Filipino 8 Ikalawang Markahang Pagsusulit S.Y 2016-2017 Pangalan: Petsa: Marka: K- /10 P- /18 U- /22 Total: /50 I. Kaalaman (10 points) Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. 1. Sa tulang “Bayani ng Bukid, bakit itinuring na bayani ang magsasaka? Sapagkat . A. Nagtitinda siya ng pagkain sa bayan B. Hindi siya natatakot sa ano o sinumang kalaban C. Gumagawa siya para guminhawa ang kaniyang pamilya D. Hindi niya alintana ang hirap maging ang init at lamig sa kanyang maghapong paggawa 2. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino? A. tula C. dula B. awit D. kwento 3. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag? A. sukat C. kariktan B. tugma D. talinhaga 4. Kanino humingi ng tulong si Francisco Baltazar nang ginusto niyang magbigay ng isang tula sa kaniyang panliligaw kay Magdalena Ana Ramos? A. Al Q. Perez C. Juana Tiambeng B. Jose dela Cruz D. Mariano Pilapil 5. Ang mga sumusunod ay mga aral na makikita sa Florante at Laura MALIBAN sa: A. pagtulong sa kapwa B. pagiging mabuting magulang C. pag-iingat sa pagpili ng pinuno D. tamang pagpapalayaw sa anak 6. Alin sa mga sumusunod ang nagtulak kay Kiko na isulat ang Florante at Laura? I. Kahirapan sa buhay III. Labis na sakit at kabiguan II. Kawalang-katarungan IV. Paghihiganti kay Huseng Sisiw A. I, II, IV B. II, III, IV C. I, II, III D. I, II, III, IV 7. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa ibaba? “Datapwat sino ang tatarok kaya?” A. lulusong B. makakaalam C. susungkit D. tutuhog 8. Anong damdamin ang ipinakikita sa saknong na nasa ibaba? “Wala na, Laura, ikaw na nga lamang Ang makalulunas niring kahirapan…” A. pagsuko B. pag-asa C. pagkalinga D. pagpapaalam 9. Anong bansa ang tinutukoy ng mga historyador sa katawagang Persya? A. Iran C. Jakarta B. Gresya D. Saudi Arabia 10. Sino ang sumulat ng nobelang “Kangkong 1896?” A. Amado V. Hernandez C. Carlos Valino Jr. B. Andres Bonifacio D. Ceres S.C. Alabado II. Proseso (18 puntos) A. Panuto: Basahin at unawain ang tulang “Kalikasang Kamangha-mangha!” Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. “Kalikasang Kamangha-mangha!” ni Jet O. Gellecanao Minsan ako’y nasa dalampasigan, Kagandahan ng kalikasan aking minasdan; Sa una pa lang ito’y aking hinangaan Kaya’t maraming nabuo sa aking isipan. Tinig ng mga ibon na nagsisipag-awitan, Malalamyos, nais ko’y laging pakinggan Naglalaan sa akin ng kapahingahan. Kaylamig din sa pakiramdam. Bughaw at malawak na karagatan Tila salamin ng sangkalangitan; Maging masusukal na kagubatan Nais ko’y lakbayin at puntahan. Mapipinong buhangin na naglalarawan Sa mga taong kayliliit tingnan; Ng isang nasa taas na Makapangyarihan Tinitingala ko sa may kalangitan Mga puno’y taas-noong nagsisipagtaasan Nagbibigay din ng prutas para sa kalusugan; Masasarap, matatamis kainin Habang sa islang ‘yon ako’y naninimdim. Kaya naman nais kong ipanawagan Kalikasan ay para sa kinabukasan; Dapat ingata’t pangalagaan Higit pa sa paghanga lamang! Sanggunian: Anihan ni Nerisa M. Roxas 11-13. Anong uri ng tayutay ang nakasalungguhit na pahayag sa tula? Patunayan ang iyong sagot. (3 puntos) 14-16. Ang tulang binasa ay may wawaluhing sukat, may tugmang ganap, taludturang soneto, at may tugmaang a-b-b-a. (3 puntos) Tama ba ang pahayag na ito? Lagyan ng tsek ang iyong sagot at ipaliwanag. ( ) Tama ( ) Mali 17-19. Ano ang tema ng tulang “Kalikasang Kamangha-mangha!”? Ipaliwanag. (3 puntos) 20-22. Mula sa mga itinuturing na “Apat na Himagsik sa Florante at Laura”, pumili ng tatlo at ipaliwanag ang bawat isa. Bigyang-patunay ang iyong paliwanag. (3 puntos) I. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan II. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya III. Himagsik laban sa maling kaugalian IV. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan Himagsik laban sa: Himagsik laban sa: Himagsik laban sa: Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag: B. Panuto: Basahin ang mga saknong mula sa Florante at Laura at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 23-25. Ano ang ibig pakahulugan ng saknong na nasa ibaba? Magbigay ng isang sitwasyon mula sa Florante at Laura na nagpakita ng salawikaing ito. (3 puntos) Nagbabalik man din at parang hinahanap Dito, ang panahong masayang nakalipas Na kung maliligo’y sa tubig aagap Nang hindi abutin ng tabsing sa dagat. Teacher Lynette | FILIPINO 8 | 4 26-28. Sa pamamagitan ng Venn Diagram, isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad nina Florante at Aladin. (3 puntos) III. Pag-unawa (27 puntos) A. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Sagutan nang lubos ang mga ito upang makuha ang buong puntos sa bawat bilang. 29-31. Masasabi bang tunay ang pagmamahal ni Aladin sa kaniyang ama, batay sa mga inilahad na hinagpis ng binata? Paano mo ito nasabi? (3 puntos) Teacher Lynette | FILIPINO 8 | 5 32-34. Sa anong pangyayari sa ating kasaysayan maihahalintulad ang pagdating ni Aladin sa gubat habang nakagapos at tila wala ng pag-asa si Florante? Bigyangpatunay ang iyong sagot. (3 puntos) Panuto: Basahin at sagutan nang lubos ang mga sumusunod na katanungan mula sa akdang “Kangkong 1896.” 35-37. Ano ang paksa o tema ng nobelang “Kangkong 1896?” Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga detalye na sumusuporta sa iyong sagot. (3 puntos) 38-41. Paano makatutulong sa iyong sarili ang mga aral na makikita sa Kabanata 1-7 ng akdang “Kangkong 1896?” Magbigay ng dalawang aral na natutunan mo at ipaliwanag kung paano mo ito gagawin sa kasalukuyang panahon. (4 puntos) Aral 1: Paliwanag: Aral 2: Paliwanag: Teacher Lynette | FILIPINO 8 | 6 42-50. Sumulat ng tulang tungkol sa aral na maaaring makita sa buhay ni Francisco Balagtas. Gumamit ng tatlong elemento ng tula at tukuyin ang mga ito. Gawing batayan ang pamantayan sa pagmamarka sa pagbuo ng iyong sariling tula. (9 puntos) Elemento 1: Elemento 2: Mga Pamantayan sa Pagmamarka Nagamit nang wasto ang piniling elemento ng tula. Naipakita ang ilang aral na makukuha sa buhay ni Balagtas. Ang tula ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap. Malinis at maayos ang pagkakasulat. May nakahihikayat na pamagat. Kabuuang Puntos Elemento 3: Aytem 3 2 2 Puntos 1 1 9 Walang naidudulot na mabuti ang mabilis na pagsuko. Teacher Lynette | FILIPINO 8 | 7