7 Filipino Ikalawang Markahan–Modyul 2: Antas ng Wika Filipino – Ikapitong Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 2: Antas ng Wika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Mary Grace C. Asis April Jane T. Bacong Editor: Lorna L. Ragos, Cristy S. Agudera Tagasuri: Iret R. Flores/ Mervin Salmon,PSDS Tagalapat: Jecson L. Oafallas Tagapamahala: SDS Dr. Josephine L. Fadul ASDS Dr. Melanie P. Estacio CID Christine C. Bagacay, EdD EPS Filipino Cristy S. Agudera, EdD EPS LRMS Lorna C. Ragos, EdD Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: Telefax: E-mail Address: Energy Park. Apokon Road, Tagum City Davao del Norte, Region XI tagum.city@deped.gov.ph 7 Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 2: Antas ng Wika Aralin ANTAS NG WIKA 1 Alamin Natin Magandang Buhay! Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang naunang mga modyul. Nawa’y marami kayong natutunan sa nakaraang modyul. Sa panibagong modyul na ito, mabubuksan ang iyong isipan at imahinasyon tungkol sa “Antas ng Wika.” Ito ay mahalagang pag-aralan sapagkat sa ating pakikipagtalastasan at pagsulat ng mga pangungusap, kinakailangan na gumamit ng mga salita na angkop sa kausap at sa lugar na iyong kinabibilangan. May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito. Halina’t mag-aral, matuto at mamangha sa paglalakbay sa asignaturang ito. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: • Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal) F7WGIIa-b-7 ➢ Nakapagbibigay ng mga salita ayon sa antas ng wika batay sa pormalidad. ➢ Naiuugnay ang antas ng wika sa pang-araw-araw na buhay. ➢ Nakagagawa ng isang awiting-bayan. Subukin Natin Halika simulan mo ang modyul na ito. Sagutin mo ang mga tanong na nasa ibaba. Isulat ang LETRA ng tamang sagot sa sagutang papel. Umpisahan mo na! 1. Anong antas ng wika ang salitang “kalye”? a. balbal c. lalawiganin b. kolokyal d. pormal 2. Ang salitang “lingkuranan” ay isang salita ng mga kabisayaan na kung saan ang ibig sabihin ay inuupuan ng tao. Anong antas ng wika ang salitang “lingkuranan?” a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal 1 3. Anong antas ng wika ang salitang istandard na karaniwang ginagamit sa mga aklat, pampaaralan, pambansa at pampanitikan? a. balbal c. lalawiganin b. kolokyal d. pormal 4. “Asa ang bolpen kay mag-answer nako.” Anong antas ng wika ito? a. balbal c. lalawiganin b. kolokyal d. pormal 5. Saan sa mga pagpipilian ang isang halimbawa ng kolokyal? a. kaon c. saging b. pista d. gapas Aralin Natin Mahusay! Nalampasan mo ang unang gawain, ngayon naman ay dadako tayo sa inyong aaralin. Alam mo ba ang awiting-bayang “Si Pilemon, Si Pilemon?” Ito ay isinulat ni Yoyoy Villame noong 1970 sa isang masiglang indayog. Ang kantang ito ay tumutukoy sa isang mangingisda na si Filemon na pumunta sa karagatan at nanghuli ng isda para ibenta ngunit ang kanyang kinita ay tama lamang para sa pambili ng inuming alak na tuba. Ngayon, sabayan mo ako sa pagkanta nito. Kung alam mo ang kanta, awitin mo pero kapag hindi mo alam, pakinggan mo ito sa youtube. https://www.youtube.com/watch?v=irydqcYOY5c CEBUANO TAGALOG Si Pilemon, Si Pilemon Si Filemon, Si Filemon Si Pilemon, si Pilemon namasol sa kadagatan. Nakakuha, nakakuha og isdang tambasakan. Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba— Ang halin pulos kura, ang halin pulos kura, Igo lang ipanuba. Si Filemon, si Filemon, nangisda sa karagatan, Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan, Pinagbili, pinagbili sa isang maliit na palengke Kumita ng kaunting pera, kumita ng kaunting pera, Para lang sa kaniyang alak na tuba. Mula sa philnews.ph ni Maestro Valle Rey 2 Gawain 1 Ang mga salitang ginamit sa awiting-bayang “Si Filemon, Si Filemon” ay maaaring maiuri sa iba’t ibang antas ng wika. Ngayon ay sagutan niyo ang sumusunod. Isulat ang letra ng tamang sagot. 