See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.net/publication/356893311 Kaantasan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino Tugon sa Makabagong Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya Article · December 2021 CITATIONS READS 0 33,170 1 author: Jennilyn Daza La Consolacion University Philippines 1 PUBLICATION 0 CITATIONS SEE PROFILE Some of the authors of this publication are also working on these related projects: Kaantasan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino Tugon sa Makabagong Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya View project All content following this page was uploaded by Jennilyn Daza on 09 December 2021. The user has requested enhancement of the downloaded file. Paksa: Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya Kaantasan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino Tugon sa Makabagong Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya Jennilyn V. Daza jennilyn.daza@email.lcup.edu.ph Disyembre, 2021 Abstrak: Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang masukat ang antas nang pagkatuto ng mga mga mag-aaral sa wika at panitikan na gamit ang mga makabagong estratehiya na siyang magiging batayan upang mabigyan ng maayos na daloy ang pananaliksik. Gagamit ng isang diskriptibong palarawang pag-aaral upang makita ang antas ng pagkatuto at ito ang pinagsanib ng kwalitatibo at kwantitatibong istadistika. Ang mga kasangkot sa pag-aaral ay mga mag-aaral sa sekondarya na mataas na paaralan ng Talisay. Ang pagkakatuklad sa antas ng kanilang pagkatuto sa wika at panitkan sa filipino ay siyang mapaglalapat ng makabagong estratehiya upang malampasan ang hamong kinahaharap sa panahon ng pandemya. Ang magiging rekomandasyon ay magkaroon ng makabagong estratehiya at pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitkan upang ang interes at kaantasan ng pagkatuto ay mapataas at higit na mabigyan ng kasapatan ang pangangailangan ng guro sa pagtuturo ng wika at panitkan sa Filipino. Mga Susing Salita: kaantasan, estratihiya, pagkatuto, wika, pantikan, pandemya 1. Ako Bilang Guro ng Asignaturang Filipino Ang guro ay isang instrument ng pagkatuto ng ng isang pag-aaral na maiaangat ang antas ng kanilang kaalaman sa isang Asignatura. Higit na nagkakaroon ng isang maayos na paglalapat kung ang guro ay may kasanayan at ito ay kanyang eksperto na pagtuturo sa isang asignatura. 1 Sapagkat ang isang maayos na gampanin ng isang guro ay mag bahagi ng kanilang kaalaman sa mga mag-aaral at kapwa guro na nagtuturo ng kanilang piling larang upang higit na umigpaw ang kanilang kaalaman sa nasabing karunungang inaasam at matagumpayan ang kanilang kamalayan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang guro ay isang propesyon na hindi matatawaran dahil sa kanilang paglilingkod at pagtulong sa mga kabataan na matuto sa asignaturang Filipino. Malinang ang kaalaman dahil sa pagseserbisyo ng guro ng walang hanggang pagsubaybay sa mag-aaral upang maabot nila ang kanilang pangarap. Isang pangarap din ng guro na maging isang kilalang tapat na lingkod bayan ang kanilang mga mag-aaral sa hinaharap. Ang isang guro ay may kaakibat na responsibililad upang ang kanyang mga mag-aaral ay matuto sa asignaturang kanyang pinagtuturo lalo na sa piling larang o kanyang pinagkadalubhasaan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Batay sa isang pahayag ni Meneses (2021) sa kanyang ginawang artikulo na “Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya” ngayong 2021 na ipinapahayag na isang hamon ito sa mga guro at mag-aaral na magkaroon ng isang maayos na pagpapahatid at paglilipat ng kaalaman na hindi nakakaapekto ang kasalukuyang dinaranas na pandemya. Binigyan tuon niya ang pamamaraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nasa mga