Uploaded by Danah Gaa

Module 1 Pdf

advertisement
WIKA
ANO NGA BA ANG WIKA?
• Hutch(1991)
- ang wika ay malimit na binibigyangkahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na
ginagamit sa komunikasyong pantao.
• Otanes (1990) - ang wika ay isang napakasalimuot na
kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Kailangan nating
malaman ang mga pangkalahatang katangian ng wika at
gayundin ay masuri ang wikang itinuturo natin, upang
makagawa tayo ng epektibong mga kagamitan at
pamamaraan sa pagtuturo.
• Santiago (1995) - ang wika ay kasangkapan na ginagamit
at nabubuhay lamang habang patuloy na ginagamit.
• Constantino
(1996) - ang wika ang siyang
pangunahing instrumento, maaaring matamo sa
pamamagitan nito ang instrumental at sentimental
na pangangailangan ng isang tao. Ang wika ay
behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao
sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang
pangangailangan nito.
• Brown( 1980) – ang wika ay sistematiko, set ng
simbolong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang
kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao.
• Sturtevant – ang wika ay isang Sistema ng mga
arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa
komunikasyon ng mga tao.
Narito ang Dalawa sa Pinakamahalagang
Pagpapakahulugan sa Wika
• Ayon
kay HENRY GLEASON ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa
pamamaraang artitraryo.
• Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kusang loob na kaparaanan na
lumikha ng tunog. ito naman ay ayon kay EDWARD SAPIR.
Kung susumahin, ang wika ay ginagamit upang
maipahayag ng tao ang kanyang kaisipan at damdamin sa
isang maayos at masistemang paraan.
MGA KATANGIAN NG WIKA
Ang Wika ay Tunog o Binubuo ng mga
Tunog
• Sa
pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang natutuhan
ang mga tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang
pasulat na paglalahad. Ang mga ito ay naririprisinta ng
mga titik. Batay sa katangiang ito, tahasang masasabing
ang wika ay hindi binubuo ng alpabeto nito. Bagamat
malinaw na sa atin na may hindi pa naisusulat, gaya ng
wikang ginagamit ng ilang mga naninirahan sa kabundukan
at iba pang mga lugar.
• Ang mga tunog na pangwika ay nagagawa sa
pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita gaya ng
labi, dila, ngalangala, babagtingang tinig at iba pa.
Samakatuwid, hindi lahat ng tunog na naririnig sa ating
kapaligiran ay maituturing na wika.
Ang Wika ay Arbitraryo
•
•
•
Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito ay maaaring
para sa isang tiyak na layunin. Ito ay maaaring
napagkasunduan ng isang pangkat ng tao.
Kapag sinabing ang wika ay arbitraryo, ito ay
nangangahulugan na ang bawat wika ay may kanikanyang
set ng palatunugan, leksikal at gramatikal na istruktura na
ikinaiba nya sa ibang wika.
Ang mga tunog pangwika, ganoon din ang mga nabubuong
salita at mga kahulugan nito ay pinagkakasunduan ng mga
taong kapangkat sa isang kultura. Halimbawa
House
Bahay
Balay
Ang wika ay Masistema o Ang wika ay Isang
Sistema
• Kapag
pinagsama-sama ang mga tunog ay
makabubuo ng makahulugang yunit ng salita,
gayundin naman, kung pagsama-samahin ang salita
ay mabubuo ang pangungusap o parirala.
•
Ang sistema ng wika ay nakasalalay sa antas na
taglay nito. Ang antas ay maaaring patungkol sa
tunog, yunit ng salita o kayarian ng pangungusap.
Ang wika ay Pakikipagtalastasan
• Nakakatulong
ang wika sa pagpapahayag ng mga
naiisip ng tao, pagsasabi ng kanilang mga damdamin
at mga pangangailangan. Ginagamit ang wika sa
pakikipagtalastasan sa isang tao, grupo ng tao at sa
pakikipagugnayan sa iba-t ibang okasyon o
pagkakataon.
o Ang
wika ay sinasalita
Nabubuo ang wika sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng
pananalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, ngalangala at
lalamunan.
o Ang wika ay nababago
Sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy rin itong
nagbabago. Bahagi ng pagbabagong ito ang pagkawala ng
sirkulasyon ng ibang salita na itinuturing na luma na o hindi na
gaanong gamitin o ginagamit. Halimbawa ng mga salitang
lelong (matandang lalaki), salumpuwit (silya o bangko),
salipawpaw (eroplano) at marami pang iba.
o Ang wika ay malikhain
Ang wika ay umuunlad sa pamamagitan ng paglikha ng
salita. Tunay na nakakagulat ang mga salitang nadaragdag sa
ating talasalitaan dahil na rin sa pagiging malikhain ng mga
Pilipino.
Ang Wika ay Buhay
Dahil buhay ang wika ang isang salita ay nagbabago ang
kahulugan.
