Uploaded by JhitLee Mina

PAGSULAT ng balita

advertisement
12 Tips sa pagsulat ng balita para sa mga baguhan
1. Ito'y sinisimulan hanggat maaari sa PANDIWA at susundan ito ng isa sa mga 5W’s at
1H (Ingles) sa Filipino gamitin ang # ASSaKaBa? Paano? (SUMMARY LEAD) at
INVERTED PYRAMID o baligtad na pyramid (mula sa pinakamahalang tala hanggang sa
di-gaanong mahalaga)
Main/Primary lead
Secondary lead
Detalye1
2
3
2. Kadalasan pagkatapos ng pandiwa ginagamit ang element ng lead na Ano o Sino
(baligtaran)
Hal. Pamatnubay na Sino
Ipinag-utos ni Pangulong Duterte na magkaroon ng curfew sa bansa sa kaniyang
talumpati kahapon.
Binati ni Dr. Lea Moreno,punongguro sa DRECMNHS ang lahat ng mga guro sa paara
lan kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day, Oct.2
Hal. Pamatnubay na Ano
Ipinagdiwang ang World Teachers Day sa paaralan sa pangunguna ng mga opisyal ng
Supreme Student Council upang bigyang- pugay ang lahat ng guro sa DRECMNHS,
October 2.
Ipinag-uutos ang “No Junk Food Policy” ng DepEd sa lahat ng paaralan sa buong
bansa ngayong taon ito’y upang iwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng sakit na
sanhi ng mga pagkaing sitsirya.
Paalala: Sa contest ng DSPC ---Gumagamit ng SUMMARY LEAD at hindi ang Novelty Lead
3. Mahalaga ang pag-aanggulo(ANGLING) sa pagsulat ng balita. Hanapin sa mga nakalap
na impormasyon(Facts) ang pinakamahalang elemento ng pamantubay (# ASSaKaBa?
Paano?) upang siyang bigyan ng importansiya sa balita.
Paalala: Kung element ng Bakit at Paano ay hindi kinakailangang magsimula sa isang
pandiwa.
Hal. Pamatnubay na Bakit
Dahil sa dami ng mga batang nagkakasakit ng cancer at diabetes naglabas ang
DepEd ng “No Junk Food at Soft Drinks Policy” sa lahat ng mga paalaran sa bansa.
Upang malaman ng tatlong School Paper Adviser ng paaralan ang mga bagong
pamamaraan sa pampaaralang pamamahayag ngayong taon isang 3-day division
seminar-workshop ang kanilang dinaluhan sa Cozy Resort, Rosales Pangasinan,
Sept.10-13.
Hal.Pamatnubay na Paano
Nakangiting umakyat sa entablado ang 10 guro ng DRECMNHS na pinarangalan
ng Supreme Student Council bilang mga Most Love Teachers sa pagdiriwang ng World
Teachers Day upang tanggapin ang kanilang sertipiko, Oct. 2.
Paalala: (Sa contest sa DSPC) Mas maganda kung pamatnubay na Bakit at Paano ang gamitin
Pinaalalahan ni Assist. Schools Div. Supt. Dr. Ely Ubaldo ang mga mag-aaral na mahalin
at respituhin ang kanilang mga guro sa kaniyang talumpati sa pagdiriwang ng World
Teachers Day ng paaralang DRECMNHS na ginanap sa Villasis Public Auditorium, Oct. 2.
Grupo-grupong nilapitan habang nakangiti ang mga mag-aaral ang kanilang gurong
tagapayo upang batiin at ibigay ang kani-kanilang regalo sa pagdiriwang ng pampaaralang
World Teachers Day na ginanap sa Villasis Public Auditoruim, Oct. 2.
Nag-unahang dumaloy ang mga luha ng mga guro noong pampaaralang World
Teachers Day habang nag-iispoken word poetry ang isang mag-aaral mula sa pangkat
Newton sa ika-10 baitang.
Luhaan habang nakikinig at isa-isang nagsilabasan ng panyo ang halos lahat ng mga
guro noong pampaaralang World Teachers Day matapos na sila’y madala ng kanilang
emosyon sa spoken word poetry na binigkas ng mag-aaral mula sa 10 newton.
Nagtayuan ang balahibo ng mga guro hindi sa takot kundi sa madamdaming emosyon
habang nakikinig sa spoken word poetry ng mag-aaral mula sa 10-newton noong World
Teachers Day na ginanap sa Villasis Public Auditorium , Oct.2.
4. Apat lamang na 4Ws at 1H ang ilalagay sa main/primary lead, ang dalawang natitira
ay ilalagay sa secondary lead na siyang magbibigay ng complement sa main lead
Hal.
Hindi lamang nagtayuan ang balahibo kundi nag-unahang dumaloy ang mga luha ng
mga guro noong pampaaralang World Teachers Day habang nakikinig sa spoken word
poetry ng mag-aaral mula sa 10- Newton sa ika-10 baitang, Oct. 2.
Ito ang naging epekto sa lahat ng mga guro nang bigkasin ni Natalie Abad ang
kaniyang winning piece na nagkamit ng unang gantimpala sa nangyaring patimpalak sa
spoken word poetry na pinamagatang niyang Eterno, Setyembre 26 bilang isang aktibiti sa
pagdiriwang ng WTD.
