Uploaded by jger.job

Midterm-topic-1-week-7

advertisement
BALARILA / GRAMATIKA
⮚
⮚
⮚
⮚
⮚
Mula sa pahayag na ‘bala ng dila’ ayon kay LOPE K. SANTOS
tumutukoy o may kaugnayan sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita; tamang gamit ng mga salita at
tamang kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa.
ito ay pag-aaral sa kayarian (structure) ng isang salita
pag-aayos-ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap (sintaksis / syntax)
tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap
Ang Ugnayan ng Gramatika at Retorika
Dalawa ang sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang pangwika: Ang gramatika at retorika.
Nagbibigay-linaw, bisa at kagandahan sa pagpapahayag ang retorika, samantalang nagdudulot ng kawastuhan
sa pahayag ang gramatika.
Nababawasan ang pagiging malinaw at kaakit-akit ng isang pahayag kung hindi wasto ang tungkulin at
ugnayan ng mga salita. Samakatuwid, ang ugnayan ng gramatika at retorika ay napakahalaga upang makamit
ang mabisang pagpapahayag.
Sa larangan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita, lubhang mahalaga ang tamang pagpili ng mga
salita. Maaaring maganda ang ibig ipahatid, maaari rin namang may mabuting layon sa pagpapahayag subalit
hindi nagbubunga nang mabuti kung mali ang pinipiling mga salita.
Maliban sa iba pang larangan, mahigpit ang ugnayan ng retorika sa gramatika. Ang isang retorikal na
diskurso ay kailangang magtaglay ng dalawang batayang katangian: pagkamasining at kawastuhang
gramatikal.
Maaaring hindi katanggap-tanggap ang isang pahayag gaano man ito ka masining, kung mali naman
ang gramatika nito. Maaari rin itong maging di-kapani-paniwala at maging katawa-tawa.
Ang gramatika ay isa ring espesyalisadong disiplina. Ang masusing pag-aaral nito ay komplikado at
nangangailangan ng mahabang panahon. Kung pakaiisipin, hindi kailangang maging dalubhasa sa larangang ito
upang maging mapanghikayat na ispiker at manunulat. Ngunit ano mang kaalaman at kasanayang
panggramatika na ating nagagamit sa ano mang diskurso, pasalita man o pasulat, ay malaking tulong sa ating
pagpapahayag. Ang kawalan o kakulangan ng kaalaman at kasanayang panggramatika ay may negatibo
namang epekto sa ating pagpapahayag sa alinmang paraan.
Dahil sa imposibleng talakayin pa rito ang lahat ng mga tuntuning panggramatika, ang pagtutuunan ng
pagtalakay ay ang mga batayang tuntuning madalas na kinalituhan ng karamihan.
Ang Ayos ng Pangungusap
✓ Ang pangungusap ay maaaring tuwid o baligtad.
Tuwid o karaniwang ayos – ang pangungusap ay may kayariang panaguri (predicate) + simuno (subject)
Nag-aaral siya ng Filipino.
Aalis ako mamaya.
Lapis ito.
Kabaliktaran o di-karaniwang ayos –
–
ang kayarian ng pangungusap ay simuno + panaguri.
Sinusundan ng salitang ‘ay’ ang simuno
Siya ay nag-aaral Filipino.
Ako ay aalis mamaya.
Ito ay lapis.
