Paniniwala at Tradisyon Ano sa palagay mo ang mga paniniwala at tradisyong ito? Ano sa palagay mo ang naging impluwensya ng nito sa pang-araw-araw na buhay? Anu-ano kaya ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino? May kinalaman kaya ang mga ito sa pang-araw-arw nilang buhay? PANINIWALA AT TRADISYON Karamihan sa mga paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino ay may kaugnayan sa pananampalataya. Ang pagdaraos ng mga kapistahan ay nagsimula sa ritwal at seremonya ukol sa mga diyos at ispiritu noong unang panahon. Nag-aawitan, nag-aalay ng mga handog,nagsasalu-salo, nagsasayawan at nag-iinuman sila pagkatapos ng seremonya. Kung minsan , may nagpapaligsahan pa upang makakuha ng mga gantimpala mula sa datu o raha. Ito ang pinagmulan ng mga palaro sa pista sa kasalukuyan. Sa mga ninunong mga Pilipino, mahalaga ang pagpapangalan ng kanilang mga anak. Isinusunod nila ito sa pangalan ng mga bagay sa kapaligiran. Ito ay isang kaugaliang Asyano na ginagawa rin ng mga Tsino at Hapones. Ang mga bagong silang na sanggol ay ipinagdarasal at ipinagdaraos ng mga ritwal. Batay ito sa paniniwala sa mga ispiritung papatnubay sa buhay ng mga sanggol hanggang sa kanilang paglaki. Makikita pa hanggang sa kasalukuyan ang mga katutubong kaugaliang Pilipino sa mga tahanan. Ang ama pa rin ang kinikilalang ulo ng pamilya, bagamat nagtamo na ang kababaihan ng mga karapatan sa mga kalalakihan. Ang ina pa rin ang inaasahang mag-aaruga ng mga anak at mamahala sa mga gawaing pantahanan. Naroon pa rin ang paggalang at magandang pagsusunuran ng mag-asawa at ng magkakapatid sa kabila ng pakikibagay sa modernong pamumuhay. Noong una , ang pagpili ng mapapangasawa ng mga anak ay karapatan ng mga magulang . Ang mga magulang ay may mga sinusunod na na pamantayan ng pagpili at ang halaga ng bigay-kaya para sa nobya o babaing ikakasal . Sila rin ang nagtatakda ng araw at lugar ng kasal. Naniniwala naman ang mag-anak na walang magulang na naghahangad ng masama para sa mga anak. Bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa paggawa, pakikisama, pagdamay, pagtanaw ng utang na loob, paggalang sa nakakatanda at kababaihan, katapangan at katapatan. Bagaman sinasabing impluwensya ng mga Asyano ang paniniwala sa mga pamahiin, hindi maikakailang naging ugali rin ito ng mga Pilipino, May mga pamahiin tungkol sa pag-aasawa, panganganak, pagpapangalan ng anak at pagpili ng pook-tirahan na sinusunod pa hanggang ngayon. Nanatili hanggang sa kasalukuyan ang ilan sa mga paniniwala at tradisyong Pilipino. Ang mga ito ay bahagi ng ng pamanang kultural ng mg sinaunang Pilipino. Tandaan Ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon sariling kultura bago pa man dumating ang mga dayuhan sa ating bansa. Sila ay may mga paniniwala at tradisyon na kanilang sinusunod hanggang sa kasalukuyan. Ang mga paniniwala at tradisyon na ito ay may impluwensya sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay gaya ng paniniwala sa mga pamahiin. GAWAIN A 1.Bumuo ng apat na pangkat . 2.Gawin ang isinasaad ng Activity Card. Pangkat 1:Magsagawa ng Isang Pamahiin sa pamamagitan ng Katutubong sayaw. Pangkat 2: Isadula ang Pamamanhikan noong unang Panahon. Pangkat 3: Bumuo ng isang awiting Rap na may temang sinaunang paniniwala. Pangkat 4: Bumuo ng isang tula tungkol sa pangliligaw. GAWAIN B Lagyan ng tsek(√) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kaisipan ukol sa mga paniniwala at tradisyong ng sinaunang Pililipino 1.Ang mga Pilipino ay nakikialamhati sa namatayan. 2.May malapit na ugnayan ang mga pamilyang Pilipino. 3.Ang mga Pilipino ay makasarili. 4.Bawal daw maligo kapag may patay. 5.Mahilig magdiwang ng pista ang mgaa Pilipino. GAWAIN C Itugma ang mga salita o parirala sa hanay B sa mga inilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel. 1. Maraming handang pagkain at mayroon pang mga palaro 2. Paghingi ng kamay ng mga magulang sa nobya 3. Pagpunta sa tahanan ng namatayan 4. Pagganti sa ginawang kabutihan 5. Hindi pagsusukat ng damit bago ikasal a. Pamanhikan b.Pakikiramay c.Pagtanaw ng utang na loob . d.Pamahiin e.Pista GAWAIN C Magkaroon ng isang laro na ang tawag ay Arte Mo:Hula Ko . Bumuo ng dalawang grupo na binubuo ng tig limang miyembro. Isang miyembro ng pangkat ang bubunot ng salitang kanilang iaarte at ang natirang miyembro ng pangkat ang huhula ng salitang may kinalaman sa paniniwala at tradisyon. Kung sino ang may pinakamaraming tama ang mananal Natutuhan ko Sumulat ng isang maikling talata na tumatalakay sa isang paniniwala o tradisyon na inyong natutunan at sabihin ang naging impluwensya nito sa inyong pang araw-araw na pamumuhay.