ISANG PASULAT NA ULAT SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN FILSOS 1115 PANUNURING PAMPELIKULA PELIKULANG PANLIPUNAN PAGSUSURI SA PELIKULANG MA’ ROSA ni: Brillante Mendoza Ni JOAN S. ESTRELLA DVM 2-2 JACKSON A. PARCHAMENTO GURO MAIKLING PAGSUSULIT/GAWAING PANGKLASE Unang Semestre 2022-2023 1. PANIMULA Ang pelikulang ito ay pinamagatang “Ma’ Rosa” mula sa panulat ni Troy Espiritu at sa direksyon ni Direk Brillante Mendoza. Taong 2016 nang ito ay unang naipalabas sa mga sinehan sa iba’t ibang sulok ng bansa, maging sa labas ng bansa. Ang tema ng palabas ay umangkop sa panahon ring iyon sapagkat ang Pangulo ng Pilipinas ay ang kagalang-galang na Pangulo Rodrigo Roa Duterte. Isa sa mga pangunahing mandato niya sa mga kapulisan ay mabawasan hanggang sa tuluyang puksain ang paggamit ng mga illegal na droga, pati na rin ang mga drug lords. Ang kwento ng pelikulang ay umiikot sa pamilya ni aling Rosa. Isang ina na may apat na anak at kabiyak ni Nestor Reyes. Silang lahat ay nakatira sa isang komunidad ng Manila. Dahil sa kahirapan ng buhay at kakulangan ay napilitan silang kumapit sa patalin at magbenta ng illegal na droga. Naging kublihan nila ang maliit na tindahan upang tahasan na magbenta ng bato sa kanilang lugar ng hindi pinaghihinalaan. Sa pelikulang ito rin ay naipakita ang dalawang panig ng pamumuhay, isang pamilyang nangangarap ng isang magandang buhay, kasakdalang gumawa ng mali para matutustusan ang kanilang pamumuhay. Sa kabilang banda naman ay ang pangit na realidad sa mga kapulisan, na hindi lahat ay matuwid at sinusunod ang kanilang pinanumpaang tungkulin na maglingkod ng tapat sa ating bayan. 2. PAGBUBUOD Isang magdadapit hapon iyon ng magsimula ang ating kwento sa isang tagpo sa loob ng pamilihan, nakapila ang mag-inang si aling Rosa at Erwin upang magbayad ng kanilang mga paninda. Matapos nito ay dali-dali silang naghanap ng masasakyang upang makauwi sa bahay sapagkat nababanaag sa langit ang nagbabadyang ulan. Makatapos na sila ay makauwi sa kanilang tahanan ay doon na natin makikita ang kanilang pamumuhay. Bagama’t meron silang tindahan na pinagmumulan ng kita sa pang-araw-araw ay hindi ito sumasapat. Maliit lamang ito kumpara sa kanilang pangangailangan kung kaya’t pati bato ay kanilang itinitinda. Naging kublihan nila ang maliit na tindahan upang tahasan na magbenta ng illegal na droga sa kanilang lugar. Pauwi na si aling Rosa mula sa bilihan para maghain nang dumating si Bong, kaedaran ng anak nya, upang manghingi ng bato (tawag sa illegal na droga). Noong una ay ayaw niya itong bigyan, ngunit kinalaunan ay napapayag naman sya nito. Isa na ring dahilan ay itinuturing nya bilang anak ito. Matapos makuha ay dali-daling lumabas si Bong. Tyempong nakasabay palabas ang tindero ng ballot. Naging hudyat naman ito para simulan ang raid sa bahay ni aling Rosa. Walang kamalay-malay ang pamilya sa paparating na pangyayaring magpapabago sa kanilang buhay. Sa pagpasok ng mga pulis ay agaran silang naghalungkat sa bahay upang makahanap ng ebidensya. Sila’y dinala sa opisina ng mga pulis imbes na dalhin sila sa selda at ikulong. Kanila itong pinakanta kapalit ng kanilang kalayaan. At dahil nga sa wala na silang pagpipilian ay nakikoopera na lang sila. Nadakip nila si Jerome sa entrapment operation. Sa likod rin ito dinala, pareho ng nangyari sa mag-asawang Nestor at