Kayarian ng mga salita:
1. salitang-ugat - mga salitang payak na hindi maaaring hatiin
2. Maylapi - binubuo ng salitang ugat at panlapi
Hal: umalis
mula sa panlaping um- at salitang-ugat na alis
Uri ng panlapi ayon sa posisyon:
a) unlapi - mga panlaping makikita sa unahan ng salitang-ugat
maglaba
maligo
umasa
b) gitlapi - mga panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat
lumakad
kinuha
ginupit
c) hulapi - panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat
lisanin
abutan (abot)
paluin (palo)
d) kabilaan - ang mga panlapi ay nasa magkabilang dulo ng salitang-ugat
kabuhayan
kasintahan
nagsayawan
e) laguhan - mga panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat
magginataan
pagsumikapan
Uri ng panlapi ayon sa klasipikasyon:
a) panlaping makadiwa - mga panlaping nakakabit sa mga pandiwa (verb)
naglakad
kumanta
b) panlaping makangalan - mga panlaping nakakabit sa mga pangngalan (noun)
kaarawan
pag- aaral
c) panlaping makauri
mabait
matalino
3. Mga salitang inuulit
- mga panlaping nakakabit sa mga pang-uri (adjective)
- mga salitang may pag-uulit na nagaganap
uri ng pag-uulit:
a) parsyal na pag-uulit - inuulit ang una o unang dalawang pantig (syllable) ng salitang ugat
dadalaw
b) ganap na pag-uulit - pag-uulit ng buong salitang-ugat
araw-araw
c) kombinasyon - pag-uulit ng bahagi at ng buong salitang-ugat
sasayaw-sayaw
4. tambalang salita - pagtatambal ng dalawang salitang-ugat
uri ng tambalang salita:
a) tambalang ganap- mga salitang-ugat na pinagtambal na nakabubuo ng bagong
kahulugan.
balat-sibuyas
anak-araw
b) malatambalan - pinagtambal na mga salita na nananatili ang kahulugan ng mga ito.
Lakbay-aral
Balik-eskwela
Pagpili ng Wastong Salita
Ang pagiging malinaw ng isang pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang
angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag. May mga pagkakataon na ang mga salitang tama
naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop na gamitin. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa:
Mali
Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na
bibig ng bulkan.
Bagay kay Olga ang kanyang makipot na
bunganga.
Ginanahan sa paglamon ang mga bagong
dating na bisita.
Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya
tumataba.
Wasto
Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na
bunganga ng bulkan.
Bagay kay Olga ang kanyang makipot na
bibig.
Ginanahan sa pagkain ang mga bagong
dating na bisita.
Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya
tumataba.
Tandaan din na sa ating wika ay maraming salita na maaaring pare-pareho ang kahulugan subalit may
kani-kaniyang tiyak na gamit sa pahayag.
Halimbawa:
( Set A ) Bundok, tumpok, pumpon, salansan, tambak
( Set B ) Kawangis, kamukha, kahawig, kawangki, katulad
( Set C ) Samahan, sabayan, saliwan, lahukan, sumapi
( Set D ) Aalis, yayao, lilisan, lalayo, iiwan
Mamili ng isang pangkat (set) ng mga salita sa itaas at gamitin sa iyong sariling pangungusap ang mga
ito. Maaari bang pagpalit-palitin ang mga salita sa iyong pangungusap? Bakit? Bakit hindi?
May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit ng eupemismo o paglumanay sa ating pagpapahayag
kahit na may mga tuwirang salita naman para rito.
Halimbawa:
Namayapa sa halip na namatay
Palikuran sa halip na kubeta
Pinagsamantalahan sa halip na ginahasa
Magbigay ng dalawang pahayag na nararapat gamitan ng eupemismo. Ipaliwanag din kung paano
mapapalumanay ang bawat isa.
Wastong Gamit ng Salita
a. Nang at Ng
Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami
sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung naipagpalit ang
paggamit ng ng at nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga ito.
✓ Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb).
Pag-uulit ng pandiwa
Halimbawa:
Talon nang talon ang mga bata.
Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Ibang halimbawa:
Nasaktan si Gorio nang iwanan siya ng kanyang kasintahan.
Biglang nagkagulo ang mga tao nang lumabas ang inaabangang artista.
✓ Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).
Halimbawa:
Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.
✓ Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa:
Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.
Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente.