tahanan lamang. Ang “Online Classes” at modyular na pagtuturo ang kaniyang binigyan ng tuon upang magkaroon ng pagpapatuloy na pag-aaral ang mga mag-aaral sa kanilang tahanan upang maiwasan ang pagkakaroon ng hawaan sa sakit na COVID-19. Dahil dito, alinsunod sa batas Republika Blg. 9155 seksyon 2 ay isinasaad ang ganito: Ang estado ang siyang mamgangalaga at tataguyodc sa Karapatan ng lahat ng mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at upang gawing bukas para sa lahat ang naturang edukasyon sa pamamagitan ng sistemang pagkatutong alternatibo para sa mga kabataan wala sa paaralanm at matatandang mag- 2 aaral na ang layunin a6y pagkalooban sila ng mga kasanayan, kaalaman at halagahan na kinakailangan nila upang sila’y maging mga mamamayang mapangalaga, nakapagsasarili, produktibo, at Makabayan Sa batas na ito ay kinakailangan ng pagbibigay ng tuon sa mga mag-aaral lalo na ngayong sa panahon ng pandemya ang paglilipat ng kaalaman at pagkatuto nila sa mga aralin na kinakailangan sa asignatura na kanilang pinapasukan sa baiting kung saan sila nabibilang. Kinakailangan pa rin pataasin ang antas ng kanilang kaalaman upang sa sunod na baiting ay magkaroon ng paghahanda sa mga aralin na makakatulong sa kanilang pagkatuto at pagkaunawa sa mga aralin na kanilang pag-aaralan. Ito ay isang katuparan sa pagpapataas ng kaalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral na gamit ang makabagong estratehiya sa pagtuturo ng wika at panitikan sa asignaturang Filipino. Bilang guro, kinakailangan ang maayos na paglalapat ng mga pamamaraan sa pagtuturo lalo na sa kasalukuyang panahon ng pandemya dahil marami sa mga mag-aaral ang nahihirapan na matuto at makapagbahagi ng kanilang kaalaman sa pag-aaral ng asignaturang Filipino lalo na ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pagsulat ng mga impormasyon mula sa isang modyul na kinakailangang unawain at bigyan ng sapat na kapaliwanagan sa mga detalye ng isang aralin. Sa pamamagitan ng Division Memorandum No. 172, s. 2020 "Implementation of the Learning Delivery Modalities (LDM) 1 Course for Division and School Leaders Under the Basic Education-Learning Continuity Plan (BELCP)" ay naisakatuparan ang implementasyon ng Learning Delivery Modalities (LDM) sa ilalim ng BE-LCP. Ang mga gawain sa pagsasanay ay naglalayong mapahusay ang kahandaan ng mga guro para sa pagpapatupad at pamamahala ng mga learning delivery modalities na naaayon sa mga patakaran at magbigay ng patnubay sa mga opisyal sa paggawa ng matalinong mga desisyon na nauugnay sa pagpapatupad ng iba't ibang mga modalidad. Ang distance learning ay isa sa 3 mga learning delivery modalities na idinisenyo ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang pagtuturo ay nagaganap kahit ang mga guro at mag-aaral ay hindi pisikal na magkaharap. Nakapaloob sa modalidad na ito ang Modular Distance Learning (MDL) na kung saan ang bawat mag-aaral ay mayroong Self-Learning Materials (SLM) o mga nakaimprentang modyul na naglalaman ng kanilang mga aralin at mga gawaing sa pagkatuto. nakasaad sa Seksyon 2 (1) ng artikulo XIV ng 1987 Constitution na nabanggit din sa RA No. 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013, na ang estado ay dapat magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan habang sa bisa naman ng DepEd Order No. 012, Series 2020, “Adoption of the Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) for school year 2020-2021 in the Light of the COVID 19 Public Health Emergency” Ang Kagawaran ng Edukasyon ay magpapatupad ng iba’t ibang Learning Delivery Modalities (LDMs) upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral habang sinisigurado ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at kaguruan. Ito ay maipatutupad sa pamamagitan ng blended learning, distance learning at