Uploaded by New Nu

Noli Me Tangere Script - Rizal

advertisement
MGA TAUHAN:
IBARRA, MARIA CLARA, PADRE SALVI, PADRE DAMASO, PADRE SIVYLA, KAPITAN TIYAGO,
TINYENTE GUEVARA, DOÑA VICTORINA, SISA, BASILIO, ALALAY, ALALAY2, GWARDYA, ELIAS,
SCENE 1
Tahimik si Maria Clara habang binabasa ang mga sulat na ipinadala ng kanyang minamahal na Crisostomo
Ibarra noon.
MARIA CLARA: Mahal kong Maria Clara. Hay, nakakakilig!
KAPITAN TIYAGO: (lalapit) Anak ko, hindi ka ba nagsasawa sa pagbabasa sa mga sulat ni Crisostomo
Ibarra?
MARIA CLARA: Hindi po, Papa. Pwede akong mamuhay araw-araw na ito lang ang aking binabasa. Ang
kanyang mga sulat, para sa akin, ay parang tinapay. Binubusog nito ang aking puso’t kaluluwa. Kailan kaya
siya babalik ulit? (malulungkot)
KAPITAN TIYAGO: Anak ko, huwag ka sanang mabibigla sa aking ibabalita.
MARIA CLARA: Ano po iyon, Papa?
KAPITAN TIYAGO: Si Ibarra, babalik na sa Pilipinas!
MARIA CLARA: (magugulat) Ha?! Talaga?! (titili, yayakapin si Kapitan Tiyago ng mahigpit) Kurutin niyo po
ako Ama! Sampal-sampalin niyo na din ako para malaman kong hindi lang ito isang matamis na panaginip!
KAPITAN TIYAGO: Hindi ka nananaginip, anak, hindi ka nananaginip. (nakangiti)
MARIA CLARA: (yayakapin ulit si Kapitan Tiyago ng mahigpit) Angsaya-saya ko, Ama. Mas masaya pa
kaysa sa mga ibong nagsisikantahan tuwing umaga! Kailan po siya babalik?
KAPITAN TIYAGO: Sa susunod pa na linggo. Maghahanda ako ng salu-salo para sa kanyang pagbalik.
MARIA CLARA: (uupo at mapapaiyak) ...
KAPITAN TIYAGO: O anak, huwag ka namang malulungkot.
MARIA CLARA: Hindi po, ama. Tears of joy po ito. Nakapaghintay na ako ng pitong taon para sa kanya,
ano pa kaya ang pitong araw lang? (yayakapin ulit si Kapitan Tiyago) Masaya po talaga ako, Papa.
Masayang-masaya.
KAPITAN TIYAGO: Masaya din ako para sa iyo, anak.
SCENE 2
Sa isang salu-salo na na inihanda ni Kapitan Tiago para kay Ibarra, nakatayo sina Padre Damaso at Padre
Sivyla, nag-uusap.
PADRE DAMASO: Tch! Mga mangmang talaga ang mga Indiyo! At pinatunayan iyon ng aking
dalawampung na paglilingkod sa bayan ng San Diego. Wala silang modo at nakakabwisit! Tch!
Makasalanan sila at hindi man lang nila alam mangumpisal!
PADRE SIVYLA: Padre Damaso, tayo’y nasa bahay ng isang Indiyo.
PADRE DAMASO: Bah! Ano naman ngayon? Totoo naman talaga na mga mangmang sila! Tch!
Darating sina Kapitan Tiyago at Crisostomo Ibarra.
KAPITAN TIYAGO: Magandang gabi sa inyo. (magmamano sa mga padre) Ikinagagalak kong ipakilala sa
inyong lahat ang anak ng aking yumaong kaibigan. Siya si Crisostomo Ibarra!
IBARRA: Magandang gabi po sa inyong lahat. (makikipagkamay sa lahat) (makikilala si Damaso) Ah! Padre
Damaso! Isang matalik na kaibigan ng aking ama!
KAPITAN TIYAGO: (hindi sasagot, nakasimangot)
IBARRA: (inulit) Isang matalik na kaibigan ng aking ama!
PADRE DAMASO: Hindi ako bingi! ... Narinig ko ang iyong mga sinabi pero nagkakamali ka! Hindi ko
naging kaibigan ang iyong ama!
IBARRA: Ah, paumanhin po.
TINYENTE: (lalapit kay Ibarra) Ikaw ang anak ni Don Rafael Ibarra?
IBARRA: Hindi po kayo nagkakamali.
TINYENTE: Maligayang pagbabalik galing sa Europa. Kilala ko ang iyong ama.
KAPITAN TIYAGO: (lalapit) Tama na muna ang pag-uusap dahil nakahanda na ang inyong hapunan.
(aalis)
DOÑA VICTORINA: (dadaan sa harap ni Ibarra) ...
IBARRA: Ano ba naman si Kapitan Tiyago... Hindi lang ako ipakilala sa mga babae. (lalapitan si Doña
Victorina) Magandang gabi. Ako si Crisostomo Ibarra.
DOÑA VICTORINA: (ngingiti lang, maflaflatter, tuloy sa pagpaypay) ...
TINYENTE: (maglalakad at maaapakan ang palda ni Doña Victorina)
DOÑA VICTORINA: (nabwisit) Ay, ano ba? Ganyan ba ang tamang trato sa isang meztisa? Bulag ka ba?
