Uploaded by Clinton Dayot

JHERRYL

advertisement
Reference:
https://filipinotek.wordpress.com
ANG MGA ESTRATEHIYA SA
PAGTUTURO NG WIKA AT ANG
PAMARAANG KOMUNIKATIB SA
PAGTUTURO NG WIKA
Posted on March 29, 2013 by filipinotek
PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO
TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION
(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT
TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG
PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA
LAYUNIN:
1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba pang
makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).
2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.
3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng wika.
4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang komunikatib para
sa makabuluhang pagtuturo.
1. I. Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo
Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng
Filipino na ipinalalagay na mabisa:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.
Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.
1. II.
Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika
 EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong
2000.
1. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura.
2. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo bilang hiwalay na
subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
3. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng pagtuturo para
sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
4. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
5. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na larangan, dapat
ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.
6. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa pamamagitan ng
Filipino.
1. III.
Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika
Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.
NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin
NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o
ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?


Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language
competence (kaalaman sa wika) at language performance(kakayahan sa paggamit ng wika).
TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal
kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais
ipahayag ng nag-uusap.
Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng lipunan
na binuo ni Hymes sa akronim na SPEAKING.
SPEAKING ni Hymes. . . .
S-Setting (saan nag-uusap)
P-Participants (sino ang nag-uusap)
E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)
A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati, pangungumusta, pagtatanong)
K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)
I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)
N-Norms (ano ang paksa ng usapan)
G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)
1. IV.
Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika
Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag-aaral: personal,
interpersonal, directive, referential at imaginative.
Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi
binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita
sa aspetong pambalarila.
Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa
dayagram.
1. V. Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika
2. A. Ano ang Pamaraang Komunikatib?
 Nag-ugat sa notional-functional approach na pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya. (pokus
sa mensahe kaysa sa porma o istruktura)
 Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika.
1. B. Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib
 Iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative competence.
 Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril Swain.
 Ayon sa kanila may apat aspekto o elemento ng communicative competence
1. Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sangayon sa mga tuntunin sa gramatika.
2. Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary. Nakakaunawa at nakagagamit
ng kontekstong sosyal ng isang wika.
3. Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng
buong diskurso.
4. Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika at
nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na walang problema. (Coping o survival Strategies)
1. C. Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang Komunikatib
Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang komunikatib?
ü Una, sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an
konteksto ng talastasan.
ü Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad
noong araw na ang gawain ng guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit
ng mga pagsasanay tulad ng substitution drills, pattern practice at iba pa.
ü Pangatlo,higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano
kahusay sa pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang
nalalaman sa gramatika ng isang wika.
ü Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na
tumatawag sa pakikipagtalastasan.
ü Panlima, may iba’t ibang antas ng communicative competence, lalo na hindi
maasahan na ang isang hindi negative speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng
pakikipagtalastasan.
EBALWASYON
1. I. MALAYANG TALAKAYAN
1. A. Paghambingin ang mga sumusunod:
1. estratehiyang tuwiran at estratehiyang di-tuwiran
2. language competence at language performance
3. socio-linguistic competence at discourse competence
4. linguistic competence at strategic competence
5. B. Sagutin at pagbigyang paliwanag ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang ang estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay
dapat na nakaugnay sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral? Maglahad ng mga
patunay.
2. Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang makabagong kaalaman sa
mga estratehiya sa pagtuturo?
3. Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng
wika?
4. II.
PAGLALAPAT
1. Muling ilahad ang nilalaman ng akronim na SPEAKING ni Hymes pagkatapos ay
bumuo ka ng isang sitwasyon na aangkop dito.
PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO
TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION
(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT
TAPIK: ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BINAGONG KURIKULUM
LAYUNIN:
1. Napalalawak ang kaalaman sa binagong kurikulum tungo sa pagtamo ng layunin sa pagtuturo ng
Filipino sa iba’t ibang antas ng pag-aaral.
2. Natatalakay at nasusuri ang iba’t ibang estratehiya/pagdulog na nakapaloob sa binagong
kurikulum sa iba’t ibang antas ng pagtuturo ng Filipino.
3. Nalalaman ang kalagayan ng nakaraan at kasalukuyang kalagayan ng pagtuturo ng Filipino sa
batayang edukasyon.
4. Nabibigyang-halaga ang kurikulum ng batayang edukasyon ng 2002 sa mga naisin nitong
mapaunlad ang pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas.
1. A. Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng kasanayang Akademik
– Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistruktura ng kurikulum sa
batayang edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa kanilang mga
estratehiya sa pagtuturo.
2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang
masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.
3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang
disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources.
5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y
behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.
Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mga
sumusunod na obserbasyon:
(1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula elementary hanggang
tersyarya. Hindi pang-linggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa
(2) Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang
kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo.
(3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo
(kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang
sosyo-linggwistik.)
(4) Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.
(5) Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at
kaalaman sa maunawang pagbasa at malikhaing pagsulat.
(6) Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang
sabdyek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo at
(7) Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)
Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang
framework.
ü nilinaw na ang pangunahing mithiin sa pagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng
mag-aaral na pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)
ü Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.
ü bilang pantulong na sabdyek sa elementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat
na kasanayang makro at kaisipang Pilipino.




