Uploaded by LUMBRES JULIANA MIKAELA

GEFIL Reviewer: Corruption, Environment, Poverty in Philippines

advertisement
GEFIL REVIEWER
Mga Napapanahong Isyung Lokal at Internasyunal
Korapsyon at iba pang mga katiwalaan sa Pamahalaan
Ang mga mukha na matatgpuan sa bawat sangay ng gobyerno ay alinman sa mga susunod:
(1) Pag-abuso sa kapangyarihan
Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang tungkulin na
inaasahan sa kanya ng mga tao sa kaniyang kapaligiran. Kung wala ito, walang pwersang
makakapagbigay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na
implementasyon ng isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang
kaparaanan, ministeryal na pagpapatupad at diskresyunal na pagpapatupad.
Ministeryal – sinasabing ang kapangyarihan na ipinatupad ay kung ang isang namumuno ay
walang ibang nararapat na gawin kundi ipatupad ang isang polisiya.
1. Pagtupad sa tungkuling pangbatas trapiko para sa maayos na transportasyon ng bawat
mamamayang Pilipino;
2. Ang mekanikong pagpro-proseso ng income tax return;
3. Pagpro-proseso ng legal na titulo ng lupa mula sa orihinal na may-ari tungo sa bumili nito;
4. Pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na ibinabayad ng mamamayan;
Diskresyunal – paggamit ng kapangyarihan ay tumutukoy sa paggamit ng opsyon o diskresyon ng
isang namumuno o kawani ng pamahalaan na ipatupad o hindi ipatupad ang isang tungkulin
subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal na pamantayan. Ang kapangyarihang ito ay
kailangang gamitin nang ayon sa katwiran, walang kinikilingan, at hindi mapang-api o nakapanakit
ng iba.
1. Pagpili ng Pangulo ng Pilipinas sa mga magiging kasapi ng gabinete ng ehekutibo;
2. Pagpasok ng Lokal na Pamahalaan sa kasunduan sa isang pribadong kumpanya
3. Pagbili ng mga kagamitang makatutulong sa pagpapatupad ng isang polisiya
Mahalaga ang polisiya sa pagpatupad ng tungkulin ng isang tao upang siguraduhin na anumang
diskresyon na kanyang nais gawin ay may sapat na pamantayan at legal na basehan. Ito ang
magsisilbing sukatan kung ang isang tao ay lumalabis sa kapanagyarihan na iginawad sa kanya.
Pag-abuso sa kapangyarihan ng diskresyon
1. Pagtalaga ng pangulo ng Pilipinas sa kanyang asawa o mga anak bilang gabinete ng ehekutibo.
Bagamat ang pangulo ay may eksklusibong kapanyarihan na pumili ng mga taong kanyang
makakatuwang sa pagpapatupad ng mahahalagang polisiya ng pamahalaan, ang pagtalaga ng
kanyang asawa o mga anak ay mariing ipinagbabawal ng ating Saligang batas 1987 sa ilalim ng
prinsipyo ng nepotismo.
2. Ang kapanyarihan ng pamahalaan na pumasok sa isang kasunduan ay mahalagang mekanismo
para sa episyente at epektibong paglilingkod sa byan. Subalit ang pagsasaalang-alang sa personal
na interes sa kasunduan ay mga sirkumtansyang naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihang
ipinagkatiwala ng taong bayan sa pamahalaan, lokal man o nasyunal.
3. Ang pagbili ng mga kagamitan o purchasing ay sistema sa isang pamamhal na nangangailangan ng
masusing pagsunod sa proseso sapgkat ito ay maaaring maging ugat ng korapsyon sa gobyerno.
4. Ang paggamit ng kapangyarihan upang makakuha ng pabor sa ibang tao na karaniwan ay may
kapalit na kabayaran.
(2) Pakikipagsabwatan
Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na nagkaisa na
isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba upang tuparin
ang kinakailangan o nais nilang gawain.
HALIMBAWA:
1. Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing)
2. Pagsunod ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo
3. Paggawa ng kontrata o bidding
Bidding-isang sistema ng pag-aalok sa publiko na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat na
maging kabahagi ng proyektong inisyatibo ng pamahalaan.