TINYENTE: Hindi naman ako bulag. Sa katunayan, mas malinaw pa ang akin mata. Pinagmamasdan ko
lang kasi iyang buhok mong kulot.
DOÑA VICTORINA: Ay! Alam kong maganda ako. Pero hindi ibig sabihin ay pwede mo nang binyagan ang
mamahaling saya ko!
Uupo sina Ibarra, Doña Victorina at Kapitan Tiyago. Uupo na sana si Padre Sivyla sa isang silya pero
lumapit din si Padre Damaso sa silyang iyon.
PADRE SIVYLA: Ah, Padre Damaso. Sige, dito ka na maupo.
PADRE DAMASO: Hindi, ituloy mo na ang iyong planong umupo sa silyang iyan.
PADRE SIVYLA: Sige na, matatanggap ko naman kahit ikaw ang umupo dito.
PADRE DAMASO: Hindi, ikaw ang nararapat kaya ikaw ang maupo diyan.
PADRE SIVYLA: Ikaw ang mas malapit sa Pamilya Santiago. Sige na, maupo ka na’t huwag ka nang
mahiya.
PADRE DAMASO: Pero ikaw ang padre sa lugar na ito.
PADRE SIVYLA: Ay, umalis ka na nga at ako na nga lang ang uupo! (uupo)
PADRE DAMASO: Tch! (uupo sa ibang silya)
PADRE SIVYLA: (Kay Ibarra) Kailan ka ba pumunta sa Europa?
IBARRA: Pitong taon pong nakakaraan.
PADRE SIVYLA: Nakalimutan mo na siguro ang tungkol sa ating bansa.
IBARRA: Sa totoo lang, lagi kong iniisip ang Pilipinas. Ako yata ang nakalimutan na ng bansang ito. Ilang
buwan na akong hindi nakatanggap ng balita. Hindi ko tuloy alam kung paano namatay ang aking ama.
DOÑA VICTORINA: Ano naman ang pinagamandang lugar na nabisita mo?
IBARRA: Pinag-aralan ko ang bawat bansa at nalaman kong may pagkapareho ang tema ng kabuhayan,
pulitiko at relihiyon at nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng
kasaganahan o paghihikahos nito.
PADRE DAMASO: Iyan lamang ang nalaman mo? Sinayang mo lang pala ang iyong pera sa pagpunta sa
mga walang kwentang lugar! Kung itatanong ang mga bata’y siguradong alam din nila iyan.
IBARRA: (tatayo) Mauuna muna ako. Kakarating ko lang kanina at may mga bagay pa akong kailangang
asikasuhin.
KAPITAN TIYAGO: Hindi ako papayag! Malapit nang dumating si Maria Clara.
IBARRA: Pupuntahan ko siya ng umaga bukas. Pakisabi na lang po sa kanya. (magbobow at aalis)
PADRE DAMASO: Nakita niyo ba iyon? Nakita niyo? Ganyang kabastusan ang mapag-aaralan niyo kapag
pupunta din kayo sa Europa. Kung hawak ko lang ang gobyerno, ipagbabawal ko ang magpunta doon! Tch!
SCENE 3
Naglalakad si Ibarra sa isang kalye. Pagmamasdan niya ang paligid-ligid.
IBARRA: Hay, pitong taon akong nawala at wala man lang masyadong nagbago dito! Nakakalungkot.
May biglang magpapatong ng kamay sa kanyang balikat.
IBARRA: (magugulat at mapapalilingon) !
TINYENTE: Binata, naging kaibigan ako ng iyong ama.
IBARRA: Mukhang kilala niyo nga aking ama. Pwede ko bang itanong kung paano siya namatay?
TINYENTE: Hindi mo alam? Alam mo naman siguro kung saan siya namatay.
IBARRA: Hindi ko din po alam.
TINYENTE: Wala man lang bang nagsabi sa iyo na namatay siya sa bilangguan?
IBARRA: Sinong namatay sa bilangguan?
TINYENTE: Ang iyong ama!
IBARRA: (sobrang magugulat) ! Ano?! Anong sinasabi niyo?! Inaasar niyo ba ako? (hihinahon)
Nagkakamali po siguro kayo. Kilala niyo ba ama ko? (hahawakan ang braso ni Tinyente)
TINYENTE: Hindi ba sabi mo kanina’y ikaw ang anak ni Don Rafael Ibarra?
IBARRA: Ba... Bakit siya namatay sa bilangguan?
TINYENTE: Kahit marangal ang iyong ama, nagkaroon din siya ng mga kaaway. Merong isang artilyero na
humabol sa mga batang nang-aasar sa kanya. Kamalasan, nakialam ang iyong ama. Maya-maya’y
namatay ang artilyero dahil sa apoplexy. Napagbigtangan ang iyong ama. Dahil sa kanyang mga kaaway,
hindi siya nakalaya. At sa kasamaang palad, sa bilangguan na siya namatay.
IBARRA: (hihingal, makakaramdam ng sobrang galit) Bakit ngayon ko lang ito nalaman?
TINYENTE: Nakikiramay ako.
IBARRA: (iiwanan si Tinyente)
SCENE 4
Sa sumunod na araw, nagkita muli sina Ibarra at Maria Clara. Ito ang una nilang pagsasama simula noong
nagbalik siya sa Pilipinas. (Nakaupo sila.)
MARIA CLARA: Crisostomo, my one and only Crisostomo. Sa dinami-rami ng mga babaeng nakilala mo sa
iba’t ibang bansa, hindi mo ba ako nakalimutan?
