Uploaded by Des Rajeb

TG FILIPINO 8 Q3

advertisement
Doon tayo!
Bilang ng Modyul: 3
Modyul 3: Repleksiyon ng Kasalukuyan… Tungo sa Kinabukasan
Bilang ng Sesyon: 7 linggo
Paalala:
Ang Gabay ng Guro na ito ay magsisilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8. Naglalaman ito ng kumpletong mga
mungkahing gawain para sa bawat aralin at estratehiya na maaring gamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang bawat gawain sa isang
aralin ay nakabatay sa limang araw na panturo sa loob ng 50 minuto bawat sesyon. Iminumungkahi na higit na pagyamanin ng mga guro ang
mga mungkahing gawain at estratehiya na nakapaloob dito batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral upang sa gayo’y higit nilang
maunawaan ang bawat aralin at gawain sa Modyul 3.
Modyul Para sa Sariling Pagkatuto
I. Panimula at Mga Pokus na Tanong
Pamantayang Pangnilalaman sa
Pagtatapos ng Modyul 3:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa estilo, mekanismo,
pamamaraang tekniko, at mga
kaalamang teknikal ng mga panitikang
popular.
Pokus na Tanong para sa Modyul 3:
Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng
panitikan sa panitikang popular?
Bakit nagkaroon ng transpormasyon
mula sa tradisyonal na panitikang
Pilipino tungo sa panitikang popular?
Paano nakatutulong ang mga panitikang
popular sa pagpapaigiting ng
kamalayang panlipunan?
Pamantayan sa Pagganap sa
pagtatapos ng Modyul 3:
Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa
pagbuo ng kampanya tungo sa
kamalayang panlipunan (social
awareness campaign) sa pamamagitan
ng alinmang midyum ng multimedia.
Mahalagang Konsepto para sa Modyul
3:
Ang tradisyunal na panitikang Pilipino ay
salalayan ng buhay, at ang panitikang
popular
ay
pamamaraan
ng
pamumuhay.
Bunsod ng pagpapalitang kultural,
kapangyarihan ng teknolohiya, at
pangangailangan ng pamayanang
global, nagkaroon ng transpormasyon
ang panitikang Pilipino mula tradisyonal
tungo sa pagiging popular
Gabay sa Pagtuturo ng Modyul
Ang mga mag-aaral ay inaaasahang matututo ng
ilang mga pamamaraan sa pagbuo ng mga panitikang
popular sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito
(nakasaad sa pamantayang pangnilalaman) na kanilang
magagamit sa pagbuo ng isang produkto sa katapusan ng
kanilang pag-aaral (nakasaad sa pamantayan sa
pagganap)
Ang mga mahahalagang konseptong nakatala ay
ang konseptong nais maikintal sa isipan ng mga mag-aaral
sa pagtatapos ng aralin. Ito ang inaasahang magiging
sentro ng lahat ng gawain sa modyul.
Ang mga mahahalagang tanong ay naglalahad ng
mga
kaisipang
inaasahang
masasagot
sa
pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito.
II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito
Mga Aralin sa Yunit
Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang
Popular
a. Panitikan: Popular na Babasahin




Pahayagan (Tabloid)
Komiks
Magasin
Kontemporaryong Dagli
b. Wika: Antas ng Wika



Pormal
Di-pormal
Popular (Balbal)
Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng
Kulturang Pilipino
.
a. Panitikan:
b. Wika:
Opinyon at Talakayang Panradyo
Konsepto ng Pananaw
a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon
b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal
Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong
Panlipunan
a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni
Brillante Mendoza
b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
Sa pagtatapos ng bawat aralin, ikaw ay inaasahang:
Aralin 1:
Makapagbabahagi ng mga babasahing popular na
sumasalamin sa kultura at tradisyon sa kasalukuyang
panahon.
Ang mga araling nakatala ang magiging saklaw ng
mga magiging pagtalakay at mga gawain sa modyul na
ito. Ang bawat aralin ay nakatuon sa iba’t ibang aspekto
ng kulturang popular (kontemporaryong babasahin,
broadcast media at dokumentaryong pampelikula). Bawat
paksang nabanggit ay may kaakibat na aralin sa wika na
makatutulong sa lalong pagsusuri at pag-unawa sa mga
ito.
Aralin 2:
Makalilikha ng isang akdang naglalahad ng sariling pananaw
batay
sa
pamantayan
ng
isang
mapanagutang
mamamahayag.
Aralin 3:
Makapagpapamalas ng pag-unawa sa estilo, mekanismo at
kaalamang teknikal ng isang dokumentaryong pampelikula
bilang midyum sa pagbabagong panlipunan.
III. Mga Inaasahang Kasanayan:
MODYUL 3
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Pakikinig
Naililipat sa isang grapikong organayser ang mga impormasyong
napakinggan (transkoding)
 dayagram
 grap
 grid
Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag,
mensahe at teksto
Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood

Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinion at
personal na interpretasyon ng nagsasalita at nakikinig

Napag-iiba ang katotohahan (facts) sa mga hinuha
(inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng
nagsasalita at ng nakikinig /nanonood

Nailalahad ang mga pagkiling (biases, prejudices) at sariling
interes ng nagsasalita
Ang mga kasanayang nakatala ay ang mga
kasanayang inaasahang malilinang sa mga mag-aaral sa
pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito.

Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa teksto o
diskursong napakinggan/napanood

Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang
pahayag, mensahe at teksto
Pagsasalita
Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos
sa pananaliksik
Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon
at saloobin
Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/
pag-aatubili o pasubali
Pag-unawa sa Binasa
Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito
Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa:








paksa
layon
tono
pananaw
paraan ng pagkakasulat
pagbubuo ng salita
pagbubuo ng pangungusap
pagtatalata
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring
pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:

Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto

Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang
nakapaloob
sa teksto

Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng
- paksa
- tono
- layon
- estilo at
- gamit ng mga salita
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga
nangyayari sa:
 sarili
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig
Nakapagbibigay ng sariling kuru-kuro at mungkahi tungkol sa
alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod:
- HIV and Drug Prevention
- Peace Education
- Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad
- Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto
sa pamamagitan ng pagkilala sa:

Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag

Napagsasama-sama ang mga magkakasalungat na ideya

Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak
na bahagi nito
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring
pagbasa sa teksto

Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng:
- paksa/tema
- layon
- gamit ng mga salita
Pagsulat
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya
sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, pananaliksik
at panonood
 Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan
 Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon

Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng
isang dokumentaryong panradyo

Nakapipili ng isang napapanahong paksa

Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon

Nakabubuo ng maayos na balangkas

Naibabanggit nang wasto ang may-akda, personalidad,
organisasyong nagbibigay-kredibilidad sa mga kaisipang
ipinapahayag

Nagagamit ang mga
konsepto ng pananaw

Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala
ng kaugnayang lohikal
ekspresiyong
nagpapakilala
ng
Tatas
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal
na Filipino pasalita man o pasulat
Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong Filipino sa
pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat
Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon
Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at
kredibilidad
Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi
ng pagkakataon/sitwasyon
Pakikitungo sa Wika at Panitikan
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan
sa pag-aaral ng wika at panitikan
Hinaharap ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na may
kasiyahan at kasiglahan
Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral
ng wika at panitikan
Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang mga
natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan
Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik
Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga impormasyon
at
talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng pagaaral/pananaliksik

Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na
datos sa pananaliksik

Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga
sanggunian sa aklatan/Internet
Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t
ibang pinagkukunang sanggunian
Nailalahas nang maayos ang mga nalikom na impormasyon
sa isinagawang pananaliksik
Panonood
Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursong
Napanood

IV.
Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa
napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood
isang
Konseptuwal na Balangkas ng Modyul 3
REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN… TUNGO SA KINABUKASAN
Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa
Kultura at Panitikang Popular
a. Panitikan: Popular na mga Babasahin
 Pahayagan(tabloid)
 Komiks
 Magasin
 Kontemporaryong Dagli
b. Wika: Antas ng Wika
 Pormal
 Di-Pormal
 Popular (balbal)
Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng
Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino
a. Panitikan: Komentaryong Panradyo
Dokumentaryong Pantelebisyon
b. Wika:
Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang
Lohikal
Aralin 3.3 Dokumentaryong Pampelikula: Midyum
sa Pagbabagong Panlipunan
a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon
ni Brillante Mendoza
b. Wika:
Komunikatibong Gamit ng mga
Pahayag
Makikita sa konseptwal na balangkas ang magiging
tuon ng pagtalakay sa kabuuan ng modyul.
V.
Paunang Pagsusulit (Kalakip 3.1)
Ipasagot ang dalawampung aytem (20) na Paunang
Pagsusulit. Ipaliwanag ang panuto. Makabubuting
magsagawa ng item analysis pagkatapos na maiwasto ang
sagutang papel upang mataya kung aling kasanayan ang
lilinangin sa mga mag-aaral.
SUSI SA PAGWAWASTO PARA SA
PANIMULANG PAGTATAYA
1. A
2. C
3. C
4. C
5. D
VI.
Yugto ng Pagkatuto
ALAMIN:
Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Kung gayon, simulan na
natin ang iyong pag-aaral tungkol sa mga panitikang popular. Naisip mo na ba kung
paano naiba ang mga panitikan sa kasalukuyan sa mga tradisyunal na uri ng panitikan
na iyong natalakay sa mga naunang aralin?
Bakit nga ba nagkaroon ng
6. A
7. B
8. C
9. A
10. A
11. D
12. B
13. C
14. B
15. B
16. C
17. B
18. B
19. B
20. A
Maaaring hayaang maglahad ang mga mag-aaral
na kanilang mga opinyon kaugnay ng mga pagbabago sa
larangan ng panitikan sa ating bansa. Maaaring
paghambingin ang kalagayan ng panitikan noon at sa
kasalukuyan. Tanggapin lamang ang kanilang mga
magiging sagot. Hayaang matuklasan nila ang kasagutan
sa mga katanungan sa pag-usad ng pagtalakay.
transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular?
Bakit kailangang basahin at pag-aralan ang mga panitikang popular?
GAWAIN 1: Bugtungan, Dugtungan!
Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi ng
panitikang popular? Batid mo rin ba ang iba’t ibang midyum na ginagamit upang
Layon ng gawaing ito na mataya ang dating
kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa nilalaman ng
Modyul 3. Ipasagot ang bahaging ito sagutang papel.
Gayahin ang format. Maaaring gawing paligsahan sa klase
ang pagsagot sa mga bugtong.
maipahatid ang mga ito sa higit na nakararaming mamamayan? Tukuyin mo ang
inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo ang mga titik ng
iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle.
Mga Bugtong:
2
.
M
3
.
1P
.
6
.
4
.
5
.
T
D
L
B
T
7
.
G
– Pinipilahan ng mga manonood,
sa pinilakang tabing ito’y
itinatampok!
2 – Kahong puno ng makukulay na
larawan at usapan ng mga tauhan.
Tunay na kinagigiliwan ng kabataan!
3 – Kuwadradong elektronikong
kagamitan.Tampok ay iba’t ibang
palabas na kinaaaliwan!
4 – Sa isang click lang mundong
ito’y mapapasok na para mag-Fb,
Twitter o magsaliksik pa.
5 – Musika’t balita ay
napapakinggan na. Sa isang galaw
lamang ng pihitan, may FM at AM
pa!
6 – Maliit na dyaryong inilalako sa
daan; balita, tsismis at iba pa ang
laman.
7 – Pabalat nito’y may larawan pa ng
sikat na artista. Nilalama’y mga
artikulong tumatalakay sa iba’t
ibang paksa.
1
Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil may
ideya ka na sa iba’t ibang uri ng panitikang popular! Kung hindi naman, huwag
kang mag-aalala dahil tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama ang
iyong mga maling akala.
SUSI SA PAGWAWASTO PARA SA GAWAIN 1
1. Pelikula
2. Komiks
3. Telebisyon
4. Internet
5. Radyo
6. Tabloid
7. Magasin
Alam mo ba na...
Mayroong iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng
impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o
napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan
sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at
telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa
kulturang popular ng mga Pilipino sa ngayon.
GAWAIN 2: Alin, Alin ang PAGKAKAIBA?
Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga katangian ng mga nabanggit
na panitikang popular sa Gawain 1? Naisip mo ba ang pagkakaiba ng mga ito
sa mga tradisyunal na panitikan? Subukin naman nating isa-isahin ang mga
katangian ng panitikang popular at tradisyunal sa tulong ng gawain sa ibaba.
Isulat mo sa kahon ang mga katangian na sa iyong palagay ay taglay ng
panitikang popular at tradisyunal na panitikan. Bigyan mo ng pansin ang
paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito, wikang ginagamit at midyum na
ginagamit sa paghahatid nito sa mamamayan.
Tradisyunal na
Panitikan
Panitikang
Popular
Paksang Tinatalakay
__________________________
__________________________
_____
_________________________
_________________________
_______
Wikang Ginagamit
______________________
______________________
_____________
______________________
______________________
_____________
Paraan/Midyum sa
Paghahatid
____________________
____________________
_________________
______________________
______________________
_____________
Matapos masagutan ang crossword puzzle, hayaan
ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga
nalalaman kaugnay ng mga naitalang kasagutan.
Maaaring tanungin kung sila ba ay isa sa mga
tumatangkilik ng mga ito at kung bakit ang mga ito ay
popular sa kasalukuyan.
Maaaring isagawa ang gawaing ito nang
papangkat. Hayaang suriin ng mga mag-aaral ang
tradisyunal at popular na uri ng panitikan sa iba’t ibang
mga aspektong nabanggit (paksa, wika at paraan o
midyum). Maaari rin silang magtanghal o magbahagi ng
ilang mga halimbawa ng panitikan noon at sa kasalukuyan.
PAUNLARIN:
Sa bahaging ito ng modyul ay bibigyan natin ng pansin ang iba’t ibang uri ng
panitikang popular at ang iba’t ibang midyum na ginagamit sa pagpapalaganap nito. Sa
pamamagitan ng mga gawain na nakahanay sa mga aralin, matutuklasan natin ang
kahalagahan ng pag-aaral ng mga panitikang popular at ang papel na ginagampanan
ng mga ito sa kamalayang panlipunan ng mamamayan ng isang bansa.
Sa tulong ng mga araling pangwika, pagtalakay sa iba’t ibang pamamaraan sa
pagbuo panitikang popular, pagsasagawa ng mga programang panradyo at maging ng
pelikula, inaasahang magiging bahagi ka rin ng paghahanda ng isang kampanya tungo
sa kamalayang panlipunan sa pamamagitan ng multimedia (social awareness
campaign through the yse of multimedia).
Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa
pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 3.1 ng modyul na ito -
ang mga uri ng
kontemporaryong panitikan.
Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura
at Panitikang Popular
Bilang ng Sesyon: 10
I. Panimula at Mga Pokus na Tanong
Pokus na tanong para sa Aralin 3.1:
Bakit kinawiwilihang basahin ng mga
kabataan
ang
mga
popular
na
babasahin?
Paano nakatutulong ang antas ng wika
sa mabisang pagpapahayag?
Mahahalagang Konsepto para sa
Aralin 3.1:
Malapit sa karanasan ng kabataan at
sumasalamin
sa
kasalukuyang
pangyayari
ang nilalaman ng mga
popular na babasahin kung kaya’t
makatutulong ito upang magkaroon sila
ng sariling pagtataya sa lipunang
kanilang ginagalawan.
Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto
ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling
ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa
pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon
ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain.
II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito
ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang
Popular
a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin (Tekstuwal
Analisis)
 Pahayagan(tabloid)/broad sheet
 Komiks
 Magasin
 Kontemporaryong Dagli
b. Wika: Antas ng Wika
 Pormal
 Di-pormal
 Popular (balbal)
III. Mga Inaasahang Kasanayan na Lilinangin sa Aralin 3.1
Mga Kasanayang Pampagkatuto
ARALIN 3.1
Pakikinig
Naililipat sa isang graphic organizer ang mga impormasyong
napakinggan (transkoding)
 dayagram
 grap
 grid
Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag,
mensahe at teksto
Pagsasalita
Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa
pananaliksik
Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at
saloobin
Pag-unawa sa Binasa
Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito
Nakatala dito ang mga aralin na tatalakayin sa
bahaging ito ng modyul. Nakatala ang aralin sa panitikan at
ang awalin sa wika na magiging saklaw ng pagtalakay.
Ang mga kasanayang nakatala ay ang mga
kasanayang lilinangin sa mga mag-aaral sa araling ito.
Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa:
 paksa
 layon
 tono
 pananaw
 paraan ng pagkakasulat
 pagbubuo ng salita
 pagbubuo ng pangungusap
 pagtatalata
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring
pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:
 Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto
 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang
nakapaloob sa teksto
Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng
 paksa
 tono
 layon
 estilo at
 gamit ng mga salita.
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga
nangyayari sa:
 sarili
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig
Nakapagbibigay ng kuro-kuro at suhestiyon tungkol sa alinman sa
mga paksa gaya ng sumusunod:
 HIV and Drug Prevention
 Peace Education
 Karapatang Pambata at Kanilang
Responsibilidad
 Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga
Pilipino
Pagsulat
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya sa
pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, pananaliksik at panonood


Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan
Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon
Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, organisasyon
o grupo na nagpapatunay sa datos o impormasyong nagbibigay
kredibilidad sa mga kaisipan at opinyong ipinahahayag sa kaniyang
lathalain
Tatas
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na
Filipino pasalita man o pasulat
Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong Filipino sa
pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat
Pakikitungo sa Wika at Panitikan
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan
sa pag-aaral ng wika at panitikan
Hinaharap ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na may
kasiyahan at kasiglahan
Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral
ng wika at panitikan
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan
sa pag-aaral ng wika at panitikan
Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang mga
natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan
Estratehiya sa Pag-aaral
Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga impormasyon
at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng pag-aaral/pananaliksik
 Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na
datos sa pananaliksik
 Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga
sanggunian sa aklatan/Internet
Panonood
Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursong
napanood
 Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood
IV.
Konseptuwal na Balangkas ng Aralin 3.1
Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo
sa Kultura at Panitikang Popular
Panitikan: Mga
Popular na
Babasahin
 Pahayagan
(tabloid/ broad
sheet)
 Komiks
 Magasin
 Kontemporaryong
Dagli
Wika: Antas ng Wika


Pormal
Di-pormal (balbal)
Produkto/Pagganap:
Literary
Folio
na
sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng
barangay.
Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang
Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng
guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila
paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob
sa araling ito.
V.
Panimulang Pagtataya ( para sa Aralin 3.1)
(Crossword Puzzle)
Susi sa Pagwawasto:
1.
2.
3.
4.
Komiks
Tabloid
Dagli
Magasin
Gabay sa Pagsagot:
1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa)
2. Pahayagan ng masa. (pahalang)
3. Kuwentong higit na maiksi sa maikling kuwento. (pahalang)
4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)
VI. YUGTO NG PAGKATUTO PARA SA ARALIN 3.1
ALAMIN:
Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon
sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng
bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na
Maaaring magsagawa ang guro ng pananaliksik sa
mga kontemporaryong manunulat na nabanggit sa bahaging
ito upang maibahagi sa mag-aaral ang buhay at mga
naisulat ng mga ito. Makatutulong ang paggamit ng mga
social networking site gaya ng Facebook upang madaling
makaugnay sa mga manunulat na ito.
mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang
paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung susuriin,
nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang panitikang
popular.
Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y malaman mo kung paano
naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng
transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang
popular? Bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular?
Ipasulat ang inaasahang mahahalagang tanong para
sa kabuuan ng modyul. Maaaring gamitin ang estratehiyang
TOP 10 QUESTION sa bahaging ito. Ipasuri sa mga magaaral kung alin sa mga naisulat nilang tanong ang
magkakatulad lamang. Sa ganitong paraan, tinuturuan na
natin silang magbasa at magsuri at umunawa ng kanilang
binabasa nang hindi nila namamalayan. Kinakailangang
mapalabas ng guro sa bahaging ito ang inaasahang
mahalagang tanong sa kabuuan ng modyul.
Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga
babasahing popular ang kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad mo. Sa
pamamagitan nito, nakatitiyak akong maihahambing mo ang mga babasahing popular
na ito sa mga tradisyunal na anyo ng panitikan na pinag-aralan mo sa Modyul 1 at 2 sa
huling bahagi ng araling ito.
GAWAIN 3.1a : SARBEY-TSEKLIST
Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular sa iyo. Pagkatapos, iayos
nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat kahon.
Pinakamataas ang bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa. Gawin sa
papel. Gayahin ang format
Pahayagan
Broadsheet
___ Inquirer
___ Manila Bulletin
___ Philippine Star
___ Business
Mirror
___ Manila Times
Tabloid
___ Abante
___ Taliba
___ Pilipino Mirror
___ Pilipino Star
Ngayon
___ Tempo
Komiks
___ Aliwan
___ Pantastik
___ Halakhak
___ Pugad Baboy
___ Super
___ Manhwa
Korean
Comics
___ Archie
___ Marvel
___ Japanese
Manga
___ Captain
America
Magasin
Mga Aklat
___ Liwayway
___ Yes!
___ FHM
___ Candy
___ T3
___ Men’s Health
___ Metro
___ Entrepreneur
___ Cosmopolitan
___ Good
Housekeeping
___ Mga aklat ni
Bob Ong
___ Florante at
Laura
___ Noli Me
Tangere
___ Mga aklat ni
Eros Atalia
___ Aklat
Kalipunan
ng mga Tula
___ Teksbuk
___ Horror Books
___ Antolohiya ng
Maikling
Kuwento
___ Kalipunan ng
Dagling Katha
___ Bibliya
Makabubuting ipakita rin ang apat na obra (Ibong Adarna,
Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo) sa
bahaging ito upang makapagsagawa ng paghahambing
ang mga mag-aaral sa tradisyunal na panitikan at
panitikang popular.
Ipagaya ang format ng sarbey sa gawaing ito.
Layunin nito na matuklasan ng guro mula sa kanyang magaaral kung ano ang higit na popular na babasahin ang
binabasa ng kaniyang mga estudyante. Mula rito, maaaring
itanong ng guro ang mahalagang tanong na: “Bakit
kinagigiliwang basahin ang mga babasahing popular?
Hayaan lamang at tanggapin lahat ang sagot. Pagkatapos,
ipagawa ang Gawain 2: Kahon ng Hinuha
RANKING ORDER
Pahayagan (tabloid/ broad sheet)
Komiks
Magasin
Mga Aklat
LEGEND
1 ----------- Pinakapopular sa akin
2 ----------- Popular sa akin
3 ----------- Di-masyadong popular sa akin
4 ----------- Hindi popular sa akin
GAWAIN 3.1.b : KAHON NG HINUHA
Sa tingin ko ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan
ay ______________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Sa palagay ko ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng __________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil __________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Ipasagot ang nasa loob ng Kahon ng Hinuha sa
kanilang sagutang papel. Pagkatapos ng aralin, muling
balikan ang gawaing ito at ipasagot ang nasa labas na
bahagi ng kahon. Kung may mapansing pagkakamali sa
mga isinagot ng mag-aaral hayaan mo lamang. Sa
pagpapatuloy ng aralin ay hayaan mong siyang makatuklas
kung ang pag-unawa ba niya ay wasto o mali.
Ngayo’y naunawaan ko na _____________________________________
____________________________________________________________
Nabago ang aking paniniwala sa ____________________________
_______________________________________________________
____________________________________________________________
PAUNLARIN:
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang
mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating
magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng pagunawa!
Ipabigay ang mga inaasahang produkto o pagganap
ng mga mag-aaral matapos ang aralin. Ipasulat ito sa
pisara at sa kanilang sagutang papel. Gabayan ang mga
mag-aaral na ang kanilang magiging produkto ay isang
Literary Folio mula sa iba’t-ibang akdang-pampanitikan na
kanilang isusulat.
Ilahad na rin sa mga mag-aaral ang pamantayan sa
pagmamarka ng inaasahang produkto. Sangguniin sa
huling bahagi ng aralin ang rubric.
Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang
kinagigiliwang basahin. Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga
kontemporaryong dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid.
Babasahin 1: PAHAYAGAN (tabloid) (Kalakip 3.1.a)
GAWAIN 3.1.c : LISTING
Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag
1.
2.
3.
4.
5.
Ipasulat sa sagutang papel ang bahaging ito.
Magkaroon nang maikling talakayan kaugnay ng mga gabay
na tanong. Gabayan ang mga mag-aaral na maunawaan
ang mahahalagang konsepto sa aralin.
MGA GABAY NA TANONG:
1. Ano sa palagay mo ang mga dahilan kung Bakit kaya higit na binabasa ang tabloid
kaysa sa broadsheet?
2.Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya,lalo na ang malaganap na internet, bakit
marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?
Babasahin 2: Komiks (Kalakip 3.1.b)
Magpadala ng makabagong komiks sa mga magaaral kung mayroon man sila sa bahay. Mahalagang
makapag-print din kahit pabalat lamang ng mga sinaunang
komiks upang mapaghambing ng mga ito ang komiks noon
at sa kasalukuyan. Maaaring sumangguni sa internet ang
mga guro para sa mga larawang pabalat ng mga
halimbawang komiks. Higit na mainam kung ang silidaklatan ng paaralan ay nakapagtabi ng mga komiks.
Madaling makikita ng mga mag-aaral kung may pagkakaiba
ba ang komiks noon sa kasalukuyan .
Kuwadro- naglalaman
ng isang tagpo sa
kuwento (frame)
Pamagat
ng
kuwento
Kahon ng Salaysaykinasusulatan ng
maikling salaysay
tungkol sa tagpo
Lobo ng usapankinasusulatan ng usapan
ng mga tauhan. May iba’t
ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.
Mga larawan
mula sa
Philippine
Online
Chronicles
Larawang guhit
ng mga tauhan
sa kuwento.
Mahalagang maipakita sa mga mag-aaral ang
bahaging ito upang maunawaan nila ang mga bahaging
bumubuo sa komiks. Nang sa ganoon ay madali silang
makagagawa ng sarili nilang komiks sa mga susunod na
gawain sa araling ito. Kung may nais pang idagdag mula sa
mga bahagi ng komiks na naibigay sa araling ito bilang
karagdagang impormasyon sa mga mag-aaral ay maluwag
na tinatanggap ng gabay na ito.
Pagkatapos na malagyan ng angkop na diyalogo ang
mga lobo ng usapan sa komiks, pumili ng tatlong estudyante
at ipabasa sa harap ng klase ang bawat istoryang kanilang
naisulat. Pagbotohan sa klase kung alin sa tatlo ang may
pinakamagandang diyalogong nabuo kaugnay ng ipinakikita
sa mga larawan.
Maaaring gamiting estratehiya sa bahaging ito ang
Powerpoint Presentation o Movie Maker para maipakita ang
ebolusyon ng komiks sa Pilipinas. Maaari rin namang
magpakita ng mga larawang pabalat ng komiks na naibigay
na takdang-aralin sa unahang bahagi ng gabay na ito.
Makatutulong din ang pakikipanayam kay G. Gerry
Alanguilan tungkol sa kalagayan ng Komiks bansa.
Sangguniin sa Youtube ang link sa ibaba.
GAWAIN 3.1.d : GUHIT-LIKHANG KUWENTO
Isang araw,
ipinakita at
ikinuwento
ng lola ni
Cyrus ang
mga sumikat
na komiks
noon na siya
ang isa sa
mga
dibuhista
nito.
http://www.youtube.com/watch?v=tbCXNQu8pI8
…wakas
MGA GABAY NA TANONG:
1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?
2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon
at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?
Babasahin 3: MAGASIN (Kalakip 3.1.c)
Mahalagang may halimbawang magasin na
maipakikita ang guro sa mga mag-aaral sa bahaging ito ng
talakayan. Maging maingat sa pagpapakita ng mga
larawang hindi angkop sa gulang ng mga mag-aaral mula
sa ipakikitang mga halimbawang magasin gaya ng FHM at
iba pa. Pumili ng isang kapaki-pakinabang na artikulo mula
sa magasin na angkop na malaman ng isang Grade 8 na
mag-aaral. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral na
maraming impormasyon ang makukuha sa pagbabasa ng
iba’t ibang magasin.
GAWAIN 3.1.e : KONTRA-SALIKSIK
Pamagat _____________________________________________________________
Mga Natuklasan sa Naunang
Binasang Pananaliksik
Mga Natuklasan sa Isinagawang
Pananaliksik
KONGKLUSYON
______________________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
__
_______________________________________________________
_____
_______________________________________________________
PAALALA: Iwasan ang anumang pag-eendorso ng mga
brand ng magasin. Hangad lamang natin sa bahaging ito
na mailahad ang mga nilalaman ng bawat magasin at ang
resulta ng sarbey na naisagawa upang makapagsagawa
ang mag-aaral ng kaniyang KONTRA-SALIKSIK na
makikita sa susunod na gawain sa araling ito.
MGA GABAY NA TANONG:
1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks at magasin sa isa’t isa?
2. Sa iyong tingin, Paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad ng iyong
pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan?
Babasahin 4: KONTEMPORARYONG DAGLI (Kalakip 3.1.d)
Babasahin 5: ANG DAGLI SA KASALUKUYAN (Kalakip 3.1.e)
Babasahin 6: HAHAMAKIN ANG LAHAT ni Abdon M. Balde Jr. (Kalakip 3.1.f)
Itanong ang bahaging ito sa mag-aaral. Palitawin sa
talakayan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tabloid,
komiks at magasin. Muli, kinakailangang masagot ang
mahahalagang tanong para sa araling ito upang higit na
tumibay ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa aralin.
Maaaring gamitin ang estratehiyang Pinatnubayang
Pagbasa at Pag-iisip sa pagtalakay sa Kontemporaryong
Dagli at Ang Dagli sa Kasalukuyan.. Hatiin ang buong
artikulo sa apat o limang bahagi. Bumuo ng mga tanong
pagkatapos ng bawat bahagi hanggang sa matapos ang
buong artikulo.
PAALALA: Maaaring magsagawa ng pananaliksik ang guro
tungkol sa ilang kritisismo ni Prof. Rolando Tolentino ng
Unibersidad ng Pilipinas tungkol sa mga dagling katha sa
Pilipinas. Maaaring sangguniin ang link sa ibaba:
http://greatrefusal.multiply.com/journal/item/10?&show_inter
stitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem
Maaaring sangguniin ang aklat na “100 Kislap” ni
Abdon M. Balde upang makapamili pa nang nais na
lunsaran. Sa aklat din matatagpuan ang mga karagdagang
impormasyon tungkol sa kontemporaryong dagli.
Babasahin 7: SKYFAKES ni Eros Atalia (Kalakaip 3.1.g)
Mga Gabay na Tanong/Gawain
1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon kaugnay ng
binasang teksto.
Mga Katangian
ng Naunang
Dagling Katha
Layunin ng
mga Naunang
Dagling Katha
Ipasagot/Ipagawa sa sagutang papel ang mga
inihandang tanong at mga gawain na susubok sa
kasanayan ng mga mag-aaral. Sundin ang mga format.
Maaaring gawing pangkatang pagsusuri ang
pagsagot sa mga gawaing inihanda sa bahaging ito. Bumuo
ng sariling pamantayan ang guro para sa pagtataya ng paguulat sa bawat pangkat mula sa naging resulta ng pagsusuri
ng bawat pangkat sa gawain.
Mga Unang
Katawagan
KONTEMPORARYONG
DAGLI
Internasyonal na
Pag-aaral na
Naisagawa
Tungkol sa Dagli
Sangguniin ang aklat na “Wag Lang Di Makaraos” ni
Eros Atalia na pinagkuhanan ng Skyfakes. Naglalaman ang
aklat ng isandaang dagling katha. Maaaring makapamili ng
kuwentong nais ipabasa sa mga mag-aaral.
Lokal na Pagaaral na
Naisagawa
Tungkol sa Dagli
2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin ang
nilalaman ng dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, tono, layon, estilo
at gamit ng mga salita.
HAHAMAKIN ANG LAHAT
Abdon M. Balde Jr.
SKYFAKES
EROS ATALIA
Paano Nagkakatulad?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Paano Nagkaiba?
_____________________________________________________
_________________________
__________________________
__________________________
__________________________
___________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
________________________
__________________________
________________________
__________________________
________________________
__________________________
________________________
__________________________
________________________
_________________________
3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay
ng bawat akda at iugnay ito
________________________
batay sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan , daigdig.
KARAGDAGANG KAALAMAN: Kung susuriin, higit na
matimpi ang paggamit sa wika ng manunulat na si Abdon
Balde Jr. kaysa sa manunulat na si Eros Atalia. May
kinalaman kaya ang gulang/edad ng mga manunulat na ito sa
estilo ng paggamit nila ng mga salita? Si Abdon ay
kasalukuyang nasa kalagitnaang sisenta ang edad
samantalang si Eros ay nasa kalagitnaan ng trenta ang
gulang. Iminumungkahing magsaliksik pa ang guro sa buhay
ng dalawang manunulat na ito bago ipabasa ang kanilang
mga akda.
HAHAMAKIN ANG LAHAT
Abdon M. Balde Jr.
SKYFAKES
EROS ATALIA
Kaisipan:
Kaisipan:
1. sarili:
1. sarili:
2. pamilya:
2. pamilya:
3. pamayanan:
3. pamayanan:
4. lipunan:
4. lipunan:
5. daigdig:
5. daigdig:
4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang na kaalaman,
at mga katanungang nasa iyong isipan pa hanggang sa ngayon magmula sa unang
gawain hanggang sa huling gawain sa aralin.
3-2-1 CHART
3. Mga Natuklasan
2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman
1. Mga Katanungang Nasa Isipan Hanggang sa Kasalukuyan
5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala,
pagbabago sa sarili at epekto ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sa
nakararami
1. Kongklusyon
2. Paniniwala
3. Pagbabago sa sarili
6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapunapuna sa paggamit nila ng wika sa kanilang akda?
7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng wika.
Sino ang gumamit ng Pormal, Di- Pormal at popular na wika?
Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin.
Upang lubos mong maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin, narito ang isang
kaugnay na teksto (pabula) basahin at suriin ang wikang ginamit ng manunulat.
Maligayang pagbabasa!
GAWAIN 3.1.f : PAHINA NG PAGKILALA
Babasahin 8: Ang Talangkang Nakaharap Lumakad ni Jayson Alvar Cruz
(Kalakip 3.1.h)
Iminumungkahing ipasadula ang pabula sa mga piling
mag-aaral. Kung marunong gumawa ng animation sa
computer ang mga mag-aaral, pagawan ito ng sarili nilang
interpretasyon gamit ang teknolohiya. Maaari rin namang
magpabuo ng komiks mula sa kuwento sa mga mag-aaral
na mahusay gumuhit. Kung hindi magagawa ang mga
iminumungkahi, maaaring gamitin ang estratehiyang
Dugtungang Pagbasa sa bawat talata ng pabula.
Palutangin sa huling bahagi ng pabula ang aral,
mensahe at kaisipang nais ibahagi ng akda sa mga
mambabasa. Ipasuri na rin ang antas ng wikang ginamit ng
manunulat sa akda.
GAWAIN 3.1.g : PAHALAGANITI
Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng PAHALAGANITIK.
Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipan sa loob ng frame.
Gawin sa papel. Gayahin ang format.
Katibayan ng Pagpapahalaga
Inihahandog para sa akdang
Ang Talangkang Nakaharap Lumakad
(pabula)
Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa _________________
___________________________________________________
Nagkaroon ng pitak sa aming puso ang maiiwan nitong kaisipan
na _________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
__
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral
MGA GABAY NA TANONG:
1.Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda. _______________
_____________________________________________________________________
2.Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag niya ang
kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan. _________________________________
_____________________________________________________________________
3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon? Ipaliwanag
ang iyong sagot. _______________________________________________________
_____________________________________________________________________
Ipasulat sa sagutang papel o sa pisara ang mga
salita o pahayag mula sa akdang binasa ang nagpapakita
na pormal ang ginamit na wika ng manunulat. Bigyan ng
pagkakataon ang mag-aaral na ilipat ang mga pormal na
pahayag patungo sa di pormal na antas ng wika.
Halimbawa:
PORMAL: “Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng
bagong henerasyon ng mga talangka sa ating baryo. Isang
henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong
inggit sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka.
DI-PORMAL: “Thanks, Tikang. Tayo ang mag- start ng new
generation ng mga talangka. Bad trip kasi ang mga kalahi
natin. Isang generation na walang hassle at walang
basagan ng trip. Gets mo?” ang sabi ni Mokong Talangka
Alam mo ba…
ANTAS NG WIKA
Ayon sa isang kilalang lingguwista, upang maiwasan ang panghuhusga sa
halaga (judgement of value) ng iba’t ibang antas ng wika, nararapat na
limitahan lamang ito sa tatlong antas ng wika. Narito ang sumusunod:
1. Pormal – wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga
aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga
paaralan. Ito ay impersonal, obdyektib, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit
ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na
usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga
panuntunang gramatikal.
2. Di-Pormal – wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang
ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiiksi lamang.
Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga
panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng dinrin,daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na
parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng
mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga
kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o
pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga
mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito
upang maiakma sa paggamit.
GAWAIN BLG. 3.1.h : MALIKHAING PAGSULAT
Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng iba’t
ibang uri ng babasahin mula sa diyalogo gamit ang malikhain at responsableng gamit
ng wika (pormal).
Babasahin 9: ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA ni Jayson Alvar Cruz
(Kalakip 3.2.i)
Ipasadula ang kuwentong ito sa mga piling magaaral. Kung mayroong kapasidad ang paaralan sa
teknolohiya, maaaring pagawaan ito ng movie clip upang
lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang kuwento. Layon
ng bahaging ito ng aralin na mapalutang ang iba’t ibang
isyung panlipunan gaya ng sumusunod:




