Department of Education Region III Division of Bulacan District of San Ildefonso North BUBULONG MUNTI ELEMENTARY SCHOOL Pulong Acacia St.,Bubulong Munti Banghay Aralin sa FILIPINO 2 COT#4 ORAS:2:30-3:10 GRADE 2- Matulungin PETSA: February 14,2020 KUWARTER 4 I. Layunin A. Pamantayang Pang Nilalaman Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat. B. Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas at mekaniko ng pagsulat. F2TA- Oa-j-4 C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusap. F2AL- IVe- g- B II. Nilalaman Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra at mga Bantas Kagamitang Panturo A. Sanggunian: Gabay ng Kurrikulum ng K-12 pahina 36 Kagamitang Pang Mag-aaral- Ang Bagong Batang Pinoy pahina 434-435 B. Kagamitang Panturo Aklat, manila paper, larawan, letrang maliit at malaki C. Pagpapahalaga: Mahalin at sundin natin ang ating mga magulang. III. Pamamaraan A. Balik – aral: Gamit ng ayon sa at ayon kay. 1. Pagganyak: - Pagpapakita ng larawan ng nanay at anak o maliit na bata. - Ano ang masasabi mong katangian ni nanay? Nang anak o maliit na bata? - Pagpapakita rin ng ilang malalaki at maliliit na letra ng alpabeto. B. Paglalahad: Pagbasa ng mga pangungusap. 1.Niyakap nang mahigpit ni Marinela ang kanyang nanay. 2.Ang tigre ba ang pinakamabangis na hayop sa gubat? 3.Naku! ang husay mo palang sumayaw. 4.Sino ang may mahabang buhok sa inyong dalawa? 5.Ang relo ni Jose ay binili ko pa sa Manila. C. Pagtalakay: Paano ko isinulat ang ating mga pangungusap? Saan pa natin maaaring gamitin ang malalaking titik? Ano-anong bantas ang maaari nating gamitin sa bawat pangungusap? Ano ang kahalagahan ng bantas sa bawat pangungusap? D. Paglinang sa Kasanayan Iwasto ang mga sumusunod na pangungusap at ilagay ang wastong bantas para dito. 1. maaari ka bang magtanim ng puno sa bakuran 2. wow ang sarap ng pansit 3. Malamig ang klima sa baguio 4. Anong katangian ni jose rizal ang nais mong tularan 5. napansin nila na kakaunti na ang isdang nahuhuli sa dagat E. Paglalahat: Kailan natin ginagamit ang malaking letra? Ano-anong bantas ang maaari nating gamitin sa bawat pangungusap? F. Paglalapat: Pangkat isa - Isulat nang wasto ang mga pangungusap at lagyan ng tamang bantas. Pangkat dalawa- Isulat ang mga salita ayon sa gamit ng malaki at maliit na letra. Pangkat tatlo- Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang malaking titik at wastong bantas. IV. Pagtataya: Iwasto at lagyan ng tamang bantas ang mga sumusunod na pangungusap. 1. ang pagpapasalamat ay dapat nating inuugali 2. ano ang dapat nating gawin upang makaiwas sa sakit 3. Si corazon aquino ang kauna- unahang babaeng namuno sa ating bansa 4. Aray napakasakit ng ulo ko 5. Sasama ka ba sa laguna sa bakasyon V.Takdang –aralin: Sumulat ng limang pangungusap gamit ang malaking titik at lagyan ng wastong bantas. Inihanda ni: HILDA R. PANGILINAN Guro III/ Grade 2- Matulungin Binigyang puna ni: RUFINA L. GALVEZ Punong-guro II I. Layunin Natutukoy ang mga yamang nakukuha sa anyong lupa at anyong tubig II. Paksang Aralin Paksa: Likas na Yaman sa Aking Komunidad Kagamitan: lapis, ruler, krayola, modyul, strips Integrasyon: Sining, pangangalaga sa likas na yaman