1. Anong isda ang nahuli ni Pilemon? a. Bangus c. Tambasakan b. Tamban d. Tilapia 2. Ano ang ibig sabihin ng tuba sa awiting-bayan? a. bahay c. inumin b. damit d. pagkain 3. Anong mensahe ang hatid ng awiting-bayan? a. Mahilig uminom ng alak ang mga mangingisda. b. Mayaman si Filemon kaya lahat ay mabibili niya. c. Hitik at sagana ang lugar sa mga likas na yaman. d. Hindi madali ang payak na kabuhayan ng mga mangingisda sa Pilipinas 4. Saang lugar kaya malapit si Filemon? a. dagat c. parke b. mall d. pasyalan 5. Kung ikaw si Filemon, bibili ka rin ba ng “tuba” kahit maliit lang ang nakuha mong pera sa pangingisda? a. Oo, sapagkat masarap ang tuba. b. Oo, dahil nakawawala ito ng pagod. c. Hindi sapagkat nasisiyahan ako sa epekto ng tuba. d. Hindi, sa kadahilanang uunahin ko pa ang pangunahing pangangailangan kaysa tuba. Gawain 2 Mahalagang mabatid ang iba’t ibang antas ng wika batay sa pormalidad upang angkop ang mga salita batay sa lugar at kausap. Sa bahaging ito subukan mong tukuyin ang antas ng wika ng bawat salitang ibinigay sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel at gawing gabay ang halimbawa. Halimbawa: namasol - lalawiganin 1. 2. 3. 4. 5. karagatan- _____________________ kumita - _____________________ halin - _____________________ pera - _____________________ tuba - _____________________ 3 Alam mo ba? Ang Awiting-Bayan ay anyong patula na inaawit upang ipahayag ang iba’t ibang kaisipan at damdamin sa gitna ng kapaguran, kabiguan, kalungkutan, kasiyahan, tagumpay at pag-asa. Masasalamin sa awitin ang iba’t ibang tradisyon, kaugalian sa relihiyon, kultura at marami pang iba. Gawin Natin Handa ka na bang matuto nang lubusan sa ating talakayan? Kung gayon, halina’t dagdagan pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa iba’t ibang antas ng wika. ANTAS NG WIKA PORMAL KOLOKYAL LALAWIGANIN IBA’T IBANG ANTAS NG WIKA KAHULUGAN HALIMBAWA Ito ay tumutukoy sa Kapatid mga salitang istandard na Tinutulungan ako ng karaniwang ginagamit sa aking kapatid sa mga aklat, pampaaralan, pagsagot ng modyul. pambansa at Bulaklak pampanitikan. Ginagamit Sobrang ganda ng mga ito sa usapang pormal. bulaklak na itinanim Mai. Damit Ang bango ng mga damit na sinusuot ni Ellen. Ito ay mga salitang Meron (mayroon) pang-araw-araw na Meron ka bang pagkain? ginagamit sa pakikipagtalastasan na Kelan (kailangan) minsan ay may Kelan kaya matatapos kagaspangan ngunit ang pandemyang maaaring pino at malinis COVID19? ayon sa kung sino ang nagsasabi. Rayko (aray ko) Pagpapaikli ng isa, Rayko! Nadulas ako. dalawa o higit png salita. Ito ay mga salitain o Alpog (Bikolano sa alikabok) mga dayalekto na Ang daming alpog ng ginagamit sa partikular na sahig. lugar na kadalasang may Molakaw (Cebuano sa lalakad) ibang tono. Molakaw ko unya. Amay (Bisaya sa ama) Masipag at mabait ang aking amay. 4 BALBAL Ito ay karaniwang kilala Erpat (ama) bilang salitang kanto o Pre! Galit si erpat kasi salitang kalye at mga hindi ko tinapos ang salitang hiram sa ibang module. wika o slang sa ingles. Tsibugan (kainan) Ang sarap ng tsibugan kina Michelle, tol! Busog na busog kami. Atab ( baliktad ng salitang bata) Matalinong atab ‘to ha. Sanayin Natin Ang galing mo! Ngayon ay sasanayin pa natin lalo ang iyong kahusayan sa antas ng wika. Ilagay sa patlang bago ang bilang kung ano ang antas ng wika ang nakahilig na salita at ibigay ang hinihiling sa katapusan ng pangungusap. Gawing gabay ang halimbawa. Isulat sa papel ang iyong sagot. Halimbawa: Balbal___ Si mumshie ang humubog sa akin na