homeschooling. Naipahayag naman sa International Journal for Scientific Advances (2021) na ang modular distance learning ay ang paggamit ng mga inihandang modyuls ng mga 10 guro na naglalaman ng mga gawain at babasahin na tutugon sa learning competencies ng mga mag-aaral. Nakasaad sa International Journal Multidisciplinary Research and Analysis (2020) ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa kabila ng COVID 19 pandemic ay ginagamitan ng mga alternatibong pamamaraan tulad ng online learning at modular learning. Makikita sa pag-aaral na isinagawa nina Abante et al (2020) sa kanilang pag-aaral na may titulong “A Comparative Analysis on the Challenges of Online LearningModality and Modular Learning Modality: A Basis for Training Program” na ginagamit ang dalawang pangunahing 4 alternatibong pamamaraan ang pag-aaral na online at modular learning sa panahon ng pandemya. Lumabas din sa isinagawang pag-aaral na may mga suliranin itong kaugnay sa mga guro ng parehong pampubliko at pribadong guro at paaralan. Nailantad sa pag-aaral na ginawa ni Marohombsar (2020) na walang kaugnayan ang modyular na pagdulog sa konsepto ng antas at lalim ng pagbasa ng mga mag-aaral. Subalit nararapat pa rin na magkaroon ng English reading module bilang tugon sa mga suliraning kaugnay. Dahil sa mga problemang kinakaharap ng mga guro sa kasalakuyan ay hindi biro lamang sapagkat ito ay isang bokasyon na ang pagtuturo ay hindi kinakailangan na magkaroon ng isang sapat na isa lamang na pamamaraan, bagkus maraming pamamaraan upang misalin ang kaalaman at pagkatuturo sa mga mag-aaral . Ang pagtuturo ay pinag-aaralan ng mga guro upang makapagsalin ng kaalaman mula sa mga nakalahad sa isang batayan na kinakailangang pagaralan. Kagaya minsan na ang guro ay nagsasakripisyo lamang upang makapagturo sa isang lugar na malayo sa kabayanan, Ito ay masasabing isang pagseserbisyong may puso at didikasyon sa pagtulong sa mga kabataang nagpapasaya sa mga guro kapag may natutuhan sila sa ibinabahagi ng kanilang guro mula sa araling Filipino. Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021). Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa 5 mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014). Kaya ang layunin nang pag-aaral na ito ay isang bahagi na nakapokus sa kalagayang ng mga guro kung ano ang nais mabigyan ng maayos na serbisyo ng pamahalaan dahil ang mga guro ang siyang pundasyon ng mga pangarap ng mga kabataan sa hinaharap. 2. Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika] Sa pagtuturo ng isang guro sa asignaturang Filipino ay isang saligan ang kinakailangan upang mas mapalalim ito at mabigyan ng malawak na interpretasyon. Ang wika ay palaging maraming gamit lalo na sa pag-aaral ng mga sintaksis, morpolohiya, ponolohiya, semantiks at ponolohiya. Ang pagtuturo ng wika ay may kaakibat na pagtutok sa mga pagkakabuo, kahulgan at pagkakabigay ng kalayaang maibahagi ang mga impormasyon nakalatag sa kanilang kahulugan Alinsunod sa kautusang Tagapagpaganap blg.263 noong 1940 na nag aatas na: Nagbibigay pahintulot sa paglilimbag ng isang disyunaryong tagalog at balarila ng wikang Pambansa at itatagubilin din na pagtuturo ng wikang pambasa sa mga paaralan, pambayan man o pribado. . Ang kautusang ito ay isa lamang sa matatag na batayan upang higit na paunlarin ang wikang pambasa sa Pilipinas. Marami pang pamamaraan o estratehiya ang kinakailangan upang higit na maging hulwaran ang mga nagawang babasahin at upang lumawak o higit na mapaunlad ang gamit ng wikang Pambansa. Marami sa ngayon sa mga kabataan ang hindi na maalam sa paggamit ng wastong salita sa pakikipag-usap sa pormal na talakayan. Kung minsan ay nagiging syukoy na ang kanilang pagpapahayag dahil nahahaluan na ng salitang banyaga ang kanilang impormasyon na ipinapahayag. Kinakailangang ito