(3) Pandaraya sa halalan
Ipinagkakatiwala ng taong bayan sa mga politiko ang kinabukasan ng bawat mamamayan sa
pamamagitan ng kanyang boto sa pambansa at lokal na halalan.
Seksyon 1. Ang pagboto ay maaaring gampanan ng lahat ng mamamayang Pilipino na hindi
diskwalipikado sa ilalim ng batas, na may edad na labing walong taon pataas, naninirahan sa
Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon, at nanahan sa lugar na nais nilang bumoto, na hindi
bababa sa anim na buwan bago ang nakatakdang halalan. Walang karunungan, pagmamay-ari, at
iba pang substantibong kahingian ang ibibigay upang magampanan ang Karapatan na bumoto.
Seksyon 2. Ang Kongreso ay magtatadhana ng sistema ng isang malinis at matiwasay na halalan
at maging ang sistema ng pagboto ng mga kababayang Pilipino na nanahan sa ibang bansa.
Heneral Emilio Aguinaldo – unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Gloria Macapagal-Arroyo – Hello Garci scandal
Konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa Eleksyon
1. Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud) – tumutukoy sa illegal na panghihimasok sa proseso
ng eleksyon sa pamamagitan ng pagdadagdag ng boto sa pinapaborang pulitiko, pagbabawas
ng boto sa kalabang kandidato o pareho.
2. Manipulasyon ng Eleksyon (election manipulation) – ito ay isang uri ng pandaraya na
makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga maghahalal ay nabago.
Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng demokrasya.
3. Disenfranchisement o pagtatanggal sa Karapatan ng isang tao na bumoto – isinasagawa ang
metodong ito kung ang kandidatong ay naniniwala na ang isang botante ay sumusuporta sa
kalabang panig o partido.
4. Manipulasyon ng demograpiya - Maraming pagkakataon na kayang kontrolin ng mga
kinauukulan ang komposisyon ng mga maghahalal upang makatiyak ng isang resultang
pumapabor sa sinusuportahang pulitiko.
Gerrymandering - isang konseptong pampulitiko na kung saan ang isang partikular na partido ay
gumagawa ng kapakinabangang papulitiko (political advantage) sa pamamagitan ng
manipulasyon sa hangganan ng didtrito (political boundaries).
- negatibo ang konotasyon ng gerrymandering batay sa mga pangunahing taktika nito:
Cracking - (halimbawa: paglusaw sa kapangyarihang bumoto ng mga suportang kalabang partido
sa maraming distrito)
Packing - (halimbawa: konsentrasyon ng kapangyarihang bumoto ng kalbang panig sa isang
distrito upang mabawasan ang kanilang kapangyarihang bumoto sa ibang distrito).
Intimidasyon - tumutkoy sa lakas o pwersa na ibinibigay sa mga botante upang sila ay bumoto
pabor sa isang partikular na kandidato o kaya ay pigilan sila na makibahagi o makiisa sa pagboto.
Karahasahan o Pananakot na Paghahasik ng Karahasan - direktang tinatakot ng mga taga suporta
ng kalabang partido upang ibasura nito ang pagsuporta na hindi makakabuti sa sinusuportahang
kandidato, inilalarawan ito ng mga krimeng katulad ng pagpatay, pananakit, mga pagpapasabog
at iba pa.
Mga Pag-atake sa Lugar ng Halalan - Madalas na target ng pag-atake at mga karahasan ang lugar
na aktwal na pinagdarausan ng lokal o nasyunal na halalan.
Pagbabantang Legal - pagsasamantala ng kahinaan ng isang indibidwal na ito at matakot sa
resulta o maaaring maging resulta ng isang partikular na aksyon.
Pamimilit - sinusubukang hikayatin ang iba na sumunod sa kanila, naiimpluwensyahan na palitan
ang kanilang mga naunang desisyon sa kung sino ang kanilang iboboto.
Pamimili ng Boto - panghihingi ng boto sa mga botante kapalit ng salapi.
(4) Pagnanakaw sa kaban ng bayan
Ang suliraning ito ay matagal nang kinakaharap ng maraming bansa sa mundo na pinapaniwalaang
ugat ng pagkakalugmok sa kahirapan ng bawat mamamayan.
Yingluck Shinawatra - Punong Ministro ng Thailand, nagpatalsik sa pwesto noong 2014 dahil sa
alegasyon ng korapsyon.
