Uploaded by nhel tV

DLP CHARACTER EDUCATION 4 Q1-Q4

advertisement
1ST
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Naisasagawa ng palagian ang paghahanda ng pagkain sa malinis na paraan
II. Paksang Aralin
Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kalinisan
I.B
: Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P.E.L.C. : EKAWP P.1
Kagamitan : tubig, sabon, kutsara, sandok at apron
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Anu-ano ang mga paraan upang magkaroon ng isang malusog na pangangatawan?
Magiging malusog ka kaya kung malakas kang kumain ngunit marumi naman ang iyong
kinakain?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang sabon, tubig, kutsara at iba pa. Saan ginagamit ang mga ito?
2. Ilahad ang Kuwento.
Masipag at malinis na may bahay si aling Maria sinisiguro niyang handa at malinis ang
kanilang tahanan lalo na ang hapag kainan. Hinuhugasan niya ang anumang gamit sa
pagluluto. Resulta nito, malusog at hindi sakitin ang bawat miyembro ng pa nilya.Kakaiba si
Aling Lita, hindi niya alintana ang alikabok sa kanilang tahanan. Bumibili rin siya ng lutong
pagkain. Kung magluluto man, kaniya itong minamadali at halos hindi ma .lugasang mabuti
ang mga gamit sa pagluluto. Pavat at sakitin ang mga anak nito.
3. Pagtalakay sa Kuwento
a. Paghambingin si Alina Maria at Aling Lita gayundin ang kanilang mga anak.
b. Bakit sakitin ang mga anak ni Aling Lita?
c. Sino sa kanila ang dapat pamarisan? Bakit?
4. Paglalahat
Papaano mo dapat ihanda ang pagkain?
5. Pagsasanay
a. Hatiin ang klase sa apat.
b. Hayaang umisip ang bawat pangkat kung paano nila ipakikita ang malinis na paraan ng
paghahanda ng pagkain.
IV. Pansariling Pagsusulit:
Ilahad ang mga bagay/ pagkain tulad ng bayabas, mansanan, sinigwelas, mangkok, kutsara at
tubig na dala ng mga bata.
Gawin ang mga bagay na ito ang wastong paghahanda ng pagkain.
1
V. Kasunduan:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang dapat tandaan upang maging malusog ang ating pangngatawan?
2. Paano ka makakaiwan sa mga sakit tulad ng diarrhea, sakit sa atay at iba pa?
2
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Naghuhugas ng kamay bago humawak ng pagkain
II. Paksang Aralin
Paghuhugas ng Karnay Bago I lumawak ng Pagkain
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kalinisan sa paghahand ng pagkain
I.B
: Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P.E.L.C. : EKAWP p.2
Kagamitan : Individual Health Inspection Chart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagtitsek ng Individual Health Inspection Chart
2. Talakayin isa-isa ang mga nilagyang tsek at ekis sa IHIC.
B. Panlinang na Gawain
1. Ano-anong dapat gawin bago kumain?
2. Ilahad ang kwento at talakayin.
Madalas na makipag-unahan sa pagkain si Benjie. Sumugod agad siya sa hapag kainan
nang hindi naghuhugas ng kamay. Kapag tinatanong isya ng kanyang Nanay na sasagot siya
na gumagamit naman ng kutsara tinidor.
_____ Tama ba ang ginagawa, ni Benjie? Bakit?
_____ Dapat ba siyang tularan? Bakit?
_____ Kung kapatid mo siya, ano ang ipapayo mo sa kanya? Bakit?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin bago humawak ng pagkain? Bakit?
D. Paglalapat
Ano ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay bago humawak ng pagkain? Ipakita ang
wastong paraan ng paghuhugas ng kamay sa mga bata.
IV. Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutanG papel. Ano ang dapat gawin bago
humawak ng pagkain?
1. Ano ang dapat gawin bago humawak ng pagkain?
a. maghugas ng kamay
c. maglaro
b. sumulat
d. magbasa
2. Kailangan bang maghugas ng kamay bago kumain (gagamit ng kutsara) kahit gumamit ng
kutsara't tinidor?
a. oo
c. minsan
b. hindi
d. pag may nakakakita
3. Paano mo huhugasan ang iyong mga kamay bago kumain?
a. ilublob lang ang kamay sa isang tabong tubig
b. banlawan lang ang kamay
c. banlawan at sabunin at muling banlawan sa malinis na tubig.
3
V. Kasunduan:
Ano ang dapat gawin sa hilaw na prutas/gulay bago kainin?
4
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Hinuhugasan ang hilaw na prutas / gulay bago kainin
II. Paksang Aralin
Paghuhugas ng Hilaw ng Prutas/Gulay Bago Kainin
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
P.E.L.C. : EKAWP P.1
Kagamitan : larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ipaawit ang "Bahay Kubo".
2. Ano anong gulay ang binanggit sa awit?
B. Panlinang na Gawain
1. Ano ang kilala mong prUtas? Bago mo ito kainin, ano ang ginagawa mo sa prutas?
2. Ipabasa at talakayin
NaMitas ng sinegwelas ang magkakaibigang Andy, Jetjet at Pot-pot. Habang namimitas
ng sinegwelas, kumakain na sina Any at Jet jet. Si Pot-pot ay inipon mun ang mga napitas na
sinegwelas at inilagay sa isang supot. pagdating sa bahay, hinugasan niya itong mabuti at
saka kinain.
_____ Sino ang tama ang ginawa? Bakit?
_____ Dapat bang tularan si Pot-pot ay inipon muna ang mga napitas na sinegwelas at
inilagay sa isang supot. Pagdating sa bahay, hinugasan niya itong mabuti at saka
kinain.
_____ Sino ang tama ang ginawa? Bakit?
3. Anu-anong gulay ang kinakain .ng hilaw?
4. Ano ang dapat gawin at tandaan sa mga gulay at prutas bago ito kainin?
C. Ano ang dapat gawin at tandaan sa mga gulay at prutas bago ito kainin?
D. Paglalapat
Ano ano ang mga pagkain na dapt hugasan bago kainin?
Papaano huhugasan ang mga gulay na kinakaing hilaw tulad ng letsugas, karnatis at iba pa?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang dapat gawin sa gulay/prutas bago kainin?
a. ilublob sa tubig
c. hugasang mabuti
b. ibabad sa sabon
d. ibilad sa araw
2. Anu-anong mga gulay ang dapat hugasan bago kainin?
a. sitaw, kalabasa, repolyo
b. karnatis, carrots, kamote
5
c. gabi. patola, talong
V. Kasunduan:
Igawa ng listahan ang mga gulay na dapat hugasan bago kumain.
6
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Gumagamit ng sandok, kutsara sa pagkuha at pagtikim ng pagkain
II. Paksang Aralin
Paggamit ng Sandok, Kutsara sa Pagkuha at Pagtikim ng Pagkain
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
P. E.L.C. : EKAWP p.1
Kagamitan : larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ano ang inyong gustong-gustong ginagawa kapag nasa bahay?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan ng Nanay na nagluluto.
_____ Ano ang ginagawa ng Nanay sa larawan?
_____ Ano kaya ang ginagawa niya upang malamang timplado ang kanyang niluluto? Paano
kaya niya ito ginagawa? Ano kaya ang pinagkukuha niya ng kanyang titikman?
2. Ipabasa at talakayan.
Nagluto ng pansit ang iyong Ate. Paano niya malalaman na masarap o ayos na ang timpla
ng kanyang iniluluto?
_____ Anong kasangkapan ang kanyang gagamitin sa pagtikim?
_____ Bakit dapat gumamit ng ibang kutsara sa pagtikim ng niluluto?
C. Paglalahat
Kung nais mong malaman kung timplado na ang iyong niluluto, ano ang iyong gagawin?
Bakit?
D. Paglalapat
Ipabigkas ang tugma.
Sa pagkuha ng pagkain Sandok ay gamitin
Kung nais mong tumiklm Kutsara'v gamitin
Huwag itong kamayin
IV. Pansariling Pagsusulit:
1. Nais mong tikman ang nilutong ulam ng iyong Lola. Alin ang iyong gagamitin?
a. baso
b. tinidor
c. sandok
d. kutsara
2. Gusto mo kumuha ng fruit salad sa bowl. Alin ang iyong gagamitin?
a. pala
b. plastito
c. sandok
d. kutsilyo
3. Saan ginagarnit ang kutsara?
a. sa pagkuha ng inumin
c. sa paglalagay ng sabon sa washing machine
b. sa pagtikim ng pagkain
d. sa pagsusulat
V. Kasunduan:
7
Saan dapat ilagay ang mga pagkain pagkaluto?
8
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Pinakukuluan ang tubig kung hindi ito siguradong ligtas para inumin
II. Paksang Aralin
Pagpapakulo ng Tubig para sa Inumin
B.P.
: Kalusugan
K.P. : Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
I.B
: Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P. E.L.C. : EKAWP p.2
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pahulaan.
Iayos ang mga baligtad na titik. U-T-I-G-B
B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad ang tugma at talakayin
Tubig ay tipirin,
Maayos itong gamitin
Ito'y ating ingatan
Huwag aksayahin
Krisis sa enerhiya
Dapat nating Isipin
Upang pagdating ng araw
Ay mayroon pang gamitin
_____ Mahalaga ba ang tubig?
_____ Anu-ano ang garnit ng tubig?
_____ Maari bang inumin ang lahat ng tubig? Bakit?
2. Ipabasa at talakayin
Umakyat sa bundok ang mga Grade IV na Boy Scouts ng Mababang Paaralan ng
Maligaya. Sa kasabikan, nalimutan ng mga bata na dalhin ang inihanda nilang gallon ng
tubig. Walang poso sa bundok. Batis at balon lamang ang tanging pinagkukunan ng tubig
doon.
Ano ang dapat gawin ng mga bata bago uminom ng tubig?
Ano ang maaring mangyari sa mga bata kung iinom kaagad ng tubig mula sa balon?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin upang laging magsigurong ligtas ang tubig na inumin?
D. Paglalapat
Ipabasa ang tugma.
Ating kalusugan ay tunay na mahalaga
Huwag iinom ng tubig kapagdaka
Bago ito inumin pakuluan muna.
IV. Pansariling Pagsusulit:
9
Sagutin ng 2 o 3 pangungusap.
Naghiking ang mga batang lalaki sa Grade IV ng Paaralang Bayan ng San Isidro. Tanging balon
lamang ang mapagkukunan ng tubig sa kabundukang kanilang inakyat. Wala silang dalang maraming
tubig para inumin?
V. Kasunduan:
Magtala ng kahalagahan ng tubig sa buhay ng tao, halaman, at hayop.
10
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Napananatiling malinis at maayos ang sarili sa paghahanda at pagluluto ng pagkain
II. Paksang Aralin
Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
I.B
: Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P. E.L.C. : EKAWP p.2
Kagamitan : Larawan ng dalawang ginang, isang malinis at maayos at isang marumi habang
nagluluto.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat gawin sa tubig halimbawang hindi ito siguradong ligtas para inumin?
2. Pagganyak
Napanood ba ninyo ang patalastas sa T.V. tungkol sa "Maggi"? Ilarawan ang bidang
babaeng nagluluto.
B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad ang larawan.
Sino sa kanila ang mukhang masarap ang niluluto? Bakit?
2. Ilahad ang kwento.
Ang Aling Nena's Carinderia ay kilalang kainan sa bayan ng Sta. Lucia. Masarap, mura at
siguradong malinis ang paghahanda ng pagkain dito dahil nakikita ang mga mamimili kung
paano ito ihanda. Sa tapat nito ay may nagtayong malaking restaurant. Dahil may pintura at
mukhang de-klase, dinumog ito ng mga tao. Isang araw, maraming, tao ang nagbalik at
nagreklamo sa may-aaring restaurant dahil nagsisakit ang kanilang tiyan matapos kumain ng
"Pansit Canton". Natanto nila na maging ang raga kusinera ay marumi, ang mahabang buhok
ay nakasabog at halos hindi makaugaga.
3. Pagtalakay
a. Paghambingin ang Aling Nena's Carinderia sa bagong tayong restaurant.
b. Bakit sumakit ang tiyan ng mga kumain sa restaurant?
C. 1. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa paghahanda ng pagkain?
2. Pagsasanay
a. Ilabas ang mga dala sa paghahanda ng pagkain.
b. Hayaang ipakita ang kilos ng mga bata ang wastong paghahanda ng pagkain.
3. Paglalapat
Sa inyong tahanan, paano maghanda ng pagkain si Nanay o ate? Ilarawan.
11
Tumutulong ka ba sa malinis na paghahanda ng mga ito?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Lagyan ng tsek () kung ito ay ang malinis at maayos na paghahanda ng pagkain at (X) ekis
kung hindi.
_____ 1. Paggamit ng Apron.
_____ 2. Tinatalian ang mahabang buhok bago magluto.
_____ 3. Hindi nilalagyan ng takip ang mga sangkap sa pagluluto.
V. Kasunduan:
Itala ang wastong paraan sa paghahanda ng pagkain.
12
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Gumagamit ng apron
II. Paksang Aralin
Paggamit ng Apron
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
P. E.L.C. : EKAWP p.2
Kagamitan : Larawan, apron
III. Pamamaraan:
A. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan ng Nanay na nagluluto (Naka-apron)
Ano ang napansin ninyong suot ng Nanay sa pagluluto?
2. Ano ba ang kahalagahan ng apron?
Bakit kinakailangang gumamit ng apron sa pagluluto?
3. Pangkatin ang mga bata at ipatala ang kahalagahan ng paggamit ng apron. Isulat sa pisara ang
mga naitala ng mga bata sa bawat pangkat at panghambingin.
B. Paglalahat
1. Ano ang dapat isuot ng isang naghahanda ng pagkain?
2. Anu-ano ang kahalagahan ng paggamit ng apron?
C. Paglalapat
1. Kung ikaw ay maghahanda at magluluto ng pagkain, ano ang iyong dapat isuot?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa paghahanda at pagluluto ng pagkain, alin ang dapat mong gamitin upang mapanatiling malinis
at maayos ang iyong sarili?
a. suklay
c. apron
b. polbo
d. lipistick
2. Bakit dapat gumamit ng apron?
a. upamg gumanda
b. upang mapanatiling maayos at malinis ang sarili
c. utos ng Nanay
d. upang hangaan ka ng makikita sa iyo
V. Kasunduan:
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng apron.
13
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Tinatalian ang buhok o iniipitan ang buhok
II. Paksang Aralin
Pagtatali o Pag-iipit sa Buhok
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
PELC
: EKAWP p.2
Kagamitan : Kagamitan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-anong gamit mo sa iyong buhok kung inaayos mo ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Sinu sa inyo ang sanay magluto?
2. Ilahad ang larawan ng Nanay na nagluluto
______ Ano ang ayos ng buhok ng Nanay sa larawan?
______ Bakit kaya kinakailangang talian o ipitan ang buhok kung nagluluto?
3. Ikuwento at talakayan.
Ang magpinsang Edna at Pearla ay mahilig magluto. Tuwing Sabado ay nagluluto sila ng
meryenda at tanghalian para sa kanilang mga pami-pamilya. Si Edna ay maayos sa pagluluto
sa mga kagamitan sa pagluluto at maging sa sarili samantalang si Perla ay sanay sa kanyang
nakaugaliang nakakalat ang mga gamit habang nagluluto pati raga pinagbalatan ng gulay o
sangkap sa kanyang iniluluto. Sa sarili man niyang ayos ay hindi siya gaanong maayos.
Sino sa dalawang babae ang dapat na tularan? Bakit?
Anong magandang katangian ang dapat tularan kay Edna?
Ano ang kahalagahan ng maayos sa sarili kung nagluluto?
4. Pangkatin ang mga bata at magpatala ng mga dapat gawin sa sarili upang maging maayos at
malinis habang nagluluto. (Lalo na ang buhok)
C. Paglalahat
Paano mo mapananatiling maayos at malinis ang iyong buhok habang nagluluto?
D. Paglalapat
Bakit kinakailangang talian o ipitan ang buhok habang nagluluto?
IV. Pansariling Pagsusulit:
1. Si Lala ay maghahanda ng pagkain. Ano ang dapat niyang gawin sa mahaba niyang buhok?
a. gupitin
b. ilugay
c. talian/ipitan
d. hawakan habang nagluluto
14
2. Ano ang kahalagahan ng pagtatali o pag-iipit sa buhok habang nagluluto?
a. mapananatili itong maganda
b. mapapanatili itong maayos
c. maiiwasan ang paglaglag ng hibla ng buhok sa iniluluto
d. hindi ka mapapansin ng Nanay mo
V. Kasunduan:
Gumuhit ng isang sitwasyon o kalagayan habang nagluluto na nagpapakita na maayos ang buhok
habang nagluluto.
15
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Gumagamit ng malinis na mga lutuan at lalagyan
II. Paksang Aralin
Paggamit ng malinis na Lutuan at Lalagyan
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kalinisan sa paghahanda ng pagkain
P. E.L.C. : EKAWP p.2
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Saan dapat ilagay ang mga lutong pagkain
B. Panlinang na Gawain
1. Anu-anong kasangkapan ang ginagamit na lutuan at lalagyan sa kusina?
2. Ipakita ang larawan ng mga lutuan at lalagyan sa isang kusina
_____ Ano-ano ang mga nasa larawan.
_____ Ano ang dapat tiyakin bago ito gamitin? Bakit?
3. Pangkatin ang mga bata. Pagusapan ninyo kung ano-ano ang dapat gawin sa mga kasankapan
sa kusina bago ito gamitin.
4. Tiyakin ang mga napag-usapan ng bawat grupo.
C. Paglalahat
Ano ang dapat pakatandan sa mga kagamitan at maging sa lutuan bago ito gamitin? Bakit
dapat panatilihin ang kalinisan ng mga ito?
D. Paglalapat
Bakit kinakailangang gumamit ng malinis na mga lutuan at lalagyan sa pagluluto ng pagkain.
IV. Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sulatang papel.
1. Magsasaing ka at napansin mong marumi ang kaldero, ano ang iyong gagawin?
a. pupunasan ito
c. Papagpagan ito
b. lilinisin ito
d. hihipan ito
2. Nagluto ka ng sinampalukang manok, saan ma ito ilalagay?
a. sa tabo
c. sa plastic bag
b. sa kaserolang malinis
d. sa pinggan
3. Bakit kinakailangang gumamit ng malinis na mga lutuan at lalagyan ng pagkain.
a. upang makatipid
b. upang magandang tingnan
b. upang makasigurong ligtas sa sakit, mikrobyo o alikabok
V. Kasunduan:
Ano ang kahalagahan ng kalinisan sa kusina at kagamitan sa kusina?
16
17
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Kumakain ng tama at wastong dami ng pagkain
II. Paksang Aralin
Pagkain Nang Tama at Wastong Dami ng Pagkain Batayang pagpapahalaga:
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kaangkupang Pisikal
I.B
: Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan at kaayusan
P. E.L.C. : EKAWP p.2
Kagamitan : Chart ng Go, Grow at Glow Foods
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Magpaehersisyo
B. Panlinang na Gawain
1. Mahalaga ba ang ehersisyo? Bakit?
2. Bukod sa ehersisyo, ano pa ang kailangan ng ating katawan?
3. Ilahad ang larawan ng chart ng Go, Grow at Glow Foods at talakayan.
4. Ipabasa at talakayan.
Ang ina ni Didi ay palaging naghahanda ng kumpletong pagkain Laging may Go, Glow
at Grow foods sa tanghalian, hapunan at maging sa agahan ay palaging may pritas. Tinitiyak
niyang inuubos ni Didi ang isa o higit pang tasa ng kanin. isda at isang platong gulay.
_____ Kayo rin ba ay kumakain ng wastong dami at uri ng pagkain? Bakit?
_____ Ano ang kahalagahan ng wastong uri ng pagkain?
5. Pangkatin ang mga bata at ipalista ang mga pagkaing dapat kainin ng isang bata at raga
pagkaing hindi dapat kainin.
C. Papaano mo mapangangalagaan ang sariling kalusugan?
Anu-ano ang rnga dapat mong kainin? Bakit?
D. Paglalapat
Lagyan ng tsek ang nagpapakita ng pangangalaga sa kalusugan at X kung hindi.
_____ pag-eehersisyo
_____ pag-inom ng gatas
_____ pagkain ng junk foods
IV. Pansariling Pagsusulit:
1. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong kainin?
a. maraming kanin at kaunting ulam
b. isang tasang kanin, isang isada o isang hiwang karne, gulay at prutas
c. tinapay at softdrinks
d. candy, coke, tinapay
18
2. Dapat bang kumain ng prutas araw-araw?
a. oo
c. hindi
b. minsan
d. siguro
3. Mahalaga ba ang gulay sa ating katawan?
a. maraming hindi
c. minsan
b. oo
d. siguro
V. Kasunduan:
Sumulat ng isang sanaysay na may pamagat na "KAHALAGAHAN NG WASTONG
PAGKAIN"
19
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Nagpapahinga pagkatapos ng mabigat na gawain
II. Paksang Aralin
Kamalayang Pangkalusugan
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kaangkupang Pisikal
I.B
: Naipamamalas ang kamalayan sa kanais-nais na Gawain sa pagpapaunlad ng
kaangkupang pisikal
P. E.L.C. : EKAWP p.1
Kagamitan : Larawan ng mabibigat na gawain tulad ng pag-aararo. paglalaba at paglalaro.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano ka magkakaroon ng isang malusog at malakas na pangangatawan?
2. Pagganyak:
May alam ka bang mabigat na gawain/trabaho bilang isang bata?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga larawan. Maituturing bang mabigat na gawain ang inyong nakikita?
2. Ilahad ang kwento.
Si Mang Juanito ay isang magsasaka. Kadalasan ay maghapon siya sa bukid. nag-aararo,
nagbubunot no- damo at kung minsan ay nagsasabog ng pataba. Pagdating sa bahay
namamahinga muna bago maglinis ng katawan. si Ariel ang kanyang nag-iisang anak, tuwina
sinasabi niya dito na huwag siyang magbabasa lab na kung pagod sa paglalaro. Lubhang
matigas ang ulo ni Ariel. Minsan basang-basa siya ng pawis ng siya ay tuloy tuloy nagpunta
sa poso upang maglinis. Biglaan ang pananakit ng kanyang ulo at nanginglnlg ang kanyang
tuhod, dahil dito siya ay napaiyak. Inihatid siya ng kanyang mga -kamag-aral sa kanilang
tahanan.
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Mang Juanito
b. Paano niya iniingatan ang kanyang sarili?
c. Sino ang kanyang kaisa-isang anak? Ilarawan ito.
d. Ano ang nangyari sa kanya?
C. 1. Paglalahat:
Ano ang dapat gawin matapos ang isang mabigat na gawain?
2. Pagsasanay:
a. Hatiin ang klase sa dalawa.
b. Hayaang umisip sila ng mga mabibigat na gawain na isasadula.
c. Sabihin sa kanila ang isang pangkat ay mag-iingat sa katawan at iba naman at pabaya.
d. Ipakita ang mabuti at masamang dulot nito.
20
3. Paglalapat
Katulad ka rin ba ni Ariel na hindi marunong sumunod sa magulang? Ano ang masamang
dulot nito? Itala.
IV. Pansariling Pagsusulit:
Punan ang patlang ng kaisipang natutunan.
Mula ngayon ako ay _____ muna pagkatapos ng isang mabigat na gawain. ______ sa mga
pinangangaral ng aking mga magulang at ______ ang sariling katawan.
V. Kasunduan:
Magtala ng sampung mabibigat na gawain sa tahanan, paaralan at bukid
21
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Naisasagawa nag palagiang pagkonsulta sa duktor/dentista
II. Paksang Aralin
Kamalayang Pangkalusugan
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kaangkupang Pisikal
I.B
: Naipamamalas ang kamalayan sa kanais-nais na Gawain sa pagpapaunlad ng
kaangkupang pisikal
P.E.L.C. : EKAWP p.3
Kagamitan : Larawan ng batang nagpapabunot ng ngipin
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat gawin pagkatapos ng isang mabigat na gawain?
2. Pagganyak
Nagtitiis ka ba halimbawang sumasakit ang iyong ngipin, ulo o di kaya'y tivan? Saan ka
dinadala ng iyong ina?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan.Takot ba siya sa dentista? Ikaw, ilang beses kang purnunta sa
duktor/dentista sa bob ng isang taon?
2. Ilahad ang kwento.
"Ang Pilipino ay may nakaugaliang hindi magandang gwi kapag ang paguusapan ay
tungkol sa duktor/dentista, karaniwan pumupunta lamang sila sa mga ito kung malibha na ang
sakit. resulta. pagbingit sa kamatayan o pagkawala ng buha}". Ito ang maikling nabasa ni
Rosana ng umagang iyon. "Tay, kailangan po pala ay kumukonsulta tayo sa duktor/dentista
minsan man lamang sa isang taon kahit wala tayong nararamdamang kakaiba. Mayroon daw
pong mga libreng programa ang pamahalaan ukol dito". "Anak. sige magbihis ka at may
libreng konsultasyon sa center ngayon." tugon ng ama.
3. Pagtalakay
a. Ano ang nabasa ni Rosana ng umagang iyon?
b. Ito ba ay isang paraan upang maiwasan ang pagkawala no buhay ng mga mahal natin?
c. Saan pwedeng pumunta upang kumunsulata rig libre?
C. 1. Paglalahat
Ano ang dapat gawin upang mapahalagahan ang buhay ng bawat isa sa pamilya?
2. Pagsasanay
a. Pangkatin ang klase sa dalawa (lalake at babae)
b. Magkaroon ng paligsahan sa pagtatala ng mga duktor ahensiya ng gobyerno na
nagbibigay ng libreng konsultasyon.
22
3. Paglalapat
Kayo sa inyong pamilya palagian din ba ang inyong pagkunsulta sa duktor/dentista kahit
walang nararamdaman?
Paano mo sasabihin sa inyo ang kahalagahan ng kalusugan na hindi ka gugugol ng
malaking halaga?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Punan ang patlang ng tamang kaisipang natutunan
Mula ngayon aking isasagawa ang ________sa duktor/dentista. At hindi na muling ______ sa
iniksiyon at hindi na muling ______ halagang gugulin para sa kalusugan.
V. Kasunduan:
Itala ang masamang dulot ng pagpapabaya sa kalusugan.
23
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Kaagad komukunsulta sa doktor kung may palatandaan o sintomas ng sakit
II. Paksang Aralin
Pagkonsulta sa Doktor
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Pag-ayos sa kapaligiran
P. E.L.C. : EKAWP p.4
Kagamitan : larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Anu-anong sakit ang alam ninyo?
Anu-ano ang sintomas o palatandaan ng sakit na beke?
B. Panlinang na Gawain
1. Kung ikaw ay maraming pasa sa iba't-ibang bahagi ng iyong katawan, ano ang iyong
gagawin? Bakit?
2. Ipakita ang larawan ng batang nasa ospital at nakadekstros. Sa inyong palagay, ano ang sakit
ng bata?
Kaagad kaya siyang dinala sa ospital?
Dapat bang isangguni sa doktor ang isang sakit? Bakit?
3. Pangkatin ang mga bata at hayaang pag-usapan kung ano ang dapat gawin kung may mga
palatandaan o sintomas na ng sakit ang isang tao?
