PAGSULAT NG EDITORYAL O PANGULONG TUDLING Ang editoryal na tinatawag ding pangulong tudling ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu. Itinuturing itong tinig ng pahayagan dahil dito mababasa ang paninindigan nila tungkol sa isang napapanahong isyu. Ito rin ay naglalayong magbigay kaalaman, magpakahulugan, humikayat, at kung minsa’y lumibang sa mambabasa. Tatlong Bahagi ng Editoryal o Pangulong Tudling 1. Panimula - dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin. 2. Katawan - sa bahaging ito ipinapahayag ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot. Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang pro (pagpanig) o con (pagsalungat) sa isyung tinatalakay. 3. Wakas - dito ipinapahayag ang bahaging panghihikayat o paglagom upang mabuo sa isipan ng magbabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal. Mga Uri ng Editoryal o Pangulong Tudling 1. Nagpapabatid - ipinaliliwanag o nililinaw ang isang isyu sa hangaring higit na maunawaan ang balita o pangyayari. 2. Nagpapakahulugan - binibigyang-kahulugan ang isang pangyayari o kasalukuyang kalagayan sangayon sa paningin o pananaw ng pahayagan. 3. Namumuna - isang hayagang panunuri ngunit di naman pagbatikos tungkol sa mainit na isyu. May layunin itong namungkahi sang-ayon sa panindigan pahayagan. 4. Nanghihikayat- Mabisang nanghihikayat sa mga nambabasa upang sumang-ayon sa isyung pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan. 5.Nagpaparangal o Nagbibigay puri- Nag- uukol ng papuri o karangalan ng isang tao o kapisanang nakagawa ng kahanga- hanga. 6.NanlilibangNahahawig ito sa sanaysay na impormal. Tumatalakay ito sa anumang panig ng buhay, kaya’t madalas na nakawiwili ang paksa, nakalilibang sa mambabasa o nakapagbabalik ng masasaya o maging sentimental na alaala 7.Nagpapahalaga sa natatanging arawTinatalakay nito ang mga pambansang pagdiriwang gaya ng Pasko, Mahal na Araw, Todos Los Santos, Bagong Taon at iba pa . MGA TUNTUNING DAPAT SUNDIN SA PAGSULAT NG PANGULONG TUDLING 1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula na maikli lamang upang akitin ang mambabasa. 2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang maayos at malinaw. 3.Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip a.) gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang sinulat; b.) gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba; c.) gumamit ng magkakatulad na kalagayan; at d.) banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan. 4.Tapusin nang naaangkop.Bigyan nang mahusay na pangwakas 5.Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga panimula at ang pangwakas. 6. Huwag mangaral o magsermon (No Preaching). Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasiya. 7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulatkaisahan (Unity), linaw (Clarity), pagkaka-ugnay-ugnay (Coherence) at diin (Emphasis). Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang katangian ng mabuting editoryal? Ano ang mga karaniwang paksa nito? 2. Bakit kailangang may editoryal ang mga pahayagan at babasahin? Ngayon ay masusubukan mong gamitin ang mga natutunan mo tungkol sa pagsulat ng editoryal .Subalit sa ngayon ,subukin mo muna ang iyong galling sa pagtukoy sa tamang panuntunan sa pagsulat ng editoryal .Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon kung ang mga pahayag ay nagsasaad ng ng tamang panuntuanan sa pagsulat ng editoryal. 1. Bigyang – pansin ang panimula at wakas ng editoryal dahil ito ay mahalagang bahagi nito. 2. Dapat ito ay may kawili-wiling simula upang makaakit ng mga mambabasa. 3. Gumamit ng mga salitangb makasasakit sa damdamin ng tinutuligsa upang matuto sila. 4. Ipahayag ang ang personal mong galit na nararamdaman sa sitwasyon o kalagayang isinusulat. 5. Gawing malinaw at magkakaugnay ang mga pahayag. Maraming Salamat!