Uploaded by Tsuyoshi Higuchi

EPEKTO NG PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS SA

advertisement
EPEKTO NG PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS SA MGA MAG AARAL SA
SAINT NICHOLE TECHNICAL SCHOOL TARLAC CITY
Tsapter 1
Panimula
Ang Mobile Legends:Bang Bang Ay isang laro ng developer na Moontoon na
inilabas noong july 11, 2016. Ito ay nilalaro sa android at IOS. Maaari itong laruin sa
computer sa pamamagitan ng isang application na tinatawag na bluestacks.Ang larong ito ay
multiplayer online battle arena at ito ay binubuo ng dalawang kuponan na binubuo ng
limang miyembro. Ang laro na ito ay may iba't ibang klase,Classic,Rank,Draft Pick,Brawl,
Vs. AI Custom,Mayhem,Mirror at Survival.Maaari kang pumili ng iba't ibang heroes at
mayroon itong klasipikasyon,tulad tng tank, fighter, assassin, mage, marksman at support.
Upang manalo ay kailangang mawasak nexus tower ng kalaban sa pamamagitan ng
pagpatay sa kalaban minions pagbuo ng mga items o kagamitan at paggiba ng tore ng
kalaban.
Ang larong Classic ay isang normal na laro at dito din pinag eensayohan ang mga
heroes ng mga manlalaro kapag hindi alam gamitin ang isang heroes. At ang Rank naman
ay may mga antas una Warrior, Elite, Master, Grand master, Epic, Legend at mythic dito
kapag nanalo ang isang manlalaro ay nakakakuha ng isang star at kung natalo naman ay
mababawasan ito ng isang star. Ang Draftpick naman ay isang rin itong Rank Game
bagamat nalalaro lang ito kapag ang isang manlalaro ay nakatungtong ito sa Epic hanggang
sa Mythic. Ang Brawl dito ay dalawa lang ang iyong pagpipilian na heroes at Sa mid lane
lang ang labanan. Ang Vs. AI Costume dito ang kalaban ng isang manlalaro ay isa lamang
computer. Ang Mayhem isang klase ng laro sa mobile legends na ang heroes ng isang
manlalaro ay Level 4 na agad at kapag namatay ang isang heroes ng isang manlalaro kusang
magpapalit ang kanyang heores. Ang Mirror isang klase ng laro sa mobile legends kung saan
pinag bobotohan ng mga manlalaro ang mga heroes at kapag sinong heroes ang madaming
boto ito ang gagamitin ng mga manlalaro at sila ay pare parehas.
Ang mga klasipikasyon sa larong Mobile legends una ang tank ang hero na ito
prinoprotektahan ang mga kakampi dahil ito ang pinakamatigas sa isang kuponan. Ang
pumapangalawa naman ay fighter ito ay parang tank matigas pero mas malakas ang damage
nito. Ang pangatlo naman ay assassin pinapatay nito ang mga marksman at mage dahil
malalambot ang mga ito. Ang pangapat naman ay mage pumapangalawa ito sa assassin dahil
pinapatay nito ang mga malalambot na heroes. Ang panglima ang marksman ito ay
malambot sapagkat ito ay malakas ang kanyang damage at umaatake ito ng malayo. At ang
huli naman ay support ito ang sumusuporta sa isang team o hero.
Kaya napili namin ang paksang ito dahil karamihan sa mga estudyante ay
napapabayaan ang kanilang pag-aaral dahil sa larong ito. At dito napapabayaan nila ang
kanilang kalusugan dahil oras na silang natutulog dahil sa paglalaro ng mobile legends.
Dahil isa rin kaming manlalaro ng mobile legends at naranasan rin namin ang masamang
epekto nito saamin. Bilang kapwa mag-aaral gusto namin silang tulungan sa pamamagitan
ng pananaliksik na ito. At ang larong mobile legends ay meron din magandang epekto tulad
ng pampalipas oras.
Ang pananaliksik na ito ay upang alamin ang maaring epekto ng paglalaro ng mobile
legends sa akademikong pag-aaral sa mga mag-aaral ng saint nichole technical school tarlac
city. Upang alamin kung ano ang mga benepisyo ng paglalaro ng mobile legends sa kanila.
At upang malaman ang mga posibleng solusyon sa mga mag-aaral na naaapektuhan ng
mobile legends.
Paglalahad ng suliranin
1. Ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral batay sa?
1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Libangan
1.4 Kurso
2. Paano nakakaapekto ang paglalaro ng mobile legends sa mga mag-aaral batay sa?
2.1 Kalusugan
2.2 Pag-aaral
2.3 Oras
3. Ano ang dahilan kung bakit naglalaro ng mobile legends ang mga mag-aaral
4. Ano ang implikasyon ng pag-aaral na ito sa mga guro, magulang at administrador ng
paaralan.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makatulong sa mga
Sumusunod:

Sa mga mag-aaral-makakatulong ang pananaliksik na ito upang mabalanse
ang kanilang pag-aaral at palalaro ng mobile legends.

Sa mga magulang-ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga
anak, ay makakapag isip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa
kanilang mga anak.

Sa mga guro-magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng
kanilang estudyante nang sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga
mag-aaral sa tamang oras ng paglalaro ng mobile legends.
Saklaw at delimitasyon ng pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga negatibo at positibong
epekto ng paglalaro ng mobile legends sa mga estudyante sa Saint Nichole Technical School
Tarlac city mula ikalabing isang baiting hanggang sa ikalabing dalawang baiting ng taong
2019-2020
Nalilimitahanang pa aaral na ito sa mga estudyante ng SNTS.Hinahangad din ng pag aaral na ito na suriin ang pananaw at persepsyon ng mga guro sa epektong dulot ngpaglalaro
ng mobile legends sa mga estudyante.Sa huli bibigyan ng mga mananaliksik ng mga
mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang paglalaro ng mobile legend ng mga
estudyante.
Depinasyon ng mga katawagang ginamit

Andriod-Ang android ay tumutukoy sa isang gadget o device na may kakayahang
magsagawa ng iba pang mga bagay maliban sa karaniwang nagagawa ng isang
telepono.

Epekto-Ang epekto ay isang salitang na nangangahulugan na bunga o kinalabasan
ng lahat ng ginawa.

Hero/Bayani-ito ang mga tauhan sa laro.

IOS-ay isang mobile operating system na nilikha at binuo ng Apple Inc. eksklusibo
para sa hardware nito.

Klasipikasyon-Pagsasaayos ayon sa uri o kategorya.

Lane-Dito naglalaban ang mga tauhan o heroes.

Mobile legends-Ito ay isang uri ng online games.

Multiplayer-pweding magsama ang isa o higit pang manlalaro.

Pananaliksik-ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang
suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan.

Online games-ang mga online na laro ay isang laro na nilalaro mo lamang kapag
mayroon kang koneksyon sa internet.
Download