Uploaded by MARISSA BUATAG

ARALPAN8 Q1 M2

advertisement
8
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2
Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Resjade Carl A. Ompad
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino
Earl Adrian C. Cejas
Normalyn G. Alonso
Tagasuri: Teresita A. Bandolon
Stella Maris A. Belardo
Marigold J. Cardente
Dr. Bryant C. Acar
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion
Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent
: Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS
: Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan
: Marigold J. Cardente
ADM Coordinator
: Jennifer S. Mirasol
Inilimbag sa Pilipinas sa Kagawaran nga Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
Marigold J. Cardente
8
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Heograpiyang Pantao
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula
sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Heograpiyang Pantao
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Heograpiyang Pantao!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaarimong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pangunawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
iii
Isagawa
Tayahin
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain
natutuhang aralin.
Susi sa
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto Gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
iv
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa Ikapitong Baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa Asya.
Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa Kabihasnan ng daigdig.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang ikaw ay magkaroon ng
kaalaman tungkol sa iba’t-ibang kabihasnan na umusbong sa buong daidig.
Lalong-lalo na ang tungkol sa wika, relihiyon at pangkat-etniko.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:
Gawain ng Tao
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at
mamamayan sa daigdig (wika, pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa
daigdig) (AP8HSK-Ie-5) ;
2. Natutukoy ang konsepto ng wika, relihiyon at pangkat-etnolingguwistiko;
3. Natataya ang dulot ng pagkakaroon ng iba’t-ibang wika, pangkatetnolingguwistiko at relihiyon ; at
4. Naipapakita kung paano panatilihin ang mga natatanging kultura (wika,
pangkat-etnolingguwistiko at relihiyon) ng daigdig tungo sa pagkakaisa.
1
Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Si Yu Wan ay taga-Tsina na napadpad dito sa Pilipinas upang mag-aaral. Sa tuwing
siya’y nakikipag-usap hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng kanyang
kausap. Kaya nag-aral siya ng linggwaheng ginagamit ng mga Pilipino. Napagtanto
niya na upang magkaintindihan dapat mayroon magkaparihang linggwahe ang
ginagamit. Anong konsepto ang ipinahihiwatig ng nasa itaas?
A. Lahi
C. Relihiyon
B. Politika
D. Wika
2. Sa tuwing tayo ay nangangailangan ng tulong na sa tingin natin ay wala ng ibang
taong makakatulong tinatawag natin ang ating pinaniniwalaang diyos. Sumasamba
tayo dahil naniniwala tayo na sila ang ating batayan sa pagkilos sa araw-araw na
pamumuhay. Anong konsepto ang ipinahihiwatig ng nasa itaas?
A. Lahi
C. Relihiyon
B. Lipunan
D. Wika
3. Ang mundo ay binubuo ng iba’t-ibang lahi ng tao. Ang iyong pagkakakilanlan ay
depende kung saan ka nakatira. Ang mga salik ng pagkakaroon kaibahan ng
pagkakakinlanlan ay ang pisikal at bayolohikal na katangian at kulturang nagisnan.
Anong konsepto ang ipinahihiwatigng nasa itaas?
A. Lahi
C. Relihiyon
B. Lipunan
D. Wika
4. Ang wika ay nagbibigay ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa
isang pangkat. Kaya ito ay nagsisilbing kaluluwa ng isang kultura. Kultura na dapat
pagyamanin at panatilihing buhay sa pamamagitan ng paggamit nito sa araw-araw
na pamumuhay. Sa paggamit mo nito kahit saan ka man pumunta ay nagpapakita
na ikaw ay may pagmamahal sa iyong sariling pagkakakilanlan. Handa mong
ipagsigawan ang ginagamit mong wika. Anong katangian mayroon ang ipinakikita
nito?
