Uploaded by emelito.colentum

Komunikasyon11-Q1-M7-KasaysayanNgWika-IkalawangBahagi-Version 3-converted

advertisement
Senior High School
munikasyon at
Ko
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Kuwarter 1 – Modyul 7
KASAYSAYAN NG WIKA-IKALAWANG
BAHAGI
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino – Senior High
School
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 1 – Modyul 7: Kasaysayan ng Wika-Ikalawang Bahagi
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Tagasuri ng Nilalaman: Dolores A.Tacbas
Tagasuri ng Lengguwahe: Desiree E. Mesias
Tagabalibasa: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Nag-lay-out: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala:
Pangulo:
Sally S. Aguilar, PhD, EPS I
Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Miyembro:
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS I Filipino; Celieto
B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G.
Lubguban,
PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address:
Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos:
(088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address:
misamis.oriental@deped.gov.ph
Senior High School
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Kuwarter 1 – Modyul 7
KASAYSAYAN NG WIKA- IKALAWANG
BAHAGI
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna
at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Panimulang Ideya
-------------------------------------------------
1
Nilalaman ng Modyul
-------------------------------------------------
1
Mga Layunin
-------------------------------------------------
2
Pangkalahatang Panuto
-------------------------------------------------
2
Panimulang Pagtataya
-------------------------------------------------
4
Aralin
-------------------------------------------------
6
Mga Gawain
-------------------------------------------------
7
Paglalahat
-------------------------------------------------
13
Huling Pagtataya
-------------------------------------------------
16
Sanggunian
-------------------------------------------------
19
ALAMIN
Ang wikang Filipino ang katutubong wikang ginagamit ng komunikasyong ng
mga etnikong grupo.Katulad ng iba pang wikang buhay, ay Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang
sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga
paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Gagabayan
ka
ng modyul
na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa mundo ng kaalaman tungkol sa
Kasaysayan ng Wika. Nakapaloob dito ang mga gawain , mga pagsasanay na
sasagutin ng sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa modyul.
MODYUL 7
Kasaysayan ng Wika- Ikalawang Bahagi
Markahan: Unang
Linggo: 7th
Araw: Apat (4) na araw
Oras: Apat (4) na oras
ALAMIN
Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito, tatalakayin ang Kasaysayan ng Wika. Ang mga kasanayang
matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may
kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.
Nilalaman ng Modyul
Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang Kasaysayan ng Wika.
Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan.
1
Mga Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo
ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring kay kaugnayan sa
pag-unlad ng Wikang Pambansa (F11WG – Ih – 86)
PANGKALAHATANG PANUTO
Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay
binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami
kang mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri
mo ang paksa na nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro
ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.
2
KASAYSAYAN NG WIKA –IKALAWANG
BAHAGI
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+Kasaysayan+ng+wikang+pambansa+sa+ikalawang+bahagi&sxsrf=ALeKk01TRBfcmjNxiWZDMpYZHZTgSYkvhw:159058
4641725&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiuiLjEjdTpAhX_w4sBHalXCAIQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657
3
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
tsek (/) kung nagpapahayag ito ng katotohanan. Ekis (x) naman kung
hindi.
1. Ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na
ginawa noong
1934 ni Otto Dempwolff, ay kabilang sa
Indonesian subgroup ng Austronesian.
2. Walang isang wikang pinaiiral noon sapagkat sa halip na ituro
ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng
mga katutubong wika.
3. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng
pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.
4. Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Taglog sa mga
pahayagang isinulat nila.
5. Buhat noong magkaroon ng Kapulungang Pansaligang Batas noong
1934, naging maliwanag ang landas sa hangaring magkaroon ng
wikang pambansa.
6. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel Luis Quezon ang
naging masugid na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang
wikang pambansa.
7. Dahil sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa kung ano
ang batayan ng magiging wikang pambansa, naging malinaw
ang katayuan na magkakaroon nito.
8. Bukod sa pagkakaroon ng wikang pambansa, kasama rin sa plano
ang pagpapaunlad at patuloy na paglinang sa iba pang wika sa
PIlipinas.
9. Hinirang ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang unang mga kagawad
ng Surian ng Wikang Pambansa.
4
10. Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling
batayan ng pagkakaroon ng wikang pambansa.
11. Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga
Pilipino.
12. Ang kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa
mga pahayagang isinulat nila.
13. Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng
rehiyonalismo o pagkakapangkat-pangkat ng mga Pilipino.
14. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng
pagtatangkang
itaguyod
ang
Tagalog
bilang
wikang
pambansa.
15. Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit
napakaraming wika at wikain sa bansa.
5
ARALIN 7
Kasaysayan ng Wika-Ikalawang Bahagi
Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa Kasaysayan ng Wika
YUGTO NG PAGKATUTO
Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang
paghahanda sa gawaing may kinalaman sa Kasaysayan ng Wika.
A. TUKLASIN
https://www.google.com/search?q=kasaysayan+ng+wikang+pambansa+grade+11&sxsrf=ALeKk03Wxld3caqRh777R7L3B7 8rteg:1590134146634&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjY49Gn_8bpAhUSiZQKHeucAI0
Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=6
6
Gawain 1
Panuto: Punan ang timeline sa ibaba upang maihanay ang naging kasaysayan ng
pagkakaroon ng Pambansang Wika sa Pilipinas. Kapag naisulat na
ang kasagutang wika sa bawat kahon, magbigay ng maikling
paglalarawan sa bawat wika.Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
TIMELINE
1937
1959
1987
B. SURIIN
PAGBASA NG TAHIMIK
Panuto: Basahin nang tahimik ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa.
Habang nagbabasa, magtala sa inyong notbuk ng mahahalagang impormasyon na
inyong nakuha.
Basahin mo
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
7
Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit napakaraming
wika at wikain sa bansa. Bagama’t may pagkakaiba ang mga wika, malaki ang
pagkakahawig nito sa isa’t isa bunga ng pagkakabilang sa iisang pamilya ng wika, ang
wikang Austronesian. Matatagpuan mula sa Formosa sa hilaga hanggang sa New Zealand sa
timog; mula sa Eastern Island sa silangan hanggang sa Madagascar sa kanluran , ang wikang
Austronesian. Ang Tagalog na siyang batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag- aaral na
ginawa noong 1934 ni Otto Dempwolff, ay kabilang sa Indonesian subgroup ng
Austronesian. Naging maliwanag ang landas sa hangaring ito nang magkaroon ng
Kapulungang Pansaligang – batas sa hanagaring ito nang magkaroon ng kapulungang
Pansaligang- batas noong 1934.
Hulyo 10, 1934 binuo ang kapulungang Pansaligang- batas bilang paghahanda sa
itatatag na Malasariling Pamahalaan (Commonwealth). Ang kapulungang ito ang umugit sa
Saligang batas ng 1935. Sa Artikulo 14, Seksyon 3 ng Saligang –batas na ito, inatasan ang
Pambansang Asamblea na magsagawa ng kaukulang hakbang sa paglinang ng isang
wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na wika sa Pilipinas. Ang pangulo ng
Komonwelt noon na si Manuel L. Quezon, ang naging masugid na tagapagtaguyod na
magkaroon ng isang wikang pambansa.
Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Pambanasang Asamblea ang Batas ng
Komonwealth Blg. 184 na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Ang
tanggapang ito ang magsasagawa ng pag-aaral hinggil sa pagpili ng wikang pambansa.
Ginamit na batayan sa pagpili ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo, literature
at ginagamit ng nakararaming Pilipino.
Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang unang mga kagawad ng tanggapang ito.
Matapos maisagawa ng SWP ang iniaatas ng batas, ipinahayag ni Pangulong Manuel L.
Quezon noong Disyembre 30, 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 na
nagtatakda sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Maraming patunay na
nabibilang sa Austronesian ang mga wika sa Pilipinas. Ilan dito ang paggamit ng panghalip na
panao tulad ng tayo at kami;mga malapanghalip o pronominal system tulad ng ito, nito at dito
; sistemang berbal na may pokus at aspekto ( hal. kumain , kumakain , kakain,kakakain
) ; sintaks o palaugnayan ( ng pangungusap ), kabilang ang paggamit ng pantukoy na ang at
si ; pang-angkop na na at ng ( tunay na Pilipino ); ( matalinong pinuno )
sistemang
numerikal na batay sa sistemang decimal; at mga leksikal o palasalitaan.
Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng rehiyonalismo o
pagkakapangkat-pangkat ng mga Pilipino, dagdag pa ang kalagayang kapuluan ng bansa, na
itinuturing na pisikal na sagabal sa pagkakaroon ng isang wikang bubuklod sa
sambayanang Pilipino sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga ito.
Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino. Ang
pananakop sa pamamagitan ng pagbubukod-bukod ang ginamit ng mga Espanyol upang
magkalayo-layo ang mga Pilipino. Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip ituro
ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong wika.
Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang
itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa. Ang wikang ayon sa paring Heswita na si
Padre Pedro Chirino ang tinataglay ang talinghaga ng wikang Hebreo, ang katangi-tanging
katawagan ng Griyego, ang kaganapan at kinis ng Latin; at ang pagkamagalang at pagiging
romantiko ng mga Espanyol.
Ang kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga
pahayagang isinulat nila. Sinundan ito ng Katipunan
na Tagalog din ang ginamit sa pagbuo
8
nila ng mga kautusan, gayundin sa pahayagan na inilathala nila. Pormal na nagkaroon ng
kaganapan sapagkat bukod sa mga ilustrado ang namayani noon sa Kapulungang
Pansaligang-batas (Constitutional Assembly) , na ayaw sa wikang Tagalog, hindi nagtagal
(Constitutional assembly ) ang itinuturing na Unang Republika ng Pilipinas. Sinakop ang
bansa ng bagong manlulupig, ang mga Amerikano.
Sa panahon ng mga Amerikano sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang
panturo at ipinagbawal ang paggamit ng bernakular. Ngunit batay sa pag-aaral na ginawa ng
Monroe Educational Survey Commission, napatunayan na makaraan ng 25 taon na
pagtututro ng Ingles hindi ito nakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino.
Sa kabilang dako, patuloy ang pagsusumikap ng ilang makabayang lider na Pilipino na
magkaroon ng wikang pambansa.
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Ruzol, H.S. et al.2014. Grandwater Publis
Gawain 2
Panuto: Napakahusay mo na pa lang magbasa at umunawa.Ipagpatuloy natin ito.
Batay sa inyong binasa, gumuhit ng simbolo o sagisag na
maglalarawan sa naging kalagayan ng ating wika sa iba’t ibang
panahon ng pananakop. Pagkatapos maiguhit ang simbolo, ipaliwanag
ang maaaring naging sanhi at bunga sa ibaba ng kahon. (F11WG – Ih
– 86)
Bago ang Pananakop
Espanyol
Rebolusyonaryong Pilipino
C. PAGYAMANIN
9
Amerikano
Mga Kautusang Pinairal sa Pagpapaunlad
ng Wikang Pambansa
Narito ang ilan sa mga kautusang pinairal sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng
wikang pambansa: Tagalog/ Pilipino/Filipino.
1. KautusangTagapagpalaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) - Isinaad ang
pagpapalimbag ng Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang
Pambansa. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa
mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
2. Batas Komonwelt Blg. 570-Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang
pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946.
3. Proklamasyon Blg.12 – ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon
Magsayasay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula
Marso 29-Abril 4 (Kapanganakan ni Francisco Balagtas).
4. Proklamasyon Blg.186 (1955) - inilalahad ang paglilipat ng pagdiriwang
ng
Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Quezon).
5. Kautusang Pangkagawaran Blg.7 – ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng
nooy kalihim ng Kagawaran ng Edukasyonna si Jose E. Romero na nag-aatas
na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.
Gawain 3
Panuto: Balikan ang maikling kasaysayan ng wikang pambansa sa bahaging
TUKLASIN MO at ang kaugnay na teksto sa bahagi namang BASAHIN
MO. Batay sa binasa, itala ang mga sanhi ng pagkakaroon ng wikang
pambansa ang Pilipinas at mga kaukulang naging bunga nito.
Itala rin ang sanhi ng pagkakaroon ng mga batas, kautusang tagapagpaganap,
proklamasyon, kautusang pangkagawaran, memorandum sirkular, at iba pang
kaugnay ng wika at ano ang naging bunga nito. Gayahin ang kasunod na pormat sa
sagutang papel.
Sanhi kung bakit dapat magkaroon ng
wikang pambansa
10
Bunga ng nasabing sanhi
Sanhi ng pagbuo ng batas , kautusang
pangkagawaran at iba pa kaugnay ng
wika
11
Bunga ng nasabing sanhi
D. ISAGAWA
Gawain 4
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangyayari. Gamit ang talahanayan sa
ibaba, uriin ang mga pahayag bilang sanhi at bunga. Isulat sa hanay ng
SANHI ang mga pahayag ng nagpapakita ng sanhi at BUNGA naman sa
mga pahayag na nagpapahiwatig ng bunga. Alin ang mga sanhi at alin
ang mga bunga? Isulat ang mga sagot nang patalahanayan kagaya ng
kasunod na pormat. Gawin sa sagutang papel.