Park Geun-Hye - naimpeach noong 2014 dahil sa usapin ng pang-aabuso sa kapangyarihan at
pagtanggap ng suhol.
Direct Bribery - sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, pagtanggap sa anumang reagalo
o pangako bilang kondisyon na hindi sya gagawa ng isang akto batay sa kanyang opisyal na tungkulin.
Indirect Bribery - Artikulo 211 , maaring makasuhan sa simpleng pagtanggap ng regalo dahil sa
tanggapan na kanyang hinahawakan.
Maling Paggamit ng Pondo o Ari-Arian ng Bayan - ilalim ng Artikulo 217, paggamit ng maling
paglalaanan o sa pamamagitan ng pag-iwan o kapabayaan.
Artikulo 220 Artikulo 203 ng Kodigo Penal ng Pilipinas - (shall be deemed)
Pandarambong (Plunder) - kinukundina sa sistema ng pamamahala sa Pilipinas, sa bisa ng RA 7080
itinuturing itong isang krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta osa pamamgitan ng
pakikipagsabwatan sa dugo.
Graft at Korapsyon - ang usaping ito ay matagal ng hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa
kasalukuyan ay bigo pa ring napaglalabanan.
Korapsyon - tumutukoy sa maling gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na
benepisyo.
Graft - tumutukoy sa maling gamit ng impluwensya para sa personal na benepisyo.
(5) Sistemang padrino o palakasan
Isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng pamamahala ay ang sistemang padrino o
palakasan.
(6) Korapsyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno
1. Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan
(a) Pagtanggap ng salapi bilang proteksyon sa ilegal na gawain.
(b) Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik at hindi pag-akto sa isang kaso na kailangan
niyang gawan ng aksyon.
(c) Pagtanggap ng suhol kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket kaugnay ng paglabag ng motorista sa
batas pangtrapiko.
(d) Pagtatanim ng ebidensya (planting of evidence)
(e) Paggamit ng dahas o pananakot upang mapagtagumpayan ang nais na makuha.
(f) Paglahok ng kapulisan sa mga organisadong krimen tulad ng pagnanakaw, terorismo,
kidnapping, at iba pa.
Korapsyon sa Hudikatura - Hudikatura (Judiciary), mataas ang pagtingin ng lipunan sa sangay na
ito na may kapantay na kapangyarihan sa Ehukatibo at Lehislatibo, siyang nagbibigay ng
interpretasyon sa batas na ginawa ng Lehislatibo at ipinatutupad ng Ehukatibo.
Korapsyon sa Pamamahayag - espisipiko sa Artikulo III, Seksyon 4, isinasaad dito na walang
makapapasang batas na bumabangga sa karapatan ng tao ng magsalita, o ang karapatan ng tao
na magtipun-tipun sa mapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang mga karaingan laban
sa gobyerno.
Korapsyon sa Lehislatibo - sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbuo at pagbabalangkas ng
batas na nararapat namang ipatupad ng ehukatibo.
Hindi tugmang tanggapan (incompatible office) - ipinagbabawal ng prinsipyong ito sa mga
mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon sa anumang ahensya ng pamahalaan
kasama ang GOCC o Government Owned Corporations liban lamang kung ang iiwanan niyang
tungkulin bilang mambabatas.
Ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office) - Ipinagbabawal na prinsipyong ito ang
pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na nilikha o ang sweldo
para dito ay nilikha sa panahon na siya ay nanungkulan pa bilang kongresista.
Iba pang Korapsyon sa Pilipinas
Pagtanggi sa Pagbabayad ng Buwis - isang tungkuling iniaatang sa bawat mamamayang pilipino
kapalit ng seguridad at serbisyong binibigay sa kanila ng pamahalaan. Walang pamhalaan na
makatatayo nang mag-isa kung wala ang buwis na kinukuha sa bawat mamamayan.
Ghost Projects at Payroll - Kadalasan itong ginagawa ng mga matataas na opisyal ng gobyerno
sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo sa mga hindi umiiral na proyekto ng pamahalaan
habang ang hindi umiiral na tauhan ng pamhalaan ay sinasahuran at binibigyan ng allowance.
