SANAYSAY SANAYSAY Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may akda. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao. ng • Ito ay nangangahulugan sistematikong paraan maipaliwanag pangyayari. depenisyon ng ang Sa isang anu’t ng isang upang bagay anuman, sanaysay o ang ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. MGA URI NG SANAYSAY • Sulating Pormal o Maanyo • Sulating Di-pormal o Impormal SULATING PORMAL O MAANYO Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. SULATING DI-PORMAL O IMPORMAL Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. BAHAGI NG SANAYSAY • Pamagat • Panimula • Katawan • Konklusyon PAMAGAT • Ang unang salita ng pamagat ay laging nagsisimula sa malaking titik, Halimbawa: Ang Pangarap Ko Sa Buhay Ang Aking Pamilya • Ito rin ay nilalagay sa gitna PANIMULA • Nararapat na nababagay sa paksa at layunin ng akda. • Maari itong isang katanungan, isang diyagalogo, pangungusap na nakakatawag pansin, isang sipi, pagsasaad ng punong diwa at matuwid na pagpapaliwanag, paglalahad ng suliranin, pambungad na salaysay • Ito ay dapat nakakakuhang atensyon ng bumabasa para basahin ang natitirang bahagi ng sanaysay PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG… • Pasaklaw na Pahayag Inuunang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye nito • Tanong na Retorikal Isang tanong na tinatanong ng nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya. • Paglalarawan Pagbibigay linaw at “descriptions” sa paksa • Sipi Isang kopya o copy galing sa ibang literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba pang sanaysay • Makatawag pansing Pangungusap Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng mambabasa • Kasabihan Isang kasabihan o salawikain na makapagbibigay ng maikling eksplanasyon ng iyong sanaysay • Salaysay Isang eksplanasyon ng iyong sanaysay KATAWAN • Dito nakalagay ang iyong mga ideya at pahayag • Nagsasaad at nagpapaliwanag ng mga kaisipan o ideyang sumusuporta sa pangunahing paksa PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG.. • Pakronolohikal Nakaayos sa panahon ng pangyayari • Paangulo Pinapakita ang bawat angulo o “side” ng paksa • Paghahambing Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo at sa iba pang paksa. • Papayak o Pasalimuot Nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at vice versa WAKAS O KONKLUSYON • Binibigyang-diin dito ang kaisipan, pagbibigay solusyon sa isyung tinatalakay • Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sanaysay • Dapat nababagay sa haba ng buong talata at dapat makapag-iwan ng kakintalang di agad malilimutan • Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG... • Tuwirang sinasabi Mensahe ng sanaysay • Panlahatang Pahayag Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay • Pagtatanong Winawakasan ang sanaysay sa pamamagitan ng isang tanong. • Pagbubuod Ang “summary” ng iyong sanaysay • Sumulat ng isang essay na ang pamagat ay “Ang Pangarap Ko Sa Buhay” • Sa Panimula-3 hanggang 4 na pangungusap • Sa Katawan- 10 hanggang12 pangungusap • Sa Wakas- 3 hanggang 4 na pangungusap DI-PORMAL ANG AKING PANGARAP Akala mo lang wala, pero meron..meron..meron.. Meron akong pangarap na gusto makamit at matupad. Ang aking pangarap ay aking inspirasyon upang makamtam ko ang tagumpay sa aking buhay. Bawat tao ay may iba’t ibang pangarap. Katulad ko, ang nais kong makamit sa aking buhay ay makatapos ng pag-aaral sa sekondarya at kolehiyo. Sa gayon, makakahanap ako ng marangal at magandang trabaho. Pangarap ko din na makatulong sa aking mga magulang. Gusto ko silang maiahon sa kahirapan, at patayuan sila ng lupa at bahay. Nais kong suklian ang kanilang paghihirap upang ako ay bigyan ng magandang buhay. Ayoko masayang ang kanilang sakripisyo sa wala. Gagawin ko ang lahat upang matupad ko ang aking pangarap. Hindi ako susuko kahit maraming pagsubok ang humadlang upang makamit ito. Mananalig ako sa Diyos upang ako’y kanyang gabayan sa pagkamit ng aking minimithi.