Rosa. Binilang ng mga pulis ang perang nasamsam mula sa raid, at naglagay ng ika sampung bahagi sa head ng police station. Hiningan naman si Jerome ng karagdagang PHP 100,000.00 kapalit ng kanyang kalayaan. Palihim nyang kinontak ang kanyang boss (may mataas na posisyon rin sa kapulisan). Kaya sa sandaling nabisto sya ng pulis ay binigwasan at sinuntok ito hanggang sa mawalan ng malay. Tinawagan ng mga pulis ang asawa upang hingan ng bail money kapalit ni Jerome. Nagkasundo ang mga pulis at ang asawa sa halagang PHP 50, 000.00 kapalit ang kanyang kabiyak. Pagkalipas ng ilang mga sandali ay dumating naman ang tatlong anak nila Nestor sa prisinto. Nagtanong sa mga pulis hanggang sa dinala ito sa kinaroroon ng ama’t ina. Doon sinabi ng mga pulis na kailangan nilang bayaran ang kapupunan na Php 50, 000 upang makalaya ang mga ito. Kinailangan nilang makahanap ng kaukulang salapi na pantubos. Nandoong lumapit si Raquel sa kanilang mga kamag-anak upang makautang at manghingi ng tulong, magbenta ng mga gamit si Jackson at magbenta naman ng laman si Erwin para mapunan ang kanilang pangangailangan. Nakalikom ang mga magkakapatid sa buong magdamag na pagsuyod nila. Agadagad silang nagpunta sa presinto upang maiabot ang pera ngunit ito ay hindi sapat. Kulang ang dala nila, hanggang sa nakiusap at pinayagan nila si aling Rosa na gumawa ng paraan upang makadelihensya ng kapupunan. Lumabas si Rosa at pinuntahan ang kaibigang bumbay, nakipagtawaran ito upang masangla ang cellphone ng kanyang anak. Tuluyan nya itong napapayag sa halagang PHP 4, 000.00. Matapos makipagtawaran ay dumilehensya rin ito ng kaunting barya pang pamasahe. Habang siya ay naglalakad pabalik ng presinto ay mababanaag sa kanyang mukha ang pagod, na may halong takot, pangamba, at lungkot sa mga mata. Huminto at magpahinga saglit. Bumili ito ng ilang tuhog ng squid ball upang maibsan ang gutom. Gulong-gulo ang isipan sa hirap na nadarama sa nag-daang magdamag. Sa pagtatapos ng kwento ay nakatingin sya sa malayo. 3. PAGTALAKAY HINGGIL SA ADBOKASI NA NAIS ISULONG NG PELIKULA Isa sa mga adbokasing nais ipabatid ng pelikulang ito mula sa direksyon ni Brillante Mendoza ay mapukaw ang atensyon ng mga mamamayan ng Pilipinas, makita kung ano talaga ang realidad o tunay na nangyayari sa ating lipunan. Mula sa kahirapan hanggang sa kung paanong ang bawat desisyon na ating ginagawa ay may kaugnay na kahihinatnan, mabuti man ito o masama. Pangalawa, kung paanong sa kasalukuyan ay nagiging isang normalidad na sa lipunang kinagagalawan ang talamak na paggamit at pagbebenta ng illegal na droga. Pangatlo, para sa mga naging drug depended na mamamayan ay mawaksi at malinawan ang kanilang mga isipan upang makapagbalik loob na tuluyang iwaksi ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot (anong mang klase ng illegal drugs). Para naman sa mga kabataan nagbabalak gumamit ng mga ito, ay mapaglinawan sana ang kanilang mga kaisipan na huwag nang subukan pa. Bukod pa roon ay maipaalam sa mga manunuod ang korapsyon/tiwali at illegal na gawain na nangyayari sa hanay ng mga kapulisan. Na kahit sa mga kapulisan ay may mga baluktot ring gawain kung saan nagiging lunsaran ito ng korupsyon at maling pamamalakad. 