III. Pamamaraan A. Panimula a. Balik-aral Ano ang likas na yaman? Saan ito matatagpuan? Magbigay ng mga halimbawa nito. b. Pagtsek ng Takdang Gawain B. Paglinang a. Pagganyak Tingnan ang mga larawan. Ano ang makikita ninyo rito? (dagat, kabundukan, ilog, kapatagan, atbp) b. Paglalahad Pangkatang Gawain Pagmasdan ang mga nasa larawan. Alin sa mga larawan sa kahon ang yamang lupa? Kulayan ng dilaw ang mga ito.Alin sa mga larawan ang mga yamang tubig? Kulayan ang mga itong asul. 1. I post sa pisara ang output ng mga Bata. Talakayin ito. c. Pagtalakay 1. Anong yaman ang nakukuha sa anyong tubig? Sa anyong lupa? Magbigay pa ng iba pang mga halimbawa. d. Paglalahat Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong lupa ay tinatawag na yamang lupa. Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong tubig ay tinatawag na yamang tubig. e. Paglalapat Gumuhit ng 3 likas na yaman na makikita sa anyong tubig at 3 likas na yaman na makikita sa anyong lupa. Kulayan ito. IV. Pagtataya Isulat ang Yl kung yamang lupa at Yt kung yamang tubig. 1. isda 6. punongkahoy 2. palay 7. kabibe 3. hipon 8. prutas 4. bulaklak 9. perlas 5. hipon 10.ibon V. Takdang Gawain Gumupit sa magazine o dyaryo ng mga likas na yaman. Idikit ito sa iyong kuwaderno. I. Layunin Naiisa-isa ang mga likas na yamang nagpapakilala sa komunidad II. Paksang Aralin Paksa: Likas na Yaman sa Aking Komunidad Kagamitan: lapis, ruler, krayola, modyul, strips Integrasyon: Sining, pangangalaga sa likas na yaman III. Pamamaraan A. Panimula Anong likas na yaman ang matatagpuan sa anyong tubig? Anyong lupa? b. Pagtsek ng Takdang Gawain B. Paglinang a. Paggyanyak Saan kayo nakatira? Saan matatagpuan ang iyong komunidad? Anong mga likas na yaman ang makikita rito? b. Paglalahad Tingnan ang mga larawan na inihanda ng guro. Ito ang ilan sa mga likas na yaman na makikita sa iyong komunidad. Pag-usapan ito. c. Pagtalakay 1. Ano-anong anyong lupa mayroon sa iyong kumunidad? Anong yaman ang nakukuha rito? 2. Ano-anong anyong tubig mayroon sa iyong komunidad? Anong yaman ang nakukuha rito? d. Paglalahat 1. Sagana sa yamang lupa at yamang tubig ang bawat komunidad. May iba-ibang anyong lupa at anyong tubig na pinagkukunang yaman ng bawat komunidad. e. Paglalapat 1. Iguhit sa papel ang mga yamang lupa at yamang tubig na nakukuha sa iyong komunidad. Kulayan. 2. Pagsama-samahin sa isang manila paper upang makagawa ng isang malaking collage. Ipaskil sa bulletin board. IV. Pagtataya Magbigay ng 5 likas na yaman na matatagpuan sa iyong komunidad. 1. 2. 3. 4. 5. V. Takdang Gawain Paano mo pangangalagaan ang mga likas na yaman sa iyong komunidad? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. I. Layunin Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga likas na yamang nagpapakilala sa komunidad sa malikhaing paraan II. Paksang Aralin Paksa: Likas na Yaman sa Aking Komunidad Kagamitan: lapis, ruler, krayola, modyul, strips Integrasyon: Sining, pangangalaga sa likas na yaman III. Pamamaraan A. Panimula a. Balik-aral ano-anong likas na yaman ang makikita sa iyong komunidad? b. Pagtsek ng Takdang Gawain B. Paglinang a. Pagganyak Pansinin ang iyong kapaligiran. Paano mo ito pangangalagaan? b. Paglalahad