✓ Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na.
a. Aalis ka nang hindi nagpapaalam? (Aalis ka na na hindi nagpapaalam?)
b. Gawin mo nang hindi nagrereklamo. (Gawin mo na na hindi nagrereklamo.)
c. Ang uniporme ay tinupi nang hindi pa pinaplantsa. (Ang uniporme ay tinupi na na hindi pa
pinaplantsa.)
✓ Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.
Mga Halimbawa:
Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga Hernandez.
Si Benedict ang kumuha ng halabas kanina.
Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya ay natatakot.
Si Marlon ay pinag-uusapan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa kabastusan niya.
b. Kung at Kong
KUNG
✓ Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa paghawak ng pera.
KONG
✓ Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.
Halimbawa:
Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan.
c. May at Mayroon
MAY
✓ Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
May pera ka ba?
Lahat sila ay may regalong matatatanggap.
✓ Kapag sinusundan ng pandiwa
May sasabihin ko sa’yo.
May pupuntahan ako sa Sabado.
✓ Kapag sinusundan ng pang-uri
May mahalagang bagay kang dapat matuklasan.
Maymagandang anak si Mang Jose.
✓ Kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari (possessive case).
Bawat miyembro ay may kani-kanilang hinaing.
Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.
Wastong gamit ng Mayroon
✓ Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.
Mayroon pa bang magsasalita ukol sa paksang ito?
Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.
✓ Ginagamit na panagot sa tanong.
May bagyo ba?–Mayroon.
May takdang aralin ka ba ? -Mayroonpo.
May maasahan ba akong tulong sa kanya? –Mayroon naman.
✓ Ginagamit kung nangangahulugang ng pagka-may kaya sa buhay
Hindi magandang magpanggap na mayroon sapagkat matutuklasan din sa bandang huli ang
totoong katayuan sa buhay.
Ang mga Morales ay mayroon sa bayan ng Dolores.
d. Wastong paggamit ng Subukin at Subukan
SUBUKIN
✓ Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang
tao o bagay.
Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
Susubukin ng mga mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalungsod.
SUBUKAN
✓ Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga
tao.
Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
Ani Erap noon, “Wag n'yo akong subukan!”.
Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating sya sa kanyang paroroonan.
e. Wastong paggamit ng Pahiran at Pahirin
PAHIRIN
✓ Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay, alisin ang bagay.
Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
PAHIRAN
Dalawa ang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran.
1.Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na pinahid. Sa ganitong
gamit ang pahiran ay may layon.
2. Nagagamit din ang pahiran sa kahulugang paglalagay ng kaunting bagay at karaniwan ay sa
bahaging katawan.
Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
Pinapahiran ng langis ng dalaga ang kanyang buhok.
Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong mga kamay.
f. Wastong gamit ng Punasin at Punasan
PUNASIN
✓ Ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal
Punasin mo ang alikabok sa mesa.
Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.
PUNASAN
✓ Ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.
Punasan mo ang mesa.
Punasan mo ang iyong noo.
g. Wastong gamit ng Operahin at Operahan
OPERAHIN
✓ Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.
Kailan nakatakdang operahin ang iyong bukol sa dibdib?
Ooperahin na ang bukol sa tuhod ni Ernani.
OPERAHAN
✓ Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.
Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na may sakit.
Inoperahan na si Emil kahapon.
Si Vic ay kasalukuyang inooperahan sa pagamutan ng St.Luke.
h. Wastong gamit ng Rin, Raw, Daw at Din
RIN at RAW
✓ Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig
at sa malapatinig na w at y.
Tayo ay kasama rin sa mga inanyayahan.
Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.
Sasakay raw siya sa unang bus na daraan.
DIN at DAW
✓ Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban
sa w at y.
Takot din siyang magsinungaling kagaya mo.
Masakit daw ang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.
Malakas din ang patahian nila katulad ng patahian ninyo.
i. Wastong paggamit ng kung ‘di, kung di at kundi
✓ Ang kung'di ( if not) ay pinaikling kung hindi.
✓ Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
✓ Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.
Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.
Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.
j. Wastong gamit ng KINA at KILA
✓ Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina.
✓ Walang salitang kila sa Balarilang Filipino.
