Uploaded by jonell john espalto

Reading Process Lesson Plan

advertisement
Lesson # 21
Kahulugan, Kalikasan
at Proseso ng Pagbasa
Layunin:
Sa katapusan ng aralin 100% ng mga
mag-aaral ang inaasahang makatatamo ng
75% ng kasanayan na:
1.Natutukoy ang pagkakaiba ng mga proseso
ng pagbasa sa pamamagitan ng Venn
Diagram.
2.Naiuugnay ang proseso at kalikasan ng
pagbasa sa pagbasa ng mga panitikan.
3.Nakasusulat ng mga simbolong larawan
para sa proseso ng pagbasa.
Klas bago tayo dumako sa
ating aralin mayroon akong
ipapakitang larawan ang
gagawin nyo ay pagmasadan
mabuti at sabihin kung ano
ang
inyong naobserbahan
Ngayon klas, ano ang
naoobserbahan nyo
batay sa larawan sa
harapan?
Maam! mga
batang
nagbabasa po.
Magaling! Para sa
inyo ano ba ang
pag
babasa?
Maam! dahil po
dito
nadadagdagan
ang ating mga
impormasyon.
Tama! Iba pang
kasagutan
Maam! ito po ay
pagkuha ng
impormasyon
mula sa libro.
Magaling klas!
Pagbasa ang
aralin natin
ngayong araw.
Kahulugan, Kalikasan at
Proseso ng Pagbasa
Maari mo bang
Ibigay ang
kahulugan ng
pagbasa?
Pagbasa - ay pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at
kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas
nang pasalita. Ito rin ay pagunawa sa wika ng aktor sa
pamamagitan ng mga nakasulat
na simbolo.
Ang gawaing ito ay isang
pangkaisipang hakbangin
tungo sa pagkilala
pagpapakahulugan at
pagtataya sa mga isinulat ng
may-akda.
Dumako na tayo sa
proseso ng pagbasa.
Maaari mo bang
ibigay ang unang
proseso?
Persepsyon – hakbang sa
pagkilala sa mga nakalimbag
na simbulo at maging sa
pagbigkas nang wasto sa mga
simbulong nababasa.
Klas ang Persepsyon ay
pagkilala sa mga nakalimbag
na simbolo. Ito ay walang
halong pag-unawa sa akda,
inaalam mo lang ang mga
kahulugan ng bawat salita sa
teksto.
Maaari mo
bang ibigay ang
ikalawang
proseso?
Komprehensyon
–
Pagproproseso ito ng
mga impormasyon
kaisipang
o ipinahahayag
ng
simbulong
nakalimbag na binasa.
Ang ikalawang proseso
ay pag-unawa sa
tekstong binabasa. Dito
pinoproseso muna ang
mga simbolo na
nakalimbag sa teksto.
Maari mo bang
ibigay ang
ikatlong proseso?
Reaksyon - hinahatulan o
pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan
at pagpapahalaga ng
isang tekstong binasa.
Ang prosesong ito ay
tinatawag na reader
response sa ingles. Dito
klas magbibigay lang
kayo ng inyong reaksyon
patungkol sa inyong
nabasa.
Maari mo bang
ibigay ang
ikaapat
proseso?
Asimilasyon - isinasama
at
iniuugnay
ang
kaalamang nabasa sa
mga dati nang kaalaman
o karanasan.
Ang prosesong ito ay
pagsasama-sama at paguugnay ng mga kaalaman
mula sa binasa at sa mga
dating karanasan.
Kumbaga ito ay pagsasanib
ng mga karanasan sa
binabasang teksto.
Naunawaan nyo ba ang
ating aralin ngayon
araw? Kung lubos nyo
itong naunawaan maari
mo bang ibigay ang apat
na proseso ng pagbasa?