● Filipino na ang wikang pambansa batay sa Art. XIV Sek. 6 ng Saligang-batas ng
1987
● Kailangang may batayan ang wikang pambansa
● Kulang na kulang ng mga aklat na nasusulat sa alinmang wikang katutubo
● Napili ang Tagalog na wikang pambansa
● Hindi kailangang Ingles ang wikang panturo
● Magkaroon sa lalong madaling panahon ng mga aklat na nasusulat sa Filipino
● Isang napakalaking hakbang sa pagsulong ang paggamit ng wikang pambansa
● Marami nang nagsasalita ng wikang pambansa
● Kaya naging daana ng wikang pambansa sa pagkakaunawaan
● Nagkaroon ng implementasyon ang mga kautusang pangkagawaran kaugnay ng
paggamit ng bagong ortograpiya.
12
Sanhi
Bunga
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit
napakaraming wika at wikain sa bansa. Bagama’t may pagkakaiba ang
mga wika, malaki ang pagkakahawig nito sa isa’t isa bunga ng
pagkakabilang sa iisang pamilya ng wika, ang wikang Austronesian.
Matatagpuan mula sa Formosa sa hilaga hanggang sa New Zealand
sa timog; mula sa Eastern Island sa silangan hanggang sa Madagascar
sa kanluran , ang wikang Austronesian. Ang Tagalog na siyang batayan
ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na ginawa noong 1934 ni Otto
Dempwolff, ay kabilang sa Indonesian subgroup ng Austronesian.
Maraming patunay na nabibilang sa Austronesian ang mga wika sa
Pilipinas. Ilan dito ang paggamit ng panghalip na panao tulad ng tayo at
kami;mga malapanghalip o pronominal system tulad ng ito, nito at dito ;
sistemang berbal na may pokus at aspekto ( hal. kumain , kumakain
, kakain,kakakain ) ; sintaks o palaugnayan ( ng pangungusap ), kabilang
ang paggamit ng pantukoy na ang at si ; pang-angkop na na at ng ( tunay
Sipi mula kina R. Bernales, L. Garcia, N. Abesamis, J. Villanueva, H. Cabrera Jr., R. at Jara, P. Ornos, Komunikasyon sa
na Makabagong
PilipinoPanahon:Mutya
); ( matalinong
pinuno
) sistemang numerikal na batay sa
Publishing House,
Inc.,2002 p.50
sistemang decimal; at mga leksikal o palasalitaan.
13
Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng
rehiyonalismo o pagkakapangkat-pangkat ng mga Pilipino, dagdag pa
ang kalagayang kapuluan ng bansa, na itinuturing na pisikal na sagabal sa
pagkakaroon ng isang wikang bubuklod sa sambayanang Pilipino sa kabila
ng pagkakaiba-iba ng mga ito.
Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga
Pilipino. Ang pananakop sa pamamagitan ng pagbubukod-bukod ang
ginamit ng mga Espanyol upang magkalayo-layo ang mga Pilipino.
Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip ituro ang wikang
Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong
wika.
Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na
ng pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa. Ang
wikang ayon sa paring Heswita na si Padre Pedro Chirino ang tinataglay
ang talinghaga ng wikang Hebreo, ang katangi-tanging katawagan ng
Griyego, ang kaganapan at kinis ng Latin; at ang pagkamagalang at
pagiging romantiko ng mga Espanyol.
Ang kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa
mga pahayagang isinulat nila. Sinundan ito ng Katipunan na Tagalog din
ang ginamit sa pagbuo nila ng mga kautusan, gayundin sa
pahayagan na inilathala nila. Pormal na nagkaroon ng kaganapan
sapagkat bukod sa mga ilustrado ang namayani noon sa Kapulungang
Pansaligang-batas
(Constitutional Assembly) , na ayaw sa wikang
Tagalog, hindi nagtagal ( Constitutional assembly ) ang itinuturing na
Unang Republika ng Pilipinas. Sinakop ang bansa ng bagong manlulupig,
ang mga Amerikano.