IBARRA: Makakalimutan ba kita? (pagmamasdan ang mga mata ni Maria Clara) Wala akong
kapangyarihan na ika’y hindi isipin. Tingin ko ang poetic incarnation ng aking bansa ay walang iba kundi
ikaw.
MARIA CLARA: Lagi din kitang naiisip. Kahit na ipilit kong alisin ka sa aking isip ay hindi ko magawa.
Naaalala ko iyong mga times na nag-aaway tayo. Naalala mo nung isang araw na nagalit ka? Naglagay ng
korona ng orange na bulaklak sa ibabaw ng aking ulo. Pero kinuha iyon ng nanay mo at pinagdidikdik para
gawing gogo. Umiyak ka nun pero tumawa ako kaya nagalit ka sa akin...
IBARRA: (hahalikan si Maria Clara sa pisngi)
MARIA CLARA: Noong inihatid mo ako sa amin, naglagay ako ng korona ng dahon sa ibabaw ng iyong ulo.
Natuwa ka’t nagpasalamat. Kaya iyon, nagbati na tayo ulit!
IBARRA: (ngingiti) May ipapakita ako sa iyo. (bubuksan ang kanyang libro at kukunin ang papel na may
mga dahon-dahon. Tuyo na ang mga dahon pero mabango pa rin) ...
MARIA CLARA: ?
IBARRA: Ito ang mga dahong inilagay mo sa ibabaw ng ulo ko.
MARIA CLARA: (na-touch) Ay, tinago mo pa pala iyon. Siguro nga’y napakaimportante ako sa iyo. Ako nga
din eh, memorize ko pa rin iyong sulat na pamamalam na binigay mo sa akin noon. Nakasulat doon...
Mahal kong Maria Clara, ikinalulungkot ko na kailangan ko nang umalis. Sinabi kasi ng... (napatigil dahil
mukhang kanina pa naiinip si Ibarra) Naboboring ka na ba sa akin?
IBARRA: Pasensya ka na, mahal ko. Dahil sa iyo, nakalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan kong
puntahan ang puntod ng aking ama. (tatayo)
MARIA CLARA: (sigh) Ah, ganon ba? (magpupulot ng bulaklak at tatayo) Eto, ilagay mo iyan sa puntod ng
iyong ama. (yayakapin ng mahigpit si Ibarra. Pagkatapos ay, pinagmasdan nila ang isa’t isa.)
MARIA CLARA: Mag-ingat ka.
IBARRA: Mag-iingat ako para sa iyo, mahal ko. (aalis)
MARIA CLARA: (mapapaupo at malulungkot) ... Pitong taon na nga kaming hindi nagsama tapos... itong
pag-uusap namin... hindi lang niya pinatagal ng pitong minuto. (iiyak)
(Darating si Damaso)
PADRE DAMASO: Maria Clara, umiiyak ka ba?
MARIA CLARA: (tatayo, pupunasan ang luha) Ah, hindi po, Padre Damaso.
KAPITAN TIYAGO: (lalapit) Padre Damaso, nandito ka pala.
PADRE DAMASO: Santiago, kailangan nating mag-usap sa loob ng iyong opisina.
KAPITAN TIYAGO: (kakabahan) Uh... O sige...
MARIA CLARA: (pagmamasdan lang sila, hindi naintindihan kung ano ang talagang nangyayari)
SCENE 5
Sa sementeryo ng San Diego, may isang lalakeng humuhukay. Lalapit si Ibarra at ang kanyang alalay.
ALALAY: Nandiyan ang puntod ng iyong ama, sa likod ng malaking krus, Señor.
(Pinagmasdan ng alalay ang puntod sa likod ng krus at medyo nalito)
ALALAY: Naalala ko dito iyon pero nasira na ang lupa.
IBARRA: (galit na titingin sa alalay) !
ALALAY: (medyo natakot, titingin sa manghuhukay) Nasaan iyong puntod na may markang krus na katulod
nito. May mga bulaklak ding tumutubo doon.
MANGHUHUKAY: (kakamutin ang ulo) Ah, iyong krus na sinunog ko.
ALALAY: Sinunog? Bakit?!
MANGHUHUKAY: Dahil inutos iyan ng padre.
IBARRA: (maiinis, ituturo ang noo ng manghuhukay) Maipapakita mo naman siguro sa amin ang puntod.
MANGHUHUKAY: (kaswal) Wala na doon ang bangkay.
IBARRA: (magugulat) Ano? (bubuga ng hangin) Anong sinabi mo?
ALALAY: Tanga ka ba? Wala pang isang taon lumipas simula noong inilibing iyon!
MANGHUHUKAY: Inutusan lang ako ng padre. Sabi niya’y dalhin ko daw sa sementeryo ng mga Intsik. Ini
—
IBARRA: (biglang hahawakan ang braso ng manghuhukay, galit) Ginawa mo iyon?!
MANGHUHUKAY: Huwag kayong magalit, Señor. Hindi ko iyon inilibing sa sementeryo ng Intsik.
IBARRA: (bibitawan ang manghuhukay) Buti naman at hindi mo iyon ginawa.
MANGHUHUKAY: Umuulan kasi nun kaya tinapon ko na lang sa ilog.
IBARRA: (magagalit) Ano?! Napakalaki mong inutil! (itutulak ang manghuhukay) Leche!