4. MGA SULIRANING PANLIPUNAN NA NAKITA SA PELIKULA May iba’t ibang problema o suliranin ang naipakita sa kabuuan ng pelikula. Una na rito ang kahirapan ng buhay. Ito na marahil ang nagtutulak sa maraming tao na gumawa ng masama o mali sa kanilang buhay. Naroong nagbenta ang mag-asawang Rosa at Nestor ng illegal na droga para makapantawid sa araw-araw na pangangailangan. At wala na rin silang pakialam sa kahihinatnan ng desisyong ito. Ikalawa, marahil ang korapsyon na nagaganap sa loob ng Philippine National Police (PNP) at sa iba pang sangay ng gobyerno. Isinasalarawan dito ang mga illegal na gawain ng ilan at piling mga nakabarong pulis sa ating gobyerno. Ilan sa mga kinatawan ng batas ang gumagawa ng mga under the table job kung saan humuhuli sila ng mga taong may pagkakasala sa batas ng ating republika. Pero imbes na ipakulong ang mga taong nagkasala ay ginagawa nila itong kubrahan ng pera kapalit ang kanilang mga kalayaan. Pangatlo, paggamit ng mga kapulisan nang kanilang kapangyarihan bilang alagad ng batas upang ikubli ang mga nagkasala sa batas. 5. KONGKLUSYON Ang pagwawakas ng pelikula ay open ending. Walang konkretong pagtatapos. Pero para sa akin, nagsimula ang pagwawakas na tagpo noong nakumpleto na ni aling Rosa ang kakailanganing pera na pamalit sa kanilang kalayaan. Nagkaroon ng kaluwagan sa kaniyang dalahin na nakumpleto na at makakalaya na sila. Ito ay sumisimbolo ng pagtatapos ng isang yugto ng kanilang mga buhay at panibago naman pag-asa na makapag simula at makapag bagong buhay. Panibagong yugto ng kanilang buhay na maaaring para sa pagbabagong buhay o kaya naman ay pagbalik sa kanilang nakasanayan. Para naman sa katanungan na kung nakamit ba nito ang adbokasing kanilang ipinakita. Sa palagay ko ay oo, labis na naipakita/nailunsad ang realidad at katotohanan na tunay na nangyayari sa ating lipunan. Naipakita rin na hindi lahat ng mga naka unipormeng pulis ay matuwid, na mayroon at mayroon pa ring baluktot ang pag-iisip na gagawa ng mga bagay na pabor sa kanilang naisin. Marahil ang mga ito ay magbubukas sa pananaw ng mga tao upang gawin ang tama at nararapat para maiwaksi ang mali. Na mula sa palikulang ito ay makapulot sila ng magandang aral. Maglahad ng maikling solusyon hinggil sa posibleng kasagutan sa suliranin ng pelikula. Sa unang nabanggit na suliranin tungkol sa kahirapan ay maaaring makatulong ang gobyerno maging ang mga pampribadong ahensya. Una, magbigay ng mga pagsasanay sa mga posibleng trabaho na aangkop sa kakayanan ng bawat indibidwal na mamamayan. Ikalawa, magbigay ng mga negosyo at puhunan mula sa gobyerno na maaaring bayaran paunti-unti o may maliit na interes kapag ang negosyo ay matatag at kumikita na. Ikatlo, magbigay ng mga scholarships sa mga studyanteng mahihirap na nagsisikap upang makapagtapos at makaahon sa kahirapan. Ikaapat, maglungsad ang gobyerno at pampribagong sektor ng mga job fair upang mabawasan ang unemployment rate sa ating bansa. Samantalang sa problema ng korapsyon sa loob ng hanay ng pulis, kinakailangan ng mas mataas na salary grade upang hindi na maisipan na gumawa ng masasama at mapanatili ang integridad ng mga kapulisan. Ikalawa, maglungsad ng mga programa na pwedeng magbigay ng pagkakakitaan sa mga asawa ng kapulisan upang magkaroon ng other source of income. Ikatlo, magkaroon ng malalimang pag-iimbestiga sa background check, pagsusuri sa mga kapulisan at kanilang track record upang madetermina kung ang mga ito ba ay matuwid o gumagawa ng under the table job.