Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila PANITIKANG FILIPINO GEED 10133 Ipinasa ni Tracy Lianne Marie P. Montes BA History 2-3 Ipinasa kay: G. John Christian A. Agudera Propesor Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila KABANATA 3 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila Babasahin Basahin at unawain ang maikling kuwentong “Kapayaan sa madaling araw” ni Rogelio Ordoñez. Mga gabay na tanong para sa pag-unawa sa pagbabasa: 1. Sa anong sector nabibilang pangunahing tauhan o mga pangunahing tauhan. Ang mga pangunahing tauhan sa maikling kuwentong “Kapayapaan sa madaling araw” ni Rogelio OdonĚez ay kabilang sa mga nasa laylayan ng lipunan na kilala bilang mga informal settlers. Sila ang mga taong nasa mababang uri ng estado na kung saan walang permanenteng trabaho at tirahan dahil sa kanilang uri ng kanilang pamumuhay na mayroon sila. Panlilimos ang tanging ikinakabuhay ng kanilang mag-anak. Ito ay isa sa dahilan ng pagmamanipula ng mga naghaharinguri sapagkat ang mga pulitiko ay pakitang tao lamang tuwing panahon ng eleksyon. Ang pangako na tutulungan ang mga mahihirap ay napako lamang, Maraming mga mahihirap na umaasa sa pangakong hindi kayang tuparin ng mga pulitiko ngunit hanggang ngayon ang hagulgol ng mga mamamayan ay hindi mapakinggan ng mga pulitiko matapos manalo. Kaya ito ay patunay lamang na ginagamit nila ang mga mahihirap para sa sariling interes. 2. Ano ang mga nagtutulak sa pangunahing tauhan sa kaniyang mga desisyon at aksyon? Matinding kahirapan sa buhay at pangungulila ang nag-udyok sa kanya upang gumawa ng desisyon at aksyon upang harapin ang mga suliranin sa buhay na humantong sa depresyon. Dahul sa kagustuhan niyang i-ahon ang kanyang sarili mula sa hirap na kanyang dinaranas, nagdesisyon siyang tapusin ang kanyang buhay na sa tingin niya’y makakamit ang tunay na katahimikan at kapayapaan para sa kanya. Mula nang mamatay ang kanyang asawa, hindi na nakayanan pa ang mas mahirap na pagsubok dahil labis siyang nasaktan sa pangyayaring iyon. Nangamba si Andong na mas mahihirapan pa ang kanilang buhay pagkatapos ng pagpanaw. Kaya naisipan na kitilin ang buhay niya. Hindi natin mahuhusgahan ang ginawa ni Andong sapagkat nilukod na siya ng maraming problema at paghihinagpis na nangyari sa kanyang pamilya. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila 3. Anong bahagi ng realidad ng lipunan ang sinasalamin ng akda? Sinasalamin ng akdang ito ang patuloy na lumalalang kahirapan sa bansa. Ang mga Pilipinong nasa mababang sektor ng lipunan ay mas naaapektuhan ng kahirapan dahilan ng pagiging gahaman ng pamahalaan sa kanilang kapangyarihan, sa halip na tugunan ang mga problemang kinahaharap ng masa sa pamamagitan ng paglalatag ng mga konkreto at makataong plano. Hindi maiiwasan na maraming nabibiktima ng kahirapan dala ng pagmamanipula ng estado. Kaya ang iba ay pinili nalang na kumapit sa patalim upang magkaroon ng kaunting kita o kaya naman ay wakasan ang sariling buhay dahil sa hindi nakayanang problema. 4. Ano ang kahalagahan sa lipunan ng akda? Ipinakita ng may akda kung gaano kahalaga ang akda sa reyalidad ng ating lipunan upang magsilbing boses sa mga taong walang kakayahang magpahayag ng hinanaing sa mga problemang matagal nang umiiral. Kumbaga, binibigyan ng boses ang mga walang boses. At nagsisilbing isang epektibong paraan upang imulat ang mata at isip ng lipunang natutulog sa katotohanan at bigyang pansin ang mga problemang kayang isagawa ang solusyon. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila KABANATA 4 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila GAWAIN 1 Batay sa tekstong Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera, 1. Ano ang kasaysayan sa pagakaroon ng sanaysay sa Pilipinas? Batay sa artikula ni Bienvenido Lumbera, ang sanaysay ay sinimulang binuo sa pamamagitan ng paggamit ng wika at komunikasyon.noong unang siglo ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Sa pagpapahayag ni Lumbera, masasabing malinaw na nakasaad sa kanyang sulatin na sinimulang pairalin ng sanaysay na ginagawa ng mga katutubo upang mapabuti ang kanilang kasanayan sa pagsusulat ng mga akda, mula sa pagsasalin-dila. Kaya malaki ang ginampanan ng sanaysay noong panahong iyon sapagkat sa mga kaparaanang ginawa ng mgas prayle, naging daan ito sa pagpapahayag ng kanilang saloobin at pananaw ukol sa pagpapakilala at pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo at iba pang mga konsepto nang sila ay dumating sa Pilipinas. May mga halimbawa ng sanaysay na nakasaad sa kanyang artikulo na sinulat ng mga Kastila tulad ng Doktrina sa Memorial de la Vida Christiana na sinulat ni Padre Francisno Blancas de San Jose noong 1605, Explicacion de la Doctrina Cristiana na ginawa ni Padre Alonso de Santa Ana noong 1628, at ang cun manga mahal na pagninilay na sadia sa Santong Pageexercicios na sinulat ni Padre Pedro de Herrera noong 1645 na pumukaw sa konsensiya ng mga Kristiyano. Ang mga nabanggit na sanaysay ay isinulat sa wikang katutubo. Bago pa man ito ilatha, inaral ang wikang katutubo na naging mabisa sa pagpapalaganap ng reliyon at kultura. Naniniwala silang mas madaling maunawaan ang pagtuturo ng wikang Kastila sa pag-aaral nila ng wikang katutubo. Kalaunan, nabuo ni Alejandro G. Abadilla sa bokabularyong Tagalog na sanaysay, mula sa mga salita “sanay” at salaysay upang magamit sa pagtukoy sa anyong pampanitikan. Binigyan niya ito ng kahulugan upang kilalanin at bigyan ng kahalagahan hanggang sa kasalukuyang panahon. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila 2. Paano masasabing mahusay ang isang sanaysay? Ang sanaysay ay masasabing mahusay sa tatlong mahahalagang kadahilanan: Una sa lahat, nagiging mahusay ang pagsulat ng sanaysay kung ang isang manunulat ay matatag at matinong paghawak o paggamit ng wika na nagsisilbing tulay upang punan ang hinihinging bisa na nais nitong ipaabot sa mambabasa ng layo niyong sabihin. Karaniwang natatamo ito kapag ang mga kaisipan, damdamin, o obserbasyon ay maingat na naisasaayos ayon sa layunin ng sanaysay na isang epektibong paraan upang maabot ang punto, bisa at epekto ng akda sa mga mambabasa na sa gayon ay lumawak ang kanilang isipan tungkol magiging paksa sa pagsulat ng sanaysay. Pangalawa, ang mga salitang pinili ng mga manunulat ay mahalaga na isaalang-alang upang maipalaman sa mga mambabasa ang nais sabihin tungkol sa nilalaman ng akda, lalo na ang paksain nito. At panghuli, ang pagiging mahusay ng isang sanaysay ay nakasentro sa pagiging makabuluhan ng nilalaman nito bilang pagkilala na nakapasok lamang sa panahon at kamalayan ng mga mambabasa. 3. Paano magiging kapaki-pakinabang ang pagbasa ng sanaysay? Magiging kapaki-pakinanbang ang pagbasa ng sanaysay kung ang manunulat ay magdadagdag ng mga linyang hindi magbibigay ng ilan sa mga mambabasa dahil sinasabi ang sanaysay ay “akdang walang pantig ng buhay,” mababagot agad ang mambabasa kapag sinumulang basahin at suriin ang sanaysay. Nagiging matimbang ang sanaysay at likas na siksik ito sa mga ideya o konsepto kaya kinakailangang hima-himayin ang bawat bahagi upang maintindihan ng mga mambabasa at malaman ang kahulugan ng isang sanaysay batay sa paksang ginamit. Sa kaparanaang ginamit sa pagsusuri, malaki ang naging pakinababang ng pagbabasa ng isang sanaysay dahil tagumpay na maipapaabot sa kaisiapan at kamalayan ng mga mambabasa ang paksa at layunin ng sanaysay kung saab ay ipoproseso ng utak at matatamo ang malalim na pagintindi at pagkatuto sa isang akda. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila 4. Ano ang mga katangian at kahalagahan ng Sanaysay? Ang pagsulat ng sanaysay ay may mga katangiang dapat taglayin: Una ay ang boses ng sanaysay kung saan matutuklasan ang nais isiwalat ng manunulat na tila’y kinakausap ang mambabasa depende sa estilo at ang karanasan nito sa buhay. Ang manunulat ay maaaring may naglalahad na mga diwa at damdaming personal o emotion na naantig ng isang pangyayari o eksena. Maaari maging tagapamagitan ang manunulat dahil may mga bagay na gusting iparamdam o ipaunawa dahil sa tingin niya ay mahalaga ang idudulot ng pagkakaunawa, May ibang manunulat naman na sabik ibahagi ang isang karanasang ayaw niya siya lamang at dumanas at may mga karanasang nakabagabang sa manunulat na kinakailangang iparamdam at ikumpisal sa mambabasa. Pangalawa ay ang tono ng sanaysay. Dito malalaman ang pakay o tunay na layuning awtor. Sa pasusulat ng sanaysay, nangingibabaw ang damdamin na siyang pangunahing nakadugtong dito. Pangatlo, may ugnay ang sanaysay na kung saan nararapat na galugarin ng mga mambabasa kung ano ang tono at boses nito sa sanaysay. Sa madaling salita, nais malaman ang estilo sa pagsulat ng sanaysay. Kinakailangang matutuhan ang mga mambabasa na madalas maiuugnay ang sanaysay sa mga tao sa lipunan at sa mga usaping panlipunan o mga isyu na patuloy na umiiral sa ating lipunan. At panghuling anyo ay ang kuro-kuro sa sanaysay na kailangang paraanin ito sa palitan ng opinyon. Mas mapapahalagahan ng mga mambabasa ang kuro-kuro na makapagbubukas sa kanila ng isipan upang isabuhay at mapakinabangan ang mga estilong ipinapakita ng awtor sa pagbuo ng sanaysay lalo na’t kung ito ay may kaugnay sa reyalidad ng lipunan. Ang ilan sa mga katangian at kahalagahan ng sanaysay ay may kakayahang magbigay ng pahayag patungkol sa isyung kultural at panlipunan at nagsusulong ng kuro-kuro o opinyon sa pagbabasa at pagsusulat na nakabatay sa ideolohiya at paniniwala ng manunulat na nagpapatibay sa teorya ng pagbabasa, pagsusuri, at pagbibigay ng suhestyon at panibagong pakahuluganna makakatulong sa pag-unawa tungkol sa mga isyung nangyayari sa ating lipunan at nakaaambag sa pagpapaunlad ng iba;t-ibang disiplina gaya ng sining, musika, agham, kasaysayan, at marami pang iba. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila GAWAIN 2 Basahin ang “Tungkol kay Angel Locsin” p. 101-107, at “Pangmomolestiya sa Pabrika” p. 113-116 mula sa Peryodismo sa Bingit: Mga Naratibong Ulat sa Panahon ng Digmaan at Krisis ni Kennenth Roland A. Guda, at sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Suriin ang mga tekstong binasa sa pamamagitan ng mga katangian nito. (Boses, Tono, Ugnay, at Kuro-kuro) Tungkol kay Angel Locsin Ang akdang “Tungkol kay Angel Locsin” ay naglalahad ng mga impormasyon at testimonya na magsisilbing boses sa mga problemang nangyayari sa ating lipunan kung saan umiiral pa rin sa kasalukuyang panahon ang macho-patriyarkal na sistema na marami sa mga Pilipino, partikular ang sektor ng mga kababaihan na nakararanas ng diskriminasyon at inhustisya sa kamay ng mga naghaharing-uri. Ang manunulat ay isiniwalat ang mga ideya at pangyayaring may kinalaman sa mga kababaihan na nasa ilalim ng sistemang patriyarkal sa lipunan. Ito ay may layuning unawain ng mga mambabasa ang mga katangiang katangi-tangi at likas na tinataglay ng mga kababaihan na maaaring wala sa mga kalalakihan. May tonong nagsasalaysay, at nagkukuwento at malinaw na ipinapahayag ng may akda ang isyu na pumapatungkol sa mga problema sa sektor ng mga kababaihan. Pinagsama-sama niya ang mga