Uploaded by Clinton Dayot

2021-07-15Fil-210-Sulatin-FINAL-REQUIREMENT-CURAYLOIDAR

advertisement
See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.net/publication/353369244
Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng
Pandemya
Research · July 2021
CITATIONS
READS
0
36,241
1 author:
Loida Curay
La Consolacion University Philippines
1 PUBLICATION 0 CITATIONS
SEE PROFILE
All content following this page was uploaded by Loida Curay on 21 July 2021.
The user has requested enhancement of the downloaded file.
Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa
Panahon ng Pandemya
Loida R. Curay
loida.curay@email.lcup.edu.ph
Hulyo 2021
Abstrak: Napakalaking hamon ng pandemyang COVID-19 sa larangan ng edukasyon hindi
lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Dito sa Pilipinas, upang hindi
matigil ang pagkatuto ng mga mag-aaral na nasa elementarya hanggang sa kolehiyo , kailangang
maiangkop ng mga guro maging ng mga mag-aaral at ng mga magulang ang kanilang sarili sa
“bagong normal” na edukasyon. Dahil sa pandemyang ito, nailunsad ang iba pang paraan ng
pagkatuto ng mga mag-aaral maliban sa face-to-face na pag-aaral. Nariyan ang modular na
paraan ng pagkatuto na nahahati sa dalawang uri: 1.) modular (print) at 2.) modular (digital) at
ang ikalawang paraan ay ang online na paraan ng pag-aaral na ginagamit ng mga guro at magaaral ang internet at mga gadgets bilang midyum sa pagkatuto. -ang paggamit ng
ICT
(Information and Commmunication Technology). Kailangang masanay ang mga bata at ng mga
magulang sa paggamit ng mga gadgets na pangunahing kailangan sa kanilang pag-aaral.
Ang pananaliksik na ito ay may kinalaman sa mga paraan at mga kagamitan ng mga guro sa
pagtuturo ng Filipino sa panahon ng pandemya. Ang mga inpormasyon na nailathala dito ay batay
sa mga ginawang pananaliksik ng manunulat.Walang eksaktong bilang ng mga tagatugon sa
pananaliksik na ito.Ang layunin lamang ng papel na ito ay malaman ang mga halimbawa ng
pamamaraan at kagamitan ng mga guro at mag-aaral sa panahong tayo ay nasa krisis.Ang mga
pamamaraan at mga istratehiyang nabanggit ay dati na ring ginagamit noong una pang panahon
kaya ito ay maaari pa ring i-adopt at gamitin ayon sa angkop na lebel na baitang ng mga magaaral.
1
Mga Susing Salita:
1. pagtatayang pangklasrum- ito ay ang pangangalap, interpretasyon, at paggamit ng mga
impormasyon upang matulungan ang mga guro na makagawang mabuting desisyon para sa mga
kaukulang interbensyon upang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto.
2.Online- learning- ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan
ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang
magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral.
3.Modyul- ay nakalimbag o printed na materyal na katumbas ng isang aralin o leksyon sa isang
asignatura.
4.Kagamitan sa Pagtuturo- Ayon kay Alwright (1990), ang mga kagamitan ay komokontrol sa
pagtuturo at pagkatuto. Ang mga ito ay dapat na katulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral, itoay
magsisilbing pagmumulan ng mga ideya at mga gawain para sa pagtuturoat pagkatuto (resource
ofideas and activities for instruction and learning), at magsisilbingbatayan o gabay ng guro sa
mgagawain. Anumang karanasan sa bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid
ngmga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa atpagpapahalaga ng
mga mag-aaral upang maging kongkreto, dinamik at ganap angpagkatuto, (Abad, 1996).
5.Kompyuter Apps- ang isang app ay computer software, o isang program ana kadalasang isang
maliit, tiyak na ginagamit para sa mga mobile device.
1. Panimula
Noong nagsimula ang COVID -19, maraming pamamaraan ang isinagawa ng Kagawaran
ng Edukasyon upang paghandaan ang mga hamon na dulot ng pandemya sa larangan ng
edukasyon. Sila ay naglunsad na malawakang seminar para sa kaguruan upang paghandaan
2
ang mga hamon na dulot ng pandemya.. Alam naman natin na ang ating kaguruan at mga magaaral ay hindi pa ganoon kahanda sa “bagong normal” ngunit ayon sa Kalihim ng Edukasyon,
kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral dahil mahalaga ito at walang
sinumang dapat pipigil sa pagpapatuloy ng plano.