(Aalis sina Ibarra at ang kanyang alalay, parehong galit ang mukha. Makikita ni Ibarra si Padre Salvi)
IBARRA: (sisigaw, hahawakan ang padre sa braso) Walang hiya ka! Anong karapatan mong gawin iyon sa
akin ama?
PADRE SALVI: Bitiwan mo ako! Hindi ako ang nagpakulong sa kanya.
IBARRA: Hindi iyon! Ipinahukay mo siya at ipinalipat sa ibang sementeryo!
PADRE SALVI: Ano? Hindi ako ang gumawa nu’n.
IBARRA: Kung hindi ikaw, sino?!
PADRE SALVI: Wala nang iba kundi si Padre Damaso.
(Bibitiwan ni Ibarra si Padre Salvi at tuluyan ng lumayo.)
SCENE 6
Sa isang simpleng bahay, kumakanta si Sisa habang hinihintay ang mga anak.
SISA: (naiiyak) “Ang dapat na kainin ng mga anak ko ay kinain na ng asawa ko. Inubos lahat niya, wala
man lang siyang tinira.”
(May kumatok sa pinto)
BASILIO: Inay, inay!
SISA: (bubuksan ang pinto, matutuwa) Ang anak ko!
BASILIO: Huwag kayong matakot, inay. Nasa simbahan si Crispin.
SISA: Anong ginagawa niya doon? (mapapansin ang mga sugat sa ulo ni Basilio) Ah! (yayakapin si Basilio
at hahalikan ang ulo nito) Anong nangyari sa iyo, anak ko? Nadapa ka ba?
BASILIO: Binaril po ako ng gwardya.
SISA: (yayakapin ulit si Basilio) Buti na lang at naligtas ka! ... Bakit pala nasa simbahan si Crispin?
BASILIO: Pinagbigtangan po siyang nagnakaw ng dalawang onsa
SISA: Nagnakaw? Mabait si Crispin. Hindi por que mahirap tayo ay tayo na dapat ang kanilang
pagbibigtangan!
BASILIO: Inay, paano kaya kung kausapin ko iyong anak ni Don Rafael Ibarra para matulungan tayo? Ayaw
ko nang maging sakristan. Magiging pastol ako ng baka’t kalabaw. Kapag malaki na ako, hihiling ako kay
Ibarra ng lupa. Pag-aaralin din natin si Crispin sa Manila. Aahon din tayo sa hirap, Inay.
SISA: (natutuwa) Oo, oo, Anak.
SCENE 7
Pumasok si Sisa sa simbahan, may dalang basket ng mga gulay.
SISA: Saan ko pwedeng ilagay ito?
ALALAY2: Kahit saan!
SISA: (ibababa ang basket ng mga gulay) Nandito ba si Crispin?
ALALAY2: Ah, si Crispin? Nandito siya kanina pero tumakas siya kasama ang kanyang mga ninakaw.
Papunta na siguro sa bahay niyo ang mga gwardya.
SISA: (ibubuka ang bibig pero wala siyang nasabi)
ALALAY2: Hanapin mo na ang mga anak mo. Palibhasa kasi, barumbado ang kanilang ama.
SISA: (maiiyak)
ALALAY2: Huwag kang iiyak dito! Umiyak ka sa labas!
(Lalabas siya at makikita siya ng isang gwardya)
GWARDYA: Sabihin mo ang totoo at kung hindi’y itatali ka namin sa puno at babarilin ka namin.
SISA: (Pagmamasdan ang puno) ...
GWARDYA: Ikaw ang ina ng mga magnanakaw.
SISA: Ina ng mga magnanakaw?
GWARDYA: Nasaan na ang perang ninakaw ng anak mo kagabi?
SISA: Hindi nagnanakaw ang aking mga anak, kahit sila’y nagugutom. Hindi por que mahirap kami ay kami
na agad ang iyong pagbibigtangan! Hindi lahat ng mahirap, magnanakaw!
GWARDYA: Sumama ka sa amin!
SISA: Ah, ah! Bitiwan niyo ako! (pinakawalan ang sarili)
Mabilis na tumungo si Sisa sa kanyang bahay.
SISA: Crispin! Basilio! Nasaan kayo? (haharap sa ibang side) Crispin! Basilio! ... (haharap sa ibang side)
Crispin! Basilio!
(May makikita siyang telang duguan)
SISA: Ito... Ito iyong... damit ni Basilio. (hahagulhol, iiyak) Hindi, hindi ito maaari! (sisigaw ng malakas)
Hindi! Hindi pwede! Basilio! (patuloy sa pag-iyak, manginginig na lilingon sa ibang side) ...
(maya-maya’y magsisimula na siyang tatawa) (tatawa na siya ng tatawa) (maya-maya’y magsasabay ang
kanyang iyak at tawa)
SCENE 8 REVISED
Nakasakay sa bangka sina Ibarra, Maria Clara at Elias. Nangingisda si Ibarra at nagmamaneho si Elias.
Nakaupo lang si Maria Clara at pinaglalaruan ang tubig.
MARIA CLARA: Mahal kong Crisostomo, masaya talaga ako. Hindi ko ito inasahan na yayayain mo akong
mangisda.
IBARRA: (busy sa pangingisda) Ikaw ang mahal ko, sino pa nga ba ang yayayain ko kung hindi ikaw?
MARIA CLARA: Siguro para sa iyo, ako’y isang tubig. Tubig na kapag hindi mo ininom ay hindi mo
makakanayan.