Inisa-isa ni Natalie ang mga sakripisyong ginagawa ng mga guro hindi lamang sa
paaralan kundi maging sa kanilang pamilya.
Nag-ugat ang pagluha ng mga guro matapos na banggitin ni Natalie na kahit puyat ang
mga guro sa paghahanda ng araling ituturo at mga kagamitan sa pagtuturo ay gumigising
nang maaga para ipaghanda ng pagkain ang buo niyang mag-anak, plantsahin ang damit ng
asawa at ihanda ang mga anak sa eskwela kahit na limitado na ang kanilang oras para sa
sarili.
Ayon pa kay Natalie, pagdating ng mga guro sa paaralan ay sinasalubong ng kanilang
mga ngiti ang bawat pagbati ng mga mag-aaral na hindi alintana ang kanilang kapagurang
nararamdaman umaga pa lamang na simula uli ng maghapong pakikibaka ng mga guro sa
kamangmangan ng lahat ng mga estudyante.
5. Dapat ay gumamit ng mga simple at payak lamang na mga salita na kayang unawain
ng kahit na pinakakaraniwang tao.
6. Tandaan ang # KISS: Keep It Short & Simple
Sa Filipino Isang pangungusap, Isang diwa, Isang talata, 1 Sentence 1 Paragraph. Hindi dapat
itong maligoy.
7. HUWAG maglalagay ng sariling opinyon sa balita maliban kung ito’y opinyon ng taong
sangkot sa balita (No editorializing) dapat ay bumase lamang sa mga facts.
8. Ilagay ang position o titulo bago o pagkatapos isulat ang pangalan ng sangkot sa balita
Hal.
Dr. Lea Moreno,principal IV
Punongguro na si Dr.Moreno
Assist Sch Div Supt Dr.Ely Ubaldo
Dr. Ely Ubaldo,assist sch div supt.
9. Isulat nang buo ang position, pangalan ng tao at organization sa unang banggit at
gamitin na ang apelyido at akronim sa susunod na banggit.
Hal.
Ayon kay Dr. Moreno
Sabi ni Atty. Baldersa
Ayon kay ASDS Ubaldo ng pang.II
Sabi ni SDS Balderas
10.25-35 na salita lamang ang kabuuan ng pamatnubay (summary lead)
Hal.
Pinaalalahanan ng Palasyo ang Simbahang Katoliko kaugnay sa pagsisikap nitong tulungan ang mga “rogue cops” o mga criminal na pulis para magbagong buhay at tumestigo pa
kaugnay umano sa extra-judicial killings sa bansa.
11.Huwag gumamit ng tuldok sa pamatnubay maliban kung ito’y nasa huling salita na ng
pamatnubay.
12. Lagyan ng # sign o 30 na may bilog sa ibaba, tanda ng katapusan ng artikulo
Ayon sa Anyo(accdg. to structure)-inilalarawan nito ang kaanyuan o balangkas ng
pagkaka-sulat.
1. Tuwirang balita Straight news- Inihahayag ang mga pangyayari sa ayos na baligtad
na baligtad na piramide mula sa pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit na kahalagahan.
-ito’y gumagamit ng kabuuang pamatnubay (summary lead)5W’s at 1H
2. Balitang Lathalain(News feature)-pareho lang din ng nauna na ang batayan ay tun
nay na pangayayari subalit gumagamit ito ng suspended interest structure o kagaya ng
pagsulat ng isang kuwento na ang climax ay nasa hulihan ng artikulo.
Ayon sa nilalaman(Accdg to content)
1.Balitang pang-agham ( Science news)
2. Balitang pang-agham at teknolohiya (Sci-Tech News)
2.Balitang pangkaunlaran (developmental news)
3.Balitang pampalakasan (sports news)
Mga iba pang uri
1.Batay sa mga talang nakalap-pagsasalaysay ng karaniwang pangyayari na sinasagot ng
ASSaKaBaPa (5Ws at 1H)
2. Ukol sa Talumpati (Quote,speech,interview story)-Isinasaad dito ang mga siniping
pahayag ng nagsalita nagtalumpati.
3.Balitang sidebar maikling balitang isinusulat nang hiwalay ngunit kaagapay at kaugnay ng
isang pangunahing balita.
Hal.Main story
Sa sch. celeb ng World Teachers Day
SSG nanguna sa pagdiriwang
Hal.Sidebar
Perez itinanghal
na outstanding teac.
4.Balitang Kinipil (News brief)-maiikling balita na binubuo ng hindi hihigit sa dalawang
talata.ito’y tinatawag na news round-up.
5. Bulitin(Bulletin) Habol o karagdagang mahalagang balita- Ito’y inilalagay sa unang
pahina,nakakahon at sa tipong mariin(bold face)
6. Balitang Sakuna o Accident Story- Ito’y ginagamitan ng blind lead dahil madalas ay hindi
kilala ang mga taong nasasangkot dito. Ipakikilala kung sino ang nasangkot sa sakuna sa
secondary lead.
Download