Persepsyon,
komprehensyon,
Reaksyon at
Asimilasyon
Dumako na tayo
sa pangkatang
gawain
Pamantayan
5
3
1
Kooperasyon
Nakiisa ang lahat
ng miyembro
Kakaunti lamang
ang nakiisa
Lider lamang ang
gumawa
Oras
Natapos sa
tinakdang oras
Nangailangan ng
konti pang oras
Hindi natapos
Mahusay at
naipaliwanag ng
mayos
Hindi gaanong
maayos at
naipaliwanag ng
maayos
Walang kaayusan
at hindi magada
ang
pagpapaliwanag
Angkop ang
nilalaman
Hindi gaanong
angkop ang
nilalaman
Hindi angkop ang
nilalaman
Pagpapaliwanag
Nilalaman
Unang Pangkat: Gamit ang
Venn Diagram ipakita ang
pagkakaiba at pagkakatulad
ng komprehensyon sa
pesepsyon.
Ikalawang Pangkat: Paano
nyo maiuugnay ang mga
proseso ng pagbasa sa
pagbabasa ng panitikang
Filipino?
Ikatlong Pangkat:
Magsagawa ng isang
maikling pagtatanghal na
ginagamitan ng apat na
proseso ng pagbasa.
Bibigyan ko
kayo ng limang
minuto upang
magsagawa.
(Pagpapaliwanag ng bawat mag-aaral)
Sa inyong palagay
bakit mahalagang
pag-aralan ang
kalikasan at proseso
ng pagbasa?
Maam! sapagkat
ang pagbabasa po
ay parte na ng ating
pang araw-araw na
buhay.
Maam! Sapagkat sa
proseso ng pagbasa
malalaman natin kung
paano nagaganap ang
proseso ng pagbasa.
Lahat ng sinabi ninyo ay tama!
sa proseso malalaman natin
kung paano nagaganap ang
pag-unawa at paghahalo ng
karanasan sa ating binabasa.
Kung lubos nyong
naunawaan ang ating
aralin maari mo bang
ibigay ang kahulugan at
kalikasan ng pagbasa?
Maam! ito po ay
pagkuha at pagkilala ng
mga ideya at kaisipan
sa mga nakalimbag na
simbolo.
Magaling! Maari ka
bang magbigay ng
isang proseso ng
pagbasa at
ipaliwanag ito?
Maam! Persepyon po!
Dito nagaganap ang
pagbasa at pagkilala sa
mga nakalimbag na
simbolo.
Tumpak! Maari ka bang
magbigay ng isang
proseso ng pagbasa at
ipaliwanag ito?
Maam!
Komprehensyon po!
Dito nagaganap ang
pag-unawa sa
binasa.
Mahusay! Maari ka
bang magbigay ng
isang proseso ng
pagbasa at ipaliwanag
ito?
Maam! asimilasyon po!
Dito nagaganap ang
pagsasama-sama at paguugnay ng mga karanasan
mula sa binasa at sa mga
dati ng kanarasan.
Magaling! Maari ka
bang magbigay ng
isang proseso ng
pagbasa at ipaliwanag
ito?
Maam! reaksyon po!
Dito ipinapahayag ng
mambabasa ang
kanyang saloobin hinggil
sa kanyang nabasa.
Batid kong
naunawaan ninyo
ang ating aralin.
Ngayon ay
dumako na
tayo sa ating
pagsusulit.
Maari mo bang
basahin ang
panuto.
Isulat sa
patlang ang
tamang sagot.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1.Paghahalo ng dating karanasan at
kaalaman sa binasa.
2. Pagkilala sa mga nakalimbag na
simbolo.
3.Pagpapahayag ng saloobin sa binasang
akda.
4. Pag-unawa sa binasa.
5. Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at
kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo.
Ibibigay ninyo ang
mga kasagutan na
hinihingi sa bawat
numero
Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Paghahalo ng dating karanasan at
kaalaman sa binasa.
2. Pagkilala sa mga nakalimbag na
simbolo.
3. Pagpapahayag ng saloobin sa
binasang akda.
4. Pag-unawa sa binasa.
5. Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at
kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo.
Sagot:
1. Asimilasyon
2. Persepsyon
3. Reaksyon
4. Komprehensyon
5. Pagbasa
Takdang Aralin:
Basahin ang dalawang
paraan at mga uri ng
pagbasa at isulat sa isang
buong papel ang inyong
natutunan sa pagbabasa
nito.
Sanggunian:
Komunikasyon sa
Akademikong Filipino
Pahina 147
Download