HIV and Drug Prevention
Peace Education
Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad
Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino
BALITA
ARTIKULO
KOMIKS
KONTEMPORARYONG DAGLI
GAWAIN 3.1.i : Kahon ng Hinuha
Muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha at dugtungan mo na ang
huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo
talaga ang araling ito. Kinopya ko ulit ito para sa iyo.
Sa tingin ko ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan
ay ______________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Sa palagay ko ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng __________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil __________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA
NG LITERARY FOLIO
Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay
makabubuo kayo ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang
kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat isa-alang alang sa
paggawa nito.
1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong
literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng
pabalat ng aklat at mga kinakailangang larawan.
PAALALA: Iminumungkahing gabayan ang mga magaaral sa pagbabasa/panonood sa kuwentong ito.
Makabubuting magkaroon din ng pahapyaw na
pagtalakay sa mga nasabing isyung panlipunan na
matatagpuan sa kuwento. Hangga’t maaari’y maimulat
ang mga kabataan sa mga isyung ito upang hindi sila
maging biktima ng mga ganitong karanasan. Sa
pamamagitan ng inihandang mga gawain pagkatapos
mabasa ang kuwento, kinakailangang mapatunayan ng
mga mag-aaral na may pakialam siya sa mga nangyayari
sa kaniyang paligid. Mula sa kuwento, hahalaw siya ng
iba’t ibang akda, balita, artikulo, komiks at dagling katha
na magiging daan upang masolusyonan ang mga
nakikitang suliranin sa kuwento. Gayundin, inaasahan na
gagamitin ng mag-aaral ang pormal na wika upang
matamo ang responsableng gamit ng wika.
Iminumungkahing ipasulat ang akda sa manila
paper kung pangkatan ang gagamiting teknik ng guro.
Kung isahan, ipasulat ito sa bond paper. Ang matatapos
na produkto sa bahaging ito ay maaaring ilahok sa
gagawing Literary Folio ng buong klase.
Halimbawa:
Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales
Lungsod ng Mandaluyong
KALSADA-PASADA
(Mga Akdang Napulot sa Kalsada)
Literary Folio 2012
2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahagi
ng inyong literary folio.
3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng
mga akdang-pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping
mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa
kung tula, maikling kuwento, dula at iba pang akdang pampanitikan.
4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang
pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na dumaan
sa proseso ng pag-eedit.
Ilipat
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang
konsepto na iyong natutuhan sa tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan ng mga
gawain na magpapakita ng iyong pagkaunawa sa mahahalagang konsepto na
natamo mo sa araling ito. Gamiting gabay ng inyong pangkat ang sumusunod
na pamantayan.
Mga Pamantayan
A. Malikhain
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang ginagalawan)
D. Pormal at responsible ang gamit ng wika
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at bantas)
LEGEND
20 – 25………………………………………………...Napakahusay
15 – 20 ………………………………………………. Mahusay
10 – 15 ………………………………………………. Katamtamang Husay
5 – 10 ………………………………………………. Di-gaanong mahusay
0 – 5 ……………………………………………….. Nangangailangan ng
rebisyon
Literary Folio
ng
Aming Barangay
IV.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA:
Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
___________1. Isang grapikong midyum na ng mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang
2,000 libong salita.
___________3. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-arawaraw na usapan.
___________4. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang
wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit.
Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang mundo ng broadcast
media. Aalamin natin kung ano ang papel na ginagampanan ng radyo at telebisyon
sa pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong ang ating napakikinggan at
napanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa sa ating kamalayan sa mahahalagang
kaganapan sa ating lipunan? Pagkatapos sagutan ang ilang mga katanungan sa
Panimulang Pagtataya para sa Aralin 3.2.. Ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.
Susi sa Pagwawasto:
1. Komiks
2. Dagli
3. Salitang Impormal
4. Salitang Balbal
Aralin 3.2: Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at
Pag-unlad ng Kulturang Pilipio
Bilang ng Sesyon: ___
I. Panimula at Mga Pokus na Tanong
Pokus na tanong para sa Aralin 3.2:
Paano nakatutulong ang broadcast
media sa pagpapalaganap ng kulturang
popular at kamalayang panlipunan?
Paano
nakatutulong
ang
mga
ekspresyong nagpapakilala sa konsepto
ng pananaw at kaugnayang lohikal sa
mabisang pagpapahayag?
Mahahalagang Konsepto para sa
Aralin 3.2:
Ang broadcast media ay may malaking
papel
na
ginagampanan
sa
pagpapaigting
ng
kamalayang
panlipunan at pagpapalaganap ng
kulturang popular ng mga mamamayan
ng isang bansa.
II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito
a. Panitikan: Komentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyon
b. Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala sa Konsepto ng Pananaw/
Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal
III. Mga Inaasahang Kasanayan na Lilinangin sa Aralin 3.1
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Aralin
3.2
Pag-unawa sa Napakinggan
Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood
 Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinyon at personal
na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig
Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto
ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling ito.
Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa pagsisimula
ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon ng pagtalakay
at pagsasagawa ng mga gawain.
Ang mga araling nakatala ang magiging saklaw ng
mga magiging pagtalakay at mga gawain sa modyul na ito.
Bawat paksa may kaakibat na aralin sa wika na
makatutulong sa lalong pagsusuri at pag-unawa sa mga ito.
Narito ang mga inaasahang kasanayan ng bawat
isang mag-aaral na malilinang sa pamamagitan ng pag-aaral
ng modyul na ito.
 Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa mga hinuha (inferences),
opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng
nakikinig/nanonood
 Nailalahad ang mga pagkiling (biases,prejudices) at sariling
interes ng nagsasalita
 Naisasaayos ang mga ideya o impormasyonb mula sa
teksto o diskursong napakinggan/napanood
 Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang
pahayag, mensahe at teksto
Pag-unawa sa Binasa
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto sa
pamamagitan ng pagkilala sa:
 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
 Napagsasama-sama ang mga magkakasalungat na ideya
 Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi
nito
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa
sa teksto

Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng:
- paksa/tema
- layon
- gamit ng mga salita
Pagsasalita
Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/pagaatubili/pasubali
Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,opinyon at saloobin
Pagsulat
Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng isang
dokumentaryong panradyo
 Nakapipili ng isang napapanahong paksa
 Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon




Nakabubuo ng maayos na balangkas
Naibabanggit nang wasto ang may akda, personalidad,
organisasyong nagbibigay kredebilidad sa mga kaisipang
ipinapahayag
Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapakilala ng konsepto
ng pananaw
Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapakilala ng
kaugnayang lohikal
Tatas
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na
Filipino pasalita man o pasulat
Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon
Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at
kredibilidad
Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi ng
pagkakataon/sitwasyon
Pananaliksik
Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang
pinagkukunang sanggunian
Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa
isinagawang pananaliksik
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa
aklatan/Internet
IV. Konseptuwal na Balangkas ng Aralin 3.2
Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago
at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino
Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang
Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng
guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila
paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa
araling ito.
TELEBISYON
RADYO
Panitikan:
Komentaryong
Panradyo
Panitikan:
Dokumentaryong
Pantelebisyon
Wika:
Mga Ekspresyong
Nagpapakilala ng
Konsepto ng Pananaw
Wika:
Mga Ekspresyong
Nagpapakilala ng
Kaugnayang Lohikal
Dokumentaryong Panradyo/
Dokumentaryong Pantelebisyon
V. Panimulang Pagtataya (para sa Aralin 3.2)
Ang bahaging ito ang makakapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong
malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang papel sa
pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang mga isinaad na datos upang maibigay ang
tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang.
Kopyahin at gawin ito sa papel.
1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili maging
sa mga mata.
2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mga
mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kanyang paligid.
3. Maaring maghatid ng balita, talakayaan at impormasyon sa bayan man
o sa nayon gamit ang mga baterya.
4. Isang bagay na hatid ng midyum ng broadcast media na nakaaaliw
sa pandinig.
5. Maaring marinig ang mga ito maging sa radyo o telebisyon.
Sa panimulang pagtataya sa bawat aralin, susukatin ng
guro kung hanggang saan na ang kaalaman ng mag-aaral
kaugnay ng paksang tatalakayin.
Inaasahang marami sa mag-aaral ang may sapat ng
kaalaman at kakikitaan ng sigla upang alamin pa ang
susunod na mga paksa.
Kung may ilan na di ganap ang kahandaan at
kaalaman, iminumungkahing maging malikhain ang guro
upang maipakilala sa mag-aaral ang mga kakailanganin
upang lubos na maunawaan ng mag-aaral ang mga
talakayan. Iayon ito sa kanilang pangangailangan.
T
L
E
L
E
O
D
E
M
J
I
C
M
O
L
N
O
R
A
A
K
E
H
S
A
C
R
U
B
I
H
B
R
I
M
I
E
I
A
I
C
E
S
A
D
L
S
A
N
Y
Y
I
I
T
R
T
O
O
E
T
Y
R
A
N
A
T
A
S
O
R
M
U
S
I
K
A
Y
V
M
U
S
A
K
O
Susi sa Pagwawasto:
1.
2.
3.
4.
5.
Telebisyon (pahalang)
Dokumentaryo (pahalang)
Radyo (Pahilis na paitaas)
Musika (patayo)
Balita (pahalang)
VI. YUGTO NG PAGKATUTO
Alamin:
Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung oo ang
iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast media.
GAWAIN 3.2.a : PABORITO KO!
Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas,
at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinapakinggang
programa. Ipaliwanag mo rin ang mga kadahilanan kung bakit mo pinanonood o
pinakikingggan ang mga programang iyong nabanggit.
Paboritong Palabas sa Telebisyon:
_____________________________
_____________________________
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:
_____________________________
_____________________________
_____________________________
____________
Paboritong programa
sa Radyo:
___________________
Dahilan Kung Bakit
Kinagigiliwan:
___________________
___________________
_
GAWAIN 3.1.b: Alam Ko ‘Yan!
Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating
tatalakayin. Isulat mo sa mga talahanayan ang mga kaisipang alam mo na, nais mong
malaman at ang paraan kung paano ito matututuhan. Sagutin mo naman ang huling
hanay sa katapusan ng pag-aaral mo sa araling ito upang iyong maitala ang mga
kaisipang iyong natutuhan.
Hikayatin ang iyong mga mag-aaral na ibahagi sa
buong klase ang mga bagay na kanila ng nalalaman kaugnay
ng radyo at telebisyon. Maaari mo itong gawing interaktibong
talakayan. Hatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat.
Bigyan ang bawat pangkat ng limang (5) minuto upang
magtalakayan at magpalitan ng kaalaman. Himukin silang
isulat ang kanilang sagot sa mga strips ng cartolina (gawing
masmakulay ito para maging kaakit-akit sa mga mag-aaral).
Matapos nito, ipadikit sa pisara ang mga cartolina strips ng
bawat pangkat. Ang unang pangkat na makapagdikit ng lahat
ng kanilang cartolina strips ang unang magtatalakay ng
kanilang mga sagot.
Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago
at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino
Ano ang ALAM
ko na?
Ano ang NAIS kong
MALAMAN?
Paano ko ito
MATUTUTUHAN?
Ano ang aking
NATUTUHAN?
Paunlarin
Sa bahaging ito, bigyan muna natin ang pansin ang radyo bilang isa sa mga
midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa
mas malawak na sakop nito. Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang gampanin ng
radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan.
Gamit ang cartolina o manila paper kopyahin ang
talahanayan at ipakopya sa mga mag-aaral sa kanilang
kwaderno. Pasagutan ito nang isahan o individual.alika ag
huling hanay (Ano ang aking natutuhan?) sa katapusan ng
pagtalakay sa aralin.
Sa gawaing ito, maaring iguhit nang mas malaki ang larawan
ng radyo upang maging tampok sa gagawin mong talakayan.
Maari ka ring magpakita ng tunay na radyo (nakabatay ito
kung mayroon kang magagamit na materyales). Matapos
makilala ng mga mag-aaral ang mga bagay na naihahatid ng
radyo sa mga tao, hikayatin mo ang mga bata na ipaliwanag
ang ibig sabihin ng mga ito.
GAWAIN 3.2.c : RADYORIFIC ANG HATID
Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit
ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa
gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga pahayag. Gawin sa iyong
sagutang papel. Gayahin ang pormat.
nagpapalabas ng teledrama
nagpalabas ng variety show
naghahatid ng musika
nagpapakilala ng produkto
naghahatid ng mga
talakayan/pulso ng bayan
naghahatid ng napapanahong balita
nagpapakinig ng mga awit
nagpapalabas ng pelikula
nagpapahatid ng mga panawagan
nagbibigay ng opinyon
kaugnay ng isang paksa
Narito ang ilang mga kasagutan:
1. Paghahatid ng musika – kadalasang nakikinig tayo lalo na
kayong mga kabataan ng musika sa radyo, lalo na
nakabatay ito sa tinatawag nating “mood” kaya nga may
iba’t ibang uri ng musika na inyong pinapakinggan, gaya
ng pop,rnb.rock,hip-hop at mga senti-love songs. (maaring
maging daan ito upang ang imahinasyon ng mga magaaral ay magsimulang mabuhay at magkaroon kayo ng
masayang talakayan
2. Paghahatid ng balita
3. Pagpapakilala ng mga produkto
4. Pagpapahatid ng mga panawagan
5. Paghahatid ng pulso ng bayan