lebel 1-3, idedebelop ito sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang
awtentikong materyal.
lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at kritikal na pag-iisip
ü Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.
Sa unang dalawang taon, ang pokus ay gramatika at pagbasa (1-2)
sa huling dalawang taon naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)
ü Maibubuod sa mga sumusunod na katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa
bagong kurikulum.
a)
May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga
kasanayan sa pag-aaral.
b)
Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo,
mga pagpapahalaga o values at mga kompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba
pang lawak ng makabayan.
c)
Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga
kasanayan sa batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.
d) Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na
matutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.
e)
May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.
f)
Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa
target na wika.
g)
Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng
mga alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto,
scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sa pag-aaral.
h)
Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto
at pag-oorganisa ng klase
KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO
NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon
A. DESKRIPSYON
MGA LAWAK O KASANAYAN
SAKLAW NG MGA LAWAK O
KASANAYAN
Ang Filipino bilang isang aralin o
asignatura ay lumilinang sa kasanayan
sa PAKIKINIG, PAGSASALITA,
PAGBASA, PAGSULAT at PAG-IISIP.
Para sa MABISANG
PAGTUTURO, ang mga TIYAK NA
KASANAYAN ay nililinang sa
pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’tibang kagamitan sa LUBUSANG
PAGKATUTO.
Bukod sa kasanayan sa
PAKIKINIG, PAGSASALITA,
KONSEPTO NG SIBIKA AT
KULTURA, ang NILALAMAN ng
PAGBASA, PAGSULAT, ang
FILIPINO bilang isang aralin ay
lumilinang sa kasanayan ng PAG-IISIP.
Filipino sa una hanggang ikatlong
baitang
a. Maaaring gamitin ng Filipino ang
nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay
nasa PAGLILINANG ng mga kasanayan
sa PAKIKIPAGTALASTA-SAN.
b.Inaasahang ang
mgaBATAYANG KASANAYAN sa
pagbasa ay matutuhan nang lubusan sa
tatlong unang baitang.
2. PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O KOMPETENSI SA PAGKATUTO
1.
Pagsasaayos ,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang
maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.
2.
Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan
3.
Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pagunawa sa mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT
AGHAM.
3. MGA INAASAHANG BUNGA
MITHIIN
Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN
(pasalita o pasulat) , nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t-ibang
impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG
PANSARILI at PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa
mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
4. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO
PAGBABAGO
BAITANG
NESC
RBEC
PAGBABAGO
I-III
60
80
Dagdag na 20
minuto
IV-VI
60
60
Walang dagdag
PAGBABAGO
1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80
minuto samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto
2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto.
Walang dagdag sa Baitang IV-VI.
3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA
BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN sa pagaaral ay natutuhan na sa unang tatlong baitang..
5. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO
PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD
Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills –
Based Integration)
1.
HULWARAN 1
May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa isang
aralin, kung saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga
mag-aaral.
Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng
mga kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP.
Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O
LUBUSANG PAGKATUTO.
HULWARAN 2
Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat ang
lawak o kasanayan nang sabay-sabay.
2. PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO
SA NILALAMAN O KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENTBASED INTEGRATION
TANDAAN
a.)
SA BAITANG I-III
Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa
Pakikipagtalastasan ang pokus.
b.)
TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG ARALIN NG SK AT
PAGPAPAHALAGA O EKAWP GINAGAMIT NA MGA
KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO,
ALAMAT AT IBA PA)
Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD sa paglinang ng mga
kasanayan sa Filipino.
Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento. Ang PAKSA
o NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK at EKAWP , sa ganitong sitwasyon
nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN
sa FILIPINO.
BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB
SA ORAS NG TALAKAYAN SA NILALAMAN NG
MGA TEKSTO O KAGAMITANG
PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA
LUNSARAN NG PAGLINANG NG KASANAYAN
c.)
3.
INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE
APPROACH)
GURO
BATA
BATA
K-PANG
1
2
PAGTUTURO
a.)
Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang
interaksyon (meaningful interaction)
b.)
Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)
c.)
Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
1.)
Pagpaphayag ng sariling ideya
2.)
Pag-unawa sa ideya ng iba
Nakikinig sa iba
3.)
4.)
Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang
konteksto (shared context)
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon
MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA
SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON
1.
Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino,
kinakailangang taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa,
pagsulat, pagsasalita, pakikinig at pag-iisip.
2.
Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong
pakikipagtalastasan , nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na
komponent ng kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyolinggwistik at istratedyik.
Sa Unang Dalawang Taon
Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga
tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo
ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga ito,
pinagsanib ang mga interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’tibang uri ng teksto tulad ng mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic,
literasi at politico-ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t –ibang istrukturang gramatikal.
Sa Huling Dalawang Taon
Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng
kritikal na pagbasa at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa
Filipino.
Sa Bawat Taon
Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa
pamamagitan ng eksposyur sa iba’t-ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat.
Ito ay pinagtutuunan ang isang liggong leksyon sa bawat markahan.
Sa Apat na Taon
Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa
akademikong wika.
Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon
Unang Taon
Ikalawang Taon
Ikatlong Taon
Ikaapat na Taon
Florante at Laura
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Ibong Adarna
Ang Thematic Curriculum
Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa
pagkatuto gaya ng programa, kurso at iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan
sa mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema.
Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic Curriculum
1.
Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga
karanasan sa pagkatuto.
2.
Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at
pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at komunidad.
3.
Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik.
4.
Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.
5.
Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay.
6.
Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon
at paghahanapbuhay.
7.
Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes
Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador
1.
Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng
grupo ng mga propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto.
2.
Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga
positibong impak sa mga mag-aaral.
3.
Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa
pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga
matagumpay na karanasan sa paaralan.
Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic Curriculum
1.
Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa maraming paraan gaya
ng kurso, akademya klaster, magnet at ang buong paaralan.
2.
Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib sa ibang mga reporma gaya ng
integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralanpaggawa.
3.
Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat
maaari ring maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya.
4.
Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang mapagsama angmga
karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa.
5.
Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na
produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum
na nabuo mula sa mga aspekto.
Ang mga Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas ng
Elemenytarya
Lapit/Pagdulog
Tradisyunal
Isang organismo
nasusulat,
kumbensyunal
ang wika
pagkilala at
pagbuo
Istruktural
Sistemang pasalita,
arbitraryo at pang –
komunikasyon ang
wika, mekanikal ang
pagkatuto at huhubog
sa mga kaugalian
(habits)
Teorya/Prinsipyo