Pag-iwas sa Subasta sa Publiko ng Pagkakaloob ng mga Kontrata - Mahalaga ang pagsubasta sa
publiko ng pagkakaloob ng kontrata upang maiwasan ang paggawad ng kontrata sa mga
negosyante o personalidad na makapgbibigay sa kanila ng personal na benepisyo.
Pagpasa ng mga Kontrata mula sa iang kontraktor tungo sa iba pa (subcontracting) - Ang
pagpapasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa ibang kontraktor ay maaaring
magdulot ng paggamit ng mababang uri ng materyales o hindi matapus-tapos na mga proyekto.
Pangingikil - timutukoy sa isang akto ng paghihingi ng salapi, mahalagang bagay o serbisyo mula
sa mga transaksyon ng mga ordinaryong mamamayan sa kailang mga tanggapan o opisina.
Paglalagay ng suhol - Ito ay aktong makikita sa pribado o ordinaryong mamamayan na
karaniwang napipilitang maglagay sa opisyal ng pamahalaan resulta marahil ng matagal na pagaksyon ng taong gobyerno sa transaksyon na kailangan ng pribadong indibidwal ng isang
agarang aksyon.
Ang konsepto ng KABAYANIHAN ay nagbabago batay sa panahon at pagtanaw at sirkumstansya
ng taong tumitingin dito. Inilalarawan ng kagitingan at katapangan sa pagharap sa mga hamon
sa buhay.
Artikulo ni Le Breton (2018) - kaniyang sinabi na ang mga mahusay na iskolar mga indibidwal na
natamo ang pinakamahalagang kontribusyon sa kaalaman at pag-unawa ay maituturingna
bayani.
Dr. Zeus Salazar - sa artikulo ni Licuata na isinalin ni Vibar (2013) ay naghain ng ibang
depenisyon ng kabayanihan. Kanyang sinabi na ang isang bayani ay nakikipagtulungan nang
walang anumang bayad sa gawaing pangkomunidad.
Kabayanihan ng mga Pilipino
Dr. Jose Rizal - pambansang bayani at nakilala sa kaniyang mga nobela na naglalarawan sa
kanser ng lipunan at ang kalunus-lunus na kalagayan ng bansa sa kamay ng mapang-abusong
prayle at mahinang sistema ng gobyerno. Mga sinulat niya na mga pomosong nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.
Andres Bonifacio - nagtatag ng Katipunan o ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan ay isang instrumento upang ganap na makamtan nating mga Pilipino ang
kalayaang matagal na ipinagkait sa atin ng mga kastila.
Melchor Aquino - siya ay mas kilala sa tawag na Tandang Sora na sa kabila ng kaniyang edad ay
hindi ito naging hadlang uoang siya ay makatulong sa mga katipunero sa Panahon ng
Himagsikan.
Macario Sakay - hinadlangan ang paglakas ng mga tinuturing na bagong mananakop.
Pangulong Manuel L. Quezon, Sergio Osmena, at Manuel Roxas - nagtaguyod sa karapatan ng
mga Pilipino kahit na kailangan nilang sumunod sa mga Amerikano.
Pangulong Manuel L. Quezon - ama ng Wikang Pambansa
Benigno Aquino Jr. - ipinatapon sa Estados Unidos na nanindigan sa pagtutol sa uri ng
pamamalakad sa pamahalaan noong panahon ng martial law.
Pangulong Corazon Aquino - kinilala bilang ina ng Demokrasya sa Asya.
Pangingibang bayan ng mga OFW - ay isang uri ng pakikipagsapalaran ng mga Pilipino sa ibang
bansa mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanyang mga mahal sa buhay na nasa
Pilipinas. Tinatawag silang mga bagong bayani ng kasalukuyang panahon.
Paggawa ng mga makabagong imbensyon na makakatulong sa sanlibutan
Efren Penaflorida - ginamit ang kaniyang natatanging pamamaraan (kariton) upang
makapagbahagi sya ng karunungan sa mga bata sa lansangan.
Senador Manny Pacquiao - bayani sa larangan sa boxing.
Junjun Mendoza - pagbabalik ng wallet sa NAIA.
Rebolusyong Pangkalikasan
Hindi makakalimutan sa Pilipinas ang Bagyong Yolanda na may internasyunal na pangalan na
Haiyan na humagupit ng labis sa Leyte. Tinatayang 10, 000 katao ang namatay sa Tacloban,
Leyte at nasa 22,000 katao pa ang nawawala batay sa tala ng Philippine Red Cross. 6,300 ang
pamilyang apektado ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council
(NDRRMC).