Ang radyo ang nagsisilbing orasan ng marami sa ating
mga kababayan lalo na sa mga nayon kaya masasabing
ito ay mahalaga din sa pagbibigay-hudyat.
Punan mo ang kasunod na tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum,
ang KWH. Sasagutin lamang ang huling kolum, na L pagkatapos na mapag-aralan ang
modyul na ito.
Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng
radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang popular?
Ipaliwanag.
K
W
Ano ang alam
mo na?
Ano ang nais
mong
malaman?
H
Paano mo
makikita ang nais
mong
maunawaan?
L
Ano ang iyong
natutuhan/
naunawaan?
Babasahin 1: KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF
INFORMATION BILL (FOI) (Kalakip 3.2.a)
GAWAIN 3.2.d : Radyopinyon
Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad
ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo at sa bilog ang
negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.
Sa tulong ng KWHL Sheet, alamin ang mga nais
pang matutunan at maunawaan ng iyong mag-aaral.
Hikayatin silang nais mong bigyan nila ng tugon ang
tanong na sa loob ng kahon. Unahing sagutin ang tatlong
naunang kolum ng KWH.
Sagutin lamang ang huling kolum, ang L matapos na
mapag-aralan ang araling ito.
Ibigay na takdang-aralin ang pagrerekord o pagbasa
nang may damdamin ang iskrip panradyo sa 2 mag-aaral na
mahusay sa pagsasalita (maari din naman na ang guro ang
mag record ng iskrip) at iparinig ito sa klase. Gawing
makatotohanan ang pagbabasa sa iskrip at lagyan ng
angkop a damdamin. Maaaring magtago sa likod ng silid
aralan ang 2 batang magbabasa ng iskrip. Siguruhin na
walang isa man sa mga mag-aaral ang makakikita ng mga
tagapakinig.
Maari ring gumamit dito ng Venn Diagram sa
paghahambing ng mga positibo at negatibong pananaw.
Halimbawa ng positibong pahayag:
Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil magiging
mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt
na opisyal.
GAWAIN 3.2.e : Radyomentaryo
Halimbawa ng negatibong pahayag:
Bilang bahagi ng iyong gawain nais kong i-klik mo ang alin man sa mga link sa
loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.
Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na
naman yan! Demanda dito, demanda doon!
http://www.tv5.com.ph/ click radyo5
http://www.interaksyon.com/article/42031/teodoro-l--locsin-jr---whytheyre-afraid-of-foi
tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630-s14674/
radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-92-3-news-fm-online/
Para sa mga walang Internet sa klase, maaring makinig sa radyo sa anomang
estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na kuwentuhang media.
Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang
detalye tungkol sa: 1) Pamagat ng paksang tinalakay; 2) Mga batayan ng
mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan
Mga Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?
2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga
komentarista?
3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?
BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO
ANG MGA DAPAT TANDAAN:



Magsaliksik ng mga impormasyon
Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa
Babasahin 2: KWENTUHANG MEDYA (Kalakip 3.2.b)
GAWAIN 3.2.f: Radyopormasyon
Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang
teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin sa
papel.
Mga nagpapahayag ng impormasyon
Mga pahayag ng mga personalidad
Sariling pananaw
Ang Komentaryong Panradyo ayon kay Elena Botkin –
Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng
oportinidad sa mga kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa
isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
Ang pagbibigay-opinyon ayon kay Levy ay maktutulong ng malaki
upang ang mga kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Ang mga link na nasa module ay maari mong hanapin sa
internet, upang mapakinggan ng mga mag-aaral ang
programang panradyo na may kaugnayan sa talakayan.
Isang halimbawa ang “Punto por Punto” ni Anthony Taberna
sa DZMM. Kung wala namang koneksiyon ng internet sa
inyong paaralan, maaaring gumamit ng radyo at ilagay ang
talapihitan ng radyo sa AM.
Ang “Kwentuhang Midya” ay isang uri sulating
nagsasaad ng opinyon sa paraang nakikipag-usap sa mga
mambabasa o conversational style (Maaaring maghanap ng
iba pang sipi na may katulad na format na tumatalakay sa
mga isyung higit na napapanahon at may kaugnayan sa mga
mag-aaral.)
Bumuo ng limang pangkat, bigyan ng limang minuto
bawat grupo upang makapagpalitan ng kuro-kuro kaugnay ng
kanilang binasa. Pumili ng isang mag-aaral bawat pangkat
upang maging tagapagsalita ng bawat grupo.
GAWAIN 3.2.g: Radyotik na mga Titik
Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng
iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag na konsepto ng pananaw.
Mula sa binasang teksto na Kwentuhang Media. Hanapin ang mga salitang tumutukoy
sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot sa mga bilog sa ibaba.
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan
kung ano ang tinatawag na Konsepto ng Pananaw.
1. May mga ekspresiyong naghahayag ng konsepto ng pananaw o “point of
view”. Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong
ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:
Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang
pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema
ng edukasyon.
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong
Quezon, mas mabuti ang mala-impyernong bansa na pinamamahalaan ng mga
Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang
kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar
na ito.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/
o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di
tulad ng mga naunang halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan
ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang
sumusunod na halimbawa:
Bibigyang-daan ng gawaing ito ang pagtalakay sa
araling pangwika.
Maari pang dagdagan ang mga halimbawa ayon sa
kinakailangan ng iyong mga mag-aaral. Gamitin ang mga
napapanahong isyu upang bumuo ng mga mas
makabuluhang halimbawang pangungusap.
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang
matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka
nang husto.
Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang
popular kung saan ang
mga bagay na pawang gumagamit ng mga bagong
kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang
uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.
Mula sa mga gawaing iyong nabigyang tugon mula sa simula ng araling ito,
bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L.
K
W
H
L
Subukan mo namang makagawa isang bagay na noong una’y inisip
mong mga kilalang mamamahayag lamang sa radyo ang nakagagawa. Mula sa
iyong naipong kaalaman sa mga nagdaang gawain, alam kong handa ka na.
Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan, ikaw ay inanyayahang
maging manunulat ng iskrip ng isang programang panradyo. Ang programa ay
nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang tulad mo na maglahad ng kanikaniyang opinyon kaugnay ng mga napapanahong isyu. Inaasahang ikaw ay
magbabahagi ng opinyon kaugnay ng isa sa mga sumusunod na isyu:
Cyber Bullying
b. Child Protection Policy
a.
c.
Kasalukuyang Kalagayan ng Edukasyon sa Bansa.
Inaasahang ikaw ay makagagamit ang mga salitang nagsasaad ng
konsepto ng pananaw sa paglalahad ng iyong opinyon. Maari kang magsaliksik
upang mapalawak ang pagtalakay ng paksang napili.
Maaaring palawikin ang pagtalakay ng panitikang
popular sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga impluwensya
ng radyo, bilang isang midyum ng broadcast media, sa
pagpauso ng ilang mga pahayag (gaya ng Bisyo na ito! at iba
pa), paraan ng pagsasalita (Taglish o kaya naman ay ang
paghahalo ng mga wikang lalawiganin sa pagsasalita, gaya
ng Ay, Ambot! at iba pa), at lalo pang pagpapatanyag ng ilang
mga usapin o isyung nagaganap sa kasalukuyan.
Balikan ang mga mga naging kasagutan ng mga magaaral sa naunang gawain kaugnay ng KWHL.
Maaaring isagawa ang gawain nang dalawahan.
Maaaring ang isang mag-aaral ay maglalahad ng mga
positibong pananaw at ang isa naman ay maglalahad ng mga
negatibong pahayag kaugnay ng isyung napili. Maaaring
ipabasa nang malakas at may damdamin ang iskrip na
mabubuo.
NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG
PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO
Pamantayan
Masaklaw na
paglalahad ng
napapanahong
impormasyon
Masining at
maingat na
paggamit ng
wika
Mahusay na
aspetong
teknikal
Napakahusay
4
Mahusay
3
Umuunlad
2
Nagsisimula
1
Komprehensibo at
makabuluhan ang
napapanahon mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal alinsunod
sa paksang
itinatampok.
Masaklaw,
makabuluhan at
napapanahon ang
mga impormasyong
inilalahad sa
materyal alinsunod
sa paksang
itinatampok.
Makabuluhan at
napapanahon ang
mga impormasyong
inilalahad sa
materyal alinsunod
sa paksang
itinatampok ngunit
may mga detalyeng
hindi nailahad
May makabuluhan at
napapanahong mga
impormasyong inilahad
sa materyal ukol sa
paksang itinatampok
ngunit limitado ang mga
ito.
Natatangi ang
paggamit ng wika
nang higit pa sa
inaasahang
pamamaraan sa
materyal.
Masining at
maingat na nagamit
ang wika sa
kabuuang
pagpapahayag sa
nabuong materyal.
Masining at maingat
na nagamit ang wika
sa karamihan ng
pahayag sa nabuong
materyal.
Masining na ginamit
ang wika sa karamihan
ng pahayag sa
nabuong materyal
ngunit hindi maingat
ang paggamit.
Tipong
propesyonal ang
pagkakagawa sa
materyal dahil sa
husay ng
pagtatagpi-tagpi ng
mga elemento nito.
Taglay ang lahat ng
kailangang
elemento sa
mabisang pagbuo
ng materyal.
Naipapamalas ang
kahusayan sa
teknikal na
pagganap.
Taglay ang mga
susing elemento sa
mabisang pagbuo ng
materyal at
naipamalas ang
angkop na teknikal
na pagganap.
Naipamalas sa materyal
ang minimal na antas
ng pagtatagpi-tagpi ng
elemento at teknikal na
pagganap.
Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano nito
naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa papel.
SAGOT:
____________________________________________________
____________________________________________________
__________________________________.
Bigyan ng pansin dito ang pagkakagamit ng mga magaaral sa mga salitang nagpapakilala sa konsepto ng
pananaw. Bigyan din ng pansin ang linaw ng paglalahad.
Bigyan ng timbang ang kahalagahan ng paglalahad
nang may angkop na emosyon sa pagiging mabisa ng
pagpapahayag. Kung ipapabasa ang iskrip sa mga mag-aaral,
maari ring makatulong ang mga sound effects o background
music sa lalo pang pagpapaganda ng presentasyon.
Binabati kita sa iyong pagsasakatuparan ng mga gawain kaugnay ng iyong
pagtuklas ng mga kaalaman kaugnay ng radyo bilang isang midyum ng broadcast
media. Ngayon naman, ating aalamin ang mga mahahalagang kaalaman tungol sa isa
bang midyum ng broadcast media, ang telebisyon.
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media
at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang
telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine
ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula
sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na
bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang
mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.
GAWAIN 3.2.i: Paborito Kong Palabas!
Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng
pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin- ang pamilyar sa iyo?
Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. Ipaliwanag kung bakit.
Weekend Getaway
XXX
Teen Gen
Matanglawin
Umagang Kayganda
Talentadong Pinoy
i - Witness
i-Witness (Documentary Program) - programang naglalayong
maghatid ng komprehensibo at etratehikong proyekto na
sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
Matanglawin (Educational Program) - tumatalakay sa mga bagay
na noong una ay pinag-aaralan lamang sa pamamagitan ng mga
nakalimbag na impormasyon.
Rated K (Magazine Show) - isang programang pantelebisyon
na nagpe-presinta ng iba’t ibang isyung napapanahon, may
kaunting panayam at komentaryo.
Umagang Kayganda (Morning Show) - tinatawag din na breakfast
television kung saan nag-uulat nang live tuwing umaga ang mga
mamamahayag na naglalayong makapaghatid ng mga
napapanahong impormasyon.
TV Patrol (News Program) - naghahatid ng napapanahong
kaganapan o panyayari sa loob at labas ng bansa, may mga ilang
panayam din at komentaryo.
Rated K
TV Patrol
ART Angel
Art Angel (Children Show) - mga programa o palabas sa telebisyon
na ang pangunahing mithiin ay makuha ang atensyon ng mga bata
sa paraang sila ay masisiyahan at mabibigyang impormasyon.
XXX (Public Service Program) - naghatid ng tulong sa mga
mamamayan o maging daan sa pagpapahatid ng tulong.
Weekend Getaway (Travel Show ) - naglalahad ng paglalakbay sa
iba’t ibang bayan o bansa at pagpapakilala sa mga produkto na
matatagpuan dito.
Talentadong Pinoy (Variety Show) – nagbibigay ng tuon sa
patimpalak sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at pagpapalabas ng
isang comedy skit.
Teen Gen (Youth Oriented Program) –nakatuon sa pagtalakay sa
isyu ng kabataan. Karaniwang tema nito ay ang kanilang buhay
pag-ibig. Ngunit hindi nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng
eksena sa pagpapahalagang pangkatauhan o moral values.
GAWAIN 3.2.j: Gulong ng Buhay Telebisyon
Magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo pinanonood ang programang
pantelebisyon.
PAMAGAT NG PROGRAMA
DAHILAN KUNG BAKIT PINANONOOD
GAWAIN 3.2.k: Telembistiga
Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa ibaba.
Ibigay ang pagkakatulad nila.
INVESTIGATIVE
DOCUMENTARIES
STORYLINE
KRUSADA
S. O. C. O.
REEL TIME
REPORTER’S
NOTEBOOK
Maaari itong gawin sa tatlong bahagi, una sabihin sa
mga mag-aaral na tukuyin ang mga programang pamilyar sa
kanila at isulat ito sa isang buong papel. Ikalawa, matapos
nilang makapaglista ng kanilang mga sagot; pangkatin sila
ayon sa pagkakatulad ng mga programang kilala nila. Ikatlo,
bigyan sila ng tiglilimang minuto upang ipakilala sa buong
klase ang mga programang pamilyar sa kanila sa
pamamagitan ng maikling paglalarawan tungkol sa programa
at sa dahilan kung bakit ito pinanonood.
Maaaring itong isagawa nang papangkat. Ipasuri sa
mga pangkat ang pagkakatulad ng mga palabas ayon sa
layunin nito. Maaari ring hayaang gumanap ang mga magaaral bilang mga hosts ng mga napiling palabas at
magtanghal ng ilang mga natatandaang episode o eksena
mula dito. Bigyang-pansin ang nagiging papel ng mga
palabas na ito sa pagsisiwalat ng mga isyung panlipunan,
paghahatid nito sa pamahalaan at sa paghahatid ng solusyon
sa mga ito.
GAWAIN 3.2.l : Teleisipan ng Buhay
Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang
dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan
sa Youtube.
http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related
Kung hindi naman makita ang link na nabanggit,
maaring kumuha ng mga dokumentaryong palabas na
mapapanood ng mga mag-aaral. Tiyakin lamang na
kapupulutan ito ng aral at magiging isang mabuting
motibasyon sa kanila upang magsikap na makatapos sa
kanilang pag-aaral.
Kung wala nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong
pantelebisyon.
Babasahin 3: “Sa Gitna ng Dilim” ni MiL Adonis (Kalakip 3.2.c)
Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong
magagamit mo sa susunod na gawain:
Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang
uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.
Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at
pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mga
programa sa telebisyon.
Dokumentaryong
Pantelebisyon
–
Mga palabas naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
Basahin at unawain mo ang ilang paraan upang tagumpay na maisakatuparan
ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo.
BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN
SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG
DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON
1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM
*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
Ang sanaysay na ito ay isang paglalarawan kaugnay
ng kalagayan ng isang liblib o tagong lugar sa Mindoro. Ang
mga kakulangan ng lugar na ito upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga mag-aaral at maging ng mga guro.
Ang hirap ng buhay sa ilang, ang tiyaga ng isang mag-aaral
upang makatapos ng pag-aaral at ang patuloy na pagsisikap
ng guro na maibigay ang pangangailangan ng kanyang mga
mag-aaral.
*Kilalanin ang taong kakapanayamin
*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Things to do before an interview
Interview Technique
Pre-Interview
2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat na ibig malalam kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Interview Technique
Interviewing Success
3. PAGKATAPOS NG PANAYAM
*Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
Post Interview
GAWAIN 3.2.m : TELEHANAYAN NG KASAGUTAN
Gamit ang talaan ng paglalahat, nais kong sagutin mo ang unang apat na
kolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin
kaugnay sa telebisyon.
Paksa: Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may
malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?
Maaaring gumamit ang guro ng iba pang lunsaran at
iba pang mga sites sa pagpapaliwanag sa paksa. Maaari ring
magsaliksik ang mga mag-aaral sa internet kung ibibigay ang
ito bilang takdang-aralin bago ang pagtalakay.
MGA NAUNA
NANG
NALAMAN
MGA NALAMAN AT
NATUKLASAN
MGA PATUNAY NG
NALAMAN AT
NATUKLASAN
KATANGGAPTANGGAP NA MGA
KONDISYON
PAGLALAHAT
GAWAIN 3.2.n: Telementaryo
Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong
napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo
ng kaisipang inilalahad nito.
Hayaang buuin ng mga mag-aaral ang mga pahayag
batay sa kanilang naging pagkatuto. Pagkatapos, suriin ang
pagkakabuo ng mga pahayag sa tulong ng mga piling salita
gaya ng dahil sa, para at iba pa. Ito ay magsisilbing
pagpapakilala sa aralin sa wika na tatalakayin sa susunod na
bahagi.
1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________.
2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng
pagkain.
3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ______________.
4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,
_________________________________________.
5. Matapos kong mapanood ang dokumentaryo, ___________________.
MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL
May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o
pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o
kaugnayang lohikal tulad ng ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta,
kondisyon at bunga o kinalabasan.
1. Dahilan at Bunga/ Resulta
Naghahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi
naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.
Maaaring bumuo ang mga mag-aaral ng mga
halimbawang pangungusap batay sa mga napanood na
dokumentaryo upang higit pang mapalawak ang mga
kaisipang kanilang natutuhan mula sa mga ito.
Tingnan ang mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng relasyong
dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon
din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang
arrow o palaso)
Nag-aaral siyang mabuti
kaya/kaya naman natuto
siya nang husto.
(dahilan + pang-ugnay+resulta)
Nag-aaral siyang mabuti.
dahil dito/Bunga nito/Tuloy
natuto siya nang husto.
(dahilan + pu + resulta; may hinto
sa pagitan ng dahilan at resulta)
Sapagkat/Pagkat/Dahil
nag-aral siyang mabuti
natuto siya nang husto.
(pu + dahilan + resulta; may hinto
pagkatapos ng dahilan)
Natuto siya nang husto
sapagkat/pagkat/kasi/ dahil
nag-aral siyang mabuti
(resulta + pu + dahilan)
Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan.
Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, pagkat, dahil, dahilan sa at
kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga
ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito, bunga nito.
2. Paraan at Layunin
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o
naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga
pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa
layunin ang arrow o palaso)
Upang/Para matuto nang husto,
nag-aaral siyang mabuti.
Nag-aaral siyang mabuti
upang /para/nang sa ganoo’y
matuto nang husto.
(pu + layunin + paraan)
(paraan + pu + layunin)
Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o
ganoon upang maihudyat ang layunin.
nang sa
1. Paraan at Resulta
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga
halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.
Sa matiyagang pag-aaral,
nakatapos siya ng kanyang kurso.
(paraan + resulta)
Nakatapos siya ng kanyang
kurso sa matiyagang pag-aaral.
(resulta + paraan)
Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng
sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.
2. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan
Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat sa
katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o
kinalabasan ng arrow.
Kung nag-aaral ka lang nang mabuti,
sana’y natuto ka nang husto.
(pu + kondisyon + bunga)
Natuto ka sana nang husto
kung nag-aral kang mabuti.
(bunga + pu + kondisyon)
At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:
Kapag/Sa sandaling/ basta’t
nag-aral kang mabuti,
matututo ka nang husto.
(pu+ kondisyon + bunga)
Matututo ka nang husto
kapag/ sa sandaling/ bastat
nag-aral kang mabuti.
(bunga + pu + kondisyon)
Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pangugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga
sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sa sandaling
o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa
ang kondisyon.
GAWAIN 3.2.o : Sinematotohanang Kaganapan
Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal,
sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel.
kaisipan
kaisipan
kaisipan
kaisipan
Bigyang-pansin sa bahaging ito ang gamit ng mga
salitang nagpapakilala ng ugnayang lohikal sa pagpapahayag
ng kaisipan. Maaaring gamitin ang mga larawan na
nagpapakita ng mga napapanahong kaganapan, kalamidad,
isyu sa pamahalaan at iba pang isyung panlipunan upang
maging mulat ang mga mag-aaral sa mga nagaganap sa
bansa.
kaisipan
kaisipan
GAWAIN 3.2.p: DokPantele
Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang
konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong natutuhan. Basahin at
unawain ang ipagagawa ko sa iyo.
Sitwasyon:
Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng
inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang
Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi
ng pagtatanghal. Bilang pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang
manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang
kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong
pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay dapat a) gumamit
ng angkop na wika, b) may mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong
may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o
napanood at sa panlasa ng kabataang tulad mo.
Maaari ring isagawa ang gawain sa pamamagitan ng
pagganap o pagtatanghal. Hayaan ang mga mag-aaral na
itanghal ang kanilang nabuong dokumentaryo ayon pa rin sa
napagkasunduang pamantayan.
NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG
PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO
Pamantayan
Masaklaw na
paglalahad ng
napapanahong
impormasyon
Masining at
maingat na
paggamit ng
wika
Mahusay na
aspetong
teknikal
Napakahusay
4
Mahusay
3
Umuunlad
2
Nagsisimula
1
Komprehensibo at
makabuluhan ang
napapanahon mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal alinsunod
sa paksang
itinatampok.
Masaklaw,
makabuluhan at
napapanahon ang
mga impormasyong
inilalahad sa
materyal alinsunod
sa paksang
itinatampok.
Makabuluhan at
napapanahon ang
mga impormasyong
inilalahad sa
materyal alinsunod
sa paksang
itinatampok ngunit
may mga detalyeng
hindi nailahad
May makabuluhan at
napapanahong mga
impormasyong inilahad
sa materyal ukol sa
paksang itinatampok
ngunit limitado ang mga
ito.
Natatangi ang
paggamit ng wika
nang higit pa sa
inaasahang
pamamaraan sa
materyal.
Masining at
maingat na nagamit
ang wika sa
kabuuang
pagpapahayag sa
nabuong materyal.
Masining at maingat
na nagamit ang wika
sa karamihan ng
pahayag sa nabuong
materyal.
Masining na ginamit
ang wika sa karamihan
ng pahayag sa
nabuong materyal
ngunit hindi maingat
ang paggamit.
Tipong
propesyonal ang
pagkakagawa sa
materyal dahil sa
husay ng
pagtatagpi-tagpi ng
mga elemento nito.
Taglay ang lahat ng
kailangang
elemento sa
mabisang pagbuo
ng materyal.
Naipapamalas ang
kahusayan sa
teknikal na
pagganap.
Taglay ang mga
susing elemento sa
mabisang pagbuo ng
materyal at
naipamalas ang
angkop na teknikal
na pagganap.
Naipamalas sa materyal
ang minimal na antas
ng pagtatagpi-tagpi ng
elemento at teknikal na
pagganap.
Bigyang-pansin sa bahaging ito ang pagkakagamit ng
mga salitang nagpapakilala ng kaugnayang lohikal sa
paglalahad.
Maaaring bigyan din ng pansin ang kaangkupan ng
mga eksena sa pagpapaigiting ng kaisipang nais ibahagi sa
dokumentaryo at ang angkop na pagganap ng host at ng
mga gaganap sa dokumentaryo (kung ito man ay isasagawa
sa pamamagitan ng pagtatanghal).
Magaling! Natapos na nating talakayin ang tungkol sa radyo at telebisyon, at
natitiyak kong naunawaan mo na rin ang mahahalagang konsepto na nakapaloob sa
araling ito. Para makatiyak ako, isagawa mong muli ang sumusunod na gawain.
Pagnilayan at Unawain
Sa bahaging ito, nais kong pagnilayan mo ang sumusunod na gawain
upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto
na nakapaloob sa araling ito. Inaasahan ko na pagkatapos ng mga gawain,
ang lahat ng iyong maling akala o palagay ay naitama na dahil ito ang daan
upang mabisa mong mailipat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang
konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na
Sa bahaging ito, susuriin ang gampanin ng radyo at
telebisyon bilang mga midyum ng broadcast media sa
paghahatid ng mga mahahalagang impormasyon sa madla at
pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga
mamamayan.
dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media sa iba’t ibang
kaparaanan sa ating araw-araw na pamumuhay.
BROADCAST MEDIA
RADYO
TELEBISYON
MGA ASPEKTO:
pagbibigay ng impormasyon
pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon
pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin
paglalatag ng mga solusyon sa mga
pangunahing suliranin
 aksiyong naisagawa/solusyon sa mga
ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko)




