JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC. COLLEGE DEPARTMENT SIN & SALVATION MIDTERM ASSIGNMENT #1: DEVOTION NAME: JOHN MANUEL B. SERASPE COURSE/SEC: BS – PSYCHOLOGY 1A Romans 10:5-15 S – Naging madamot ako sa pagiging kristyano, naipagdamot kong ibahagi ang mga salita niya sa mga kailangan ng saklolo. P – Nangangako ako na tutulungan ko ang iba, magbibigay ako ng mga alam kong liwanag sa kanilang mga tanong gaya ng naranasan ko. A – Magiging bukas palad sa iba at maging maunawain at empatiko sa iba. C – Buong puso at buhay mananampalatay sa panginoong Hesus. E – Romans 10:11-13 11 Sinasabi ng kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Walang pagkakaiba ang Judio at Griyego, sapagkat iisa ang Panginoon ng lahat, at siya'y mapagpala sa lahat ng tumatawag sa kanya. 13 Sapagkat, “Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” P – Pinapalangin ko ang mga taong nagdaranas ngayon ng malubhang sakit pisikal man or mental, nawa ay matagpuan nila ang panginoon sa mga panahon na ito. E – Maging tamad sa paglilingkod. T – Ang taong sumusunod sa utos ay mabubuhay ayon dito at sino mang tumawag sa Diyos ay pakikinggan niya, siya ay laging nasa isip natin. S – Pinapasalamatan ko ang Diyos na siyang lumikha sa akin nararapat na ikaw ay pasalamatan dahil kung wala ka ay wala rin ako.