C. Paglalahat
Kung mayroon kang palatandaan o sintomas ng isang uri ng sakit, ano ang iyong dapat
gawin? Bakit?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Isulat ang Tama o Mali sa inyong sagutang papel. Dapat ba tayong komunsulta sa doktor kung
_____ 1. hindi maalis-alis ang sipon at ubo mo
_____ 2. laging sumasakit ang tiyan
_____ 3. hindi makahinga
_____ 4. nabusog
_____ 5. tinutubuan ng ngipin
V. Kasunduan:
Ano ang kahalagahan ng pagkonsulta sa doktor?
24
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Sumusunod sa utos at payo ng manggagamot
II. Paksang Aralin
Kamalayang Pangkalusugan
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Kaangkupang Pisikal
I.B
: Naipamamalas ang kamalayan sa kanais-nais na Gawain sa pagpapaunlad ng
kaangkupang pisikal
P.E.L.C. : EKAWP p.4
Kagamitan : Reseta ng duktor/dentista
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Dapat bang magtiis na lamang sa bahay halimbawang may mga sintomas ng sakit?
Ano ang dapat gawin?
2. Pagganyak
Nadala na ba kayo sa duktor?
Ano ang tawag sa maliit na papel na ibinibigay ng doktor? Ano ang nakasulta dito?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga reseta. Mayron ka ba ng mga ito? Ano ang nakasulat dito?
2. Ilahad ang kwento
Minsan isang buwan dumarating sa Health Center ang mga duktor/dentista sa baranggay
Sampalok upang magbigay ng libreng paggagamot. Inuubo't nilalagnat si Crispin kaya dalidali siyang dinala ng kanyang ina sa center. Sinabihan sila ng duktor na kung maari ay huwag
hahayaang matuluyan ng pawis ang likod ng may sakit. Inumin din and dalawang kaklaseng
gamot tatlong beses isang araw. Ito ay kanyang isinulat na Tsang maliit na papel na kung
tawagin ay reseta. Umuwi sila sa bahay at pinainom na ni Aling Lita at Crispin ng mga
gamot.
3. Pagtalakay
a Gaano kadalas dumalaw sa Brgy. Sampaloc ang mga duktor at dentista?
b. Sino ang inuubo't nilalagnat sa kanilang ginagamot?
C. 1. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa payo at utos ng mga duktor o manggagamot?
2. Pagsasanay
Itala ang maaring maging dulot ng pagsuway sa payo at utos ng duktor.
3. Paglalapat
Ikaw, sumusunod ka ba sa utos at payo ng duktor/dentists? Bakit?
25
IV. Pansariling Pagsusulit:
Sagutin ng dapat at di-dapat ang bawat kalagayan.
_____ 1. Sumusunod sa payo ng mga manggagamot.
_____ 2. Umiinom ng labis na gamot na bigay ng doktor.
_____ 3. Kinakaligtaan ang oras ng pag-inom ng gamot_
V. Kasunduan:
Itala ang magandang dulot ng pagsunod sa payo at utos ng manggagamot.
26
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Hindi umiinom ng gamot ng walang reseta
II. Paksang Aralin
Hindi Pag-inom ng Gamot ng Walang Reseta
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C. : EKAWPP p.4
Kagamitan : Larawan, Botelyang may Gamot
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Magbiaay ng mga ngalan ng gamot.
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga botelya ng gamot. Ano ang mga ito? Kailan natin dapat gamitin ang mga ito?
Maari ba tayong uminom ng gamot kahit anong oras? Bakit?
2. Ilahad ang kuwento sa baba at talakayan.
Si Edith ay oras. Ang kapatid niyang si Jennifer ay nag-iiayak sa sobrang sakit ng tiyan.
May mga gamot sa kabinet nila ngunit hindi pumayag si Edith na ipainom ito kay Jennifer. Sa
inyong palagay, bakit hindi pumayag si Edith?
Tama ba ang ginawa ni Edith? Bakit?
Kung kayo si Edith, ano ang inyong gagawin? Bakit?
3. Pangkatin ang mga bata sa 4 at hayaang magtala ng mga bagay na dapat o mga dahilan kung
bakit hindi dapat magpainom ng gamot ng walang reseta ng Doktor.
C. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng reseta ng doktor? Dapat ba itong sundin? Bakit?
D. Paglalapat
Sino ang may karapatang magbigay ng reseta? Dapat ba tayong uminom ng gamot ng walang
reseta ng dokto? Bakit?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang tawag sa nanggagaling sa doktor at ipinakikita sa mga botika kapag bibili ng gamot?
a. resibo
b. reseta
c. tiket
d. piano
2. Kailan dapat uminom ng gamot?
a. kung may gamot sa medicine cabinet
b. kung binigyan ka ng katulong ninyo
c. kung niresetahan ka na ng doktor
27
d. kung iniutos ng iyong Nanay
3. Tama bang uminom ng gamot ng walang reseta ng doktor?
a. hindi
C. Oo
b. siguro
d. siyempre
V. Kasunduan:
Ano ang kahalagahan ng reseta ng doktor?
28
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Nakikilahok sa mga gawain upang maging luntian ang kapaligiran Nagtatanim ng gulay.
puno/palmuti sa bakanteng lote/paaralan/pamayanan.
II. Paksang Aralin
Pagtatanim ng Gulay/Puno at halamang Ornamental sa Bakanteng Lote/Paaralan / Pamayanan.
B.P.
: Kalusugan
K.P. : Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C. : EKAWP p.3
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Ipaawit ang "Magtanim ay Di Biro" at "Bahay Kubo"
Anong mga halaman ang nabanggit sa awit?
Mahalaga ba ang pagtatanim? Bakit
B. Panlinang na Gawain
May malawak na bakuran sina Mang Piring. Tinamnan niya ang isang sulok ng raga gulay,
ang isang bahagi naman ay mga halamang namumulaklak. Sa likod ng mga puno.
Ano ang masasabi ninvyo na ginawa ni Mang Piring?
Dapat ba siyang tularan? Bakit?
C. Paglalahat
Ano ang isang paraan ng pagkakaroon ng malinis at luntiang kapaligiran?
D. Paglalapat
Anu-anong uri ng halaman ang maaring itanim sa bakanteng lote/paaralan at pamayanan?
Upang maging makatuturan ang mga bakanteng lote ano ang maaring gawin sa mga ito?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel
1. Nakita ni Jeng jeng na may bakanteng lote sa likod bahay nila. Paano siya makakatulong upang
maging maunlad at maayos ang bakanteng lote nila?
a. Bunutin ang mga halaman sa harap ng bahay at ilipat sa likod bahay.
b. Tamnan ito ng mga gulay at puno
c. Gawin itong basurahan.
d. Pabayaan nalang na nakatiwang-wang ang lote.
2. Upang maging maganda at luntian ang bahaging likod ng paaralan ano ang maaring gawin ng
mga mag-aral?
a. Ppapinturahan ito ng berde
b. Gawin itong basurahan ng buong paaralan
c. Bungkalin ito at tamnan ng puno, gulay at halaman
d. Gawin itong tambakan ng sirang desk.
V. Kasunduan:
Laging lumahok sa pagtatanim ng mga gulay, puno palamuti sa inyong tahanan. paaralan at
pamayanan.
29
30
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Namamahagi ng mga buto/binhi na natipon para sa pagpaparami ng halaman
II. Paksang Aralin
Pamamahagi ng rnga buto/binhi ng natipon para sa pagpaparami ng halaman
B.P.
: Kalusugan
K.P. : Pag-ayon sa Kapaligiran
P.E.L.C. : EKAWP p.3
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Ano-anong halaman ang dumarami dahil sa mga buto?
Ano-anong mga halaman ang dumarami dahil sa mga sanga nito?
Dalhin ang mga bata sa "Seed Bank" ng paaralan at magpaliwanag tungkol dito.
B. Panlinang na Gawain
Kung kayo ang maraming buto ng halaman, paano mo ito magagawang kapakipakinabang?
Dapat ba itong ipamahagi sa iba? Bakit?
C. Paglalahat
Ano ang maari mong gawin kung ikaw ay maraming binhi o buto ng halaman at ang mga
kapitbahay at kaibigan mo ay wala?
D. Paglalapat
Si Aling Naty ay nakapagtanim ng mga binhi o punlang talong, okra at ampalaya sa kanilang
bakuran at marami pang natira sa kanyang mga binhi o punla, ano kaya ang gagawin ni Aling
Naty sa tirang binhi-punla?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik nag tamang sagot at isulat sa sagutang papel
1. Ano ang nagpaparami sa "Upo"?
a. buto
c. sanga
b. ugat
d. dahon
2. Marami kang binhing talong. Ano ang maari mong gawin sa sobrang binhi?
a. itapon
c. ipamigay sa mga kapitbahay
b. paglaruan
d. pabavaang mamatay
V. Kasunduan:
Ugaliin ang pamamahagi ng mga buto/binhi na natipon para sa pagpaparami ng halaman.
31
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Nakikiisa sa pagtatanim puno sa paaralan/pamayanan
II. Paksang Aralin
Pakikiisa sa Pagtatanim ng Halaman at Puno sa Paaralan o Pamayanan
B.P.
: Kalusugan
K.P. : Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C. : EKAWP p.3
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Ipaawit ang "Magtanum ay di Biro"
B. Panlinang na Gawain
Ipakita ang larawan ng nagtatanim. Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?
Saan tayo maaring magtanim ng puno?
C. Paglalahat
Ano ang dapat mong gawin upang makaiwas tayo sa baha? Upang tayo ay may makuhanan
ng table, panggatong at pagkain?
D. Paglalapat
Ano ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno sa paaralan? sa pamayanan?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Lagvan ng tsek () sa tapat ng iyong sagot sa bawat aytem.
Gawain
1. Nakikiisa sa pagtatanim ng puno at halaman
sa paara l an
2 Lumalahok sa programang "Alay Tanim"
3. Nagtatanim ng puno sa pamayanang kinabibilangan
Lagi
Minsan
Hindi
V. Kasunduan:
1. Bakit tayo dapat magtanim ng puno?
2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno?
32
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Hinihikayat ang mga kaibigan/kapitbahay na gamitin ang Bio-Intensive Gardening (Big)
II. Paksang Aralin
Paghikayat sa mga Kaibigan/Kapitbahay ng Gamitin ang Bio-Intensive Gardening (Big)
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C. : EKAWP p.3
Kagamitan : Larawan at Resource Person (Garden Teacher)
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Ipaawit "Tayo na sa Bukirin"
B. Panlinang na Gawain
1. Papagbigayin ang mga bata ng mga halamang matatagpuan sa kanilang baruran, paaralan at
pamayanan
2. Anu-ano ang wastong paraan ng pag-aalaga ng mga halaman?
3. Anong uri ng pataba ang inyong ginagamit sa inyong mga halaman?
4. Ilahad sa pisara ang salitang ito at talakayan. "BIO-INTENSIVE GARDENING"
5. Papagsalitain ang Resource Person tungkol sa Bio-Intensive Gardening o Big
6. Talakayan: Ano ang Big? Sinu-sino ang maaring gumamit nito? Mainam ba itong gamitin?
Bakit?
C. Paglalahat
Anong pamamaraan ang sasabihin mo sa iyong kaibigan/kapitbahay na mahilig maghalaman
o mahilig sa pagtatanim?
D. Paglalapat
Ano ang kahalagahang dulot ng BIG?
Sinu-sino ang iyong hihikayatin sa paggamit ng BIG? Bakit?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Naggagarden ang iyong kaibigan at tinutulungan mo siya. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
a. Paggamit ng BIG
c. Bumili ng Commercial fertilizer
b. Huwag ka na lang magtanim
d. Iutos mo na lang sa iba ang pagtatanim
2. Nalaman mong mainam o ang kahalagahan ng BIG, ano ang iyong gagawin?
a. Sasarilinin ang natuklasang kaalaman
b. ibabahagi sa mga kaibigan at kapitbahay ang natuklasan tungkol sa BIG
c. inggitin ang iyong mga kaibigan
d. inisin ang iyong mya kapitbahay
V. Kasunduan:
Itala ang mga kahalagahan o pakinabang na makakamit sa paggamit ng Bio-Intensive Gardening
sa isang Typewriting paper.
33
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
 Sinasabi sa mga kaibigan/kapitbahay ang kahalagahan ng kapaligiran
II. Paksang Aralin
Pagsasabi sa mga kaibigan/kapitbahay ang kahalagahan ng kapaligiran
B.P.
: Kalusugan
K.P.
: Pag-ayon sa Kapaligiran
P. E.L.C. : EKAWP p.3
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ipakita "TAPAT KO LINIS KO".
Ano ang masasabi mo rito?
Ano ang pinahahalagahan dito?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan ng: (isa-isa) malinis at maayos na kapaligiran, nagkalat na basura sa
lansangan, maruming ilog at puro basura.
2. Alin sa mga larawan ang kahawig ng ating paaralan?
3. Ano ang masasabi mo sa unang larawan at nasabi mo na ito ang kahawig ng ating paaralan?
4_ Dapat ba nating pangalagaan at linisin ang ating kapaligiran? Bakit?
C. Paglalahat
1. Anu-anong masasabi ninyong kahalagahan ng ating kapaligiran?
2. Anu-anong mga pangangailangan natin ang nagmumula sa ating kapaligiran? Bakit?
D. Paglalapat
1. Anu-ano ang iyong maaring gawing bakbangin upang maiparating mo o maipakita mo sa
iyong mga kaibigan at kapitbahay na mahalaga ang ating kapaligiran?
IV. Pansariling Pagsusulit:
Isulat ang iyong gagawin o sasabihin sa bawat sitwasyon.
1. Nakita mo ang iyong kaibigan na nagkakalat ng balat na mani sa harap ng simbahan.
2. Sinisita ng mga kambing ng iyong tiyuhin ang mga halaman ng inyong kapitbahay.
3. Nakita mo ang iyong kapitbahay na magtatapon ng patay na hayop sa bakuran ng iyong Lolo.
V. Kasunduan:
Sumulat ng isang sanaysay na may pamagat na “KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN".
34
2ND
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Nasusuri ang mga anunsiyo at propagandang narinig/nabasa
II. Paksang Aralin
Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
B.P.
:
Katotohanan
K.P.
:
Mapanuring Pag-iisip
I. B.
:
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo
ng pasiya ELC, p. 9
Kagamitan: Iba’t-ibang babasahin na may anunsiyo
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
(Ipakita ang nga babasahin) Ano ang mga ito? Anu-ano ang ,mga makikita
ninyo rito? Kung gusto ninyong hanapin ang tungkol sa anunsiyo sa trabaho,
anong bahagi ang hahanapin mo?
B. Panlinang na Gawain
1. Hindi lamang sa mga babasahin tayo makakikita ng mga anunsiyo gayundin
sa mga radyo at telebisyon, tayo ay makikita at makaririnig rin ng mga
anunsiyo. Pero ang malaking katanungan lahat kaya ng anunsiyo ay
nagsasabi ng katotohanan? At kung hindi, paano natin masusuri ang mga
ito ng sa gayon ay huwag tayong maloko.
2. Ilahad ang kuwento
Si Sylvia ay may kaitiman nais sana niya na pumusyaw ang kanyang
kulay. Nasubukan na niya ang paggamit ng kalamansi, gayundin ang
paghihilamos at pagpapaligo ng iba't ibang klaseng gatas ngunit ang lahat
ng ito ay pawang walang epekto sa kanyang kulay. Hanggang isang araw,
habang siya ay nanonood ng telebisyon napukaw ang kanyang pansin ng
isang anunsiyo tungkol sa lotion na nakapagpapaputi sa loob lamang ng
tatlong linggo. lnilista niya ang pangalan nito at siya ay madaliang nagpunta
sa palengke upang bumili. May kamahalan ang presyo nito pero hindi niya
ito inalintana. Ng siya'y dumating sa bahay daglian siyang naligo at
nagpahid ng lotion sa kanyang buong katawan. Hindi pa nagtatagal
nakaramdam siya ng init at pangangati sa kanyang katawan, inakala niyang
natural lamang ito. Hanggang lumitaw ang naglalakihang pantal at ang
labis na pangangati na halos hindi na niya matiis. Dinala siya sa pagamutan
at doo'y natanto niyang siya'y na-allergy at hinatulang huwag ng gumamit
nito (lotion).
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Sylvia?
35
b.
c.
d.
e.
Ano ang kanyang nais?
Anu-ano ang kanyang ginawa upang ito ay makamit?
Bakit siya nangangati?
Ano ang naging payo sa kanya ng doktor?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa mga propagandang narinig o mabasa? Dapat
bang suriin muna ang mga anunsiyo bago paniwalaan?
D. Paglalapat
Sa iyong sariling palagay, anu-ano ang mga basihan para sa iyo upang
malaman na ang mga anunsiyo ay dapat paniwalaan? Kailangan bang
maganda ang pagkakasulat nito o di kaya'y pagkakagawa.
IV. Pagtataya
Basahin at suriin ang mga sumusunod na anunsiyo, Lagyan ng tsek () ang
dapat paniwalaan at (X) ang hindi.
______ 1. Sabong X, hindi na kailangang kusutin ang labada, ibadbad lang kusang
nawawala kahit na ang pinakamakapit na mantsa.
______ 2. “Trabaho agad, pasahod P 10,000 pataas, hindi kailangan ang
karanasan sa trbaho. Magamadali at pumunta sa 3rd floor Hidalgo Bldg.,
San Rafael St., Balit Metro Manila".
______ 3. “Para sa nagsasakitang buto uminom lamang ng Alaxan, mura na
mapagkakatiwalaan pa".
V. Takdang-Aralin
Isulat ang anusiyo sa telebisyon, radyo at mga babasahin na nakapukaw sa
iyong pans in at inaakala mong nagsasabi ng ka totoohanan.
36
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Naiwawaksi ang wala ng kabuluhan/di-karapat-dapat na impormasyon upang
makapagpasiya ng tama.
II. Paksang Aralin
Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
B.P.
:
Katotohanan
K.P.
:
Mapanuring Pag-iisip
I. B.
:
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo
ng pasiya ELC, p. 9
Kagamitan: Iba’t-ibang babasahin na may anunsiyo
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Dapat bang paniwalaan ang bawat anunsiyong mabasa, narinig o
napanood?
2. Pagganyak
Muling ipakita ang mga babasahing may mga anunsiyo tungkol sa iba’t
ibang bagay. Kaya mo bang iwasto ang bawat impormasyong nakasulat?
B. Panlinang na Gawain
1. Ang bawat anunsiyong ating napapanood, nababasa at naririnig ay
pawang eksaherado. Ito ay upang mapaganda at maging kaakit-akit sa
mga namimili ang kanilang produktong inilulunsad. Kadalasan isa lamang
ang nagiging reaksiyon ng mga mamimili ang maging bigo sa kanilang
nabili. Pero, ano nga ba ang dapat gawin upang hindi na muling malinlang
ng mga eksaheradong anunsiyo?
2. Ilahad ang kuwento.
Si Aling Lita ay isa sa mga namimiling laging naluluko ng mga
eksaheradong anunsiyo. Naging aral ito sa kanya, sa ngayon isa siya sa mga
taong nakapagpapasiya ng tam. Bago siya naniwala sa isang anunsiyo
iwinawaksi muna niya ang mga dikarapat-dapat na impormasyon at
titimbangin kung alin sa mga inaanunsiyo ang karapat-dapat para sa
kanyang pamilya. Sa ganitong paraan nasisiguro niya ang kalusugan
gayundin ang halagang kanyang gugulin ay sa makabuluhang bagay
mapunta.
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Aling Lita noon at ngayon.
b. Ano ang ginagawa niya sa mga anunsiyo upang makapagpasiya
ngtama?
37
c. Paano siya nakasisiguro sa kalusugan gayundin sa halagang ginugol sa
bawat produktong nabili?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa anunsiyo upang makapagpasiya ng tama?
D. Paglalapat
Hatiin ang klase sa apat. Anyayahan ang bawat pangkat na ipakita ang
kanilang paboritong anunsiyo sa radyo at telebisyon. Magtala ng mga batang
magwawaksi sa mga di-karapat-dapat na impormasyon upang ito ay maging
kapaki-paniwala.
IV. Pagtataya
Isulat ang anunsiyo/patalastas na nakapukaw sa inyong pansin at iwaksi ang
mga di-karapatdapat na impormasyon.
V. Takdang-Aralin
Bukod sa pag-aalis ng mga di-karapat-dapat na impormasyon, ano pa ang
dapat tandaan bago bilhin ang isang produkto halimbawa kape, gamot atbp.?
38
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Nakapagbibigay ng matalinong pasiya tungkol sa mabuti at di-mabuting
propaganda/anunsiyo at nakabubuo ng hatol at konklusyon matapos matimbang
ang mga pangyayari.
II. Paksang Aralin
Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
B.P.
:
Katotohanan
K.P.
:
Mapanuring Pag-iisip
I. B.
:
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo
ng pasiya ELC, p. 9
Kagamitan: Iba’t-ibang babasahin na may anunsiyo
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat mong gawin upang makapagpasiya ng tama tungkol sa
mga anunsiyo?
2. Pagganyak
Kailangan mo ng trabaho, sa anong bahagi ng babasahin ang dapat
mong basahin? Anu-anong anunsiyo ang ating matatagpuan sa mga
babasahing ito?
C. Panlinang na Gawain
1. Sadyang mahirap ang trabaho sa panahon ngayon, pero anu-ano ba ang
dapat ikonsidera kung gusto mong makakita ng trabaho?
2. Ilahad ang kuwento.
Si Mang Mario ay isang butihing mangagawa subalit sa kasamaang
palad nagsara ang kumpanyang kanyang pinapasukan bilang company
driver. Hirap na hirap ang kanyang loob dahil dalawa ang kanyang anak na
nag-aaral. Nang umagang yaon nasumpungan niya ang bumili ng
babasahin at natuon ang kanyang pansin sa seksiyon tungkol sa mga
trabaho. Napukaw ang kanyang pansin sa dalawang ahensiya ang una ay
maghahanap ng drayber sa abroad at ang pangalawa naman ay drayber
lamang ng isang pamilya. Dahil sa nakasaad din ang suweldong makakamit
nainggaya siya sa trabaho sa abroad hanggang sa dumilim ay hindi niya
binitiwan ang hawak na babasahin. Napagtuunan niya ang ibabang bahagi
ng nakalagay “MAG-INGAT SA ILLEGAL RECRUITER", muli niyang binalikan ang
anunsiyo at napagtanto niya na walang nakalagay kung ito ay nakarehistro
sa POEA, ito ang dahilan upang mabuo ang kanyang pasiya na dito na
larnang mag-apply.
39
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Mang Mario
b. Ano ang pinaghihirap ng kanyang loob?
c. Paano niya tinimbang ang natagpuang mga anunsiyo tungkol sa
trabaho?
d. Tama ba ang kanyang ginawa? Ano ang nabuong pasiya sa kanya?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa mga anunsiyong nakikita, naririnig at
napapanood?
D. Paglalapat
Ipaghalimbawa ang mga uri ng gatas na halos nag-aaway-away sa
pagandahan ng mga propaganda, ano ang dapat gawin upang
makapagpasiya ng tama? Anu-ano ang mga bagay na dapat ikonsidera
upang makaligtas sa mga mapanlinlang na anunsiyo?
IV. Pagtataya
Magbigay ng matalinong pasiya tungkol sa kung ano ang dapat na tangkiliking
gamit sa paaralan gaya halimbawa ng uri ng ballpen, bag, papel at krayola. Ibigay
ang iyong dahilan kung bakit.
V. Takdang-Aralin
Ihanda ang sarili upang ipakita ang sariling propagandang napanood sa t.v.
40
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Pinipili ang totoo sa mga anunsiyo/propagandang matatagpuan sa tatak ng
pagkain de-lata, gamot atbp.
II. Paksang Aralin
Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
B.P.
:
Katotohanan
K.P.
:
Mapanuring Pag-iisip
I. B.
:
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo
ng pasiya ELC, p. 9
Kagamitan: Mga balot/balat ng mga gamot at iba’t ibang klaseng de-lata
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Natitimbang mo ba ang karapat-dapat na produkto para sa iyo?
Napipili mo ba sa iyong sarili ang maganda at di-magandang
propaganda?
2. Pagganyak
Ibigay natin ang mga jingles at pahayag sa bawat produktong aking
ipakikita.
(555 sardinas)
B. Panlinang na Gawain
1. Kaya mo bang piliin kung ano ang totoo sa mga pahayag sa anunsiyong
inyong ipinakikita?
2. Ilahad ang kuwento.
Panahon ng "La Nina" nagkagulo ang mga tao sa palangkas, ayon sa
balita kailangan magtabi ng mga pagkaing de-lata. Gulunggulo ang isip ni
Aling Marta dahil sa hindi niya alam kung anong pagkaing de-lata ang
dapat niyang bilhin. Pinagtuunan niya ng pansin ang iba't-ibang anunsiyong
nauukol dito at maging sa mga ito. Sa gayong paraan masisisguro niya ang
kaligtasan ng kaniyang pamilya.
3. Pagtalakay
a. Ano ang panahon ng "La Nina”
b. Bakit kailangan mag-impok ng mga pagkaing de-lata gayundin ng mga
pangunahing gamot?
c. Sa iyong palagay, bakit gulung-gulo ang isip ni Aling Marta?
d. Ano ang ginawa niyang paraan upang masiguro ang kaligtasan ng
kaniyang pamilya?
41
C. Paglalahat
Paano mo pipiliin ang mga totoo sa mga pahayag at matatagpuan sa mga
tatak ng mga pagkaing de-lata gayundin sa gamot?
IV. Pagtataya
Oral Evaluation
Ipakita ang iba't-ibang balot ng mga gamot at iba't-ibang pagkaing de-lata.
Tingnan kung ang bawat isa ay mapipili ang totoo sa mga pahatag na
matatagpuan dito.
V. Takdang-Aralin
Itala ang ilan sa mga kilala mong tao na naglulunsad ng iba't-ibang produkto.
Bakit kaya kumukuha sila ng mga sikat o kilala?
42
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Hindi naniniwala kaagad sa mga patotoo ng mg kilalang tao tungkol sa ilang mga
produkto.
II. Paksang Aralin
Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
B.P.
:
Katotohanan
K.P.
:
Mapanuring Pag-iisip
I. B.
:
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo
ng pasiya ELC, p. 9
Kagamitan: Mga balot ng mga kilalang produkto kung saan ang gumaganap
sa mga anunsiyo at propaganda ay pawing mga kilalang tao.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang totoo sa mga nabibili nating pagkaing de-lata? Kaya mo bang
alisin ang mga walang kabuluhang impormasyon tungkol sa kanilang mga
anunsiyo?
2. Pagganyak
Sino ang inyong mga paboritong artista na gumaganap sa mga
propaganda ng iba't-ibang produkto?
D. Panlinang na Gawain
1. Magkaroon ng isang simpleng laro. Bigkasin ang jingles o di kaya naman ay
ang kilalang taong naglunsad ng ipinakikitang produkto.
2. Ilahad ang kuwento.
Si Ana ay babaeng may mahabang buhok madulas at kaaya-aya ang
mga ito. Kalamansi at gugo ang kanyang ginagamit upang mapanatili ang
ganda nito. Siya ay may hinahangaang sikat na artista ito ay walang iba
kundi si Mara. Ginagaya niya ang anumang mayroon ito. Dahil siya rin ang
naglulunsad ng shampoong “Palmolive", binago ang dating gingamit at
lumipat sa gamit ni Mara sa pag-aakalang totohanan lahat ang nasa
anunsiyo. Hindi naglipat linggo, napansin si Ana ang paglulugas at
pamumula ng kanyang dating magandang buhok. Isang aral ang kanyang
natutuhan mula noon ang huwag agad-agad maniniwala sa mga patotoo
ng mga kilalang tao pero dapat munang suriin kung ang kanilang inilulunsad
ay totoo.