ng guro ang wika sa ibat-ibang kaparaanan na magkaroon ng mataas na antas ng pagkatuto ang mga mag-aaral 6 lalo na sa kasalukuyang panahon na lalong nangingibabaw ang wikang dayuhan sa sa paggamit ng sosyal Medya.. Mula sa pag-aaral ni Francisco (2014) natuklasan niya na ang pagkakaugnayan ng mga kahulugan at impomasyon ay nakabatay ayon sa pagkakaunawaan hanggang matuklasan ang gamit ng diskurso na matatawag na social fragment. Dahil marami sa kasalukuyan na ang mga pahayag ng kanilang wika ay ayon na sa napapanahong impormasyon na naaapektuhan ang pagkakabuo nito ayon sa mga pahayag ng mga salitang milenyals. Kaya ang kaugnayan nito sa kasalukyang pag-aaral ay higit na paiigtingin ang kaantasan ng wika sa pagtuturo nito ng asignaturang Filipino na gumagamit ng isang makabuluhang bokabularyo sa pagbabahagi nila ng mga pangungusap at pagbibigay ng kahulugan nito sa kaangkupan nito sa panitikang tinatalakay. Ang kaantasan ng pagtuturo ng wika ay siyang salayan upang mapataas ang kaalaman ng mga kabataan sa pag-aaral ng asignaturang Filipino sa kasalukuyan kinahaharap natin ang panahon ng pandemya. Hindi hadlang ang pandemya kung bibigyan lamang ng sapat na solusyon ang kinahaharap na mga suliranin sa pagtuturo ng wika kaakibat ang makabagong teknolohiya na siyang magiging pamamaraan sa pagbubuo ng panibagong pagtuturo na may pagkatuto sa asignaturang Filipino. Alinsunod sa artikulo XIV, seksyon 6 ng Konstitusyon ng Pilipinas ininasaad na: Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipin. Samantalang nililinang ito, ito ay dapatpagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Kaya kinakailangan talagang ituro ng maayos ang wikang pambasa dahil ito ang ating wikang papaunlarin dahil ito ang ginagamit natin sa pakikpagtalastasan at hindi lang sa larangan ng pasalita bagkus sa paraang pasulat. Maaming wika ang ating bansa ngunit higit natin bigyan ng tuon ang wikang pambansa sa kasaluyan dahil hindi na natin nakikita ang 7 pagtangkilik natin sa ating sariling wika lalo na sa social media. Makikita ay kalimitang mali ang nakasulat sa wikang ingles na hindi naman nating gaanong maunawaan. Imbes na ito ay hayaan lamang. Bilang mga guro ng mga kabataang may pangarap sa buhay ay kinakailangan pa nilang linangin ang kanilang kahusayan sa paggamit ng wikang pambasa sa lahat ng larangan ng pakikipagtalastasan saan man dako ng mundo. Samantalang ayon sa pag-aaral naman ni Abel et al(2016) ang mga bagong salita na natutuklasan ay depende sa gamit nito sa sa pagtuturo kagaya sa pagalalro at kinakailangan din na mabigyan ang ibat-ibang dimisyon nang pag-aaral ng wika sa ibat -ibang larangan upang makita ang pagkatuto ng mag-aaral. Ito ang isang pamamaraan ng pagtuturo ng wika na higit na bibinibigyan ang katuturan ng mga salita ayon sa gamit nito sa isang larang o iba pang larangan na makakatulong sa pagpapataas ng antas ng kaalaman sa wika sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ito ay may kaugnayan sa pag-aaral sa kasalukuyan dahil ang pamamaraan at ginagawa ay magkakaugnay subalit kinakailangan lamang na ang pokus sa pagtuturo ng asignatura kaibahan. Kaya ang isang pagtalakay sa pamamaraan o estratehiya sa pagkatuto ng isang mag-aral sa isang wika ay higit na bigyan pansin dahil marami ang nagkakaroong ng maling hinuha dahil sa maling interpretasyon . Ang pagtuturo ng wika ay isang mabusising pagtalakay dahil marami ang mga salitang magkakapareho ng bigkas, diin at minsan magkapareho pa ang salita ngunit nagkakaroon ng pagkakaiba sa pagbibigay ng kahulugan at minsan ay naiiba rin ang interpretasyon. Mula sa pag-aaral ni Tubio, et al (2017) natuklasan niya na ang mga makabagong salita mula sa social media ay nakakatulong sap ag aaral ng weika sa mga magaaral, subalit hindi ito nauunawaan ng mga guro kung hindi maalam sa