Kumpletuhin ang pahayag:
Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na
pamumuhay sapagkat ____________________________________
_____________________________________________________.
Ilipat
Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong
natutuhan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo ito. Kung mayroon ka
pang hindi nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong guro.bashin at
unawain mo ang sitwasyon sa ibaba.Sa pamamagitan ng mga kasanayang
iyong natutuhan mula sa mga aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak akong
matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawaing iyong isinagawa! Alam
kong nabatid mo rin ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa
paghahatid ng mahahalaga at napapanahong impormasyon sa na nagdudulot
sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin
natin ang iyong galing at talino. Nasa ibaba ang isang gawaing tiyak kong
kayang-kaya mong isakatuparan.
Maaari itong isagawa nang papangkat. Hayaan ang
mga mag-aaral na magsuri sa gampanin ng broadcast media
sa mga nakatalang aspekto. Maaaring hatiin ang klase sa
lima (5) at hayaan silang magpalitan ng ideya kaugnay ng isa
sa mga nakatalang aspekto (mag-atas ng isang aspekto sa
bawat pangkat). Pagkatapos, maaaring ibahagi sa klase ang
napagkasunduan ng pangkat.
Maaaring isulat ng mga mag-aaral ang kanilang
kasagutan sa gawaing ito sa kanilang kwaderno. Maaari ring
hayaan silang sumulat ng slogan na nagpapaliwanag sa
gampanin ng broadcast media sa pagpapaigting ng
kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang
bansa.
Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay
naatasang magsaliksik kaugnay ng mga napapanahong isyu sa ating
bansa.
Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip
para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging
bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon.
Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan
mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at
komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang
manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang
impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o
isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang
mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo –
ang KABOSES.
Kung ikaw naman ay makikiisa sa pagbuo ng dokumentaryong
pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na
makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang
opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong
mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa
KABOSES Station Channel 8.
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong
komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon:
 Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?
 Pulis Pinoy, Mapagkakatiwalaan Pa Ba?
 Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad?
 Mag-aaral na Pinoy, Responsable Pa Bang Estudyante?
Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin
na malinis at maayos ang pagkakasulat nito..
Hayaang pumili ang mga mag-aaral sa midyum na
kanilang gagamitin para sa gawaing ito (komentaryong
panradyo o dokumentaryong pantelebisyon) . Maaaring iparecord (tape recorder kung sa radyo at video recorder naman
para sa telebisyon) ang nabuong iskrip o kaya naman ay
ipatanghal na lamang sa klase sang-ayon sa kakayahan ng
mga mag-aaral.
Maaaring baguhin o dagdagan ang mga pagpipiliang
paksa sang-ayon sa napapanahong isyu. Tiyakin lamang na
ito ay argumentatibo o maaaring sang-ayunan o di sangayunan upang masanay ang kakayahan ng mga mag-aaral
na magsaliksik at mangatwiran sang-ayon sa panig na nais
nilang ipahayag.
Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto:
Pinakamahusay
4
Mahusay
3
Umuunlad
2
Nagsisimula
1
Nilalaman: Layunin
Ang presentasyon ay
may tiyak na layunin o
tema. Ang lahat ng
ipinakita rito ay may
tiyak na kaugnayan sa
layunin at lubhang
makabuluhan.
Ang presentasyon ay
may tiyak na paksa, at
may kaugnayan ang
mga ipinakita rito sa
paksa.
May tiyak na paksa ang Di malinaw na naipakita
presentasyon ngunit
ang paksa at ang
ilang bahagi lamang ang karamihan sa bahagi ay
nagpakita ng kaugnayan
walang malinaw na
sa paksa.
kaugnayan sa tema.
Nilalaman: Konklusyon
Ginamit ko ang aking
natutuhan at mga dati
ng kaalaman upang
mailahad ang aking
pag-unawa sa mga
datos na nakalap.
Nakapaghinuha ako ng
maayos na konklusyon
mula sa mga datos na
nakalap.
Sa tulong ng iba,
nakapaghinuha akong
isang magandang
konklusyon.
Di naging madali ang
paghinuha ko ng
konklusyon.
Katangiang Pang-Multimedia
Gumamit ng mga
grapiko, video, tunog,
at iba pang multimedia
na makatutulong upang
higit na maging
makabuluhan ang
presentasyon.
Sumunod sa batas
kaugnay ng copyright
sa paggamit ng mga
multimedia features.
Gumamit ng multimedia
upang maisagawa ang
presentasyon.
Sumunod sa batas
kaugnay ng copyright
sa paggamit ng mga
multimedia features.
Gumamit ng multimedia
upang maisagawa ang
presentasyon, ngunit
may mga pagkakataong
nalalayo sa tema.
Sumunod sa batas
kaugnay ng copyright sa
paggamit ng mga
multimedia features.
Di- gumamit ng
multimedia upang
maisagawa ang
Presentasyon
Maaaring mabago ang bahaging ito ng rubrik na
gagamitin sang-ayon sa inaasahang produkto ng mga magaaral (kunf recorded o pagtatanghal ang isasagawa).
Pagiging Malikhain
Ang presentasyon ay
ginamitan ng mga
kakaibang likhang sining
upang mahikayat ang
mga manonood,
makadaragdag sa
pagpapalabas ng layunin
at tema ng paksa.
Ang presentasyon ay
ginamitan ng mga
kakaibang likhang sining
upang mahikayat ang
mga manonood.
Sinubukang gamitan ng
mga kakaibang likhang
sining upang mahikayat
ang mga manonood.
Walang ginamit na
mga kakaibang
likhang sining
upang mahikayat
ang mga
manonood.
Pinaghandaang mabuti
ang bawat linya at
malinaw na binigkas ang
bawat salita.
May mga ilang
Di-napaghandaan
pagkakataong kinabahan ang pagsasalita at
habang nagsasalita.
pagganap.
Pagtatanghal
Pinaghandaang mabuti
ang bawat linya at
malinaw na binigkas ang
bawat salita. Naipakita
ang kabuluhan ng paksa
at tema nito.
Binabati kita at matagumpay mong natugunan ang mga gawain sa Aralin 3.2.
Ngayon ay inanyayahan kitang tayahin ang mga natamo mong kaalaman at nalinang
na kakayahan mula sa pagtalakay mo sa modyul na ito.
VII. Pangwakas na Pagtataya:
Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang nais
isaad dito.
1. Nababatid ng mga mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa kanyang
paligid sa pamamagitan ng ____________________.
2. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo, _____________________.
3. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay
__________________________________________________.
Buong husay mong naisagawa ang Aralin 3.2. Handang-handa ka na para sa
huling aralin ng modyul na ito. Pag-uusapan naman natin ang tungkol sa
dokumentaryong pampelikula.
Maaaring ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang
kasagutan sa pagsusulit na ito sa isang buong papel upang
matiyak ang kanilang naging pag-unawa sa kabuuan ng
aralin.
Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula:
Midyum sa Pagbabagong Panlipunan
Bilang ng Sesyon: ___
I. Panimula at Mga Pokus na Tanong
Pokus na tanong para sa Aralin 3.3:
Paano nakakaambag ang mga pelikula
sa pagpapaigting ng kuturang popular at
kamalayang
panlipunan
ng
mga
mamamayan ng isang bansa?
Paano nakatutulong ang pagpapahayag
komunikatibo
sa
mabisang
pagpapahayag?
Mahahalagang Konsepto para sa
Aralin 3.3:
Ang mag-aaral ay nakalilikha ng
isang
iskrip
para
sa
isang
dokumentaryong pampelikula
at iba
pang uri ng midya gamit ang wika sa
pagpapahayag na pangkomunikatibo.
II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito
Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong
Panlipunan
a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni
Brillante Mendoza
b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
III. Mga Inaasahang Kasanayan na Lilinangin sa Aralin 3.3
Aralin
3.3
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa sa Napakinggan
Nailalahad ang pangunahing punto at mahahalagang impormasyon sa
napakinggan
Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto
ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling
ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa
pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon
ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain. Itanim sa
utak ng mga mag-aaral ang mga konseptong ito upang
magkaroon din ng direksyon ang kanilang pag-aaral.
Nakatala dito ang mga aralin na tatalakayin sa
bahaging ito ng modyul. Nakatala ang aralin sa panitikan at
ang awalin sa wika na magiging saklaw ng pagtalakay.
Narito ang mga inaasahang kasanayan ng bawat
isang mag-aaral na malilinang sa pamamagitan ng pag-aaral
ng modyul na ito. Idiin sa kanila na kailangan itong
maisakatuparan.
Pag-unawa sa Binasa
Nasusuri ang mahahalagang impormasyon para sa sariling
pagpapakahulugan sa daigdig na kaniyang ginagalawan
Naiisa-isa ang katangian ng ugnayan ng tao sa lipunan na inilalahad sa
akda
Nailalahad ang mga patunay, halimbawa at iba’t ibang damdaming
ipinahahayag sa akda/tekstong binasa
Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa :
 sarili
 kapwa
 kapaligiran/ lipunan
Pagsasalita
Nasusuri ang mga uri ng pagpapahayag
Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at
saloobin
Tatas
Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay
may kabuluhan o kredibilidad
Pakikitungo sa Wika at Panitikan
Naipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin at
damdamin gamit ang mga uri ng komunikatibong pagpapahayag
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa
pag-aaral ng wika at panitikan
Estratehiya sa Pananaliksik
Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa
pananaliksik
Panonood
Natutukoy ang kontradiksyon sa pelikulang napanood.
IV. Konseptuwal na Balangkas ng Aralin 3.3
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA
Ang Kaligiran ng
Dokumentaryo
Komunikatibong
Paggamit ng Pahayag
Katuturan ng
Dokumentaryong
Pampelikula
Mga Uri ng Pahayag
Kaligirang
Pangkasaysayan
Paglikha ng
Sequence Script ng
isang pelikula.
Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang
Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng
guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila
paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob
sa araling ito.
PAALALA: Bigyan ng pangunahing ideya ang mga magaaral sa mga paksang nakapaloob dito.
Mga Pamantayan
sa paglikha ng
“Sequence Script”
para sa
Dokumentaryong
Pampelikula
Mga Elemento ng
Dokumentaryong
Pampelikula
V. Panimulang Pagtataya (para sa Aralin 3.3)
Panuto: Punan ang mga patlang ng mga titik na bubuo sa salitang tumutukoy
sa hinihingi ng bawat bilang.
1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit
itong mas maging makatotohanan. D _ _ U _ _ _ T _ _ Y _
2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga
patimpalak. S_ _ D_ _ T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M.
3.
Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng
mga tauhan at artista. I _ _ _ I _
4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film ay
ang batikang Direktor na si B _ _ L L _ N T _ _ E _ D O _ A.
5. Si _ O _ _ _ A _ _ IN ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at
produkto ng Indie Films.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang Panimulang Pagtataya
upang masukat ng guro ang paunang kaalaman ng mga
mag-aaral hinggil sa aralin.
Susi sa Pagwawasto:
1. Dokumentaryo
4. Brillante Mendoza
2. Student Independent Film
5. Coco Martin
3. Iskrip
Mahusay! Sadyang di maikakaila ang laki ng impluwensiya ng pelikula sa
buhay ng mga Pilipino, at di maitatangging kabilang ka rito sapagkat nasagot mo ng
buong husay ang paunang pagtataya. Ngayon ay ipagpatuloy mo na ang pag-aaral ng
modyul na ito. Natitiyak kong lubos kang masisiyahan at maraming matututunan sa
araling ito. Tayo na!
VI. YUGTO NG PAGKATUTO
ALAMIN
Batid ko na mayroon ka nang kaalaman tungkol sa mga dokumentaryo at
pelikula. Sa tinatawag nating panitikang popular sa ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t
tinawag itong “dokumentaryong pampelikula”. Lubha kang magiging
interesado sa
paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay nabubuhay
sa modernong panahon kung saan laganap rin ang mga modernong teknolohiya na
Nagsisimula ang pormal na pag-aaral ng mga magaaral sa paksa sa yugtong ito ng pagkatuto. Ang una sa
mga ito ay ang Alamin kung saan sinusubok ang paunang
kaalaman ng mga mag-aaral sa aralin.
Bilang eksplorasyon, dapat alamin ng guro kung ano
ang lebel ng interes ng mga mag-aaral sa paksang ito ng
Dokumentaryong Pampelikula na sa pamamagitan ng mga
sumusunod na gawain, aakayin nito kapwa ang guro at
mag-aaral sa malalimang pagtalakay.
naging bahagi na ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay.
Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong mahahalagang tanong na dapat mong
sagutin kaugnay ng aralin.
Mga Gabay na Tanong:
1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang
kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at
kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito?
2. Bilang isang uri ng midyum, paanong ang isang dokumentaryong pampelikula
ay isang mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong
panlipunan?
Magkasama nating pag-aaralan ang mahahalagang detalye hinggil sa
paksang ito. Sasagutin natin nang buong husay ang bawat katanungan na siya
Magsisilbi itong gabay ng guro sa kanyang mga
mag-aaral at kinakailangang masagot sa iba’t ibang bahagi
ng pag-aaral.
Sa pamamagitan nito, naikikintal sa isipan ng mga
mag-aaral ang mga mahahalagang aspeto at mga
kaalaman na dapat matutuhan.
mong magiging gabay sa iyong pag-aaral. Inaasahan din na iyong maisasagawa
ang produktong dapat mong maisakatuparan sa huling bahagi ng iyong pag-aaral.
Ngunit bago natin ituloy ang pag-aaral na ito, bakit hindi mo muna subuking sagutin
ang gabay na tanong.
Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin at mga pananaw
para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa
pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel.
Gayahin ang pormat.
Sagot:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
GAWAIN
3.3.a : LARAWASYON (Imahinasyon Batay sa Larawan)
____________________________________________________________
____________________________________________________________
___ Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang iyong mga
kaalaman at pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga kasagutan sa loob ng
mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa papel.
Ang gawaing ito ay ang aktuwal na pagsukat sa
paunang kaalaman ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan
ng mga larawan ay mapanunumbalik sa kanilang memorya
kung ano ang kanilang naalala kapag ipinakita ang mga
larawang ito na hango mula sa mga pelikula (documentary
films, independent, indie films at maging ng mga tinatawag