Gumawa ng poster tungkol sa pangangalaga ng mga yamang tubig at yamang lupa. Lagyan ito ng pamagat. c. Pagtalakay Paano mo pangangalagaan ang mga likas na yaman sa iyong kapaligiran? d. Paglalahat 3. Mahalaga ang mga yamang lupa at yamang tubig kaya’t dapat pangalagaan. Ang mga ito ang pangunahing pinagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan ng mga naninirahan sa komunidad upang mabuhay. e. Paglalapat Gumawa ng isang babala tungkol sa pangangalaga sa mga yamang lupa at yamang tubig. Isulat sa cartolina. Idikit sa mga daanang lugar upang mabasa ng mga mag-aaral. IV. Pagtataya Isulat ang T kung nagsasaad ng pangangalaga sa yamang tubig at L kung nagsasaad ng pangangalaga sa yamang lupa. 1. 2. paglilinis ng mga kanal pagtatanim ng mga puno sa tabi ng ilog 3. 4. 5. 6. 7. 8. paglalagay ng basura sa tamang lalagyan paggamit ng lambat na may malalaking butas pagpapanatili ng kalinisan ng mga ilog at dagat pagtatanim ng mga puno sa dalisdis o gilid ng bundok pag-iwas sa paggamit ng dinamita o paputok sa paghuli ng isda hindi pagputol ng mga punongkahoy nang walang kapalit at pahintulot ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) pagbabawal sa pagsusunog o pagkakaingin sa mga kagubatan at kabundukan pagbabaon ng mga bagay na madaling mabulok at matunaw bilang pataba sa lupa at halaman 9. 10. I. Layunin Nabibigyang-kahulugan ang salitang “hanapbuhay” Natutukoy ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad II. Paksang Aralin Paksa: Mga Hanapbuhay sa Komunidad Kagamitan: mga larawan Integrasyon: Pagsulat/storytelling III. Pamamaraan A. Panimula 1. Ano-ano ang mga hanapbuhay ng mga tao sa inyong komunidad? 2. Pag-usapan ang mga ito. 3. Iugnay sa aralin. B. Paglahahad Tingnan ang mga larawan sa LM,p. Ano-anong hanapbuhay ang mga ito? Pag-usapan ito. C. Pagtalakay Ano ang kahulugan ng hanapbuhay? Ano-ano ang hanapbuhay na inilarawan sa iyong binasa? Anong hanapbuhay pa ang inyong nalalaman? D. Paglalahat Ano ang ibig sabihin ng hanapbuhay? Ano-anong hanapbuhay ang ating tinalakay? E. Paglalapat Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy na hanapbuhay sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa papel. Bumbero Pulis Karpintero Magsasaka Doktor Dentista 1. Gumagawa ng ating tirahan. ______________ 2. Humuhuli sa masasamang tao. ______________ 3. Gumagamot sa mga may sakit._______________ 4. Nangangalaga sa ating ngipin. _______________ 5. Sumusugpo sa sunog sa komunidad. ______________ IV. Pagtataya Anong hanapbuhay ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Nagtatanim ng gulay, palay at iba pang pananim. A. bombero B. mangingisda C. magsasaka 2. Nanghuhuli ng mga isda at iba pang mga pagkaing-dagat tulad ng hipon, alimasag at pusit. A. tubero B. dentista C. guro 3. Nagtuturo sa ating bumasa at sumulat. A. abogado B. doktor C. guro 4. Gumagawa ng ating mga kasuotan. A. karpintero B. mananahi C. tubero 5. Nagkukumpuni ng mga sirang tubo. A. magsasaka B. pulis C. tubero V. Takdang Gawain Gumupit sa dyaryo o magazine ng iba’t ibang hanapbuhay. Idikit ito sa iyong kuwaderno. I. Layunin Nahihinuha/naiuugnay ang epekto ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay at pinagkukunang yaman sa komunidad II. Paksang Aralin Paksa: Mga Hanapbuhay sa Komunidad Kagamitan: mga larawan Integrasyon: Pagsulat/storytelling III. Pamamaraan A. Balik-aral Ano-anong hanapbuhay ang ating pinag-aralan kahapon? B. Pagtsek ng Takdang Gawain C. Paglalahad Basahin ang talata. May mga pagkakataon na ang katangiang pisikal ng isang komunidad ay iniuugnay sa pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao. Iba-ibang paraan ang ginagawang pag-aangkop ng tao sa kaniyang kapaligiran at hanapbuhay. Ang hanapbuhay ng mga tao sa pamayanang urban o lungsod at bayan ay karaniwang sa mga pabrika, opisinao maaaring sa sariling tahanan lamang. Ang mga naninirahan sa alin mang komunidad ay gumagawa ng paraan upang makiayon sa kalagayan ng kanilang komunidad. Ang pagaangkop na ito ay hindi lamang sa paghahanapbuhay. Kasama rito ang pagaangkop ng tirahan, pananamit, pananim at mga gawain. Anumang uri ng hanapbuhay o pagkakakitaan kung ito ay marangal, dapat itong ipagmalaki at pahalagahan. D. Pagtalakay 1. Ano ang kaugnayan ng katangiang pisikal ng isang lugar sa uri ng hanapbuhay ng mga naninirahan dito? 2. Anong uri ng hanapbuhay ng mga tao sa iyong komunidad? E. Paglalahat Ano ang epekto ng kapaligiran sa hanapbuhay ng nakatira dito? F. Paglalapat Kopyahin sa papel ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang mga hanapbuhay sa iyong komunidad. Hanapbuhay sa Aking Komunidad IV. Pagtataya Suriin ang mga nakatalang hanapbuhay sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na lugar. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot. A. Tabing-dagat 1. Kapatagan 2. Kabundukan 1. 2. 3. Lungsod Talampas Industriyal 1. Pagpasok sa mga tanggapan 2. Paggawa ng lambat 3. Pag-aalaga ng baka 4. Pagmimina 5. Pagnenegosyo 6. Pag-aalaga ng kambing 7. Pagdadaing 8. Pagtatanim ng mais at tabako 9. Pagtitinda sa sentrong pamilihan 10. Pagtatanim ng gulay V. Takdang Gawain Isagawa ang sumusunod: 1. Maghanda ng malapad na papel o manila paper at krayola. 2. Iguhit ang hanapbuhay ng iyong tatay. Kulayan. 3. Magtanong sa tatay ng kanyang karanasan tungkol sa kanyang hanapbuhay. Sumulat ng maikling kuwento. 4. Ikuwento ito sa klase gamit ang iginuhit na hanapbuhay nito. I. Layunin Nakapangangalap ng kuwento tungkol sa karanasan ng isang taong may hanapbuhay Naipaliliwanag ang epekto ng hanapbuhay o kawalan ng hanapbuhay sa pamilya at komunidad II. Paksang Aralin Paksa: Mga Hanapbuhay sa Komunidad Kagamitan: mga larawan Integrasyon: Pagsulat/storytelling III. Pamamaraan A. Balik-aral Magbigay ng uri ng kapaligiran at ang hanapbuhay ng mga tao dito. B. Pagtsek ng Takdang Gawain C. Paglalahad Gamitin ang ginawang interbyu ng mga bata sa taong may hanapbuhay. D. Pagtalakay 1. Ano ang maitutulong ng taong may hanapbuhay sa kaniyang komunidad at sa kaniyang pamilya? 