Alam natin na marami ring mga naglipana na kompyuter apps ngayon na kung saan
magagamit ng mga guro sa pagtuturo ma pa-online or off line man. Ngunit sa kabila nitong
mga apps na ito, madami pa rin ang mga problema na nailatag ng mga guro ayon sa kanilang
karanasan. Isa sa mga ito ay ang kawalan ng gadget ng mga mag aaral na nakatala para sa
online na pag-aaral. Bukod dito, ay wala ding sapat na budget ang mga magulang para tustusan
ang load ng mga bata para sa pang mobile data. Kahit ang mga ibang mag-aaral ay may load
naman tuwing sila ay may klase, talagang may mga hamon pa rin na di maiiwasan tulad ng
mahinang koneksiyon ng internet. Ang kahinaan ng internet sa klase ay nagbibigay ng di
malinaw na pakikipagtalastasan sa loob ng online na klase na kung saan paputol- putol ang
mga salaysay ng guro at mga mag-aaral tuwing sila ay nagkaklase.Noong unang markahan
maraming mga mag-aaral ang nakapagtala para sa online ngunit sa kalagitnaan,sila ay
nagpalipat sa modular na pag-aaral dahil sa nahihirapan na ang kanilang magulang na tustusan
ang pangangailangan sa internet.
Alam natin na ang gobyerno maging ang kaguroan natin ay positibo lagi pagdating sa
edukasyon. Kaya ano man ang mangyari patuloy pa rin ang pagahahanap nila ng solusyon sa
mga pangangailangan sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay
magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).
3
Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin
nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng
mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng
pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay
isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa
mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang
sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).
Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon ang mga batayan para sa pagkatuto ng mga mag-aaral
ito ay ang: e-learning, tulad ng blended-learning na dapat ay mahusay na isinasagawa ng mga
kaguruan sa klase. Tulad ng radyo-,telebisyon, online or modular learning, ito’y isang pamamaraan
simula noon pa man na ang mga guro ay tinuturuan at sinasanay sa paggamit ng mas makabagong
mga plataporma at mga makabagong kagamitan upang matulungan ang kanilang propesyon na
umunlad. ” Ang “E-learning o online learning” ay tinukoy bilang paggamit ng internet upang maakses ang pag-aaral ng nilalaman at mga mapagkukunang impormasyon, pakikipag ugnayan sa
guro at kapwa mag-aaral, upang makakuha ng kaalaman. Samakatuwid ,upang magamit ng guro
ang mga bagong plataporma sa pagtuturo, kinakailangan niya ang internet, laptop,desktop,
mikropono, headset, cellphone at iba pa na pang online na klase. Kailangan din niya ang ibat-ibang
computer apps katulad ng google meet, zoom, google classroom, TED, animoto ,google drive,
remind, addition,yahoo, camera scanner, one note, sway, flipped classroom, remind spell wizard,
messenger, spin, at marami pang iba. Sa kabilang banda,ang modular learning naman ay mga
simpleng bagay lang din ang kailanganin ng mag-aaral tulad din ng sa guro. Sa Modular Distance
Learning (MDL), maaaring gumamit ng mga printed module o mga module na nasa digital format
gaya ng CD, DVD, laptop, computer, tablet, o smartphone ang mga guro at mag-aaral. Sa modyul,
4
may mga parte na dapat basahin ng mag-aaral at unawain nang maigi, at pagkatapos, ay sasagutan
ang iba pang pagsasanay upang lalong mahasa ang karunungan ng mga mag-aaral. Pagkatapos
masagutan ang mga gawain ay maaari din niyang tsekan ang sarili niyang gawa sa pamamagitan
ng pagtingin sa “susi sa pagwawasto” sa likod ng modyul. Ang pagsagot sa modyul ay malaya
ayon sa mag-aaral. Pagkatapos sagutan ng mga mag-aaral ang kanilang modyul sa bawat
asignatura, ay ibabalik din naman nila ito sa itinakdang araw na ipapabalik na ng kanilang
guro.Hindi pinahihintulutan ang mga mag-aaral na lumabas upang kunin ang kanilang modyul
bagkus ang kanilang mga magulang o nakakatandang kapatid lamang na nasa hustong gulang ang
pinapayagan na kumuha nito.Sa pagsagot ng kanilang modyul maaari ring tulungan o gabayan sila
ng kanilang tatay, nanay,ate o kuya upang masagutan ang mga gawain nang tama at maayos.
