Kolehiyo ng mga Sining at Agham Pangalan: Carl Symon V. Ofrin Programa/Antas/Seksyon: BSECE 2A I. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Kurso/Sabdyek:FILIPINO Gawain Blg.: ________ PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel. Ito ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na kung saan ang mga partisipant ay mga paham o eksperto sa kani kanilang larangan. SIMPOSYUM Isang uri ng interaktibong pagsasanay na kung saan ang mga partisipant ay sumasailalim sa mga gawaing huhubog sa kanilang kasanayan sa halip na tagapakinig lang. WORKSYAP Ito ay gawaing pangkomunikasyon na hindi madaling isakatuparan, dahil sa budget nakakasalalay ang buong implementasyon ng proyekto. CONFERENCE Ipinalalabas sa pamamagitan ng internet sa mga piling indibidwal o grupo. Kadalasang binubuo ng audio at visual. WEBINAR Ito ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na kailangan ng tao sa isang partikular na paksa o asignatura. Kasama rito ang pagba-bahagi ng mga kritikal na impormasyon, kasay-sayan, teorya at iba pa. LEKTYUR Ang paggamit ng angkop na VISUAL AIDS ay nakakatulong upang magkaroon ng kalinawan angisasagawang pagtalakay na esensyal para sa maayos na komprehensiyon o pang unawa ng mga Ayon kay BLIGH (1972)ay naniniwala na ang lektyur ay isang paraan ng pagtalakay sa ginagagawa sa pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng daludguro. Itinuturing na siya ang susi at magdadala ng matagumpay na pagtalakay sa gawaing pangkomunikasyon. FEEDBACK Maaaring iugnay ang pagtalakay sa mga bagay na makatotohanan para sa mga partisipant batay sa kani kanilang KARANASAN. Higit na epektibo ang AKTWAL na demonstrasyon sa laboratory work dahil ang mag-aaral ay nagpaapkita dito ng mataas na pagpapahalaga.] II. A. Enyumerasyon: Ano – ano ang limang sangkap upang maging matagumpay ang pantas aral o seminar? 1. LAYUNIN 2. PAKSA 3. TAGAPAGSALITA 4. MANONOOD O DADALO 5. PAGDARAUSAN II. B. PANUTO: Talakayin ang iyong sagot mula 4-5 makahulugan at makabuluhang pangungusap. 1. Bakit mahalaga na mapukaw ang atensiyon ng mga kalahok o dadalo sa isinasagawang gawaing pangkomunikasyon? - Mahalaga na mapukaw ng nagsasalita ang atensyon ng kanyang mga tagapakinig upang tunay na may matutunan ang iyong mga inilalahad. Masasayang ang oras at panahon mo sa pagsasalita kung wala namang nakikinig sa iyo kaya napakahalaga ng atensiyon nila. Sa pakikipagkomunikasyon, nakakawalang gana kakwentuhan, kausap, at kasama ng taong hindi naman nagbibigay ng atensiyon kapag nagsasalita ka. Kaya dapat tayo bilang tagapakinig marapat na magbigay tayo ng atensyon sa nagsasalita. 2. Ano ang kahalagahan ng kahandaan sa isinasagawang gawaing pangkomunikasyon? - Mahirap sumabak ng gera ng wala kang dalang armas at ganon din sa mga gawain pangkomunikasyon, mahirap magsagawa ng walang paghahanda. Sa paghahanda doon tayo mas lalong nahahasa upang pagdating ng oras ng presentasyon nagiging madali na sa atin ang mga gagawin. Tulad ng natapos naming webinar, ang lahat ng iyon ay bunga ng aming paghahanda. Samakatuwid, ang paghahanda ay nagreresulta ng mas mataas pa sa iyong inaakala o ekspektasyon.