2. Ano ang mangyayari kung walang hanapbuhay ang isang tao? E. Paglalahat Ano ang epekto sa komunidad at sa pamilya ang pagkakaroon ng hanapbuhay o kawalan ng hanapbuhay? F. Paglalapat Gawin ang Gawin D na nasa LM. IV. Pagtataya Gamitin ang multi-flow map upang maipakita ang epektong pagkakaroon ng hanapbuhay sa pamilya at sa komunidad. EPEKTO SA PAMILYA EPEKTO SA KOMUNIDAD PAGKAKAROON NG HANAPBUHAY EPEKTO SA PAMILYA EPEKTO SA KOMUNIDAD WALANG HANAPBUHAY V. Takdang Gawain Magtala ng mga produkto na matatagpuan sa iyong komunidad. I. Layunin Natutukoy ang mga produktong matatagpuan sa komunidad at ang pinanggagalingan nito II. Paksang Aralin Paksa: Mga Produkto Sa Aking Komunidad Kagamitan: larawan, lapis, ruler, krayola, modyul Integrasyon: Filipino, Sining III. Pamamaraan A. Panimula Awit B. Pagganyak 1. Narito ang mga produkto ng peanut butter, pastillas, suman, banana chips, kendi at iba. 2. Pag-usapan ang pinagmulan ng mga produktong ito. C. Paglalahad 3. Anong produkto ang mayroon sa ating komunidad? 4. Saan kaya ang pinanggalingan ng mga ito? 5. Magpakita ng larawan ng mga produkto na matatagpuan sa sariling komunidad. 6. Pag-usapan ang mga ito. D. Pagtalakay - Ano-anong produkto ang mayroon sa ating komunidad? - Saan ang pinanggalingan ng mga ito? E. Paglalahat 1. Ang bawat komunidad ay may mga ipinagmamalaking produkto na nanggagaling sa mga sangkap mula sa mga yamang lupa at yamang tubig. F. Paglalapat Piliin sa mga produkto ang nagmula sa iyong komunidad. Iguhit ito sa iyong papel. IV. Pagtataya Tukuyin sa mga sumusunod na produkto ang nagmula sa iyong komunidad. Isulat ang Oo kung nagmula ito sa komunidad at Hindi kung hindi. ____1. Peanut butter ____2. Pastillas ____3. Mais ____4. Yema cake ____5. sapatos V. Takdang Gawain Magtanong sa magulang kung ano-ano pa ang mga produkto na makikita sa iyong komunidad. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. I. Layunin Naiisa-isa ang mga produktong nagpapakilala sa komunidad II. Paksang Aralin Paksa: Mga Produkto Sa Aking Komunidad Kagamitan: larawan, lapis, ruler, krayola, modyul Integrasyon: Filipino, Sining III. Pamamaraan A. Balik-aral Ano-anong produkto ang makikita sa ating komunidad? B. Pagtsek ng Takdang gawain C. Pagganyak Laro: Ipapasa ang bola sa mga bata habang tumutugtog ang awitin. Kapag huminto ang awit ang batang may hawak ng bola ay magbibigay siya ng produkto na galing sa komunidad at kung saan ito nagmula. D. Paglalahad Pangkatin ang klase sa tatlo. Ipagawa ang mga gawain. Pangkat 1- Pumili sa mga larawan ng produktong nagmula sa komunidad. Idikit ito sa manila paper. Pangkat 2- Gumuhit ng 10 produkto na nagmula sa komunidad. Kulayan ito. Pangkat 3- Magtala ng 10 produkto na nagmula sa komunidad. Isulat ito sa manila paper. E. Pagtalakay Ano-anong produkto ang matatagpuan sa sariling komunidad? Saan ito nagmula? F. Paglalahat 2. May mga produkto na nagpapakilala sa komunidad. G. Paglalapat Iguhit sa iyong papel ang mga produktong makikita o nagmumula sa iyong komunidad. IV. Pagtataya Isulat sa papel ang hinihinging impormasyon. Sundan ang halimbawa. Produktong Matatagpuan sa Iyong Pinagmulan Komunidad Halimbawa: Pastillas Kamote V. Takdang Gawain Saan matatagpuan ang iyong komunidad? Ano-anong produkto ang makikita rito? I. Layunin Naiuugnay ang produktong matatagpuan sa komunindad sa uri ng kapaligiran II. Paksang Aralin Paksa: Mga Produkto Sa Aking Komunidad Kagamitan: larawan, lapis, ruler, krayola, modyul Integrasyon: Filipino, Sining III. Pamamaraan A. Balik-aral Magbigay ng mga produktong matatagpuan sa komunidad. B. Pagtsek ng takdang gawain C. Pagganyak Buuin ang mga larawan. Ano-ano ang nabuo ninyo? Ano kayang mga produkto ang matatagpuan dito? D. Paglalahad Basahin ang talata sa LM, p. 163-166. Pag-usapan ang mga ito. E. Pagtalakay - Ano-anong komunidad ang matatagpuan sa lambak? Bulubundukin? Kapatagan? Tabingdagat? Lungsod? F. Paglalahat 3. Ang bawat komunidad ay may mga ipinagmamalaking produkto na nanggagaling sa mga sangkap mula sa mga yamang lupa at yamang tubig. 