ideya at konseptong ginamit sa pagsasalaysay ng mga mahahalagang impormasyon gamit ang maayos at mahusay na paggamit ng mga salitang naaangkop sa boses ng may akda at naiuugnay sa paksa. Naipakita ng may akda ang kaugnayan ng akda sa mambabasa at sa tunay na reyalidad ng lipunan. Mapapansin natin na ang mga kababaihan noong panahon ng mga Kastila ikinulong ang kamalayan at binabaan ang katayuan nito sa lipunan kaya umiiral pa rin rito ang hindi pagkakapantay na pagtingin sa kasarian hanggang sa kasalukuyan at tinitignan na mas mababa ang katayuan nito kaysa sa mga kalalakihan, sa kabila ng pag-usbong ng liberal na kamalayan ng mga Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila kababaihan o ang tinatawag na feminismo sa ilalim ng sistemang patriyarkal na lipunan. Sa madaling sabi, nangangahulugan ito na mas mataas, mas dominante, at mas may kakayahan ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Nilinaw ng akda na sa likod na madilim at pangit na nakaraan ay may maipakikitang kakayahan ang mga kababaihan na makisali sa mga gawaing panlipunan tulad ng pakikibaka at mamuno. May kalayaang magtrabaho kahit sabihing kapantay lamang ng mga trabahong ginagawa ng mga kalalakihan. Inaalis dito ang paniniwala na gawaing pantahanan lamang ang kayang gawin mga kababaihan dahil ipinapakita rito na mahina ang babae at walang kakayahang gumawa ng mga mabibigat na bagay. Kaya ang mga kababaihan ay magsisilbing simbolo ng kasipagan, katatagan, katapangan, at kabayanihan sa modernong panahon. Sa akda ni Guda, binabasag niya ang makalumang paniniwala sa konspetong pantahanan at pampamilya. Binibigyang linaw ang mga bagay na naging lingid sa kaalaman ng karamihan upang imulat ang kanilang natutulog na isipan sa pag-unawa ng mga suliranin na matagal nang nangyayari sa lipunan. Bukod dito, binibigyang bihis ng may akda ang pagbabago ng mga kababaihang nagbibigay ng tibay at lakas sa pagbuwag ng sistemang binuo ng patriyarkal na ideolohiya tungo sa patas at pantay na karapatan na kanilang pinaglalaban. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila Pangmomolestiya sa Pabrika Bukod sa tekstong “Tungkol kay Angel Locsin,” ang “Pangmomolestiya sa Pabrika” ay isang pang teksto na magsisilbing boses sa mga walang kakayahang ipaglaban ang mga karapatan at maging ang mga problemang dinanas ng mga babaeng manggagawa gaya ng pananamantala at pagmomolestiya ng negosyante. Ang manunulat na si Guda ay binibigyan ng tonong nagkukwento at nagsisiwalat tungkol sa pambababoy ng mayamang boss sa mga kababaihang nagtatrabaho bilang mga manggagawang gumagawa ng sapatos sa BMMC o Bleustar Manufacturing & Marketing Corporation at ang mga mali at hindi makatarungang pagtrato ng nasabing kumpanya sa kanilang mga ordinaryong manggagawa. Sa pagbabasa ng teksto, mapapansin dito na binigyang diin ng may akda ang pagsasagawa ng unyon ng mga manggagawang nagtatrabaho dahilan ng hindi mapigilan na pagsasamantala ng isang makapangyarihan na negosyante. At kung hindi titigil ang kumpanya sa lumalalang pagmamaltrato ng mga manggagawa ay magsasampa sila ng kaso. Hindi maikakaila na maraming kumpanya na ang nagsasagawa ng mga ganoong klase ng eksploytasyon dahilan ng umuusbong na kapitalismo kung saan maraming manggagawang Pilipino ang naaapektuhan nito. Nais ipahayag ng may akda ang kanyang masidhi na damdamin na buwagin ang umiiral na bulok at mabahong sistema na tila bang isa nang normal na kaganapan na nagiging kultura sa lipunan. Sa kanyang sinulat na akda, nais niyang ipakita ang panig ng mga taong nakararanas nito at marapat na ipahiwatig ang mga problema, tumindig, at lumaban tungo sa pagsulong ng tunay na pagbabago hindi lamang sa institusyon, kundi pati na rin ang lipunang ating ginagalawan. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila 2. Ano ang impak ng mga teksto sa iyo bilang mambabasa? Ang dalawang teksto na aking binasa ay may malaking impak sa mga mambabasa at ang impak nito ay ang pagbibigay kaliwanangan sa mga usaping panlipunan. Aking napansin ang kanyang estilo ng pagsulat ng bawat akda na nakapupukaw ng atensyon at nakapagpalawak ng ating isipan. Sa kanyang estilo o pamamaraan ng pagsulat, mapapansin natin na sa kanyang pagsulat ay isang halimbawa ng pananaw ng ikatlong tao (third person point of view) dahil gumamit ang may-akda ng iba’t-ibang karakter o kaya mga kilalang personalidad gaya ni Angel Locsin sa pagbuo ng kuwento na naging sentro sa pagbibigay pokus sa paksa. Para sa akin, napakalaking impluwensya ang akda ni Guda sapagkat naisagawa niya ang tungkulin na maghatid ng mga mahahalaga at makatotohanang impormasyon at magbigay boses ang mga isyung hindi pa napag-uusapan ng ibang tao. Nagsisilbing daan ito upang gisingin ang kamalayan sa mga mambabasa sa pag-unawa sa reyalidad ng lipunan. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila GAWAIN 3 Gumawa ng sanaysay sa kung ano sariling danas sa mga sumusunod: 1. Kalagayan ng pamilya sa ilalim ng ECQ. Mahigit dalawang taon matapos maitupad ang Enhanced Community Quarantine sa buong bansa na sinasabing isa itong paraan upang mabawasan ang paglabas at makipag-ugnayan sa ibang tao na naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Sa pagpapatupad ng mga striktong mga hakbang ay ang sapilitang pagkatigil ng hanapbuhay ng mga mamamayang Pilipino. Dahil sa pagpapatupad ng quarantine at sa kapalpakan ng pamahalaan sa pagresponde sa pandemya ay mas lumalalang kahirapan ang dinanas ng pamilyang Pilipino. Walang permanenteng trabaho na magreresulta sa matinding pagkahirap ng pamilya at pagbagsak ng ekonomiya ng bansa kaya umaasa lamang ito sa ayudang binibigay ng ahensiya na nakikinabang nito. Para bang isang malaking presinto ang aming tahanan sa tagal na pagkakakulong nito dahil nanganganib ang aking mga magulang na mahawaan ng nasabing nakamamatay na sakit. Hindi naging kumpleto ang pamilya naming noon dahil wala ang aking ina. Hindi kasi siya makauwi dahil sa kanyang trabaho. Gayunpaman, nakakapagpadala siya ng perang pambili ng mga pangngailangan naming. Masakit isipin na hindi ko na magagawa ang bagay na karaniwang ginagawa gaya ng paglabas ng bahay kasama ang pamilya upang pumunta sa iba’t-ibang lugar para magbakasyon. Sa sobrang tagal na nakakulong sa loob ng tahanan ay iniisip ko na mawawala ang halik at init na yakap na aking naramdaman. Kinakailangan natin maging maingat sa pagkilos ngayon at magadjust sa panibagong paraan ng pamumuhay kahit alam natin na mahirap lang sa umpisa. Inumpisa kong sanayin ang aking sarili na labanan ang lungkot at pag-aalala ko. Naisipan kong gumawa ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon. Kahit papaano ay maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Ngunit habang tumatagal, nawawalan ako ng gana dahil sa tagal ng pagkakakakulong ko sa loob ng bahay. Lahat nagawa ko na pero hindi pa rin nababawasan ang Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila aking kalungkutan. Sa kabutihang palad, mayroon akong pamilya na masasandalan kahit magkaparehas ang aming nararamdaman. Nakakakain naman kami ng tatlong beses o higit pa sa isang araw. Dahil sa pagpapadala ng aking ina, hindi na kami masyadong namomoroblema kung saan kami bibili ng pagkain. Lumipas ang mga taon at unti-unting lumuwag ang patakarang ibinaba ng pamahalaan. Nakakalabas naman kami ng bahay upang bumili ng mga pangangailangang gagamitin sa pangaraw-araw at nakakapunta kami sa iba’t-ibang lugar para sulitin ang bakasyon upang makabawi kami sa lahat ng hirap na aming dinanas noong pandemya. Ang mga kapatid ko ay nakakapasok na sa paaralan matapos ang dalawang taon na blended learning. Lagi naming tatandaan na patuloy haharapin ang mga pasubok na dumarating sa aming buhay. Sa kabuuan, nagbago ang pamumuhay ng mga Pilipino simula nang magkaroon ng malawakang pandemiya dulot ng nakamamatay na COVID-19. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi pa rin mawawala ang pagiging matatag sa lahat ng mga hamon na nagsilbing ala-ala para sa aming lahat. Kaya naging maayos naman ang kalagayan ng aking pamilya at nagkaroon kami ng oras para makasama namin ang isa’t-isa sa ilalim ng ECQ noong panahong iyon. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila 2. Obserbasyon sa Freedom of Expression sa panahon ng pandemya. Ang Pilipinas ay itinuturing ns demokratikong bansa na mayroong demokratikong estado, kung saan ang mga mamamayang Pilipino ay nagagawa ang kanilang mga Karapatan, tulad ng pagpapahayag ng kanilang saloobin at pagpapalagananp ng mahahalaga at makatotohanang impormasyon sa pamamagitan ng iba’t-ibang plataporma. Malaki ang ginagampanan ng malayang pamamahayag, may kaakibat na responsibilidad na naging pinakamaimpluwensiya at pinakamalaking aparato ng estado. Sa kasalukuyang sitwasyon, ang bansa ay nakarananas ng ilang paglabag sa karapatang pantao kung saan ang mga kritiko, abogado, mga mamahayag, at maging ang mga innocenteng indibiduwal ay dumanas ng kalupitan na ginawa ng mula Administrasyong Duterte hanggang sa kasalukuyang ddministrasyong. Hindi makatao ang naging pagtrato ng estado na nagtutulak sa patuloy na instimidasyon at pagkitil sa buhay ng mga inosenteng mamamayan. Noong kasagsagan ng malawakang pandemya, marami ang nag-uudyok sa mamamayang Pilipino upang gamitin ang malayang pamamahayag dahilan ng kapalpakan at hindi makataong pagresponde ng pamahalaan na dapat sana’y pagtuunan ng pansin ang mga plano para sa pagbawas ng kaso ng lumalalang sakit kaysa sa pagsasabatas ng drakonikong “Anti-Terror Law.” Ang nasabing batas ay naging isyu na nagkaroon ng matinding alarma sa mga Pilipino, partikular ang hanay ng mga estudyante, mga manggagawa, at mga kababaihan na nagsusulong ng pagbabago sa ating lipunan na pinaniniwalaang mga miyembro ng komunistang grupo. Problematiko ang isyu ng red-tagging nang maipatupad ang ATL dahil nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa kultura ng pananakot sa mga ordinaryong mamamayan ng bansa. Kadalasan, sa mga lansangan makikita ang mga aktibistang nagpo-protesta laban sa pampulitika, pangekonomiya, at panlipunang pagbabago. Kahit sa mga iba’t-ibang sektor, mga publikasyon ng iba’tibang pahayagan ay walang kawala ang mga Pilipino sa red-tagging, lalo na sa panahon ngayon na laganap ang mga malawakang pagpapakalat ng mga maling impormasyon na siyang Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila pangunahing nitsa kung bakit hindi mapigilan ang pagbabanta at karahasan mula sa mga taong sumusuporta sa kasalukuyang namamahala. Bilang pagpapahayag ng kanilang pagtutol sa nasabing batas, nagsagawa ng pagkilos o pakikibaka ang mga mag-aaral, mga kritiko, mga manggagawa, at iba pa sa isang prestiyosong unibersidad sa bansa upang ipaglaban ang kanilang Karapatan at basagin ang nagbubulagbulagang isipan ng pamahalaan. Naging mas malawak ang pagpapahayag ng pagtutol sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang plataporma lalo na ang social media upang maipahayag ang kanilang saloobin sa nasabing isyu. Bukod dito, sa pagpapatigil sa operasyon ng isang TV network sa gitna ng pandemya ay mas bumulusok ang galit