IBARRA: Ganon na nga, mahal ko.
MARIA CLARA: (mapapansin ang lungkot ni Ibarra) Bakit, mahal ko? (hahawakan ang dibdib ni Ibarra)
Masama ba ang pakiramdam mo?
IBARRA: May mga naaalala lang ako, mahal ko.
MARIA CLARA: Tungkol ba sa ginawa ni Padre Damaso sa iyong ama? (tatango si Ibarra) Nakausap mo
na ba si Padre Damaso? (paglalaruan ang tubig)
IBARRA: Para saan pa. Ang nangyari ay nangyari na at hindi na iyon babalik pa.
MARIA CLARA: Maghihiganti ka ba?
IBARRA: Bakit pa? Kapag maghihiganti ako’y hindi na maibabalik ang dati. Tuloy lang ako sa aking plano.
Tuloy pa rin ako sa pagpapatayo ng eskwelahan para sa aking ama.
MARIA CLARA: (may mahahawakang magaspang sa tubig, titingin siya at malalaman niyang ulo ng
buwaya pala ang kanyang hinahawakan, sobra siyang magugulat) Ah, ah, ah! BUWAYA! (tatayo)
(Magkakagulo! Aaatakehin sila ng buwaya. Papalu-paluin ni Elias ang buwaya gamit ang sagwan.)
MARIA CLARA: (yayakapin si Ibarra ng mahigpit) Mahal ko, natatakot ako! Sobra akong nagulat na katulad
ng paggugulat ko sa panonood ng isang nakakatakot na palabas!
IBARRA: Huwag kang matakot, mahal ko! Basta’t nandito ako, wala nang ibang makakahawak sa iyo.
MARIA CLARA: O, Crisostomo!
IBARRA: Maria Clara!
(Mahuhulog si Elias galing sa bangka, pati na din ang sagwan! Aatakehin na siya ng buwaya!)
MARIA CLARA: (nakayakap pa rin) Mahal ko! Ahhh! Ano nang gagawin natin? (ituturo si Elias) Pakiramdam
ko’y aatakehin na ang aking puso!
IBARRA: Huwag kang matakot, mahal ko. Ililigtas ko siya. (bibitawan si Maria Clara)
(Kukuha si Ibarra ng kutsilyo. Sisisid siya at isasaksak-saksak niya ang buwaya. Mamamatay ang buwaya.
Kinuha niya ang kamay ni Elias at bumalik sila sa bangka)
MARIA CLARA: (mapapaupo, maiiyak) Mabuti na lang, mabuti na lang, nailigtas mo siya, mahal ko! Natakot
talaga ako!
IBARRA: (Kay Elias) Ayos ka lang ba?
ELIAS: Ayos lang ako, Señor Ibarra. Maraming salamat talaga. Utang ko sa iyo ang buhay ko.
IBARRA: Sa susunod ay mas mag-ingat ka, Elias. Hindi naman sa araw-araw ay nakakasama kita kaya
hindi kita matutulungan sa tuwing ika’y mapapahamak. Ingatan mo ang sarili mo, okay?
ELIAS: Kung wala ka ay siguro’y napatay na ako ng buwaya. Maraming salamat ulit. Sa susunod na ikaw
naman ang mapahamak, ay ikaw din naman ang aking tutulungan.
IBARRA: Sige, Elias, tulungan natin ang isa’t isa. Huwag kang mahiyang lumapit sa akin kung sakaling
balang araw, kakailanganin mo muli ako.
ELIAS: Ganon din ako sa iyo. Tawagin mo lang ako kapag ako naman ang kailangan mo.
(Magyayakapan sila.)
SCENE 9
Maya-maya’y nagpipiknik sina Ibarra, Maria Clara, Tinyente Guevara at Padre Salvi. Nakaalis na si Elias.
IBARRA: (haharap kay Tinyente at Padre Salvi) Kumain lang po kayo, Tinyente at Padre Salvi. Maraming
salamat at tinanggap niyo ang aking alok na dumalo sa aking maliit na salu-salo.
PADRE SALVI: Ibarra, nalaman mo ba iyong tungkol sa kriminal na umatake kay Padre Damaso kahapon?
IBARRA: Sinong kriminal?
PADRE SALVI: Iyong umatake kay Padre Damaso kahapon!
(Lahat magugulat!)
TINYENTE: Inatake si Padre Damaso?
PADRE SALVI: Oo... Nagpapahinga pa rin siya sa kama. Ang sinabing gumawa nun ay si Elias.
IBARRA: (magugulat) Sino? Si Elias?! Nagkakamali kayo siguro.
MARIA CLARA: (Kay Ibarra) Si Elias na nagmaneho sa bangka natin kanina?
PADRE SALVI: Kasama niyo siya kanina? Malaking katangahan ang ginawa niyo!
MARIA CLARA: Hindi ko naisip na kriminal pala iyong kasama namin kanina. Mukha kasing hindi.
TINYENTE: Mabuti’t hindi kayo nasaktan!
(Dadaan si Sisa)
SISA: (kumakanta) ...
IBARRA: Pakainin natin siya.
SISA: Madilim ang gabi at wala ang mga anak.
IBARRA: Sisa ang pangalan niya, ‘di ba?
TINYENTE: Iyan iyong ina ng lalakeng pinagbigtangan ng magnanakaw. Ngayo’y hindi niya pa rin mahanap
ang kanyang mga anak.