nating commercial films).
Inilaan ang 3-2-1 Chart upang makuha ang mga
bagay na nagustuhan, mga pananaw at mga
mahahalagang aral at kaisipan na nakuha at napulot ng
mga mag-aaral.
Mahalagang Paalala:
Ang guro ay dapat na magpakita ng mga makukulay
at magagandang larawan upang magkaroon ng
natatanging interes ang mga mag-aaral.
Maaaring isagawa sa pamamagitan ng powerpoint
presentation. Magpakita ng iba pang kaugnay na larawan
na sa palagay mo ay uukit sa kaisipan ng mga mag-aaral.
Http:/www.google.com.ph
http://www.cinemalaya.org/film
www.starcinema.com.ph
www.gmanetwork.com/news/video/shows/investigative documentaries
3
Alin sa mga palabas o pelikula na
nakalarawan ang iyong kinagigiliwan?
Magbigay ng tatlo (3) at ipaliwanag
kung bakit.
2
Anu-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang
tumatak sa iyong isipan. Maglarawan ng
dalawa (2) at ipaliwanag kung bakit.
1
Kung bibigyan ka ng pagkakataon,
ano ang isang tanong na nais mong
tanungin sa mga tao sa likod ng mga
pelikula o palabas na ito?
GAWAIN 3.3.b:
_________________________
______________
_________________________
______________
_________________________
______________
_________________________
______________
_________________________
______________
_________________________
_________________________
_________________________
___
IHASIP NATIN (Ihambing at Isaisip)
Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa pahina 7. May
napansin ka bang pagkakatulad ng mga ito? Ngayon, subukin mo naman ipangkat ang
mga ito sa dalawa (2) sa tulong ng kasunod na dayagram. Pagkatapos nito, itala mo
Sa bahaging ito ay ginamit ang dayagram na
magsisilbing patnubay kapwa ng mga guro at mag-aaral
upang ipaghambing ang “dokumentaryo” mula sa “pelikula”
nang sa ganoon ay makuha ang pananaw ng mag-aaral
kung paano nila binibigyang-kahulugan ang isang
dokumentaryo mula sa pelikula.
Mahalagang
mabatid
ang
pagkakaiba
at
pagkakatulad ng mga ito. Sa pamamagitan nito ay
naiuugnay ng guro ang susunod na aralin kung paano ito
nagging isang Dokumentaryong Pampelikula.
Ang gawaing Ihasip, (Ihambing at Isaisip) ay
malaking tulong sa mag-aaral na magtutugma sa mas
malalim pang pag-aaral kaugnay ng paksa. Ipasagot ito
lahat.
ang pagkakatulad ng mga ito kaugnay ng layunin, paraan ng paghahatid nito at
mensaheng naiiwan sa mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
DOKUMENTARYO
A. Pagkakaiba
C. Pagkakatulad
PELIKULA
B. Pagkakaiba
Batid kong taglay mo na ang sapat na kaalamang pangkaligirang may
kinalaman sa mga Dokumentaryo at Pelikula. Ang susunod mong mga hakbang ay ang
pagpapaunlad naman ng iyong pag-unawa sa mga kasalukuyang panitikang popular at
ito ay ang dokumentaryong pampelikula.
PAUNLARIN
Sa bahaging ito ng iyong pag-aaral, ang una mong dapat na maisagawa ay
basahin ang buong teksto, ang iskrip ng pelikula. Pagkatapos, maaari mo na itong
panoorin bilang halimbawa ng isang dokumentaryong pampelikula. Pinamagatan itong
“Manoro” (The Teacher). Ang salitang “manoro” ay nangangahulugang “tagapagturo” o
“guro” sa katutubong wika ng mga kapatid nating Aeta.
Ito ay may kinalaman sa isang batang katutubo, isang Aeta na nagtapos ng
kaniyang elementarya sa isang mababang paaralan sa Angeles City, Pampanga at
kung paano niya tinuruan ang kaniyang mga kababayan sa kabundukan na bumasa,
bumilang at sumulat. Ngunit bago ang lahat, ano nga ba ang Dokumentaryong
Pampelikula? Ngunit bago mo ito sagutin, kilalanin mo muna ang batikang direktor nito.
Basahin ang kasunod.
Ang kasunod na proseso o lebel ng pag-aaral kung
saan pinauunlad ang kabatiran at kaalaman ng isang bata
sa mas masusing pagkatuto.
Direktang tukuyin sa mga mag-aaral na ang unang
gawain ay ang pagbabasa ng akdang pampanitikan. Ngunit
mahalagang bigyan muna ng kaligirang kasaysayan at
kabatiran ang mga mag-aaral sa kung ano ang akdang
pampanitikan na kanilang babasahin at pag-aaralan.
Bigyan sila ng ilang ideya at impormasyon tungkol sa akda
upang maitanim sa kanilang puso’t isipan ang
mahahalagang kaisipan nito habang ito ay patuloy nilang
pinag-aaralan bilang gabay sa pagtalakay sa aralin.
Alam mo ba... (Talakayin matapos mabasa ang akda)
Nang pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1992, marami
sa mga kapwa katutubo nating Aeta ang napilitang lumikas mula sa
kabundukan tungo sa kapatagan sa mababang bahagi ng
Pampanga. Nagbigay naman ito ng pagkakataon sa mga batang
Aeta na sila ay makapag-aral sa mga paaralan sa bayan na malapit
dito. Ang karakter na si Jonalyn sa pelikula bilang isang batang
Aeta na nagnanais taglay ang mabuting hangarin na maturuang
bumasa at sumulat ang kanyang mga kababayan, lalo na ang mga
nakatatanda upang sa unang pagkakataon sa kanilang tanang
buhay ay magamit ang karapatang ipinagkaloob sa kanila ang
makaboto sa nalalapit na eleksyon sa taong 2004. Maging ang
mismong mga sarili niyang magulang ay kinakailangang turuan ni
Jonalyn, lalo na ang kanyang ama na kinakailangang
makapagtrabaho. Kaya naman, si Jonalyn ay nagtungo sa tahanan
ng mga katutubo upang sila’y turuan kung paano sinusulatan ang
mga sample ballot bilang siyang pangunahin niyang misyon. Ngunit
kasabay ng gawain niyang ito ay nalaman niyang nawawala ang
kanyang lolo o Apo (batay sa kanilang katutubong wika) kaya’t
kinakailangan nilang hanapin pa ito sa kabundukan. Ngunit hindi ito
naging hadlang kay Jonalyn.
(tingnan at basahin ang kalakip: Sinopsis ng Manoro)
Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa direksiyon ni Brillante
Mendoza, isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa
paglikha ng mga Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya sa
kanilang tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng
mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang nasabing dokumentaryo ay
nilapatan ng cinema verite, kung saan aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga
pangyayari ng filmmaker ang kanyang film subject, upang mas higit itong maging
makatotohanan. Tunay ngang bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang
popular.
Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang
“pinilakang-tabing”. Kabilang na rito ang “Manoro” (The Teacher) na pinarangalan
sa CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at
Directors Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na mga obra ay
ang Foster Child (John John); Tirador (Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil
kay Mendoza, muling naitayo sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan
ng film-making at film industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng
mga Pilipino.
Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng
pagiging limitado nito sa iba’t ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong
pelikula, mapapansin na ang pangunahing gamit na wika ng mga tauhan ay ang
mismong kanilang “mother tongue” o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim
nito na nakasulat sa wikang Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng
manunulat ay ang pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng
nakararami. Lahat ng ito ay isinagawa upang lubos na matutuhan at
mapahalagahan ang isa sa pinakamagandang Obra-Maestra na pambuong
daigdig ang “Manoro” (The Teacher) o “Manoro” (Ang Guro)
Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong
mga parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa
Gaya ng nabanggit, ito ay mahalagang input na
dapat mabatid ng mga mag-aaral Ang mas malawak na
depinisyon ng Dokumentaryong Pampelikula, ang mga
anyo at uri ng pelikula sa panahong kasalukuyan tulad ng
mga Independent at Indie Films.
Higit sa lahat, ang mga mahahalagang kaalaman sa
batikang Direktor na si G. Brillante Mendoza na nakilala sa
kanyang
mga
“obra-maestra”
na
nagwagi
ng
prestihiyosong parangal mula sa iba’t ibang mga bansa sa
daigdig.
Paalala:
Maaari pang magsagawa ng ilang mga pananaliksik
ang guro at ang mga mag-aaral kaugnay nito bilang
karagdagang kaalaman. Batay sa mga impormasyong
napag-alaman tungkol sa direktor, tanungin ang mga magaaral kung ano sa palagay nila ang naging motibasyon ni
Mendoza sa paglikha ng mga Independent at Documentary
Films.
Babasahin 1: MANORO (Ang Guro) (Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)
(Kalakip 3.3.a)
GAWAIN 33.c : HAGDANAW (Hagdan at Pananaw)
Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong upang
iyong makuha ang bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang iyong kaalaman, pagkilala
sa sarili at pagkamulat sa kapaligiran. Isulat ang sagot sa papel.
Aktuwal na pagbabasa ng teksto ng mga magaaral. Mahalagang malaman nila kung tungkol saan ang
kanilang babasahin. Sa pamamagitan nito ay naikikintal sa
isipan ng mga bata kung ano ang tunay na layunin kung
bakit kailangang basahin ang isang akdang pampantikan.
IPAPANOOD: You Tube (on-line) or DVD “Manoro”
Mahalagang bigyang-pakahulugan ang bawat eksena ng
dokumentaryong pampelikula.
Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan mo
na nagtataglay ng “kawalang-alam” (illiteracy) lalo na sa pagbasa
at pagsulat? Ano ang mga naisip mong proyekto para sa kanila?
Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas sa
pamamagitan ng mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang ama
sa kabundukan kung ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga
katutubo at ng bansang Pilipinas?
Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasakatuparan ang pagtuturo ng pagbasa at
pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo? Magbigay ng mga mungkahi
Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang isang uri ng media tulad ng
Dokumentaryong Pampelikula na bahagi ng ating kultura at panitikang popular?
Ipaliwanag.
Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa kaniyang edad, wasto ba ang
hakbang na isinagawa ni Jonalyn para sa kaniyang mga kapwa katutubo?
Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili bilang isang mahusay na lider at
tagapagtaguyod ng kabutihan sa nakararami sa kasalukuyang panahon?
Pagkatapos na mabasa ang akda, idiin sa mga
mag-aaral ang importansya ng pagsusuri ng akdang
pampanitikan.
TANDAAN:
Dito na pumapasok ang tinatawag nating Six (6)
Facets of Understanding, mapapansing ang bawat
katanungan ay iniugnay sa Aspekto ng Pagkaunawa ang
pagpapaliwanag, perspektibo, aplikasyon, interpretasyon,
empatiya o pag-unawa sa damdamin ng iba, at pagkilala sa
sarili .
Kinakailangang maipaliwanag ng mga mag-aaral
ang kanilang mga paninidigan at kasagutan. Maaaring
gumamit ng ilang kakaibang estratehiya sa pagtatanong
tulad ng palabunutan, pagpasa ng bola, o di kaya’y sa
pamamagitan ng tugtog ng musika o pag-awit. Maging
malikhain bilang isang guro.
Mula sa Dokumentaryong Pampelikula na iyong napanood at iskrip na iyong
nabasa, batid naming naimulat ang iyong isipan sa tunay na kalagayan ng ating mga
katutubo sa mga kabundukan, ang kanilang lagay sa lipunan at ang tunay na
kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman, ang isang Dokumentaryong Pampelikula na
tulad nito ay isang matibay na instrumento upang maipamulat sa bawat isa sa atin ang
katotohanan o realidad ng buhay. Ngayon ay higit pa nating palawakin ang iyong
kaalaman tungkol dito. Basahin ang sumusunod na Ugnay-Panitikan:
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang “Dokumentaryong
Pampelikula” sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon,
manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas
malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang
makita ang realidad at katotohanan.
Maaga nang taong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga
Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing
inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga
tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang “aktuwal na tanawin o eksena”.
At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na
dokumentaryo tulad ng “travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”.
Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito
ang naging instrumento laban sa pulitika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita
nito ang realidad. Naging “wartime propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing
inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng
tinatawag na “Cinema Verite”ang salitang French na nangangahulugang “film
truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na
pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o
tagalikha ng pelikula at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng
dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at
makabuluhan ang isang dokumentaryo. Sa ating modernong kapanahunan ngayon
at gaya na rin ng ilang mga nabanggit, karaniwang nauuso ang mga “Independent
o Indie Films”, “Short Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies”
bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.
Muli, bilang input, ang Ugnay-Panitikan ay ang mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa Dokumentaryong
Pampelikula. Ang Kaligirang Kasaysayan nito mula noong
taong 1900 at ang mga naging katawagan nito sa lipunan
sa pagdaan ng panahon. Bigyang-diin kung paano ito
naging instrumento para maitaguyod ang mga kamalayan
at pagbabagong panlipunan.
Ipabasa ito ng malakas sa mga mag-aaral.
Dito ngayon unti-unting nasasagot ang mga ibinigay
na mga Gabay na Tanong. Maaari ring magpakita ng ilang
kaugnay na larawan ang guro tungkol sa paksang ito.
Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong
dokumentaryong pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento:
Mga Elemento ng Pelikula:
a. Sequence Iskrip – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento
sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
b. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng
ilaw at lente ng kamera.
c. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at
damdamin ng manonood.
Iba pang mga Elemento:
a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento.
c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano
patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
d. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo
mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo
upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto
sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang
pelikula.
GAWAIN 3.3.d : PATINIKAN SA PANITIKAN
Ngayon naman, muli nating balikan ang iba’t ibang mga eksena mula sa
Dokumentaryong Pampelikula na “Manoro” (Ang Guro), Para sa iyo ano kaya ang mga
nais bigyang-tuon nito? Isulat ang sagot sa papel.
Dito na ngayon pumapasok ang kaalamang teknikal
na unang binanggit sa mga gabay na tanong. Ito ay isa sa
pinakamahalagang input na dapat matutuhan ng mga magaaral dahil malaki ang bahaging ginagampanan nito sa iba
pang mga kaugnay na aralin.
PAALALA:
Maaari ring ipasuri sa mga mag-aaral ang pinanood
na Dokumentaryong Pampelikula batay sa mga tinalakay
na elemento. Kinakailangang maibahagi nila sa klase ang