paggamit ng social media ang guro sa pagtuturo ng wika. Kaya ang pagtuturo ng wika ay isang masalimuot na 8 kaparaanan na gumamit ng isang estratehiya na aangkop sa pagturo ng mga guro ng wika upang higit na mapataas ang kaantasan ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa wikang kanilang ginagamit. Kaya sa patuloy na pag-aaral sa pagtuturo ng wika sa asignaturang Filipino ay kukunin ang kaantasan nito upang masukat ang kahinaan at kagalingan ng mga mag-aaral. Dahil sa ganitong paraan ay magkakaroon ng pagtuklas ng makabagong estratehiya ang guro upang umigpaw pa ang kaalaman ang mga mag-aaral sa mga salitang hindi maunawaan lalo na sa paggamit nito sa pagbabasa ng mga halimbawa ng mga uri ng panitikan. 3. Ang Pagtuturo ng Panitikan Sa pagtuturo ng isang panitikan sa sekondarya ay higit na malawak kaysa sa elementarya mas sa pagsusuri, pagpapalawak ng ideya ng mga mag-aaral at higit sa lahat kasangkot ang wikang binibigyan ng tiyak na katuturan upang mas higit na maunawaan ang kaalaman sa paksa, at sa daloy ng panitikang binabasa. Ang guro ang siyang nagmamaneho sa larangan nang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sila ang gumagawa ng mga kaparaanan upang maibigay ang sapat na kaalaman sa pagkatuto sa asignaturang Filipino. Ang estratehiya ay isang salik na makakatulong upang masukat ang antas ng kanilang kaalaman sa pag-aaral ng panitikang Pilipino. May mga kagamitang pampagtuturo ang nagiging salik upang higit na mapataas ang kaalaman o di kaya ay salik din na kinakailangan matuklasan ng mga guro sa pagpapataas ng kaantasan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng panitikan sa asignaturang Filipino. Ayon kay Nerizon (2021) sa kanyang pananaliksik na may titulong “Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya” binanggit niya na sa pag-aaral ng isang akda, tungkulin ng isang guro na iparanas sa mga mag-aaral ang akda. Sa huli ay sinabi niya na Malaki ang papel na ginagampanan ng paggamit ng panitikan sa pagtuturo ng Filipino. 9 Nagiging instrument ito sa paglinang at pagpapayaman ng karanasan sa pagbasa ng mag-aaral. Ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil sila ay parehong tumatalakay sa mga pamamaraan subalit ang kasalukuyang pag-aaral ay gustong matukoy ang kaantasan ng pagkatuto ng mag-aaral sa panitikan sa asignaturang Filipino . .Ayon mana sap ag-aaral ni Mangahis (2019), “Panitikang Mapagpalaya o Mandaraya? Isang Holistikong Kritika sa Kasalukuyang Panitikang ginagamit sa Pagtuturo ng Filipino sa Baitang 7-10”, Lumabas na sa apat na baitang na nakapaloob sa Junior High School, dalawang taon lamang mababasa at matatalakay ng mga mag-aaral ang mga teksto at panitikang lokal o Pambansa. Sa natitirang dalawang taon ay puro na babasahing Asyano at pandaigdig ang magiging tuon ng talakayan sa klase sa Filipino at dito na iikot ang teksto na kanilang mababasa. Bukod pa rito, limitado ang nagiging saklaw ng mga panitikang lokal na ipinapabasa sa mga mag-aaral dahil sa limitadong taon na maaari itong gamitin sa loob ng silid-aralan. Bunga nito, lumalabas ang ibat-ibang suliraning kinakaharap sa Filipino. Ito ay may kaugnay sa pag-aaral ngayon dahil nalalaman dito ang pamamaraan na ginamit sa pagtuturo ng panitikan subalit ito ay nakapokus sa kaantasan ng makabagong estratehiya sa pagtuturo ng panitikan. Sa pananaliksik nina Apolonio et al (2018), na may pamagat na “Mga Estratehiya ng Interbensyong Kagamitan sa Panitikan sa ibat-ibang Panahon”, bumuo sila ng kagamitang pampagtuturo na naglalaman ng panitikan ng Pilipinas sa panahon ng Kastila, Pagbabagong diwa, Himagsikan, Amerikano at Hapon. Ipinabalido ang nabuong estratehiyang Interbensyong Kagamitang Pampagtuturo sa mga gurong eksperto at mag-aaral batay sa Layunin, Nilalaman, Organisasyon, Presentasyon at Pagsasanay