Marami tayong makabagong plataporma sa pagtututro ng Filipino sa panahon ng pandemya
ngunit marami din ang hamon dito- ito ay ang tanong kung ano ang mas epektibo sa mga guro at
mag-aaral para matuto sa bagong panahon. Sa ibang parte ng papel na ito, mababasa ang mga
pamamaraan at kagamitan na madalas ginagamit ng guro sa asignaturang Filipino.
2. Ang Pagtuturo ng Pakikinig
Ang pakikinig ang pinakagamiting kasanayan sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap
(Yagang,1993). Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa sa diin at bigkas,balarila at
talasalitaan, at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita (Howatt at Dakin1974,
binanggit kay Yagang). Ang mahusay na tagapakinig ay magawa nito nangg sabay-sabay at
tinatawag itong enabling skills.
5
Ang pakikinig ay isang kompleks na proseso kung saan ginagawa ng ating isipan na lapatan
ng pagpapakahulugan ang anumang salitang napakinggan. Ang proseso sa pakikinig ay may
tatlong bahagi: 1. Pagtanggap 2. Paglilimi o pagbibigay-tuon at 3. Pagpapakahulugan (Wolvin
and Coakley 1979). Malilinang ang kasanayan sa pakikinig sa pamamagitan ng: Una,Pagbasa
nang malakas (reading aloud). Ito ay mahalaga at mabisang teknik sa pagpapalawak ng
talasalitaan at ng gamiting wika. Sa ganitong teknik din nagagawang maimodelo ng guro ang
iba’t ibang istratehiya sa pagbabasa. Ikalawa, Magbasa sa klase ng mga aklat na piksyon at dipiksyon. Kailangang gumamit ang guro ng mga may kalidad na literaturang pambata at madula
itong babasahin sa klase. Magpabasa rin ng mga aklat na di piksyon na tumatalakay sa agham,
araling panlipuan at sa iba pang lawak ng pag-aaral. Ikatlong teknik ay ang panubaybay na
pagbasa-ang pagbabasa ng artikulo sa mga pahayagan at magasin ay mainam din upang
mapalawak ang kasanayan ng pakikinig ng mga mag-aaral. Maaaring pasulatin ng buod ng
tekstong pinakinggan ang mga bata o di kaya’y pasagutin sila ng mga tanong ukol dito.
Maaari ring magparinig sa klase ng iba’t ibang tekstong pasalita gaya ng: patalastas,
usapan/dayalog, talakayan dula,talumpati, mga awit, islogan,at iba pa.
3. Ang Pagtuturo ng Pagsasalita
Ang mga gawain na maaaring mapagsalita ng guro ang mga mag-aaral ay ang mga
sumusunod: Una, usapan o dayalog- ang mga gap ay pupunan ng mga mag-aaral sa dayalog o
kaya naman ay ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga impormasyong personal sa kanilang
guro o mga kaklase. Ikalawa, ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang katumbas ng kuwentong
narinig o nabas. Maaari ring magkuwento ang mga mag-aaral sa tulong ng mga larawan o di
kaya’y magpagawa ang guro ng isang dugtungang pagkukuwento sa klase.
