Banghay Aralin sa ESP 8 I. Layunin: Sa katapusan ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap at ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat. b. Naisasadula ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat. II. Paksang-aralin: Modyul 9: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa (p.227-253) Sanggunian: Bognot, Regina Mignon et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Kagamitan: Aklat, Manila Paper, Bolang Papel, Larawan III. Pamamaraan: a. Panalangin b. Pagtatala ng lumiban sa klase c. Balik-aral: Gagamitin ng guro ang larong “stop and go” na kung saan ipapasapasa ng mga mag-aaral ang bolang papel sa kanyang katabi habang kumakanta. Hihinto ang pasahan ng bolang papel kapag sinabi ng guro ang salitang “hinto” at kung sinuman ang nakahawak sa bolang papel ay siya ang sasagot (3-2-1). d. Panimulang katanungan: Paano kayo nagpapakita ng pasasalamat? e. Pagganyak: Magpapakita ang guro ng dalawang larawan, sasabihin ng mga mag-aaral ang kanilang nakita o napansin sa dalawang larawang ipinakita. f. Pagtatalakay ng konsepto: (Matching Type) Magpapaskil ang guro ng manila paper na kung saan napapaloob dito ang mga larawan na nagpapakita ng mga paraan ng pagpapasalamat. Kailangang matukoy at maibagay ng mga magaaral ang mga nasabing paraan ayon sa mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang loob ng kapwa. 1. Pagkagising sa umaga. 2. Nakakuha ng mataas na marka. 3. Nilibre ka ni Nanay at Tatay sa isang restaurant. 4. Niluto ni Nanay ang iyong paboritong ulam. 5. Lubos-lubos ang mga biyayang natanggap ng inyong pamilya. 6. Nagkaroon ng magandang ani sa inyong bayan. 7. Nalagpasan ng inyong pamilya ang malaking pagsubok na dumating sa inyo. g. Paglalahat: Ano ba ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat sa buhay nating mga tao? VI. Ebalwasyon: (Pangkatang Gawain) Hahatiin ang klase sa apat na grupo, bawat grupo ay magsasadula ng isang paraan ng pagpapasalamat ayon sa kanilang nabunot na biyayang natangggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa. Itatanghal ito sa loob ng 3-5 minuto lamang. Pamantayan sa pagsasadula: Kaakmaan sa sitwasyong nabunot Kalakasan ng boses Kaayusan ng pagganap Kabuuan: 50% 25% 25% 100% V. Takdang Aralin: Sagutan ang pahina 234. Kopyahin ang nasa loob ng kahon at isulat sa isang buong papel. Inihanda ni: Phil Angeli C. Alsola BSED – Fil. 4 Sinuri ni: Gng. Fely V. Taclob