•
Halimbawa:
Bomba- maaaring nangangahulugang pampasabog.
Bomba- maaaring nangangahulugang poso.
Bomba- maaaring nangangahulugang malaswang magasin o
panoorin.
Bomba- maaaring nangangahulugang balita.
•
Ang Wika ay Naglalarawan ng Kultura
ng Bansa
•
Hindi maaaring paghiwalayin ang kultura at ang wika, sapagkat sa
pamamagitan ng wika, nasasalamin ang kultura ng isang bansa.
•
Halimbawa:
Ang pag gamit ng “po at opo” bilang paggalang sa mga
matatanda.
Ang Wika ay Naglalantad ng
Saloobin Ng Tao
•
Sa pamamagitan ng wika naipahahayag ng bawat tao ang
kanyang saloobin sa paraang pasulat man o pasalita. Ito ang
ikinahihigit ng tao sa hayop, sapagkat malinaw nating nasasabi ang
nais nating iparating sa ating kapwa kung galit man tayo o may
matinding sama ng loob, o kaya’y nasisiyahan tayo sa ginagawa ng
ating kapwa.
Barayti at Baryasyon ng Wika
•
•
Ang barayti ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba
sa loob ng isang wika.
Bawat wika ay binubuo ng higit sa isang varayti. Ang varayti ay
itinuturing na higit na mas masaklaw na konsepto kaysa sa
tinatawag na istilo ng prosa o istilo ng wika. Ang ilang
halimbawa ng varayti ay ang mga sumusunod:
1. Dayalek
2. Idyolek
3. Sosyolek
4. Rejister
Dayalek
• Maraming
linggwista ang nagpapalagay na homojinyus
ang wika, na ang ibig sabihin ay pare-parehong
magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong
gumagamit ng wika. Kapansin-pansin ding may mga
taga-lalawigan na iba-iba ang punto. May tinatawag na
puntonng Bulacan, puntong Bisaya, puntong Bicol o
puntong Maranao. May mga ilan naman na gumagamit
ng ibang salita para sa isang kahulugan lamang.
Samakatuwid, hindi maipagkakailang iba-iba ang varayti
ng wika. Ito’y matatawag na dayalek. Ang mga taga
Albay ay nagkakaintindihan ng usapan dahil iisang
dayalek ang kanilang ginagamit. Ngunit nahihirapan
nang maunawaan ng mga taga-Naga ang kanilang
salita kapag sila’y napadako sa lugar na ito.
• Ang
dayalek ng Tagalog ay sinasalita sa mga
sumusunod na lalawigan: Bulacan, Nueva Ecija,
Batangas, Laguna, Cavite, Quezon, Rizal atbp. Para
makatiyak kung may pagkakatulad ang dayalekto sa
mga nabanggit na lugar, mahalagang pag-aralan
ang tunog ng mga salitang ginagamit ng mga taong
naninirahan sa mga lalawigang ito. Maaari ring
paghambingin ang mga salitang laganap dito at
pag-aralan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
kahulugan. Maaaring matukoy ang paggamit ng
salitang yayao ng Batangas o ng salitang nababanas
ng Quezon na iba sa kahulugan ng mga di tagaBatangas o di taga-Quezon.
• Samantala,
sa pag-aaral na isinagawa ni Cui-Acas
ukol sa palabuuan ng pandiwa ng mga wikang Waray
at Tagalog, pinatunayan niyang ang Waray ay may
pagkakatulad o pagkakahawig at pagkakaiba sa
Tagalog ayon sa bokabularyo ng dalawang wikang
nabanggit, ilan sa mga katunayan ng relasyon ay
gaya ng ako (Waray ak), ikaw ( Waray ikao), siya (
Waray siya), kayo ( Waray kamu,) tao ( Waray tawo).
•
Ang dayalek ay wikang ginagamit sa isang tiyak na lugar, rehiyon o
probinsya. Ang pagkakaiba ay maaringf makita sa mga sumusunod:
Tunog
Paraan ng Pagbigkas
Gramar o Balarila
Idyolek
• Idyolek
ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa
pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik na
nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga
salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at
istatus sa lipunan
• Sinabi
ni Badayos, na ang idyolek ay tumutukoy sa
pekyularidad ng isang tao sa paggamit ng kanyang
wikang sinasalita. Pampersonal na gamit ito ng wika
na kadalasang yunik sa kanyang pagkatao.
Sosyolek
•
•
Ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan.
May varayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga nasa
matataas na antas ng lipunan. Ang sab inga, kung hindi
gaanonng na-diverge at mayroon pang mutual na
pagkakaunawaan, masasabing ito’y varayti o mga dayalek ng
isang wika na ginagamit sa mga relasyong sosyal, ang tawag
sa mga relasyong sosyal, ay sosyolek o sosyal-dayalek.
