Uploaded by shahaina26pellerin

SALAWIKAIN

advertisement
NAME: JETTE BRIAN LUPASE
Mga Halimbawa at Kahulugan ng Salawikain
Ang salawikain o sawikain ay mga kasabihan sa wikang tagalog na may kapupulutang aral.
Ang salawikain ay kadalasang ay may tugma tulad ng isang tula. Subalit ang salawikain ay higit
na mas maikli kaysa sa isang tula.
1. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. Kailangang kumilos ang tao sa tamang
oras. Hindi na mapapakinabangan ang isang bagay kung wala na ang nangagailgan nito.
2. Huli man daw at magaling na ihahabol din. Madaling irespeto ang mga kalidad na gawa.
Maliit na bagay na ang pagiging late kung mabuti ang iyong hangarin. Isang halimbawa ay ang
pagtulong. Nahuli ka man sa pagbibigay tulong sa mga naaepektuhan ng sakuna, mas mabuti pa
rin na ikaw ay tumulong.
3. Kung ano ang itananim, sya din ang aanihin. Hindi bumubunga ng mansanas ang puno ng
santol. Kung gumagawa ka ng bubong, pintuan at binana, magkakamit ka ng bahay at hindi isang
kotse. Kung nagaaral ka ng mga leksyon para sa isang doktor gaya ng medisina, magiging isang
doktor ka. Ang bunga ng iyong mga gawa ay magmumula kung ano ang iyong
pinagkakaabalahan. . Kung ano ang iyong pinaghirapan, yun din ang iyong pakikinabangan.
Wala kang mapapala kung wala kang gagawin.
4. Lahat ng gubat ay may ahas. Umasa kang makikita mo ang mga nilalang sa sarili nyang
likas na tahanan. Ang gubat ay isang mapanganib na lugar na kagaya din ng ating lipunan. Sa
ating lipunan, maari kang makasalumuha ng masasamang tao kaya kailangan ang pag-iingat
5. Anhin pa ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago. Mabuti pa ang bahay kubo
na ang nakatira ay tao. Hindi basehan ang bahay o yaman para husgahan ang kahalagahan ng
ating pagkatao. Hindi makakatulong sa kapwa ang isang maybahay na walang puso. Naranasan
mo na bang humingi ng tulog pero di ka pinansin, tinulugan ka lang o tinitigan ? Sa huli, kahit
gaano pa kasimple ang bahay ng isang tao,mas mahalaga pa rin ang katangian ng naninirahan.
Maraming kayang gawin ang isang totoong tao kaysa sa isang bahay, palasyo, palasyo, o mga
nilalang na mukhang tao lang.
Mga Halimbawa ng Sawikain
1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.
3. Alilang-Kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang
suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.
5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN:
1. Hinahabol ng Karayom- may sira ang damit
2. Parehong kaliwa ang paa- hindi marunong sumayaw
3. Tulain mo na lamang- hindi magaling umawit
4. Mahangin/bumabagyo- hambog o mayabang
5. Parang suman- masikip ang damit
6. Basang sisiw- kaawa-awa, inaapi
7. Batong lansangan- taong walang silbi
8. Batang-isip - wlang muwang
9. Huling baraha- natitirang pag asa
10. Huling hantungan- Libingan
11. Butas ang bulsa- walang pera
12. Ilaw ng tahanan- ina o nanay
13. Bukas ang palad- matulungin
14. Ibaon sa hukay- kalimutin
15. Amoy pinipig- mabango
16. Kabiyak ng dibidb- asawa
17. Lantang gulay- sobrang pagod
18. Nagsusunog ng kilay- masipag mag-aral
19. Pag-iisang dibdib- kasal
20. Makapal ang palad- masipag
Download