kung saan napatunayang mabisa ang nabuong estratehiyang interbensyong Kagamitang Pampagtuturo inirerekomendang gamitin bilang instrument sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag- 10 aaral dahil ito ay kapwa tumatalakay sa mga estratehiyang makakatulong sa prosesong pampagtuturo at pagkatuto sa larangan ng panitikan. Subalit ang binibigyang-pokus ng kasalukuyang pag-aaral ay ang kaantasan ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral sa panitikan. Samantalang sa pag-aaral naman ni Magulod (2018) na may titulong “Innovative Learning tasks in enhancing Literary Appreciation Skills of Students”. Lumabas sap ag-aaral na ito na ang mga mag-aaral na naging kalahok ng pananaliksik na ito ay nagtataglay ng hindi gaanong nadebelop na kakayahan at kawilihan na magbasa ng ibat-ibang uri ng literature. Nangangahulugan lamang ito na nangangailangan pa ng paghubog sa mga mag-aaral na tangkilikin at pahalagahan ang pagbabasa at pag-aaral ng panitikan. Dahil dito, makikita ang pangangailangan sa pagbuo ng mga makabagong estratehiya upang maging kawili-wili at mapataas ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng panitikan. Ayon naman kina Buitrago et al. (2017) sa kanilang pag-aaral na may titulong “Teaching Vocabulary with Fables Reading with Primary Learners in Complejo Educativo La Julita from Pereira” lumabas sa pag-aaral na ito na sa pamamagitan ng paggamit ng Pabula ni Aesop sa Foreign Language Classroom ay nagbibigay sa mga guro upang magkaroon ng mga materyal na kukuha ng interes ng mga mag-aaral na magiging daan sa pagkatuto ng mga bata ng mga pagpapahalaga at pagkatuto ng foreign language. Ito ay may kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral dahil ito ay tumatalakay sa pagtuturo ng pabula sa pagkakaroon ng interes ng mga mag-aaral subalit ang kasalukuyang pag-aaral ay may layuning malaman ang kaantasan ng pagkatuto gamit ang bagong estratehiya nang pagtuturo sa panahon ng pandemya. 11 4. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino Sa pagtataya ng pagkatuto kinakailangan na magkaroon ng isang matibay na panukatan ang isang tagapagsalin ng kaalaman na higit na makakakuha ang interes ng mga mag-aaral sa pagaaral ng asignaturang Filipino. Ang asignaturang Filipino para sa mga mag-aaral ay isang tinik sa kanilang lalamunan dahil sa ito ay isang pag-aaral ng sariling wika ngunit hindi nila nauunawaan. Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga magaaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a) pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at (c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd VisionMission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay lubos na matututo at makikinabang nang husto. Ayon kina Manlangit et al. (2020), ang modyular na pamamaraan ay isang uri ng distance learning na ginagamit ang Self-Learning Modules (SLM) batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) na ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon. Upang malaman ang kaantasan ng pagkatuto ng isang mag-aaral sa asignaturang Filipino. Higit na sinusukat ang kanilang kahusayan at kagalingan sa pag-aaral ng aralin sa Filipino. Ipinahayag din niya na ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay nakasalig sa kanilang interes sa asignaturang kanyang pinapasukan o sa kanyang aralin na nais. 12 Ipinahayag din ni Llego (2020), ang modular distance learning ay ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang sariling kaparaanan gamit ang self-learning modules (SLMs). Ito ay maaaring nakaimprenta o soft copy na angkop sa mga mag-aaral at sa mga kagamitan sa pagaaral tulad ng mga kagamitan ng mag-aaral, mga libro, pagsasanay na gawain at iba pang mga gabay sa kanilang pagkatuto. Para sa mga mag-aaral na may mga electronic gadget gaya