4. May mga produkto na nagpapakilala sa komunidad. G. Paglalapat Sumulat ng 2 produkto na matatagpuan sa: a. lambak b. kapatagan c. bulubundukin d. tabing-dagat e. lungsod IV. Pagtataya Pagtambalin ang produkto sa Kolum A sa uri ng kapaligiran na nagmula ito sa Kolum B. isulat ang letra ng wastong sagot. Kolum A _____1. De lata _____2. Pakwan _____3. Mani _____4. Torso _____5. Perlas Kolum B a. kapatagan b. tabing-dagat c. lungsod d. lambak e. bulubundukin V. Takdang Gawain Paano mo pahahalagahan ang mga produkto sa iyong komunidad? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. I. Layunin Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga produkto ng komunidad sa iba-ibang pamamaraan II. Paksang Aralin Paksa: Mga Produkto Sa Aking Komunidad Kagamitan: larawan, lapis, ruler, krayola, modyul Integrasyon: Filipino, Sining III. Pamamaraan A. Panimula Awit B. Pagtsek ng Takdang Gawain C. Pagganyak Tingnan ang larawan. Ano ang masasabi ninyo sa larawan? Tama ba ang kanilang ginagawa? Bakit? Bakit hindi? D. Paglalahad Pangkatin ang klase sa apat. Ipagawa ang gawain s apamamagitan ng role playing. Pabunutin ang bawat pangkat kung anong sitwasyon ang kanilang iaarte. E. Pagtatalakay Paano mo pahahalagan ang produkto ng iyong komunidad? Tinatangkilik mo ba ang produkto ng iyong komunidad? Bakit? Bakit hindi? Ano ang gagawin mo kung may nakita kang hindi nagmamahal sa kapaligiran na pinagkukunan ninyo ng mga produkto? F. Paglalahat 5. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay nagpapakita ng pagpapahalaga rito. G. Paglalapat Gawin ang Gawain sa LM, p. 168. IV. Pagtataya Iguhit sa short bond paper kung paano mo pahahalagahan ang mga produktong makikita sa iyong komundad. Kulayan ito. I. Layunin Naitatala ang pangunahing pangangailangan ng pamilya sa isang komunidad Nabibigyang kahulugan ang salitang badyet Nakaggawa ng simpleng badyet para sa isang araw base sa talaan ng pangangailangan Naiuugnay ang hanapbuhay sa pangangailangan ng pamilya Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa kahalagahan ng hanapbuhay sa pamumuhay ng mga tao sa komunidad II. Paksang Aralin Paksa: Ang Pamumuhay sa Komunidad Kagamitan: tsart, mga aklat Integrasyon: mathematics, economics III. Pamamaraan A. Panimula 1. Brainstorming 2. Magkano ang baon mo araw-araw? 3. Sapat ba ang iyong baon sa iyong pangangailangan sa eskwela? 4. Paano mo pinakakasya ang iyong baon? 5. May naiipon ka ba mula sa iyong baon? 6. Pag-usapan ang sagot ng mga Bata. 7. Iugnay sa aralin. B. Paglinang 1. Sagutin ang mga tanong sa Alamin Mo sa LM, p. 170. 2. Basahin ang talata tungkol sa “Pangangailangan ng Tao sa Komunidad” sa LM, p. 170171. 3. Sagutin at talakayin ang mga tanong. 