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Ana.
b. Sino ang kanyang hinahangaang artista?
43
c. Ano ang nangyari sa kanyang buhok matapos gamitin ang produktong
inilunsad nito?
d. Ano ang aral na kanyang natutunan matapos gamitin ang produktong
ito?
C. Paglalahat
Dapat bang paniwalaan kaagad ang mga patotoo ng mga kilalang tao?
D. Paglalapat
Gayundin ninyo ang tao o artistang naglulunsad ng inyong ginagamit na
produkto.
IV. Pagtataya
Lagyan ng tama o mali ang mga sumusunod na kalagayan:
______ 1. Gagayahin ang iyong paboritong artista sa paggamit ng produktong
kanyang inilulunsad.
______ 2. Suriing mabuti kung ang sinasabi ng siyang kilalang tao ay pawang
katotohanan.
______ 3. Humahanga ngunit pinag-aaralang mabuti ang mga sinasabi ng kilalang
tao
V. Takdang-Aralin
Itala ang ilang kilalang tao na naglulunsad ng iba’t ibang produkto.
44
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Napatotohanan sa sarili ang katumpakan ng naririnig o nabasang anunsiyo.
II. Paksang Aralin
Katotohanan Tungkol sa Anunsiyo
B.P.
:
Katotohanan
K.P.
:
Mapanuring Pag-iisip
I. B.
:
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga ebidensiya sa pagbuo
ng pasiya ELC, p. 9
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Dapat bang paniwalaan ang mga anunsiyong iyong narinig at
napapanood? Sumusubok ka ba ng iba't-ibang klaseng produkto upang
malaman ang pinakatumpak o pinakamagaling na produkto?
2. Ilahad ang kuwento
Si Myrna ay isang bagong ina, isinalang niya ang kaunaunahang bunga
ng kanilang pagamamahalan ni Carlo. Gusto niyang malaman ang
pinakamagandang gatas para sa kanyang anak. Una niyang binibili ang
pinakamahal at ang may pinakamagandang propaganda sa telebisyon.
Ngunit napansin niya ang mahinang paglaki ng kanyang anak. Mali bumili
siya ng ibang klaseng gatas, mahal din at may magandang propaganda,
ngunit nagtae naman ang sangol. Naguguluhan na siya sa pagkakataong
ito, hanggang marinig niya ang sanggol ay libre sa pagtatae. Sinubukan niya
ito at napatunayan niyang tama ang isinasaad ng anunsiyo.
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Myrna.
b. Ano ang kaniyang basihan sa pagbili ng gatas?
c. Napatotohanan ba niya sa sarili ang katumpakan ng narinig na
anunsiyo?
d. Ano ang kanyang sariling paraan upang mapatunayan sa sarili ang
katumpakan ng anunsiyo?
C. Paglalahat
Paano mo mapapatotohanan sa iyong sarili ang katumpakan ng iyong
naririnig tungkol sa anunsiyo?
D. Paglalapat
Pangkatin ang klase sa apat. Anyayahan ang bawat pangkat na
magpakitang gawa ukol kung paano nila mapatotohanan sa kanilang sarili ang
naririnig o nabasang anunsiyo.
45
IV. Pagtataya
Pansariling Pagsusulit (Individual Testing)
Suriin ang bawat isa kung kaya nilang patotothanan ang katumpakan ng
nannrug o nabasang anunsiyo. Magbigay o ibigay ang mga anunsiyong
nakahanda.
V. Takdang-Aralin
Ano ang tawag ninyo sa mga anunsiyo inyong nakikita sa telebisyon?
46
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Naisagawa nang maayos ang mga gawain na hindi gaanong nangangailangan
ng tulong ng iba
II. Paksang Aralin
Pagtitiwala sa Sarili
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Positibong pagkilala sa Sarili
ELC. :
EKAWP p. 11
Kagamitan: larawan ng batang lalaki na gumagawa ng project
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ipaawit ang “Sundan-sundan mo ako"
2. Balik-aral : Ano ang iyong "Hobby"?
3. Pagganyak : Ipakita ang larawan ng batang lalaki na gumagawa ng
project ang bata sa brawan?
B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad ang sitwasyon sa ibaba at ipabasa nag tahimik.
May mahirap na project si John Fitzgerald sa HELE. Itinuro naman ng guro
niya ang paraan ng pagsasagawa nito. Kaya't nahihirapan man, siya'y
matiyaga siyang naglagare ng plywood na kailangan sa project. Tinanong
siya ng Kuya niya kung kailangan niya ng tulong. Maglang niya itong
tinanggihan at pinagtiyagahan niyang tapusin ang project niya.
2. Pagtalakay:
a. Tama ba ang ginawa ni John Fitzgerald? Bakit?
b. Natuto kaya siya kung ang Kuya niya ang pinagawa niya?
c. Kayo, kaya nyo rin bang gumawa ng isang bagay na hindi gaanong
nangangailangan ng tulong ng iba?
3. Pangkatin ang mga bata at hayaang magtala ng mga gawaing
magagawa ng magiisa o hindi gaanong mangangailangan ng tulong ng
iba.
Halimbawa: Pagdidilig ng halaman,
Paghuhugas ng pinggan, etc.
C. Paglalahat
Anong katangian ang ipinakikita sa kwentong ating tinalakay? Anong
kasabihan sa English ang akma rito?
Buuin ito : “IF OTHERS CAN, WHY CAN'T I ."
D. Paglalapat
47
Isasalaysay ang sariling karanasan na nagpapakita ng kagaya o katulad ng
ugali ni John Fitzgerald.
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. May proyekto ka sa Sining na may kahirapang gawin ngunit makakaya mo rin
kung iyong pipilitin o pagsisikapan. Ano ang iyong gagawin?
a. Ipagawa sa iyong Tatay
b. Gagawa ng paraan upang matapos ita nang hindi humihingi ng tulong ng
iba
c. Ipagagawa sa inyong kapitbahay
d. Bibili na lamang sa palengke
2. Ano ang dapat mong gawin kung may iniatang sa iyong gawain?
a. Hingin ang tulong ng mga kapatid
b. Tatangihan ang nag-uutos
c. Gagawin ito ng may pagmamalaki at pagtitiyaga
d. Tatanggapinang ipinagagawa at saka asasauli kapag malapit na ang
ibinigay na pagulit 0 petsa
3. Dapat bang pal aging umasa sa tulong ng iba lalo't kaya mo rin lamang ang
isang gawain?
a. Siyempre
c. Oo
b. Hindi
d. Palagi
V. Takdang-Aralin
Magbigay ng kawikaan o salawikain sa wikang Filipino na may kaugnayan sa
pagsasagawa ng isang Gawain na indi gaaanong nangangailangan ng tulong ng
iba.
48
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Naisagawa nang malaya sa sariling kapakanan ang gawain.
II. Paksang Aralin
Pagtitiwala sa Sarili
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Positibong pagkilala sa Sarili
ELC. :
EKAWP p. 11
Kagamitan: larawan ng batang lalaki na gumagawa ng project
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ipaawit “Kung Ikaw ay Masaya"
2. Balik-aral : Anu-anong tulong na ang inyong nagawa sa inyong kapwa?
Ano ang iyong naramdaman noong ikaw ay nakatulong?
Bakit mo ito ginawa?
3. Pagganyak : Ano ang kahulugan ng salitang MALAY A? May ipababasa
akong isang maikling kuwento, anong kalayaan ang ginawa ng
tauhan sa kuwento?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipabasa ang kuwentong kasunod at talakayan. .
May kapitbahay si Jennifer na hindi nakapag-aral noong bata pa siya
kaya't purnapasok ngayon sa “ADULT LITERACY CLASS" para sa mga may
idad na. Nakita ito ni Jennifer na nagsasanay bumasa at surnulat kaya't
tinulungan at tinuruan niya ito sa pagbasa at pagsulat.
2. Talakayan:
1. Kung kayo si Jennifer, gagawin.din ba ninyo ang ginawa niya? Bakit?
2. Anong kalayaang pansarili ang ipinakita ni Jennifer?
3. Dapat ba siyang tularan? Bakit?
3. Pangkatin ang mga bata na may magkakamukhang kakayahan at
hayaang pag-usapan nila ang maari nilang magawang tulong sa iba na
magpapakita ng pagtulong at pagunlad ng sarili para sa kapakanan ng iba.
C. Paglalahat
Ipasipi ang paglalahat na Ito: "Ang paggawa nang malaya sa sariling
kapakanan at kapakanan ng iba ay nakakagaan ng KALOOBAN.
D. Paglalapat
Ano ang iyong pakiramdam kung nagamit, mo ang iyong talento o talino o
kakayahan nang may kalayaan na bigay sa iyo ng ating Panginoon?
49
IV. Pagtataya
Pillin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Isang kapitbahay mong Grade IV din ang nagpapatulong na maintipdihan ang
isang aralin sa Science na alam na alam mo. Ano ang iyong gagawin?
a. pagtatawanan siya
b. Ipaliliwanang ang aralin sa paraang mauunawaan ng iyong kapitbahay
c. hihiyain siya
d. hindi siya papansinin at ipamamalita siya
2. Ikaw ay pangulo ng inyong klase. May proyekto kayong pagtatanim ng puno sa
inyong pamayanan at paligid ng buong paaralan. Malaya mong pinapili ng
maibabahagi 0 magagawa ang bawat isa sa inyong klase. May magdadala ng
punla, asarol, pala, tulos at pandilig. May isang ayaw sumunod, ano ang iyong
gagawin sa isang ito?
a. pababayaan na lamang siya
b. isusumbong sa guro at hindi na ita kakausapin
c. susuntukin at aawayin
d. ipaliliwanag ang kahalagahan ng kanyang maitutulong sa grupo
3. Mahalaga ban a ipaglaban natin an gating kalayaan at karapatan?
a. oo
b. hindi
c. hindi ko tiyak
d. ewan ko
V. Takdang-Aralin
Anu-anong mga kalayaan mo ang maari mong gamitin sa ikabubuti ng iba?
50
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Napaglalabanan ang sariling kahinaan upang maipakita ang angking kakayahan
II. Paksang Aralin
Pagtitiwala sa Sarili
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Positibong pagkilala sa Sarili
ELC. :
EKAWP p. 11
Kagamitan: Medalya, Katibayan, Tropeo, Program
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral :
Anu-ano ang mga gamit sa isang programa?
2. Pagganyak : Ilahad ang medalya, tropeo, katibayan at program? Anu-ano
ito?
Paano ito nakakamit ng isang tao? Gusto ba ninyong makakuha
nito? Papaano? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Itanong: Nakasali ka na ba sa isang programa o contest? Anu-anong
paghahanda ang iyong ginawa? Bakit?
2. Ilahad ang kuwento at talakayan.
Kasali si Aleli sa "Balagtasan" sa kanilang paaralan. Mahiyain siya’t
mukhang walang tiwala sa sarili. Pinayuhan siya ng guro niyang isaulo ang
mga sasabihin niya at magsanay magsalita sa harap ng klase. Malayo pa
ang “Balagtasan" ay nagsanay nang nagsanay si Aleli sa pagsasalita sa
harap ng klase. Nang dumating ang araw ng "Balagtasa" ay nagkaroon siya
ng tiwala sa sariling kakayahan at nakapagsalita siya ang maayos harap ng
madla.
3. Pagtalakay:
a. Ano ang kahinaan ni Aleli?
b. Papaano niya ito napaglabanan?
c. Dapat ba siyang tularan? Bakit?
d. Anu-ano ang dapat gawin upang mapaglabanan ang kahinaan ng
isang tao?
C. Paglalahat
Ano ang dapat isagawa at ugaliin upang mapaglabanan ang sariling
kahinaan at mapatunayan ang iyong angking kakayahan?
D. Paglalapat
51
Ipasalaysay ang sariling karanasan na napagpapakita na napaglabanan
mo ang iyong kahinaan at naipakita mo sa madla ang iyong angking talino o
kakayahan.
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Tutula ka sa isang palatuntunan. Kinakabahan ka dahil nakita mong maraming
nanonood. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi na tutula
b. Lalakasan ang loob at magdarasal
c. Tatawag ng kaklase at ita ang patutulain
d. Tatawagin ang iyong Nanay at ipasasabi ng mahina ang iyong tula
2. Mag-uulat si Didi sa harap ng klase sa isang linggo. Sinabi niya ito sa kanyang
Ate at inamin niyang siya ay kinakabahan. Kung kayo ang Ate ni Didi ano ang
inyong gagawin o sasabihin?
a. Lakasan mo ang iyong loob at magtiwala ka sa iyong sar'ili
b. Sabihin mo sa iyong guro na iba na lamang ang pag-ulatin
c. Umayaw ka na lamang
d. lumiban ka na lang sa klase
3. Ano ang dapat ugaliin upang mapaglabanan mo ang sariling kahinaan at
maipakita ang angking kakayahan?
a. maging mayabang
b. maging malaks ang loob
c. maging mahiyain
d. maging maingay
V. Takdang-Aralin
Magtala ng tatlong (3) bagay na dapat ugaliin o gawin upang mapaglabanan
ang sariling kahinaan.
52
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Nakapagbibigay ng sariling pagpapasya
II. Paksang Aralin
Pagtitiwala sa Sarili
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Positibong pagkilala sa Sarili
ELC. :
EKAWP p. 12
Kagamitan: larawan ng batang nagsasauli ng napulot na wallet
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ipaawit ang “Magandang Umaga"
2. Balik-aral: Anu-anong magagandang kaugaliang Filipino ang alam ninyo?
3. Pagganyak: Ipakita ang larawan at talakayan.Anong magandang
kaugalian ang ipinakikita sa larawan? Tama ba ang ginawa ng
bata? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Brain Storming/BrainWashing
Ano ang iyong gagawin kung nakapulot ka ng isang bag na may lamang
pera? Bakit?
2. Ilahad sa pisara at ipasabi sa kanilang sariling pangungusap ang kahulugan
nito "PAGPAPASYA"
3. Ipabasa ang kuwento.
Magkaibigang matalik sina Violy, Vicky at Pinay. Naiinggit sa kanila si
Siony.Isang araw ay may isinumbong si Siony sa kanilang guro laban kay
Pinay. Ibig nang sugurin ni Pinay si Siony ngunit nagpigil pa rin siya sa una
niyang pasya na manugod sa halip nagdasal siya at mahinahong kinausap si
Siony. Nagkaunawaan sila at naging kaibigan na rin sila si Siony.
4. Talakayan:
1. Tama ba ang unang pasya ni Pinay? Bakit?
2. Sa inyong palagay, kung nagugod agad si Pinay, ana
ang maaring mangyari?
3. Dapat bang tularan si Pinay? Bakit?
4. Mahalaga ba ang pagpapasya? Bakit?
5. Anu-ano ang dapat gawin kung ikaw ay magpapasiya?
Bakit?
C. Paglalahat
 Dapat bang isa-alang-alang ang pag-iisip nang mabuti at marammg ulit sa
paggawa ng isang pasya? Bakit?
 Hahayaan mo na lang bang iba ang magpapasya para sa iyo? Bakit? Lagi
ka bang susunod sa pasya ng iba? Bakit?
53
D. Paglalapat
May napagkaisahan ang inyong klase na isang “Outing" bago
magbakasyon ng Pasko. Gusto ng iyong guro na sa EXPO Filipino magpunta.
Ang nais ng iyong mga kamag-aral ay sa Enchanted Kingdom. Bilang Pangulo
ng inyong klase ano ang iyong gagawin? Bakit?
IV. Pagtataya
Bakit kailangang pag-isipang mabuti ang ating gagawin sa lahat ng oras? Ano
ang kahalagahan ng pagbibigay ng sariling pagpapasya? Isulat sa 1/2 pirasang
papel ang iyang sagot.
V. Takdang-Aralin
Magtala ng nga pagkakataan kung saan mo maaring gamitin ang iyong sariling
pagpapasya. Sa paaralan, sa bahay at sa mga kaibigan.
54
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Napaglalabanan ang takot ng pagharap sa mga tao (stage fright)
II. Paksang Aralin
Pagtitiwala sa Sarili
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Positibong pagkilala sa Sarili
ELC. :
EKAWP p. 4
Kagamitan: Medalya, larawan ng batang tumatanggap ng tropeo/medalya
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral : Anu-ano ang tinatanggap ng isang nanalo sa isang contest?
2. Pagganyak : Sumali ka nab a sa isang paligsahan? Ano ang iyong
naramdaman? Papaano mo ito pinaghandaan?
B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad ang larawan ng batang tumatanggap ng medal/tropeo.
Gusto rin ba ninyong makatanggap ng medal/tropeo? Bakit?
2. Ikuwento. Kasali ka sa isang palabas (Drama) sa buwanang palatuntunan sa
inyong paaralan. Kinakabahan ka dahil maraming mga magulang at mga
panauhin ang nanonood. Ano ang iyong ggawin upang lumakas ang iyong
loob?
3. Pangkatin sa 4 ang klase. Hayaang mag-usap at magtala ng mga
pamamaraan o gawain sa pagharap sa tao ay hindi kinakabahan. (Stage
fright)
4. Ipaulat ang naging bunga ng pinag-usapan ng bawat pangkat.
C. Paglalahat
Ano ang dapat nating paglabanan kung tayo ay humahanap sa madla
(Stage) o sa isang malaking grupo ng tao? Papaano mo ito magagawa?
D. Paglalapat
Kasali ka sa LINGGO NG WIKA 2009. Ikaw ang napiling tutula sa inyong
Baitang alam mong ikaw ay isang mahiyain at kabahan sa harap ng ibang tao.
Anu-ano ang gagawin mong paghahanda?
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek () ang mga dapat gawin upang mapaglabanan ang takot sa
pagharap sa madla/tao \
_____ 1. Magdasal.
_____ 2. Pag-aralang mabuti ang sasabihin.
_____ 3. Bilisan ang pagsasalita upang hindi mapansing kinakabahan.
55
_____ 4. Kausapin ang iyong Nanay na ikaw ay bantayan at idikta ang iyong
sasabihin.
_____ 5. Umayaw kapag nakita ang dami ng nanonood.
56
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong karanasan na nagpapakita ng iyong
lakas ng loob o paglaban sa takot sa pagharap sa tao o stage.
57
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Naisasagawa ang “Honor System” Nagbabayad ng pamasahe ng kusa.
II. Paksang Aralin
Pagpapahalaga sa “Honor System”
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Katapatan
ELC. :
EKAWP p. 12
Kagamitan: Poster ng nagbabayad ng pamasahe
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral : Anu-ano ang mga kaugalian ng mga Pilipino?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipabasa
Papasok si Jeng-jeng sa paaralan. Sunakay siya ng jeep. Una-unahan
ang mga pasahero sa pagsakay sa jeep sa unang kantong hinintukan nito
kaya nakasama si Jeng-jeng sa mga tao. May nagbayad kaagad
pagkaupo. May nagbayad bago bumaba. May isang taong bumaba jan na
hindi nagbayad.
2. Talakayan:
1. Alin ang hindi dapat gayahin? Bakit?
2. Anong katangian ang hindi ginawa ng mama sa hindi niya pagbabayad
ng pamasahe?
3. Mahalaga ba ang katapatan? Bakit?
4. Ipaliwanag “Honor System".
C. Paglalahat
Buuin ang mga paalala ng ng Driver.
“Magbayad po tayo ng _______________,” bago bumaba.
IV. Pagtataya
Saan-saan pagkakataon maipakikita ang pagiging matapat o katapatan?
(magtala ng 5 pagkakataon). Isulat ito sa inyong sagutang papel.
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang talata tungkol sa: (Pumili lamang ng isa).
Ang Pasaherong Tapat
Batang Pilipino: Matapat Kahit saang Pagkakataon
58
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Naisasagawa ang “Honor System”: Binibigyan ng nararapat na marka ang sariling
papel
II. Paksang Aralin
Pagpapahalaga sa “Honor System”
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Katapatan
ELC. :
EKAWP p. 13
Kagamitan: Formative Notebook
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral : Ano ang “Honr System?”
2. Saan-saang pagkakataon ito maipakikita?
B. Panlinang na Gawain
1. Papano tayo binibigyan ng marka o grades n gating mga guro?
2. Ipalabas ang kanilang "Formative Notebooks" na sinadyang hindi tsinek.
Hayaang ang knai-kanilang sari-sariling Formative test notebook ang i-tsek.
3. Talakayan pagkatapos mag-tsek ng notebook.
 Ano ang ginawa ng inyong katabi habang nag-titsek ng botebook?
 May nagpalit ba ng sagot habang nag-titsek?
 Anong kagandahang ugali ang ipinakita ninyo habang nagtitsek ng
saI'iling notebook? Bakit dapat magirlg tapat sa lahat ng oras? Mahalaga
ba ang katapatan? Bakit?
4. Pangkatin ang mga batao Hayaang pag-usapan nila kung saan-saang
pagkakataon sa loob at labas ng silid-aralan maipakikita ang katapatan.
Ipasulat sa pisara ang napagkasunduan ng bawat grupo at paghambinghambingan.
C. Paglalahat
Anong magandang kaugalian ang natutuhan mo sa aralin natin sa araw na
ito? Nagagawa mo ba ito sa lahat ng oras?
D. Paglalapat
1. Si Jet-jet ay nautusang mag-tsek ng test papers ng kanilang klase. Isa sa mga
kaklase niya ay ang kanyang kaibigan at pinsang si Joy. Mababa ang
59
magiging marka ni Joy ngunit maari itong palitan ni Jet-jet. Hindi binago ni
Jet-jet ang marka ni Joy.
2. Tama ba ang ginawa ni Jet-jet? Bakit?
3. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Jet-jet sa pagkakataong ito? Kung
kayo si Jet-jet, ano ang inyong gagawin? Bakit?
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek ang patlang sa ilalim ng mukhang iyong mararamdaman o
mapipili sa bawat sitwasyon.
1. Binubura o pinapalitan ang titik ng pagsusulit sa sariling papel.
2. Nilalagyan ng tsek kahit mali ang aking sagot
3. Nilalagyan ng x ang papel ng aking kapitbahay ng hindi ko kasundo o
nakakainis.
4. Nilalagyan ng x ang kalaban mo sa honor
V. Takdang-Aralin
Bakit mahalaga ang katapatan?
60
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Nagbibigay ng tamang ulat o tunay na dahilan ng mga pangyayari
II. Paksang Aralin
Pagpapahalaga sa “Honor System”
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Katapatan
ELC. :
EKAWP p. 13
Kagamitan: Tag-price ng mga Good Items, Iba’t ibang gamit sa paliligo.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral : Ano ang kaugaliaang ipinakikita sa pagsasabi ng totoo?
B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad ang mga gamit sa paliligo at hayaang mamili kunwari ang mga bata.
2. Ano ang nakatali o nakalagay o nakakabit sa inyong pinamili?
3. Ano ang kahalagahan ng Tag-Price?
4. Ipabasa.
lnutusan ka ng Nanay mo na bumili ng mga gulay at prutas sa palengke.
May sukli pang piso ang P500.00 na ipinadala niya sa iyo. Maari mong ibili ng
chocolate ang sukli dahil hindi naman niya alam kung magkano talaga ang
presyo ng mga gulay at prutas na iyong binili. Ano ang iyong gagawin?
Bakit? Mahalaga ba ang pagsasabi ng tapat? Bakit?
C. Paglalahat
Ano ang dapat ugaliin sa lahat ng pagkakataon lalo na at walang
nakakakita o nakakarinig sa iyong ginawa o sinabi?
D. Paglalapat
Magtala ng ibat-ibang pagkakataon kung saan-saan· maipakikita ang
katapatan. Halimbawa: Nakabasag ng plorera - paamin dito.
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ipinatatanong ni Lola kay Didi ang halaga ng pinakamalaking “Head &
Shoulder" sa tindahan sa kanto. Paano mo ito sasabihin kung ikaw si Lola?
a. dadagdagan ng PI 0 para may ibili ng candy
b. sasabihin ang tunay na presyo
c. sasabihing buo PI 00 ang ibigay sa iyo para makakuha ka ng sobra sa sukli
2. Ano ang kahalagahan ng pagsasabi ng tamang ulat?
a. mawawala ang tiwala sa iyo ng iba
b. mananatiling walang tiwala at galit sa iyo ang iba
c. mananatili ang tiwala sa iyo ng iba
61
3. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay inutusang manindahan at may natirang
pera?
a. isasauli ito lahat
b. sasabihing nawala ang sukli
c. bibili ng candy
d. sasabihing naubos lahat ang padalang pera
V. Takdang-Aralin
Ano ang kakhalagahan ng pagsasabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon?
62
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Naipakikita ang pagiging isport (hindi nagagalit)
II. Paksang Aralin
PAGIGING SPORTS
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Disiplina
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: kagamitan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ipaawit: “The More We Get Together”
B. Panlinang na Gawain
1. Ano ang mga alituntunin sa isang paglalaro?
2. Ipakita ang larawan ng mba batang naglalaro at itanong:
Ano ang dapat ugaliin ng isang manlalaro o kalahok sa isang contest? Bakit?
3. Iparinig at talakayan:
Bago maglaro ng patintero ay may mga tuntuning itinakda ang
dalawang pangkat ng mga bata. Sa simula ng laro ay maganda ang
paglalaro nila. Nang matalo ang unang pangkat na mataya ay hindi na nila
sinunod ang ilang tuntuning itinakda nila. Nagkagulo ang laro nila dahil ditama ang ginawa ng unang pangkat.
4. Talakayan:
1. Bakit nagulo ang laro ng mga bata?
2. Tama ba ang magalit kung matalo? Bakit?
3. Nagkagulo kaya sila kung sinunod nila ang itinakdang
tuntunin?
4. Ano ang hindi naipakita (ugali) ng mga natalo?
5. Dapat ba silang gayahin? Bakit?
C. Paglalahat
Ano ang dapat maging katangian ng isang sumasali sa laro?
Ano ang dapat iwasan ng isang natatalo? Bakit?
D. Paglalapat
 Anu-ano ang mga alituntunin ang dapat sundin kung nakikipaglaro o
sumasali sa isang paligsahan? Bakit dapat maging isports sa lahat ng oras?
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Naglalaro ka at naging taya ka ng maranming ulit. Ano ang nararamdaman
mo?
a. galit
b. hiya
c. inis
d. pagiging sports
63
2. Isa sa tuntunin ng laro mong sinalihan ay parusahan ang taya. Ano ang iyong
gagawin kung mataya ka at parusahang maglakad ng paluhod?
a. magagalit
b. susunod c. aayaw
d. manununtok
3. Ang pagiging __________ ay nangangahulugang tanggap mo ang kinalabasan
ng laro o patimpalak.
a. bugnuti b. palaaway
c.
isports d.
iyakin
V. Takdang-Aralin
Saan saang pagkakataon mo maipapakita ang pagiging isports?
64
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Umiiwas sa pag-away kung natatalo sa laro
II. Paksang Aralin
PAGIGING SPORTS
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Disiplina
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ipaawit: “Sundan-sundan mo ako?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan ng mga batang masayang naglalaro.
Ano kaya ang dahilan at masay ang mga bata?
2. Anu-ano ang mga tuntunin dapat sundin ng isang nakikipaglaro?
3. Ilahad ang sitwasyon at talakayan
Si Andy ay kasali sa "Taguang Pung". Naging taya siya ng maraming ulit.
