtar dahil sa hindi paggalang nila ay dapat may mamamatay sa kanilang dalawa at iyon ay si Enkido na mamatay sa matindong karamdaman. 3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding damdamin. Nanaginip si Enkido na naroon siya sa isangnapakadilim na lugar. Nakita niya ang isang taong nakatayo na parang ibon. Malungkot ang kaniyangmukha. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay aykasintalim ng kuko ng agila. 4. Sa bahay kung saan makikita mo ang mga tao sa kadiliman. Ang kanilang kinakain ay ang mga alikabokat mga luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sakanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok si Enkido sa bahayna maalikabok, at nakita niya ang dating mga hari at prinsipeng naghari noong panahon, pero ngayon aymga alipin na sila na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. 5. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nangpalala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mgadakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Dahil sa ginawa kong hindi paggalang sa mga diyos, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan. 6. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala. Pagsusuring pangkaisipan Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda: “Ngunit siya ay mayabang at mapangabuso sa kaniyang kapangyarihan. Dahil dito, laging nananalanginang kaniyan mga nasasakupan sa mga diyos upang sila ay makalaya sa kanya.” Ang kaisipan na ating mahihinuha dito ay ang bawat masamang gawain ay may katumbas na parusa. Ito ay maihahalintulad sa ating kalayaam bilang tao, maraming mga tao ngayon na inaabuso nila angkanilang kalayaan, ginagawa nalang nila kung ano ang gusto nila mapasama man o hindi. Dapat gamitin natin ng wasto ang ating kalayaan para maiwasan ang masamang dulot ng pang-aabuso ng kalayaan. Estilo ng Pagkasulat ng akda: Naglalahad ang epikong ito ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng bayaning si Gilgamesh na haring Uruk sa Sumerya. Buod: Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawangkatlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nangsila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Napagtanto ni Gilgamesh na maglakbay sila sa kagubatan ng Cedar upang paslangin ang halimaw na siHumbaba. Nagsumpa ang diyosang si Ishtar dahil sa hindi paggalang nila ay dapat may mamamatay sakanilang dalawa at iyon ay si Enkido na mamatay sa matindong karamdaman. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding damdamin. Nanaginip si Enkido na naroon siya sa isang napakadilim na lugar. Nakita niya ang isang taong nakatayo na parang ibon. Malungkot ang kaniyang mukha. Mukha siyangbampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ngagila. Sa bahay kung saan makikita mo ang mga tao sa kadiliman. Ang kanilang kinakain ay ang mga alikabok at mga luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakipsa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok si Enkido sabahay na maalikabok, at nakita niya ang dating mga hari at prinsipeng naghari noong panahon, perongayon ay mga alipin na sila na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay namaalikabok. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw aypalala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ngmga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Dahil sa ginawa kong hindi paggalang sa mga diyos, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya angpagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ngkaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala. Rubrics: 10-Panimula 10-Pagsusuring pangnilalaman 10-Buod 5-Wastong Grammatika 10-Pagsusuring pangkaisipan 5-Malinis, at may rubric, at naipasa sa itinakdang araw