Likas na mga Kadahilanan ng Kalamidad
1. Mga paggalaw ng mundo
2. Kalamidad na may kaugnayan sa mundo
3. Mga pagbaha, pagguho ng putik, pagguho ng lupa, at taggutom
Mga ahensyang responsible sa panahon ng sakuna at panganib
NDRRMC(na dating National Disaster Coordinating Council (NDCC) at Office of the Civil Defense
MMEIRS - Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study
Renee Bernstein :
(1) Ihanda ang mga emergency kit
(2) Siguraduhin na nasa maayos na lugar ang mga mabibigat na kagamitan
(3) Ilagay sa mas mababang lebel ang mga kagamitang maaaring makasakit
(4) Bawasan ang panganib sa mga babasagin
(5) Isarado ang gas
(6) Ihanda ang mga bata sa panahon ng sakuna
(7) Magkaroon ng plano para sa pagdating ng sakuna
KALAMIDAD NA MAY KAUGNAYAN SA PANAHON
Bagyo, ipo-ipo, el nino, la nina, matinding tag-init at matinding taglamig
Kapitalismo at mga Kalikasan
Ang kaso ni Cherry Hill Subdivisio - landslide na naganap noong Agosto 03, 1999, 60 taon na namatay at
378 na kabahayan.
Sustainable development pagsasaalang-alang sa mga sumusunod na domain: sosyal, pangkalikasan, at
pang-ekonomiya.
Ang Patuloy na Pag-unlad ng Kalikasan (Environmental Sustainability) - ay nangangailangan na maayos
na disenyo ng mga gawain upang matamo ang pangangailangan ng tao habang pinangangalagaan ang
suporta na nanggagaling sa ating kalikasan.
Ang patuloy na pag-unlad ng Ekonomiya (economic sustainability) - maaaring kasangkutan ng
pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng nakararami subalit nangangailangan ng pagbabawas ng konsumo
sa kalikasan (Brown, 2011).
Malte (2008) - isang environmental economist, ang ekonomiya sa larangan ng kalikasan (environmental
economics) ay nakapokus sa kalikasa, hustisya, at oras.
Dyllick (2002) - sinabi nya na ang usapin sa patuloy na pagpapaunlad (sustainale development) ay
nakabatay sa mga pagpapalagay na kailangan ng lipunan na mapangalagaan ang tatlong uri ng
pamhalaan (ekonimya, lipunan, likas na yaman) na maaring walang katumbas o hindi kayang palitan at
ang paggamit dito ay hindi kayang iwasan.
Tamang Pagtatapon ng Basura
Saligang Batas, Artikulo 11, Seksyon 16 - ang estadoay binibgyan ng mandato na bigyan ng proteksyon
ang karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng isang balanse at malusog na ekolohiya batay sa ritmo
harmonya ng kalikasan.
Cimatu - snabi sa artikulo ni Lazaro (2012) na ang mga siyudad ay lunhang mas delikado dahil sa banta
ng polusyon kumpara sa mga nasa probinsya.
Republic act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 - kabalikat ang lokal na
pamahalaan dito na may pangunahin responsibilidad sa tamang pamamahala ng basura. Nilagdaan ni
PAngulong Gloria macapagal-Arroyo noong ika-26 ng Enero, 2001.
Seksyon 2. Deklarasyon ng Polisiya - Ipinapahayag ng estado ang kanyang polisiya na tumatangkilik sa
isang sistematiko at komprehensibong programa para sa pamamahala sa ekolohikal na solidong basura (
ecological waste management)
(a) Pagsisiguro
(b) Paggamit ng isang metodo
(c) Pagbuo ng pamantayan at target
(d) Siguradu rin ang tamang segregasyon
(e) Pagsusulong sa mga programa
(f) Paghihikayat sa higit na partisipasyon
(g) Pagpapantali ng pangunahing pagpapatupad
(h) Hikayatin ang kooperasyon
(i) Institusyanalisasyon
(j) Pagpapatibay sa integrasyon
Seksyon 10. Pael ng Lokal na Pamhalaan ng Pamamahala sa Solid Waste - Ayon sa mahalagang
probisyon ng R.A. 7160 ang Koda ng Lokal na Pamahalaan, ang lahat ng LGU ay magiging pangunahing
responsible sa implementasyon at pagpapatupad ng mga probisyon ng Akto ng Solid Waste
Management of 2000 batay sa kanilang mga taglay na huridisksyon.