Hindi siya umayaw sa laro.
4. Talakayan:
1. Tama ba si Andy sa hindi pag-ayaw sa laro? Bakit?
2. Dapat ba siyang tularan? Bakit?
3. Anu-al1o.al1g dapat ugaliin ng isang nakikipaglaro?
5. Pangkatin ang mga bata sa 4 at hayaang pag-usapan ang mga tuntunin na
dapat sundin sa isang laro o kompetisyan. Ipaulat ito sa lider ng pangkat at
paghambing-hambingin. Bumuo ng isang pangkat ng mga talaan ng mga
alituntuning dapat sundin sa isang laro, o pakikipaglaro.
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin o ugaliin upang ang pag-aaway sa laro ay maiwasan?
65
D. Paglalapat
Mahilig kang sumali sa laro ninyong magkakaibigan. Kadalasan din ay ikaw
ang nagiging taya. Alin ang dapat mong pakaiwasan upang hindi magulo o
magalit ang iyong mga kaibigan?
IV. Pagtataya
Magtala ng 3 kadahilanan kung bakit dapat iwasan ang pag-ayaw sa laro kung
ikaw ay natatalo.
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang sanaysay. Ang Pagiging Sports
66
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Natatanggap ang pagkapanalo ang pagkatalo ng maluwag sa kalooban
II. Paksang Aralin
PAGIGING SPORTS
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Disiplina
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: Tugma
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Anu-ano ang mga tuntunin sa pakikipaglaro?
B. Panlinang na Gawain
1. Iparinig ang tugma at talakayan
Isa, Dalawa, Tatlo
Takbo, tyo takbo
Apat, Lima, Anim
Pagbutihin natin
Pito, Walo, Pito
Dali-dalian mo
Anim, Lima, Apat
Hawak-hawak lahat
Tatlo, Dalawa, Isa
Bihag natin sila
2. Talakayan
1. Ano ang masasabi ninyo sa mga batang naglalaro sa inyong binasang
tugma?
2. Kung kayo ay isa sa mga bata sa tugma at ikaw ay mahinang tumakbo
at siyang naging dahilan ng inyong pagkatalo o pagkabihag, ano ang
iyong gagawin kung ikaw ay sinisisi ng iyong mga kagrupo? Bakit? Kung
kayo naman ay nanalo, papaano mo ito tatanggapin? Bakit?
C. Paglalahat
Anong dalawang magandang ugali ang natutuhan mo sa araling ito?
D. Paglalapat
May paligsahan sa pag-awit sa inyong barangay, sumali ka at ikaw ang
nahirang na “Champion", paano mo ita tatanggapin? Bakit?
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek () ang tamang isasaloob kung lalaban sa isang paligsahan o
kompetisyon.
67
____ 1.
____ 2.
____ 3.
____ 4.
____ 5.
Umiyak kapag natalo.
Maging "Humble" o mababang loob kung manalo
Magsikap pa o galingan sa susunod kung matatalo
Kamayan ang mga nakatunggli
Patirin at sibangutan ang nanalo.
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong karanasang hindi malilimutan noong
ikaw ay lumahok o sumali sa isang constest.
68
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Iginagalang ang puno ng pangkat, referee, inampalan
II. Paksang Aralin
PAGIGING SPORTS
B.P.
:
Pagmamahal
K.P.
:
Disiplina
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ano ang ibig sabihin ng inampalan?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipabasa sa klase at talakayan.
Kasali ang inyong klase na “Choir Contest" para sa nalalapit na
pagdiriwang ng Pasko. Bago magsimula ang contest ay binasa ang mga
alituntunin or rules and regulations ng contest. Isa ritoang di-dapat pagsusuot
ng School Uniform sa paaralang pinapasukan. Nalungkot ang inyong grupo
dahil kayo ay naka-school unform. Sa kabila nito, pinagsumikapan ninyong
magtanghal sa inyong pinakamagaling na magagawa, kaya sa halip na
kayo ay maging First ay naging second lamang kayo dahil sa alituntuning
naunang binasa ng lupon.
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa mga pasya ng puno ng pangkat, referee o
inampalan? Bakit?
D. Paglalapat
Papaano mo maipakikita ang paggalang sa pasya ng puno ng pangkat referee
o inampalan?
IV. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sumali ka sa larong “Truth & Consequence", ikaw ay laging nagiging taya dahil
sa iyo natatapat ang dulo ng boteng ginagamit sa paglalaro. Pinili mo ang
“consequence". Inutusan ka ng lider ng laro na tumalon ng 50 ulit. Ano ang
iyong gagawin o uugaliin?
a. susunod
b. maiinis
c. magagalit
d. aayaw
2. Kasali kayo sa "Basketball League". Laging huli ang inyong pangkat ng tatlong
minuto kaya binigyan kayo ng huling pagkakataon ng namamahala sa palaro
ng kapag nahuling muli ay disqualified na. Sa kabila ng last chance na ibinigay
sa inyo. Nahuli pa rin kayo at nadisqualified.
69
3. Ano ang iyong gagawin?
a. magagalit sa pamunuan ng palaro
b. magsisisihan
c. guguluhin ang ibang team
d. tatanggapin ang desisyon ng pamunuan
V. Takdang-Aralin
Bakit dapat bang igalang ang pasya ng puno ng pangkat, inampalan o
referee?
70
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Napangangalagaan ang kabuhayang pangpisikal, (materyal) mental, at ispiritwal.
II. Paksang Aralin
Ang Masaganang Biyaya ng Panginoon
B.P.
:
Ispiritwal
K.P.
:
Pananalig sa Panginoon
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: Bulaklak, larawan ng iba’t ibang ibon at pagkain
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Ipakita ang mga larawan. Anu-ano ang mga nasa larawan?
Maituturing ba itong biyaya ng Panginoon? Paano mo ito
mapahahalagahan?
B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad ang kuwento at talakayan.
Si Mario ay isang batang walang pagpapahalaga sa kanyang paligid.
Tinatapakan niya ang mga halaman at ginagawang laruan ang mga
bulaklak. Wala rin siyang pagpapahalaga sa kanyang pangangatawan.
Nanonood siya ng TV na malapit na malapit dito at nakikinig siya ng radyo
na ubod ng lakas.
Isang araw, siya ay nanaginip, buahy raw ang mga halaman at siya’y
hinahabol. Ang kanyang tainga at mata at nagalit sa kanya kaya’t siya’y
nabingi at nabulag. Iyak siya ng iyak, buti na lamang at nagising ang
kanyang ina at siya’y ginising. Mula noon, natuto na siyang magpahalaga
sa mga biyayang kaloob ng Diyos.
2. Pagtalakay:
1. Ano ang maling ugali ni Mario?
2. Ano ang nangyari sa kanya?
3. Siya ba ay nagbago?
3. Hatiin ang klase sa dalawa. Magkaroon ng paligsahan sa pagtatala ng
biyayang kaloob ng Diyos.
C. Paglalahat
Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa mga biyayang kaloob
ng Diyos?
D. Paglalapat
Sabihin ang mga paraan kung paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga sa mga biyayang kaloob ng Diyos katulad ng mga sumusunod:
ibon, pagkain, halaman
71
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Oras ng panood sa Sineskwela, nakita mo ang kaklase mong halos nakadikit na
ang mukha sa T.V. Ano ang gagawin mo?
a. Hayaan siya
b. Ilayo siya sa T.V. at sabihin ang masasamang epekto nito.
c. Gayahin siya.
2. Isinama ka ng kaibigan mo sa bukid at doon siya ay namaril ng ibon. Ano ang
iyong gagawin?
a. Sasawayin siya
b. Tutulungan siyang mamaril
c. Uuwi ka na lang
3. Maraming bulaklak sa parke at nakita mo ang mga batang pumipitas at
ginagawa itong laruan. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
a. Pipitas ka rin dahil gusto mo rin ang mga ito
b. Hahayaan mo na lang sila at hindi papansinin
c. Sasawayin mo ang mga bata
V. Takdang-Aralin
Kilala mo ba ang iyong sarili? Anu-anong biyaya ang kaloob sa iyo ng Diyos.
Itala.
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Nagdarasal/Nagpapasalamat bato at matapos kumain.
II. Paksang Aralin
Ang Masaganang Biyaya ng Panginoon
B.P.
:
Ispiritwal
K.P.
:
Pananalig sa Panginoon
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: Larawan ng mag-anak na nagdarasal bago kumain.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Anu-ano ang mga biyayang kaloob ng Diyos na ating nakikita sa
paligid?
2. Pagganyak:
Ano ang gagawin mo halimbawang binigyan ka ng laruan
ng iyong ama?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan. Ano ang kanilang ginagawa?
2. Ilahad ang kuwento.
Si Karla ay batang lumaki sa pamilyang madasalin. Hindi. ilya nakalilimot
tumawag at magpasalamat lalo na kung sila ay kakain o kumain na.
72
Isang araw, dumalaw siya sa tahanan ng kaniyang kaibigan at dito siya
pinakain.
Una-unahan sa pagkuha ng pagkain ang mga kapatid ngunit siya ay
nanatiling nakayuko at umusal ng isang maikling panalangin. Pinuri siya ng
rnga matatanda at naipangakong muli nilang gigisingin sa kanilang pamilya
ang magandang kaugaliang ito.
3. Talakayan: 1. Ilarawan si Karla.
2. Nakabuti ba ang kaniyang pagiging madasalin? Bakit?
3. Kayo ginagawa niyo ba ang pagdarasal bago at matapos
kumain? Bakit?
4. Pangkatin ang klase sa dalawa at hayaang gumawa ang
bawat pangkat ng isang maikling panalangin bago at
matapos kumain.
C. Paglalahat
Ano ang dapat ugaliin o gawin bago at matapos kumain?
D. Paglalapat
Kung ikaw si Karla, gagawin mo rin ba ang pagdarasal bago kumain sa
ibang tahanan?Bakit?
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek () ang tamang hanay:
Kalagayan
Hindi
1. Nagpapasalamat sa mga biyayang
tinatanggap sa araw-araw
2. Nagdarasal bago kumain
3. Nagdarasal bago kumain
4. Nagtatawa sa nagdarasal bago kumain.
Oo
Minsan
V. Takdang-Aralin
Isulat ang dasal na sinasabi ninyo bago at matapos kumain.
73
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Tinatanggap ng maluwag sa kalooban ang bigay ng Maykapal
II. Paksang Aralin
Ang Masaganang Biyaya ng Panginoon
B.P.
:
Ispiritwal
K.P.
:
Pananalig sa Panginoon
T.B.
:
Naipapakita ang mga paraan ng pagkilala sa Diyos
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: Larawan ng batang pango, bulag, pilay at lumpo.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Ano ang dapat gawin bago at matapos kumain?
2. Pagganyak:
Tingnan nyo ang inyong sarili, maari mo bang ilarawan ang
iyong ilong, mata, atbp?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga larawan. Ano ang masasabi mo sa kanyang ilong? Mata?
Paa? Bakit siya nakasaklay? Ano ang dahilan at siya ay nakaupo sa maliit na
kariton?
2. Ilahad ang kuwento.
3. Pagtalakay sa kuwento
a. Ilarawan si Criselda.
b. Bakit ayaw niyang makipaglaro sa kanyang kapwa?
c. Ano ang bagay na gumising sa kanya upang siya ay magbago?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa mga biyaya sa atin ng Maykapal?
D. Paglalapat
Tingnan muli ang sarili, anu-ano ang mga bahaging pangit sa iyong
paningin? Masasabi mo bang mapalad na sa pagkakaroon ng mga ito? Bakit?
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Maikli ang isa mong paa, kung kaya't paika-ika ka kung lumakad. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Ikakahiya ang iyong paglalakad
b. sisihin ang iyong ina dahil pinabayaan ka
c. magtatago sa tao
d. kikilos ng normal tulad ng ibang tao
2. Nagsasalita ang iyong kaklaseng may depekto sa pagsasalita. Ano ang
gagawin mo?
74
a.
b.
c.
d.
kakaibiganin siya upang mahiraman
uunawain ang kanyang sinasabi
hindi siya papansinin
gagarin ang kanyang pagsasalita
3. Malungkot ang iyong kaklase dahil pinagtatawanan siya ng iba mong kaklase
dahil siya ay duling at pango. Ano ang gagawin mo?
a. kakaibiganin siya upang mahiraman pagkatapos
b. pagtatawanan din
c. sasawayin ang mga nagtatawa at pagpapaliwanagan ang mga ito
d. hindi sial papansinin
V. Takdang-Aralin
Itala ang mga bigay sa iyo ng Maykapal na dapat mong pasalamatan.
75
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Nagagamit ang makabuluhang bagay ang kakayahan/kasanayang biyaya ng
Maykapal
II. Paksang Aralin
Ang Masaganang Biyaya ng Panginoon
B.P.
:
Ispiritwal
K.P.
:
Pananalig sa Panginoon
T.B.
:
Naipapakita ang mga paraan ng pagkilala sa Diyos
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: Plaskard ng mga salitang may kaugnayan sa kakayahan at
kasanayan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Ano ang dapat gawin sa mga biyaya sa atin ng Maykapal?
2. Pagganyak:
Naniniwala ka ba na ang bawat isa ay may espesyal na
kakayahan o kasanayan na bigay sa atin ng Maykapal? Alam mo ba ang
mga bigay sa iyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Basahin ang mga sumusunod
Lumilok
gumuhit
tumula
sumulat ng tula
umawit
sumayaw
2. Ilahad ang kuwento.
3. Pagtalakay
a. Saan ginagamit ang bibig, kamay, mata atbp.?
b. Ilarawan si Mario.
c. Bakit hindi siya ang napili upang makapag-aral ng libre?
d. Anong pagbabago ang naibigay sa kanya ng pangyayaring yaon?
C. Paglalahat
Ano ang dapat nating gawin sa ating mga kakayahan at kasanayan?
D. Paglalapat
Anu-ano ang yang mga kakayahan at kasanayan? Itala.
IV. Pagtataya
___ 1. Si Melanie ay mahusay umawit bagamat ayaw niya itong iparinig sa
kanyang kamag-aaral tanging ina lamang niya ang nakakaalam ng
kanyang kakayahan.
___ 2. May kakayahan si Richard sa pagtakbo bagamat ang kakayahang ito ay
ginagamit lamang niya sa pagtakbo sa utos ng kanyang ina at guro.
76
___ 3. Ginagamit ni Melson ang kanyang kasanayan sa pagtula sa lahat ng oras na
siya ay nahihilingang tumula.
V. Takdang-Aralin
Ano ang dapat mong gawin sa mga taglay mong kakayahan? paano mo, ito
pagyayamanin. Ipaliwanag.
77
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Nakikibahagi sa mga proyekto o gawaing pansimbahan
II. Paksang Aralin
Ang Masaganang Biyaya ng Panginoon
B.P.
:
Ispiritwal
K.P.
:
Pananalig sa Panginoon
T.B.
:
Naipapakita ang mga paraan ng pagkilala sa Diyos
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: Larawan ng simbahan grupo ng mang-aawit sa simbahan,
larawan ng pagdiriwang ng piyesta, prusisyon at Flores de Mayo.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-ara1 : Ano ang dapat gawin sa iyong mga kakayahan at kasanayan?
2. Pagganyak: Kailan ipinagdiwang ang piyesta Flores de Mayo o Santacrusan
sa iyong lugar? Miyembro ka ba ng mga man-aawit sa inyong
simbahan?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga larawan. Ano ang masasabi mo sa bawat isa?
2. Ilahad ang kuwento
Ang Brgy. Sili-silihan ay kilala sa mga manong at manang. Ang lahat halos
ng matatanda ay tumutulong sa mga proyekto at gawaing pansimbahan.
Sinisikap nila na mamulat ang isipan ng mga kabataan sa ganitong gawain.
Ipinaiintindi nila sa kanilang mga murang isipan sa mag bagay na naibibigay
ng mga ganitong gawain. Dahilan ito upang maging maayos at payapa
ang kanilang lugar.
3. Pagtalakay
a. Ilarawan ang Brgy. Sili-Silihan.
b. Ano ang sinisikap ng mga matatanda sa baranggay na ito?
c. Bakit maayos at payapa ang lugar na ito?
C. Paglalahat
Ano ang maitutulang mo sa mga gawaing pansimbahan bilang isang
kabataan?
D. Paglalapat
Itala ang iba't-ibang proyekta/gawaing pansimbahan na iyong namamalas
sa inyong baranggay.
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek () kung ito ay nagpapakita ng pakikibahagi sa mga
proyektong pansimbahan at ekis (x) kung hindi.
78
______ 1. Sumasama sa mga prusisyon.
______ 2. Sumali sa mga mang-aawit ng simbahan.
______ 3. Pinagtatawanan ang mga matatanda sa kanilang mga kasuotang
pansimbahan.
______ 4. Pumupunta sa simbahan at nakikiisa sa mgaproyektong inilulunsad.
V. Takdang-Aralin
Alamin ang iba't-ibang gawain sa simbahan at ito ay itala.
79
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I.
Layunin:
Tumutulong ng kusang loob sa abot ng makakaya sa sinuamang nangangailangan
II. Paksang Aralin
Ang Masaganang Biyaya ng Panginoon
B.P.
:
Ispiritwal
K.P.
:
Pananalig sa Panginoon
T.B.
:
Naipapakita ang mga paraan ng pagkilala sa Diyos
PELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan: Larawan ng mga pulubi at mga batang nagugutom
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano ka makatutulong sa mga gawaing pansimbahan?
2. Pagganyak : Nasubukan mo na bang tumulong sa mga nangangailangan
ng kusang loob? Ano ang iyong naramdaman?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga larawan. Sila ang mga taong higit na nanganga-ilangan ng
ating tulong. May kilala ka bang tulad nila?
2. Ilahad ang kuwento
3. Pagtalakay
a. Ilarawan ang pagkakaiba ng dalawang tahanan?
b. Bakit hindi pinatuloy ang marungis na bata sa unang tahanan?
c. Ano ang pakiramdam ng bata pagkaraang tumulong?
C. Paglalahat
Paano ka makatutulong sa mga kapus-palad? Dapat ka bang pilitin upang
gawin ito?
D. Paglalapat
Ipaliwanag ang kasabihang “It is beter to give than to receive?
IV. Pagtataya
Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na kalagayan:
 Habang kumakain ka napansin mo sa hindi kalayuan ang isang batang
naghahanap ng makakain sa basurahan
 May bulag na kumakalabit sa iyo at nanghihingi ng kaunting limos
 Ang iyong kaklase ay walang baon ngunit kakaunti rin ang sa iyo.
V. Takdang-Aralin
Gumuhit ng isang larawang nagpapakita ng iyong munting pagtulong sa lyong
munting paraan sa mga taong kapus-palad.
80
3RD
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Natatanggap/Naigagalang ang karapatang pagmamay-ari
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Paggalang
I.B.
:
Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao
ELC. :
EKAWP p. 15
Kagamitan:
Bag, lapis, papel atbp.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Anu-ano ang tamang paraan ng paghahanda ng pagkain?
2. Pagganyak: Alam ba ninyo ang inyong mga gamit? Sabihin nga ang mga ito.
B. Panlinang na Gawain
1. Kanginong lapis, bag, papel ang mga ito?
2. Ilahad ang kuwento.
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Myrna.
b. Ano ang kanyang ginagawa kalimitan?
c. Bakit siya napahiya?
d. Ano ang kanyang naipangako sa sarili?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa gamit ng iba?
D. Paglalapat
Magkaroon ng pakontes o paligsahan sa pagtatala ng kani-kanilang sariling gamit.
IV. Pagtataya
Sagutin ng tama o mali ang bawat kalagayan:
_____ 1. Hiramin ang gamit na nais matapos ay itago.
_____ 2. Hiramin ang gamit pagkatapos ay isauli.
_____ 3. Kuhanin ng walang paalam ang gamit na nais.
_____ 4. Huwag mainggit sa iba bagkus ay tanggapin ang sari ling kakayahan.
V. Takdang-Aralin
Magbigay ng isang paraan kung paano mo maigagalang ang karapatang pagmamay-ari ng iyong
kapwa.
81
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Tinatanggap ng maluwag sa kalooban ang bigay ng Maykapal
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Paggalang
I.B.
:
Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao
ELC. :
EKAWP p. 19
Kagamitan:
Mga pansariling gamit tulad ng panyo, sando, damit panloob atbp.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Paano mo iginagalang ang karapatang pagmamay-ari ng iyong kapwa?
2. Pagganyak: Anu-ano ang alam mong mga pansariling gamit?
B. Panlinang na Gawain
1. Ano ang dala ninyong gamit ngayon? Ipakita ang panyo, bimpo, sando at mga damit panloob.
Mayroan ba kayang ganitong mga gamit?
2. Ilahad ang kuwento.
3. Pagtalakay
a. Ano ang mga usong sakit pag panahon ng tag-init?
b. Bakit nahawa ang katabi ni Celia sa kanya?
c. Ano ang aral na iyong nakuha sa kuwento?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa gamit na pansarili lamang?
D. Paglalapat
Hatiin ang klase sa dalawa (babae at lalaki). Magpaligsahan sa pagtatala ng mga pansariling
gamit. Bigyan ng pagpapahalaga ang grupong may pinakamaraming naitala.
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek(1) kung ang kalagayan ay nagpapakita ng pagtanggap na ang pansariling gamit ay
sa sarili lamang at ekis (X) kung hindi.
_____ 1. Ginagamit ang suklay ng kapatid.
_____ 2. Hiraman sa damit panloob
_____ 3. Ginagamit ang sariling panyo
_____ 4. Ginagamit ang sariling toothbrush.
V. Takdang-Aralin
Ano ang dapat gawin kung gusto mo ang gamit ng iyong kapwa?
82
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Nagpapaalam muna sa may-ari kung may bagay na gagamitin
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Paggalang
I.B.
:
Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao
ELC. :
EKAWP p. 19
Kagamitan:
Larawan ng batang naghihingi ng permiso sa pagkuha ng gamit ng kausap.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Nanghihiram ka ba ng mga pansariling gamit sa iyong kapatid o kaibigan?
2. Pagganyak: Marunong ka bang manghiram? Nakapanghiram ka na ba ng gamit ng iyong
kaklase? Ano ang sinabi mo?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan. Sa palagay mo ano ang ginagawa ng bata sa larawan?
2. Ilahad ang kuwento.
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Romy.
b. Bakit nagalit si Mang Tano?
c. Nagbago ba si Romy?
d. Paano niya isinauli ang asarol?
C. Paglalahat
Bakit kinakailang mapgaalam muna bago gamitin ang gamit ng iba?
D. Paglalapat
Pangkatin ang klase sa apat. Anyayahan silang magpakita ng dula-dulaang nauukol sa
paghingi ng pahintulot sa paghiram ng mga bagay na hindi sa kanila.
IV. Pagtataya
Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na kalagayan:
- Wala ang may-ari pero kailangan mo na ang kaniyang pala.
- Gusto mong manghiram ng makinilya sa iyong kaklase ngunit pagdating mo sa kanila narinig
mong kinagagalitan siya ng kanyang ina.
V. Takdang-Aralin
Bakit mahalagang magpaalam muna bago kuhanin ang gamit ng iyong kapwa? Ano ang
kahalintulad kapag kumuha ka ng walang paalam?
83
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Nakikilala ang pagmamalasakit ng iba para sa kanilang pansarili/pribadong pagmamay-ari
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Paggalang
I.B.
:
Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao
ELC. :
EKAWP p. 20
Kagamitan:
lapis, papel, krayola atbp.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Ano ang dapat gawin kung gusto mong gamitin ang gamit ng iyong kapwa?
2. Pagganyak: Anu-ano ang mga pansariling gamit mo? Paano mo ito pinahahalagahan?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga bagay na nasa mesa. Ito ay mga simpleng gamit o bagay na dapat
pahalagahan pero paano?
2. Ilahad ang kuwento.
3. Pagtalakay
a. Ibigay ang pagkakaiba ng magkaibigan.
b. Bakit laging nawawala ang mga gamit ni Mary?
c. Sino ang pipiliin mo sa dalawang bata? Bakit?
d. Pinahahalagahan ba ni Mary ang pagmamalasakit ni Adette para sa kanyang gamit?
C. Paglalapat
Isa-isahin ang mga bata tingnan kung nagmamalasakit sila sa kani-kanilang mga gamit at
kung ipinakikita nila o kinikilala ang pagmamalasakit ng iba para sa kanilang mga gamit
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek() kung ito ay nagpapakita ng pagkilala sa pagmamalasakit ng iba para sa
kanilang mga gamit at (x) kung hindi.
______ 1. Ginugulo ang mga gamit na nakaayos ng iyong katabi
______ 2. Nahihiya lalu na kung nagulo ang gamit na pinakaiingatan ng iyong katabi.
______ 3. Nagagalit kung hindi pinahiram ng iyong kak1ase.
______ 4. Sinisikap na maisauli ang gamit na hiniram ng maayos at hindi sira.
V. Takdang-Aralin
Punan ang patlang ng tamang kaisipang natutunan.
Mula ngayon ako ay____________________________________ sa aking mga gamit. Aking
______________________________ang pagmamalasakit ng iba sa kanilang mga gamit. Hindi na
muling _______________________________ang gamit ng iba.
84
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Nakikilala ang mga pook na pag-aari ng tao/publiko
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Paggalang
I.B.
:
Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao
ELC. :
EKAWP p. 20
Kagamitan:
Larawan ng mga pook publiko tulad ng mga parke, paaralan atbp.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Paano mo kinikilala ang pagmamamalasakit mo sa pagpapahalaga ng iba sa
kanilang mga gamit.
2. Pagganyak: Saan kayo madaas mamasyal kasama ng buong pamilya? Ipakita ang mga
larawan. Nakarating na ba kayo sa ganitong lugar. May bayad pa ang pagpasok
dito?
B. Panlinang na Gawain
1. Ano ang ibig sabihin ng publiko?
2. Ilahad ang kuwento.
3. Pagtalakay
a. Ano ang tawag sa mga pook pasyalan na libre?
b. Ilarawan ang pamilya ni Mang Rene.
c. Paano niya dinulutan ng kaligayahan ang kanyang pamilaya?
C. Paglalahat
Anu-ano ang mga pook na pag-aari ng publiko?
D. Paglalapat
Hatiin ang klase sa dalawa. Magkontes o magpaligsahan ukol sa pagtatala ng mga pook
pampubliko.
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek() kung ang pook ay publiko at ekis (x) kung hindi
______ 1. sinehan (Victoria)
______ 2. parke
______ 3. Paaralang Barangay
______ 4. Summer Place Resort
______ 5. ilog
V. Takdang-Aralin
Magtalaga ng iba pang pampublikong lugar.
85
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Iniiwasan ang pagpasok sa pook na pag-aari ng pribadong mamamayan
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Paggalang
I.B.
:
Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao
ELC. :
EKAWP p. 20
Kagamitan:
Larawan ng mga pribadong pook (sinehan, resort, atbp.)
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Anu-ano ang mga lugar publiko?
2. Pagganyak: May alam ba kayong lugar kung saan ito ay hindi dapat pasukin ng walang
pahintulot? O di kaya’y lugar na kailangang bayaran mo muna bago ka
papasukin?
B. Panlinang na Gawain
1. Ano ang ibig sabihin ng pribadong pook? Ipakita ang mga larawan ilan lamang ito sa mga
pribadong lugar na matatagpuan dito sa ating lugar.
