SEFI 30043 ASYNCHRONOUS CLASS #1 Modyul #1: BATAYANG KAALAMAN SA WIKA, KATUTURAN AT KATANGIAN I. Mga Layunin: 1. Maipaliwanag ang papel ng wika, ang katuturan at katangian nito. 2. Maisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa katangian at katuturan ng wika; 3. maisaalang-alang papel ng wika sa isang bansa; 4. maisa-isa ang mga teorya ng wika na mayroon tayo; 5. mapalalim ang pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang wikang gamit sa edukasyon. II. Panimulang Gawain Ipamalas ang iyong kaisipan ukol sa isyu ng pagtanggal ng Kursong Filipino sa kolehiyo. Bumuo ng usapan gamit ang komiks sa ibaba upang ipamalas ang iyong pag-unawa sa paksa. Gamitin ang iyong pagkamalikhain sa paglalagay ng ekspresyon sa mga mukha ng karakter sa komiks. III. Pagtalakay Gaano kahalaga ang papel ng wika sa pagpapaunlad ng kaisipan ng bawat Pilipino partikular na ang mga mag-aaral? Sa paglipas ng panahon, patuloy na pinatutunayan na ang wika ay buhay. Lalo itong pinagtitibay sa pang-araw-araw na komunikasyon at pakikipagpalitang-ideya. Ngunit may mga pagkakataong hindi nabibigyan ng importansya ang mga taong nakapag-ambag ng mahahalagang kontribusyon sa daigdig ng kaisipan. Mga gabay na tanong: Sagutin sa short MS Word, Times New Roman. Ipapasa hanggang mamayang 10 ng gabi. Salamat 1. Ano ang papel ng wika sa isang bansa, ibigay ang katuturan at katangian ng wika? 2. Ano ang naging epekto ng ganap na pananakop ng mga kolonsador, partikular na sa ating wika? 3. Ano-ano ang mga teorya ng wika na mayroon tayo. Isa-isahin at bigyan ng maikli ngunit malinaw na paliwanag ang bawat isa? 4. Ikaw ba ay sumasang-ayon dito, ayon sa teksto, “Ang Ingles ay nakapigil sa pag-unlad ng karamihan sa mga Pilipino na ‘di lubos na nakauunawa rito ngunit napilitang mag- aral nito at sa pamamagitan nito.” ? 5. Ipaliwanag kung bakit ang wika ay instrumento ng pag-iisip? 6. Ipaliwanag kung bakit ang wikang Filipino ay ipinapalagay na wika ng mahihirap. Sang-ayon ka ba sa paniniwalang ito? Bakit?