A. Being proud
C. Being helpful
B. Being boostful
D. Being polite
5. Ang mundo ay may iba’t-ibang wikang ginagamit kaya maaaring magkaroon ng
maraming suliranin na haharapin. Tulad nalang ng pagkakaroon ng away ng mga
bansa na magdudulot ng digmaang walang katapusan na ang simula ay simpleng
salita na binigyan ng ibang kahulugan. Sa sitwasyong ibinigay, anong suliranin ang
nangingibabaw?
A. May utang na hindi nabayaran
C. Takot maungusan sa pag-unlad
B. Hindi Pagkakaintindihan
D. Pagkakaroon ng galit
6. Kahit saan tayo pumunta mundo hindi natin maiiwasan na may mga bagay na sa
tingin natin ay tama ngunit para sa iba ay mali. May bansa na ang daga ay kanilang
sinasamba dahil sila ay may sariling paniniwala na ito ay nagdadala ng kaginha2
waan sa buhay nila. May ibang bansa na ang daga ay peste sa kanilang pananim
at nagdudulot ng sakit. Kaya mas mabuti kung ikaw ay may pagkakataon na makapunta sa ibang bansa ay malaman mo ang kanilang mga kultura tulad nalang
kanilang relihiyon at gawi. Anong katangian ang ipinapakita ng sitwasyon?
A. Karunungan
C. Responsible
B. Kaduwagan
D. Matapat
7. Maraming paraan para mapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng
iba’t-ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala. Tulad nalang
ng pagsunod sa mga alituntunin ng pangkat na iyong kinabibilangan o kahit ikaw
ay nasa ibang pangkat man. Pagpapakita na hindi ka taliwas sa kanilang pinaniniwalaan bagkus ikaw ay bukas ang isipin na kayo ay may magkaibang paniniwala
Huwag insultuhin sa pamamagitan ng pagtawa o galit sa bagay na may halaga sa
kanilang paniniwala. Anong katangian ang ibig ipahiwatig nito?
A. Pagkakaroon ng respeto
C. Pagiging responsable
B. Pagkakaroon ng disiplina
D. Pagiging tapat
8. Marami ng ibang lahi ang pumupunta dito sa Pilipinas. Iba’t-ibang lahi kaya may
iba’t-iba ding kultura na maaring madala dito at maari ring makuha natin. Kaya hindi
maiiwasan na may mga tao na ang kanilang pilosopiya ay katulad na rin ng taga
ibang bansa. Kung ano ang nakagawian na gawin, yun din ang kanilang gustong
maging gawi. Anong konsepto ang ipinahihiwatig nito?
A. Superiority
C. Adaptation
B. Inferiority
D. Insecurities
3
Aralin
Heograpiyang Pantao
2
Congratulations! Napagtagumpayan mo na ang unang aralin tungkol sa
Heograpiyang Pisikal ng Daigdig! Ang Heograpiyang Pisikal ang unang sangay sa
disiplina ng Heograpiya at ang Heograpiyang Pantao ang ikalawang sangay nito.
Ang Heograpiyang Pantao ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan
ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung
paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Sa aralin ito binigyang
masuring pansin ang kaalaman tungkol sa relihiyon, wika, politika at pangkat-etniko.
Kaya umpisahan mon ang matoto sa Heograpiyang Pantao ng ating mundo!
Balikan
IT’S ME, KONTINENTE!
Panuto: Sagutan at hanapin ang sagot na nasa kahon. Bilugan ang sagot.
A
S
A
Y
V
E
I
O
P
A
R
A
F
S
R
T
T
Y
I
O
L
R
N
M
R
V
Y
B
V
E
R
Y
S
T
E
K
I
B
T
A
K
J
I
A
A
S
E
E
C
F
S
L
B
U
U
R
M
N
O
U
A
Q
W
E
K
T
C
Y
I
O
P
R
D
S
R
Y
M
T
N
B
V
C
L
O
F
G
G
B
I
B
U
C
B
N
D
P
H
G
F
C
S
D
E
O
K
M
F
E
Q
A
A
U
S
T
R
A
L
I
A
G
1. Pinakamalaking kontinente sa mundo na may sukat na tinatayang sangkatlong
(1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig.