MARIA CLARA: Kawawa naman siya.
(Aalis si Sisa)
MARIA CLARA: (tatayo, may ylang-ylang sa ulo) Sige Crisostomo at sasamahan ko na ang aking mga
kaibigan. Maliligo na din ako.
IBARRA: Sige, mahal ko, maligo kang mabuti.
MARIA CLARA: (titingin sa iba) Maiwan ko na muna kayo.
TINYENTE: Sige, sige.
PADRE SALVI: (tatayo din) Kailangan ko na ding umalis.
Nagsimulang maghubad si Maria Clara. Higit sa kanyang kaalaman, pinagmamasdan siya ni Padre Salvi.
(Magbabate si Padre Salvi habang pinagmamasdan si Maria Clara.)
SCENE 10
Muntikan nang namatay si Ibarra pero salamat kay Elias ay hindi iyon nangyari. Umuwi siya ng bahay para
magbihis. Noong tapos na siya’y nagbihis, lumapit ang kanyang alalay.
ALALAY: (lalapit) Señor Ibarra, may bisita po kayo.
IBARRA: Papasukin mo.
ALALAY: (magbobow at aalis)
(Darating si Elias, magugulat si Ibarra.)
IBARRA: Elias?
ELIAS: Niligtas mo ang buhay ko noon kaya niligtas ko din ang sa iyo. Pero... kalahati pa lang ang
nabayaran kong utang sa iyo kaya’t huwag mo muna akong pasalamatan. May ipapagawa ako sa iyo.
IBARRA: Magsalita ka!
ELIAS: (pagmamasdan ang mga mata ni Ibarra) Huwag mong sasabihin sa iba ang tungkol sa mga
babalang sasabihin ko sa iyo.
IBARRA: Huwag kang mag-alala. Alam kong gusto ka nilang hulihin pero hindi kita ipapahuli.
ELIAS: Hindi ko iniisip ang sarili ko... Ikaw ang iniisip ko.
IBARRA: ? ... Anong... ibig mong sabihin?
ELIAS: Meron kang nakaraan. Ang iyong lolo at iyong ama’y may mga kaaway.
IBARRA: Kilala mo ang mga kaaway ko?
ELIAS: May kilala akong isa. Huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko. Iligtas mo ang iyong sarili para
sa kapakanan ng bansa. (magsisimulang aalis)
IBARRA: Kailan tayo ulit magkikita?
ELIAS: Kung kailan mo gusto. Basta kung kailangan mo ako, nandito lang ako para sa iyo. Para sa iyo,
gagawin ko ang lahat para iligtas ka! Babayaran ko ang utang ko sa iyo hanggang sa aking kamatayan.
IBARRA: Ganon din ako sa iyo, Elias!
SCENE 11
Nanananghalian sina Ibarra, Maria Clara, Kapitan Tiyago, Tinyente Guevara, Padre Salvi, Padre Sivyla at
Doña Victorina.
PADRE SALVI: Maitatawag niyo bang trabaho ang pagsesermon?
DOÑA VICTORINA: Aba’y oo naman!
KAPITAN TIYAGO: Paano mo naman nasabi?
DOÑA VICTORINA: Well, hindi niyo ba napapansin si Padre Damaso? Sa tuwing siya’y sumisigaw at
nagdadabog, siya’y tumataba!
Biglang darating si Padre Damaso kahit patapos na ang tanghalian. Lahat ay gulat pero lahat pwera si
Ibarra ay bumati sa kanya.
(Lahat pwera si Ibarra ay bumati kay Padre Damaso)
PADRE DAMASO: (nakangiti pero biglang manenerbyos noong makitang magkatabi sina Ibarra at Maria
Clara, uupo siya sa isang bakanteng silya sa tabi ni Ibarra) May pinag-uusapan ba kayo kanina? Ituloy niyo!
PADRE SIVYLA: Nabanggit lang kasi ni Señor Ibarra ang tungkol sa pagpapatayo niya ng paaralan noong
—
PADRE DAMASO: Ah, tungkol diyan pala! Wala akong alam tungkol sa architecture.
PADRE SIVYLA: Kapag paaralan kasi ang pinag-uusapan, kailangan natin ng expert—
PADRE DAMASO: Expert?! Wala na talagang mas tatanga sa mga Indiyo! Hindi ba nila alam kung paano
magtayo ng apat na dingding at maglagay ng bubong? Ano pa bang kailangan sa isang paaralan?
(Lahat titingin kay Ibarra.)
IBARRA: (medyo mahihiya kaya tumingin na lang kay Maria Clara) Mahal ko, angganda mo talaga.
MARIA CLARA: (matotouch) Salamat, mahal ko. Ang aking kagandahan ay parang bituin. Walang kupas
ang ningning.
PADRE DAMASO: Alam mo kasi, ang mga Indiyo, kapag may napag-aralan na sila, meron na silang titulo.
IBARRA: (titingin ng masama kay Padre Damaso)
PADRE DAMASO: Pero pupunta pa rin sila sa Europa para lang sayangin ang pera. Ang Diyos na ang
bahala sa kanila. Ang ama ng isa sa mga ahas na ito ay pinarusahan na ng Diyos. Siya ay namatay sa
bilangguan at saka— Ah!
(Napatigil si Padre Damaso dahil itinulak siya ni Ibarra. Natumba si Padre Damaso patalikod! Nagulat ang
lahat!)