ng mga Pilipino. Ito ay isang direktang pag-atake laban sa kalayaan ng pamamahayag dahil lamang sa negatibong pamumuna laban sa kapalpakan ng pamahalaan. Malaki ang naging epekto nito sa mga empleyado dahil mahigit labing-isang libo (11,000) ang nawalan ng trabaho at ito ang pinagmula ng kanilang kita. Gayundin ang mga manonood at ibang taong umaasa rito ay nagkaroon ng matinding galit sa ginawa ng pamahalaan na ipasara na TV network kung saan pinagmulan nito ng mga mahahalagang balita at impormasyon at mga magagandang palabas na kanilang kinagiliwan. Tandaan na hindi pandemya ang dahilan upang mapigilan ang pagsupil sa mga anomalya ng lipunan. At isa pa, hindi lamang mga positibong balita ang nararapat na ilahad, kundi pati na rin ang mga negatibong balita upang magpabatid ng mga totoong kaganapan sa anumang sulok ng bansa at maging sa buong mundo. Sa mga panahon ng kawalan ng kasiguraduhan, matatapatan lamang ito ng sama-samang pagkilos at panawagan para sa Karapatan ng lahat. Ang nagkakaisang pagtindig ay kinakailangan upang lansaging ang maruming sistema ng lipunan sa pamamagitan ng pagpapaigting ng lumalakas na boses mula sa hanay ng mga ordinaryong mamamayan at mga estudyante upang itaguyod ito. Hindi kailanma’y magiging solusyon sa paglutas ng mga problemang kinakaharap ng bansa at sa pagkakaroon ng pagbabago ang pagmamalupit sa Karapatan at buhay ng mga Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila Pilipino. Isa lamang itong mekanismo para linlangin ang taumbayan imbes na pagtuunan ng pansin ang mga isyu o problemang mas kinakailangang solusyonan. Ang pagtindig at paglaban sa Karapatan, Kalayaan, at katotohanan ay hindi nangangahulugang kawalan ng respeto sa pamahalaan, bagkus nais ng mga mamamayan na i-tama ang maling sistemang matagal nang nangyayari. Ang mga hakbang na isinasagawa ay naging paraan upang tulungan na imulat ang nakararami sa reyalidad ng lipunan at alamin ang kahalagahan ng paglaban sa pagkamit ng tunay na pagbabago. Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila 3. Kalagayan ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng Online Class Dahil sa banta ng COVID-19 nung mga nakaraang taon, unti-unting nalusaw ang pag-asa sa mga mata at puso ng mga mag-aaral na labis ang pagnanais na muling masilayan ang kanikanilang mga paaralan at maging ang kanilang mga kamag-aral. Bilang isang mag-aaral, umasa ako na magkaroon ng pisikal na klase. Ngunit hindi pinahihintulutan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng face to face classes sa lahat ng antas ng edukasyon sa buong bansa. May alternatibong paraan ng pag-aaral ang iminungkahi ng dalawang ahensya ng gobyerno na magkaroon online at modular classes na hindi naging epektibo sa pagkatuto ng mga estudyante. Hindi makakaila na sa pag-implementa ng mga bagong stratehiya ng pag-aaral ay marami ang nahirapan at nanibago. Mapapansin natin na marami sa mga estudyante ang hirap sa panibagong hakbang ng kanilang pag-aaral. Karamihan sa mga ito ay namilipit upang magkaroon ng mga kagamitang pang-teknolohiya at internet connection. Ngunit sa kamahalaan ng mga kagamitan ay hindi kinaya ng mga magulang na bumili dahil sa kakulangan ng kanilang badyet. Masasabi na isa ito sa mga pangunahing problema sa pagkakaroon ng online class. Ang iba naman ay hindi naging maayos ang pormal na kanilang pag-aaral dahil sa magulong kapaligiran na isa rin sa mga balakid ng pagkatuto. Kaya ang resulta, mas bumaba pa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas dahil sa walang maayos at permanenteng plano at badyet na inilatag ng pamahalaan. Kahit bago pa man ang pandemya ay hindi nabibigyan ng pansin ng pamahalaan ang problema sa edukasyon. Mas