2. Dito nagmumula ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Makikita din dito ang
pinakamahabang ilog sa daigdig ang Nile River.
3. Ito ang natatanging kontinenteng natatakpan ng yelo na may kapal na umaabot
sa 2km(1.2milya).
4. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8%
ng kabuuang lupa ng daigdig.
5. Pinakamaliit na kontinente ng daigdig.
4
Tuklasin
Gawain 1: ALAMIN MO, KINABIBILANGAN KO!
Panuto: Ilagay sa tamang kinabibilangan ang mga salitang nasa kahon.
KRISTIYANISMO
AUSTRONESIAN
ISLAM
BUDHISMO
NIGER-CONGO
AMERIKANO
INDO EUROPEAN
PILIPINO
WIKA
RELIHIYON
AFRO-ASIATIC
HINDUISMO
TSINO
TAIWANESE
PANGKATETNIKO/LAHI
Gawain 2: Damit Ko, Sagutan Mo
Panuto: Sagutan ang mga tanong at ilagay ang sagot sa tamang lalagyan. Tingnan
mabuti ang mga guhit bago sumagot.
- Pamilya ng wikang may pinaka
maraming kultura at taong gumagamit
-Pamilya ng wikang Pilipino
-Pangkat ng taong may iisang
pinagmulan
-Pagkakakilanlang bayolohikal
ng pangkat ng tao
-Salitang ugat ng relihiyon
-Salitang Greek ng mamamayan
-matandang relihiyong umunlad
sa India
-relihiyong may pinakamaraming
tagasunod
-Sistema ng mga paniniwala at
ritwal
-Kaluluwa ng Kultura
5
3
4
5
1
2
7
6
10
00
8
9
Tanong:
Sa iyong pagsagot sa mga hinihinging datos at buoin ang iyong damit anong
mga kaalaman ang nabuo sa iyong isipan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________.
6
Suriin
Gawain 3: Friendship Goals!
Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan ang gawain.
MAGKAIBA NA MAGKAIBIGAN?
Sa paaralang Heograpiyan Pantao Academy, binibigyan ng
pagkakataon na mag-aral ang kahit na anong klaseng lahi, wika at
relihiyon sa iisang paaralan. Ito yong nagsilbing daan upang magkakilala
sina Wu Han Chi na isang Tsino, Antonio Lopez na isang Pilipino, Blake
Brownlee na isang Amerikano at Kim No No na isang Koreano. Nakatira
sa iisang kwarto ng dormitoryo ng kanilang paaralan kaya kung ano ang
gagawin ng isa gagawin ng lahat ika nga nila Juan for All, All for Juan.
Sa isang buwan nilang pagsasama marami na ring mga away ang
nangyari ngunit sa huli sila ay nagkakabati. Tulad nalang ng pagkain ng
mga hilaw na pagkain na gustong-gusto nila Wu Han Chi at Kim No No
subalit ayaw na ayaw naman nila Antonio at Blake. Paminsan-minsan
sa tuwing nagsasalita si Antonio ng mga masasamang salita na hindi
naman alam ng kanyang kaibigan ngunit pagnalaman na gulo ang
mangyayari sa kanila. Iniimbitahan din ni Antonio ang kanyang mga
kaibigan na magsimba na nasa kalagitnaan ng misa ayon natutulog na
bukas ang mata. Dahil Ingles ang ginagamit ng pari si Blake nakatuon
ang atensyon sa sinasabi ng pari.