Pagkilala at
pagbuo ng mga
bahagi ng
pananalita, wastong gamit ng
salita
Magkahiwalay
na pagsasa-
Komunikatib
Isang pormal na sistema ang wika at may mga
gamit ding functional para
Isang pr
nakabas
based) a
kaya na
kasanay
ang orye
aralan
ang wik
espisipik
pangang
sa mga komunikatibong
pangangailangan
Pagtatamo ng kasanayan
Pagtatamo ng mga
kasanayan pang-ling-
Whole L
-linggwistik
-sosyo-linggwistik
gwistik (pagbuo ng
mga ponema, morpe-
-pang-diskors
ma at pangungusap
-pang-estratehiya
Pagtatam
na nang
ng magk
paggam
sanayan
sa iba’t-
(akadem
nay sa pagbuo ng
mga ba-
kasyon)
hagi ng
pananalita
Patterns, substitution
Drills, mimicry,tag-
Mga Layunin
memics (pokus sa anyo
ng wika)magkahiwalay
na pagtuturo ng wika
at pagbasa
Cooperative/interacttive
learning (dyadic
exchange, group work
information gap,task-
Coopera
ve learn
oriented)
solving
ing stud
interaktibong pag-
ment
aaral ng wika at
pagbasa
interakti
aaral ng
pagbasa
IBA’T-IBANG MODELO
Ang Modelong Batay sa Tema o Paksa ng Pag-aaral (Theme o Topic
CourseModel)
Wika
Agham
Matematika
Agham Panlipunan
Iba pang saklaw ng nilalaman
Ang Modelong Magkakahiwalay (Sheltered Courses Model)
Ang Modelong Magkasanib (The Adjunct Model)
Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content –Based Instruction o
CBI)
Binibigyang kahulugan nina Brinton , Snow at Iverche (1989) Ang
pagtuturong Batay sa Nilalaman bilang integrasyon ng pagkatuto sa
nilalaman at sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y tumutukoy sa
kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin , nang may porma at
pagkakasunud-sunod ng presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Nakapokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum
ng pagkatuto ng matematika, agham panlipunan, at iba pang mga
asignaturang pang-akademiko.
Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)
MGA ESTRATEHIYA
1.
Ang estratehiyang metakognitib. Ito’y tumutukoy sa pagkakaroon ng
kamalayan, kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip
o pag-unawa (Royo,1992). Ito’y pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at
produksyon, sa pagtataya kung paano natamo ang layunin sa pagkatuto.
2.
Ang estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang materyal
(pagpapangkat-pangkat, pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental,
pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutuhang mga konsepto o
mga kasanayan. Ito’y estratehiyang gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto
ng mga akademikong disiplina.
3.
Ang Estratehiyang sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong
sa kanyang pagkatuto.
PARAAN/TEKNIK
Pagkatutong Tulung-tulong (Cooperative Learning)
Ito’y isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na
humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat
upang matutuhan ang aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o
nilalaman kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa
diskusyon/usapan.
Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong tulung-tulong na nilahad nina
Johnson at Johnson (1986):
1.
Pagbuo ng pangkat
2.
Paggawa bilang isang pangkat
3.
Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat
4.
Pagbuo ng magkakaibang ideya.
Mga Kasanayan sa Pagbuo ng Pangkat
Mga Kasanayan sa Paglutas ng Problema
PANGKAT
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
Pagbuo ng suliranin
brainstorming
paglinaw ng mga ideya
pagsang-ayon sa mga ideya
pagpapalawak ng mga ideya
pagtingin sa maaaring maganap
pagpuna sa mga ideya
pagbuo ng impormasyon
paghanap ng solusyon
Ang Mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulung -Tulong
1.
2.
3.
4.
Pagsasatao (Role Playing)
Mag-isip, Humanap ng Kapareha at Makibahagi (THINK, PAIR, and SHARE)
Brainstorming
Graphic Organizer
ANG FILIPINO SA BATAYANG ANTAS NG EDUKASYON
ni Clemencia C. Espiritu, Ph. D
Ang Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002
Ang mga sumusunod ang naging batayan ng Kurikulum 2002
ü Ang layunin ng edukasyong elementary, ayon sa Education Act of 1982
ü batayang patakaran sa edukasyon sa isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987
ü Governance of Basic Education Act of 2001 GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION
ACT OF 2001
Inilahad ang pangkalahatang tunguhin ng batayang edukasyon:
ü linangin ang mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
batayang kasanayan sa literasi, numerasi, kritikal na pag-iisip at mga kasanayang
pampag-aaral at mga kanais-nais na halagahan(values) upang sila’y maging
mapagkalinga, makatayo sa sarili, maging prodaktibo, magkaroon ng kamalayang
panlipunan, maging makabayan at responsableng mamamayan.
Sa nireistrukturang Kurikulum 2002, binigyang ibayong pansin ang pagsasanay para sa
pagtatamo ng mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga
halagahan at ang pagkilala sa iba’t ibang katalinuhan ng mag-aaral (multiple
intelligence)
Ang Kurikulum ng Filipino sa Antas Elementarya

Mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang:
“Nagagamit ang Filipino sa makabuluhang pakikipagtalastasan, (pasalita at pasulat):
nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa
patuloy na pagkatuto para makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig”

Layunin ng pagtuturo ng Filipino sa elementary na linangin ang apat na makrong kasanayang
pangwika:pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat gayundin ang pag-iisip, sa mga baiting IVI, ang mga tiyak na kasanayang ito ay lilinangin sa mga sitwasyong pangkomunikasyon, gamit
ang iba’t ibang materyal tungo sa pagkakaroon ng masteri.

Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino sa mga baiting I-III upang magkaroon ang magaaral ng sapat pag-unawa sa bawat aralin at maisama ang barayti ng mga tekstong literari at diliterari sa mga gawain sa pagbasa at pag-unawa.
Ang Filipino sa Antas Sekundarya

Ilan sa mga obserbasyong iniulat ni G. Arturo Cabuhat ang mga sumusunod:
a)
Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula sa elementarya
hanggang tersyarya.
b)
Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas.
c)
Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang
d)
Walang kaayusan at pokus sa pagpili ng kontent at pagtalakay sa panitikan
e)
Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa
pagkatuto ng mga asignaturang itinuturo sa Filipino.



Nagsagawa ang DepEd ng mga hakbang tungo sa pagrereporma ng kurikulum. Sa antas
Sekundarya, mithiin ng pagtuturo ng Filipino na “ makadebelop ng gradweyt na mahusay na
komyunikeytor sa Filipino…”
May atas din na ang pagtuturo ng Filipino ay dapat gamitan ng mga tekstong hango sa mga
asignaturang pangnilalaman tulad ng Aralin/Agham Panlipunan, Agham at Teknolohiya.
Literatura at iba pang kaugnay na disiplina.
bago makagradweyt sa batayang edukasyon, dapat taglay ng mag-aaral hindi lamang ang mga
kasanayang pangwikang batayan at interpersonal, kundi pati ang mga kasanayang pangwikang
kognitib at akademik.
Pananaw sa Wikang Filipino sa Bagong Kurikulum
Ang WIKA sa dating KURIKULUM ay tinitingnan bilang asignatura na nakapokus sa
paglinang ng kaalamang panggramatika at ng apat na makrong kasanayang pangwika.
Sa binagong KURIKULUM ang WIKA ay itinuturing ito hindi lamang obdyek ng
pagkatuto o isang asignatura, kundi instrument rin para matuto ang mag-aaral ng
marami pang bagay bukod sa Filipino.
PANANAW SA PAGTUTURO NG WIKA