kanilang isinagawang kritiko at pagsusuri tungkol sa aralin.
Pagkatapos maipasuri ang “Manoro” (Ang Guro)
bilang Dokumentaryong Pampelikula, maaari pang
magpasuri ng ibang mga pelikula o dokumentaryo ang guro
upang higit pang mahasa ang kakayahan sa pagsusuring
analitikal ng mga mag-aaral.
ALAM MO BA...
Na upang mas mabisa ang pagsusuri ng isang
pelikula o anumang genre, maaari mo itong ibatay ayon sa
mga Dimensyong Panliteratura? Ito ay ipasuri ayon sa
mga sumusunod na aspeto o dimension:
1.
2.
3.
4.
5.
Panlipunan / Sosyolohikal
Pangkaisipan / Sikolohikal
Kalagayang pang-ekonomiya
Pansarili / Personalisasyon
Pangkasaysayan / Historikal
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
Mula sa gawaing iyong isinagawa, nabatid
natin na upang maging nakasisiya at
epektibo ang isang Dokumentaryong Pampelikula,
mahalagang isaalang-alang ang
___________________
bawat kuha at anggulo ng kamera na tinatawag na camera shots and angles nito
___________________
___
sapagkat lalo nitong pinagaganda ang screenplay
ng isang obra-maestra. Malaki rin
___________________
ang bahaging ginagampanan nito sa emosyon,
lalim at kakintalan at ang magiging
implikasyon ng isang dokumentaryo sa mga manonood
nito.
___________________
___________________
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng
Kamera sa Pelikula
___________________
___ ay tinatawag na “scene1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino
2.
3.
4.
5.
6.
setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang
bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o
dokumentaryo.
Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang
paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa
pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang
isang maaksiyong detalye.
Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa
ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.
Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang
pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang
pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.
High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
Pasagutan sa mga mag-aaral ang bahaging ito ng
“Patinikan sa Panitikan”. Kinakailangang mabigyang-diin sa
mga mag-aaral kung paano nila binibigyang-kahulugan ang
bawat eksena mula sa dokumentaryo at ang mga pahiwatig
nito.
Isa pang mahalagang input may kinalaman sa
estilo, mga teknik at kaalamang teknikal ng isang
dokumentaryong pampelikula na may malaking epekto sa
kabuuang mensahe ng isang pelikula.
Ang guro ay maaaring magpakita ng mga aktuwal
na larawan mula sa mga pahayagan, magasins, internet o
mga video clippings ng mga pelikula upang ipakita ang
mga anggulong ito batay sa pagkakalarawan nito.
Iuugnay nito ang susunod na gawain.
7. Birds Eye-View – Maari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na
nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.
Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na
ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid.
8. Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang
masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang
tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.
GAWAIN 3.3.e : KUHA KO, HULA MO
Matapos mong matutuhan ang iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng kamera
at ang kahalagahan nito sa pelikula, ngayon ay pagmasdan mo ang kasunod na mga
larawan ng mga aktuwal na kuha ng kamera sa pelikulang iyong napanood. Isulat kung
anong uri ito ng camera shot at ipaliwanag ang nais nitong ipahiwatig.
Ang gawaing ito ay pagtukoy sa mga uri ng camera
shots & angles, ang mga pahiwatig nito ay mahalagang
matalakay upang mabigyang-diin maging ang mga
simbolismo na ginamit at pinalitaw sa pelikula.
Talakayin ang mahahalagang eksena sa pelikula.
Dapat na mga mag-aaral ang magpahayag nto.
Uri ng Kuha: _______________________
MAHALAGANG IMPORMASYON:
(Ibahagi sa mga mag-aaral)
Nais Ipahiwatig:
________________________________
________________________________
____
Sa pamamagitan ng Cinema Verite, terminong French na
ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng
pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject, upang
mas higit itong maging makatotohanan, naisakatuparan at
naging matagumpay ang pagsasagawa ng dokumentaryo at
naipakita nito ang tunay na kalagayan ng mga Aeta. Ang
pagiging simple at totoong mga pangyayari at aktuwal na pagarte ng mga tauhan at maging ang lokasyon o lugar ay pawang
mga elemento na nagbibigay kulay at tekstura sa buong pelikula.
Ang mahabang paglalakbay at paglalakad ng mag-ama sa mga
baku-bako, maalikabok at masukal na landas ay isang senaryo
na nagpapakita ng mabagal na pag-unlad at modernisasyon ng
ilang mga lugar na napag-iiwanan at napababayaan sa bansa.
Gayundin, ang tinatawag na functional literacy o pagkatuto na
nagagamit at angkop sa pamumuhay ay binigyang-diin.
Bagamat ito ay ipinakita sa sandaling panahon lamang dahil sa
eleksyon, ang pinaka-pokus pa rin ay ang pagbibigay at
pagkakaloob ng karapatan sa mga katutubo na makaboto sa
unang pagkakataon.
(tingnan ang kalakip: Sinopsis ng Manoro)
Uri ng Kuha: _______________________
Nais Ipahiwatig:
________________________________
________________________________
____
Uri ng Kuha: _______________________
Nais Ipahiwatig:
________________________________
________________________________
____
Uri ng Kuha: _______________________
Nais ipahiwatig:
__________________________________
__________________________________
http://www.google.com.ph/images
Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula ay ang
Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag.Sa
pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa
paraan ng kaniyang mga pananalita.
Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon
sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo
nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon. Pansinin mo ang sumusunod
na pangungusap.
a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin:
1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)
2. “Maaari kayang
aalinlangan)
mangyari
ang
kaniyang
mga
hinala?”
(pag-
3. Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga
pananalitang yaon.” (pagtanggi)
4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.”
(pagsang-ayon)
Ang Ugnay-Wika ay pagtalakay sa bahaging
Gramatika ng isang aralin. Bigyang-diin ang wastong
paggamit at pag-uugnay-ugnay ng mga Komunikatibong
Pahayag.
Gayundin, ang kahalagahan nito sa pagpapahayag
ng mga saloobin, pananaw at bawat damdamin mula sa
akda at lalo na sa tunay na buhay.
5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga
pahayag.” (pagsalungat)
b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at
ipinadarama
1. Pagbibigay-babala
“Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigay-babala)
“Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”
2. Panghihinayang
“Sayang, tama sana ang aking kasagutan.”
“Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana
nangyari yaon.”
3. Di-pagpayag
“ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.”
“ Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”
GAWAIN 3.3.F: PAHAYAG KO, TUGON MO
Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong napanood.
Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Pillin
ang iyong kasagutan mula sa kahon. Isulat sa papel ang mga sagot.
Pagtanggi
Pagbibigay-babala
Panghihikayat
Pagsang-ayon
Panghihinayang
Pagsalungat
Sa bahaging ito, mas lalo pang palalimin ng guro
ang pagtalakay at pagpapa-unawa sa mga mag-aaral ng
mga bisang pandamdamin, pansarili at pang-kapaligiran ng
mga mag-aaral at kung bakit iniuugnay ito sa lipunang
ginagalawan.
“Ama mag-ingat ka sa iyong
paglalakbay, mapanganib sa daan!”
1.
______________________________
“Sa ginagawa nilang iyan,
inaagawan nila ng tahanan
ang mga ibon.”
3.
_____________________________
_
“Ang sampagitang ito ay para sa mga
ga-gradweyt lamang, isuot mo, huwag
kang mahiya, bagay sa iyo ito.”
5.
_____________________________
_
“Hindi dapat maiwan si Jonalyn,
dapat kasama natin siya sa
pagboto.”
2.
_____________________________
_
“Hindi na ako bomoto, dahil
naniniwala akong hindi naman ito
makapagpapababa at
makababawas ng aking pagkatao.”
4.
_____________________________
_ sige, mag-aaral tayo pagkatapos
“O
ng pananghalian natin.”
6.
______________________________
GAWAIN 3.3.g : Pahayag Ko, Interpretasyon Mo
Ngayon naman ay basahin mo ang sanaysay na ito. Sa pamamagitan
nito ay higit ka pang magkakaroon ng kasanayan sa ating tinatalakay na
paksang pangwika. Nakapaloob rito ang ilan sa mga pagpapahayag at pagalam ng mga kaisipan, saloobin, paggawi at pagdama. Hanapin ang mga ito
mula sa Sanaysay at isulat ang iyong mga kasagutan. Ipaliwanag din ang
kahulugan ng bawat pahayag. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. Sundin ang
pormat.
Babasahin 2: PINTIG, LIGALIG at DAIGDIG (Kalakip 3.3.2)
Pahayag:
_____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________
Pahayag:
_____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________
Pahayag:
______________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________
Pahayag:
______________________________
Paliwanag/Interpretasyon:___________________________
GAWAIN 3.3.h : KATUTUBO – Kapatid, Kapamilya’t Kapuso
Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang mga
kapatid nating katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na may angkop na
komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng sariling pamagat.
Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng aplikasyon
ang mga mag-aaral sa kanilang pinag-aaralan. Idiin ang
kahalagahan ng Komunikatibong Pagpapahayag at kung
paano ito nagagamit sa tunay na buhay at sa lahat ng mga
transaksyon kaugnay nito.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Mula sa mga nauna nating pinag-aralan, natutuhan mo ang mahahalagang
bagay tungkol sa Dokumentaryong Pampelikula. Kabilang na rito ang pagsusuri sa
nilalaman nito at kung ano ang panlipunang kahalagahan nito lalo na sa panahong
kasalukuyan sa katulad mong isang kabataan. Gayundin ang mahahalagang elemento
at iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng camera.
Ngunit tandaan, na ang isang pinakamahalagang elemento ng
Dokumentaryong Pampelikula ay ang “iskrip” kung saan nakapaloob ang mga diyalogo
o mga pananalitang namumutawi sa bibig ng mga artistang gumaganap. Sa pananaw
ng isang script writer at ng direktor, ang mga diyalogong ito ay may mas malalim na
pagpapakahulugan, sapagkat mula sa mga ito ay makukuha mo ang mga nakapaloob
na mensahe upang magsilbi itong kamalayan upang buksan ang isipan ng bawat isa
hinggil sa mga isyung panlipunan.
Sa bahaging ito, mas lalo pang palalimin ng guro
ang pagtalakay at pagpapa-unawa sa mga mag-aaral ng
mga bisang pandamdamin, pansarili at pang-kapaligiran ng
mga mag-aaral at kung bakit iniuugnay ito sa lipunang
ginagalawan.
GAWAIN 3.3.i : INTERDAYAL (Diyalogo Ko, Interpretasyon Mo)
Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood. Paano
mo ito bibigyang-pakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa tunay na buhay at
sa kalagayan ng ating lipunang ginagalawan sa ngayon. Isulat sa papel ang sagot
Hayaan ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang kanilang
pakahulugan sa mga pahayag. Pagkatapos nito, hayaan silang
ipaliwanag
kung
bakit
nila
naisip
ang
ganitong
pagpapakahulugan. Maaari itong isagawa nang papangkat.
Maaari pa ring dagdagan ang mga pahayag na nakatala.
MAHALAGANG KAALAMAN PARA SA GURO:
“Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa
akin, hindi ito makapagpapababa
at makababawas ng aking pagkatao”
“Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon,
pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo
naman ang mga Koreano, kelangan ko na
mag-fill-up ng aplikasyon.”
“Apo Namalyri
Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo
Makapangyarihang Isa
Kami ngayo’y nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin”
_______________________
_______________________
_______________________
_____________________
_______________________
_______________________
_______________________
_____________________
Dapat nating mabatid na ang mga kapwa natin
katutubong mga Aeta ay mga Pilipino rin. Sa matagal na
panahon sila ay inakalang nabibilang sa mga taong hindi
sibilisado. Lahat ng mga
pribilehiyo at benepisyo ng
pangkaraniwang mamamayan ay dapat lamang na kanila ring
tinatamasa. Kaya sa halip na sila ay ipagtabuyan, dapat lamang
na sila’y pahalagahan, pangalagaan at mahalin. Ito ang
mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood.
Nang gabing yaon ay nagdiwang ang tribu at inihanda
______________________
______________________
______________________
______________________
__
ang nahuling baboy-ramo. Sumayaw at humiyaw ayon sa
kanilang tradisyon at kinagawian. Sa pagdiriwang na yaon,
tinanong ng isang Aeta ang lolo ni Jonalyn kung bakit hindi siya
bomoto. Ang kanyang matapang, may prinsipyo at may
paninindigang kasagutan ay nagpakita at nagpadama sa kanya
Ipinakikita lamang nito na mahalaga sa epektibong komunikasyon ang
na sa loob ng maraming dekada sila ay nakaranas ng
pagpapakahulugan sa mga diyalogo. Ngayon ay muli mong balikan ang ilang dayalogo
deskriminasyon, pagtratong minorya at pagtatangi, sa winika
sa dokumentaryong pinanood na sa palagay mo ay tumanim sa iyong isipan, bigyan
nitong
ito ng pagpapakahulugan.
makapagpapababa ng aking pagkatao.”
“dahil
hindi
ito
makapagpapabawas
at
GAWAIN 3.3.j :
PELSKRIP (Pelikula at Iskrip)
Sa iyong mga naunang gawain ay nalaman mo ang uri ng mga pahayag na
mahalagang bahagi ng epektibong komunikasyon na nakatutulong upang magkaroon
ng mas malalim na pagpapakahulugan ang mga diyalogo o pahayag. Ngayon naman
Sa bahaging ito, maaaring ipasok ng guro ang iba
pang mga pelikula, maging ito man ay independent film,
short film, video advocacy at iba pang anyo nito. Tiyakin
lamang na akma at angkop sa edad ng mga mag-aaral ang
mga eksenang ipakikita.
ay subukin mo ang iyong kakayahan sa bagay na ito.
Ang sumusunod na larawan ay batay sa isang Indie Film na “Ang Babae sa
Septic Tank” sa direksiyon ni Marlon Rivera , isang pelikulang nagkamit ng maraming
parangal na ang pangunahing tema ay suliraning panlipunan. Subukin mong bumuo
ng mga diyalogo mula sa mga ito na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng mga pahayag na
ating tinalakay sa mga naunang aralin. Gawin sa papel.
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_______________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
____
www.starcinema.com.ph/
Bigyang-pansin kung paano nagagamit ang mga
Komunikatibong Pahayag sa mga nabanggit na genre.
GAWAIN 3.3.k : DOKYUFIL (Pelikula at Dokumentaryong Filipino – Epekto Sa Iyo)
Ang mga pelikulang katulad ng “Babae sa Septic Tank” at “Manoro” (Ang Guro)
ay pangunahin at tahasang tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan.
Kaya’t ang matataas na uri ng mga obra-maestra na katulad ng mga ito sa larangan at