maging isang masipag na bata. (pormal – INA) _____________1. Petmalu ang aking kaibigan! Nakasagot siya sa tanong ng guro namin. (pormal- ______________) ______________2. Pare! Ang galing mo sa pagsagot ng modyul. ( kolokyal - ____________________) ______________3. Kailan kaya kami magkikita ng aking mga kaklase? (kolokyal - ___________________) ______________4. Ang aking ama ang tumutulong sa akin sa pagsagot ko ng modyul. ( balbal- ________________) ______________5. Ang ilaw sa labas ng bahay ay ‘di gaanong maliwanag. ( lalawiganin - _____________________ 5 Tandaan Natin Nakuha mo ba ang ating talakayan? Kumusta ang iyong naging karanasan habang ginagawa ang mga pagsasanay, naging madali ba ito? Kung gayon, iproseso natin ang iyong natutuhan. Isulat sa talahanayan kung anong antas ng wika ang salita at gamitin ito sa pangungusap. Gawing gabay sa pagsagot ang nauna. SALITA sudlay 1. 2. 3. 4. 5. ANTAS NG WIKA lalawiganin PANGUNGUSAP Mugamit ko ug sudlay aron musinaw ang akoang buhok. (Cebuano) malaki magbaktas meron erpat matangkad Suriin Natin Gumawa ng isang sariling bersyon ng awiting-bayan. Sipiin at suriin sa iyong gawa ang mga antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat mo ng awiting-bayan. Siguraduhing angkop sa kausap at lugar at kinabibilangan mo ang iyong gagawin. Gamitin ang rubrik ng pagmamarka bilang gabay sa paggawa. Huwag kalimutang isulat sa kahon ang mga nasipi at nasuring salita batay sa anta ng wika nito. ANG AKING KUWENTONG-BAYAN 6 RUBRIK SA PAGMAMARKA Pamantayan Puntos Sining at Kaayusan 5 Angkop na salitang gamit 5 Nilalaman 10 KABUUAN 20 Marka MGA SALITA AT ANTAS NG WIKA NITO PormalLalawiganinKolokyalBalbal- Payabungin Natin Isulat sa hanay ng kahon kung saan napabibilang ang mga salita ayon sa antas nito. tsikot hayan kelan kan-on lapis syota PORMAL pulis hinigugma meron ANTAS NG WIKA LALAWIGANIN KOLOKYAL asan kumusta sulatanan BALBAL Pagnilayan Natin Nagagalak ako na nasa huling bahagi ka na ng aralin tungkol sa “Antas ng Wika.” Bilang isang kabataan, paano mo magagamit sa buhay ang antas ng wika ayon sa pormalidad (pormal, lalawiganin, kolokyal, balbal) sa pakikipag-usap mo sa iyong mga magulang, kaklase at kakilala? Sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay ibahagi ang iyong sagot. Kinakailangan na may dalawang talata at sa bawat talata ay may tatlo hanggang limang pangungusap ka. Galingan mo! 7 PAMAGAT ____________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________. ____________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________. RUBRIK SA PAGMAMARKA Pamantayan Puntos Nilalaman 30 Balarila 10 Angkop na gamit ng salita 10 Kabuuan 50 8 Marka PORMAL lapis pulis kumusta 9 ANTAS NG WIKA LALAWIGANIN KOLOKYAL kan-on hayan hinigugma kelan sulatanan meron asan BALBAL tsikot syota Payabungin Natin Sanayin Natin 1.balbal malupit 2. pormal pre 3. pormal kelan 4. pormal erpat/ pupshie 5. pormal suga Aralin Natin Gawain 1 1.c 2.c 3.d 4.a 5.d Gawain 2 1.Pormal 2.pormal 3.lalawiganin 4.pormal 5.lalawiganin Tandaan Natin 1.pormal 2.lalawiganin 3.kolokyal 4.balbal 5.pormal Subukin Natin 1.a 2.c 3.d 4.c 5.b Susi sa Pagwawasto Sanggunian Dolores Castro, Iba't Ibang Antas ng Wika para sa Filipino 7, Balibago Primero IS, Tarlac City,Learning Resource Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/16682. Rey, Valle. Si Pilemon Lyrics- Lyrics and about the Cebuano Folk Song, April 2, 2020. https://philnews.ph/2020/04/02/si-pilemon-lyricslyrics-and-about-the-cebuano-folk-song/ Larawan: Mula sa Microsoft Word Icons 10 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region XI F. Torres St., Davao City Telefax: Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph 11