✓ Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.
Papunta na kami kina Ms. Katipunan.
Kina Malou gaganapin ang pagdiriwang.
Malayo ba rito ang kina Riza at Ronie?
k. Wastong gamit ng SINA AT SILA
SILA
✓ Panghalip na panao (personal pronoun)
Sila ay mabubuting anak.
Nanalo sila sa timpalak.
SINA
✓ Panandang pangkayarian sa pangalan (noun marker)
✓ Ginagamit kapag ang babanggiting pangalang pantangi (proper noun) ay dalawa o higit pa
Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.
Sina Jun, Emma at Olga ay nanalo sa timpalak.
l. Wastong paggamit ng Pinto at Pintuan
✓ Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa
pintuan.
Halimbawa:
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
✓ Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag
bumukas na ang pinto.
Halimbawa:
Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi niya maisara ang pinto.
m. Wastong paggamit ng Hagdan at Hagdanan
✓ Ang hagdan (stairs)ay mga baytang at inaakyatanat binababaan sa bahay/gusali.
Halimbawa:
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
✓ Ang hagdanan ( stairway) ay bahaging bahay na kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdang iyon
matapos ang lindol.
n. Wastong gamit ng Iwan at Iwanan
✓ Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/dalhin.
Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.
✓ Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang
isang tao.
Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.
o. Wastong paggamit ng Tunton, Tungtong at Tungtong.
✓ Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.
Hindi Makita niMang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.
✓ Ang tuntong ay pagyapak sa anumang bagay.
Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.
✓ Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng anumang bagay.
Hindi ko matunton kung saan sumuot ang aming tuta.
p. Wastong gamit ng SUNDIN AT SUNDAN
SUNDIN
✓ Nangangahuligang sumunod sa payo o pangaral o utos.
Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas.
Sundin mo lang ang inutos ni Inay sa iyo.
SUNDAN
✓ Nangangahulugang gayahin mo ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Sundan mo ang sayaw ng mga nasa entablado.
Sundan mo ang mga kaibigan mo sa mall.
Tandaan!
✓ Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin.
✓ Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag.
✓ May mga pagkakataong ang salitang tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop gamitin.
TALASALITAAN
Gramatika
sintaksis.
ponolohiya morpolohiya semantika
sintaksis
pandiwa
pang-uri
pangngalan -
kabuuang pag-aaral sa isang wika, na binubuo ng ponolohiya,
morpolohiya, semantika at
pag-aaral sa makabuluhang tunog ng isang salita.
pag-aaral sa pagbubuo ng mga salita
pag-aaral sa kahulugan ng mga salita
pag-aaral sa ugnayan ng mga salita sa isang pangungusap/pahayag.
mga salitang nagsaad ng kilos
mga salitang naglalarawan
pangngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar at iba pa
Ang icon na ito ay palatandaan ng isang gawain o takdang-aralin.
Gabay:
1. Hanapin ang icon dito sa teskstong binasa at gawin ang panutong nakasaad katapat ng icon.
2. Encoded dapat ang mga gawain at siguruhing kakasya sa isang pahina lamang.
3. Gamitin ang template sa susunod na pahina.
4. Naka PDF format dapat at gawing file name ang inyong buong pangalan.
5. Ipasa sa gc ang gawain sa Sabado, Setyembre 3, 2022,
1:00-5:00 PM (minus 5 points/ hour late submission)
6. Total points – 20
Gawain 1 (Set _____ )
Gamitin sa pangungusap ang mga salita mula sa napiling set
1.
2.
3.
4.
5.
Maaari bang pagpalit-palitin ang mga salita sa iyong pangungusap? Bakit? Bakit hindi?
Gawain 2
Magbigay ng dalawang pahayag na nararapat gamitan ng eupemismo. Ipaliwanag din kung paano
mapapalumanay ang bawat isa.
1.
Paliwanag para sa bilang 1
2.
Paliwanag para sa bilang 2
2 pts each = 20 pts total
Download