Uploaded by nsunako024

KOMUNIKASYON SA FILIPINO - MIDTERM

advertisement
KOMUNIKASYON SA FILIPINO – MIDTERM
•
•
•
•
•
•
•
Pakikipag-Ugnayan,
Pakikisalamuha
Pakikipagtalastasan
Pagoobserba At Pagsusuri
Kaalaman At Karunungan Ay Kapangyarihan
Pagsusuri At Pagtatahi Ng Mga Impormasyon.
Pang-Aapi, Panlilinlang, Pang-Aabuso
Disinformation (Fake News)
Information And Communication Technology
At
Sa batis ng impormasyon, dapat din nating itong
isaalang-alang kung paano dito nakukuha ang
impormasyon at ng konteksto ng impormasyon na kung
saan ito pinagkukunan o pinagmulan ng impormasyon.
Ang maling pamamaraan sa pagsusuri ay nagiging
resulta ito sa kaalamang hindi maaasahan at kinahinahinala ang katumpakan. higit sa lahat, sa bawat hakabng
na gaagwin naten sa proseso ng impromasyon at dapat
tayong magtiwala sa sarili naten or sa kakayanan nateng
mga Filipino bilang mabisang wika ng pagpapaunawa.
Dapat ding magiging mapanuri tayo sa mga
impormasyon na nakukuha naten sa harap ng
pakikipagusap, ayon sa eksperto, mahal sa buhay, sa
matalik na kaibigan, sa sikat na artista, sa politiko o sa
mga tiinitingala sa lipunan ay hindi ito awtomatikong
katotohanan. Sa paggamit ng wikang filipino o
katutubong pamamaraan ay mas lalo naeng umigting at
malaman naten ang
komunikasyon sapagkat
nagkakaintindihan ang mga kalahok at mas
nakakaugnyan sila sa paksa dahil ang ating wika ay "
hindi lamang daluyan kundi tagapagpahiwatig at imbakikuhanan ng kultura" nating mga Pilipino. Mahalaga ang
pagtatasa, pagtitimbang, at pagtatahi ng mga
impormasyon na galing sa iba't ibang tao bilang batis ng
impormasyon mula sa mga taong nakakadanas o
hanggang sa mga kinikilalang dalubhasa sa paksa ng
komukikasyon or penomenong pinag-uusapan.
Kung malawak, malalim at matalas ang ating kaalaman at
kakayahan sa pag poproseso ng impormasyon sa wikang
Filipino. Tandaan na lamang sa paggawa ng tesis o papel
pantermino isinasabuhay ang metikolong pagpoproseso
ng impormasyon.
SALAZAR (2016) – Kailangang maikintal sa mga isipan
na ang pananaliksik at hindi dapat itinutumbas naming
sa tesis or artikulo sa journal. Ito ay isang batayang
gawain hindi lamang sa loob ng akademya at laboratory
kundi pati sa labas nito, maging sa araw araw na
pamumuhay.
GEORGE GERBNER – Ang midya, lalo na ang telebisyon,
ang tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa
kaisipan ng mga madala manood na ang mundo’y magulo
at nakakatakot.
MAXWELL MCCOMBS AT DONALD SHAW – Ang
pangmadlang midyabang nagtatakda kung ano ang paguusapan ng publiko.
STUART HALL – Ang midya ang nagpapanatili sa
ideyolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa
lipunan.
MARSHALL MCLUHAN – Binabago ng midya ang
simbolikong
kapaligiran
ng
mga
tao
at
naiimpluwensiyahan nito ang kanilang pananaw,
karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabing ang
midyum ay ang mensahe.
SALAZAR 2016 – "Ang komunikasyon ang nagbibigay
buhay at nagpapadaloy sa ugnayan ng mga tao habang
hinuhulma nila ang kanilang lipunan at habang
hinuhulma rin sila nito"
CONSTANTINO & ATIENZA (1996) – “Kailangan din ng
mga tao ng wika bilang behikulo ng komunikasyon, para
sa panlipunang pagkakaintindihan at pagkilos"
SALAZAR (1996) - "Ang wika ang 'daluyan,
tagapagpahayag at impokan-kuhanan 'ng isang kultura"
MAGGAY (2002) - "Ang kulturang panloob ay hindi
madaling maunawaan ng mga bagong salta(dating) sa
Pilipinas kahit pa ang ating kulturang panlabas ay madali
nilang masakyan, lalo na sa unang tingin"
PERTIERRA (2010) - "Nasa kulturang Pilipino rin ang
kahiligan nating mga Pilipino sa pakikisalamuha at ang
pagiging bukas natin sa pagbuo ng mga relasyon sa
kapuwa”
TSISMISAN - Ito ay isang gawing pangkomunikasyon na
karaniwang walang-saysay na usapan tungkol sa buhay
ng ibang tao; walang-batayang usap-usapan.
URI NG PINANGGAGALINGAN NG TSISMIS
• Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o
nakarinig sa itsinitsismis;
• Imbentong pahayag ng isang naglalayong
makapanirang-puri sa kapwa;
• Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o
nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.
UMPUKAN - paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o
pangyayari o sa anong kadahilanan.
PAGBABAHAY-BAHAY - gawain na nagpupunta sa iba’t
ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagaybagay na maaaring makakuha ng impormasyon.
TALAKAYAN - isasagawa kung kailan magkaroon ng
bagay na hndi mapagkaunawaan at nangangailangan ng
paglilinaw ng magkatunggali sa layunin upang
mangibabaw ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin
ang mga salita, linawin ang mga katibayan, iwasan ang
mga agam-agam sa salita o pananaw at paniniwala.
PULONG BAYAN - pagpupulong ng mga taong
naninirahan sa isang bayan upang pag- usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang
pagbabago.
EKSPRESYONG LOKAL - ang likas at ordinaryong wika
na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng
pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na
ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o
pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga
ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL - naipapakita sa
pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin, tikas o
tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch,
volume, bilis at kalidad ng tinig).
MAHALAGA ANG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
• Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang
emosyunal ng isang tao.
•
•
Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe
Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng
tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.
IBA’T IBANG ANYO NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
1. ORAS (CHRONEMICS) – ang paggamit o
pagpapahalaga ng oras ay maaaring kaakibatan
ng mensahe.
2. ESPASYO (PROXEMICS) – maaaring may
kahulugan ang espasyong inilalagay natin sa
pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. (Intimate,
personal, social o public relations)
3. KATAWAN (KINESICS) – kilos ng katawan:
mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at
kilos, kumpas ng kamay
4. PANDAMA (HAPTICS) – paggamit ng sense of
touch sa paghahatid ng mensahe Hawak, pindot,
hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo
5. SIMBULO (ICONICS) – mga simbolo sa bilding,
lansangan, botelya, reseta atbp
6. KULAY
(CHROMATICS)
–
maaaring
magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
7. PARALANGUAGE – paraan ng pagbigkas sa
isang salita
8. BAGAY (OBJECTICS) – paggamit ng mga bagay o
objects sa komunikasyon.
Download