2. Ilahad ang kuwento
3. Pagtalakay
a. Ilarawan ang pamilya ni Mark.
b. Ano ang mayroon sa kanilang tahanan at gustong-gusto roon ng mga bata?
c. Bakit sila nakagat ng aso?
d. Ano ang ibig sabihin ng salitang “trespassing"?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa mga lugar na pribado?
D. Paglalapat
Pangkatin ang klase sa apat. Hayaang pumili ang bawat pangkat ng madamdaming
kuwento/bahagi ng kuwento at ito ay isadula.
IV. Pagtataya
Sagutin kung tama o mali ang bawat kalagayan
______ 1. Pumapasok sa mga pribadong lugar ng walang pahintulot.
______ 2. Kinikilala muna ang mga lugar kung ito ay pribado o pampubliko bago pumasok.
______ 3. Iniiwasan ang pagpasok sa mga lugar o bakuran ng iba.
______ 4. Ang taong pumasok ang walang pahintulot ang may sala sa anumang panganib na
mangyayari sa kanya.
V. Takdang-Aralin
Punan ang patlang ng tamang kaisipang natutunan.
Mula ngayon _______________________________ ko nang pumasok sa mga lugar na pribado.
86
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Iniiwasan ang pagtatapon ng basura sa bakuran ng iba.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Paggalang
I.B.
:
Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao
ELC. :
EKAWP p. 20
Kagamitan:
Larawan ng wastong pagtatapon ng basura.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Anu-ano ang alam mong pribadong lugar?
Ano ang dapat mong gawin sa mga lugar na ito?
2. Pagganyak: Ano ang gingawa mo sa mga basura sa inyong tahanan? Paano mo ito itatapon?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan. Tama ba ang kanyang ginawa?
2. Ilahad ang kuwento
Si Criselda ay nakatira sa isang lugar kung saan dikit-dikit ang mga bahay. Tuwing
umaga upang mawala ang kanyang basura, ihihahagis niya ito sa yero ng kapitbahay o di
kaya naman ay sa basurahan ng iba. Dahil sa ugali niyang ito wala siyang kasundong
kapitbahay. Minsan nagkaroon ng sunog sa kanilang lugar at kahit isa ay walang gustong
tumulong sa kanya. Naisip niya pagkatapos ng sakunang nangyari na magbago na ng ugali.
Isang aral ang idinulot sa kanya ng sunog na iyon
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Criselda.
b. Ano ang kanyang pangit na ugali?
c. Bakit walang nais tumulong sa kanya?
d. Tama bang maghintay muna ng isang sakuna bago ang pagbabago?
C. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa basura?
D. Paglalapat
Paano mo maiiwasan ang pagtatapon ng basura sa bakuran ng iba? Itala ang iba't-ibang
rnaaring maging paraan.
IV. Pagtataya
 Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na kalagayan. Galit ka sa iyong kapitbahay at
nakita mong marami na palang basura sa iyong basket ng basura.
 Nakita mong nagtatapon ng basura ang inyong kapitbahay sa inyong bakuran.
V. Takdang-Aralin
Paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit at pagmamahal sa mga matatanda? Surnulat ng
isang sitwasyon.
87
88
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Naipakikita ang pagmamahal sa mga matatanda
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Paggalang
ELC. :
EKAWP p. 20
Kagamitan:
mga larawan, kwentong likha ng guro
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Panalangin
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Kayo ba ay may mga matatandang kasambahay? Paano ninyo sila tinatrato?
2. a. Paglalahad: Tingnan ang mga larawan sa chart, ano ang ipinahihiwating ng mga ito?
b. Pagkukuwento:
Mahal na mahal ni Carlo ang kanyang Lolo Kario at Lola Pina na kasama nila sa
bahay. Araw-araw sa kanyang pag-uwi mula sa klase ay hindi niya nakaliligtaang
pasalubungan ang kanyang lolo at lola Minsan, nagkasakit si Lolo Kario at naospital.
Nalungkot si Carlo at dahil sa pagmamahal niya sa matanda, walang araw na hindi niya
ipinagdasal sa Diyos na ito'y pagalingin agad. Dininig ng Diyos ang panalangin ni Carlo
at muling bumalik ang dating sigla ng matanda. Tuwang-tuwa si Carlo at lalu niyang
ipinadama sa kanyang lolo at lola ang kanyang pagmamahal.
C. Pagsusuri:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong inyong narinig?
2. Ano ang kanyang ibinibigay sa kanyang mga lolo at lola sa tuwing manggagaling siya sa
iskuwela?
3. Nang magkasakit si Lolo Kario, ano ang hiniling ni Carlo sa Panginoon?
4. Ano ang ipinakikita ng mga ginawa ni Carlo para sa kanyang mga lolo at lola?
5. Kung ikaw si Carlo, gagawin mo rin ba ang ganoon?
C. Paglalapat:
Paano mo maipakikita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga nakatatanda sa iyo sa mga
sumusunod na sitwasyon.
- pagkakasakit ng iyong lolo at lola
- pag nalulungkot sila
- pag may yumao sa kanilang kamag-anak
IV. Pagtataya
Sagutin kung tama o mali.
_____
1. Pagtulong sa mga gawain ng iyong lolo at lola
_____
2. Pagbalik sa kamay ng iyong lolo at lola
_____
3. Pagsagot nang pabalang
_____
4. Pagpapasalubong sa likod ng mga matatanda
89
V. Takdang-Aralin
Ipakitang lagi ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga nakatatanda.
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Tumutulong sa mga matatanda sa pagdadala ng mabigat na mga bag o dalahin.
II. Paksang Aralin
Malasakit sa mga Matatanda
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Pagmamalasakit sa Kapwa/Kabutihan ng Nakararami
I.B.
:
Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao
ELC. :
EKAWP 4 p. 22
Kagamitan:
larawan, kuwento
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Tula:
“Ang Batang Matulungin”
2. Balik-aral:
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan. Sabihin: Tingnan ang larawang ito. Ano ang ginagawa ng
batang ito? Anong ugali mayroon siya?
2. Paglalahad:
Pagbasa ng kuwento habang nakapaskil ang larawan
Magkasabay na naglalakad papunta sa paaralan ang magkapatid na Lito at Ben.Malapit
na sila sa paaralan nang may mamataan silang matanda na may dalang bayong na punungpuno ng gulay. Halos ay hindi na ito maiangat dahil sa kabigatan. Dali-daling tumakbo si Ben
upang tulungan ang matanda samantalang si Lito ay nakatayo lamang. Inihatid ni Ben ang
matanda hanggang sa sakayan at saka pa lamang siya tumakbo papasok sa paaralan. Sinabi
niya sa kanyang guro ang dahilan ng kanyang pagkahuli sa klase at ito ay natuwa sa kanya.
C. Pagsusuri
1. Sino sa dalawang magkapatid ang may mabuting pag-uugali?
2. Sa palagay ninyo, kagagalitan si Ben ng kanyang guro dahil nahuli siya sa pagpasok sa
paaralan?
3. Kung kayo si Ben, gagawin n'yo rin ba ang ginawa niya?
IV. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sago!.
1. Sino ang may dalang mabigat?
a. matanda
b. Ben
c. Lito
2. Anong uri ng bata si Ben?
a. mabait
b. matulungin
c. masipag
3. Ano ang naramdaman ng guro nang malaman niya ang pangyayari?
a. natuwa
b. nalungkot
c. nagdamdam
V. Takdang-Aralin
90
Maghanap ng mga larawan ng mga batang nagpapakita ng pagkamatulungin.
91
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Binati ang mga matatanda sa mahalagang okasyon.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Karapatang Pagmamay-ari
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Pagmamalasakit sa Kapwa/Kabutihan ng Nakararami
I.B.
:
Naipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao
ELC. :
EKAWP 4 p. 22
Kagamitan:
larawan, kuwento
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Madalas n'yo bang batiin ang inyong mga lolo't lola? kailan ninyo sila binabati? Anuanong okasyon n'yo sila binabati?
2. Paglalahad:
a. Pagpapakita sa k1ase ng larawan ng isang bata na humaha1ik sa isang matanda
b. Pagkukuwento:
Si Lola Puring ay nakaupo sa silyon sa may tabi ng bintana habang nakatanaw sa
malayo. Walang anu-ano ay may maliliit na kamay na tumakip sa kanyang mga mata,
sabay halik. Ang kanya palang apong si Alvin. “Happy Birthday Lola", kasabay ng pagaabot ng isang pumpon ng bulaklak. Makaraan ang ilang sandali ay nag datingan ang
kanyang mga anak at apo na may dalang regalo at pagkain. Masayang-masaya si Lola
Puring nang araw na iyon.
C. Pagsusuri
1. Sino ang may kaarawan?
2. Ano ang ala-ala ni Alvin kay Lola Puring?
3. Ano ang naramdaman ni Lola Puring nang siya ay batiin ng kanyang apo?
D. Paglalapat:
Kung tayo ay may kamag-anak na matandang may kaarawan, ano ang pinakamabuti ninyong
gawin?
IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Mahalaga ba ang pag-aalaga at pagbati sa mga pagkakataong ito?
2. Ano ang nararamdaman mo kapag nakapagpapaligaya ka ng isang matanda
3. Ano ang nararapat gawin kung may mahalagang impormasyon para sa matatanda?
V. Takdang-Aralin
Ugaliin ang pagbati sa mga matatanda sa mahahalagang okasyon
92
93
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Laging pina-uuna ang mga nakakatanda
II. Paksang Aralin
Malasakit sa mga Matatanda
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng Nakararami
ELC. :
EKAWP 4 p. 22
Kagamitan:
mga larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Maraming awit
2. Balik-aral
Bilang pagpapakita ng pagmamahal sa mga nakatatanda, ana ang ating ginagawa kapag
may mga mahahalagang okasyon?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak: Mga bata, nakaranas na ba kayong pumila upang Makakuha ng sasakyan patungo
sa inyong pupuntahan? Ano ang inyong gagawin kung may makita kayong
matandang uugod-ugod palapit sa inyong kinatatayuan?
2. Paglalahad: Pagpapakita ng mga larawan ng sumusunod.
a. Batang naglaan ng kanyang puwesto upang mauna ang matanda.
b. Batang hindi umiiyak at pumansin sa pagdating ng matanda
c. Batang nagalit sa matanda nang makiusap itong paunahin na siya sa pila.
C. Pagsusuri:
1. Anong ugali ang ipinakita ng mga bata sa bawat larawan?
2. Sa inyong palagay, sino sa kanila ang tunay na nagpakita ng pagmamalasakit na matanda?
3. Dapat ba o hindi dapat tularan ang kanyang ginawa?
D. Paglalapat:
Siksikan sa kantina dahil oras na ng pananghalian. May nakita kang matanda na paparating at
makikipila rin ano ang nararapat mong gawin?
IV. Pagtataya:
Sumulat ng limang sitwasyon na kinakailangan ng pagpapauna sa mga nakatatanda.
V. Takdang-Aralin:
Paano mo maipadarama sa mga nakatatanda sa iyo particular ang mga matatanda na sila ay
mahalaga at kapaki-pakinabang pa? Gumuhit ng mga larawang nagpapakita nito.
94
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Naipapadama sa matatanda na silay ay mahalaga at kapaki-pakinabang pa.
II. Paksang Aralin
Malasakit sa mga Matatanda
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng Nakararami
ELC. :
EKAWP 4 p. 22
Kagamitan:
Kuwentong likha ng guro
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Balik-aral: Ano ang dapat nating gawin kapag may matatanda sa ating pinipilahan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak: Kung kasama ninyo sa bahay ang inyong lolo at lola, pagagawain nyo pa ba sila
ng mga gawaing bahay at hihingan ng payo?
2. Paglalahad:
Masayang mag-anak ang pamilya Buencamino. Bukod sa mag-asawang Anton at Donna
at dalawang anak na sina Via at Gabriel ay kasama rin nila sina Lolo Fernando at Lola Magda
sa kanilang tahanan.
Bagama't matanda na sina Lolo Fernando at Lola Magda ay masigla pa rin nilang
nagagawa ang mga gawain tulad ng paglilinis ng bakuran at paghahalaman na dati na nilang
kinagigiliwang gawin. Hinahayaan naman sila ng mag-asawa dahil alam nilang duon sila
magiging masaya. Batid nila na kapag pinigilan nila ang mga ito ay higit itong
magdaramdam.
Sa mga bagay naman na may kinalaman sa pamilya, tinatanggap ng mag-asawa ang mga
opinyon at payo ng mga matatanda lalu na ang mga ito ay para sa ikabubuti ng buong maganak.
C. Pagsusuri:
1. Anong uri ng mag-anak ang pamilya Buencamino?
2. Sinu-sino ang bumubuo sa pamilya Buencamino?
3. Anu-anong gawain ang kinawiwilihang gawin nina Lolo Fernando at Lola Magda?
4. Bakit hindi pinipigilan o pinagbabawalan ng mag-asawang Anton at Donna ang mga
matatanda sa kanilang ginagawa?
5. Tama ba ang pagbibigay ng gawain at paghingi ng payo sa mga matatanda sa kabila ng
kanilang edad? Anong buti ang maidudulot dito para sa mga matatanda?
D. Paglalapat:
Kaya pang magluto ng iyng lola ngunit ayaw mo siyang mahirapan, ano ang iyong gagawin?
Bakit?
IV. Pagtataya:
95
Lagyan ng tsek () ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapadama sa mga matatanda na sila ay
mahalaga at kapaki-pakinabang pa at ekis naman kung hindi. Ilagay ang sagot sa patlang bago
dumating ang bilang.
______ 1. pagbibigay ng mga gawain sa tahanan.
______ 2. pag-ako sa mga gawain ng iyong lolo at lola
______ 3. paghingi ng tulong sa takdang-aralin pagkonsulta sa mga matatanda sa mga
mahahalagang bagay ukol sa pamilya.
V. Takdang-Aralin:
Maghanap ng kuwento na maaring gamitin upang maaliw ang inyong mga lolo at lola.
96
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Kinakausap/Kinukuwentuhan ang mga matatanda.
II. Paksang Aralin
Malasakit sa mga Matatanda
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng Nakararami
ELC. :
EKAWP 4 p. 23
Kagamitan:
kuwentong likha ng guro
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Maraming awit
2. Balik-aral
Paano ipinadama ng pamilya Buencamino sa mga matatandang kasambahay na ang mga
ito ay mahalaga at kapakii-pakinabang pa?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Sino sa inyo ang mahilig magkuwento at magpakuwento sa inyong mga lolo at lola?
Masarap ba silang magkuwento?
Kayo nagkukuwento rin ba kayo sa kanila?
2. Paglalahad:
Si Lolo Ambo ay lolo ni Arnel. Siya ay 90 anyos na at dahil sa katandaan nito kung
kaya't namamalagi na lamang ito sa kanilang bahay.
Nuong bata pa si Arnel ay lagi itong kinukuwentuhan ng matanda ng mga nakaaawli na
alamat at pabula na paboritong pakinggan ni Arnel.
Ngayong matanda na si Lolo Ambo at hindi na halos makapagkuwento tulad dati kung
kaya't si Arnel naman ang nagkukuwento, sa kanyang lolo. Bagama't hindi ang sasalita, bakas
sa mukha ng matanda ang kaligayahan dahil naaaliw siya sa ginagawang pagkukuwento ni
Arnel.
C. Pagsusuri:
1. Sino si Lolo Ambo?
2. Bakit lagi na lamang siya sa bahay?
3. Ano ang ginagawa ni Lolo Ambo kay Arnel nuong araw?
4. Ngayong matanda na si Lolo Ambo, ano naman ang ginagawa ni Arnel sa kanya?
5. Ano ang maidulot ng pagkukuwento ni Arnel kay Lolo Ambo?
D. Paglalapat:
Kung ikaw ay may kasamang matatanda sa bahay, ano ang iyong gagawin upang maaliw mo
sila?
IV. Pagtataya:
Sabihin kung dapat o hindi dapat ikuwento sa inyong lolo at lola ang mga sumusunod.
_____ 1. mga pangyayaring nakatatakot .
97
_____ 2. mga nangyari sa inyo sa maghapon
_____ 3. masasayang eksena sa palabas sa telebisyon
_____ 4. pag-aaway ng iyong mga magulang
_____ 5. pagkamatay ng kanilang matalik na kaibigan
V. Takdang-Aralin:
Maglista ng 3 paraan na inyong nagagawa ulpang pasalamatan ang mga matatanda na kasama
ninyo sa inyong tahanan?
98
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Nagpapasalamat sa mga matatanda sa ginagawa nilang anumang tulong sa tahanan.
II. Paksang Aralin
Malasakit sa mga Matatanda
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng Nakararami
ELC. :
EKAWP 4 p. 23
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Pagkausap at pakikipagkuwentuhan sa mga Matatanda
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
a. May kasama ba kayong matatanda sa inyong bahay?
b. Ano ang ugaling ipinakikita ninyo sa kanila?
c. Paano ninyo ipinadarama sa kanla ang inyong pagmamahal?
2. Paglalahad:
Pagsasagawa ng dula-dulaan mula sa aklat.
Ang mag-anak ni Tito ay abalang-abala sa paglilinis ng bahay at bakuran para sa nalalapit
na Fiesta.
C. Pagsusuri:
1. Ano ang ginagawa ng mag-anak?
2. Ano ang mabuting kaugalian na ipinakikita ng mag-anak?
3. Ano ang tulong na nagawa ni Lola?
4. Nararapat bang pasalamatan si Lola Maria sa kanyang ginagawa?
D. Paglalapat:
Anong mabuting kaugalian ang dapat ipakita sa mga matatanda kung may tulong silang
nagawa?
IV. Pagtataya:
Isulat ang Tama kung tama ang kaisipan at Mali kung mali ang kaisipan.
_____ 1. Huwag bibigyan ng pansin ang mga bagay na ginagawa ng lola mo sa bahay.
_____ 2. Magpasalamat sa lolo mo kung siya ay naglilinis ng bahay.
_____ 3. Pintasan ang ginawa ng lolo mo.
_____ 4. Tambakan ng-mga gawaing-bahay ang lola mo at pagkatapos ay pintasan ito.
_____ 5. Bigyang pansin at purihin ang anumang bagay na nagawa ng lolo at lola mo sa inyong
tahanan.
V. Takdang-Aralin:
Magtala ng mga bagay na inyong nagawa para sa inyong mga lolo at lola sa inyong kuwademo.
99
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Inaasikaso ang pangangailangan ng mga matatanda
II. Paksang Aralin
Malasakit sa mga Matatanda
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng Nakararami
ELC. :
EKAWP 4 p. 23
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Maramihang Awit
2. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak: Mayroon ba kayong kasamang matanda sa bahay? Ano ang ginagawa ninyo
kapag sila ay nangangailangan ng tulong?
2. Paglalahad:
a. Ngayong araw na ito ay may ilalahad akong kuwento tungkol sa isang mag-anak na hindi
kinalilimutan kailan man ang pangangailangan ng kanilang matandang kasambahay.
b. Pagkukuwento:
Masayang nanonod ng T. V. ang mag-anak na Reyes kasama si Lolo Ramon nang
gabing iyon nang biglang inihit si Lolo Ramon ng ubo. Dali-daling tumakbo papunt sa
kusina ang apo niyang si Rose. Hinagod ng kanyang anak na si Aling Mameng ang
kanyang dibdib. Ilang sandali pa ay dala na ni Rose ang ilang basong tubig at ang gamot
ng kanyang lolo. Nanag makainom ng gamot si Lolo Ramon ay unti-unti na itong
nakalmante. Iginayak naman ng kapatid ni Rose na si Baby ang higaan ng kanilang lolo
habang nagkukuwentuhan sina Rose at ang kanyang lolo tungkol sa napanood sa T.V.
C. Pagsusuri:
1. Ano ang nangyari kay Lolo Ramon?
2. Ano ang ginawa ni Rose?
3. Ano naman ang ginawa ni Aling Mameng?
3. Sino naman ang naggayak ng higaan ni Lolo Ramon?
4. Anong uri ng bata ang mga apo ni Lolo Ramon?
D. Paglalapat:
Kung may matandang nangangailangan ng tulong, ano ang myong gagawin.
IV. Pagtataya:
Sagutjn ng Oo o Hindi.
_____ 1. Pagtawanan ang matandang mayakit o may kapansanan.
_____ 2. Tulungan ang matandang maysakit o may kapansanan.
_____ 3. Pabayaan sila at huwag pakialamanan
_____ 4. Ang mga matatandang may kapansanan ay dapat unawain at tulungan
V. Takdang-Aralin:
Sumulat ng 5 paraan ng pagpapakita ng pag-aasikaso ng mga pangangailangan ng matanda.
100
101
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Naipadarama sa mga matatanda na sila ay mahalagang tauhan o bahagi ng mag-anak.
II. Paksang Aralin
Malasakit sa mga Matatanda
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng Nakararami
ELC. :
EKAWP 4 p. 23
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Maramihang Awit
2. Balik-aral: Pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng matatanda
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Paano ninyo ipinadarama sa mga matatanda na sila ay mahalaga?
Isinali n’yo ba sila sa inyong pagkukuwentuhan, pagtatawanan at pagkakainin sa bahay?
Makikinig at may ialahad akong kuwento tungkol sa isang anak na hindi nalilimutan ang
bahagi ng kanilang matandang kamg-anak.
2. Paglalahad:
a. Pagkukuwento:
C. Pagsusuri:
1. Sino ang binili ng bagong T-shirt?
2. Ano ang naramdaman ni Mang Tomas nang ibili siya ng bagong T-shirt?
3. Kung kayo si Mang Luis, gagawin nyo rin ba ang kamukha ng ginawa niya?
D. Paglalapat:
Paano ninyo naipadarama sa matandang kaanak na siya ay mahalagang bahagi ng inyong
buhay.
IV. Pagtataya:
Isulat kung Tama o Mali ang mga kalagayang sumusunod:
_____ 1. Bigyang pansin ang kabutihan o tulong na nagawa ng matandang kasambahay.
_____ 2. Laging pagagalitan ang matandang kasambahay kapag may nagawang pagkakamali.
_____ 3. Unawain ang anumang bagay na nauukol sa kaligayallan ng matandang kasambahay.
V. Takdang-Aralin:
Ugaliin ang pagsasagawa ng mga gawain sa tahanan nang kasama ang matandang kasambahay.
102
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Isinasama sa mga Gawain ng mag-anak ang mga matatanda.
II. Paksang Aralin
Malasakit sa mga Matatanda
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Pagmamalasakit sa kapwa/Kabutihan ng Nakararami
ELC. :
EKAWP 4 p. 23
Kagamitan:
Kuwentong likha ng guro
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Maramihang Awit
2. Balik-aral:
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Namamasyal ba kayong mag-anak? Kung kasama ninyo sa bahay ang inyong lolo at lola,
isinasama rin ba ninyo sila sa pamamasyal at iba pang gawaing pampamilya? Bakit?
2. Paglalahad : Pagkukuwento
C. Pagsusuri:
1. Ano ang magaganap sa darating na Linggo?
2. Anong paghahanda ang kanilang ginawa para sa reunion?
3. Bukod sa reunion, saan-saan pa nila isinasama sina Lolo Kiko at Lola Iska?
4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba sa mga matatanda ang ganitong pagtrato sa kanila?
5. Ano ang naging epekto ng mga ginagawa ng pamilya Salgado sa dalawang matanda?
D. Paglalapat:
Nais ng iyong pamilya na magsimba sa Manaoag at tuloy a mag-swimming sa isa sa mga
beach sa Pangasinan. Ngunit namomoblema ang iyong mga magulang kung sino ang pag-iiwanan
nila sa inyong loloat lola na kasama ninyo sa bahay. Ano ang iyong magagawa upang malutas
ang problema ng iyong mga magulang at mapasaya na rin ang dalawa?
IV. Pagtataya:
Markahan ang sarili sa mga sumusunod.
Mga Gawain
1. Isinasama ang mga lolo at lola sa pagsisimba
2. Ipinapasyal sila
3. Isinasali sa mga usapang pampamilya
4. Ibinubukod ang pagkain ng mga matatanda
5. Isinasalo sa pagkain ang mga matatanda
Palagi
Paminsan-minsan
Hindi
V. Takdang-Aralin:
Gumuhit o gumupit ng mga larawang nagpapakita na kasama ang mga lolo at lola sa isang
masayang tagpo. Sumulat ng maikling talata ukol dito.
103
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Naipapakita ang paggalang sa kultura ng iba’t-ibang pangkat upang mapanatili ang kapayapaan.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
Mga larawan ng pangkat etniko, pagkain, mga ritwal at kasuotan.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Anu-ano ang pangkat sa ating bansa?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad ang larawan ng iba't-ibang pangkat etniko sa bansa at hayaang kilalanin ng mga bata.
2. Ilahad sa pisara : KULTURA
Ano ang ibig sabihin nito?
3. Obserbahang mabuti ang mga larawan ng iba't-ibang pagkain, damit, paraan ng mamumuhay
ng bawat pangkat.
 Bakit kaya iba-iba ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino?
 Dapat ba nating igalang ang kultura ng ating kababayan? Bakit?
C. Pagsusuri:
1. Ilahad at talakayan
Maraming turista na dumadayo sabayan ni John Fitz sa Aklan upang saksihan ang mga
Ati-atihan. Ang mga taga-Akian ay abalang-abala sa paghahanda mula sa gagamiting
kasuoan hanggang sa pagkain.
Sa araw ng pagdiriwang ay makikita ang mga pagdiriwang upang maintihan kung bakit
ginagawa ito ng mga tao.
 Kayo, alam ba ninyo kung bakit ipinagdiriwang at ang kahulugan ng Ati-Atihan?
D. Paglalapat:
Panuto : Ipaliwanag ang inyong pipiliing sagot.
1. May pagdiriwang ang mga Igorot at nakita mo silang sumasayaw sa kalsada. Alin sa mga ito
ang iyong gagawin? Bakit?
a. Pagtawanan sila
b. Panoorin sila nang may paggalang
c. Kainisan ang ginawa nila
IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Nakita mo ang Muslim na humahalik sa lupa na nakaharap sa araw na sumusikat. Ano
ang gagawin mo?
a. Pagtatakhan ang ginagawa niya at titigan siyang mabuti
b. Tatanungin siya kung ano ang kanyang ginagawa
c. Pababayaan siyang isagawa ito at igalang siya
104
2. Kaarawan ng kaklase mo at lahat kayo ay imbitado sa kanila pagkatapos ng klase. Ang iyong best
friend ay isang Iglesia ni Kristo at batid mong bawal sa kanila ang umatend sa ganitong
pagdiriwang. Ano ang iyong gagawin?
a. Igagalang ang kanilang paniniwala
b. Hindi na siya babatiin
c. Pipilitin siyang dumalo sa party at awayin kung hindi sasama
V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang iba’t-ibang pagdiriwang sa Pilipinas?
105
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Naipakikita ang paggalang sa kultura ng iba't-ibang pangkat upang mapanatili ang
kapayapaan.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
larawan ng isang katutubong awitin
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Pag-awit ng isang katutubong awitin
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Paano natin maipakikita ang ating pagga1ang sa kultura ng iba'tibang tao sa
ating bansa? Bakit natin ito isasagawa?
2. Paglalahad ng kuwento.
C. Pagsusuri:
1. Sino ang maraming kaibigan?
2. Bakit sila napunta sa isang pulo sa Mindanao?
3. Anong pagkakaiba ang naobserbahan ni Rosa sa uri ng pamumuhay ng kanyang
mga kaibigang Muslim?
