Uploaded by Mildred Bañares

ARALIN 2.5 PAGSULAT NG EDITORYAL FILIPINO 7

advertisement
PAGSULAT NG
EDITORYAL O
PANGULONG
TUDLING
Ang editoryal na tinatawag
ding pangulong tudling ay bahagi
ng pahayagang nagsasaad ng
mapanuring pananaw o kuro-kuro
ng pahayagan tungkol sa isang
isyu. Itinuturing itong tinig ng
pahayagan dahil dito mababasa
ang paninindigan nila tungkol sa
isang napapanahong isyu. Ito rin ay
naglalayong magbigay kaalaman,
magpakahulugan, humikayat, at
kung
minsa’y
lumibang
sa
mambabasa.
Tatlong Bahagi ng
Editoryal o Pangulong
Tudling
1. Panimula - dito binabanggit ang isyu o balitang
tatalakayin.
2. Katawan - sa bahaging ito ipinapahayag ang
opinyon o kuro-kuro ng patnugot. Maaaring ilahad ito
sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang pro
(pagpanig) o con (pagsalungat) sa isyung tinatalakay.
3. Wakas - dito ipinapahayag ang bahaging
panghihikayat o paglagom upang mabuo sa isipan ng
magbabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.
Mga Uri ng Editoryal o
Pangulong Tudling
1. Nagpapabatid - ipinaliliwanag o nililinaw ang isang
isyu sa hangaring higit na maunawaan ang balita o
pangyayari.
2. Nagpapakahulugan - binibigyang-kahulugan ang
isang pangyayari o kasalukuyang kalagayan sangayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.
3. Namumuna - isang hayagang panunuri ngunit di
naman pagbatikos tungkol sa mainit na isyu. May
layunin itong namungkahi sang-ayon sa panindigan
pahayagan.
4. Nanghihikayat- Mabisang nanghihikayat sa mga
nambabasa upang sumang-ayon sa isyung
pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan.
5.Nagpaparangal o Nagbibigay puri- Nag- uukol ng
papuri o karangalan ng isang tao o kapisanang
nakagawa ng kahanga- hanga.
6.NanlilibangNahahawig ito sa sanaysay na
impormal. Tumatalakay ito sa anumang panig ng
buhay, kaya’t madalas na nakawiwili ang paksa,
nakalilibang sa mambabasa o nakapagbabalik ng
masasaya o maging sentimental na alaala
7.Nagpapahalaga
sa
natatanging
arawTinatalakay nito ang mga pambansang pagdiriwang
gaya ng Pasko, Mahal na Araw, Todos Los Santos,
Bagong Taon at iba pa .
MGA TUNTUNING DAPAT
SUNDIN SA PAGSULAT NG
PANGULONG TUDLING
1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula na maikli lamang
upang akitin ang mambabasa.
2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng
mga katibayan nang maayos at malinaw.
3.Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran.
Sa halip
a.) gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang
pagtibayin ang sinulat;
b.) gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba;
c.) gumamit ng magkakatulad na kalagayan; at
d.) banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na
kalagayan.
4.Tapusin nang naaangkop.Bigyan nang mahusay na
pangwakas
5.Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang
mga panimula at ang pangwakas.
6. Huwag mangaral o magsermon (No Preaching).
Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang
mambabasang gumawa ng sariling pagpapasiya.
7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulatkaisahan (Unity), linaw (Clarity), pagkaka-ugnay-ugnay
(Coherence) at diin (Emphasis).
Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano ang katangian ng mabuting
editoryal? Ano ang mga karaniwang
paksa nito?
2. Bakit kailangang may editoryal
ang mga pahayagan at babasahin?
Ngayon ay masusubukan mong gamitin ang mga natutunan mo
tungkol sa pagsulat ng editoryal .Subalit sa ngayon ,subukin mo
muna ang iyong galling sa pagtukoy sa tamang panuntunan sa
pagsulat ng editoryal .Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon kung ang
mga pahayag ay nagsasaad ng ng tamang panuntuanan sa
pagsulat ng editoryal.
1. Bigyang – pansin ang panimula at wakas ng editoryal dahil ito
ay mahalagang bahagi nito.
2. Dapat ito ay may kawili-wiling simula upang makaakit ng mga
mambabasa.
3. Gumamit ng mga salitangb makasasakit sa damdamin ng
tinutuligsa upang matuto sila.
4. Ipahayag ang ang personal mong galit na nararamdaman sa
sitwasyon o kalagayang isinusulat.
5. Gawing malinaw at magkakaugnay ang mga pahayag.
Maraming
Salamat!
Download