MGA SALIK AT NEGATIBONG EPEKTO NG MAAGANG PAGBUBUNTIS O TEEN-AGE PREGNANCY I. KONTEKSTO AT MAKATUWIRANG PALIWANAG ISA SA PINAKAMALAKING ISYUNG SULIRANIN NG BANSA AY ANG TEEN AGE PREGNANCY O MAAGANG PAGBUBUNTIS, TAYO AY KASALUKUYANG NAHAHARAP SA KATOTOHANAN NA SA MURANG EDAD NG MGA KABATAAN AY MAY MGA SARILI NG ANAK. MARAMING MGA KABATAAN ANG NASASANGKOT SA "PREMARITAL SEX" NA NAGIGING DAHILAN NG PAGBUBUNTIS. DAHIL SA KAKULANGAN NG KAALAMAN AT KURYUSIDAD PAGDATING SA SEX, NAKAGAGAWA NG MALING DESISYON AT NAGKAKAROON NG KALITUHAN ANG ISIP NG MGA KABATAAN NA MAG UUDYOK SA KANILA UPANG GAWIN ANG ISANG BAGAY NA HINDI NAMAN DAPAT. MAINIT ANG ISYU TUNGKOL SA MAAGANG PAGBUBUNTIS NG MGA KABATAAN LALO NA SA MGA BANSANG HINDI GAANONG DEBELOP AT MABABA ANG ANTAS O "STANDARD" NG EDUKASYON. Ayon sa PopCom, lumundag ng pitong porsiyento noong 2019 ang nanganganak na babaing 14 anyos pababa kumpara sa nakaraang taon batay sa ulat na ipinagkaloob ng Philippine Statsitics and Authority Ayon sa mga naunang pag-aaral, isang importanteng dahilan ng maagang pagbubuntis na dapat pagtuonan ng pansin ay ang "Mass media." (Multiply, 2007).Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nahahantong sa maagang pagbubuntis, sa murang edad ng kanilang pagdadalang-tao, bagkus hindi rin nila alam ang responsibilidad na kaakibat nito. Ang maagang pagbubuntis ay sinasabing dulot ng peer pressure o pagpapadala sa mga taong nakapaligid sa isang tao, hindi paggamit ng contraceptives, relasyon sa magulang at iba pang kapamilya at medya (Guttmacher Institute, 2005). Ang maagang pagbubuntis ay tumutukoy sa babaeng nasa edad na 20 pababa. Mas mahirap ang dinadanas ng kabataang nabubuntis kumpara sa mga nabubuntis ng nasa edad 21 pataas. Bukod sa pinansyal na problema, magkakaroon din ng problema sa kanilang pangangatawan o kalusugan. Hindi kasi madali ang pagdadala ng sanggol, minsan ay hindi ito kaya ng katawan (Campbell,2003). May mga kaso ng nalalaglagan ng bata at mga namatay habang nanganganak. Maraming pagbabagong nagaganap sa katawan ng babaeng buntis, hindi lamang sa pisikal na kaniyang pangangatawan, ngunit pati na rin sa kaniyang emosyonal na kalagayan at kaniyang kapaligiran. Maaring magkaroon ng impeksiyon sa loob ng katawan ang babae at ang mga buntis naman na mayroong STDs o sexually transmitted diseases ay maaring maipasa ang kanilang sakit sa sanggol na nasa sinapupunan nila. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Corazon M. Raymundo (2001), 35% ng maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa hayskul. Ang mga kabataang ito ay sumusuong sa pakikipagtalik na walang ideya sa maaaring epekto nito tulad ng maagang pagbubuntis o "early pregnancy", at pagkakaroon ng "sexually transmitted diseases". Sa katunayan, 80% sa mga kabataang aktibo sa sex ay hindi gumagamit ng kahit anong kontraseptib. Ang pag-inom ng alkohol at ang paggamit ng ilang ipinagbabawal na gamot na nakakabawas sa inhibisyon ng isang tao ay isa marahil sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga hindi pinagplanuhang sekswal na gawain. Ayon kay Leonard Sax (2002), isang doctor at manunulat sa sekswalidad, ang mga kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng sekswal na aktibidad dahil ito ay nakakatanggal ng "hiya at sakit". Habang lumalaki ang