Ayon parin kay Badayos, sinasabing pansamantalang barayti
ito. Tinawag itong pansamantala dahil nalilinang ito sa
pamamagitan ng malayang interaksyon at sosalisasyon natin
sa isang particular na grupo ng mga tao.
Rejister o Regester
Maraming naghahambing ng register sa dyalekto. Paano
nagkakaiba ang dalawa?
•
Ang register ay tinatawag ding istilo sa pananalita. Ang isang
tao ay maaaring gumagamit ng iba’t ibang istilo sa kanyang
pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang kanyang
nadarama.
•
Ibang register ang ginagamit ng guro kapag kausap niya ang
prinsipal. Iba rin ang gamit niyang register kapag kausap niya ang
kanyang kasamahang guro, at lalong naiiba ang register niya kung
kaharap niya ang kanyang mga mag-aaral.
• Ang rejister ng wika ay tumutukoy sa mga espesyalisadong mga
salita na ginagamit ng isang particular na domeyn o gawain.
•
Halimbawa
•
Ang salitang asset ay mag kaiba ang kahulugan sa kursong
Kriminologi at sa Akawnting o sa Pagnenegosyo
•
Sa kriminology ang kahulugan ng asset ay taong napagkukunan ng
inpormasyon.
•
Subalit ang asset ay nangangahulugang pag aari o pinagkukunan
ng pondo pagdating sa pagnenegosyo.
Tungkulin at gamit ng wika
1. Instrumental
nagagawa ng wika na magsilbing instrumento sa mga tao upang
maisagawa ang anumang naisin. Ito ay tumutugon sa mga
pangangailangan at ninanais na gawin sa tulong ng wika. Halimbawa nito
ay pangangalakal, pakikitungo at pag-uutos.
2. Regulatori
nangyayari ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga
pangyayari sa kanyang paligid. Maaari din naming gumagabay sa kilos ng
iba particular sa pakikipagkomunikasyon. Halimbawa nito ay ang
pagbibigay direksyon, panuto at mga paalala.
3. Representasyonal
ang
wika
ay
ginagamit
upang
makipagkomyunikeyt
,
makipagbahagi ng mga pangyayari,makapagpahayag ng detalye at
makatanggap ng mensahe.
4. Interaksyunal
nakakapanitili at nakapagtatag ng relasyon sa kanyang kapwa, kabilang
dito ang kulitan at biruan. Halimbawa nito ay ang pormulasyong panlipunan,
Pangangamusta at iba nakakapagpanitili ng relasyong sosyal.
5. Pampersonal
nagagamit ang wika upang maipahayag
indibidwal ayon sa sarili niyang kaparaanan.
ang personalidad ng isang
6. Heuristik
ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang
kaalaman. Ilan sa mga ito ang pagsagot sa mga tanong. Halimbawa nito ay
pasalita, pag-uulat at pagtuturo.
7. Imahinatibo
nagagawa ng wika na hayaan ang isang tao na mapalawak ang kanyang
imahinasyon na tumutulong sa kanya upang siya maging masining. Halimbawa nito
ay ang pagsulat ng mga kwento at iba pa.
Anim Na Paraan Ng Paggamit Ng Wika
Ayon Kay Jakobson
1.
Pagpapahayag ng damdamin (Enovative)- Ginagamit ang
wika upang palutangin ang karakter ng nagsasalita.
Halimbawa:
Masaya ako sa bayang kinagisnan.
2.
Panghihikayat (Conative) Ginagamit ang wika upang maguutos, manghihikayat o magpapakilos ng taong kinakausap.
Halimbawa:
Bilhin nyo na ang sabong ito.
3.
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)- Ginagamit ang wika bilang
panimula ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Halimbawa:
Kumusta ka?
4.
Paggamit bilang sanggunian (Referencial)- Ginagamit ang wikang
nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan
ng pinagmulan ng kaalaman.
5.
Pagbibigay ng Kuru-kuro (Metalingual)- Ginagamit ang wika sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
6.
Patalinghaga (Poetic)- Ginagamit ang wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
5 Tungkulin ng wika ayon kay
Gordon Wells
1.
Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba. Kabilang dito ang pakikiusap,
pag-uutos, pagmumungkahi, pangtatanggi, at iba pa.
2.
Pagbabahagi ng damdamin. Nagpapahayag ng damdamin
katulad ng pakikiramay, pasasalamat, pagpupuri, pagpayag at
iba pa.
3.
Pagbibigay o Pagkuha ng Impormasyon. Nagpapahayag ng
pagtukoy, pag-uulat at pagtatanong.
4.
Pagpapanatili ng pakikipagkapwa at pagkakaroon ng
interaksyon sa kapwa. Nagpapahayag ng pagbati, pagbibiro,
paghingi ng paumanhin, at iba pa.
5.
Pangangarap/Paglikha. Naglalayong makipagsalaysay,
makapagkwento, at iba pa.
TAPOS
Download