4. Gawin ang Gawin Mo Gawain A 1. Basahin ang kuwento at sagutan ang mga tanong tungkol dito. Gawain B 2. Gumawa ng badyet para sa isang araw na gastusin sa pagpasok sa paaralan gamit ang ginawang talaan. 3. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. 4. 5. 6. Gawain C Isulat ang ginawa sa talaang inihanda ng guro. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Pag-usapan ang mga sagot ng mga Bata. Gawain D 7. Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong. 8. Isulat ang sagot sa inyong papel. 1. Patnubayan ang mga Bata sa pagbuo ng paglalahat. Bigyang diin ang kaisipang dapat tandaan na nasa Tandaan Mo. IV. Pagtataya Sagutan ang Natutuhan Ko sa LM, p. 175-176. V. Takdang Gawain 2. Magsagawa ng panayam sa pinuno ng iyong komunidad. 3. Alamin ang kanyang tungkulin sa komunidad. 4. Magtanong sa magulang kung ano ang katangian ng pinuno ng iyong komunidad. 5. Itala ang impormasyong nakalap sa iyong notebook. VI. Culminating Activity 1. Magsagawa ng isang panayam sa inyong magulang tungkol sa pangunahing pangangailangan ng pamilya. 2. Itala ang nakalap na impormasyon sa activity notebook. I. Layunin Nabibigyang kahulugan ang salitang “pinuno” at “pamumuno” Natutukoy ang mga pinuno ng iba-ibang bahagi ng komunidad Nailalarawan ang katangian ng isang karapat-dapat na pinuno Nasasabi kung bakit kailangan ang pinuno Natutukoy ang tungkulin ng mga pinuno sa komunidad II. Paksang Aralin Paksa: Pinuno at Pamumuno sa Komunidad Kagamitan: mga larawan, papel, manila paper, krayola, lapis, modyul Integrasyon: wika at pagsulat III. Pamamaraan A. Panimula 1. Kilala mo ba kung sino ang pinuno sa ating komunidad? 2. Paano kayo tinutulungan ng inyong pinuno sa komundad? 3. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang pinuno? 4. Pag-usapan ang sagot ng mga Bata. B. Paglinang 1. Ipabasa sa mga Bata ang Basahin sa modyul, p. 180-181. 2. Talakayin ang bawat katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na pinuno. 3. Tanong 4. Mayroon ka bang kilalang pinuno na tumutugon sa mga katangiang nabanggit? 5. Tumutupad ba siya sa kaniyang mga tungkulin? 6. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kaniyang kuwento at kung sino siya? 7. Ipagawa ang mga gawain Gawain A 1. Pag-ugnayin ang larawan sa hanay A at hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot. Gawain B 2. Magsagawa ng panayam sa sinumang pinuno sa inyong komunidad. 3. Alamin ang katangian ng bawat isa at ang kaniyang ginagawang paglilingkod sa komunidad. 4. Iulat sa klase ang resulta ng panayam. Gamitin ang tsart sa modyul. Gawain C 1. Sumulat ng liham pasasalamat sa paborito mong pinuno bilang pagpapahalaga sa kaniyang nagawa sa iyong komunidad. Gamitin ang halimbawa nasa modyul. 2. Basahin ang Tandaan Mo. III. Pagtataya Gawin ang Natutuhan Ko sa modyul p. 186. Isulat ang sagot sa sagutang papel. IV. Takdang Gawain Kumalap ng larawan ng taong kilala o sikat sa komunidad. Idikit ito sa iyong kuwaderno. V. Culminating Activity Tagis-talino Kumuha ng kapartner. Bigyan ng 3 minuto ang mga Bata upang makapaghanda. Sa anong balagtasan ay ipagmamalaki ng bawat isa ang kanilang mga pinuno sa komunidad. Magbigay ng 2 minuto sa bawat gagawing presentasyon. I. Layunin