D. Paglalapat:
Isinama ka ng iyong kaibigan sa kanilang pook-dalanginan. Nakita mong nag-alis ito
ng sapin sa paa bago pumasok dito, ano ang iyong gagawin? Bakit? Ano ang
ipinahihiwatig ng iyong gagawin? Ano ang maidudulot nito sa inyong pagkakaibigan.
IV. Ebalwasyon:
Pagsasadula ng bawat pangkat.
Sitwasyon: Namatay ang Lolo ng kaklase mo na isang Ifugao. Nadatnan ninyo sa burol na ito ay
wala sa kabaong kundi makalagay ito sa isang malaking banga. Paano ninyo
maipakikita ang paggalang sa ganitong kultura na kakaiba sa inyo?
V. Takdang-Aralin:
Anu-anong okasyon an gating ipinagdiriwang? Bakit natin ito isinasagawa?
106
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Kinikilala ang pagpapahalagang ipinakikita ng iba't-ibang pagdiriwang
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
larawan ng iba’t-ibang pagdiriwang pansibiko at panrelihiyon
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pansibiko at panrelihiyong pagdiriwang sa ating bansa?
B. Panlinang na Gawain:
1. Kailan natin ipinagdiriwang ang "Araw ng Kapayapaan?”
2. Ilang taon na ngayon ang "Kalayaan ng Pilipinas?" Ano ang napansin ninyo sa mga
"Commercials" sa TV? Tungkol saan ang tema ng mga ito?
 Sa mga opisina at mga paaralan, ano ang napansin ninyong suot ng mga
kawani tuwing Lunes o Biyernes?
C. Pagsusuri:
1. lladiad ang larawan ng iba't-ibang pagdiriwang na ginagavva sa bansa tulad ng
Flores de Mayo, Linggo ng Wika etc.,
2. Papaano ipinakikita ng mga Pilipino sa iba't-ibang pagdiriwang ang pagpapahalaga
sa Kulturang Pilipino?
D. Paglalapat:
Sa anu-anong pagkakataon naipakikita ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang
pagpapahalaga sa iba't-ibang pagdiriwang at kulturang Pilipino?
IV. Ebalwasyon:
Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang pagsusuot ng pambansang kasuotan ay isa sa pagpapahalagang ipinakikita nating
sa ating kultura. Paaano mo ito maipagmamalaki?
a. Isuot ang Barong Tagalog at Baro't saya sa mahahalagang okasyon
b. Isuot ang mga ito sa pamamasyal
c. Isuot ito sa loob ng Amerikanong kasuotan
2. Ang mga awiting bayan natin ay kabilang din sa Kulturang Pilipino. Ano ang dapat
nating gawin dito?
a. Kolektahin ang mga ito at itago
b. Awitin ito nang buong giliw
c. Hayaang ang mga matatanda na lamang ang umawit ng mga ito.
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng isang album kung saan maipakikita ng mga Pilipino ang pagkilala o
pagpapahalaga sa ating kultura sa iba't-ibang pagdiriwang.
107
108
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Kinikilala ang pagpapahalagang ipinakikita ng iba't-ibang pagdiriwang.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
larawan, kuwentong likha ng guro
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Anu-anong okasyon ang ating ipinagdiriwang? Anu-anoa ang kahalagahan ng
bawat pagdiriwang na ito?
2. Paglalahad ng kuwento.
C. Pagsusuri:
1. Bakit inimbitahan ni Cristy sina Loida at iba pa ni-kaibigan sa kanilang tahanan?
2. Anu-anong paghahanda ang isinasagaw nina Cristy at mga kababaryo para sa
pagdiriwang na ito?
3. Para sa inyo, tama ba ang ganitong pagdiriwang ng piyesta? Bakit?
4. Kung ang paraan ng pagdiriwang ng piyesta sa iyong kaibigan ay kakaiba sa inyo,
ano ang iyong gagawin? Bakit?
D. Paglalapat:
Isinama ka ng iyong tiyahin ng pumunta sa kanilang probinsiya dahil nuon ay Todos
Los Santos. Dadalaw siya sa namayapa niyang biyenan na isang Instik. Pagdating ninyo
sa sementeryo, nakita mong puno ng masasarap na pagkain ang ibabaw ng puntod nito.
Nang mga oras na iyon, kumakalam na ang sikmura mo dahil sa gutom, ano ang iyong
gagawin? Bakit?
IV. Ebalwasyon:
Sabihin kung bakit natin pinahahalagahan ang mga sumusunod na pagdiriwang.
1. Araw ng mga Puso
2. Araw ng mga Patay
3. Pasko
4. Mahal na Araw
5. Araw ng mga Ina
V. Takdang-Aralin:
Gumupit o gumuhit ng mga larawang nagpapakita kung papaano ipinagdiriwang sa
109
inyong lugar ang Mahal na Araw.
110
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Naipapakita ang paghanga sa kultura at iba't-ibang rehiyon o pangkat
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
larawan ng Sinulog
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Ano ang kultura? Magbigay ng halimbawa ng kulturang Pilipino
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad ang larawan ng "Sinulog". Anong pagdiriwang ito" Saan ito ipinagdiriwang?
Kailan?
2. Iparinig at talakayan.
Maraming turista ang dumarayo sa bayan nina Jet-jet sa Cebu upang saksihan
ang "SINULOG" o ang pagdiriwang ng mga taga-Cebu ito ay isang pagdiriwang
kung saan ginugunita ang simula ng pagiging Kristiyano ng mga Cebuano. Ang mga
tao rito ay nagdarasal umaawit at sumasayaw sa kalsada. Bawat makapanuod ay
nagagalak at nasisiyahan.
 Dapat bang hangaan at igalang ang pagdiriwang ng mga tagaCebu'? Bakit?
C. Ang Ramadan ay isang pagdiriwang ng mga Muslim. Bawat Muslim ay nagaaral ng
Banal na Koran tuwing sasapit ang Ramadan. Minsan lamang silang kumain at uminom
ng1ublg sa loob ng maghapon upang magsakripisyo.
 Ikaw bilang Kristiyano o di - Muslim, ano ang iyong gagawin sa nakikita mong
pagsasakripisyo ng mga Muslim kung panahon ng Ramadan? Dapat ba silang
pagtawanan? Kutyain? Ikahiya? Bakit?
D. Paglalapat:
Magtala ng tatlong gawain na nagpapakita ng paghanga sa kultura ng iba't-ibang pangkat o
rehiyon sa ating bansa.
IV. Ebalwasyon:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. May pagdiriwang ang mga Ita at nakita mo silang sumasayaw sa kalsada. Alin sa mga ito ang
iyong gagawin?
a. Gagayahin sila
c. Panoorin sila ng may paggalang
b. Pagtawanan sila
2. Nakita mo ang isang Muslim na humahalik sa lupa na nakaharap sa sumisikat na araw. Ano ang
iyong gagawin?
a. Pagtatahan sila
c. Pababayaan sila at igagalang
b. Lilibakin sila
V. Takdang-Aralin:
111
Anu-ano ang proyekto ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng ating kultura.
112
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Naipapakita ang paghanga sa kultura sa iba’t-ibang rehiyon o pangkat.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
Larawan, Kuwentong Likha ng Guro
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Awit:
Ati Cu Pung Singsing
2. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Pagpapaktia ng iba't-ibang larawan na nagpapakita ng iba't-ibang kaugalian sa
iba't-ibang rehiyan? Pagtatanong ukol dito.
2. Paglalahad ng kuwento.
Ang pagdiriwang ng Mahal na Araw ay mahalaga para sa ating mga Pilipina.
Sapagkat sa mga araw na ita, ginugunita natin ang paghihirap, pagkamatay at
muling pagkabuhay ng ating Panginaan. ……..pah.105
C. Pagsusuri:
1. Bakit mahalaga ang pagdiriwang ng Mahal na Araw?
2. Paano ginuginita ng mga taga-Malolos ang Mahal na Araw.
3. Anong kaugalian ang hinahangaan at inaabangan kapag Linggo ng Palaspas?
4. Kapag Biyernes Santo, ano ang pinakatampok sa araw na ito na dinadaluhan ng
libo-libong mga tao? Para sa kanila ano ang kahulugan nito?
D. Paglalapat:
Nagpunta ka sa isang lugar na kung san nasaksihan mo ang pagpapako sa Krus sa
mga taong namamanata dito. Paano mo maipakikita ang iyong paghanga sa ganitong
kaugalian?
IV. Ebalwasyon:
Ang mga sumusunod ay mga gawaing nagpapakita ng paghanga sa kultura ng iba't-ibang rehiyon
o pangkat ng tao, maliban sa isa. Tukuyin ito at bilugan.
1. Pagkuha ng mga larawan
2. Panunuod nang mataman
3. Pagtatawa sa kakaibang nasaksihan
4. Pakikiisa sa mga gawain
5. Pagpalakpak sa natunghayan
V. Takdang-Aralin:
113
Sumulat ng isang talata kung paano mo maipapakitang lubos ang iyong paghanga sa
kultura rehiyon o0 pangkat ng tao.
114
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Tinatangkilik ang mga proyektong pangkultura
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Anu-ano ang mga proyektong pangkultura ng ating pamahalaan? Paraan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ipakita ang mga larawan ng mga magagandang tanawin sa ating bansa tulad ng
Bulkang Mayon, Hagdang-hagdang Palayan, etc.
2. Ipatukoy at ipasabi sa mga bata kung ano at saan ito matatagpuan. Dapat ba natin
itong tangkilikin? Bakit?
C. Ilahad ang mga katutubong sayaw (larawan) at kasuotan. Ipasabi ang mga kilala nilang
mga sayaw sa lara wan.
 Ipatukoy rin kung ano ang ating katutubong mga damit. Ito ba ay tatak
Pilipino? Dapat ba natin itong ipakita sa ibang lugar o ikahiya ang paggamit
nito?
D. Paglalapat:
Bakit dapat tangkilikin ang mga proyektong pangkultura? Paano mo maipakikita na
tinatangkilik mo ang mga proyektong pangkultura sa ating paaralan at pamahalaan?
Sayang pagkakataon mo ito maipakikita o magagawa?
IV. Ebalwasyon:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Mayroon pa tayong magagandang tanawin sa ating bayan na maari nating ipagmalaki
sa ibang bansa? Anu-ano ito? Alin ang pipiliin mo kung magandang tanawin ang
pupuntahan mo?
a. Fujiyama ng Japan
c. Hanging Bridge sa China
b. Bulkanag Mayon sa Albay
2. Aling sayaw naman ang higit mong pahahalagahan?
a. ltik-itik
b. Boogie
c. Strat
V. Takdang-Aralin:
Bakit kaya nais ng mga dayuhan ang ating kultura.
115
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Tinatangkilik ang mga proyektong pangkultura.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
larawan, kuwento
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Awit
2. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Ano ang inyong gagawin kung may nagbebenta sa inyo ng tikot para sa isang
palabas na pangkultura tulad na sayaw at awit na pawang katutubo?
2. Paglalahad ng kuwento.
C. Pagsusuri:
1. Sino si Mina?
2. Ano ang proyekto nila sa paaralan?
3. Ano ang layunin ng proyektong ito?
4. Ano ang ipalalabas ng mga piling mag-aaral sa bawat antas?
5. Sa inyong palagay, may buti bang maidudulot ang '"ganitogn proyekto? Bakit?
D. Paglalapat:
May field trip kaya sa Nayong Pilipino bilang proyekto sa paaralan. Madalas ka na
makapasyal sa lugar na iyon. Sasama ka pa ba o hindi na? Bakit?
IV. Ebalwasyon:
Suriin ang mga sumusunod kung ang bawat isa ay nagpapakita ng pagtangkilik sa mga
proyektong pangkultura. Lagyan ng tsek () kung Oo at ekist (x) naman kung hindi.
_______ 1.
Pagbibisita sa mga museo
_______ 2.
Pagdalaw sa mga makasaysayang pook
_______ 3.
Pagdalaw sa Libingan ng mga Bayani
_______ 4.
Pag-awit ng mga katutubong awitin
_______ 5.
Pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
V. Takdang-Aralin:
Anu-anong pagtatanghal pangkultura ang napanuod mo na? Isulat ito sa iyong
notebook at humanda sa pagsasalaysay nito sa klase.
116
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Naipakikita ang paggalang sa kultura ng iba't-ibang pangkat upang mapanatili ang
kapayapaan.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
larawan ng isang katutubong awitin
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Pag-awit ng isang katutubong awitin
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Paano natin maipakikita ang ating pagga1ang sa kultura ng iba'tibang tao sa
ating bansa? Bakit natin ito isasagawa?
2. Paglalahad ng kuwento.
C. Pagsusuri:
1. Sino ang maraming kaibigan?
2. Bakit sila napunta sa isang pulo sa Mindanao?
3. Anong pagkakaiba ang naobserbahan ni Rosa sa uri ng pamumuhay ng kanyang
mga kaibigang Muslim?
D. Paglalapat:
Isinama ka ng iyong kaibigan sa kanilang pook-dalanginan. Nakita mong nag-alis ito
ng sapin sa paa bago pumasok dito, ano ang iyong gagawin? Bakit? Ano ang
ipinahihiwatig ng iyong gagawin? Ano ang maidudulot nito sa inyong pagkakaibigan.
IV. Ebalwasyon:
Pagsasadula ng bawat pangkat.
Sitwasyon: Namatay ang Lolo ng kaklase mo na isang Ifugao. Nadatnan ninyo sa burol na ito ay
wala sa kabaong kundi makalagay ito sa isang malaking banga. Paano ninyo
maipakikita ang paggalang sa ganitong kultura na kakaiba sa inyo?
V. Takdang-Aralin:
Anu-anong okasyon an gating ipinagdiriwang? Bakit natin ito isinasagawa?
117
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Nanonood ng mga pagtatanghal pangkultura.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 24
Kagamitan:
larawan ng Pambansang Bayani
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Anong sayaw ang binanggit sa awit? Nagugustuhan mo ba ang panonood ng mga
katutubong sayaw tulad ng "Tinikling"? Bakit?
2. Nakapanood ka na ba ng mga palabas na tungkol sa Kulturang Pilipino o
pagtatanghal na tungko sa mga Pilipino o gawaing Pilipino? Kung wala ang sagot ng
mga bata, ipaalala ang pagdiriwang ng "Linggo ng Wika" at gawin itong simula ng
aralin.
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad at talakayan.
Gustong-gusto ng mga batang Africano sa klase ni Bb. Cruz sa Africa ang
tungkol sa Pilipinas. Maraming katanungan ang kanyang mga estudyante tungkol sa
mga Pilipino at paraan ng pamumuhay nito.
Nais rin nilang matuto ng mga salitang Pilipino tulad ng "Salamat." "Kamusta"
etc., mapanood ang mga ritwal ng iba't-ibang pangkat etniko tulad ng Canao,
kasaysayan tulad ng Ati-atihan, Sinulog at iba pa. Madalas din silang nakikinig ng
mga awiting bayan ng Pilipinas at iba-ibang duladulaan o sarsuelang Pilipino.
C. Pagsusuri:
1. Ilahad ang larwan ni Dr. Jose Rizal?
2. Sino ang nasa larawan? Bakit siya naging tanyag?
D. Paglalapat:
Bakit dapat ugaliin ang panonood ng mga pagtatanhal na pangkultura?
IV. Ebalwasyon:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Tuwing Lunes ng umaga ay may Lingguhang pagtatanghal sa inyong paaralan. Napili
kang lider sa darating na Linggo at magtatanghal kayo ng isang sayaw, anong sayaw
ang ipalalabas ninyo?
a. Pandango sa Ilaw
b. Boogiee
c. Unos, Dos Tres (Maria)
2. Lumuwas kayo at nagkayayaang manood ng Concert sa Luneta o Basketball sa
Araneta. Alin ang gugustuhin mong panoorin?
118
a. Concert ng mga awiting Pilipino
b. Basketball
V. Takdang-Aralin:
Mag-isip ng batas o tuntunin tungkol sa pangangalaga sa ating kultura.
119
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Nanunuod ng mga pagtatanghal pangkultura.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 25
Kagamitan:
Larawan, kuwentong likha ng guro
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Mahilig ba kayong manuod ng pagtatanghal sa plasa? Anu-anong palabas na
ang inyong napanuod?
2. Paglalahad ng kuwento.
C. Pagsusuri:
1. Ano ang ginugunita sa araw na iyon?
2. Ano ang mapapanood sa plasa?
3. Sino ang naghandog ng palabas na ito? Bakit'?
4. Bakit libre ang palabas?
5. Sa inyong palagay, makabubuti ba sa atin ang makapanuod tayo ng palabas na
pangkultura kahit paminsan-minsan lang? Bakit?
D. Paglalapat:
Palabas sa telebisyon ang seryent Noli Me Tangere. Nais mo sana itong panuorin
subalit nasabay ito sa oras na pinaialabas din ang paborito mong dula sa telebisyon.
Alin ang iyong pipiliin at bakit? Ano ang ipinahihiwatig ng iyong ginawa?
IV. Ebalwasyon:
Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na palabas? Bakit?
1. Hiraya Manawari
2. Bayani
3. Rizal sa Dapitan
4. Concert at the Park
5. Paco Park Presents
V. Takdang-Aralin:
Magsaliksik tungkol sa iba't-ibang palabas sa telebisyon na makatutulong upang maging
bukas ang isipan ngmga tao tungkol sa kulturang Pilipino.
120
121
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Nakasusunod sa mga bata at tuntunin sa pangangalaga sa kapaligirang pangkultura.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 25
Kagamitan:
Flashcards, larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga proyekto ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ipakita ang flashcards: BAT AS
TUNTUNIN
2. Ano ang batas? Ano ang Tuntunin?
3. Iparinig ng guro at talakayan
4. Anu-anong batas o tuntunin sa pangangalaga sa kapaligirang pangkultura ang alam
mo? Magbigay ng halimbawa. Dapat ba natin itong sundin? Bakit?
C. 1. Ipabasa ang talakayan.
2. Anu-anong katangian aug ipinakikita ng mga Pilipino upang mapangalagaan ang
kapaligirang pangkultura ng atig bansa?
D. Paglalapat:
Papaano nasusunod ng mga Pilipino ang mga batas at tuntunin sa pangangalaga sa
kapaligirang pangkultura ng ating bansa? Dapat ba nating ipagsawalang bahala ang
ating kultura? Bakit?
IV. Ebalwasyon:
1. Ang pagpapaunlad ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
a. Batas Militar
b. Sentrong Pang~ultura
c. Saligang Batas
2. Kung nais mong magtanghal ng isang sarsuwela, ang dapat mong puntahan ay ang
nangangasiwa ng ________.
a. Tanghalan ng Sentrong Pangkultura
b. Sentro ng Disenyo
c. Pambansang Sentro ng Sining
d. Sentro ng Katutubong sining
V. Takdang-Aralin:
May nagsasabi na ang mga kaugaliang Pilipino raw ay nakahahadlang sa pag-unlad ng
bansa. Naniniwala ka ba rito? Bakit?
122
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _________________
I. Layunin:
Nakasusunod sa mga batas at tuntunin sa pangangalaga sa kapaligirang pangkultura.
II. Paksang Aralin
Paggalang sa Kultura Tungo sa Payapang Pamumuhay
B.P.
:
Pananagutang Panlipunan
K.P. :
Kapayapaan
ELC. :
EKAWP 4 p. 25
Kagamitan:
larawan, poster at kuwento
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Namamasyal kayo ng iyong mga kaibigan sa isang makasaysayang pook. Nakita
mo ang ganitong babala:
Bawal kumuha ng larawan! Ano ang iyong gagawin? Bakit?
2. Paglalahad ng kuwento.
C. Pagsusuri:
1. Saan pupunta ang inyong klase sa darating ng Linggo? .
2. Anu - ano ang mga hindi dapat gawin sa loob ng Expo Pilipino? Bakit dapat sundin
ang mga ito?
3. Kung kayo bumibisita sa iba pang lugar at may nabasa kayong mga alintutunin, ano
ang pinakamabuti niyong gawin at bakit?
D. Paglalapat:
Bumisita kayo sa National Museun. Marami kang nakitang mga bagay na nuon mo
lamang nakita at alam mong makatutulong ng malaki sa iyong pag-aaral. Ano ang
gagawin mo kung napansin mo na isang panig na ding ding ay may nakalagay na
"Bawal kunin ang ma ito." ltutuloy mo pa ba ang iyong binabalak? Bakit? Ano ba ang
dapat mong gawin sa alituntuning iyong natunghayan"
IV. Ebalwasyon:
Markahan ang sarili. Lagyan ng tsek ang tamang kolum.
Mga Batas at Alituntunin
Palagi
1. Bawal pitasin ang bulaklak.
2. Panatilihing malinis ang kapaligiran.
3. Ilagay sa tamang lalagyan ang mga basura.
Minsan-minsan
Hindi
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng sariling poster na naglalaman ng mga batas at alituntunin sa pangangalaga
sa kapaligirang pangkultura.
123
4TH
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Naipakikita ang iba't-ibang paraan ng pagtitipid sa paghahanda at pagluluto ng pagkain
II. Paksang Aralin:
Pagtitipid sa Pagkain
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 26
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Ipaawit "Bahay Kubo"
Anu-ano ang gulay na binanggit sa awit?
B. Panlinang na Gawain:
1. Anu-ano ang paborito ninyong pagkain? Sino ang nagluto nilo? Kayo, marunong ba kayong
magluto? Anu-ano ang iba't-ibang paraan ng pagtitipid sa paghahanda at pagluluto ng
pagkain?
2. Ilahad ang larawan ng nagluluto sa isang kusinang maayos malinis masinop o maaliwalas
tingnan.
 Ano ang masasabi ninyo sa larawan ng kusina? Sa inYong palagay, dabat bang
maging maayos at malinis ang kusina o pinahahandaan ng ating mga pagkain? Bakit?
3. Iparinig at talakayan.
Ang magkapatid na Jenny at Imelda ay mahilig magluto. Tu%ving Sabado, pumupunta
ang magkapatid sa palengke at naghahanap ng rnga sangkap para sa mga lulutuin nila. Lagi
nilang isinasalang-alang ang halaga o presyo ng bawat sangkap na kailangan nila sa
pagluluto. Bukod sa presyo, isinasaalang-alang din nila ang sustansiyang makukuha sa mga
ito. Kaya't tuwang-tuwa ang kanilang Nanay sa ugaling taglay nina Jenny at Imelda.
 Anong magandang katangian ang taglay ng magkakapatid sa kuwento?
 Dapat ba silang tularan? Bakit?
C. Pagsusuri:
Ikaw, papaano mo maipakikita ang iba't-ibang paraan ng pagtitipid sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain?
D. Paglalapat:
Punan ang tsart.
PARAAN NG PAGTITIPID SA:
Paghahanda ng Pagkain
Pagluluto ng Pagkain
Halimbawa: Bumili ng sangkap na mababa Halimbawa: Ihanda ang lahat ng kagamitan
ang halaga ngunit masustansiya
na gagamitin tulad ng: Kawali
124
sandok etc.
1.
2.
3.
1.
2.
3.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek () ang aytem na nagpapakita ng wastong paraan ng pagtitipid sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain
______ a. Gumamit ng imported na sangkap sa pagluluto
______ b. Gumagamit ng sangkap na mababa ang presyo pero masustansiya
______ c. Gumagamit ng Knor cubes sa halip na sariwang karne
______ d. Gamitin ang mga kasangkapang galing sa taguan/cabinet na pinagpagan lamang ng
alikabok
V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang magagawa ninyo sa mga tirang pagkain?
125
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Itabi at iluto ang natirang pagkain para mapakinabangang muli
II. Paksang Aralin:
Pagtitipid sa Pagkain
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 26
Kagamitan : Larawan ng ibat-ibang pagdiriwang tulad ng piyesta, binyag, kasalan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang iba't-ibang paraan ng pagtitipid sa paghahanda at pagluluto ng pagkain?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad ang larawan ng binyagan, kasalan o piyesta.
 Anu-ano ang mga pagkaing karaniwang iniluluto sa ganitong mga okasyon? Nauubos ba
lahat ang mga inihandang pagkain?
2. Ilahad at talakavan.
Ikinasal ang iyong Ate. Maraming inihandang pagkain sa inyo ngunit marami pa ring
lumabis. Ang iba ay ipinamigay o ipinauwi sa mga tumulong magluto at maghugas ng
pinggan ang iba naman ay naiwan pa rin sa inyo.
 Sa inyong palagay ano ang gagawin ng Nanay mo sa natirang:
a. lechon?
b. Pritong manok?
c. Inihaw na isada?
C. Pagsusuri:
Umalis ang inyong Nanay isang umaga. Tanghali na ay hindi pa siya nakababalik. Wala kang
dinatnang tao at lutong ulam ngunit may kanin naman. Nag-iisa ka lamang. Naisip mong
magbukas ng sardinas. Hindi mo ito naubos.
 Ano ang inyong gagawin sa natirang sardinas? Anu-anong luto pa ang maaari mong
gawing luto sa natirang sardinas?
D. Paglalapat:
Magbigay ng dalawang halimbawa ng luto na maaaring gawin sa mga sumusunod na labis na
pagkain:
a. pritong dalaganyg bukid/bangus
b. inihaw na bulig
c. nilagang talong
IV. Pagtataya:
Basahin ang mga sumusunod na aytem at piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong
sagutang papel.
1. Ano ang dapat gawin sa mga tirang pagkain?
126
a. Itapon
b. Ipakain sa aso
c. Itago at iluto muli
2. Bumili ng lechon ang iyong Nanay ngunit hindi ninvo naubos. Anong luto ang maaari mong
gawin sa natirang lechon?
a. Paksiw
b. Adobo
c. Nilaga
V. Takdang-Aralin:
Magbigay ng halimbawa ng masustansiyang pagkain?
127
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Maghanda/Magluto ng wastong pagkain (Mura at masustansiyang pagkain) ayon sa dami ng
pamilya/kakain
II. Paksang Aralin:
Pagtitipid sa Pagkain
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 26
Kagamitan : Larawan ng mga pagkain at junk foods
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Ipaawit ang “Bahay Kubo”
 Anu-anong mga gulay ang binabanggit sa awit?
B. Panlinang na Gawain:
1. Anu-ano ang iba't-ibang paraan ng pagtitipid at paghahanda sa pagluluto ng pagkain?
2. Ilahad ang larawan ng mga pagkain at junk foods.
 Aim-aim sa sa mga pagkain sa larawan ang dapat na kainin? Bakit?
 Aim-aim sa sa mga nasa larawan ang mga di-dapat kainin? Bakit?
3. Magbigay ng mga halimbawa ng mga ulam o pagkain na mura na ay masustansiya pa.
C. Pagsusuri:
Ikaw ay napag-utusang magluto ng pananghalian ng inyong mag-anak na binubuo ng limang
katao lamang. Gaano karaming bigas ang iyong isasaing? 3 1/2 gatang, 10 gatang, isang salop?
Bakit?
D. Paglalapat:
Ano ang dapat isa-alang-alang sa pagluluto ng pagkain? Lagyang ng tsek ()
______ a. Dami o bilang ng kakain
______ b. Presyo ng sangkap ng ilulutong pagkain
______ c. Brand o tatak ng mga sangkap ng ilulutong pagkain
______ d. Sustansiya na makukuha sa pagkain
IV. Pagtataya:
Magtala ng limang mura at masusustansiyang pagkain.
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng album ng mga mura at masusustansiyang pagkain.