Dahil sa kanilang pagkakaroon ng kaibahan sa wika, relihiyon at
lahi napag isip-isip nila na kailangan nilang pag-aralang ang bawat isa
para mas lalo pang tumagal ang kanilang pagkakaibigan. Nagtulongtulong sila sa pagbibigay impormasyon sa kani-kanilang mga kultura,
wika, relihiyon at lahi. Sila ay naniniwala na kahit sila ay magkakaiba
hindi ito dapat hadlang sa kanilang pagkakaibigan bagkus ito yung
maging lakas nila para sila ay lalo pang maging matibay na
magkakaibigan. Pinangako nila sa isa’t-isa na dapat sa lahat ng panahon
mayroong pagkakaintindihan, respeto at disiplina ang mananaig kahit
ano man ang mangyari. Kaya silang apat ay bukas ang mga isipan para
malaman at intindihin ang kanilang pagkakaiba.
Hindi magiging hadlang ang anumang kaibahan ma pa wika man,
relihiyon at lahi. Ngunit kahit hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng
suliranin na dulot nito siguradong may paraan pa rin upang ito’y lutasin.
Sa simula lang yan mahirap pero habang lumilipas ang panahon
matutuhan mo rin ang mga bagong kultura o gawi ng ibang lahi na kung
saan napadpad sa ating lugar.
7
MAGANDANG DULOT NG
PAGKAKAIBA
HINDI MAGANDANG DULOT NG
PAGKAKAIBA
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang binabanggit ng kwento?
________________________________________________________________
2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang kwento?
________________________________________________________________
3. Kung pagbabasehan mo ang talahanayan masasabi mo bang may
magandang dulot at hindi magandang dulot ang pagkakaiba ng wika,
relihiyon at lahi?
________________________________________________________________
4. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa iyong kaibigan kung
ikaw ay nalalagay sa sitwasyon ng kwento?
________________________________________________________________
5. Anong konklusyon ang mabubuo mo sa binasang kwento?
________________________________________________________________
8
Pagyamanin
Gawain 4: Panatilihin Mo Ako, Please!
Panuto: Ilagay ang sagot sa bilog.
Number 1: Paano mo mapapanatili ang iyong natatanging wika, lahi at
relihiyon?
Number 2: Sa anong paraan mawawala o malilimutan ang iyong
natatanging wika, lahi at relihiyon?


Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa binigay mong sagot?
2. Sang-ayon ka ba o hindi sa iyong mga sagot? Patunayan.
3. Sa ibinigay mong sagot, paano ito makakatulong sa iyo upang malaman mo
ng mabuti ang mga paraan kung paano mapanatili ang iyong natatanging
wika, lahi at relihiyon?
9
Isaisip
Para Sayo, Ang Paksang Ito!
LAHI/
PANGKATETNIKO
HEOGRAPIYANG PANTAO
RELIHIYON
WIKA
LAHI / PANGKAT-ETNIKO
❖ Ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na ang ibig
sabihin ay “mamamayan”
❖ Ang mga miyembro nito ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura,
pinagmulan, wika at relihiyon.
❖ Ang daigdig ay binubuo ng iba’t-ibang lahi/pangkat-etniko tulad ng Pilipino na
nakatira sa Pilipinas, Amerikano sa Amerika, Hapones sa Japan, Tsino sa
Tsina atbp.
❖ Ang bansang Pilipinas naman ay binubuo ng iba’t-ibang pangkat-etniko tulad
Ifugao, Waray, Aeta, Tausug, Tagalog, Cebuano, Bikol atbp.
RELIHIYON
❖ Ang kahulugan ng relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng
isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang diyos.
❖ Nagmula sa salitang religare na ang ibig sabihin ay “buuin ang mga bahagi
para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.
❖ Ito ang naging batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
❖ Ang iba’t-ibang relihiyon ng daigdig ay Kristiyanismo, Islam, Hudaismo,
Budhismo, Hinduismo atbp.
❖ Makikita sa ibaba ang bahagdan ng populasyon nito.
10
http://www.ethnologue.com/statistics/family
❖ Kristiyanismo - Ito ang may pinakamalaking bilang ng mga tagasunod.
Nakabatay sa buhay at turo ng diyos na si Hesus Kristo. ANg kanilang banal
na aklat ay “Bibliya”.
