Uploaded by Jyrah Vidal

Alegorya ng Yun-WPS Office

advertisement
Alegorya ng Yungib
May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa
kabuuan nito.Sila'y nanororoon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena
kung kaya't hindi sila makaglaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo. Ang "Alegorya
ng Yungib" ay isang sanaysay na ginawan ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang hirap o
suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag. Ang punto ng may akda ay
nagpapahiwatig siya upang makita niya ang isang anyo na dapat nating mabatid o hindi mabatid
tungkol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan sa yungib na
may lagusan patungo sa liwanag na sila'y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya
ay nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso
nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw
ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay. Ito ay hango sa mga tao sa panahon
ni Plato, mga taong walang alam at mga taong hindi kumikilos upang hanapin ang katotohanan at
karunungan. Sa kabilang banda, ito rin ay tungkol sa mga ilang tao noon na ginagamit ang
katalinuhan at kalakasang intelektwal upang manipulahin ang karamihan ng kanilang
nasasakupan.
INTRODUKSYON
Sanaysay mula sa Greece
Ang isang halimbawa nito ay Ang Alegorya ng Yungib.
Isinulat ito ni Plato kasama ang kanyang akdang The
Republic. Ipinapakita nito ang epekto ng edukasyon at
kawalan nito sa ating pamumuhay. Ito ay isinulat sa
pamamagitan ng dayalogo ng kanyang kapatid na si
Glaucon at ni Socrates. Ito ay isinalin ni Willita Enrijo
sa wikang Filipino.
Kasaysayang ng Mediterranean
Mga Panitikan
Ang Alegorya ng Yungib ay isang uri
ng sanaysay na gawa ni Plato, at isinalin
naman ni Willita A. Enrijo sa Filipino. Sa
Ingles ito ay Alegory of the Cave. Ang
layunin ni Plato sa paggawa nito ay ang
masaksihan ng mga tao ang hirap o
suliranin na naranasan ng mga tao sa
mundo upang makamit ang liwanag.
Mga May Akda
Ang Alegorya ng Yungib ay isinulat ni Plato na
isinalin sa wikang Filipino ni Willita A. Enrijo.Ang
sanaysay na Alegorya ng Yungib ay isang
salaysay na isinulat ni Plato na isang kilalang
awtor, iskolar, at isang pilosopo. Ayon sa
kaniyang akda, ay mga tao raw na nasa daigdig
ay nasa loob ng isang yungib o kweba sa
madaling sabi, na nakaharap sa dingding habang
gapos ng tanikala o kadena.
Plato- isinilang sa taong 428 BCE sa Athens, Greece. Siya ay isang pilosopong Griyego
at estudyante ni Socrates. Naging guro siya ni Aristotle at silang tatlo ni Socrates ay
itinuturing na pinakadakilang mga pilosopong Griyego na naglatag ng pundasyon ng
pamimilosopiyang Kanluranin. Natuklasan niya ang “Academy,” ang kauna-unahang
pormal na institusyon ng mas mataas na pagkatuto sa kanluran. Sumulat din siya ng
mahigit 30 diyalogo, kilalang Socratic dialogues dahil sa paggamit niya kay Socrates
bilang pangunahing tauhan sa mga akda, na naglalaman ng kaniyang mga kaisipan
tungkol sa pilosopiya, lohika, etika, retorika, relihiyon, at matematika. Ang ” Parabula
ng Kuweba” ay isa sa mga laman ng Socratic dialogues na “The Republic” kung saan,
tinatalakay ni Platon, sa pamamagitan ng tauhan niyang sina Glaucon(kanyang kapatid)
at Socrates, ang bisa ng edukasyon at ang kawalan nito sa kapaligiran. Sa tulong ni
Aristotle at Socrates si Plato ay nakatulong sa paggawa ng pundasyon ng kanluranin
pilosopo at agham.
Kasaysayan/ Buhay ng May Akda
Ginigising tayo ni Platon sa ating mahimbing na pagkatulog, at binabalaan
na delikado ang mabuhay sa paniniwala galing sa mga walang laman na
anino. Itinuturo niya ang direksyon ng talagang totoo. May bahid ng totoo
ang ating mga nakikita. Pero, hindi pa ito
ang talagang totoo. Parang sa turo ni Kristo. Nabubuhay nga tayo sa
mundo. Subalit, kailangan nating lumampas pa dito sapagkat hindi ito ang
tunay nating destinasyon. Ang isang taong nabubuhay sa katotohanan ay
kailangang mulat at naliliwanagan ng talagang totoo. hindi ito madali,
sang-ayon kay Platon. Isa itong mahirap at mahabang pagsasanay; kasama
dito ang pagtitiis sa mga panlalait at katatawanan. Subalit sa hulihan,
matatanaw ang totoo at mabuti.
Repleksyon
Download