128
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Isagawa ang pagtitipid/wastong pagkain
II. Paksang Aralin:
Pagtitipid sa Pagkain
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 27
Kagamitan : Larawan, kuwento
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagti-tsek ng Individualized Health Inspection Chart
B. Panlinang na Gawain:
1. Anu-anong pagkain ang dapat nating kainin?
 Paano tayo makakakain nang wasto?
2. Ilahad at talakayn
Karaniwan lamang ang buhay nina Mang Carding at Aling Celia. Magsasaka si Mang
Carding samantalang si Aling Celia ay ordinaryong may bahay lamang. May dalawa silang
anak, si Sarah, 10 taong gulang at si Jonas na 8 taong gulang.
Marami silang tanim na gulay sa kanilang bakuran kung kaya't hindi gaanong problema
sa kanila ang ulam. Sa murang edad pa lamang ng mga bata ay naimulat na nila ang mga ito
sa kahalagahan ng pagkain ng gulay. Iminulat din sila na kumuha lamang ng pagkaing
mauubos at iwasan ang pagtitira sa kanilang pinggan. Dahil dito. bata pa lamang ang dalawa
ay alarn na nila kung paano kumain nang wasto.
C. Pagsusuri:
 Anog uri ng buhay mayroon sina Mang Carding at Aling Celia? Ano ang hanapbuhay nina
Mang Carding at Aling Celia? Bakit hindi nila gaanong problema ang ulam?
 Anu-ano ang mga itinuro ng-mag-asawa sa kanilang mga anak?
D. Paglalapat:
Kung ikaw ay may mga nakababatang kapatid, paano mo sila tuturuan ng pagtitipid sa
pagkain?
IV. Pagtataya:
Markahan ang sarili. Lagyan tsek () ang tamang kolum.
Mga Gawain
Palagi
Paminsan-minsan
1. Namimili ng pagkain
2. Kinukuha lamang ang tamang
dami ng pagkain.
3. Hindi nagtitira ng pagkain sa
pinggan.
Hindi Kahit Kailan
129
V. Takdang-Aralin:
Gumupit sa mga magasin ng mga pagkaing maaaring kainin na maituturing na masustansiya.
Tukuyin ang mga sustansiyang nakukuha sa pagkain iyon.
130
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Isagawa ang pagtitipid/wastong pagkain
II. Paksang Aralin:
Pagtitipid sa Pagkain
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 27
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Panalangin
Amang Dios na na sa langit marami pong salamat sa panibagong araw na ito na muli naririto
kami upang mag-aral. Tulungan kami na ang katalinuhan na magmula sa Iyo ang aming
mararanasan upang ang lahat ng aming matutuhan ay aming maisasagawa sa aming pang arawaraw na buhay. Hinihiling po namin ang lahat ng ito sa tanging pangalan ni Jesus. Amen.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
Mahalaga ba na marunong tayong magtipid? Anu-ano ba ang nararapat nating tipirin?
2. Paglalahad
Sa tahanan ni Aling Maria tuwing umaga sa harap ng hapag kainan ay mayroong
pagtatalo. Ayaw na ayaw ni Veny na uulitin ang ulam na naihain na. Si amang naman ay
nagrereklamo na palagi na almang gulay ang ulam. Samantalang Si Ofy ay siyang-siya sa
inihahain ng ina na simple subalit mura na ay masustansiya pa.
Itanong:
1.) Anong katangian mayroon si Vemy? Si Amang? Si Ofy?
2.) Sino sa tatlo ang nararapat tularan? Bakit?
C. Pagsusuri:
Muling pabalikan ang sitwasyon. Pag-uusap sa sumusunod na mahahalagang mga punto:
1.) Bakit mahalaga na marunong tayong magtipid ng pagkain?
2.) Bakit kailangang wastong pagkain at ating kinakain
3.) Paano mo maisasagawa ang pagtitipid / wastong pagkain?
D. Paglalapat:
Napansin mo ang iyong nakababatang kapatid na tamad na tamad sa pagkain. Nalaman mo na
ayaw ng pagkaing inihanda ni Nanay. Ano ang pinakamabuti mong gagawin?
IV. Pagtataya:
Layan ng tsek ang tapat ng bilang kung ito'y nagsasaad ng tamang diwa at ekis kung mali ang
ipinahahayag na diwa.
______ 1. Hindi na nararapat kainin ang natirang ulam.
______ 2. Kailangan na laging mahal ang bibilin na pagkain.
______ 3. Nararapat na isipin muna kung may sustansiyang makukuha bago bilhin ang pagkain.
131
V. Takdang-Aralin:
Naipagwawalang bahala sa inyong tahanan ang pagtitipid at wastong pagkain. Ano ang iyong
gagawin?
132
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Kumain ng pagkaing masustansiya
II. Paksang Aralin:
Pagtitipid sa Pagkain
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 27
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Awit: Wastong Pagkain
B. Panlinang na Gawain:
1. Anu-anong mga pagkain ang kinakain ninyo sa araw-araw?
 Maituturing ba ninyo na ang inyong kinakain ay may mga masustansiyang kailangan ng
ating katawan?

2. Ulirang ina at maybahay si Aling Melda. Tuwing umaga. gumigising siya nang maaga upang
ipaghanda ng almusal ang kanyang pamilya. Pritong itlog. sinangag, gatas at saging ang
inihahanda niya sa umaga. Tuwing tanghali naman ay palaging may sabaw ang kanilang ulam
at hindi nawawalan ng prutas. Hind niya pinagsasawaang gawin ang mga ito dahil rnahal niya
ang kanyang pamilya. Ginagawa rin niya ito upang masigurong masustansiya ang pagkaing
kakainin ng kanyang pamilya.
C. Pagsusuri:
 Anong uri ng ina at asawa si Aling Melda?
 Ano ang karaniwan niyang inihahanda sa almusal tanghalian. at hapunan ng kanyang
pamilya?
 Bakit niya ito ginagawa?
 Ikaw sa inyong bahay, masusustansiya rin ba ang inyong nakakain?
D. Paglalapat:
Maraming nakahandang pagkain sa piyestang dinaluhan. May lechon, inihaw na dalag, fried
chicken, kanin, leche plan, bulanlang na gulay chopsoy, sugpo at iba't-ibang sariwang prutas.
Aim-aim ang ang iyong kakainin? Bakit? Ano ang dzpat isaisip sa pagkain?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek () ang pagkaing masustansiya at ekis (x) naman ang hindi
_________ junk foods
_________ gulay
_________ gatas
_________ softdrinks
_________ candy
_________ chocolates
V. Takdang-Aralin:
Anu-anong mga pagkain ang maituturing na junk foods? Bakit sila tinaguriang ganito?
133
134
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Hindi pagkain ng junk foods o sitsirya
II. Paksang Aralin:
Pagtitipid sa Pagkain
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 27
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Panalangin
Marami pong salamat Amang mahabagin sa araw na ito. Samahan nawa kami sa aming
pagtalakay ng aralin. Magturo nawa kami upang maisakatuparan namin ang aming pag-uusapan.
Hinihiling po namin ito sa pangalan ni Jesus, Amen.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
Nakita mo ang mga junk foods sa tindahan ni Aling Estela. Gustong-gusto mong bumili
subalit naalala mo ang bilin ng Nanay mo na iwasan ang pagkain ng mga pagkaing walang
buting naidudulot sa katawan. Ano ang iyong gagawin?
2. Paglalahad
Isulat sa pisara ang salitang "junk food" at sitsirya. Bigyang laya ang mga magsabi ng
mga junk foods na karaniwan nilang nakakain. Isulat ang mga ito sa pisara.
C. Pagsusuri:
Oras ng reses sa paaralan si Gian ay pinipilit ng kanyang mga kamag-aril na bumili ng junk
foods. Tumanggi siya kaya siya ay ayaw ng isama sa kaniyang mga karnag-aral.
Tama ba ang naging pasya ni Gian? Bakit?
D. Paglalapat:
Ang pagkain ng junk foods ay naging gawi na ng mga bata. Matapos mong maunawaan ang
di buting dulot nito sa katawan. Ano ang iyong pasya?
IV. Pagtataya:
Buuin ang parirala sa Hanay A sa pamamagitan ng paglalagay ng titik ng tamang sagot mula sa
Hanay B.
Hanay A
Hanay B
____ 1. Ang pagpipigil sa pagkain ng sitsirya ay
a. ng junk foods mula ngayon
____ 2. Hindi ako nararapat kumain
b. mabuti sa atino katawan
____ 3. Makabubuti kung ako'y
c. magpigil sa pagkain ng sitsinva
____ 4. Ibabahagi ko sa iba
d. Ang aking natutuhan
____ 5. Magiging bantay ako
e. ng mga batang mahilig kumain ng junk foods
V. Takdang-Aralin:
135
Ano ang iyong gagawin kung natutukso kang kumain ng junk foods?
136
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Hindi kumakain ng junk foods
II. Paksang Aralin:
Pagtitipid sa Pagkain
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 26
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Paki-tsek ng Individual Health Inspection Chart
B. Panlinang na Gawain:
1. Ipakita ang mga pinagbalatan ng mga sitsirya.
Itaong :
Mag bata kumakain ba kayo ng mga ito? Bakit? Sa inyong palagay, may sustanisiya ba
kayong nakukuha mula sa mga ito?
2. Maraming baong pera si Jonathan sa kanyang pagpasok sa paaralan kaya nabibili niya ang
mga pagkaing nais niyang bilhin sa kantina.
Recess pa lamang sa umaga ay nangangalahati na ang kanyang baong pera sa pagbili ng
chocolates, softdrinks at iba pang sitsirya. Tuloy sa tanghali ay wala na siyang ganang
kumain. Dahi sa araw-araw na ganitong gawain ni Jonathan kaya isang araw ay isinugod sa
siya sa ospital dahil sa matitinding pananakit ng tiyan. Nalaman nila sa doktor na ang sanhi
nito ay ang pagkain niya ng mga junk foods na akala niya ay nakakabusog iyon pala'y walang
sustansiyang nakukuha sa mga ito at nagiging sanhi ng iba't-ibang sakit.
C. Pagsusuri:
 Bakit nabibili ni Jonathan ang lahat ng pagkaing nais niya?
 Anu-anong pagkain ang binibili niya palagi?
 Ano ang nangyari kay Jonathan isang araw?
 Ayon sa doktor, ano ang naging sanhi ng, pananakit ng tiyan ni Jonathan? Anong aral ang
natutuhan ni Jonathan sa ganitogn pangyayari?
D. Paglalapat:
Magmemeryenda ka sa inyong kantina. Nakita mo ang mga tindang pagkain alin-alin sa mga
sumusunod ang hindi mo kakainin? Bakit?
Hamburger at softdrinks sopas at puto
arroz caldo at kutsinta
chocolate at candies
camote Q at sabaw ng buko
137
IV. Pagtataya:
Lagyan ng () ang mga pagkaing hindi dapat kainin
______ candy
______ ice candy
______ cake
______ nilagang saging
______ prutas
______ chodolate
V. Takdang-Aralin:
Magsaliksik tungkol sa mga sakit na nakukuha sa pagkain ng junk foods.
138
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Naipapakita ang komitment sa paggawa sa ibat-ibang paraan
II. Paksang Aralin:
Komitment sa Paggawa
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Saloobin sa Paggawa
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 28
Kagamitan : Sitwasyon at puzzle
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Tawagin ang lider ng bawat row at hayaang iparnigay sa grupo ang Individual Health
Inspection Chart.

Paano nagpamigay ng Individual Health Inspection Chart ang bawat lider? Bakit kaya
iba-iba ang kanilang pamamaraan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Maghanda ng apat na puzzle. Ipabuo. Anog salita ang inyong nabuo? (KOMITMMENT)
2. Ano ang ibig sabihin ng "Komitment?" Papaano ito naipakikita?
Itinatalaga kang lider ng isang grupong maghahanda ng isang sakit o dula na ipalalabas
para sa "Araw ng rnga Puso". Ikaw ang mamamahala mula sa paggawa ng skita at pagpili at
pag-eensayo sa bawat tauhan na gaganap dito. Dumating ang araw ng palatuntunan at sa
wakas nito ay pumili ng isang pinakamagaling at pinakamagandang palabas at ang grupo
ninyo ang napiling "Best Performer.- Bawat isa sa grupo ay masayang-masaya.
C. Pagsusuri:
Saan-saang pagkakataon o sites asvon o gawain maaaring ipakita ang komitment lalo na sa
isang batang katulad mo?
D. Paglalapat:
Papaano m mipakikita ang iyong komitment sa:
a. pag-aaral ng leksiyon?
b. Pag-aalaga ng hayop sa bahay?
c. Paglilinis ng bakuran o tahanan?
d. Proyekto sa mga iba't-ibang asignatura sa paaralan
IV. Pagtataya:
Ipakita ang iyong komitment sa iba't-ibang gawain sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa
patlang ng larawang iyong mapipili.
Palatandaan :
Maluwag sa loob at buong puso ang komitment
May nararamdamgn pag-aalinlangan sa pagsunod
Sapilitan ang komitment na ipinakikita
139
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain:
Pagtulong sa mga kapuspalad
Pagbabahagi ng labis na pagkain
Pagtulogn sa mga gawaing bahay.
Pag-aaral ng leksiyon.
Paggawa ng rnga proyektong
pampaaralan.

____________
____________
____________
____________
____________

____________
____________
____________
____________
____________

____________
____________
____________
____________
____________
V. Takdang-Aralin:
Ano ang iyong gagawin kung napag-utusang maglinis ng silid-aralan at oras na ng uwian at aalis
na ang iyong mga kamag-aral
140
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Patuloy na gumagawa kahit lagpas na sa takdang panahon
II. Paksang Aralin:
Pagtitipid sa Pagkain
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 26
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagtatalakay sa takdang aralin : Ano ang iyong gagawin kung napag-utusan kang maglinis ng
silid -aralan at oras na ng uwian?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad ang larawan ng batang nag-aaral ng leksiyon.
Ano ang ginagawa ng bata sa larawan? Ginagawa mo rin ba ito? Ilang oras ang inuukol
mo sa iyong pag-aaral ng leksiyon? Sa iba mo pang mga gawain gaya ng pagdidilig ng
halaman, paglilinis ng bakuran, binibigyan mo ba ito ng takdang oras? Bakit? Ano ang iyong
gagawin at hindi mo ito natapos sa iyong itinakdang oras? Bakit?
2. Ilahad at talakayan
Si Vicky V. Casto ay isang working student. Sa araw-araw ay nag-aaral siya sa umaga at
sa hapon siya ay pumapasok na serbidora sa isang food chain sa kanilang lugar. Dahil dito,
kinakailangang dagdagan niya ang kanyang panahon sa pagtratrabaho dahil tumutulong pa
siya sa gastusin sa kanilang bahay. Kay't malimit pa siyang mag-overtime lalo na kung
Biyernes at Sabado. Pag-uwi sa bahay, bago pa siya matulog ay ginagawa pa niya ang
kanyang mga assignments at proyects para sa pag-aaral niya kinabukasan. Kadalasan ay
gumagawa siya kahit lagpas na sa takdang panahon. Sa kabila nito kasali siya sa honors sa
kanilang klase.
C. Pagsusuri:
Anong uri ng bata si Vicky?
Dapat ba siyang tularan? Bakit?
Anong magandang kaugalian o katangian ni Vicky ang bawat tularan ng bawat isa?
D. Paglalapat:
Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba o kasunod nito.
Pumasok kang "gardener o hardinero" sa isa sa inyong gma mayayamang kapitbahay. May
sakit ang iyong Tatay at wala naman trabaho ang iyong Nanay.
Bago ka magsimula sa iyong pinasukan ay napagkasunduan ninyo ng mavamang kapitbahay
na ikaw ay magtatabas o puputol ng mga damo at magaayos ng mga halaman sa loob ng limang
oras. Natapos mo ang napag-usapang gawain sa loob ng apat na oras kaya nagdilig ka pa ng mga
halaman, naglagay ng pataba sa mga ito, nagwalis ng buong bakuran at nagpakain ka pa ng mga
isda. Hindi mo namalayan na mahigit sa walong oras ang naging pagtratrabaho mo.
141
IV. Pagtataya:
Magtala ng apat na gawaing kahit lagpas sa itinakdang panahon.
Halimbawa
:
Paglilinis ng bakuran.
V. Takdang-Aralin:
Ano ang iyong nararamdaman sa paggawa ng isang bagay, halimbawa, pagluluto? Paglilinis ng
bahay o bakuran, etc.?
142
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Naipakikita ang Kasiyahan sa anumang ginagawa
II. Paksang Aralin:
Komitment sa Paggawa
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Saloobin sa Paggawa
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 28
Kagamitan : Larawan ng isang mag-anak na may kani-kaniyang gawain/ginagawa
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Ipaawit “The More We Get Together”
 Ano ang paksa o mensahe ng awitin? Sa anu-anong pagkakataon natin maipapakita ang
kasiyahan o kasayahan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Anu-ano ang iyong mga ginagawa sa bahay? Sa paaralan?
2. Papaano mo ito ginagawa? Ano ang iyong nararamdaman habang gumagawa?
3. Ilahad ang larawan ng isang mag-anak kung saan ipinakikita na ang bawat kasapi ay
masayang gumagawa ng kani-kanilang gawain.
 Ano ang mapapansin ninyo sa mga mukha ng bwvat kasapi ng pamilya sa larawan
habang nagtatrabaho?
C. Pagsusuri:
Anong magagandang katangian o pag-uugali ang dapat ipakita at gawin habang gumagawa
ng isang gawain? Bakit?
D. Paglalapat:
Ipakita kung nasisiyahan ka sa mga gawain sa ibaba. Lagyan ng tsek () ang katapat ng sagot
na iyong napili.
Mga Gawain
Lagi
Minsan
Hindi
1. Paglabas ng mga damit
2. Pag-aaral ng leksyon
3. Paglilinis ng bahay/bakuran
4. Paglilinis ng kulungan ng baboy
5. Pagdidilig ng halaman
IV. Pagtataya:
Ipakita mo na ikaw ay nasisiyahan sa paggawa ng mga Gawain sa bahay at sa paaralan sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang maikling panalangin.
V. Takdang-Aralin:
Bakit ka gumagawa ng isang gawain? Dahil ba sa ito'y dapat gawin o kusang bob?
143
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Gumawa ng kusang loob alang-alang sa kabutihan ng nakararami
II. Paksang Aralin:
Komitment sa Paggawa
B.P.
: Pangkabuhayan
K.P.
: Saloobin sa Paggawa
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 28
Kagamitan : Ilahad ang larawan ng ibat-ibang kasayahan sa Pilipinas
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral : Mga Katangian ng Pilipino o Ugaling Pilipino
B. Panlinang na Gawain:
1. Anu-ano ang mga pagdiriwang sa ating bansa?
2. Ilahad ang larawan ng piyestahan, kasalan, binyagan etc.
 Ano ang ginagawang paghahanda kung may binyagan? Piyesta?
3. Ilahad at talakayan
Binyag ng kapatid mong bunso. Lahat ay abala sa kani-kanilang gawain. May nagpapatay
ng baboy, manok at kambing, may nagluluto may nagkakabit ng kurtina, may nag-aayos at
naglilinis ng mga pinggan, baso, kutsara at tinidor ngunit walang nagliligpit ng mga laruang
ikinalat ng iyong apat na taong kapatid.
 Ano ang maari mong gwin sa iyong mga napansing laruan? Liligpitin mo ba ito kahit
hindi ka inuutusan? Bakit? Ano ang tawag sa paggawa ng isang bagay kahit walang
utos narinig mula sa mga kasama o nakatatanda?
C. Pagsusuri:
Ang kusang loob na paggawa ba ay dapat ugaliing ng bawat isa sa ating? Bakit? Ikaw
nakagawwa ka na ba ng mga gawaing bahay o pampaaralan ng kusang loob? Anu-ano ang mga
nagawa mo na ng kusang loob?
D. Paglalapat:
Magtala ng limang gawain sa paaralan at sa pamayanan na maari mong gawin ng may
pagkukusa.
IV. Pagtataya:
Piliin ang mga gawaing magagawa mo ng kusang loob at alang-alang sa kabutihan ng
nakararami. Lagyan ng star ang iyong napili.
______ 1. Paghuhugas ng pinggan
______ 2. Pag-aavos ng sapatos at tsinelas sa shoe rack
______ 3. Pagkuha ng damit sa sampayan at pagtitiklop ng mga ito
V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang maari nating gawin sa mga basyong garapon o bote?
144
145
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Nagagamit ang mga patapong bagay/materyales na sagana sa sariling lugar sa paggawa ng
mapakikinabangang parodukto.
II. Paksang Aralin:
Gawaing Kamay
B.P.
K.P.
I.B.
Sanggunian
Kagamitan
:
:
:
:
:
Pangkabuhayan
Pagiging Produktibo
Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggawa
ELC-EKAWP p. 30
Pira-pirasong retaso, playwood, bunot, balat ng mais, lata, goma atbp.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Anu-ano ang mga bagay na itinatapon nating sa araw-araw?
Ano ang maari nating magawa sa mga ito?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ipakita ang mga patapong bagay gaya ng lata, goma, retaso, balat ng mais atbpa.
2. Pagpapakita ng larawan ng mga bagay na nagawa mula sa patapong bagay
3. Pagtalakay sa larawan o bagay na ipinakita.
C. Paglalahat:
Ano ang maaring gawin sa mga ito: retaso, balat ng mais, lata, goma, atbpa. maaring
pakinabangan pa?
D. Pagsasanay:
 Pagpangkatin ang mga bata
 Umisip ng maaring magawa mula sa patapong bagay. Isulat ng bawat pangkat ang kanilang
napag-usapang mga bagay na maaring magawa mula sa patapong bagay.
E. Paglalapat:
Ano ang magagawa sa patapong bagay at paano ito mapakikinabangan?
IV. Pagtataya:
Sagutin ng tama o mali
1. Away ni Romy ng kalat, kaya sinunog niya ang mega balat ng niyog na nakakalat sa kanilang
bakuran.
2. Ang Nanay ni Mila ay isang modista, kaya laging maraming retaso sa kanilang bahay. Upang
hindi maging kalat ay inipon niya ito at umisip siya ng magagawa sa mega retasong ito.
V. Takdang-Aralin:
Anong kapakinabangan ang makukuha sa patapong bagay?
146
147
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Nagagamit ng lubusan ang sariling kakayahan sa paglikha ng makikinabangang produkto
mula sa mga patapong bagay o materyales
II. Paksang Aralin:
Gawaing Kamay
B.P.
K.P.
I.B.
Sanggunian
Kagamitan
:
:
:
:
:
Pangkabuhayan
Pagiging Produktibo
Naipapakita ang pagka-malikhain sa paggawa
ELC p. 31
pirasong retaso
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Anu-ano ang maaring gawin mula sa patapong bagay? Magbigay ng mga halimbawa.
B. Panlinang na Gawain:
1. Maglahad ng kuwento tungkol sa paggawa ng mga bagay mula sa patapong bagay mula sa
patapong bagay
C. Paglalahat:
Paano umulad ang buhay ng mag-aral sa ating kuwento?
D. Pagsasanay:
Paggawa ng mga bagay mula sa patapong mga bagay: pira-pirasong retaso.
E. Paglalapat:
Anu-ano ang inyong nagawa mula sa pira-pirasong retaso?
IV. Pagtataya:
Ipaliwanag kung paano at saan maaring gamitin ang mga nagawang bagay mula sa pirapirasong
retaso.
V. Takdang-Aralin:
Ipagpatuloy ang gawain sa bahay kung hindi pa tapos.
148
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Naisasagawa ang iba’t-ibang paraan ng pakikilahok sa mga gawaing pangkultura.
II. Paksang Aralin:
Pamanang Kultura
B.P.
:
K.P.
:
Sanggunian :
Kagamitan :
Pagkamakabansa
Pambansang Pagkakakilanlan/Pagmamalaki
ELC-EKAWP p. 32
Larawan ng mga katutubong sayaw
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Ano ang kultura?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ipaawit: “Tinikling”
2. Ilahad ang larawan ng Bayanihan Dance Troupe na nagtatanghal ng katutubong sayaw at
talakayan.
3. Ilahad at talakayan.
Nangunguna dito sa ating bansa maging sa ibang bansa sa pagtatanghal ng mga
katutubong sayaw ang "Bayanihan Dance Troupe" nagpapalabas sila dito at maging sa labas
ng bansa. Sila ang nagsisilbing inspirasyon ng mga Pilipinong gustong matutuhan at pagaralan ang mga katutubong sayaw ng ating bansa. Bukod sa pagsasayaw, tumutulong din ang
grupong ito na maturuan ang iba't-ibang pangkat lalo na ang mga mag-aaral na interesado sa
katutubong sayaw.
 Sino sa inyo ang nakapanuod na ng mga pagtatanghal ng mga katutubong kultura
tulad ng awitan, dula at iba pa?
 Ano ang inyong naramdaman habang nanonood ng mga ito?
 May pagmamalaki ba kayong nadama? Bakit?
C. Pagsusuri:
Ano ang epekto ng pakikilahok sa mga gawain pangkultura sa mega batang tulad mo?
Nakatutulong ba ito upang mapayaman ang ating kultura? Bakit?
D. Paglalapat:
Papaano nakatutulong ang iba't-ibang paraan ng pakikilahok sa mga gawaing pangkultura sa
pagpapa-unlad ng ating paraan ng pamumuhay at kabuhayan ng bansa?
IV. Pagtataya:
Sumulat ng isang tugma o sanaysay o skit kung saan maipakikita ang iyong pakikilahok sa mga
gawang pangkultura. Maaring pumili ng temaa mga ss.:
a. Katutubong sayaw
b. Dulang may isang yugto
c. Sayawit
V. Takdang-Aralin:
Magtala ng iba't ibang katutubong laro
149
150
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Sumali sa katutubong laro at sayaw
II. Paksang Aralin:
Pamanang Kultura
B.P.
:
K.P.
:
Sanggunian :
Kagamitan :
Pagkamakabansa
Pambansang Pagkakakilanlan at Pagmamalaki
ELC-EKAWP p. 32
Larawan ng iba’t-ibang katutubong laro at sayaw
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Ipaawit ang "Tinikling" at talakayan.
 Ano ang sayaw na tinutukoy sa awit?
B. Panlinang na Gawain:
1. Itanong
: Anu-ano ang iba't-ibang sayaw at larong katutubo ang alam mo?
2. Ilahad ang mga larawan ng iba't-ibang laro at sayaw na katutubo. Kilalanin ang bawat isa o
nasa larawan.
3. Iparinig at talakayan.
Iba't ibang pangkat ng mga Pilipino ang tumutulong sa pagpapaunlad ng ating kultura.
 Ano any ginagawa ng mga paaralan upang mahikayat ang mga mag-aaral na sumali sa
mga katutubong laro at sayaw?
 Sa paaralan lamang ba maaring gawin ang pagsali sa mga katutubong laro at sayaw? Saan
pa? Anong pagkakataon ang mga ito?
C. Pagsusuri:
Dapat bang ugaliin ang pagsali sa mga katutubong laro, sayaw at awitin? Bakit?
D. Paglalapat:
Ibigay ang kahalagahan ng pagsali sa mga katutubong laro at sayaw.
IV. Pagtataya:
Magtala ng 5 katutubong laro at 5 katutubong sayaw na dapat sinasalihan ng isang mag-aaral na
tulad mo. Itapat sa bawat bilang kung saang pagkakataon o pagdiriwang ito maaring salihan.