mga bata, makakatagpo sila ng mga sitwasyon kung saan kailangan nilang gumawa ng mahalagang pagdedesisyon hinggil sa mga relasyon, sekswalidad at pag uugaling pangsekswal. Ang mga pagpapasyang gagawin ng mga kabataang ito ay maaaring makaapekto sa kanila sa buong buhay nila (Hauser at Bridges, 2014). II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Sa pag-aaral na ito, inaasahang masasagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang mga salik na sa tingin mo ay nag uudyok sa maagang pagbubuntis? 2. Ano ang mga negatibong epekto ng maagang pagbubuntis? 3. Solusyon upang mapigilan ang maagang pagbubuntis III. IMINUMUNGKAHING INOBASYON AT INTERBENSYON Ang mga sumusumod na interbensyon ay gagamitin sa pag-aaral na ito: Comprehensive Sex Education ang sa tingin kong pinakaunang gabay upang maiwasan o mabawasan ang bilang ng mga kabataang nabubuntis sa murang edad. Kailangang mamulat, mabigyang kaliwanagan ang kanilang mga isipan at maipaunawa ng maayos ang tungkol sa isyung ito. Sa pagpapatupad nito, kailangan ang matinding gabay ng mga guro at mga magulang upang maging epektibo ang nasabing solusyon pagka't maaring maging iba ang pagkakaintindi nila sa bagay na ito. Ang comprehensive sex education ay ipatutupad hindi dahil upang himukin ang mga kabataan bagkus ay ipaliwanag at palawakin pa lalo ang kaalaman pagdating sa seksuwalidad, maging gabay, makatulong sa pag gawa ng naaayon na desisyon at upang tuluyan ng mapababa ang bilang ng mga kabataang nagiging ina sa murang edad. Ang pangalawang gabay ay ang Family planning at paggamit ng contraceptives. Mahalaga ang family planning upang makontrol ang panganganak ng isang babae. Ang contraceptives ay isang mabisang paraan upang mapigilan ang pagbubuntis, maaaring gumamit ng condom ang lalaki, pills or injectables naman sa mga babae. Sa pahayag na ito, hindi namin hinihimok ang mga kabataan na gumamit ng mga nabanggit na contraceptives, ito ay paalala lamang dahil may mga kabataan na talagang mapusok at minamadali ang mga bagay bagay ng hindi iniisip ang magiging kahihinatnan ng kanilang binabalak gawin. Ang paggamit ng contraceptives ay makaiiwas sa anumang sexually transmitted diseases. Gumawa ng mga poster o slogan na may kinalaman sa mga negatibong epekto ng maagang pagbubuntis, upang kahit papaano ay magkaroon ng takot ang mga kabataan na gawin ang mga bagay na hindi naaayon, at ng kanilang maisip ang mga posibleng magiging epekto nito. Para sa mga magulang, bantayan ang inyong anak, kamustahin, unawain at iparamdam ang pagmamahal, may ilang kabataan ang nagrerebelde dahil hindi nila maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang na marahil ay nahanap niya sa ibang tao. Ang mga kabataan ay dapat na makinig sa mga magulang, dahil tanging kapakanan at ang magiging kinabukasan mo lamang ang kanilang inaalala. Pagandahin ang ugnayan at relasyon sa bawat pamilya, maging bukas sa lahat ng bagay, at maging totoo at magkaroon ng maayos na komunikasyon. Iwasan ang panonood ng malalaswang palabas lalo na kung ikaw ay wala pa sa tamang edad dahil diyan maaring mapukaw ang iyong interes at kuryosidad na mag uudyok sa iyo upang subukan ang bagay na iyon. Kailangan ang matinding patnubay at gabay ng magulang ang mga kabataan. IV. METODOLOHIYA NG AKSIYON RESIRTS A. Mga