❖ Islam - Ito ang relihiyon ng mga muslim na pangalawa sa may pinakamaraming
bilang ng tagasunod. Ang kanilang diyos ay si Allah. Ang kanilang banal na
aklat ay “Koran”.
❖ Hudaismo - Paniniwala ng mga Hudyo na mayroon iisang diyos at ito ang
naging batayan ng Kristiyanismo at Islam.
❖ Budhismo - Itinatag ni Sidharta Gautama at ang kinikilalang diyos nila ay si
Budha. Ang kahulugan ng kanilang relihiyon ay “kaliwanagan”.
❖ Hinduismo - Ito ang pangunahing relihiyon sa India. Ang kanilang banal na
aklat ay Veda at ang kanilang kinikilalang diyos ay sina Brahma, Vishnu at
Shiva.
WIKA
❖ Ito ay itinuturing bilang kaluluwa ng
isang kultura
❖ Ito ay ginagamit sa araw-araw na
pakikipagtalastasan.
❖ Tinatayang may 7,105 na buhay na
wika ang ginagamit ng mahigit na
22,622
6,200,000,000 na tao.
❖ Sa 136 language family sa daigdig,
may anim na major language ito ay
ang Niger-Congo, Austronesian,
Trans-New Guinea, Sino-Tibetan,
Indo-European at Afro-Asiatic
❖ Ang Pilipinas ay nabibilang sa Austronesian
https://www.ethnologue.com/guides/largest-families
11
Isagawa
Gawain 5: Dugtungan Mo Ako!
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Magbigay ng dalawa o higit pang
pangungusap na naaayon nito.
1. Ang wika ay nagsisilbing kaluluwa dahil __________________________________.
2. Ang pagkakaiba ng lahi ay ____________________________________________.
3. Ang relihiyon ay ang ating paniniwala ___________________________________.
4. Pahalagahan ang ating sariling kultura (wika, relihiyon, lahi) upang ____________.
Gawain 6: Kilalanin Mo Ako!
Panuto: Ilagay sa tamang kinabibilangan ang wika, relihiyon at kultura larawan.
Ingles
Bisaya
Hinduismo
Hindi
https://depositphotos.com/vectorimages/qipao.html?qview=111095510
Mandarin
Hesu Kristo
Kristiyanismo
Budha
https://www.dreamstime.com/stock-illustrationanimation-indian-family-vector-illustration-fullgrowth-white-background-image63558010
Budhismo
Brahman
https://www.dreamstime.com/couplecartoon-characters-philippines-traditionalcostume-vector-image183744501
Gabay na mga tanong:
1. Ano ang mga napapansin mo sa iyong mga sagot?
2. Mula sa mga napapansin mo, natutukoy mo ba kung ano ang kanilang tamang
kinabibilangan na wika, relihiyon base sa mga larawan? Sa anong paraan?
3. Bilang isang Junior High School na mag-aaral, paano mo magagamit ang
pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa wika, relihiyon at pangkat-etniko?
12
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Si Yu Wan ay taga-Tsina na napadpad dito sa Pilipinas upang mag-aaral. Sa tuwing
siya’y nakikipag-usap hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng kanyang kausap.
Kaya nag-aral siya ng linggwaheng ginagamit ng mga Pilipino. Napagtanto niya na
upang magkaintindihan dapat mayroon magkaparihang linggwahe ang ginagamit.
Anong konsepto ang ipinahihiwatig ng nasa itaas?
A. Relihiyon ay iyong paniniwala sa buhay
B. Ang politika ay pamumuno ng isang pangkat
C. Ang lahi ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng tao
D. Ang wika ay ginagamit upang magkaroon ng pagkakaintindihan
2. Sa tuwing tayo ay nangangailangan ng tulong na sa tingin natin ay wala ng ibang
taong makakatulong tinatawag natin ang ating pinaniniwalaang diyos. Sumasamba
tayo dahil naniniwala tayo na sila ang ating batayan sa pagkilos sa araw-araw na
pamumuhay. Anong konsepto ang ipinahihiwatig ng nasa itaas?