lumala lamang ito nang magkaroon ng pandemya na lalong bumagsak ang kalagayan ng pamilyang Pilipino, partikular ang mga nasa mababang katayuan o lower class. May iba’t-ibang paraan upang sa gayon ay kumita nang paunti-unti gaya ng pagtulong sa mga ibang estudyante na sagutan ang sa kanilang mga gawain dahil hindi nabibigyan ng . Naging paraan din ng ibang mag-aaral ang maging working student na pinagbabalanse ang oras para sa Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila kanilang pag-aaral at oras para sa pagtatrabaho. At kung mas kinakailangan ng malaking kita, nagdesisyon na kumapit sa patalim upang tustusan ang pangangailangan ng pamilya at ng kanilang pag-aaral sa kabila ng hirap na kanilang dinanas dulot ng pandemya. Bilang isang kolehiyong mag-aaral na may karanasan sa bagong moda ng pagkatuto, nagdulot ito ng maganda at di-magandang epekto sa panahon ngayon. Ang ganitong stratehiya ng pagkatuto ay nagbigay sa akin ng sapat na oras na makatutulong upang mag-aral at gawin lahat ang mga aktibidades na binibigay ng aking guro. Ngunit, hindi ko maiiwasan na may mga responsibilidad sa bahay na dapat gawin bilang panganay na anak. Dagdag pa nito, madalas hindi matatag ang koneksyon sa internet na makakaapekto sa aking klase at maging sa pakikipagkomunikasyon at palitan ng diskurso sa pagitan ng guro at estudyante. At isa pa, pahirapan ang pagbibigay ng mga takdang aralin dahil minsan, nagkakasabay-sabay ang pasahan ng mga ito. Sa halip na magpahinga at magkaroon ng oras para sa pamilya ay pinilit na tapusin ang mga gawain sa isang upuan. Multitasking ika nga. Kaya bumababa ang pagkatuto ng mga magaaral dahil imbes na gumagawa ng aktibidades para magkaroon ng malawak na kaalaman ay ginagawa lamang ito upang magkaroon ng mataas na marka ngunit hindi inilalapat sa kanilang pagkatuto ang mga araling pinag-aaralan nila. Malaki ang pinagkaiba ng online class sa pisikal na klase sapagkat mas malaki ang tyansang matutuhan ang mga aralin sa paaralan kaysa sa bagong stratehiya ng pagtuturo. Para sa ibang unibersidad na maayos ang naging plano, magiging epektibo ito para sa kanila. Ngunit kung ang unibersidad ay may mabagal na sistema, imposible na magkaroon ng maayos na moda ng pagkatuto para sa mga kolehiyong mag-aaral. Ang mas mahirap pa rito, ang mga hinanaing, ideya at suhestyon ng mga mag-aaral ay hindi napakikinggan o nabibigyan ng atensyon ng mga administrasyon na lingid sa kanilang desisyon. Kung kaya’t nahihirapan ang mga estudyante sa bulok na sistemang mayroon ang unibersidad Sa kabuuan, malaki ang naging epekto ng online class sa mga mag-aaral. Maaaring ito ay nakabubuti o hindi nakabubuti depende sa naging karanasan nito. Ngunit para sa akin, hindi mailalapat sa lahat ng mga mag-aaral ang ganitong klase ng makabagong patuturo lalo na’t Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES College of Social Sciences and Development DEPARTMENT OF HISTORY Sta. Mesa, Manila kasalukyang nahihirapan ang pamilyang Pilipino sa kanilang pinansyal dala ng malawakang pandemya. Hindi pa rin umuusad ang sistema ng edukasyon dahil palpak ang naging implementasyon at malabnaw na plano ang pamahalaan para bigyang solusyon ang umiiral na problema. Matapos ang dalawang taon na pagtigil ng pormal na edukasyon, napagdesisyunan ng pamahalaan na buksan ang lahat ng mga paaralan sa bansa upang isagawa ang face-to-face classes at makabalik na ang mga mag-aaral. Nararapat na pagtuunan ng pansin ang pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ang kawalan ng pisikal na klase sa loob ng mahigit dalawang taon ay nagdulot ng pag-urong ng kanilang kaalaman. Mahirap man ang naging hamon, sinisigurado na walang mag-aaral na maiiwan.