BIONOTE Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig). Kadalasan na may makikitang bionote sa likuran ng pabalat ng libro na may kasamang larawan ng awtor o ng may-akda. Kapag inilalarawan ang taong paksa ng bionote ay kadalasan ng nasa dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang. Ang bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mga mambabasa o makikinig kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng paksa bilang propesyunal. Nagbibigay rin ito ng mga karagdagang impormasyon may kinalaman sa paksa at kaganapang tatalakayin. Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang panauhin o bilang propesyunal. Paano gumawa ng bionote? Mga dapat tandaan sa pagsulat ng bionote: 1. Kailangang batid ng lahat na magkaiba ang talambuhay o autobiography sa bionote. Napakalaki ng agwat nito dahil ang bionote ay nararapat lang na maikli at siksik, samantalang dapat ay mas detalyado at mas mahaba ang pagsusulat ng talambuhay at / o ng autobiography. 2. Dapat din na batid ng lahat na iba ang bionote sa curriculum vitae, resume, at biodata. Ang mga personal na impormasyon kagaya ng ngalan, timbang, tangkad, kapanganakan, lugar ng kapanganakan, edad at kasarian ay karaniwan ng hinihingi sa mga resume, cv at biodata. Bakit nagsusulat ng bionote? 1. Ito ay para ipaalam sa iba / lahat ng manonood, mambabasa at / o makikinig ang kredibilidad sa larangang kinabibilangan na siyang tatalakayin sa isang kaganapan 2. Para rin ipakilala ng may akda ang kaniyang sarili sa mga mambabasa 3. Para ang bionote ay magsilbing marketing tool 4. Para rin ipaalam sa iba / lahat na hindi ang karakter ng paksa at para na rin magkaroon ng sapat na pag-introduce sa kredibilidad sa larangang kinabibilangan ng paksa. Isa rin itong paraan para ipakilala sa mga mambabasa ang sarili. Katangian ng Bionote Narito ang mga katangian ng bionote: Maikli lang dapat ang nilalaman nito Gumagamit ng ikatlong panauhan para hindi masyadong egocentric Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng mga balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote Nakatuon sa mga angkop na kasanayan o katangian ang nilalaman ng bionote. Binabanggit ang degree o tinapos ng paksa sa bionote. Mahalagang Paalala: Maging matapat lagi sa pagbabahagi ng mga impormayson. Layunin at Gamit ng Bionote Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng isang indibidwal, tulad ng kanyang academic career at mga academic achievements, at iba pang impormasyon ukol sa kanya. Nilalaman ng Bionote Personal na impormasyon tungkol sa tinubuan lupa o pinagmulan, edad, buhay kabataan-kasalukuyan Kaligirang pang-edukasyon na sumasakop sa ngalan ng mga paaralang pinasukan, digri na tinapos, at mga karangalan Ang bionote ay ambag sa mga larangang kinabibilangan gaya ng mga kontribusyon at mga adbokasiya. Mahalagang Ideya! Maituturing na marketing tool ang bionote. Ito ay ginagamit upang itanghal o ipahayag ang pagkilala at natamo ng isang indibidwal. Dapat lahat tayo ay may matapat sa pagbabahagi ng mga impormasyon at kinokondena dapat ang mga fake news. MGA KATANGIAN NG BIONOTE Ang Bionote ay isang maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor o may akda ng nasabing aklat. Mayroong pitong (7) na katangian ang pagsulat ng isang bionote, ito ay ang mga sumusunod: MGA KATANGIAN NG BIONOTE 1. Maikli ang nilalaman -Karaniwan ay hindi binabasa ng mga mambabasa ang bionote kung ito ay mahaba. Sikapin na paikliin lamang ang pagsulat ng Bionote para basahin ito at siguraduhin na ang nilalaman nito ay ang mga importanteng impormasyon lamang. 2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw -Laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng Bionote kahit na ito ay tungkol sa iyong sarili. Halimbawa: "Si Juanito Alfonso ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Medicine sa University of Sto. Tomas. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang doctor sa University of Sto. Tomas Hospital." 3. Kinikilala ang mambabasa -Kinakailangan na isaalang-alang ang mambabasa sa pagsusulat ng isang Bionote. Kung ano ang hinahanap ng mambabasa dapat ay iayon sa kanilang hinahanap ang pagsulat ng Bionote. 4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok -Ang pagsulat ng Bionote ay katulad lang rin ng iba pang obhetibong sulatin. Palaging unahin ang pinakamahalagang impormasyon sa pagsulat ng Bionote. Ito ay dahil sa ang mga mambabasa ay binabasa lamang ang unahang bahagi ng sulatin. Kaya dapat lamang na sa simula pa lang ay ilagay na ang mga mga mahahalagang impormasyon. 5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian -Piliin lamang ang mga kasanayan o katangian na angkop lamang sa layunin ng iyong Bionote. 6. Binabanggit ang degree kung kailangan -Mahalagang isulat sa Bionote ang degree na nakuha ng isang awtor dahil isa ito sa mahalagang impormasyon na dapat malaman ng isang mambabasa. 7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon---Siguraduhin na tama ang lahat ng impormasyon na ilalagay sa isang Bionote. Huwag magsulat ng hindi totoong impormasyon para lamang maging kahanga hanga ang pangalan ng isang tao. MGA KATANGIAN NG BIONOTE -Isang sanaysay na patungkol sa akda na ang primaryang nakasaad ay ang kanyang pangalan, edukasyon, at mga nalikha. Tala ng may akda patungkol sa kanyang sarili, nangyari sa kanyang buhay na mag bibigay inspirasyon sa mga makakababasa ng kanyang isinulat. Pagpapakilala ng awtor- nakasaad dito ang digri, institusyong akademiko, mga samahang sinalihan at larangan ng pinagkadalubhasaan. Impormatibo,nagbibigay ito ng kaalaman sa mga mangbabasa ukol sa kasanayan ng may akda at mga naranasan neto naisasaad din dito ang mga parangal na nakamit ng may akda. Akda na patungkol sa may awtor na nag bibigay sa kanyang sariling pag kakakilanlan at nag lalaman ng pagiging matagumpay at karangalan ng may akda. Ang bionote ay isang maikling talata na naglalaman ng isang pinaikling talambuhay. Isa sa mga katangian ng bionote ay ang pagbibigay ng malayang pahayag patungkol sa buhay at karanasan ng may akda. Ang bionote ay hindi tulad ng isang karaniwang talambuhay kung saan niroromantisa ang naging buhay ng tampok na indibidwal. Ang bionote ay isang maikling talata na naglalaman ng isang pinaikling talambuhay. Pinaikli, sapagka’t ito ay naglalaman na lamang ng mga impormasyon na totoo at direkta. Karaniwang nilalagay lamang sa bionote ang lugar ng kapanganakan, pinag-aralan, nakamit ng mga parangal, at mga naisulat na akda.