Nasasabi na ang pamumuno ay paglilingkod sa komunidad Nakikilala at nailalarawan ang katangian at nagawa ng mga naglilingkod sa komunidad Naisasalaysay ang mga mahahalagang tao/pamilyang nakaimpluwensya sa iba-ibang larangan sa buhay-komunidad II. Paksang Aralin Paksa: Paglilingkod sa Komunidad Kagamitan: larawan Integrasyon: ESP, Sining III. Pamamaraan A. Panimula 1. Pangkatin ang mga Bata ayon sa kinabibilangang komunidad. Ipakita ang mga larawan ng mga taong nagbibigay ng paglilingkod sa komunidad. 2. Mayroon bang taong naglilingkod sa inyong komunidad tulad n gating napag-usapan? 3. Aling pangkat ang may pinakamaraming community helpers? 4. Pag-usapan ang pangkatang gawain. B. Paglinang 1. Basahin ang susing tanong sa Alamin Mo sa LM,p. 188. 2. Basahin ang teksto sa basahin p. 188-192 at pag-aralan. 3. Sagutan ang mga tanong tungkol dito. 4. Ipagawa ang mga gawain sa LM. Gawain A Iguhit sa papel ang mga taong naglilingkod para sa kalusugan sa iyong komunidad. Gawain B Gawin ang pagsasanay sa LM, p. 193. Gawain C Kunin ang larawan ng taong kilala sa iba-ibang larangan sa iyong komunidad. Idikit ang larawan sa kartolina at bumuo ng collage. Lagyan ito ng pamagat. Ipaskil ito at ikwento sa klase. 5. Pag-usapan at bigyang diin ang mga kaisipang nakatala sa kahon ng Tandaan Mo. IV. Pagtataya Sagutan ang gawain sa Natutuhan Ko sa LM p. 195. V. Culminating Activity Magtanghal ng eksibit ng mga Bata. Imbitahan ang inyong magulang. I. Layunin 1. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng maganda at di magandang pamumuno sa komunidad 2. Nahihinuha ang epekto ng magandang pamumuno at paglilingkod sa komunidad 3. Nahihinuha ang epekto ng di magandang pamumuno at paglilingkod sa komunidad 4. Nakapagbibigay ng mungkahi kung ano ang mga maaaring gawin upangn palakasin ang tama, maayos at makatwirang pamumuno II. Paksang Aralin Paksa: Epekto ng Pamumuno sa Komunidad Kagamitan: larawan, modyul Integrasyon: ESP III. Pamamaraan A. Panimula 1. Awit sa himig ng Magtanim ay Di-Biro. 2. Ano-ano ang katangian ng isang pinuno sa awit? Ano ang bunga kung ang pinuno ay may ganitong katangian? B. Paglinang 1. Sagutan ang Alamin Natin sa LM, p. 197. 2. Talakayin ang mga kasagutan. Hingin ang saloobin ng mga mag-aaral sa uri ng pamumuno sa kanilang komunidad. 3. Basahin ang talata tungkol sa “Epekto ng Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad”. Pag-aralan ang larawan ng epekto ng mabuting pamumuno at di-mabuting pamumuno. 4. Nagkaroon na ba sa inyong komunidad ng di-mabuti ang pamumuno ng kapitan/punongguro ng paaralan? Anong nangyari? 5. Ano ang epekto ng maganda at di-magandang pamumuno at paglilingkod sa komunidad? 6. Gawin ang mga Gawain A at Gawain B sa LM, p. 199-200. 7. Iulat ang ginawa ng bawat pangkat. 8. Gawin ang Gawain C sa LM p. 201. 9. Iwasto ang sagot ng mga Bata. 10. Gabayan ang klase sa pagbuo ng paglalahat. Basahin ang Tandaan Mo sa LM. IV. Pagtataya Sagutan ang Natutuhan Mo sa LM, p. 203. V. Culminating Activity 1. Pumili ng isang lingkod-bayan sa iyong komunidad na iyong hinahangaan. 2. Gumawa ng isang maikling salaysay tungkol sa kanya; 3. Bakit mo siya hinahangaan/nagugustuhan? 4. Ano ang kanyang ginagawa?