kalahok ng pag-aaral Ang mga kalahok na aming pinili ay ang mga kabataang naging ina at ama sa murang edad. Bago namin sinimulan ang pagsusurbey ay hiningi namin ang kanilang konsent upang pahintulutan kaming magsurbey. B. Paraan ng pagkalap ng impormasyon Gumamit kami ng surbey at statistikal na paraan upang makalikom ng sapat na datos o impormasyon sa aming mga napiling respondente. Sa bawat tanong ay may apat na pagpipilian, pipili ang kalahok ng isang sagot sa bawat katanungan, ganoon din ang gagawin sa pangalawa at pangatlong katanungan. C. Desinyo ng pag-aaral Sa aming ginawang pag-aaral ay gumamit kami ng deskriptibong metodolohiya (Descriptive Survey Research), at mga talatanungan (Questionnaire) upang makalikom ng datos sa mga kalahok na aming pinili. Plano sa pag aanalisa ng datos Aanalisahin ang mga datos na nakalap batay sa gamit ng statistikal na instrumento na akma sa metodo. Sa pamamagitan ng surbey, dito na malalaman kung ano ba ang ang mag salik, negatibong epekto at solusyon sa maagang pagbubuntis. TALAHANAYAN 1: DAMI AT PORSENTO NG PAMAMAHAGI NG MGA RESPONDENTE SA TUNTUNIN NG EDAD EDAD BILANG BAHAGDAN 15 2 13% 16 0 0 17 1 7 18 6 40% 19 6 40% N=15 100% Sa labinlimang(15) kalahok na aming pinili, 2 o 13% sa kanila ay may edad na 15. 1 o 7% ang may edad na 17 at parehong 6 o 40% ang may edad na 18 at 19. TALAHANAYAN 2: ANO ANG MGA SALIK NA SA TINGIN MO AY NAG-UUDYOK SA MAAGANG PAGBUBUNTIS? PAMANTAYAN BILANG BAHAGDAN Kakulangan sa sex education 9 60% Social Media/ Internet 4 27% Peer Pressure 2 13% Kahirapan 0 N=15 100% Ayon sa talahanayan 2, 60% ang nagsabing kakulangan sa edukasyon ang isa sa mga salik na pinaka nag-uudyok sa maagang pagbubuntis, 27% ang nagsabing ito marahil ay dahil sa social media/internet at 13% naman sa peer pressure. TALAHANAYAN 3: ANO ANG MGA NEGATIBONG EPEKTO NG MAAGANG PAGBUBUNTIS? PAMANTAYAN BILANG BAHAGDAN Pagkakaroon ng sakit na may kaugnayan sa maagang pagbubuntis 1 7% Pagkasira ng kinabukasan 3 20% Aborsiyon 3 20% Emosoyonal, Mental at Pisikal na kalagaya 8 53% N=15 100% Sa ginawang surbey, 53% sa mga kalahok ang nagsabing Emosyonal, Mental at Pisikal na kalagayan ang isa sa pinakanegatibong epekto ng maagang pagbubuntis, sumunod ay ang aborsiyon at pagkasira ng kinabukasan na parehong nakakuha ng 20% mula sa mga kalahok, at 7% ang nagsabing pagkakaroon ng sakit may kaugnayan sa maaagang pagbubuntis ang maaaring maging epekto nito. TALAHANAYAN 4: SOLUSYON UPANG MAPIGILAN ANG MAAGANG PAGBUBUNTIS. PAMANTAYAN BILANG BAHAGDAN Pagkakaroon ng matibay na ugnayan at relasyon 6 sa pamilya 40% Malawakang pagturo ng sex education 6 40% Family Planning/Contraceptives 2 13% Iwasan ang panonood ng malawakang palabas 1 7% N=15 100% Ayon sa talahanayan 4, parehong 40% ang nagsabing pagkakaroon ng matibay na ugnayan at relasyon sa pamilya at malawakang pagturo ng sex education ang pinakamabisang solusyon upang mapigilan ang teen-age pregnancy, 13% ang nagsabing Family planning/contraceptives, 7% naman ang nagsabing iwasan ang panonood ng malalaswang palabas. IV. Plano sa pagsisimula ng programa Talahanayan 1: MGA SKEDYUL SA PAGSISIMULA NG PROGRAMA Gawain Pagpili ng kalahok Oryentasyon Implementasyon Paglikom ng datos at pag aanalisa Interpretasyon ng resulta Paggawa ng konklusiyon at rekomendasyon ABRIL 