MGA SIT WASYONG PANGWIK A SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection ay para marating ang malalayong pulo at ibang bansa. Wikang Filipino ang ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na tsanel. Mga Halimbawa ng mga Programang Pantelebisyon na Gumagamit ng Wikang Filipino: •Teleserye •Pangtanghaling palabas •News and Public Affairs •Reality Show •At marami pang iba Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-milyong manonood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino. Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal. SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbrobroadcast subalit nakakarami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag may kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. Sa diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa Tabloid maliban sa iilan. Ngunit tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa atbp. Na nakasulat sa wikang higit nilang nauunawaan. Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay kadalasan ay hindi pormal na wikang ginagamit sa mga broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit kaagad ang mga mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding senseysyonal na lumalabas ang impormalidad ng mga ito. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay tinatangkilik pa din ng mga manonood. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Filipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes a Man and a Woman, Bride for Rent, You’re My Boss, A Second Chance atbp. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ng telebisyon, radyo, diyaryo at pelikula. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manonood, tagapakinig o mambabasa na makakaunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa at babasahin upang kumita ng malaki. Dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit ng mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakakapagsalita, nakakaunawa at gumagamit ng wikang Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating pambansang wika. Ang nananaig na tono ay impormal at wari hindi gaanong istrikto sa pamantayan ng propesyonalismo. Maraming uri ng medya ang tila nangingibabaw na layunin ay mangaliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan. Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media at mga taong tumatangkilik nito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng mahusay upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.