MGA BATAYANG KASANAYAN SA PAGHAHANDA PARA SA PAPEL PANANALIKSIK Ang pananaliksik mahalagang tunay Sa pagpapaunlad nitong ating buhay Dagdag kaalaman siyang ating gabay Upang mapayabong katangiang taglay. ANG PANANALIKSIK Sa makabagong takbo ng panahon na ang mundo ay pinatatakbo ng teknolohiyang bunga ng mga imbensyon sa larangan ng agham at teknolohiya, ang pananaliksik o riserts ay may mahalagang gampanin sa iba’t ibang larangan. Ang pananaliksik o riserts ay ang makaagham na pagkuha at pagpapalaganap ng mga tala upang masubok ang teorya nang sa gayon ay malutas ang isang suliranin. Dito ay lubbos na kailangan ang pagtitiyaga at maingat na paghahanap ng mga kinakailangang datos upang matiyak na matatanggap ang mga impormasyon o datos na nalikom upang mapatotohanan ang teoryang kasangkot sa pananaliksik. Isang mahalagang aspeto ng pag-aaral sa kolehiyo ang kaalaman ng mag –aaral sa pananaliksi. Itinatadhana ng mga CMO mula sa Commission on Higher Education para sa iba’t ibang kurso at larangang pang-akademiko ang pagkakaroon ng mga komponent ng pananaliksik o riserts upang lubusang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa gawang ito. KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK Binigyang-kahulugan ni Kerlinger (1973) ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal. Sistematiko ang pananaliksik kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula sa pagtukoy sa suliranin sa mga umiiral na teorya, pagngangalap ng datos, pagbuo ng kongklusyon, at pagsasanib ng mga kongklusyon mula sa iba pang pag-aaral na sinasaliksik. Ang siyentipikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang ng pagsasaliksik ay nakaplano. Hindi kailangang hulaan o gawin lamang ng imahinasyon ang pag aaral dahil nawawalangbisa at kahulugan ang pag-aaral para sa isang mananaliksik. Binibigyang linaw ang suliranin, ang mga baryabol ay tinutukoy, at ang mga instrumento ay maingat na pinipili o nililinang. Ang mga kongklusyon ay lubhang dapat na nababatay lamang sa mga datos na nakalap at nang sa gayon ang mga rekomendasyon ay batay sa mga natuklasan. Katangian at Pananagutan ng Isang Mananaliksik Tunay na mahirap na gawain ang sulating pananaliksik. Ang isang mahusay na mananaliksik ay kailangang magtaglay ng sumusunod na mga katangian: 1. Masipag at matiyaga. Kailangan ang walang katapusang paghahanap ng mga datos na gagamitin sa pananaliksik. Kailangan din ang tiyaga at lubos na pasensiya, malawak na pang-unawa sa mga nakakasalamuhang tao habang nangangalap ng datos. 2. Maingat. Kinakailangang maingat niyang maisa-isa ang mga nakalap na datos na may kaugnayan sa kanyang ginagawang sulating pananaliksik. Kailangan din niyang mabigyan ng angkop na pagkilala ang mga tao, awtor, at iba ang pinagkunan niya ng datos at maingat niya itong maisama sa kanyang inihahandang sulatin. 3. Masistema. Maayos at may sistema ang kanyang mga hakbang upang walang makalimutang datos o detalye na kailangan sa kanyang isinusulat na sulating pananaliksik. Sa ganitong katangian,, maayos niyang mapagsusunod-sunod ang mga detalye mula sa panimla hanggang sa pagtatalakay sa resulta ng pag-aaral, kongklusyonn, at rekomendasyon. 4. Mapanuri. Kailangang magkaroon siya ng batayan upang mabigyan ng magkakaibang bigat ang mga datos na nakalap niya. Kailangang suriin niyang mabuti ang mga pangunahing datos at mga pantulong na datos upang maihanay niya ito nang maayos at naaayon sa pangangailangan ng kanyang sulating pananaliksik. KAYA MO BA ITO? Matapos mong mabasa at mabatid ang iba’t ibang katangian ng isang mananaliksik, masasabi mo bang taglay mo ang mga ito? Patunayan mo. ETIKA NG PANANALIKSIK Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pagiingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa ng iba. Kung gayon, kailangan niyang maging matapat sa kanyang isinusulat at mapanindigan niya ang anumang produktong ginawa niya sa lahat ng oras. Bagama’t bukas na ang lahat ng source o sanggunian dahil na rin sa teknolohiya, kailangan pa rin isang mananaliksik na ipakilala at ipabatid sa kanyang mga mambabasa ang pinagmulang sanggunian ng anumang datos na isinama niya sa kanyang ginawang pananaliksik. Sa pagsasabatas ng Intellectual Property Rights, kailangan ang mahigpit na pagsunod sa mga probisyon nito upang makaiwas sa anumang kasong sibil at kriminal na maaaring kahantungan ng isang mananaliksik. Narito ang ilang matatawag na Etika ng Mananaliksik. 1. Paggalang sa Karapatan ng Iba Kung gagamitin bilang respondent ang isang pangkat ng mga tao anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang paggalang o respeto sa kanilang karapatan. Hindi maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan kung wala silang pahintulot. 2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential Kinakailangang tratuhin ang lahat ng datos at detalye nakuha mulla sa survey, interview o anumang paraan na confidential. Nasa sariling pamamaraan ng mananaliksik kung paano niya ilalahad ang kabuoan ng mga detalye nito. 3. Pagiging matapat sa bawat pahayag Ang anumang pahayag sa kabuoan ng sulating pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat. Hindi maaaring baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang pansariling interes o pangangailangan ng ilang tao. 4. Pagiging obhetiko at walang kinikilingan Ang isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan. Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang pananaliksik nang walang pagkiling sa sinoman. Dapat ay maging fair siya sa lahat. Kinakailangang maibigay kung ano talaga ang nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga tao, institusyo, at iba pa na sangkot sa kanyang ginawang sulating pananaliksik. GABAY SA TALAKAYAN 1.Ano ang kahalagahan ng pananaliksik sa panahon ngayon? 2.Humahanap ng probisyon sa Intellectual Property Rights na makatutulong upang lalong makapagingat ang isang mananaliksik. 3.Bukod sa mga katangian ng isang mananaliksik na inihanay dito, mayroon ka pa bang maidaragdag? Ano-ano ang mga ito? Anong Etika ng Mananaliksik ang maaaring nilabag sa sumusunod na sitwasyon? Nagsasagawa si Bb. XYZ ng pananaliksik hingil sa paksang “Isang Pag-aaral sa mga Sanhi at Bunga ng Pagmamaltrato sa mga Kasambahay.” Matapos siyang makakuha ng mga datos at detalye mula sa pakikipanayam, pagmamasid, at pagbabasa, may mga natuklasan siyang taliwas sa kanyang layunin sa isinasagawang pag-aaral. Ilang estadistika ang binago niya upang ang resulta ay maging pabor sa nais niyang maging kalabasan ng pananaliksik. Gayundin, inilahad niya ang mga tunay na pagkakakilanlan sa kanyang mga respondent. Isulat ang iyong sariling pagpapakahulugan sa Etika sa Pananaliksik. Paano mo ito mailalapat sa iyong pag-aaral. Mga Hakbang sa Pananaliksik May mga sinusunod na mabisang hakbang upang ang nagsasagawa ng pananaliksik ay magkaroong isang maayos at masistemang paraan. 1. Pagpili ng tamang paksa. Dito ay isinasaalang-alang ang interes ng mananaliksik. Sinusuri kung ang paksang napili ay napapanahon, makabuluhan, at kailangan ng mananaliksik nito o ng higit na malaking kliyente- ang lipunan o ang bansa sa kabuuan. Gayundin, kailangan niyang mabatid kung paano lilimitaham o gagawing tiyak ang isang napakalawak na paksa. 2. Paghahanda ng balangkas. Dito ay inihahanda ng estruktura ng buong organisasyon ng gagawing pananaliksik. 6. Pagsulat ng pananaliksik. Maayos na isinasagawa ang pasulat na ulat batay sa mga naunang ginawang preparasyon ng mananaliksik. Kadalasan, ito ay inaabot ng isa o higit pang linggo depende sa uri ng pananaliksik sa isinasagawa. 7. Pagrereserba ng pape. Dumaraan ang unang draft ng isinulat sa masusing editing upang matiyak na may kawastuhan sa paggamit ng wika at estilo. 8. Pagsulat ng pinal na papel. 3. Paghahanda ng bibliyograpi. Dito ay masusing hinahanap ng mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat, magasin, journal at iba pang mga mapagkukunan ng datos para sa gagawing pananaliksik. 4. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal. Dito ay binabasa ang nilalaman ng mga aklat, magasin, at journal na binanggit sa itaas. Pinagpapasyahan ng mananaliksik kung ating mga datos dito ang mahalagang makuha at maisama sa gagawin niyang ulat. 5. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas. Aayusin ng mananaliksik ang mga nakalap na datos ayon sa uri ng paglalahad o batayang gagamitin sa ulat. Sa kabuoan, narito ang karaniwang balangkas ng isang ulat pananaliksik/tesis/disertasyon. TALAAN NG NILALAMAN Pagpapakilala sa Pangkat/Awtor/Mananaliksik Tagubilin para sa Pagsusulit na Oral Dahon ng Pagpapatibay Paghahandog Pasasalamat Talaan ng Talahanayan Kabanata I- SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL Kabanata II- KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Panimula Saligang Pangkasaysayan Balangkas Konseptuwa/Teoretikal Paglalahad ng Suliranin Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw ng Delimitasyon Katuturan ng Terminolohiyang Ginamit Kabanata III- PAMAMARAAN Sa Pilipinas Sa Ibayong Dagat Sintesis Kabanata IV- PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS Kabanata V- PAGLALAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON Lagom ng mga Natuklasan Kongklusyon Rekomendayson Bibiliyograpiya Apendiks Tala sa Buhay ng Mananaliksik GABAY SA TALAKAYAN 1.Bakit kinakailangang limitahan o gawing tiyak ang isang napakalawak na paksa? 2.Paano makatutulong ang proseso ng paglilimita sa paksa sa pagiging maayos at makakatotohanan ng isang sulating pananaliksik? 3.Bilang isang bagong mananaliksik, ano sa palagay mo ang pinakamahirap na bahagi sa mga hakbang sa maayos na pananaliksik. Pumunta sa inyong silid-aklatan. Humanap ng dalawang (2) sipi ng mga pananaliksik na ginawa ng mga mag-aaral at faculty. Tingnan ang Talaan ng Nilalaman ng bawat isa at magkaroon ng paghahambing sa mga hakbang na sinunod ng bawat pananaliksik. Saan sila nagkatulad? Saan nagkaiba? Sa pamamagitan ng mind map, ipakita kung paano malilimita ang isa sa malawak na paksa sa ibaba: Edukasyon Kultura Kalayaan Manaliksik kung ano ang pormat ng Talaan ng Nilalaman sa estilo ng APA o American Psychological Association. Isulat sa nakalaang espasyo sa ibaba.