IBARRA: (mga mata’y nanggigigil) Walang lalapit! (inilapit niya ang kanyang kutsilyo sa leeg ng padre gamit
ang kanyang paa) Walang lalapit kung ayaw niyo siyang mamatay!
(Magugulat ang lahat!)
MARIA CLARA: Mahal ko!
(Dahan-dahang tatayo si Padre Damaso. Hihilain ni Ibarra ang leeg nito pataas hanggang ito’y
nasuportahan na ng mga tuhod nito.)
(Lahat mapapasigaw ng Señor Ibarra pero walang gumalaw. Magpapanic ang lahat.)
(Itututok ni Ibarra ang kutsilyo sa leeg ng padre.)
PADRE DAMASO: Nagsasabi lang ako ng totoo! (lilingon kay Ibarra)
IBARRA: Hindi mo man lang nirespeto ang aking ama! Padre, ang bunganga mo’y puno ng kabanalan pero
ang puso mo’y puno ng pagmamalabis!
(Lalapit na sana ang iba pero—)
IBARRA: Huwag kayong lalapit! Akala niyo’y dudumihan ko ang aking kamay? (Lilingon kay Padre
Damaso) Akala mo ba, Padre, mas mataas ka sa ibang tao kaya may karapatan kang husgahan sila? Ang
ama ko ay marangal. Sinakripisyo niya ang kanyang sarili para sa akin at para sa kapakanan ng bansa!
Puro mabubuti ang kanyang ginawa... (Lilingon sa mga audience) Para sa taong ito, binuksan ni ama ko
ang kanyang pinto, pinaupo niya ito sa sariling lamesa, trinato niya itong kaibigan!
Pero anong ginawa ng taong ito? Pinagbigtangan niya ang aking ama, hinabol niya, pinakulong niya,
pinalipat niya ang bangkay, binastos niya ang ala-ala ng aking ama!!
(Biglang itataas ni Ibarra ang kanyang kamay para saksakin si Damaso pero agad sumingit si Maria Clara
sa pagitan nina Ibarra at Padre Damaso.)
MARIA CLARA: (naiiyak, yayakapin si Ibarra) Huwag mo itong gawin, mahal ko!
(Galit na pagmamasdan ni Ibarra si Maria Clara at unti-unting lalambot ang kanyang mga kamay. Hinayaan
niyang mahulog ang kutsilyo. Habang tinatakpan ang sariling mukha, iiwanan niya ang eksena.)
SCENE 12
Dahil sa nangyaring gulo sa pagitan nina Ibarra at Padre Damaso, hindi na natuloy ang pagpapatayo ni
Ibarra ng paaralan at nakapagpasya si Kapitan Tiyago na iurong na ang kasal nina Ibarra at Maria Clara.
KAPITAN TIYAGO: Para magkaroon tayo ng kapayapaan, iuurong ko na ang kasal niyong dalawa ni Señor
Crisostomo Ibarra.
MARIA CLARA: (naiiyak) Ama, huwag niyo po itong gawin sa akin! Mahal na mahal ko po si Crisostomo!
KAPITAN TIYAGO: Hindi na magbabago ang akin pasiya. Pero huwag kang mag-alala, anak ko, dahil
ikakasal ka pa rin.
MARIA CLARA: Ama!
(Maglalakad palapit sina Doña Victorina at Padre Damaso.)
PADRE DAMASO: Gusto kong pakasalan mo ang pinsan ng aking bayaw. Pamangkin ni Don Tiburcio de
Espadaña, si Alfonso Linares!
MARIA CLARA: Padre Damaso!
DOÑA VICTORINA: Bakit? Nag-aarte ka? Napakaswerte mo na dahil pumayag ang pamangkin kong
pakasalan ang isang babaeng hindi man lang nahigitan ang aking ganda!
MARIA CLARA: Doña Victorina!
DOÑA VICTORINA: (ituturo ang noo ni Maria Clara) Ikaw! Huwag mong tatanggihan si Linares kung ayaw
mong magkaroon ng gulo!
PADRE DAMASO: Maria Clara, iha, siya ang gusto kong pakasalan mo!
MARIA CLARA: Tumahimik kayong lahat! Anong karapatan niyong diktahan ang akin puso? Ang puso ko’y
nilikha para lang kay Ibarra! Si Ibarra lang at wala nang iba!
DOÑA VICTORINA: Sinisigawan mo ba kami?!
MARIA CLARA: Oo, dahil mga asar kayo! Dahil hindi niyo lang pinahalagahan ang puso ko!
DOÑA VICTORINA (sasampalin si Maria Clara)
MARIA CLARA: (matutumba) !
DOÑA VICTORINA: Napakabastos mong babae ka!
PADRE DAMASO: (uupo) Iha, makinig ka sa akin. Si Linares ang gusto kong pakasalan mo. Kung hindi ka
magpapakasal sa kanya, magmamadre ka! Anong pipiliin mo?
MARIA CLARA: (naiiyak) Anong karapatan niyong pagpilian ako?!
PADRE DAMASO: May karapatan ako... dahil ako... ang iyong tunay na ama!
MARIA CLARA: (mapapahingal sa sobrang gulat na para bang nasabugan siya ng bomba) !!!!
SCENE 13
Sa tulong ni Padre Salvi, pinagbigtangan si Ibarra sa krimeng hindi niya naman ginawa. Tinulungan siya ni
Elias tumakas. Nasa barko sila ngayon at nag-uusap.