industriya sa paglikha ng pelikula ay nararapat lamang tangkilikin bilang bahagi ng
kultura at panitikang popular sa ating bansa. Hindi lamang ito nakalilibang kundi
naimumulat nito ang ating kamalayang panlipunan, at kung ano ang naging
implikasyon o epekto nito sa iyo bilang mag-aaral.
Muli,
ipahayag
at
ipaliwanag
dokumentaryong “Manoro” (Ang Guro)
ang
naging
implikasyon
sa
iyo
ng
batay sa sumusunod na aspeto. Gawin sa
papel. Gayahin ang pormat.
Pinakamahalaga na naiuugnay ang akdang
pampanitikan sa panahong kasalukuyan at sa tunay na
buhay. Ang Implikasyon nito sa Sarili, Pamilya at Lipunan.
Itanim sa isip ng mga bata na ang mga akdang
pampanitikan tulad ng “Manoro” (Ang Guro) ay isang
midyum sa hinahangad na pagbabago.
MANORO (Ang Guro)
Dokumentaryong Pampelikula
IMPLIKASYON
Kaugnayan sa Tunay na Buhay
SARILI
___________
___________
___________
___________
___________
_
PAMILYA
___________
___________
___________
___________
___________
_
LIPUNAN
___________
___________
___________
___________
___________
_
GAWAIN 3.3.l : AKO MISMO, KIKILOS AKO!
Ngayong alam mo na ang naging implikasyon sa iyo ng akda, panahon naman
para maipahayag kung paano ka makatutulong sa iyong pamayanan bilang isang
batang lider sa pagharap at paglutas ng mga suliraning panlipunan na kinakaharap sa
kasalukuyan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
“AKO MISMO,
BATANG
LIDER”
Mula sa mga ito ay iyong mahihinuha ang kahalagahan ng media o anumang uri
ng midyum sa paglutas ng mga suliraning panlipunan at ikaw bilang isang natatanging
kabataan na nagtatalay ng matibay na personalidad sa pagharap mo sa marami pang
hamon na darating sa iyong buhay. Kaugnay nito bumuo ka ngayon ng isang
Repleksiyon batay sa lahat ng iyong mga natutuhan sa araling ito. Sundin ang pormat.
Ang Aking Repleksyion …
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
____________________________________________________
Matapos na matalakay ang akda, bigyang-diin na
mahalagang naikakapit ng mga mag-aaral sa kanilang sarili
at buhay ang akdang pampanitikan.Nangangailangan ang
pagkilos matapos itong matutuhan.
Dapat na mapalabas ng guro ang pagiging isang
lider ng kabutihan at adbokasiya sa pamayanang
ginagalawan upang magamit niya ang lahat ng natutuhan.
Ilipat
GAWAIN 12: Iskripkoto
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makalilikha ng isang
iskrip para sa isasagawang dokumentaryong pampelikula gamit ang iba’t ibang
uri ng mga pagpapahayag.Ngunit bago iyon, dapat mong malaman na bago ka
gumawa ng isang iskrip para sa mga diyalogo ay dapat mo itong simulan sa
pagbuo ng isang sequence script na magsisilbi mong pinakapundasyon at
pinakagabay sa iskrip na iyong isusulat. Narito ang isang halimbawa, (halaw sa
“Manoro”, Ang Guro) basahin, pag-aralan at unawain mo itong mabuti.
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng pag-aaral ang
paglilipat ng kaalaman sa mga mag-aaral at ang aktuwal
nitong aplikasyon sa kanilang sarili at sa kanilang
pamumiuhay.
Batay sa ibinigay na direksyon, bigyang-laya ang mga
mag-aaral na lumikha ng kanilang sariling iskrip na
itatanghal sa klase na siyang magsisilbi ring pagsasanay
nila para sa lalo pang mapanghamong gawain sa huling
bahagi ng pag-aaral batay sa modyul na ito.
ANG ISKRIP NG MGA EKSENA (“SEQUENCE SCRIPT “)
Eksena Bilang at
Tagpuan
Kuha at Anggulo ng
Kamera
Eksena / Sequence
1:
School Grounds
(Graduation Day)
Establishing
Shot sa “school
grounds”
Medium Shot sa mga
taong nakapaligid
(iba’t ibang senaryo)
Close-Up Shot na
ipakikita ang ilang
eksena ni Jonalyn
(pangunahing
tauhan)
Mga Detalye/
Paglalarawan at
Kaisipan ng Eksena
Mga Tauhan at Iba
pang Datos na
Kinakailangan
Magbubukas ang
eksena sa “school
grounds” sa araw ng
graduation.
Hindi magkamayaw
ang mga tao.
Masayang-masaya
ang lahat at lubos
ang pananabik.
Ngunit kasabay nito
ay ang pag-iyak ng
mga bata’t sanggol.
Maririnig ang ilang
mga usapan.
Karamihan ng mga
tao sa isang tipikal na
“Graduation Day”
(iba’t ibang eksena)
Isa sa mga unang
makikita ang
pangunahing tauhan
(Jonalyn Ablong)
kasama ang ilang
miyembro ng
kanyang pamilya
(matatapos nang
masaya ang
graduation)
Ipaunawa sa mga mag-aaral ang paglikha ng isang
Sequence Script. Idiin sa kanila na lubha nila itong
kinakailangan sa pagbuo ng iba pa nilang mga kaugnay na
proyekto lalo na sa huling bahagi ng aralin.
Magpakita ng iba pang mga halimbawa kung
kinakailangan. Mahalaga rin na patiuna itong naunawaan
at napag-aralan ng guro.
Maaari ring magbigay ng iba pang mga sitwasyon at
pagawain ang mga mag-aaral ng kanilang sariling likhang
sequence script.
Eksena / Sequence
2:
Sa isang Jeep na
patungong
Resettlement Area ng
mga Katutubo
Long Shot sa isang
Jeep na papunta sa
Resettlement Area ng
mga Katutubo
(tinatahak ang
mababato at
maalikabok na mga
daanan)
Medium Shot sa mga
nagsisipagtawanang
katutubo tungo sa
Close-Up Shot sa
nagsasalitang si
Jonalyn
(pangunahing
tauhan)
Ipakikita ang andar
ng isang jeep sa
mabato at
maalikabok na
daanan, may ilang
batang lalaki na
nakasakay sa itaas
ng jeep
Mga ilang batang
katutubo na
gumradweyt, mga
ina, sanggol at iba
pang mga batang
sumama sa
graduation at tampok
ang pangunahing
tauhan na si Jonalyn
Ablong
Masayang
nagtatawanan ang
mga katutubo tungkol
sa katatapos na
Graduation hanggang
sa pagdating sa
kanilang lugar
VII. PANGWAKAS NA PAGTATAYA:
Isulat ang wastong sagot sa patlang.
1. Ito ay isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay “scene setting”.
______________________
2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang
pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa
masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. ________________
Ipasagot ang pangwakas na pagtataya bilang pagsubok sa
kanilang mga natutuhan sa araling ito ng Dokumentaryong
Pampelikula.
Susi sa Pagwawasto:
1. Establishing / Long Shot
2. Disenyong Pamproduksyon
3. Cinema Truth
4. Cinema Verite
5. Independent / Indie Films
3. May katuturang “pelikula totoo” at katangian ng isang dokumentaryong
pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari.
____________________
4.
Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at
pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject. Naging
pamamaraan
ng
mga
makabagong
direktor
sa
kasalukuyan.
________________________
5.
Ito ang mga
pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat
pangunahing layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng mamamayan.
_________________________________
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang sumusunod
na aspeto o mga bagay sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan mula sa tradisyunal
na uri tungo sa mga panitikang popular.
Lenggwahe/Wika
Tradisyunal
na
Anyo ng
Panitikan
Makabagong Teknolohiya
Mga Suliranin at
Kalagayang Panlipunan
Prinsipyo at mga
Paniniwala
Panitikang
Popular
Ang bahaging ito ang magsisilbing sintesis ng
kabuuan ng modyul. Ang mga magiging kasagutan ng mga
mag-aaral sa bahaging ito ang sasagot sa mga
mahahalagang tanong na nakatala sa simula ng modyul.
Inaasahang maipaliliwanag nila ang pagbabago ng
tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa panitikang popular.
Maaari itong isagawa nang papangkat. Iatas sa bawat
pangkat ang isa sa apat (4) na salik na nakatala.
Batay sa iyong natapos na gawain, buuin ang sumusunod na pahayag:
Napag-alaman ko na bilang anyo ng panitikan ang tradisyunal ay
_______________________________________. Sa paglipas ng
panahon, nagkaroon ng mga pagbabago mula sa tradisyunal na uri ng
panitikan tungo sa popular dahil sa __________________________.
Nakatutulong ang panitikang popular upang ____________________.
Bilang isa sa mga kabataan, sisikapin kong ______________________.
ILIPAT
Dapat nating maunawaan na lahat ng mga midyum na tinalakay sa bawat aralin
ng Modyul 3, kabilang ang Kompyuter o ICT bilang malaking bahagi ng Kulturang
Popular tungo sa mga Panitikang Popular na umiiral sa kasalukuyan. Basahin at
unawain mong mabuti ang nakaatang na gawain para sa iyo at ng iyong mga kamagaral. Basahin ang nakasulat sa loob ng kahon:
Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga
likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan
ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at hinihikayat ang mga barangay
na lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng pamunuan ng inyong
barangay ang oportunidad ng naturang patimpalak sa pagpapaigting ng
responsibilidad at paninindigan ng kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang
pinili ng barangay na maging kinatawan sa MAF. Bumuo ka ng isang
multimedia campaign o kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit
ang multimedia na maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng
kabataan ng inyong barangay at mga paraan upang masolusyunan ang mga ito.
Ang materyal na iyong bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na
pamantayan: komprehensibong paglalahad, malikhaing paggamit ng wika,
kahusayang teknikal at praktikal na mga rekomendasyon.
Ang iyong mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social
awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang iba’t ibang midyum na iyong
natutuhan mula sa modyul na ito. Nariyan ang print media na gamit ng mga
kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari ka rin namang bumuo ng
Maaaring isulat ng mga mag-aaral ang kanilang
kasagutan sa gawain sa kanilang kwaderno. Maaari ring
magpasulat ng isang slogan kaugnay ng paksang
nakasaad. Ito ang magsisilbing paglalahat o sintesis ng
kanilang pag-aaral ng modyul.
Bigyang-pansin sa bahaging ito ang gampanin ng
internet bilang midyum kung saan maaaring naibabahagi sa
marami ang mga iba’t ibang uri ng panitikang popular. Maaaring
ipa-post sa mga mag-aaral sa internet (YouTube, Facebook o
Twitter) ang matatapos nilang gawain sa bahaging ito.
Sa loob ng kahon ay detalyado ang presentasyon ng
produkto ayon sa GRASPS. Kinakailangang ipaunawa ito sa
mga mag-aaral upang sila ay magabayan sa isasagawang pinal
na produkto.
isang dokumentaryo o documentary clip sa anyong video na siya namang ginagamit
na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon at pelikula. Maaari
mo ring i-post sa internet ang iyong malilikhang campaign material. Inaasahang
maitatampok sa iyong bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong
baranggay at ang magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga umiiral
na suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad.
Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo ng isang
balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang inyong mga
mahahalagang plano para maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito
kung makalilikha kayo ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging
batayan para sa pangkalahatang produkto.
Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang
mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa
mga eksena sequence script at iskrip na pandayalogo:
1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging makatotohanan
upang higit itong maging kapani-paniwala.
2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang
maging malikhain.
3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga dayalogo. Gamitin ang
iba’t ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika
nito.
4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa
pagsulat ng mga dayalogo. Dapat na magkakaugnay ang bawat dayalogo at
eksena ng isang mabisang iskrip.
Narito naman ang magiging pamantayan sa iyong mabubuong campaign
material:
Orihinalidad at Pagkamalikhain
-
40 %
Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena
-
20 %
Linaw ng Kaisipan at Mensahe
-
10 %
Epektibong Gamit ng Wika
-
20 %
Aplikasyong Teknikal
-
10 %
_______
100 %
Maaaring pumili ang mga mag-aaral kung print media
(KOMIKS) o video clip (Dokumentaryong Pantelebisyon o
Pampelikula) ang kanilang isasagawa.
Hayaang sumulat muna ang mga mag-aaral ng iskrip na
kanilang gagamitin upang mahasa rin ang kanilang kasanayan
sa pagsulat. Kung komiks ang bubuuin, hayaan muna silang
magplano sa magiging takbo ng mga pangyayari at mga
usapan/dayalogo.
Tandaan:
Dapat na maisaalang-alang ang mga mahahalagang paalala at
mga hakbang sa pagbuo at paglikha ng iskrip upang mas
maging epektibo ang gawa ng mga mag-aaral at naaayon sa
mga mahahalagang pamantayan.
Kaugnay nito, narito ang mga batayan at mga kraytirya sa pagmamarka ng inyong
isasagawang proyekto:
MGA
PAMANTAYAN
Kapugay-pugay
4
Masaklaw na
paglalahad ng
napapanahong
impormasyon
Komprehensibo
at makabuluhan
ang
napapanahonmg
a impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok.
Masaklaw,
makabuluhan at
napapanahon
ang mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok.
Natatangi ang
paggamit ng wika
ng kabataan
nang higit pa sa
inaasahang
pamamaraan sa
materyal.
Masining at
maingat na
nagamit ang wika
ng kabataan sa
kabuuang
pagpapahayag sa
nabuong
materyal.
Masining at
maingat na
nagamit ang wika
ng kabataan sa
karamihan ng
pahayag sa
nabuong materyal.
Tipong
propesyonal ang
pagkakagawa sa
materyal dahil sa
husay ng
pagtatagpi-tagpi
ng mga elemento
nito.
Taglay ang lahat
ng kailangang
elemento sa
mabisang pagbuo
ng materyal.
Naipapamalas
ang kahusayan
sa teknikal na
pagganap.
Taglay ang mga
susing elemento sa
mabisang pagbuo
ng materyal at
naipamalas ang
angkop na teknikal
na pagganap.
Naipamalas sa
materyal ang
minimal na antas
ng pagtatagpi-tagpi
ng elemento at
teknikal na
pagganap.
Ang mga inilahad
na
rekomendasyon
ay
nagmumungkahi
ng kaisipang
pangmatagalan
sa kamalayan ng
madla
Malinaw at
kapakipakinabang para
sa lahat ang
inilahad na
rekomendasyon.
Makabuluhan ang
karamihan sa
inilahad na
rekomendasyon.
May mga
rekomendasyong
inilahad ngunit
mabuway ang mga
inimumungkahing
kaisipan.
Masining at
maingat na
paggamit ng
wika
Mahusay na
aspetong
teknikal
Pagkapraktikal
ng
rekomendasyon
Magaling
3
Umuunlad
2
Nagsisimula
1
Makabuluhan at
napapanahon ang
mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal alinsunod
sa paksang
itinatampok ngunit
may mga
detalyeng hindi
nailahad
May makabuluhan
at napapanahong
mga
impormasyong
inilahad sa
materyal ukol sa
paksang
itinatampok ngunit
limitado ang mga
ito.
Masining na
ginamit ang wika
ng kabataan sa
karamihan ng
pahayag sa
nabuong materyal
ngunit hindi
maingat ang
paggamit.
KABUUANG
MARKA
MARKA
Maaari pang pagbutihin ang mga pamantayan ayon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral ayon sa hinihingi ng
sitwasyon kung paano pa higit na magiging mas maayos at
maganda ang isasagawang produkto ng mga mag-aaral.
Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga gawaing iniatang
sa iyo bilang isang mag-aaral, binabati kita! Isang matagumpay na pag-aaral para sa
iyo! Tunay na isa kang masipag at matalinong mag-aaral!
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (Kalakip 3.2)
Susi sa Pagwawasto:
1. B
2. A
3. C
4. C
5. D
6. A
7. D
8. D
9. B
10. D
11. A
12. C
13. B
14. A
15. C
16. B
17. A
18. D
19. A
20. D
Download