Seksyon 16. Pagpaplano sa Pamamahala ng Lokal na Pamahalaan sa Solid waste - Ang probinsya,
syudad munisipalidad sa pamamagitan ng lokal na lupon na namamahala sa solid waste ay maghahanda
ng sampung taon na plano para sa pagpapaunlad ng Sistema ng solid waste alinsunid sa balangkas na
binuo ng namamahala sa solid waste.
Artikulo 2 SEGREGASYON NG MGA BASURA
Seksyon 21. Sapilitang Segregasyon ng Solid Waste - Pa-aaralan ng Lokal na Pamahalaan ang mga
alternatibong tungkulin ng pribado at pampublikong sector sa pagbibigay ng serbisyo ng pangongolekta,
uri ng sistema ng koleksyon, kombinasyon ng sistema na makakatugon sa kanilang mga
pangangailangan.
(a) magtalaga ng lugar
(b) Sabihan ang mga nananahan
Seksyon 48. Mga Pinagbabawal na Akto
(1) Pagkakalat
(2) Pagsasagawa ng mga aktibidad o operasyon
(3) Madalas na pagsusunog ng mga solid waste
(4) Pagpapahintulot sa koleksyon
(5) Squatting
(6) Bukas na tapunan ng basura
(7) Hindi awtorisado
(8) Ang paghahalo ng source-separated recyclable
(9) Pagtatag o operasyon
(10) Paggawa, distribusyon
(11) Importasyon ng produkto
(12) Importasyon ng mga toxic
(13) Transportasyon at pagtatapon
(14) Paghahanda ng lugar
(15) Konstruksyon ng establisyimento
(16) Konstruksyon o operasyon
Pagbabago ng Klima o Climate Change - isinisisi sa pagtaas ng greenhouse gases na siyang nagpapainit
ng mundo. Sinasabing ito ay nakapagbubunga ng mga sakuna katulad ng baha at tagtuyot na dahilan ng
kamatayan at sakit ng tao.
Dalawang tinuturong dahilan ng pagbabago ng klima sa mundo
(1) Likas na Pagbabago - Tinutukoy nito ang sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, pag-ikot ng
mundo at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na naging dahilan sa pagtaas ng temperature sa hangin
na nakabalot sa mundo
(2) Greenhouse gases - Karaniwang sanhi nito ang paggamit ng kemikal sa produktong ginagamit ng
tao. Pagbunga ng carbon dioxide buhat sa mga sasakyan na gumagamit ng gasoline, paglapastangan sa
mga puno na siyang pananggalang sa carbon dioxide, at iba pa.
Pagkaubos ng Likas na yaman
Bunga ng pananamantalang ito ay ang mga sumusunod:
(1) Madalas at higit na mga mapamuksang ulan
(2) Pagbaha
(3) Pagguho ng putik at lupa
(4) Pagkasira ng ozone layer
(5) Marami pang iba
Kahirapan
Isa sa mga sakit ng lipunan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi nalulunasan.
Dalawang kategorya ng kahirapan; (1) ang ganap na kahirapan at (2) ang relatibong kahirapan
Ganap na kahirapan - mga sitwasyon na ang isang indibidwal ay nakapagkakaitan ng mga payak o
basikong pangangailangan pantao katulad ng maiinom na tubig, maayos na kasuotan, maginhawang
tirahan, pangangalagang pangkalusugan.
Relatibong kahirapan - inilalarawan ang sitwasyon o pagkakataong ang tao ay may di sapat na salapi
kung ihahambing sa ibang tao sa kapaligiran.
Dalawang teorya ng kahirapan; (1)indibidwalistiko at (2) istruktural
Indibidwalistikong pananaw - ang kahirapan ay isnisisi sa indibdwal na kakayahan sa pagbagon sa
kahirapan katulad ng ;
(a) Katamaran
(b) Kawalan ng sapat na edukasyon
(c) Kamangmangan
(d) Mababang pagtingin sa sarili
Istrukturang panlipunan - nakikita ng tao na ang kanilang pagkakasadlak sa kahirapan ay bungsod ng
sistemang pang-ekonomiya na lalong pinaiigting ng kakulangan sa kanilang kita.
