Uploaded by pudaygazelle

BONGGY..

advertisement
Magandang araw sa inyong lahat. Ikinagagalak kong ibahagi sa inyo ang aking pananaw upang
maikumbinsi kayo na ako ay inyong iboto sa darating na halalan. Nais ko munang ipakilala ang aking
sarili, ako ay si Gierson Puday, at mayroon lamang isang mithiin at yun ay ang pagbabago ng ating
barangay.
Una sa lahat lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng tiwala at suporta na ipigkaloob ninyo sa
akin. Kayoy makakaasa na hinding-hindi ko po sasayangin at babalewalain ang mga tiwala at suporta
ninyo sa akin. Simula sa araw na ito at hangang sa pagtatapos ng aking pamumuno makakaasa po kayo
na madarama ninyo ang kaayusan ng ating barangay.
Bilang isang kandidato sa pakakagawad ng ating barangay, kahit ito po ang kaun-unahang beses
na papasok ako sa politika, sinisiguro ko sa inyo na hindi kayo magsisisi. Makikipagtulungan ako sa ating
kapitan gayundin sa aking mga kapwa kagawad upang mapatupad ang mga ihahain naming mga
programa.
Sisikapin ko pong gawin ang lahat ng aking makakaya upang matulungan ko pa po ating mga
kabarangay. Ngayon pa lamang, ako po ay nagpapasalamat sa pagpapakita ng suporta sa aking mga
kandidatura sa pamamagitan ng inyong pakikinig.
Download