A. Ang politika ay pamumuno ng isang pangkat
B. Ang lahi ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng tao
C. Relihiyon ay iyong paniniwala/pananampalataya sa buhay
D. Ang wika ay ginagamit upang magkaroon ng pagkakaintindihan
3. Ang mundo ay binubuo ng iba’t-ibang lahi ng tao. Ang iyong pagkakakilanlan ay
depende kung saan ka nakatira. Ang mga salik ng pagkakaroon kaibahan ng
pagkakakinlanlan ay ang pisikal at bayolohikal na katangian at kulturang nagisnan.
Anong konsepto ang ipinahihiwatigng nasa itaas?
A. Ang lahi ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng tao
B. Ang politika ay pamumuno ng isang pangkat
C. Relihiyon ay iyong paniniwala/pananampalataya sa buhay
D. Ang wika ay ginagamit upang magkaroon ng pagkakaintindihan
4. Ang wika ay nagbibigay ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa
isang pangkat. Kaya ito ay nagsisilbing kaluluwa ng isang kultura. Kultura na dapat
pagyamanin at panatilihing buhay sa pamamagitan ng paggamit nito sa araw-araw na
pamumuhay. Sa paggamit mo nito kahit saan ka man pumunta ay nagpapakita na
ikaw ay may pagmamahal sa iyong sariling pagkakakilanlan. Handa mong
ipagsigawan ang ginagamit mong wika. Anong katangian mayroon ang ipinakikita
nito?
A. Tumutulong sa paggamit ng ibang linggwahe kahit napipilitan
B. Mapagmalaki sa sariling wika na may dangal at respeto sa iba
C. Mapagmalaki sa iyong sariling wika kahit ikaw ay nakakatapak na ng iba
D. Walang paki sa paggamit ng sariling wika kahit hindi naiintindihan ng iba
13
5. Ang mundo ay may iba’t-ibang wikang ginagamit kaya maaaring magkaroon ng
maraming suliranin na haharapin. Tulad nalang ng pagkakaroon ng away ng mga
bansa na magdudulot ng digmaang walang katapusan na ang simula ay simpleng
salita na binigyan ng ibang kahulugan. Sa sitwasyong ibinigay, anong solusyon nito?
A. Maging agresibo sa lahat ng bagay
B. Hindi makinig sa sinasabi ng kalaban at ituloy ang digmaan
C. Gumamit ng dahas dahil alam mong wala kang kasalanan
D. Alamin muna ang ibig ipahiwatig/kahulugan sa kabilang pangkat upang
maiwasan ang digmaan
6. Kahit saan tayo pumunta sa mundo hindi natin maiiwasan na may mga bagay na
sa tingin natin ay tama ngunit para sa iba ay mali. May bansa na ang daga ay kanilang
sinasamba dahil sila ay may sariling paniniwala na ito ay nagdadala ng kaginhawaan
sa buhay nila. May ibang bansa na ang daga ay peste sa kanilang pananim at
nagdudulot ng sakit. Kaya mas mabuti kung ikaw ay may pagkakataon na makapunta
sa ibang bansa ay malaman mo ang kanilang mga kultura tulad nalang kanilang
relihiyon at gawi. Anong katangian ang ipinapakita ng sitwasyon?
A. Magkaroon ng kaalaman para maging matalino sa mata ng ibang tao
B. Karunungan upang hindi makakasakit o makakatapak ng ibang kultura
C. Pagiging responsable bilang miyembro ng iyong lahi
D. Walang pake sa ibang kultura ng tao
7. Maraming paraan para mapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng
iba’t-ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala. Tulad nalang ng
pagsunod sa mga alituntunin ng pangkat na iyong kinabibilangan o kahit ikaw ay nasa
ibang pangkat man. Pagpapakita na hindi ka taliwas sa kanilang pinaniniwalaan
bagkus ikaw ay bukas ang isipin na kayo ay may magkaibang paniniwala. Huwag
insultuhin sa pamamagitan ng pagtawa o galit sa bagay na may halaga sa kanilang
paniniwala. Anong katangian ang ibig ipahiwatig nito?