6
Maaari rin naman ang pagbibigay ng buod ng isang kuwentong nabasa o napakinggan,
pagkukuwento sa tulong ng mga tala,pagsunod sa panuto, paggamit ng paglalarawan sa
paglalarawan ng isang tao,bagay o lunan.,paghahambing ng mga larawan, pagbibigay ng isang
detalyadong ulat sa isang pangyayaring nasaksihan (sunog,aksidente atbp) pagsagot sa
talakayan (maaring gawing itong palaro Q and A mini pageant, draw lots) at pagpapabasa ng
iskrip ng isang dula-dulaan
4. Ang Pagtuturo ng Pagbasa
Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game na ang nagbabasa ay nagbubuong
muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa (Goodman 1967). Para lubusan
ang pag-unawa ng isang teksto kailangang ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya
sa kanyang kakayahang bumuo ng mga kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga
impormasyong masasalamin sa teksto (Coady 1979)
Narito ang mga istratehiya sa paglinang ng komprehensyon: 1. Ugnayang tanong-sagot(UTS/QAR)- ay binuo ni Raphael (1982,1986) upang mapataas ang antas ng kakayahan ng
mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang
sistematikong pagsusuri sa mga tanong. Sa estratehiyang ito, kailangang matukoy ng mga bata
ang mga tanong na maaaring “nasa teksto mismo”isipin at hanapin “” ikaw at ang awtor “at
“sa aking sarili.” 2. Pagsusuri sa kayarian ng kuwento (story grammar)- ang kaalamang ito ang
nakapagpapaliwanag na ang kuwento ay binubuo ng sunod-sunod at magkakaugnay na
pangyayari. 3. KWWL (What I Know, What I Want to Learn, Where Can I Learn This, What
I learned)- Ang KWWL (Jan Bryan,1998) o AGSN ay isang elaborasyon ng KWL nina Carr
at Ogle (1987). Ang A ay kumakatawan sa kung ano na ang alam ng mga bata sa paksa; G ang
gustong malaman; S saan malalaman; at N ano ang Nalaman.
7
5. Ang Pagtuturo ng Pagsulat
Upang malinang ang kasanayan sa pagsulat, kailangan nating harapin ang mga hamon nito.
Ito ang pangunahing ideya sa artikulong Tackling the Fear of Writing ni Cabigao (2020) na
tumatalakay sa kahalagahan ng pagsulat at kung paano huhusay sa larangang ito. Aniya, hindi pa
kailanman huli ang lahat para maging mahusay sa pagsulat. Kailangan lamang aniya na simulan
ang pagsasanay at huwag kailanman matakot magkamali sapagkat mula rito magsisimula ang
pagkatuto.
May isang kasabihan sa Ingles na “You cannot give what you don’t have.” [Hindi ka
makapagbibigay ng mga bagay na wala ka.] Gayundin naman, sa pagtuturo ng pagsulat, mahalaga
na maalam ang guro sa umiiral na alituntunin sa pagsulat o ang tinatawag na ortograpiya. Sa isang
pag-aaral hinggil sa 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino (Cabigao, 2012), iminumungkahi sa
mga guro na magkaroon ng bukas na isipan sa patuloy na pagbabago ng wika lalo’t higit ang
Filipino bilang ating wikang Pambansa. Makatutulong aniya ito upang makasabay sa hinihinging
pangangailangan ng panahon. Ang kaisipang nabanggit ay masasabing katanggap-tanggap pa rin
maging sa kasalukuyan na ipinaiiral na ang bagong alituntunin sa pagsulat alinsunod sa 2013
Ortograpiyang Pambansa.
Sa kinalabasan ng isang kilos-pananaliksik na isinagawa sa mga mag-aaral sa Baitang 7,
inihayag ng mananaliksik na sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat, mahalaga ang pagkakaroon
ng mga gawaing pampagkatuto na angkop sa lebel ng mga mag-aaral upang mapaunlad ang
natatanging kasanayan ng bawat mag-aaral. Gayundin, iminumungkahi ang agarang pagbibigaylunas sa mga suliranin ng mag-aaral sa pagsulat sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan
nang ito ay matiyak na mabisa (Cabigao, 2012). Sa pagmamarka naman ng mga output na sulatin,
mahalaga na gumamit ng isang kagamitang pampagtataya na valid at reliable upang lubos na
8
masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral at magabayan pa sila sa lalong pagpapakahusay sa
kasanayang ito (Cabigao 2021).
6. Ang Pagtuturo ng Talasalitaan
Ayon sa Anglo-Saxon, ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na dapat angkinin
at mahalagahin. Sa mga Intsik naman ito ay isang malawak na dagat ng mga salita na dapat hulihin.
Ayon kay Channell (1988), ang isang bagong talasalitaan ay maaangkin lamang ng mag-aaral kung
maibibigay niya ang kahulugan alinsunod sa gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at
magagamit din niya ito nang buong husay sa pakikipagtalastasan.
