ANG DAIGDIG SA PANAHON NG TRANSISYON: MGA PANGYAYARING NAGBIGAYDAAN SA PAG-USBONG NG EUROPE SA PANAHONG MEDIEVAL TRANSISYON-kinapapalooban ng iba’t ibang pagbabago ng kabihasnan MEDIEVAL-relating to the Middle Ages In European history, the Middle Ages or Medieval Period lasted from the 5th to the 15th century. It began with the collapse of the Western Roman Empire and merged into the Renaissance, and the Age of Discovery. Isinulat ni Jeanette Winterson ang mga katagang: “In the space between chaos and shape there was another chance.” Nangangahulugan ito na ang bawat kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon. MGA PANGYAYARING NAGBIGAYDAAN SA PAG-USBONG NG EUROPE SA PANAHONG MEDIEVAL → Ang paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang Institusyon sa Gitnang Panahon → Ang Holy Roman Empire → Ang Paglunsad ng mga Krusada → Ang Buhay sa Europe noong Gitnang Panahon (Piyudalismo, Manorialismo, Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod) MGA SALIK NA NAKATULONG SA PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG KAPAPAHAN Apat na Pangunahing Salik na Nagbigay-Daan sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa sa Roma 1. PAGBAGSAK NG IMPERYONG ROMAN → 476 CE- bumagsak ang Imperyong Roman → Silvian- isang pari, tinukoy na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan → Simbahang Kristiyano-tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro 2. MATATAG AT MABISANG ORGANISAYON NG SIMBAHAN → Presbyter- karaniwang tao na namuno sa Simbahan → Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinumunuan ng Obispo → Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba-ibang parokya sa lungsod → Tinawag na mga arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malalking lungsod na naging unang sentro ng Kristiyanismo → Papa- kinikilalang kataas-taasang pinuno ng Simbahang katoliko sa Kanlurang Europe → Konseho ng Lateran 1719pinagpasiyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa → Ang Kapapahan ay tumutukoy sa tungkulin, panunungkulan, at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampolitika bilang pinuno ng estado ng Vatican → Ang salitang Pope ay nangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa.” 3. URI NG PAMUMUNO SA SIMBAHAN a. CONSTANTINE THE GREAT → pinagbuklod-buklod ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang konseho ng Nicea na kaniyang tinawag → pinalakas ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho sa Constantinople. Kinilala ang Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Roman b. Papa Leo the Great (440-461) → binigyang diin ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo c. Papa Gregory I → iniukol ang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang Europe → Natamo ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang iba-ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe d. Papa Gregory VII → naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. → investiture-isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan 4. PAMUMUNO NG MGA MONGHE → binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina HOLY ROMAN EMPIRE 481-pinag-isa ni Clovis ang iba-ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman 496-naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan 511-namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kaniyang mga anak 687-pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks 717-humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel 751-ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip sa Mayor ng Palasyo Charles Martel-isa sa mga Mayor ng Palasyo na nagsikap na pag-isahin ang France Pepin the Short-unang hinirang na Hari ng France Charlemagne o Charles the Great-anak ni Pepin, isa sa pinakamahusay na hari ng Medieval Period Alcuin-pinakamahusay na iskolar ng panahon. Nagpaturo sa kaniya si Charlemagne ng ibaibang wika Pope Leo III-ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire.” Louis the Religious-humalili kay Charlemagne Mga anak ni Louis nahati ang imperyo na Kasunduan ng Verdun Charles the Bald-France Louis the German-Germany Lothair-Italy ANG KRUSADA → isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095 → ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem UNANG KRUSADA → binuo ng mga 3,000 kabalyero (knights) at 12,000 mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa nobility IKALAWANG KRUSADA → sa paghihikayat ni St. Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Louis VII ng France at Emperor Conrad III ng Germany KRUSADA NG MGA BATA → noong 1212 isang labindalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay na naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno sa Krusada IKAAPAT NA KRUSADA → inilunsad noong 1202, naging isang iskandalo. Ang mga Krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara, Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang excommunicado. IBA PANG KRUSADA → nagkaroon ng iba pang krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. RESULTA NG KRUSADA → kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. → ang salitang Crusade ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross.” Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan ANG PIYUDALISMO Mula sa ika-siyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari. Lord- o panginoong may lupa,tawag sa hari Liege o suzerain-iba pang katawagan Vassal-isa ring lord dahil siya ay may-ari ng lupa Fief-lupang ipinagkaloob sa vassal Homage-isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magging tapat na tauhan nito Oath of fealthy-tawag sa sumpaang ito Ang Pagtatag ng Piyudalismo Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum Lipunan sa Panahong Piyudalismo Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa Panahong Piyudalismo-ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo, at mga lipin (serf) Mga Pari. Hindi itnuturing ang mga pari na natatangng sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin. Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagusang loob na maglingkod sa hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid na kanilang panginoon nang walang bayad. Pagsasaka: Batayan ng Sistemang Manor Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang serf ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring mahalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sa kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagasaka sa manor na kaniyang magiging kayamanan. Paglago ng mga Bayan Ang paglakas ng kalakalan ay nagi ng malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Paggamit ng Salapi Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng serf ang mga produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal sa pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan. Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang tio nagkatagpo-tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang tio kumikita ang panginoong piyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa rito. Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer), na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba-ibang barya. Sa pagpapalit ng salaping ito nasabing nagsimula ang pagbabangko. Ang Paglitaw ng Burgis Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isang makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng pangkat na ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad. Ang mga bourgeoisie ay ang nagiging gitang uri at mababa ang pagitan sa kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang. Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag na burgh. Ang mga taong nagtayo ng kanilang tirahan dito ay karaniwang tinatawag na burgher. Sa France, ang mga burgher ay kolektibong tinatawag na bourgeoisie. Ang mga burgher ay kakaiba sa tradisyonal na paghahati ng lipunan batay sa kanilang ginagawa. Hindi sila lord na may-ari ng lupa at nakikidigma. Iba rin sila sa pari na nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim., Ang mga mangangalakal at artisan na ito ay bumuo pangkat sa lipunan, ang gitnang uri o middle class. Ang Guild System marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ang guild ay samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay. Ang Merchant Guild Ang mga unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal. Nagpatayo sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalye ng kanilang negosyo. Kontrolado ng guild ng mga mangangalakal ang lahat ng kalalakan sa bayan. Ang Craft Guild Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang mga karpintero, barbero, panadero, at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild.