Uploaded by regine danielle

Halimbawa ng Panukalang Proyekto

advertisement
DEBELOPMENT NG KOMPYUTERISADONG SISTEMANG
PANG-ELEKSYON PARA SA SUPREME STUDENT GOVERNMENT
NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG LUNGSOD MATAPAT
ni Trishia May R. Guiang
I.
Abstrak
Ang panukalang proyektong ito para sa debelopment ng isang kompyuterisadong
sistemang pang-eleksyon para sa Supreme Student Government ng Politeknikong
Unibersidad ng Lungsod Matapat ay may tiyak na layuning makabuo ng isang
fully-automated na programa para sa eleksyon ng mga opisyales nito, magawang
kustomisado ang programa para sa mga eleksyon ng bawat kolehiyo, at maimplementa
ang programa bilang isang lokal area network na sistema. Pamumunuan ang
proyektong ito ni G. Albert Tan, analyst, mula sa University Computer Technology
Center. Ang pangkalahatang, debelopment ay gagawin ng isang pribadong programer
na may matatag na karanasan sa pagdebelop ng mga katulad na sistema. Tigdalawang
student intern na may espesyalisasyon sa programming, networking, at information
system's management ang kukunin bilang support staff ng proyekto. May kabuoang
badyet itong PhP. 283,000.00 a ilalaan para sa sahod at kagamitang kakailanganin.
Magsisimula ang proyekto a Agosto 15 at inaasahan itong magtapos sa Enero 15 ng
susunod na taon.
II.
Konteksto
Ang pagpili ng mga kinatawan at lider ng mga estudyante sa isang kolehiyo o
unibersidad ay isang mahusay na paghahanda para sa aktwal na karanasan sa pagpili
ng mga mamumuno sa mga bayan, lalawigan, o syudad na kinabibilangan nila.
Sinasabi nga na ang pagboto bilang isang karapatan ay nagbibigay sa bawat isa,
mayaman man o mahirap ng isang pantay na pagturing sapagkat hindi it kumikilala ng
estadong ekonomiko o estadong edukasyonal (Tan, 201 6). Sinasabi rin na sa pagboto
ng mga estudyante, nagkakaroon sila ng kasanayan sa wastong pagpili ng mga
karapat-dapat na lider na mangunguna sa kanila.
Sa halos lahat ng mga unibersidad at kolehiyo kung saan nabibilang ang
Politeknikong Unibersidad ng Lungsod Matapat, aging kasanayan na ang tamang
pagpili para sa mga estudyanteng lider. Bahagi na ito ng kulturang umiiral sa
unibersidad para sa kanyang mahigit na sandaang taong pag-iral (Que, 2005). Ayon sa
sa pag-aaral ni Manuel (2010) sa historikal na paglago ng politika sa unibersidad,
karaniwang napipili ang mga estudyanteng aktibong nagsusulong ng mga karapatan ng
mga estudyante. Nabanggit rin sa kanyang pag-aaral na nagkaroon ng mga haka-haka
ng 'di-makatarungang resulta na hatid ng mga gitgitang laban mula sa mga kandidatong
estudyante (m.p. 25-30). Ayon pa sa ang pag-aaral na tumutuon din sa students' politics
sa unibersidad, nangyayari raw ang mga katulad na insidente, na maaaring sinadya o
hindi, dahil sa lumalaking bilang ng botante na umaabot na sa 26 na libong estudyante
(Carpio, 201 2, m.p. 110-11 1). Dahil din sa mga pangyayaring ito, napansin pa ng
mananaliksik na mabagal ang daloy ng proses at nababahiran ang mga it ng ilang
kontrobersya na kalauna' y wala namang kongkretong ebidensya (p. 113).
Upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari lalo na't tumaas pa ng 25% ang
bilang ng populasyon na umabot na ng 39 libong estudyante, isang pangangailangan
ng unibersidad ang isang kopyuterisadong sistemang pang-eleksyon para sa Supreme
Student Government.
III.
Katwiran ng Proyekto
A. Suliranin
Taunang isinasagawa ang eleksyon para sa mga opisyales ng Supreme Student
Government Organization ng Politeknikong Unibersidad ng Lungsod Matapat. Dahil
umabot na sa 39,000 ang kabuuang populasyon ng unibersidad, ang pagsasagawa nito
ay naging mahirap na at madalas nababahiran ng mga kontrobersiya. Maliban dito, ang
unibersidad ay kilala rin bilang sentro ng kahusayan sa edukasyong kompyuter ngunit
ang masalimuot na proseso ng student election ay isinasagawa pa rin ng manwal na
maaari naman sanang magawan g isang kompyuterisadong sistema.
B. Prioridad na Pangangailangan
Kailangan ang pagkakaroon ng' isang kompyuterisadong sistemang pang-eleksyon
para sa mga estudyante sapagkat mahalagang walang bahid ng pagdududa ang mga
estudyante sa kanilang mga lider. Maliban dito, karapatan din nila na magkaroon ng
isang maayos at madaling proseso ng eleksyon dahil bahagi rin ng kanilang bayarin ay
nakalaan para sa student government organization. Maliban dito, dapat maipakita ng
unibersidad ang kanyang kakayahan sa teknolohiyang kompyuter bilang patunay ng
kanyang estadong sentro ng kahusayan sa edukasyong kompyuter.
C. Interbensyon
Maaaring maisakatuparan ang panukalang it sa mga sumusunad na paraan:
a. Pagkuha ng isang pribadong programer para maisagawa ang proyekto
b. Pag-assign a isang staff ng University Computer Technology Center bilang
pinuno ng pagsasagawa ng proyekto.
c. Pagkuha ng mga student intern mula sa Kolehiyo ng Araling Kompyuter bilang
mga support staff ng proyekto Ang mga interbensyong ito ay napagdesisyonan
batay sa mga suhestyon ng iba't ibang mga opisyales ng bawat kolehiyo sa
unibersidad na iniharap sa mga ginawang pagpupulong ng mga opisyales
Supreme Student Government Organization kasama ang kanilang mga
tagapayo.
D. Mag-implementang Organisasyon
Ang Supreme Student Government Organization ang pinakaangkop na
organisasyong magsasagawa nito sapagkat sila rin ang direktang namamahala sa
proseso ng eleksyon kasama ang Commission on Election g unibersidad. Batay sa
masusing pagpili sa mga magsasagawa ng proyekto, masasabing may lubos na
kakayahan ang mga ito pang maisakatuparan ang pagbubuo ng isang
kompyuterisadong sistemang pang-eleksyon. Ang isang pribadong programer na may
karanasan sa katulad na sistema ang pipiliin na nilahukan pa ng isang espesyalista
mula sa University Computer Technology Center. Gayon din, pipili ng mga katuwang na
student intern na may espesyalisasyon sa programming, networking, at information
system's management upang lalong mapabuti at mapadali ang pagsasagawa sa
proyekto.
IV. Layunin
Layunin ng panukalang proyektong ito na makapagdebelop ng isang
kompyuterisadong sistemang pang-eleksyon para sa Supreme Student Government ng
Politeknikong Unibersidad ng Lungsod Matapat.
Tiyak na layunin nito ang sumusunod:
a. makabuo ng isang fully-automated na programa para sa eleksyon ng Supreme
Student Government;
b. magawang kustomisado ang programa para sa mga lokal na eleksyon ng bawat
kolehiyo; at
c. maimplementa ang programa bilang isang lokal area network na sistema.
V. Target na Benepisyaryo
Estudyante ng unibersidad. Ito ang mga opisyal na nakatala sa iba't ibang mga
programa sa iba't ibang kolehiyo sa loob ng unibersidad. Dahil lahat naman ng
estudyante ng unibersidad ay kasama sa Supreme Student Government Organization,
lahat sila ay makikinabang sa panukalang proyektong ito. Dahil kustomisado ang
sistema, maaari ring makinabang pa ang bawat kolehiyo ng unibersidad sa kanilang
pangkolehiyong eleksyon. Gayon din, makikinabang dito ang mga organisasyong
pang-estudyanteng magsasagawa rin ng mga pagboto.
V. Implementasyon ng Proyekto
A. Iskedyul
Matutunghayan sa kasunod na talahanayan ang inaasahang oras ng
pagkakadebelop ng proyektong kompyuterisadong sistema:
Mga Aktibidad
Iskedyul ng Implementasyon
Simula
Katapusan
Notasyon
May
Responsibilidad
1. Pagpaplano
ng Sistema
08-15-xx
08-30-xx
Analyst,
programmer
2. Pag-analisa
sa sistema
09-01-xx
09-15-xx
Analyst,
programmer
3. Pagdisenyo
sa sistema
09-16-xx
09-30-xx
Analyst,
programmer, 2
information
management
intern, 2 network
technology
intern
4. Pagdebelop
sa sistema
10-01-xx
11-30-xx
Programmer at 2
programmer
intern
5. Pagsubok at
Ebalwasyon sa
Sistema
12-01-xx
12-07-xx
Analyst,
programmer, 2
programmer
intern, 2 IM
intern, 2 network
technology
intern
6. Pagrebisa
12-08-xx
12-30-xx
Programmer
kasama ang
team ng
rerebisahing
bahagi
7. Instalasyon
01-15-xx
Development
Team
Talahanayan 1.0: Iskedyul ng Aktibidad para sa Debelopment ng Sistema
B. Alokasyon
Ang kasunod na talahanayan ay nagpapakita ng listahan ng resorses na
pagkakagastusan:
Mga Aktibidad
Pagkakagastusan
Sahod/Allowance
1. Pagpaplano ng
Sistema
1 programmer
(kalahating
buwan)
2. Pag-analisa sa
sistema
1 programmer
(kalahating
buwan)
3. Pagdisenyo sa
sistema
1 programmer, 2
IM intern, 2
network
technology intern
(kalahating
buwan)
4. Pagdebelop sa
sistema
1 programmer, 2
programmer intern
(dalawang buwan)
5. Pagsubok at
Ebalwasyon sa
Sistema
1 programmer, 6
na intern (isang
linggo)
Ekwipment
Lisensya para
sa Software
5 kompyuter @
35,000/yunit
1 printer @ 7000
Kagamitan sa
Networking @
10,000
6. Pagrebisa
1 programmer
(hindi kailangang
Iba Pa
bayaran dahil
bahagi ito ng
serbisyo)
7. Instalasyon
1 programmer
(hindi kailangang
bayaran dahil
bahagi ito ng
serbisyo)
Tala: Walang sahod ang analyst dahil empleyado siya ng unibersiad na
magmumula sa Computer Technology Center. Tanging ang programmer
lamang ang babayaran at allowance naman ang matatanggap ng 6 na
estudyanteng intern. May allowance na Php. 500.00 kada linggo ang bawat
intern.
Base sa market standard, and isang programmer ay may propesyonal na
sahod na Php. 35,000.00 subalit dahil may kasama siyang mga staff tulad ng
analyst at intern, napagkasunduang makatatanggap lamang siya ng Php.
20,000 bilang buwanang bayad-propesyonal.
Talahayanan 2.0: Listahan ng Pagkakagastusan sa Bawat Aktibidad
C. Badyet
Narito ang panukalang badyet para sa proyekto:
Pagkakagastusan
Bilang ng Yunit
Bayad/Yunit
Kabuoang Bayad
Sahod ng
programmer
1 @ 3.75 na
buwan
Php. 20,000.00 Php. 75,000.00
Allowance ng
Programmer Intern
2 @ 9 na linggo
Php. 500.00
Php. 9,000.00
Allowance ng
Network
Technology Intern
2 @ 3 na linggo
Php. 500.00
Php. 3,000.00
Allowance ng IM
intern
2 @ 3 na linggo
Php. 500.00
Php. 3,000.00
Kompyuter
5 yunit
Php. 35,000.00 Php. 175,000.00
Printer
1 yunit
Php. 7,000.00
Php. 7,000.00
Kagamitan sa
Networking
—
Php. 10,000.00 Php. 10,000.00
Lisensya ng
Software
—
Php. 1,000.00
Php. 1,000.00
Kabuoang Badyet
Php. 283,000.00
Tala: Hindi na ipinakita ang income statement ng proyekto sapagkat hindi ito
profit-oriented.
Talahanayan 3.0: Badyet na Panukala
VI. Pagmomonitor at Ebalwasyon
Ang kinatawan mula sa University Computer Technology Center na siya ring analyst
ng proyekto ang magsasagawa ng monitoring at ebalwasyon. KAsama niya sa gawaing
ito ang kasalukuyang kinatawan ng Commission on Election, ang presidente ng
konseho, at kanilang mga tagapayo sa konseho. Batay sa masusing pag-uusap,
lingguhan ang gagawing pagmomonitor upang masiguro ang kalidad at oras ng
pagtatapos sa trabaho. Dito, nakapag-iskedyul na ng lingguhang pulong para sa
programmer na siyang pangkalahatang tagapamahala sa pagdebelop ng proyekto.
VII. Pangasiwaan at Tauhan
Narito ang mga kasapi sa pagbuo ng proyekto ito:
Pangalan
Designasyon
Responsibilidad
Albert J. Tan
Analyst/ Pinuno ng
Proyekto
Pinunong tagapag-analisa
at tagapag-aproba ng
anumang kailangang
gawin sa buong proyekto
Mark Christian Borromeo
Programmer/
Pangkalahatang
Tagapamahala ng
Debelopment
Tagapagdebelop ng
kompyuterisadong
sistemang pang-eleksyon
Ron Jayson Carta
Programmer (intern)
Tutulong sa programmer
para sa development ng
sistema. Kasama rin siya
sa pagsubok, ebalwasyon,
at instalasyon nito.
Maika Timbal
Programmer (intern)
Tutulong sa programmer
para sa development ng
sistema. Kasama rin siya
sa pagsubok, ebalwasyon,
at instalasyon nito.
Kris Tiu
Networker (intern)
Tutulong para sa
pagdisenyo ng sistema.
Kasama rin siya sa
pagsubok, ebalwasyon, at
instalasyon nito.
April Sajulga
Networker (intern)
Tutulong para sa
pagdisenyo ng sistema.
Kasama rin siya sa
pagsubok, ebalwasyon, at
instalasyon nito.
Dindin Guntinas
Information System
Manager (Intern)
Tutulong para sa
pagdisenyo ng sistema.
Kasama rin siya sa
pagsubok, ebalwasyon, at
instalasyon nito.
Von Lee
Information System
Manager (Intern)
Tutulong para sa
pagdisenyo ng sistema.
Kasama rin siya sa
pagsubok, ebalwasyon, at
instalasyon nito.
Talahanayan 4.0: Pangasiwaan at Tauhan
VIII. Mga Lakip
(Ilakip dito ang mga kakailanganing dokumento)
Sanggunian:
Bernales, R., Ravina, E., & Pascual, M. (2019). Filipino sa Akademikong Larangan.
Malabon City, Philippines: Mutya Publishing House, Inc.
Download