A. Pagbibigay respeto sa pagkakaiba ng relihiyon
B. Pagkakaroon ng disiplina bilang Pilipino
C. Pagiging responsable bilang tao na may moral
D. Pagiging tapat na hindi mo gusto ang kanilang relihiyon
8. Marami ng ibang lahi ang pumupunta dito sa Pilipinas. Iba’t-ibang lahi kaya may
iba’t-iba ding kultura na maaring madala dito at maari ring makuha natin. Kaya hindi
maiiwasan na may mga tao na ang kanilang pilosopiya ay naging katulad na rin ng
taga ibang bansa. Kung ano ang nakagawian na gawin, yun din ang kanilang gustong
maging gawi. Anong konsepto ang ipinahihiwatig nito?
A. Mapagmataas sa sariling kultura
B. Mas mababa ang tingin sa sariling kultura
C. Pag gusto dapat laging makukuha na mentality
D. Adaptasyon sa mga bagay na makakabuti sa sarili
14
Karagdagang Gawain
Gawain 7: Entrance and Exit Slip
Panuto: Punan ng matapat na sagot ang entrance at exit slip. Sa
pagkakataong ito inaasahan na masasagot mo nang wasto ang gawain.
ENTRANCE SLIP
EXIT SLIP
Ang alam ko sa wika_____________.
Ang natutuhan ko tungkol sa
Ang alam ko sa relihiyon ___________.
wika ____________________.
Ang alam ko sa lahi/pangkat-etniko __.
Ang natutuhan ko tungkol sa
relihiyon________________.
Ang natutuhan ko tungkol sa
lahi/pangkat-etniko_________.
Ang palagay ko tungkol sa
wika _____.
Ang palagay ko tungkol sa
relihiyon ___.
Ang kahalagahan ng wika,
relihiyon at lahi/pangkat-etniko
___________________________.
Ang palagay ko tungkol sa
lahi/pangkat-etniko ______.
15
Susi sa Pagwawasto
Wika
Relihiyon
Kristiyanismo
Ethnos
Hinduismo
Religare
Lahi/pangkat-etniko
Austronesian
Relihiyon
Indo-European
Gawain
Gawain 1
Wika
Niger-Congo
Indo-European
Afro-Asiatic
Austronesian
Relihiyon
Pangkat-etniko
Hinduismo
Tsino
Kristiyanismo
Taiwanese
Islam
Pilipino
Budhismo
Amerikano
Tuklasin
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
Asya
Africa
Antartica
Europe
Australia
D
C
A
A
B
A
A
C
Subukin
Balikan
6. B
4. B
2. C
5. D
3. A
1. D
8. D
7. A
TAYAHIN
Sanggunian
Books
Modyul ng Kabihasnan ng Daigdig 8
Images
https://depositphotos.com/vector-images/qipao.html?qview=111095510
https://www.dreamstime.com/stock-illustration-animation-indian-family-vector-illustration-full-growthwhite-background-image63558010
https://www.dreamstime.com/couple-cartoon-characters-philippines-traditional-costume-vectorimage183744501
https://www.slideshare.net/yajespina/heograpiyang-pantao
https://www.slideshare.net/olhen/deepen-heograpiyang-pantao
https://www.slideshare.net/whosign/araling-panlipunan-grade-8-aralin-1-heograpiyang-to-heograpiyang-pantao
https://www.slideshare.net/jonnel4545/heograpiyang-pantao-51257395
https://tl.wikipedia.org/wiki/Heograpiyang_pantao
https://www.ethnologue.com/guides/largest-families
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
16
Download