V. Takdang-Aralin:
Maghanda ng 3 bugtong.
151
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Lumalahok/Nakikinig sa Balagtasan, Awitan at iba pa
II. Paksang Aralin:
Pamanang Kultura
B.P.
:
K.P.
:
Sanggunian :
Kagamitan :
Pagkamakabansa
Pambansang Pagkakakilanlan/Pagmamalaki
ELC-EKAWP p. 32
Larawan ng Balagtasan, Salubong, Awitan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagpapaunlad ng talasalitaan: sa pamamagitan ng larawan balagtasan senakulo, salubong
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad at talakayan
Si Aleli ay mahilig makinig at magbasa ng mga balagtasan, alamat, kuwento sa Filipino.
Pinakagusto niyang pinakikinggan ng "Balagtasan" at pinakagusto niya ang alamat na "Si
Malakas at si Maganda" sila ang sinasabing pinagmulan ng lahing Pilipino.
Hindi niya maubos maisip na ang kauna-unahang lalaki at babae sa sina Malakas at
Maganda ay nanggaling sa kawayan.
Madalas ikuwento ni Aleli ang alamat na ito sa mga nakababatang kapatid niya.

Anong ugali o katangian ang mayroon si Aleli? Ano ang pinahahalagahan niya sa
pakikinig at pagbasa ng tungkol sa lahing Pilipino o kulturang Pilipino? Dapat ba siyang
tularan? Bakit?
C. Pagsusuri:
Papaano mo maipakikita bilang isang mag-aaral at Pilipino na ikaw ay nasisiyahan sa
pakikinig at pakikilahok sa mga gawaing kaugnay ng kulturang Pilipino tulad ng Balagtasan,
awitan, at sayawan?
D. Paglalapat:
Magbigay ng tatlo o apat na pagkakataon na ikaw ay maaring lumahok o surnali sa
pagtatanggal kaugnay ng Kulturang Pilipino.
Halimbawa: Balagtasan, Awitan, Dula-dulaan, Sayawan at iba pa.
IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ano mga kuwentong bayan, mga salawikain. bugtong at mga alamat ay halimbawa g kulturang
Pilipino. Ano ang dapat mong gawin dito bilang isang Pilipino?
a. sa loob lamang ng bahay ito bigkasin o basahin
b. sa paaralan lamang basahin ang mga ito
c. magpakita ng pagkagiliw sa pagbigkas at pagbasa no mga ito kahit saan lalo n sa harap ng
mga kapwa Pilipino at dayuhan
2. Ang mga awiting bayan nating ay kabilang din sa kulturang Pilipino. Ano ang dapat nating gawin
dito?
152
a. Kolektahin at itago
b. Awitin sa mga pampaaralan at pambayang pagtitipon o pagtatanghal
c. Ikahiya at iwasang makinig sa mga ito
V. Takdang-Aralin:
Magbigay ng tatlong bugtong at dalawang salawikain.
153
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Nasisiyahan sa pagbabasa ng panitikang Pilipino gaya ng salawikain at bugtong
II. Paksang Aralin:
Pamanang Kultura
B.P.
:
K.P.
:
Sanggunian :
Kagamitan :
Pagkamakabansa
Pambansang Pagkakakilanlan at Pagmamalaki
ELC-EKAWP p. 32
Poster/Show me Card
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Papagbigayin ang mga bata ng halimbawa ng bugtong at ipasagot sa ibang bata.
2. Papagbigayin ang mga bata ng mga salawikain.
- Ano ang pagkakaiba ng bugtong at salawikain?
B. Panlinang na Gawain:
1. Magbigay ng bugtong (Guro). Hayaang hulaan ng mga bata kung ano ito.
2. Ikuwento ang "Ang Daga at ang Lawin". Anong salawikain ang baggy sa kuwentong ito?
C. Pagsusuri:
Nararapat bang panatilihin ang pagtuturo at pag-aaral ng mga bugtong? at mga salawikain?
Bakit? Mahalaga ba ang mga ito sa buhay ng mga Pilipino? Bakit?
D. Paglalapat:
Magtala ng limang bugtong at i dalawang salawikain.
IV. Pagtataya:
Pumili ng isang salawikain at ipaliwanag ang ibig sabihin nito sa parnamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa.
1 "Pagmay tiyaga, May nilaga".
2. "Pang may isinuksok, May madudukot."
3. "Sa oras ng pangangailangan, Nasusubok ang tunay na kaibigan."
4. "Aanhin pa ang damo Kung patay na ang kabayo".
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng album ng mga bugtong at mga salawikain.
154
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Naipapakita ang minang kultura sa pamamagitan ng:
- pagguhit
- pagsulat ng tugma sanaysay/liham
- paggawa ng album
II. Paksang Aralin:
Pamanang Kultura
B.P.
:
K.P.
:
Sanggunian :
Kagamitan :
Pagkamakabansa
Pambansang Pagkakakilanlan/Pagmamalaki
ELC-EKAWP p. 32
Larawan ng iba’t-ibang obramaestra ng mga Pilipinong pintor at iskultor
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Ipaawit ang “Tinikling”
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad at talakayan: Larawan ng mga obra maestra ng mga Pilipinong pintor at iskultor gaya
ng munumento ni Balagtas, larawan ng kabukirang iginuhit ni Amorsolo at iba pa.
 Ano ang masasabi ninyo sa mga obra maestrang ito? Dapat ba silang ipagmalaki?
hangaan? Bakit?
2. Ipabasa? hangaan? Bakit?
Sa klase ng Sining, isinama ni Gng. Remedios Turla ang mga disenyong etniko. Pinagaralan din ng mga batang Grade IV ang mga gawaing panggsining at mga artista, pinto, at
iskultor na Pilipino. Nagpakita siya ng iba't ibang larawan at poster ng iba't ibang disenyong
katutubo at raga obra maestra ng mga kilalang Pilipinong pintor, iskultor pati mga disabled o
may kapansanang pintor. Wiling-wili, siyang-siya at hangang-hanga ang bawat mag-aaral.
 Sa inyong palagay, bakit nasiyahan. humanga at nawili ang mga bata sa mga obra
maestrang ipinakita ng guro?
C. Pagsusuri:
Ilahad muli ang obra maestra nina Guillermo Tolentino at Fernando Amorsolo. Sa inyong
palagay, bakit nakagawa g obra maestra ang mga Pilipinong ito? Maari ba ninyo silang gawin
modelo o tularan?
 Ano ang inugali o katangiang ipinakita o taglay nila sa paggawa ng mga ito
 Dapat ba silang tangkilikin? Bakit?
D. Paglalapat:
Buuin ang tugma. Piliin ang tamang salita sa bob ng panaklong.
Kulturang Pilipino
Mahalin nating ________________ (totoo, ito)
Sa ati'y pamana ito
Ng mga dakilang ________________ (lolo, tao)
Ating iguhit
O kaya'y ________________ (iukit, isingit)
155
O kaya'y isulat
Ng mabasa ng ________________ (madla, lahat)
Ang kahalagahan ng mga ito
sa buhav ng bawat ________________ (aso, tao)
IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Pinagagawa ka ng guro mo sa sining ng Tsang disenyong katutubo. Alin sa mga ito ang gagawin
mo?
a. ang mga disenyong likha ng mga Ifugao o ng mga Moro
b. raga disenyong gawa ng mga Italyano
c. mga disenyong halaw sa ibang bansa
2. Pinagagawa kayo ng isang album ng iba't ibang disenyo. Alin ang dapat mono inahing
kolektahin?
a. mga disenyong likha ng iba't ibang katutubong pangkat etnikong Pilipino
b. mga disenyong likha ng mga dayuhan
c. mga disenyong likha ng mga Aprikano
V. Takdang-Aralin:
Saan-saan isinusuot ang katutubong damit?
156
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Isinusuot ang katutubong damit sa ilang okasyon
II. Paksang Aralin:
Pamanang Kultura
B.P.
:
K.P.
:
Sanggunian :
Kagamitan :
Pagkamakabansa
Pambansang Pagkakakilanlan/Pagmamalaki
ELC-EKAWP p. 33
Larawan ng mga katutubong kasuotan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Ipaawit "Mga sagisag ng Bayan" at talakayan
 Ano ang pambansang kasuotan ng mga lalaki na binanggit sa awit? - Ano naman ang sa
mga babae? Saan o kailan ito naisusuot?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad ang iba't ibang kasuotang katutubo ng mga Pilipino. Hayaang kilalanin ng mga bata
ang bawat isa.
2. Ilahad at talakayan.
Ang taong 1998 ay tinaguriang "Philippine Centennial Year" o "Centennial Year for the
Filipino" dahil ito ang ikasandang taon ng paglaya ng mga Pilipino sa mga dayuhan. Inubliga
ng mga tanggapan, paaralan ng pamahalaan ang mga kawani sa pagsusuot ng katutubong.
kasuotan. Ang iba'y sumunod ng bukal sa kalooban. ang Ilan nama'y napilitan lamang, ang
iba'y ikinahiya ang pagsusuot nito.
 Bakit ganoon na lamang ang naramdarnan ng iba't ibang tao o mga Pilipino sa pagsusuot
ng katutubong kasuotan?
C. Pagsusuri:
Kung kayo ay isa sa kawani ng pamahalaan at isa sa pinag-utusang magsuot ng katutubong
kasuotan, ano ang iyong mararamdaman? Bakit?
 Bakit dapat pahalagahan o ipagmalaki ang ating mga katutubong damit? Mahalaga ba ang
mga ito sa buhay natin?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng/ang mga pagkakataong maaring isuot ang mga katutubong damit Pilipino.
______ pamamalengke
______ pag-abay sa kasal
______ pagsisimba
______ paglalaro
______ Linggo ng Wika
______ Flores de Mayo
______ Araw ng mga Puso
______ Pasko
______ Todos Los Santos
______ Pang-araw-araw o pantulog
V. Takdang-Aralin:
Papaano ka makasasali sa mga gawaing nangangalaga sa minanang kultura?
157
158
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Nakalalahok sa mga gawaing nangangalaga sa minanang kultura
II. Paksang Aralin:
Pamanang Kultura
B.P.
:
K.P.
:
Sanggunian :
Kagamitan :
Pagkamakabansa
Pambansang Pagkakakilanlan/Pagmamalaki
ELC-EKAWP p. 33
Larawan ng iba’t ibang gamit na may kaugnay sa kulturang Pilipino
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Ano ang Kultura?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad ang larawan ng namamano, mga banga. pana, itak, patintero etc.
 Anu-ano ang nasa larawan? Ang mga ito by ay bumubuo sa kulturang Pilipino? Paano
natin mapangangalagaan at mapauunlad ang kulturang Pilipino?
2. Ipabasa at Talakayan
Ang Kulturang Pilipino
Ano ang ginawa mo pagkagising kanilang umaga? Ano ang kinain mo sa almusal? Ano
ang isinuot mong damit?
Marahil, halos lahat kayo ay pare-pareho nang ginawa kaninang umaga. Maaring hindi
rin nagkakaiba ang kinain ninyo sa almusal.
Magkakatulad din ang mga isinuot ninyong damit, hindi ba?
Mangyayari ito sapagkat kayong lahat ay nabubuhay sa iisang kultura at iisang
panahon.
C. Pagsusuri:
Program ng Parnahalaan para sa Kultura
Upang sumigla ang mga gawaing pangkultura, itinatag ang Sentrong Panakultura ng Pilipinas
(Cultural Center of the Philippines).
Ang sentro ay binubuo ng isang tanghalan para sa drama, at mga sayaw, isang Museo. Ang
Sentro ng Disenyo, Ang Sentro para sa katutubong Sining, at ang Pambansang Sentro ng Sining
sa Makiling.
Ang mga ito ay ginawa ng pamahalaan. Ano ang nagagawa naman ng isang batang katulad
mo upang makalahok sa mga gawaing nangangalaga sa minanang kultura?
D. Paglalapat:
Bakit kailangang pagyamanin at paunlarin ang ating sariling kultura? Ano ang mangyayari
kung hindi natin ito pagyayamanin?
IV. Pagtataya:
Magtala ng mga hakbang na isinagawa o isinasagawa ng ating paaralan upang mapagyaman at
mapaunlad ang kulturang Pilipino?
159
V. Takdang-Aralin:
Saan itinatago o inilalagak ang mga kagamitang minana pa natin sa ating mga ninuno?
160
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Itinatago/Inilagak sa museo ang mga kagamitan, kasangkapan, damit na nabili pa noong unang
panahon
II. Paksang Aralin:
Pamanang Kultura
B.P.
:
K.P.
:
Sanggunian :
Kagamitan :
Pagkamakabansa
Pambansang Pagkakakilanlan/Pagmamalaki
ELC-EKAWP p. 33
Larawan ng iba’t ibang kasangkapan o gamit na antik
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral: Anu-ano ang bumubuo sa kulturang Pilipino?
B. Panlinang na Gawain:
1. Ilahad "MUSEO". Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang makikita rito?
2. Sabihin ng guro.
Nakalulungkot isipin ang pagkasira ng mga bagay na bahagi ng ating kultura. Kapag
nasira ang mga ito, mahirap nang maibalik sa dati. May mga bagay ring hind ikailanman
maibabalik sa dati.
Upang pangalagaan ang mga bagay na may kinalaman sa kultura, nagpalabas ang
parnahalaan ng mga batas at alituntuning gagabay sa pangangalaga nito.
3. Ilahad ang mga larawan ng mga antik. Saan ito itinatago o inilalagak upang mapanatili o
papangalagaan?
C. Pagsusuri:
1. Ipabasa at talakayan
2. Itnaong:
- Ano ang museo?
- Anu-ano ang makikita sa museo?
- Mahalaga ba ang mga museo? Bakit?
- Magbigay ng mga naalan o kilalang museo sa Pilipinas.
D. Paglalapat:
Magtala ng mga bagay na dapat ilagak o itago sa mga museo.
IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay isang lugar kung saan inilalagak o itinatago ang mga antigong kasangkapan na ginamit pa
noong unang tao o pahanon.
a. pabnika
c. tindahan
b. museo
d. silid-aklatan
2. Ang mga sumusunod ay inilalagak sa museo maliban sa isa. Alin ito?
a. lumang darnit
c. mag kasangkapang antik
161
b. divaryong Bulgar
d. mga instrumentong ginamit noong unang panahon
V. Takdang-Aralin:
Papaano mo maigagalang ang kultura ng ibang pangkat etniko sa bansa?
162
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Naisasagawa ang paggalang sa kultura ng mga Pilipinong kasapi sa iba't ibang pangkat-etniko
II. Paksang Aralin:
Isang Bansa Isang Diwa
B.P.
: Pagkamakabansa
K.P.
: Pambansang Pagkakaisa
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 34
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Panalangin
Pagkamabansa Pambansang Pagkakaisa. Sa isang magandang umaga na ito naffs naming
magpasalamat sa araw na ito na muli ay mag-aaral kami. Samahan kami mula simula hanggang
matapos ang amino aralin upang ito'y aming matunawaan. Sa pangal ni Jesus, Amen.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak :
Sa anong pangkat - etniko ka kabilang?
2. Paglalahad
Ipaunawa ang kahulugan ng mga salitang kultura at etniko. Papagbigayin an( mga hata ng
halimbawa upang ito'y lubos na maunawaan.
Pag-uusap kung paano ipinagdiriwang ng iba't ibang pangkat etniko ang binyag,
kaarawan. pista at pagtatapos sa pag-aaral.
C. Pagsusuri:
Pag-uusapan kung paano maisasagawa ang paggalang sa kultura ng iba sa mga pagdiriwang
na nabanggit sa itaas.
D. Paglalapat:
Napili ka upang dumalaw sa mga katutubo sa ibang lugar. Ibang-iba ang pamamaraan ng
kanilang pamumuhay paano maipapakita ang paggalang sa kanilang kultura?
IV. Pagtataya:
Sabihin kung tama ang isinasaad ng bawat pangungusap at iwasto kung ito'y mali.
1. Marapat lamang na igalang natin ang kultura ng ibang pangkat etniko.
2. Hindi na marapat na pag-ukulan ng pansinang kultura ng iba dahil mayroon naman tayo.
3. Maari nating pagtawan ang kakaibang gawi ng ibang pangkat ng mga tao.
V. Takdang-Aralin:
Sumulat ng tatlong pangkat etniko na nais mo at itala ang kani-kaniyang kultura.
163
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Iginagalang ang mga nagawa ng iba't ibang pangkulturang pangkat
II. Paksang Aralin:
Isang Bansa Isang Diwa
B.P.
: Pagkamakabansa
K.P.
: Pambansang Pagkakaisa
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 34
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
Muli po itinataas namin ang tinig ng pasasalamat sa umagang ito. Inaayayahan namin ang
Iyong pakikisama sa pag-aaral na ito upang ito'y madali naming maunawaan. Salamat po sa
inyong sagot sa aming dalangin. Amen
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Nakikita ka na ba ng Vinta? Saan ito matatagpuan? Ano ang masasabi mosa disenyo
nito?
2. Paglalahad
Ang makulay na Vinta ay isa lamang sa nagawa ng mga kapatid nating Muslim.
Nakawiwiling pagmasdan ang mga disenyong ginawa para sa mga ito. Ang karera ay
pangkaraniwan sa mga Muslim kung saan iba't ibang Vinta ang mamasdan. Marami ang
nanonood ng ganitong uri ng karera.
Si Karim ay nagpasya na paglaki niya siya ay sasali sa karera ng Vinta sa kanilang lugar.
Pinigilan mo siya dahil hindi ka nama interesado dito. Tama ba ang iyong ginawa?
3. Pagsusuri
Napansin mo ang iyong pinsang si Karim na naghahanda na sa paligsahan. Tutol na tutol
ka sa kanyang gagawin. Naalala mo ang inyong aralin ukol sa paggalang sa kultura ng iba.
Anong tulong ang ibibigay mo sa iyong pinsan?
4. Paglalapat
Sa anu-anong paraan maipakikita nating ang paggalang sa mga nagawa ng iba't ibang
pangkulturang pangkat?
IV. Ebalwasyon:
Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat. Bigyang laya na maghanda ng maikling duladulaan na
nagpapakita ng paggalang sa nagawa ng iba't-ibang pangkulturang pangkat.
V. Takdang-Aralin:
Humanda sa pagpapakitang kilos sa susunod na araw.
164
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Nakalalahok sa mga gawain no iba't ibang pangkat-etniko
II. Paksang Aralin:
Isang Bansa Isang Diwa
B.P.
: Pagkamakabansa
K.P.
: Pambansang Pagkakaisa
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 35
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
Amang mapagmahal ka sa lahat sa umagang ito itinataas namin ang aming tinig
hinihiling na ikaw ang magbigay liwanag sa paksang aming tatalakayin. Ang lahat pong ito
ay aming dalangin sa pangalan ni Jesus, Amen.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng iba't ibang pangkat etniko na nagpapakita ng kanilang gawain.
Ipapansin nga sa mga bata ang iba't ibang gawain.
2. Paglalahad
Bigyan ng panahon ang bawat pangkat na ipakita ang maikling dula-dulaan na kanilang
inihanda. Bago pasimulan ay ipaalala sa mga bata ang kahalagaan ng taimtim na
pagsubaybay sa bawat pangkat.
C. Pagsusuri:
Ito'y isasagawa pagkatapos na pakapagpakitang kilos ang bawat pangkat. Isaalang-alang ang
sumusunod ng mga tanong:
a. Ano ang gawain ng pangkat etnikong ipinakita?
b. Alin sa mga ito ang nasalihan mo na?
D. Paglalapat:
Magkakaroon ng programa ukol sa mga gawain ng iba't ibang pangkat etniko sa inyong
paaralan. Ang isa rito ay ang ati-atihan. Lalahok ka ba o hindi? Bakit?
IV. Ebalwasyon:
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Papiliin sila ng pangkat etnikong nais nila. Papaghandain ng
maikling dula sa ipinakikita ang pangkarani\vang gawain ng napiling pangkat etniko.
V. Takdang-Aralin:
Humanda sa pagpapakitang kilos sa dula sa harap ng klase.
165
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Napangangalagaan at napahahalagahan ang mga kontribusyon ng ibang bansa sa Kulturang
Pilipino
II. Paksang Aralin:
Paggalang sa Kontribusyon ng Bansa sa Kultura ng Pilipino
B.P.
: Pagkamakabansa
K.P.
: Pandaigdigang Pag-uunawaan/Pagtutulungan
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 36
Kagamitan : Mga larawan, sanaysay
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pag-awit
2. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
Anu-anong mga bansa ang sumakop sa ating bansa nuong unang pahanon? Anuanong
impluensiya mula sa kanilang kultura ang hanggang sa kasalukuyan ay taglay pa rin natin?
Ano ang naidulot nito sa sarili nating kultura?
2. Paglalahad:
Ang Pilipinas ay mayarnan sa likas na yaman. Maganda rin ito kung kaya't marami ang
naakit na pumunta sa ating bansa. Ang iba'v hindi lamang dumalaw, may mga nagnais din na
sakupin ang ating bansa. Kabilang dito ay ang Espanya na sumakop sa Pilipinas sa loob ng
mahigit na 300 taon. At sa tagal ng pamamalagi nila dito, marami tayong napulot mula sa
kanila. Pangunahin dito ay ang paraan ng ating pananampalataya na hanggang sa kasalukuyan
ay taglay pa rin natin. May mga salitang Kastila na isinama na rin natin sa talasalitaang
Pilipino tulad ng mesa, komedor. meubles at iba pa. Ang mga awit, sayaw at mga tugtugin ay
naimpluwensyahan din ng kulturang Kastila.
C. Pagsusuri:
1. Anong bansa ang sumakop sa atin sa loob ng mahigit na 300 taon?
2. Anu-anong mga implywensya sa kulturang Pilipino ang nakuha natin mula sa kanila?
3. Ano ang naging epekto nito sa kulturang Pilipino?
4. Ano ang dapat nating gawin sa mga implu vensyang nakuha natin mula sa mga Kastila?
D. Paglalapat:
Nakita mo ang isang painting sa isang museo na napakaganda. Napag-alaman mo na ito ay
nagawa sa panahon ng mga Kastila. Bagama't Pilipino ang may gawa, naroon parin ang
impluwensiya ng mga Kastila dito. Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga at
pangangalaga sa kontribusyong ito ng mga dayuhan?
IV. Ebalwasyon:
Maglista ng 5 paraan na nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga kontribusyon ng
ibang bansa sa ating kultura.
166
V. Takdang-Aralin:
Gumupit ng mga larawan ng mga makasaysayang gook sa Pilipinas. Isulat kung bakit naging
makasaysayang pook ang mga iyon.
167
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Dumadalaw sa museo at tumutulong mag-alaga sa mga makasay-sayang pook.
II. Paksang Aralin:
Paggalang sa Kontribusyon ng Bansa sa Kultura ng Pilipino
B.P.
: Pagkamakabansa
K.P.
: Pandaigdigang Pag-uunawaan/Pagtutulungan
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 36
Kagamitan : larawan ng mga makasaysayang pook sa Pilipinas
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pag-awit
2. Bal i k-aral
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Sinu-sino na sa inyo ang nakadalaw sa museo? Ano ang makikita dito?
Ano-anong mga lugar naman sa Pilipinas ang tinatawag na makasaysayan? Bakit sila
naging makasaysayan?
2. Paglalahad:
May proyekto sina Amy, Sussie at Tessie at ang kanilang buong k1ase sa Araling
Panlipunan. At bilang proyekto, magkakaroon sila ng Educational Tour. Hindi lang simpleng
pamamasyal ang kanilang gagawin kundi gagawa rin sila ng reaction paper ukol dito.
Ang una nilang pinuntahan ay ang Provincial Museum ng Bulacan kung saan makita nila
dito ang mga sinaunang kasuotan ng mga kabaabihan at kalalakihan partikular ang mga
isinusuot ng mga bayaning Bulakeno. Nakita rin nila ang mga kagamitang ginamit ng ating
mga ninuno na magbibigay ng ideya kung paano namuhay ang ating mga ninuno. May mga
sipi rin ng lumang dyaryo, nga aklat at babasahin.
C. Pagsusuri:
1. Ano ang proyekto nina Amy at buong klase sa Araling Panlipunan?
2. Saan-saan sila dumadalaw?
3. Anu-ano ang nalaman nila sa mga lugar na kanilang binisita?
4. Ano ang nabuo sa isipan ng mga bata sa kanilang pagdalaw sa mga lugar na iyon? Ano ang
plano nilang gawin?
D. Paglalapat:
Kung may plano kayong mamasyal na mag-anak, yayayain mo ba silang dumalaw sa mga
museo at makasaysayang pook? Bakit?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek ang mga nararapat gawin sa pagdalaw sa museo at rnakasaysayang pook at ekis
naman kung hindi.
____ 1. Paggawa ng ingay sa loob ng pasilyo
____ 2. Pagkuha ng mga bagay na makikita dito
168
____ 3. Paglabag sa mga alituntunin sa pagdalaw dito
V. Takdang-Aralin:
Anu-anong palabas ang nais ninyong panuorin na may kaugnayan sa kultura ng ating bansa at
ibang bansa.
169
CHARACTER EDUCATION IV
Date: _______________
I. Layunin:
 Pinanonood ang mga pangkulturang palabas.
II. Paksang Aralin:
Paggalang sa Kontribusyon ng Bansa sa Kultura ng Pilipino
B.P.
: Pagkamakabansa
K.P.
: Pandaigdigang Pag-uunawaan/Pagtutulungan
Sanggunian : ELC-EKAWP p. 36
Kagamitan : larawan, kuwento
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pag-awit
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Mahilig ba kayong manuod ng mga pangkulturang palabas? Kung ang pangkulturang
palabas ay sa ibang bansa mula, papanuorin mo pa ba? Bakit?
2. Paglalahad:
Si Ramon ay matalino. Mahilig siyang magbasa ng mga aklat tungkol sa kultura ng iba't
ibang bansa. Interesado din siya sa panunuod ng mga pagtatanghal na pangkultura sa
telebisyon man o sa tanghalan lalu na ang mga ito ay makapagdudulot ng dagdag na
kaalaman na makatutulong sa kanya sa kanyang paaralan. Dahil din dito mauunawaan niya
ang maraming bagay sa uri ng pamamuhay ng mga dayuhan na magiging dahilan ng
pagkakaroon niya ng maraming kaibigan buhat sa ibang bansa.
C. Pagsusuri:
1. Anong uri ng bata si Ramon?
2. Ano ang kinawiwilihan niyang basahin at panuorin?
3. Ano ang nagiging bunga nito sa kanya?
4. Sa inyong palagay, dapat ha o hindi dapat tularan si Ramon sa kanyang ginagawa? Bakit?
D. Paglalapat:
Nagpunta ka sa iyong kamag-aral at nadatnan mo silang nanunuog ng bala ng VHS tape na
tumatalakay sa kultura ng mga Arabo. Ano ang iyong gagawin? Bakit?
IV. Ebalwasyon:
Alin sa mga sumusunod ang dapat at hindi dapat panuorin. Lagyan ng tsek kung dapat at ekis
naman kund hindi.
1. Ang Pamumuhay ng mga Robot
2. Ang Kultura ng mga taga-Singapore
3. Ang Pamumuhay ng mga Intsik
4. Ang Kultura ng mga Hapon
5. Ang Kultura ng mga Aleman
170
V. Takdang-Aralin:
Magbigay ng 3-5 palabas sa telebisyon na turnatalakay sa ating sariling kultura.
171
Download