Sa panahon ng mga Amerikano sapilitang ipinagamit ang Ingles
bilang wikang panturo at ipinagbawal ang paggamit ng bernakular. Ngunit
batay sa pag-aaral na ginawa ng Monroe Educational Survey
Commission , napatunayan na makaraan ng 25 taon na pagtututro ng
Ingles hindi ito nakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino.
Sa kabilang dako, patuloy ang pagsusumikap ng ilang makabayang lider
na Pilipino na magkaroon ng wikang pambansa.
Naging maliwanag ang landas sa hangaring ito nang magkaroon ng
Kapulungang Pansaligang – batas sa hanagaring ito nang magkaroon ng
kapulungang Pansaligang- batas noong 1934.
14
Hulyo 10, 1934 binuo ang kapulungang Pansaligang- batas bilang
paghahanda sa itatatag na Malasariling Pamahalaan (Commonwealth).
Ang kapulungang ito ang umugit sa Saligang batas ng 1935. Sa Artikulo
14, Seksyon 3 ng Saligang –batas na ito, inatasan ang Pambansang
Asamblea na magsagawa ng kaukulang hakbang sa paglinang ng isang
wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na wika sa Pilipinas. Ang
pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel L. Quezon , ang naging
masugid na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang pambansa.
Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Pambanasang
Asamblea ang Batas ng Komonwealth Blg. 184 na nagtatag sa Surian
ng Wikang Pambansa ( SWP ). Ang tanggapang ito ang magsasagawa
ng pag-aaral hinggil sa pagpili ng wikang pambansa. Ginamit na batayan
sa pagpili ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo, literature at
ginagamit ng nakararaming Pilipino.
Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang unang mga
kagawad ng tanggapang ito.
Matapos maisagawa ng SWP ang iniaatas ng batas, ipinahayag ni
Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937 ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg.134 na nagtatakda sa Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa.
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Ruzol, H.S. et al.2014. Grandwater Publis
15
TAYAHIN
HULING PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
tsek (/) kung nagpapahayag ito ng katotohanan. ekis (x) naman kung
hindi.
1. Ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na
ginawa noong 1934 ni Otto Dempwolff ay kabilang sa
Indonesian subgroup ng Austronesian.
2. Walang isang wikang pinaiiral noon sapagkat sa halip na ituro
ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral
ng mga katutubong wika.
3. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng
pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.
4. Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Taglog sa mga
pahayagang isinulat nila.
5. Buhat noong magkaroon ng Kapulungang Pansaligang Batas noong
1934, naging maliwanag ang landas sa hangaring
magkaroon ng wikang pambansa.
6. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel Luis Quezon ang
naging masugid na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang
wikang pambansa.
7. Dahil sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa kung ano
ang batayan ng magiging wikang pambansa, naging malinaw
ang katayuan na magkakaroon nito.
8. Bukod sa pagkakaroon ng wikang pambansa, kasama rin sa plano
ang pagpapaunlad at patuloy na paglinang sa iba pang wika sa
PIlipinas.
9. Hinirang ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang unang mga kagawad
ng Surian ng Wikang Pambansa.
16
10. Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling
batayan ng pagkakaroon ng wikang pambansa.
11. Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga
Pilipino.
12. Ang kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa
mga pahayagang isinulat nila.
13. Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng
rehiyonalismo o pagkakapangkat-pangkat ng mga Pilipino.
14. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng
pagtatangkang
itaguyod
ang
Tagalog
bilang
wikang
pambansa.
15. Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit
napakaraming wika at wikain sa bansa.
17
SUSI SA PAGWAWASTO
3
18
SANGGUNIAN
A. Mga Aklat
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
Bernales, Rolando A., Garcia, Lakandufil, C.,Abesamis Norma, R., Villanueva, Joey
M., Cabrera , Honorato I. Jr., Jara, Regina G.,at Ornos Petra S.
Komunikasyon sa Makabagong Panahon. # 6 Baltazar St. Pacheco
Village, Balubaran , Valenzuela City :Mutya Publishing House Inc.2002.
Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., at Geronimo, Jonathan B.Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.856 Nicanor Reyes Sr. St
Sampaloc, Manila:Rex Bookstore, Inc. 2016
B. Websites
https://www.slideshare.net/bbartizo/mga-batas-pangwika-47280923
https://www.slideshare.net/JeweldelMundo/wikang-pambansa-65672888
https://www.slideshare.net/RainierAmparado/wikang-pambansa-opisyal-at-panturo
19
20
Download