Conditional Cash Transfer - sistema na hindi lamang sa pilipinas ginagamit kundi maging sa iba’t-ibang
panig ng mundo upang makatulong upang maibsan pansamantala ang kahirapan.
Taylor (2017) - pag-aaral niya na kanyang sinabi na tinatayang 80 milyong bata ang nagtatrabaho, Ang
child labor sa africa na may bahagdan na 41 ay halos doble ang taas kumpara sa Asya.
Sa artikulo ni Dr. Bartle Phil (n.d.) - na isinalin ni Vitan III. Dionisio, kanyang inisa-isa ang limang
malalaking sangkap ng kahirapan na kinabibilangan ng mga sumusunod:
(1) Kawalan ng Kaalaman
(2) Sakit
(3) Kawalang pagpapahalaga
(4) Hindi mapagkakatiwalaan
(5) Pagiging palasa
Malnutrisyon - isa sa mga suliranin na bunga ng kawalan ng sapat na sustansya ng pagkaing kinakain sa
pang-araw-araw na pamumuhay at ang kahirapan na maipamahagi ang mga nararapat na pagkain sa
buong populasyon. Dagdag dito ay ang kawalan ng sapat na kaalaman ng tao sa kahalagan ng nutrisyon
sa kanila.
HIV - isa sa mga pangunahing usapin sa larangan ng kalusugan ay ang HIV o Human Immunodeficiency
Virus, ito ay isang epektro ng kondisyon na sanhi ng inspeksyon ng hiv, walang makikitang sintomas ng
sakit ang taong may inspeksyon nito maliban sa simpleng trangkaso.
AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome - inspeksyon sa pinakahuling etado nito sa karaniwang
kinasasangkutan ng hindi inaasahaang pagbaba ng timbang.
Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga sumusunod na gawain;
(1) Pakikipagtalik na walang proteksyon (anal at oral)
(2) Kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo
(3) Hypodermic na karayom
(4) Mula sa ina tungo sa aank sa panahon ng pagbubuntis ng ina
(5) Pagpapasuso
Mga likido na nanggagaling sa katawaan ng tao na hindi makakatulong sa pagsasalin ng HIV sa ibang
indibidwal:
(1) Laway
(2) Luha
Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng mga sumusunod sa pamamaraan;
(1) Ligtas na pakikipagtalik
(2) Programa para sa pagpapalitan ng karayom
(3) Paggagamot
(4) Pagbibigay ng antiretroviral medication
Ayon sa DOH ay umabot na sa 871 ang natuklasang bagong kaso ng HIV kung saan 131 dito ay nasa
nauunang estado ng inspeksyon. Sinabi ng HIV/AIDS Registry of the Philippines (HARP) na ang tala ng
HIV noong nakaraang taon ay 848.
Sakit na Dengue - nanggaling sa virus na dengue na dala ng kagat ng lamok sa isang tropikong bansa
katulad ng Pilipinas.
Mga sintomas ng dengue;
(1) Mataas na Lagnat
(2) Pananakit ng ulo
(3) Pagsusuka
(4) Pananakit ng laman at mga kasu-kasuan
Mga Usapin ng Pabahay
Kawalan ng maayos na tahanang masisilungan ng isang pamilya ay isang suliraning matagal ng
kinakaharap sa buong mundo.
Moratillo (2017) - tinalakay niya ang pagtingin ni Chairman ng House Committee on Housing and Urban
Development sa kahalagahan ng pagsangguni sa mga benepisyo ng proyektong pabahay ng gobyerno
upang malaman ang tumutugma sa mga pangangailangan at panlasa ng mga ito.
Ang National Housing Authority ay binuo noong ika-31 ng Hulyo, 1975 sa ilalim ng hurisdiksyon ng
pamahalaan. Itinatag ang National Housing Authority bilang pagmamay-ari ng pamahalaan at
kontroladong korporasyon sa ilalim ng Housing and Urban Development Coordinating Council bilang
kabit na ahensya.
Kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) - nagtungo sa Malacanang Action Center
nupang magsumite ng kanilang aplikasyon sa titulong mababang presyo ng pabahay ng gobyerno.
Download