PANGALAN:______________________________________________ 1. Ito ay isang makaagham na pag-aaral ng paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang panganagilangan ng tao. A. Antropolohiya B. Sosyolohiya C. Kasaysayan D. Ekonomiks 2. Sa aling sitwasyon magagamit ang kaalaman sa ekonomiks? A. pagbili ng bagong sapatos B. pagtitipid ng perang kinita sa isang buwan C. pamamasyal sa mall o pamilihan D. pagpunta sa Boracay 3. Bakit dapat matutunan ng bawat mamamayan ang ekonomiks? A. Nalalaman dito ang tamang alokasyon ng limitadong pinagkukunang yaman. B. Pinahahalagahan nito ang ating kalikasan. C. Ito ay may kinalaman sa lahat ng dako ng daigdig D. Malaki ang ginagampanan ng ekonomiya sa pulitika ng bansa. 4. Isa itong batayang katotohanan ng ekonomiya kung saan ang lahat ng mga kalakal na pangkabuhayan ay limitado,maaaring permanente ang di-kasapatan. A. Kakapusan B. Kakulangan C. Kailangan D. Kagustuhan 5. Ang kakapusan ang pangunahing problema ng bansa dahil sa limitado ang mag pinagkukunang-yaman sa paparaming kagustuhan ng tao. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng kakapusan? A. Pagkakaroon ng labis na produkto sa pamilihan. B. Pagkakaroon ng mabilis na paggawa ng mga produkto. C. Pagkakaroon ng labis na panustos sa pamilihan. D. Pagkakaroon ng mahabang pila sa tindahan. 6. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kakulangan? A. Pagkakalbo ng mga kagubatan B. Maaksayang paggamit ng mga yaman. C. Mabilis na pagdami ng tao. D. Di sapat ang supply ng bigas sa pamilihan 7. Ano ang dahilan bakit may trade-off at opportunity cost? A. Sagana ang buhay ng tao. B. Walang katapusan ang pangangailangan ng tao. C. Upang makalikha ng mas maraming kalakal. D. Limitado ang kaalaman ng tao sa tamang pagpapasya. 8. Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag sa mga bagay na ito? A. Kagamitan B. Kagustuhan C. Luho D. Pangangailangan 9. Ang pangangailangan ay mga bagay na ginagamit ng tao upang mabuhay. Ano naman ang kagustuhan? A. Mga bagay na pansamantalang naaangkin ng mga tao. B. Mga bagay na nakukuha sa madaling paraan. C. Mga bagay para sa pansariling kapakanan. D. Mga bagay na nagdudulot ng kasiyahan at luho sa tao 10. Sa Herarkiya ng mga Pangangailangan ni Abraham H. Maslow, alin sa mga pangangailangan ang pinakamataas? A. Pagmamahal B. Pisiyolohikal C. Kaganapan ng Pagkatao D. Seguridad 11. Ano ang sinasabi ng teoryang hirarkiya ng pangangailangan? A. Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay nadadagdagan o nababawasan ang antas ng pangangailangang dapat niyang makamit. B. Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay umuusbong ang panibagong antas ng pangangailangang dapat niyang makamit. C. Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay bumababa ang antas ng pangangailangan dapat niyang makamit. D. Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay walang pagbabagong nangyayari sa antas ng pangangailangang dapat niyang makamit. 12. Alin ang may wastong pagkakaayos ng hirarkiya ng pangangailangan ayon sa teorya ni Abraham.Harold. Maslow? A. Social, Security, Physiological, Actualization Self-esteem B. Security, Social, Self-esteem, Actualization, Physiological C. Physiological, Security, Social, Self-esteem, Actualization D. Self-esteem, Security, Physiological, Social, Actualization 13. Si Cris ay isang guro sa elementarya. Malapit nang magbukas ang klase kaya kailangan na niyang bumili ng mga gamit para sa paaralan. Alin sa sumusunod ang kailangan niyang bilhin? A. cellphone B. helmet C. class record D. tuwalya 14. Si Rita ay nagtatrabaho sa bangko. Kumikita siya ng 30,000 piso kada buwan. Dahil dito, nabibili niya ang lahat ng kaniyang mga pangangailangan at nakatutulong din siya sa kaniyang pamilya. Anong salik ang nakakaimpluwensiya rito? A. Presyo B. Panlasa C. Edad D. Kita 15. Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi o distribusyon ng mga likas na yaman, yamang tao, at yamang pisikal sa iba’t-ibang paggamitan upang masagot ang mga suliraning pang-ekonomiya. A. Produksyon B. Implasyon C. Alokasyon D. Konserbasyon 16. Upang masagot ang mga suliraning ito ng kakapusan may mga katanungang pang-ekonomiya ang nauugnay sa suliraning ito. Alin ang HINDI kabilang? A. Ano B. Gaano C. Bakit D. Paano 17. Kung ikaw ay isang matalinong mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon? A. Isinasaalang-alang ang itsura at porma B. Isinasaalang-alang ang hilig at kagustuhan. C. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala at tradisyon. D. Isinasaalang-alang ang magiging bunga / resulta ng desisyon. 18. Sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya, alin ang naniniwala sa pribadong pamumuhunan at pagmamay-ari at may pansariling interes ang mamimili at nagbebenta? A. Market Economy B. Command C. Traditional Economy D. Mixed Economy 19. Sa command economy, sino/ alin ang may komprehensibong kontrol at regulasyon ng ekonomiya ng bansa? A. Konsyumer B. Pamahalaan C. Prodyuser D. Pamilihan 20. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyunal na ekonomiya? A. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa ibang gawain. B. Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes. C. Wala, sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano nito. D. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga pinagkukunang yaman dulot ng kapaligiran,batay sa tradisyon ,kultura at paniniwala.