ng smartphone at laptop, maaaring ibigay sa kanila ang softcopy ng mga modyul upang magkaroon sila ng ibang opsyon sa pag-aaral. Sapagkat ang kanilang kaalaman ay may limitasyon kung ito ay nasa kanilang tahanan lamang kaya higit na pinaiigting ang mga estratehiya na mapataas ang kanilang matutuhan sa pag-aaral ng isang asignatura o aralin sa Filipino. Inilarawan ni Azarias (2018) na ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, sa pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha. Ang panitikan ay isang buhay sapagkat ito ay repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan. Ayon kay Magsambol (2020), upang matiyak na ang pag-aaral ay mananatiling walang sagabal, ang DepEd ay magpapatupad ng distance learning approach, ito ay isang learning delivery mode kung saan ang interaksyon o ang pagtuturo at pagkatuto ay nagaganap sa pagitan ng guro at ng mga mag-aaral na malayo sa isa't isa. Magbibigay ang DepEd ng mga nakaimprentang modyul upang matugunan ang problema ng karamihan sa mga estudyante ang teknolohiya at internet connectivity. Ayon sa kaguruan ng Pangasinan (2021) na iniulat din ng The Manila Times, may dalawang pangunahing suliraning kaugnay ang pagpapatupad ng modyular na pamamaraan. Una ay ang mga kamaliang taypograpikal kung saan ito ay di katanggap-tanggap gamitin ng mga mag-aaral. Ikalawa naman ay ang gastos na kaugnay sa pagagagawa at pamamahagi ng modyul 13 kung saan napipilitan na kunin sa sariling bulsa ng mga guro ang gastos na ginanamit sa modyul. Samantalang ito ay pinatunayan naman sa pahayag ni Bernardo (2020) marami sa mga magulang ang nagnanais o paborsa paggamit ng nakalimbag at elektronikong modyul bilang alternatibong pamamaraan na pag-aaral sa panahon ng pandemya at distance learning. Ito ay ayon sa sarbey ng isinagawa ng kagawaran ng edukasyon ng bansa. Ayon sa pag-aaral ni Anzaldo (2021), ang mga kalakasan ng modyular na pamamaraan ay isang estrahiya na nagbibigay ng mataas na kamalayan sa mga aralin na matutuhan nila ang tinatalakay kahit nasa tahanan lamang. Mahalagang tungkulin sa edukasyon ang pagsipat sa kaalaman at kaantasan ng pagkatuto ng mga mag-aaral na ayon sa kanilang mga pinag-aaralang modyul dahil sa pandemya. Ang magandang pag-uugali ay isang kaparaanan upang ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay nakapokus sa mga aralin, at ang mga guro ay nagiging bukas sa mga hamon na dulot ng pandemya. Samantala, ang mga kahinaan sa modyular na lapit ay hindi lahat ng mag-aaral ay nakatuon sa paggawa ng kanilang modyul, ang ilang magulang ang gumagawa ng gawain ng kanilang mga anak, at ang mga magulang ay nahihirapang turuan ang kanilang mga anak. Ang inilahad na kalakasan at kahinaan ng modyular na lapit at may kaugnayan sa isa sa mga layunin ng kasalukuyang pag-aaral na pag-alam sa epekto ng modyular na lapit sa kakayahang pang-bokabularyo ng mga mag-aaral. Ayon kina Cheng and Abu Bakar (2017), ang paggamit ng modular na pagdulog sa pagtuturo ng wikang Ingles ay mas mabisa at nakatutulong para mapaunlad ang mga kasanayan sa aktibong pagkatuto, critical thinking at problem solving. Ang mga guro ay nagkakaroon ng pagkakataon para makapagsagawa ng formative assessment o pamamaraan ng pagtataya bago, habang at pagkatapos ng talakayan. Ang pagdulog na ito ay lubos na napakahalaga dahil hindi 14 maikakaila na ang modular ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at guro dahil ang pagkakataong gamitin ito ay walang pinipiling panahon. Sa dalawang taon na isinasagawa ang mga pagtuturo ng mga guro sa pamamagitan ng ibat-ibang estratehiya ay nalalampasan parin nila ang hamon ng buhay. Sa mga kadahilang iniaalay nila ito sa kanilang propesyon upang ang pagkatutuo ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino lalo na sa wika at panitikan ay maragdan at mapataas ang kaantasan ng kanilang natutuhan sa araling pinag-aaralan. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matuklasan at masuri ang kahlagahan ng mga makabagong estratehiya na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino na siyang magiging batayan upang mapataas ang kaantasan ng kanilang kamalayan, interes at pagkatuto sa mga aralin ng wika at panitikan. Hindi lang ito sapat na pagaralan kinakailangan bigyan din ng sapat na panahon ng gobyerno ang ganitong sistema ng edukasyon sa panahon ng pandemya. Habang may hamon sa pagtuturo ang mga guro ay may mga salik din sa pagkatuto ang mga mag-aaral upang mabigyan ng tugon ang hinahanapan ng lunas sa mga nakaraang danas nila sa pag-aaral ng wika at panitikan. 5. Sanggunian Apolonio, et et al (2018).https://www.academia.edu/37747357/SIMtsapter 1-3 Finale docx last retieved September 18,2021 Artikulo XIV Sek. 5 , Kontitusyon ng Pilipinas 1987 (www. Official gazete.golv.ph) Anzaldo, Geraldine D (2021) Modular Distance Learning in the New Normal Education Amidst Covid-19, International Journal of Scientific Advances Azarias, Honorio (2018), Ang Panitikan, https://www.scribd.com/doc/ d ate retrieved 09/10/2021,9:46 p.m Batas Republika Blg. 9155 Sek. 2 mh Konstitusyon ng Pilipinas (www. Official gazete.golv.ph) 15 Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened SchoolHome Partnership. https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR Volume 5. 256-258. https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen ce_Framework_for_Teachers Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal). International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108. https://www.researchgate.net/publication/349463546_SchoolBased_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal Division Memorandum Blg. 172 Serya 2020 ng kagawaran ng Edukasyon Central ng Pilipinas . Department of Education (2020) DepEd Order No. 012, Series 2020, “Adoptionof the Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) for school year 2020-2021in the Light of the COVID 19 Public Health Emergency https://www.deped.gov.ph/wp content/uploads/2020/10/DO_s2020_032-1-1.pdf, retrieved 10/10/2021, 8:28 p.m. DM 045, s. 2020 Results-Based Performance Management System Guidelines for School Year 2019-2020 Yearend Activities in Light of COVID-19 Measures , April 18 , 2020 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong 1940 (www. Official gazete.golv.ph) K. Abbas.-D. A. (2021). Factors Influencing Students Reading Comprehension Difficulties Amidst the Use of Modular Distance Learning Approach In Mindanao State University Sulu – Senior High School. Open Access Indonesia Journal of Social Sciences, 4(2), 471493. https://doi.org/10.37275/oaijss.v4i2.78 date retrieved09/01/2021, 5:41 pm Official Gazette (2021) Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ngpilipinas-1987/ retrieved 09/21/2021, 9:46 p.m. Manlangit, 2016.https://www.coursehero.com/file/76663852/PANIMULAdoc x / Magsambol, Bonz .(2020). DepEd's modular learning . https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-deped-modular-learning Meneses. Jeramae L (2021) Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya.ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/353435293_Mga_Pamamaraan_at_Kagamitan_ sa_Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemya. 16 Mangahis, Henry Leen A. (2019) Panitikang mapagpalaya o mandaraya? Isang holistikong Kritika sa kasalukuyang panitikang ginagamit sa pagtuturo ng filipino sa Baitang 7-10. De La Salle. Nerizon (2021) https://www.studocu.ph/document/la-consolacion-universityphilippines/language-and-linterature/mga-pamamaraan-at-kagamitan-sa-pagtuturo-ngfilipino-sa-panahon-ng-pandemya/16647893 last retireved: September 18,2021 . 17 View publication stats