Ang paglinang ng talasalitaan ay dapat iangkop sa yugto ng kognitibong debelopment ng
mga mag-aaral. Narito ang ilang teknik sa paglinang ng talasalitaan: 1. Pagsusuring Pangkayarian
o structural analysis na nauunawaan ng mag-aaral ang isang salita sa pamamagitan ng pagsusuri
ng kayarian nito tulad ng salitang ugat, mga panlapi, at paraan ng pagkakabuo ng salita (payak,
maylapi, inuulit o tambalan). 2. Paggamit ng mga palatandaang nagbibigay-kahulugan o context
clues 3. Ang pag-uugnayan ng mga salita o word association. Ang guro ay maaaring gumamit ng
a.) ugnayang salita-larawan b.) paggamit ng dayagram at c.) larong tugunan sa pagpapalawak ng
talasalitaan.
7. Ang Pagtuturo ng Panitikan
Sa pag-aaral ng isang akda, tungkulin ng guro na iparanas sa mga mag-aaral ang akda.
Dapat kinikilala ng guro na may sariling pagtanaw sa akda ang bawat mag-aaral. Ito’y maaaring
gumulat, magbigay-sigla o di kaya’y magbigay galak sa kanya. Kinakailangang makabuo ang
bumabasa ng makabuluhang kamalayang hatid ng karanasan. Nagbigay si Sage (1987) ng mga
mungkahing gawain sa pagtuturo ng maikling katha:Una,hanguin sa mga karanasan ng mag-aaral
9
ang dating alam na sa pamamagitan ng pagkukuwento o pakikinig nila bago talakayin ang akda
(pre-reading activity). Ikalawa. maging holistic o ganap ang pagtatalakay sa akda sa pamamagitan
ng pagmamasid ng mga ugnayan sa mga aspekto ng kuwento. Ikatlo, maaaring pumili ng bahagi
na babasahin nang malakas upang mapasimulan ang pagtalakay.Ikaapat, hayaang basahin ng magaaral ang ang kuwento ng dalawa o higit pang ulit upang masuri at mabigyan ito ng malalim na
kahulugan. Sabi ni Widdowson (1982), “Poetry uses a deviant language.”kaya dapat mabatid ng
guro ang mga sumusunod tungkol sa isang tula na ito ay: una, may angking iwing katangian at
kabuuan, ikalawa,malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng pangungusap,.ikatlo, may
sariling jargon o talasalitaan, ikaapat,,isipin at unawain ang tula sa iba’t ibang dimensiyon:
biswal,pandinig, pandama,panlasa at iba pa. Ikalima, ang ganda ng tula ay nagpapayabong ng iba’t
ibang pagpapakahulugan at panghuli,ang magandang pagbasa sa tula ay makapagpapagaan ng
pagtuturo nito.
8. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino
Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga magaaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong
COVID-19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na
nakaaapekto sa pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga
ang ugnayan ng (a) pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning
delivery modalities, at (c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang
ugnayang DepEd Vision-Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-TahananPamayanan, at ang ugnayan ng tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of
Learning. Kung maayos ang ugnayan ng mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-
10
aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang
nang husto.
Sa makrong komunikasyon, ang pakikinig ang isa sa mahirap na tayahin sa panahong ito
ng pandemya. Bihira sa mga mag-aaral ngayon ang aktibo sa pakikinig. Madalas
nagpapakiramdaman na lamang ang mga mag-aaral sa mga tanong ng guro at ang batayan kung
tahimik ang klase ito na ang batayan na naintindihan ang lektura.Sa online na klase, bawal ang
sabay-sabay na magsasalita dahil maaring maapektuhan ang buong klase. Dito sa
platapormang online may restrikyon. Hindi natin medyo naipapadama ang may taingang
nakikinig para sa kanila.Minsan di natin ramdam kung nakikinig nga ba sila o naiintindihan
nila ang ating nais iparating. Ngunit sa panahon na ito, kailangan nating maging positibo alangalang sa kinabukasan na haharapin ng ating mga magaaral.
