Pamalandong Ang Senakulo o mas kilala sa tawag na “Pamalandong” sa Silangang Kabisayaan, ay pagsasadula ng buhay at pagdurusa ni Hesukristo na ipinagdiriwang sa Palo, Leyte tuwing Biyernes Santo. Ito ay ipinagdaraos ng mga taga-Palo sa loob ng tatlumpu’t apat (34) na taon. Ito ay binibuo ng mga relihiyosong gawain at sinisimulan sa tanghali sa Simbahan ng Palo. Kabilang sa mga ritwal sa Biyernes Santo ang “Siete Palabras” o “Ang Pitong Huling Wika ni Hesukristo” kung saan ang ipinakong imahe ni Kristo ay tumutugon sa bawat salita, hanggang sa huling kamatayan at pag-alis sa krus. Ang pagsasadula ay tumatagal ng tatlong oras, nakasuot ng makukulay na kasuotan, ang mga senturyon, ang gumaganap bilang Kristo at ang mga penitentes na tinawag na “Tais-Dupol”. Ito ay nagsisimula sa paghuli kay Hesus, ang pagbubuhat ng krus sa Kalbaryo (sa burol ng Pamalandong sa Palo) kung saan siya ipinako, hanggang sa pag-alis sa krus at paghatid sa libingan (sa loob ng simbahan). Ang diyalogo at pagsasalaysay sa pagsasadula ng Pamalandong ay binibigkas sa katutubong wikang Waray. Ang kakaibang lokal na kaugalian dito ay ang pagtitipon ng mga dahon mula sa lugar kung saan nakatayo ang tatlong krus, sa paniniwalang ito ay nagbibigay ng suwerte, nakagagaling ng sakit at iba pa. http://archives.pia.gov.ph/?m=12&fi=p080323.htm&no=1 https://www.geocities.ws/leyteeagle/leyte.html https://www.loveradio.com.ph/provincial_trending/different-kind-lent/