UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY OF SOUTHERN PHILIPPINES Lapasan, Cagayan de Oro City COLLEGE OF SCIENCE AND MATHEMATICS Department of Communication, Arts Languages & Literature Eksaminasyong Preliminaryo PANITIKAN Test I. Pagpipili. Piliin ang TITIK ng tamang sagot. 1. Ito ay awit para sa mga anito, pagsamba at paggalang ang himig nito. (a. Dung-aw b. Umbay c. Diona d. Dalit) 2. Tulang pasalaysay na nagsasaysay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. (a. korido b. epiko c. awit d. alamat) 3. Ang Florante at Laura ay obra maestra ni; (a. Florentino Collantes b. Francisco Balagtas c. Lope K. Santos d. Ildefonso Santos 4. Ito’y awit sa pagpapatulog ng bata; (a. Uyayi o Hele b. Umbay c. Kundiman d. Kalusan) 5. Ang halimbawa ng tugmaang matatalinghaga ay; (a. Bugtong b. kasabihan c. salawikain d. lahat ng nabanggit) 6. Ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas ay; (a. Doktrina Christiana b. Urbana at Feliza c. Ang Pasyon d. Noli Me Tangere) 7. Ang Panahong ito ay tinatawag na “Ginintuang Panahon ng Panitikang Pilipino” A. Panahon ng mga Amerikano C. Panahon ng Hapon B. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Komonwelt 8. Ito ay awit sa paggaod o pamamangka; (a. Soliranin b. Dalit c. Uyayi d. Diona) 9. Sa panahong ito, may temang rebolusyonaryo; A. Panahon ng Espanyol C. Panahon ng Hapon B. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Komonwelt 10. Sa panahong ito umusbong ang tulang Haiku at Tanaga; A. Panahon ng Komonwelt C. Panahon ng Hapon B. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Amerikano 11. Anong taon nanakop ang mga Hapon sa Pilipinas? (a. 1942-1945 b. 1950-1953 c. 1989-1946 d. 1565-1898 12. Anong wika ang ginamit sa panahon ng pananakop ng Espanyol? (a. Katutubong wika c. Tagalog at Wikang Espanyol (b. Wikang Espanyol at Katutubong wika d. Katutubong wika at Tagalog 13. Ano ang dala-dala ng mga Amerikano sa kanilang pananakop sa Pilipinas? (a. Kristiyanismo b. Edukasyon c. Panitikan d. Balarila) 14. Anong taon natuklasan ni Magellan ang Pilipinas? (a.1561 b. 1631 c. 1520 d. 1620) 15. Ano ang nakasaad sa kasunduan (treaty) ng Paris ng 1898 na may kinalaman sa teritoryo ng Pilipinas? A. Paglalarawan ng Pilipinas bilang kapuluan B. Pag-angkin ng Pilipinas sa mga katubigan at iba pang kalayaan C. Paglilipat ng pagmamay-ari sa teritoryo ng Pilipinas mula Spain patungo sa U.S. D. Paglilimita ng Estados Unidos at United Kingdom (UK) ng hangganan sa pagitan ng Sabah at Pilipinas. II. A. Mula sa (Kabanata I) Pagtapat-tapatin. Piliin sa Hanay B ang mga tinutukoy sa Hanay A, titik lamang ang isulat sa patlang. HANAY A HANAY B 16. Bibliya ng mga Muslim. 17. Nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan Ng lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na Paglaganap Ng demokrasya. 18. Tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan sa Ehipto.20. 19. Nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo Sa Pransya. 20. Kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya ng Gresya. 21. Naging batayan ng pananampalatayang Intsik. 22. Naglalarawan ng pamumuhayn ng mga tao sa Espanya. 23. Naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya. 24. Nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali Ng mga Italyano sa kapanahunang yaon. 25. Naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano. A. The songs of Roland B. Iliad at Oddysey C. Bibliya D. Aklat ng mga Araw E. Aklat ng mga Patay F. El Cid Campeador G. Uncle Tom’s Cabin H. A Thousand & One Nights I. Divina Comedy J. Koran K. Five Classics at Four Books Test III-A. Piliin sa loob ng kahon ang may-akda ng mga pamagat ng aklat na nasa ibaba. ang isulat ng inyong sagot. A. Jose Lacaba B. Virgilio Almario C. A.G. Abadilla E. Amado Hernandez F. Andres Bonifacio G. Marcelo H. del Pilar 26. Florante at Laura 27. Mi Ultimo Adios 28. Sagot ng Pilipinas sa Hibik ng Espanya 29. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 30. Pilipinas 31. Mga Huling Tala sa Pagdalaw sa Isang Museo LETRA lamang H.Jose Rizal I.Francisco Balagtas J. Ildefonso Santos 32. Ang Mithi 33, Ang Isang Dipang Langit 34. Ako ay Daigdig 35. Ang Kagila-gilas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz B.Tukuyin kung sino ang inilalarawan ng mga pahayag. Piliin sa loob ng kahon, at isulat ang LETRA ng inyong sagot. A. Marcelo H. del Pilar B. Lope K. Santos C. Emilio Jacinto 36. Ang nagtatag ng Diariong Tagalog. 37. Hari ng Balagtasan 38. Ama ng Balarilang Pilipino. 39. Makata ng Manggagawa 40. Sagisag pangalan na Dolores Manapat. D,. Jose Corazon de Jesus E.Amado Hernandez F. Jose Rizal Test IV. A. SALAWIKAIN. Panuto. Piliin ang LETRA kung saan nauugnay ang mga sumusunod na salawikain. 41. Ang batong buhay na sakdal tigas, sa ulang tikatik ay naaagnas; A. Pagpapakahinahon C. pagmamasipag B. Pagpapaunlak D. Patitiyaga 42. Ang lamig ng salita, sa apoy ay nakapupuksa; A. Pagpapaubaya C. pagpapakahinahon B. Pagpapakasakit D. pagpapalayaw 43. Habang maigsi ang kumot, magtiis kang mamaluktot; A. Pag-aaral C. pagsisikap B. Pagtitipid D. pagtataguyod 44. Ang hipong nakakatulog, ay tinatangay ng agos; A. Pabaya C. antukin B. Palahingi D. pagod 45. Huwag magtiwala, Palaka, sa lawang malaki; darating ang tagtuyot, sa tigang na lupa ka mauuwi. A. Pagmamadali C. pagmamanman B. Pag-iimpok D. pag-iingat B.KASABIHAN O KAWIKAAN 46. Matitiis ng anak ang magulang, ngunit hindi matitiis ng magulang ang anak; A. pagmamahal sa anak c. pagpaparaya sa anak B. pagpapalayas sa anak d. pangungunsinti sa anak 47. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga; A. mapagwaldas B. mapagmayabang C. mapagmalaki D. mapaglingkod 48. Igalang mo muna ang iyong sarili, kung nais mong igalang ka ng iba. A. Pagkakawanggawa B. pagpapakasakit C. katalinuhan 49. Ang anak ay anino ng magulang. A. Malaki ang mamanahin ng anak sa magulang. B. Laging sinusunod ng anak ang magulang. C. Malaki ang impluwensiya ng magulang sa ugali ng anak. D. Nagtutulungan ang anak at magulang. 50. Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib; A. Kung ano ang talas ng dila, nakasasakit sa kapwa B. Kung ano ang kinagawian, nakikita sa katauhan. C. Kung ano ang sinasabi, nagbabadya ng pagsisisi. D. Kung ano ang nasa kalooban, sa bibig ay lumalabas naman. D. kagandahang asal Answer Key ` 1. D 2. B 3. B 4. A 5. D 6. A 7. C 8. A 9. A 10. C 11. A 12. B 13. B 14. A 15. C 16. J 17. G 18. E 19. A 20. B 21. K 22. F 23. H 24. I 25. C 26. I 27. H 28. G 29. F 30. E 31. B 32. J 33. E 34. C 35. A 36. A 37. D 38. B 39. E 40. A 41. A 42. C 43. B 44. A 45. B 46. A 47. A 48. D 49. C 50. D