Sa panahong ito, may mga naiibang istratehiya na dapat gawin ang guro sa paraang nais
paunlarin ang skill na pakikinig. Maaring gumamit pa rin ang guro ng mga bagay tulad ng
recorded audio materials, pwde rin naming magibigay ng link na i access ng mga mag-aaral at
pagkatapos ay pakinggan nila ito. Maaari ding magbigay ang guro ng maikling kwento na kung
saan maari din nilang ibuod ang napakinggang kwento sa pamamagitan ng pagggamit ng
ankop na graphic organizer. Isa pang istratehiya sa pakikinig ay maaring iguhit ng mga magaaral ang buod ng istorya na napakinggan gamit ang flow chart at maaring ipadala nila ito sa
pamamagitan ng facebook o di kaya ay messenger. May mga ilan na ring apps na maaring
ganitin depende sa napagkasunduan ng buong klase kung ano ang gagamitin na apps. Lagi ding
isalang-alang ang kapakanan ng mga mag-aaral kung sila nga bay may mga gamit tulad ng
mga android na cellphone at wifi kung ating ipagagamit ang app na kailangan ng internet na
11
konekyon. Magiging epektibo lamang ang istratehiya kung ang mga bata ay kompleto ng gamit
at higit sa lahat ay may kakayahan sa paggamit nito.
Sanggunian
Cabigao, J. R. (2012). Magsikap. Mamulat. Magsulat. Pagpapaunlad sa Batayang Kasanayan sa
Pagsulat ng mga Mag-Aaral sa Filipino Baitang 7 (Improving Basic Writing Skills of
Grade
7
Students
in
Filipino).
https://www.researchgate.net/publication/337110884_Magsikap_Mamulat_Magsulat_PA
GPAPAUNLAD_SA_BATAYANG_KASANAYAN_SA_PAGSULAT_NG_MGA_MA
GAARAL_SA_FILIPINO_BAITANG_7_Improving_Basic_Writing_Skills_of_Grade_7_
Students_in_Filipino
Cabigao, J. R. (2012). Saloobin at Mungkahing Pagbabago sa Nilalaman ng 2009 Gabay sa
Ortograpiyang Filipino (Perception and Proposed Change on the Content of the 2009
Manual
of
Orthography
in
Filipino).
https://www.researchgate.net/publication/337110977_SALOOBIN_AT_MUNGKAHIN
G_PAGBABAGO_SA_NILALAMAN_NG_2009_GABAY_SA_ORTOGRAPIYANG_
FILIPINO_PERCEPTION_AND_PROPOSED_CHANGE_ON_THE_CONTENT_OF_
THE_2009_MANUAL_OF_ORTHOGRAPHY_IN_FILIPINO
Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened SchoolHome
Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership
Cabigao,
J.
R.
(2020).
Tackling
the
fear
of
writing.
https://www.researchgate.net/publication/341679036_Tackling_the_fear_of_writing
Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume
5.
256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers
Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_SchoolBased_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal
Cabigao, J. R. (2021). Pagbuo at Balidasyon ng Isang Mungkahing Modelong Rubrik sa
Pagmamarka ng Mga Sulatin sa Antas Graduwado (Development and Validation of A
Proposed Model Rubric in Rating Written Outputs at the Graduate School Level).
12
https://www.researchgate.net/publication/350888318_Pagbuo_at_Balidasyon_ng_Isang_
Mungkahing_Modelong_Rubrik_sa_Pagmamarka_ng_Mga_Sulatin_sa_Antas_Graduwa
do_Development_and_Validation_of_A_Proposed_Model_Rubric_in_Rating_Written_O
utputs_at_the_Graduate
https://www.researchgate.net/publication/351228101_Development_and_Validation_of_
A_Proposed_Model_Rubric_in_Rating_Written_Outputs_at_the_Graduate_School_Leve
l
Iba pang sanggunian.
Badayos, P.B. (2008) Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino Mga Teorya,
Simulain, at Istratehiya Ikalawang Edisyon
https://www.facebook.com/acaciahs/posts/3124639410904772/ Hulyo 8, 2021
http://www.ejournals.ph/article.php?id=7993 Hulyo 8, 2021
https://www.academia.edu/27199914/Ang_pagtuturo_Ng_pakikinig?auto=download
Hulyo 8, 2021
https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-na-pag-aaral-ngmga-kabataan/ Hulyo 8, 2021
https://baludmunicipalcollege.wordpress.com/2020/07/16/ano-ang-module-at-modularlearning/
https://www.coursehero.com/file/55375154/Kahulugan-ng-Kagamitang-Panturodocx/
Hulyo 8, 2021
13
View publication stats
Download