1 2 3 MAYO 4 1 2 HUNYO 3 4 1 2 3 4 Sa unang linggo ng Marso isinagawa ang pagpili ng mga kalahok, ang mga kalahok ay mga kabataang naging ina at ama sa murang edad. Oryentasyon sa loob ng dalawang linggo, mahalagang maipaliwanag ng maayos ang mga kaalaman tungkol sa teen-age pregnancy. Sa ikalawang buwan ay ang implementasyon, sa pagsasagawa nito kailangan ang matinding gabay at patnubay ng mga guro at mga magulang, sunod ay ang paglikom ng datos at pag-aanalisa ng mga nakuhang sagot sa isinagawang surbey. Sa ikatlong buwan ay ang pagbibigay ng interpretasyon sa naging resulta at paggawa ng konklusiyon o rekomendasyon. TALAHANAYAN 2: PLANO SA PAGPAPALAGANAP AT PAGGAMIT SA RESULTA NG AKSIYON RESIRTS. PLANO NG AKTIBITIS Pagpupulong ng mga guro/ magulang Ibahagi sa loob ng paaralan sa LAC session Ipaalam sa magulang ang mga plano 1 BUWAN / / / Rekomendasyon na may kaugnayan sa pag-aaral ng ibang guro / Mungkahing interbensyon at midyum na gagamitin sa mga aktibitj / 2 BUWAN 3 BUWAN TALAHANAYAN 3: ANG MGA NAKATALA SA IBABA AY ANG MGA KAGAMITAN PARA SA RESIRTS. SA BAWAT AYTEM AY MAY PRESYONG KAAKIBAT. KWANTITY MGA MATERYAL PRESYO Bond paper KABUUHAN 230.00 1 ream 230.00 Kalpeta 8.00 4 32.00 Ballpen/ Lapis 7.00 2 14.00 Gastusin sa komunikasyon 150.00 Gastusin sa paglalakbay 150.00 Kabuuan 576.00 V. PAGPAPLANO A. Unang pagpaplano Petsa/buwan Aktibiti Unang tatlong linggo ng Marso Sa unang linggo ng marso ay sisimulan na ang pagpili ng mga kalahok, ang mga maaari lamang sumagot sa aming survey ay ang mga batang ama at ina. Ngunit lahat ay maaaring lumahok dahil para ito sa kaalaman ng lahat mapabata man ito o matanda. Sa sumunod na ikalawa at ikatlong linggo ay gagawin ang oryentasyon sa mga kabataan, ipapabatid ang maaring magimg resulta ng Teen-age pregnancy. Hihimukin ang mga kabataan na maging matalino sa pagdedesisyon pagdating sa mga bagay bagay at hihikayatin ang magulang na kung maaari ay bantayan ng maayos ang kanilang mga anak at gabayang mabuti. B. Kalagitnaang Plano Petsa/buwan Aktibiti Ikaapat na linggo ng Marso hanggang sa huling linggo ng Abril ay gagawin ang nasabing implementasyon. Makikipag ugnayan sa paaralan at baranggay sa pag oorganisa ng nasabing programa. Maghahanap ng maaaring magsalita sa unahan na naranasan ang pagiging isang batang ina upang magkwento kung ano ang mga pinagdaanan niya. Ang planong ito ay gagawin sa tulong ng mga guro, magulang at iba pang mga kalahok. Kailangan ng buong suporta sa pagpapatupad ng mga programa upang maging epektibo ang pagpapatupad nito. C. NATAPOS NA PAGPAPLANO Petsa/buwan Aktibiti Unang linggo hanggang huling linggo ng Mayo Sa tulong ng mga guro, magulang at speaker, ito ay masasakatuparan na ang tanging layunin ay ang mabigyang kaalaman ang bawat isa mga maaring salik o negatibong epekto ng maagang pagbubuntis. Ang pagkakaroon ng kaalaman at ideya sa isang bagay ay mag iiwas sa iyo sa maaaring kapahamakan. Sanggunian: https://www.academia.edu/33189396/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_LITERATURA https://www.academia.edu/31298264/_EPEKTO_NG_MAAGANG_PAGBUBUNTIS_E DAD_15_19_Isang_Pananaliksik_na_Iniharap_Kay https://ph.theasianparent.com/epekto-ng-maagang-pagbubuntis https://buntis.info/maagang-pagbubuntis/ https://pdfcoffee.com/teenage-pregnancy-6-pdf-free.html