Retorikal na P ang-ugnay Retorikal na Pang-ungnay Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pangangkop, pang-ukol, at pangatnig. Retorikal na Pang-ungnay Pang-angkop (ligature) ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda sa pagbigkas ng mga pariralang pinaggamitan. Dalawang Uri ng Pang-angkop 1. Pang-angkop na na ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Isinusulat ito ng hindi magkadikit sa unang salita. Ito ay nagigitnaan ng salita at ng panuring. Halimbawa 1. Para sa matatag na ekonomiya ng bansa, kailangang maging higit na malaki ang produksyon ng pagkain. 2. Nangangilangan tayo ngayon ng higit na pagtitipid at kasipagan Dalawang Uri ng Pang-angkop 1. Pang-angkop na-ng ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Inilalagay ito sa unang salita. Halimbawa 1. May mga bagong alkaldeng hinirang ang Pangulo ng bansa. 2. Noong lunes siya nagsimula sa kanyang bagong trabaho. Retorikal na Pang-ungnay Pang-ukol (preposition) salitang nag-uuganay sa pangngalan sa iba pang salita. Halimbawa: ang/si, ng/ni/kay, ayon, para sa/kay isang Halimbawa 1. Bumili siya ng pagkain para sa ina 2. Ang balita raw tungkol kay Tony ay totoo. Retorikal na Pang-ungnay Pangatnig (conjuction) mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. 1. Pangatnig na pandagdag Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon. Halimbawa: at, pati Halimbawa Ang layunin ni Andres Bonifacio ay tulungan ang mga naaping Pilipino pati na rin ang pagpapalaya sa Pilipinas. Retorikal na Pang-ungnay Pangatnig (conjuction) mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. 2. Pangatnig na pamukod Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay. Halimbawa: o, ni, maging Halimbawa Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo. Retorikal na Pang-ungnay Pangatnig (conjuction) mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. 3. Pagbibigay sanhi/dahilan Nag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay-katwiran o nagsasabi ng kadahilanan. Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa Halimbawa Marumi sa Pilipinas sapagkat ang ibang Pinoy ay walang disiplina. Retorikal na Pang-ungnay Pangatnig (conjuction) mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. 4. Paglalahad ng bunga o resulta Nagsasaad ng kinalabasan o resulta. Halimbawa: bunga, kaya o kaya naman Halimbawa Marami ang walang hanapbuhay kaya laganap ang holdapan at iba pang masasamang gawain. Retorikal na Pang-ungnay Pangatnig (conjuction) mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. 5. Pagbibigay ng kondisyon Nagsasaad ng kondisyon o pasubali. Halimbawa: kapag, pag, kung, basta Halimbawa Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay. Retorikal na Pang-ungnay Pangatnig (conjuction) mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. 6. Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat Nagsasaad ng pag-iba, pagkontra o pagtutol. Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagamat Halimbawa Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay pinagalitan ako ni Nanay. Pagsasanay Tukuyin ang retorikal na pang-ugnay ng mga nakasalungguhit na salita. 1. Nasuot mo na ba ang damit na regalo ng iyong ninang? pang-akop 2. Naghahabulan sa bakuran ang aso at pusa ni Wesley sa labas. pangatnig 3. Nais kong pumasok sa trabaho ngunit may sakit ako. pangatnig 4. Ang kalikasan ay kailangang pangalagaan para sa ikabubuti ng lahat. pang-ukol 5. Masyadong tahimik ang mga daan ngayon dahil sa pandemiya. pangatnig 6. Gusto nang umuwi ng mga tao sa probinsiya subalit hindi pa maari ay dahil mapanganib. pangatnig 7. Ipinatupad niya ang panukalang ito para sa mga mamayang kanyang sinasakupan. pang-ukol 8. Gigising ako ng maaga bukas para maumpisahan ko na ang labada. pang-akop 9. Sinugurado ng pamahalaan na makararating ang tulong para sa mga mamamayan. pang-ukol 10. Ang Rehiyon XII ay isa sa mga masaganang rehiyon sa buong bansa.