ANG KWINTAS Ang Kwintas ay isinulat ni Guy de Maupassant o sa totoong pangalan na si Henry-René-Albert-Guy de Maupassant. Tungkol ito sa babaeng may kakaibang ganda na taglay ngunit hindi pa rin marunong makontento sa buhay. Ninais niyang magkaroon ng mga bagay na hindi kaya sa estado ng buhay niya at ng kaniyang asawa. Gayonpaman, dahil sa kaniyang mababaw na pananaw, nagdala ito ng kapahamakan sa sarili at mas lalo pa silang naghirap ng kaniyang asawa. INTRODUKSYON Ang pagpapahalaga sa kayamanan at materyal na bagay ay makikita rin sa ibang panitikang Pilipino. Makikita rin sa ibang kwento na lubos na pinapahalagahan ng tao ang kanyang imahe, at antas sa lipunan. Katulad ni Donya Victorina sa ‘Noli’ ni Jose Rizal, lagi niyang pinipilit na isa siyang Kastila para magmukhang mataas siya sa iba. KASAYSAYAN NG MEDITERRANEAN Mga Panitikan May Akda Kasaysayan ng may Akda Si Guy de Maupassant o sa totoong pangalan na si Henry-René-Albert-Guy de Maupassant, ay ipinanganak noong Agosto 5, 1850, at namatay noong Julyo 6, 1893. Siya ay isang naturalistang Pranses na manunulat ng maikling kwento at nobela na ayon sa ang pinakadakilang pangkalahatang kasunduan manunulat ng maikling kuwentong Pranses. Si Maupassant ang nakatatanda sa dalawang anak nina Gustave at Laure de Maupassant. Ang pag- angkin ng kanyang ina na siya ay ipinanganak sa Château de Miromesnil ay pinagtatalunan. Ang pangalawang anak na lalaki ng mag-asawa, si Hervé, ay isinilang noong 1856. Ang parehong mga magulang ay nagmula sa mga pamilyang Norman, ang ama ng menor de edad na aristokrasya, ngunit ang kasal ay isang pagkabigo, at ang mag-asawa ay permanenteng naghiwalay noong si Guy ay 11 taong gulang. Bagama't ang mga Maupassant ay isang malayang pag-iisip na pamilya, natanggap ni Guy ang kanyang unang edukasyon mula sa simbahan at sa edad na 13 ay ipinadala sa isang maliit na seminary sa Yvetot na kumuha ng parehong mga mag-aaral na layko at clerical. Nadama niya ang isang mapagpasyang antipatiya para sa ganitong uri ng buhay at sadyang inhinyero ang kanyang sariling pagpapatalsik para sa ilang maliit na pagkakasala noong 1868. Ang kwintas ay nagsasaad na may mga bagay na dapat pinahahalagahan at iniingatan. Ang pagiging maluho sa sarili ay nagbibigay lamang sa atin ng kapahamakan. Layunin nitong matuto ang mga mambabasa na maging kontento sa kung ano ang nasa sa atin na at maging totoo sa sarili, na mabuhay na may kontento sa puso at hindi uhaw sa atensyon ng iba. Ang buhay ng isang tao ay hindi dapat umiikot sa mga bagay o pera, dapat pa ring magpasalamat sa Maykapal kahit ano paman ang estado ng ating buhay. “Ang hindi marunong makuntento sa buhay ay hindi talaga magiging maligayang tunay.” Repleksyon Pasasalamat Nagpapasalamat ako sa Maykapal sa lahat ng biyaya na Kaniyang ibinigay. Sa aking magulang na pinalaki akong marunong makontento sa buhay. Sa aking mga kaibigan na tinutulongan ako kahit sa anong agos ng panahon. Sa aking sarili, dahil natutunan kong maging magpakumbaba at magpakatotoo. Sa may akda ng kwento, maraming akong natutunan dahil dito.