Batay sa natutunang mga aralin, bumuo ng isang pagsusuri sa paksa ng tulang “Pilipino sa Panahon ng Pandemya.” Gamitin ang kaalaman sa mga teoryang pampanitikan. Tiyaking hindi lalabis sa dalawampung (20) pangungusap ang pagsusuri. Isaalang-alang ang rubrik para sa pagmamarka ng gawain. Pagsuotin ng face mask kahit saan man o i-quarantine man Magbabahagi, maghahatid ng pagkain o gamit na kailangan Pagkakaisa sa layunin kahit may isang metrong agwat pa ‘yan. Pilipino sa Panahon ng Pandemya ni Rhany Jane C. Lacerna Hindi maipagkakaila ika’y tunay na Pilipino sa diwa at puso Tumataghoy… tumatangis… nagdarahop… umuuwi… lumilisan… May pagpapahalaga sa iyong lipunan at sa iyong kapwa tao Mga salitang naglalarawan sa mga nadidinig at natutunghayan Hindi tatalikod sa tawag ng tungkulin at ng pangangailangan Balita sa bawat telebisyon, radyo, social media, at pahayagan Naipamamalas ang kagitingan sa pamamagitan ng bayanihan. Pinupuno ng sobrang takot at pagkabalisa ang sambayanan. Ngayo’y muling umusbongang kabihasnang meron tayo Tumataghoy ang sinoman kapag siya ay nahawaan Kapatiran ay nagiging versatibo at mas daynamiko Sakit na nakalulunod, kahit sa paghinga’y nahihirapan Patunay ang sambayanang Pilipino sa pandemyang ito Tumatangis ang mga magulang, anak at mahal sa buhay Bayanihan ang kailangan upang maisalba buhay ng tao. ng mga nagpositibo sa sakit na sa kanila’y nawawalay. Nagdarahop hindi lamang ang iilan, kung di bawat isa Ekonomiya, hanapbuhay, edukasyon ay isinantabi muna Umuuwi sa pamilya ipinapanalanging sila’y maging ligtas Nagbubuklod-buklod, sa bawat isa kumukuha ng lakas. Lumilisan at naiiwang mga mahal sa buhay dumarami na Bilang ng mga Pilipinong nagpopositibo ay mas tumataas pa Hanggang kailan pa po, O Diyos ang malagim na suliraning ito Walang ibang dasal kundi sa awa Mo gumaling na ang mundo. Malasakiit… tulong… tugon… kapatiran… bayanihan… Mga salitang kinakailangan nating maisakatuparan Kabutihan sa bawat tao ay nagbibigay ng pag-asa Sama-samang lalabanan ang mabalasik na pandemya. Malasakit sa kapwa ang pumupukaw sa damdamin Sa mga Pilipino likas na ang pagiging matulungin Pagtutulungan at diwa ng bayanihan sa puso natin Bahagi ng kultura, tradisyon at buhay ang sinasalamin. Tutugon… aaksyon… hindi patitinag sa kahit anong laban This study source was downloaded by 100000858857153 from CourseHero.com on 12-08-2022 09:41:50 GMT -06:00 https://www.coursehero.com/file/116286959/FIL-M1-panghuling-gawaindocx/ SAGOT: Ang tulang "Pilipino sa Panahon ng Pandemya" ay maaaring masuri gamit ang teoryang Humanismo, na kung saan ang kalikasan at katangian ng tao ang pokus sa pag-aaral na ito. Kung ating titingnan, ang tula ay nakatuon sa mga likas na katangian ng tao na hindi makikita sa ibang antas ng mga nilikhang nilalang. Ang pangunahing paksa ng Humanismo ay ang saloobin at damdamin ng tao, sa paraang pagsulat na ginamit ng manunulat ng akda ay naipakita ang kakayahan ng taong maglahad ng kanyang nadarama tungkol sa nararanasang pandemya sa kasalukuyang panahon. Maliban pa rito, naipamalas din ang likas na katangian ng mga tao sa pagharap sa iba't ibang unos at problema na sya ring sentro ng Humanismo. Sa kabila ng pagtangis at pagdarahop ng mga tao, narito pa rin ang pagtutulungan at pakikipagkapwa tao na syang natatangi at kagila-gilalas na katangian ng mga tao. Nabanggit din ng may akda ang mga bagay na ginagawa ng mga tao tulad ng pagsunod sa sa mga protocol sa kalusugan na isa ring tuon ng Humanismo upang maglahad ng mga bagay na naaayon sa kung anong tama at mali. Samakatuwid, ang mga manunulat ng Humanismo ay nagbibigay-pansin sa mga problemang nadarama at nararanasan ng mga tao sa kasalukuyang panahon na kung saan ay tahasang ipinakita sa tula. Sa kabuoan, makikitang ang naturang tula ay repleksyon ng kasalukuyang pangyayari. Hindi man lahat ng tao ay tulad ng nabanggit sa tula, ang pagpapaganda ng kalikasan ng tao ay parte rin ng Humanismo, ito ay dahil nais bigyang halaga ng teoryang ito ang kabuoang katangian na nakatuon sa kagandahang taglay ng mga tao. This study source was downloaded by 100000858857153 from CourseHero.com on 12-08-2022 09:41:50 GMT -06:00 https://www.coursehero.com/file/116286959/FIL-M1-panghuling-gawaindocx/ Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)