Tunguhin ng bagong kurikulum sa Filipino na:
a)
maituro ng holistic at natural ang wika
b)
malinang hindi lamang ang kasanayan sa komunikasyong interpersonal kundi ang
kognitib-akademik na kasanayang pangwika.
c)
mabigyan ang mag-aaral ng eksposyur sa mga paksang nakapaloob sa mga
asignaturang pangnilalaman.
d)
malinang ang mataas na kasanayan sa pagbabasa at pagsulat
e)
malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga-aaral
f)
maitaas ang kaalaman at pagpapahalagang pampanitikan.
MGA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
a)
Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga
ito sa nagbabagong layunin ng edukasyon
b)
Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang
pakikipagtalastasan.
c)
Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng
alternatibong pagdulog sa pagtuturo ng wika na batay sa pangangailangang
komunikatib.
d)
Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong komunikatib
e)
Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga
kasanayang pangwika tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita .
f)
Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa iba’t ibang antas
ng pangangailangan.
g)
Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.
h)
Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin
sa proseso ng pagkatuto at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
i)
Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigaydiin sa tambalan at pangkatang interaksyon at sa peer teaching.
j)
Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na
komunikatib.
Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at
estratehiya sa pagtuturo:
1. PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED INSTRUCTION
(CBI)
C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan,
Sibika at Kultura, Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika.
C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa
paggamit ng input sa dalawang lawak.
C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at
pagtatamo ng akademikong kaalaman.
Pangunahing katangian ng Pinagsanib na Pananaw
a)
Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika
b)
Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung
ginagamit itong instrument sa pagkatuto.
c)
Naipauunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon,
biswal, aktwal na pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa
mga aralin.
d)
Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.
e)
Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng iba’t ibang
teknik, interaksyon sa materyal, kapwa mag-aaral at mga guro
f)
Hinihikayat/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto
g)
Nililinang/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto
h)
Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.
i)
Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng
awtentikong materyal para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.
2. TEMATIK NA PAGTUTURO
Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:
“Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for
linking content and processes from a variety of disciplines. The theme provides
coherence and focus for accompanying activities. The theme enables learners to see
the meaningful connections across content or skills areas. .”
3. INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO
C Mahalaga ang interaksyon sa anumang pagtuturo.
C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng
tatsulok na ugnayang nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng
sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang komunikasyon.
C May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mag-aaral:



interaksyon sa guro
sa kapwa mag-aaral
sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral
4. KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto.
SINTAKS NG KOOPERATIBONG MODELO SA PAGKATUTO
a)
Ilahad ang tunguhin ng gawain.
b)
Ilahad ang impormasyon.
c)
Pangkatin ang mga mag-aaral.
d)
I-monitor ang mga pangkat.
e)
Ipalahad sa pangkat ang resulta ng kanilang gawain.
f)
Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.
g)
Paglaanan ang mga gawaing lilinang sa iba’t ibang katalinuhan.
h)
Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga
pagpapahalagang ito.
Samakatuwid…
C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng
kurikulum lalo na ng 2002 sapagkat ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at
integratib, nakapokus sa mga batayang kasanayan at kahalagahan at lumilinang ng
iba’t ibang katalinuhan.
EBALWASYON
1. I. MALAYANG TALAKAYAN
1. A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na mahahalagang salita/parirala sa Binagong
Kurikulum:
2. tematik na pagdulog
3. interaktibong pagdulog
4. kooperatibong pagkatuto
5. kolaboratibong pagdulog
6. pagtuturong batay sa nilalaman
1. B. Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang naitulong ng binagong kurikulum sa pagtatamo ng layunin sa pagtuturo ng
Filipino sa iba’t ibang antas? Maglahad ng ilang patunayan.
2. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng pagbabago o baguhin ang/sa
kurikulum ng ating edukasyon? Makabuluhan ba ito? Bakit? Patunayan ang iyong
kasagutan.
3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Thematic Curriculum sa pagpapatupad
ng binagong kurikulum sa batayang edukasyon?
4. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Ano kaya ang kaugnayan nito sa pagtamo nang
layunin ng binagong kurikulum ng 2002 sa batayang edukasyon?
“Tell me and I forget
Show me and I remember,
Involve me and I understand”
-Chinese Proverb
1. II. PAGLALAPAT
2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementary. Pumili
ng 1-2 angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang napili.
Download