ELIAS: (nagsasagwan) Señor, makinig ka. Itatago kita muna ngayon sa bahay ng kaibigan ko sa
Mandaluyong.
IBARRA: Para mamuhay kasama ang mga estranghero?
ELIAS: Para mamuhay kang mapayapa. May kaibigan ka sa Espanya.
IBARRA: Elias, naghirap ka dahil sa aking pamilya. At dalawang beses mong niligtas ang buhay ko. Malaki
ang utang na loob ko sa iyo... Pinayuhan mo akong umalis ng bansa. Kung ganon, sumama ka sa akin.
Mamuhay tayo na parang magkapatid.
ELIAS: (iiling) ...
IBARRA: (malulungkot) Totoong hindi ako magiging masaya sa aking bansa, pero pwede akong mamuhay
at mamatay sa Espanya para sa aking bansa.
ELIAS: Señor, nandito tayo noong isang buwan... at nasa ilalim din tayo ng parehong buwan. Pero ngayon
ka lang nasabi ng ganyan sa akin.
IBARRA: Nag-iiba ang tao, Elias. Bulag ako noon pero ngayon alam ko na ang katotohanan.
(May maririnig silang paparating)
ELIAS: Señor Ibarra, humiga ka!
(Hihiga si Ibarra. Tatakpan siya ni Elias ng bayong.)
ELIAS: Lilituin ko sila. Hahabulin nila ako. At ikaw, iligtas mo ang sarili mo.
IBARRA: Hindi... dito ka lang.
ELIAS: Magkikita tayo sa puntod ng lolo mo sa bisperas ng Pasko.
(Titingin si Elias sa paparating. Makikita siya ni Padre Salvi at Gwardya Civil)
PADRE SALVI: Hayun siya! Barilin mo na siya para mapasaakin na si Maria Clara!
GWARDYA: (babarilin si Elias)
Tumayo si Elias at tumalon sa dagat sabay sikad sa bangka. Sa tuwing siya ay lilitaw, pinapuputukan siya.
Pagkatapos ng kalahating oras, may bahid ng dugo na lumitaw sa tubig ng baybayin ng pampang.
SCENE 14
Nakatunganga lang si Maria Clara habang nakatingin sa isang dyaryong naglalahad na patay na si Ibarra
(Maglalakad palapit si Padre Damaso. Mabibigla si Maria Clara.)
PADRE DAMASO: (tuwang-tuwa) Iha, nagulat ba kita? Hindi mo ba inasahan na dadalaw ako sa kasal mo?
(ibibigay ang kamay)
MARIA CLARA: (magmamano) ...
PADRE DAMASO: Bakit, Maria? Malamig ang kamay mo. (kukunin ang dalawang kamay nito) Masama ba
ang pakiramdam mo? ... Sabihin mo sa akin kung anong problema. Alam mo namang mahal kita, ni hindi
nga kita napagalitan—
MARIA CLARA: (magsisimulang iiyak) ...
PADRE DAMASO: Bakit, anak? Dahil ba kay Linares?
MARIA CLARA: Hindi dahil sa kanya. (tatayo at luluhod para kay Padre Damaso) Mahal mo pa ba ako?
PADRE DAMASO: Anak...
MARIA CLARA: Kung mahal mo ako, protektahan mo ang aking ama at pilitin mo siyang iurong ang kasal
namin ni Linares!
PADRE DAMASO: ...
MARIA CLARA: Basta’t buhay siya, kaya kong magdusa at maghirap basta’t may naririnig ako tungkol sa
kanya... Pero ngayong pinatay na siya, wala na akong dahilan para mamuhay. Kung buhay siya’y
pakakasalan ko si Linares pero ngayong patay na siya, magmamadre na lang ako o kaya’y
magpapakamatay.
PADRE DAMASO: (yayakapin si Maria Clara, ang ulo nito’y nasa dibdib niya) Patawarin mo ako, anak, sa
mga kasalanan ko sa iyo. Pumayag akong makasal ka sa lalakeng hindi mo naman talaga mahal.
MARIA CLARA: Magmamadre na ako.
PADRE DAMASO: Anak! Hindi pwede! Kailangang maikasal ka sa ibang lalake dahil hindi kita
mababantayan magpakailanman!
MARIA CLARA: Magmamadre ako o mamamatay.
PADRE DAMASO: Anak, piliin mo na ang kahit sinong lalake, ayos lang sa akin.
MARIA CLARA: Pipiliin ko ang magmamadre!
PADRE DAMASO: (may mga luhang tutulo galing sa kanyang mga mata) Sige... kahit masakit sa aking
kalooban, magmamadre ka. Ayaw kong mamatay ka.
(tatayo) Totoo nga pala na may Diyos na nagpaparusa. Sana’y ako na lang ang parusahan at huwag ang
anak ko...
At marami pang nangyaring naganap sa orihinal na unang nobela ni Dr. Jose Rizal. Namatay si Sisa, may
umampon kay Basilio, nagdagdag ng mga kulot si Doña Victorina, tumuloy sa pamboboso si Padre Salvi,
nanirahan sa kabundukan si Padre Damaso, naadik sa apyan si Kapitan Tiago, naging madre si Maria
Clara at marami pang iba...
Pero dito na nagtatapos ang aming dula-dulaan. Sana’y kayo’y nasiyahan at sana’y kayo’y may natutunan.
Maraming salamat sa panonood.
Bryan Joe M. Cabugao
the_joe_files88@yahoo.com
Download